~ ~g,i · tagapagpatupad ng mga batas trapiko ay nagsagawa ng pag-aaral upang mablgyan ng...

4
,,.- ~~G,i ,_ Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA Province of Laguna OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA·DALAWAMPU'T TATLONG PANGKARANIWANG PULONG NG S ANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA· 13 NG HUNYO, 2011 SA BULWAGANG P ULUNGAN NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA. Mga Dumalo: 1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ 2. Kgg.LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 4. Kgg . LAUDEMER A. CARTA 5. Kgg. MA. THERESA C. AALA 6. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 7. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 8. Kgg. ERIC T. PUZON 9. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 10. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO 11. K gg. RODRIGO B. MALAPITAN 12. Kgg. INA CLARIZA B. CARTAGENA Di-dumalo: 1. Kgg. ANTONIA T. LASERNA - Pangalawang Punong-lungsod, Namuno - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng samahan ng mga Punong- Barangay - Kagawad, Pangulo ng 5angguniang Kabataan Pe derasyon - Kagawad * ******************* KAUTUSANG PANLUNGSOD BLG. 1721- 2011 (Sa mungkahi ng Lupon ng Transportasyon) ANG KAUTUSANG PANLUNGSOD NA NAGPAPANIBAGONG BATAS SA PAGBABAWAL SA PAGH IMPIL SA M GA mNAKDANG DAAN/LANSANGAN AT PAGPAPATUPAD NG PAGH ILA ( TOWING) AT PAGTATAKDA NG KAUKULANG PARUSA SA MGA LALABAG. SAPAGKA'T, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, Laguna na mapanatiling malinis at walang sagabal sa mga daan at l ansangan sa nasasakupan ng buong Lungsod ng Santa Rosa, Laguna at bi gyan ng pangunahing lunas ang lumulubhang suliranin sa daloy ng trapiko; _ ·sAPAGKA'T, sa kabila ng pagsasakatupadan ng mga proyektong pang-nasyonal, panlalawigan at panlungsod na siyang nagsasa-ayos at nagpapalapad ng mga daan upang maging handa sa dami ng mga sasakyang nag-yayaot sa lungsod ay nagiging sagabal pa rin ang paggamit ng mga daan at lansangan bilang paradahan o garahe o himpilan ng mga sasakyan; SAPAGKAT, ang paglubha ng daloy ng trapiko sa kalunsuran ay nakaka-apekto di lamang sa mga pribadong motorista kundi pati na rin sa mga mag-aaral, mga manggagawa at iba pang mga mamamayan na mananakay ng mga pampublikong sasakyan sa Lungsod ng Santa Rosa; SAPAGKA'T, ang Lupon ng Transportasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Tagapagpatupad ng mga Batas Trapiko ay nagsagawa ng pag-aaral upang mablgyan ng pangunahing lunas ang suliraning tinatalakay ng kautusang itO. I "Ser bisyong M akatao, L ungsod na Makabago!"

Upload: others

Post on 27-Oct-2019

20 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

~,~ ,,.-

~~ ~ ~G,i ,_ Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD SIPI MULA SA KATITIKAN NG IKA·DALAWAMPU'T TATLONG PANGKARANIWANG PULONG NG SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA NA IDINAOS SA ARAW NG LUNES, IKA· 13 NG HUNYO, 2011 SA BULWAGANG PULUNGAN NG LUNGSOD NG SANTA ROSA, LAGUNA.

Mga Dumalo:

1. Kgg. ARNEL DC. GOMEZ

2. Kgg.LUISITO B. ALGABRE 3. Kgg. MYTHOR C. CENDANA 4. Kgg. LAUDEMER A. CARTA 5. Kgg. MA. THERESA C. AALA 6. Kgg. PETRONIO C. FACTORIZA 7. Kgg. RAYMOND RYAN F. CARVAJAL 8. Kgg. ERIC T. PUZON 9. Kgg. PAULINO Y. CAMACLANG, Jr. 10. Kgg. EDWARD FERNANDITO S. TIONGCO 11. Kgg. RODRIGO B. MALAPITAN

12. Kgg. INA CLARIZA B. CARTAGENA

Di-dumalo:

1. Kgg. ANTONIA T. LASERNA

- Pangalawang Punong-lungsod, Namuno

- Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad - Kagawad, Pangulo ng

samahan ng mga Punong­Barangay

- Kagawad, Pangulo ng 5angguniang Kabataan Pederasyon

- Kagawad

******************** KAUTUSANG PANLUNGSOD BLG. 1721-2011

(Sa mungkahi ng Lupon ng Transportasyon)

ANG KAUTUSANG PANLUNGSOD NA NAGPAPANIBAGONG BATAS SA PAGBABAWAL SA PAGHIMPIL SA MGA mNAKDANG DAAN/LANSANGAN AT PAGPAPATUPAD NG PAGHILA ( TOWING) AT PAGTATAKDA NG KAUKULANG PARUSA SA MGA LALABAG.

SAPAGKA'T, layunin ng Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, Laguna na mapanatiling malinis at walang sagabal sa mga daan at lansangan sa nasasakupan ng buong Lungsod ng Santa Rosa, Laguna at bigyan ng pangunahing lunas ang lumulubhang suliranin sa daloy ng trapiko; _

·sAPAGKA'T, sa kabila ng pagsasakatupadan ng mga proyektong pang-nasyonal, panlalawigan at panlungsod na siyang nagsasa-ayos at nagpapalapad ng mga daan upang maging handa sa dami ng mga sasakyang nag-yayaot sa lungsod ay nagiging sagabal pa rin ang paggamit ng mga daan at lansangan bilang paradahan o garahe o himpilan ng mga sasakyan;

SAPAGKAT, ang paglubha ng daloy ng trapiko sa kalunsuran ay nakaka-apekto di lamang sa mga pribadong motorista kundi pati na rin sa mga mag-aaral, mga manggagawa at iba pang mga mamamayan na mananakay ng mga pampublikong sasakyan sa Lungsod ng Santa Rosa;

SAPAGKA'T, ang Lupon ng Transportasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Tagapagpatupad ng mga Batas Trapiko ay nagsagawa ng pag-aaral upang mablgyan ng pangunahing lunas ang suliraning tinatalakay ng kautusang itO. I

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!"

r '

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD Pahina 2- Kt. Big. 1721-2011

KAYA'T, sa pamamagitan ng isang mungkahing pinangalawahan ay:

IPINASISIYA, tulad ng dito'y ginagawang PAGPAPASIYA at ngayon nga ay IPINASIYA ang pagpapatibay sa Kautusang Panlungsod na nagpapanibagong batas sa pagbabawal sa paghimpil sa mga itinakdang daan/lansangan at pagpapatupad ng paghila ( towing) at pagtatakda ng kaukulang parusa sa lalabag, na tutugon sa sumusunod na tadhanain:

SEKSIYON 1. lTfULO - Ang kautusang ito ay kikilanin bilang batas na magpapatupad ng pagababawal ng paghimpil/pagparada sa mga daan/ lansangan sa Lungsocl ng Santa Rosa, Laguna at paghila/pag-alis ( TOWING) ng mga sasakyang lumalabag sa alinmang tadhanain ng kautusang ito.

SEKSIYON 2. NASASAKUPAN - Ang Kautusang ito ay magpapatupad ng pagbabawal sa pagparada/paghimpil/pagtatambak ng anumang uri ng sasakayan sa kahabaan ng Daang Pangnasyonal/Panlalawigan, Panlungsocl at mga Daang Pambarangay at Daang Tao ( Sidewall() ng mga nabanggit na mga daan sa nasasakupan ng kabuuan ng Lungsocl ng Santa Rosa, Laguna.

SEKSIYON 3. PANLUNGSOD NA PATAKARAN. Ang alinmang sasakyan na lumalabag sa kautusang ito ay ipahihila/ iaalis ng Pamahalaang Lungsocl o ng kinikilalang kinatawan ng Pamahalaang Lungsod at ilalagak sa ilafagay sa lugal pigilan (impounding area).

SEKSIYON 4. KAHULUGAN NG MGA SALITA O TERMINO BILANG GAMIT SA KAUTUSANG ITO:

a. SASAKYAN - ginagamit bilang panlupang transportasyon, pampubliko man o pampribadong gamit, mayroong gulong, may makina ( engine) man o wala, kabilang ang tricycle, trayler ( trai/ei') o, container van, pedicab/ tri-bike.

b. NAKAPARADA/NAKAHIMPIL - nakatigil na mga sasakyan sa anumang dahilan sa mga lugal na ipinagbabawal at isinasaad ng kautusang ito sa mga sumusunod na pagkakataon:

1. Kung ang sasakyan ay nakatigil sa ipinagbabawal na lugal ng mahigit sa LABING-UMANG (15) minuto, walang nagmamaneho/drayber na nakaupo/nakasakay sa lugal na nakatalaga, buhay/na-andar man o hindi ang makina (nangangahulugan ng "illegal Parking'');

2. Kung ang sasakyan ay mayroong nagmamaneho o drayber na nakaupo sa lugal na nakatalaga sa kanya buhay ang makina o naandar subali't lumampas ng labing-limang (15) minuto ang pagtigil sa pinagbabawal na fugal;

3. Kung ang sasakyan ay nakaparada o nakahimpil dahilan sa nasiraan at tubhang nakakasagabal sa daloy ng trapiko.

k. NAKATAMBAK - mga sasakyang sira/ luma na at hindi nagagamit at permanenteng nakaparada o nakahimpil sa ipinagbabawal na lugal kabilang dito ang mga t reyler (trailer) o "container van".

d. PAGHILA/ "TOWINGn - paggamit ng lehitimong sasakyan upang gamitin sa paghila (tow truck} na siyang magdadata o maglalagak ng mga sasakyang lumabag sa itinalagang lugal pigilan (impounding area}.

e. LUGAL LAGAKAN (IMPOUNDING AREA) - fugal na itinalaga ng Pamahalaang Lungsod o itinalagang kinatawan ng Pamahalaang Lungsod na siyang magsisilbing lagakan ng sasakyang lumabag sa kautusang Ito. /

"Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!"

--

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

-

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD Pahina 3 - Kt. Big. 1721-2011

SEKSIYON 5. PAGPAPATUPAD NG PAGHILA/PAG-AAUS (TOWING) NG MGA SASAKYANG LUMABAG SA KAUTUSAN.

Matapos mapagtibay at magkabisa ang Kautusang ito, ang mga sasakyang lumalabag/nakaparada/nakahimpil/nakatambak sa mga ipinagbabawal na lugal at isinasaad sa Seksiyon 2 ng kautusang ito ay hihilahin/aalisin at ilalagay sa nakatalagang lugal lagakan/pigilan (impounding area) kung saan ay maaring kunin at tubusin ng may-ari sa halagang itinalaga ng kautusang ito.

SEKSIYON 6. KAUKULANG MULTA/KABAYARAN SA PAG-AAUS/PAGHILA (TOWING) NG SASAKYAN. Ang sasakyang nahila/naialis sa dahilang ito ay ipinarada/inihimpil o itinambak sa mga ipinagbabawal na lugal ay maaaring muling angkinin/kunin ng may-ari matapos rnagbayad ng sumusunod na multa o kabayaran sa pag-aalis/paghila ng sasakyan, tulad ng sumusunod:

1. Mga sasakyang nakaparada/nakahimpil sa mga ipinagbabawal na lugal sanhi ng pagkasira o sa anumang dahilan ay hindi maialis o mapaandar: "Light and four wheeled vehicles" - FIVE HUNDRED PESOS (PS00.00) sa UNANG UMANG (5) KILOMETRO; !SANG DAAN UMAMPUNG PISO (PlS0.00) sa bawa't kilometrong karagdagan nguni't hindi lalampas sa halagang DALAWANG UBONG PISO (P2,000.00);

"Six to eight-Wheeled Vehicles" - !SANG UBONG PISO (Pl,000.00) sa UNANG limang (5) KILOMETRO; APAT NA RAANG PISO (P400.00) sa bawa't karagdagang kilometro nguni't hindi lalampas sa APAT NA UBO UMANG DAANG PISO (P4,SOO.OO);

"Ten-wheeled Vehicles" - !SANG UBONG PISO (Pl,000.00) sa UNANG limang (5) kilometre UMANG DMNG PISO (PS00.00 sa bawa't karagdagang kilometre nguni't hindi lalampas sa PITONG UBONG PISO (P7,000.00);

2. Kung ang sasakyan ay hindi kinukuha o hindi tinutubos sa lugal pigilan sa loob ng DALAWAMPU'T APAT (24) NA ORAS, simula sa Ikalawang araw, ang pagtubos ay papatawan na ng butaw o "impounding fee" sa kada araw batay sa lakl at uri ng sasakyan tulad ng sum usu nod:

a. Apat (4) na gulong pataas b. Tricycle/Motorcycle c. Tri-bike pedicab

P200.00/araw 50.00/araw 20.00/araw

3. Ang mga sasakyang luma/sira na hindi tinutubos pagkaraan ng isang (1) buwan ay isusubasta at ang mapagbibilhan ay ipapasok sa kabang-bayan. Ito ay isasagawa matapos na ipabatid o mapatalastasan ang may-ari ng sasakyan.

SEKSIYON 7. KAPANGYARIHAN NG PUNONG-LUNGSOD - Upang maging epektibo at maayos ang pagpapatupad sa Kautusang ito, ang Punong-lungsod ay binibigyan ng karapatan at kapangyarihan, tulad ng sumusunod:

a. Magtalaga, magbuo at lumikha ng tanggapan o sangay ng kakatawan sa kanyang tanggapan na mangangasiwa sa pagpapatupad ng Kautusang ito; maglaan ng kaukulang pondo kung k/nakailangan;

b. Makipag-ugnayan sa ibang Ahensiya/Tanggapang pang-nasyonal na may kinalaman sa pagpapatupad ng batas transportasyon at trapiko;

I "Serbisyong Makatao, Lungsod na Makabago!"

.

Republic of the Philippines CITY OF SANTA ROSA

Province of Laguna

OFFICE OF THE SANGGUNIANG PANLUNGSOD Pahina 4- Kt. Big. 1721-2011

c. Magbanghay/magsagawa ng iba pang alituntunin at patakaran (implementing guidelines) para sa mas maayos na pagpapatupad ng kautusang ito;

d. Sa mungkahi ng mga kinauukulang tanggapan ng sektor, magtalaga/ magdeklara o magpatalastas ng mga lugal na ipinagbabawal na himpilan at mga lugal na maaaring himpifan sa lahat ng daan/lansangan sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

SEKSIYON 8. PAGPAPAWALANG-BISA SA MGA NAUNANG KAUTUSANG/KAPASIYAHAN - Ang lahat ng nauna o alinmang Kapasiyahan, Kautusan, Alituntunin o kabahagi ng alinmang naunang pinagtibay na Kapasiyahan/Kautusan o Alituntunin na salungat sa itinatadhana ng Kautusang ito ay itinuturing na nasusugan/na-amyendahan o pinawawalang-bisa.

SEKSIYON 9. EPEKTO SA DEKLARASYONG LABAG SA BATAS O SAUGANG BATAS (Constitution)- Kung sakaling ang kautusang ito o alinmang bahagi ng Kautusang ito ay ideklarang labag sa umiiral na batas o sa itinatadhana ng Saligang Batas (Constitution) ang natitirang bahagi ay mananatiling may-bisa at epekto.

SEKSIYON 10. PAGPAPAIRAL/PAGPAPATUPAD - Ang kautusang ito ay magkakabisa at iiral matapos na mapagtibay at labing-limang (15) araw matapos maipahayag sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapaskil ng kabuuang kautusan sa mga hayag na lugal sa lungsod, paglalagay ng mga permanenteng patalastas (biilboards) sa hayag na lugal at matapos mailathala sa mga pahayagang may sirkulasyon sa Lungsod at sa buong rehiyon.

BUONG PAGKAKAISANG PINAGTIBAY.

PATOTOO: Pinatutunayan ko na ang Kautusang ito ay pinagtibay para sa Ikatlong Pagbasa at sinipi mula sa

Katitikan ng Ika-dalawampu't tatlong Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlungsocl noong Ika- 13 ng Hunyo, 2011. J

Pinatotohanan:

ARNEL~MEZ Pangalawang Punong-lungsocl

CYNTH~ M. GOMEZ Kalihim Panlungsocl

Pinagtibay:

A~li L~ Punong-lungsod

"Serbisyong Makatao, Lungsod na MakabagoP'