0 ) ' '! i · amalagiang tungkulin ng bagong hukbong bayan (bhb) ang pagpapala-kas sa...

10
EDITORYAL I tinatakwil ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang ba- gong "oplan" ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapan- linlang na tinaguriang "Oplan Kapayapaan". Ang bagong oplan na ito ay isi- napubliko nitong Enero 9. Ipinalit ito ng AFP sa Oplan Bayanihan na nata- pos noong Disyembre 31, 2016 at bi- go sa layuning ipawalangsaysay ang BHB sa kabila ng paglulunsad ng to- dong-opensiba sa Mindanao at iba pang rehiyon sa bansa sa nagdaang mga taon. Ito’y isang panibago na namang plano para sa gerang panunupil la- ban sa mamamayan. May bago na namang maskara ang AFP na pang- kubli sa kamuhi-muhing mukha ng pasistang pananalasa at kalupitan ng mga armadong tropa nito. Nagkukunwari ang AFP na inaa- sahan nitong “makikipagtulungan” ang rebolusyonaryong kilusan sa ba- gong oplan para diumano matamo ang kapayapaan. Inaakala ng AFP na mabubuyo nito ang Partido na pala- wigin pa ang tigil-putukan kahit wa- lang-lubay ang mga opensibong operasyon at pagyurak nito sa kara- patang-tao sa mga sona at baseng gerilya at kahit wala pang makabu- luhang natatamo ang bayan sa usa- pang pangkapayapaan. Hindi pa man inilalabas ang mga detalye ng bagong oplan na ito, ma- linaw nang ito'y nakatuon sa pagsu- pil sa masang api at sa kanilang mga pakikibaka. Idineklara ng AFP na sa ilalim ng bago nitong oplan, hindi iaatras ang mga armadong yunit nito sa mahigit 500 baryong kasaluku- yang sinasakop nito. Ipagpapatuloy sa ilalim ng bagong oplan na ito ang triad o tatluhang operasyong say- war, intelidyens at kombat. Isang malaking kasinungalingan ang pinalalabas ng AFP na ang pre- sensya ng mga armadong tropa nito sa gitna ng mga baryo ay tugon nila sa "kahilingan" ng mga upisyal ng NAGSIMULA NA NITONG Enero 19 sa Rome, Italy, ang ikatlong round sa serye ng peace talks sa pagitan ng NDFP at GRP na magtatapos sa Enero 25. Layunnn ng usapan ang pagta- lakay sa sustantibong adyenda ng sosyo-ekonomikong mga re- porma. Dito’y magpapalitan at magkakaisa ang dalawang panig sa inihanda na nilang mga bo- rador para sa Comprehensive Agreement on Socio-economic Reforms (CASER). Sa pagbubukas sa negosa- syon, sinabi ni Prof. Jose Maria Sison, pinunong pampulitikang tagapagayo ng NDFP panel, na maaaring patuloy na mag-usap sa mabuting paraan ang dala- wang panel hangga't tumutugon ang usapan sa ugat ng arma- dong tunggalian at pagsisikap na mapunuan ang mga kahingi- an ng mamamayan para sa ba- tayang panlipunan, pang-eko- nomya at pampulitikang mga reporma. Ito’y upang mailatag ang pundasyon ng makataru- ngan at pangmatagalang kapa- yapaan at itatag ang isang Pili- pinas na tunay na nagsasarili, demokratiko, makatarungan, masagana at maunlad. Inilinaw ng NDFP na handa rin itong makipag-alyansa sa GRP at gubyernong Duterte sa pagtatag ng Pederal na Repub- lika ng Pilipinas na magbubuo ng bagong konstitusyon para sa pambansang kasarinlan, de- mokrasya, kaunlarang pang-

Upload: others

Post on 30-Oct-2019

24 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANG

EDITORYAL

Tomo XLVI I I Blg. 2

Enero 21, 2017

www.cpp.ph

Ibasura ang OplanKapayapaan ng AFP!

Itinatakwil ng Partido at buong rebolusyonaryong kilusan ang ba-gong "oplan" ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapan-linlang na tinaguriang "Oplan Kapayapaan".

Ang bagong oplan na ito ay isi-napubliko nitong Enero 9. Ipinalit itong AFP sa Oplan Bayanihan na nata-pos noong Disyembre 31, 2016 at bi-go sa layuning ipawalangsaysay angBHB sa kabila ng paglulunsad ng to-dong-opensiba sa Mindanao at ibapang rehiyon sa bansa sa nagdaangmga taon.

Ito’y isang panibago na namangplano para sa gerang panunupil la-ban sa mamamayan. May bago nanamang maskara ang AFP na pang-kubli sa kamuhi-muhing mukha ngpasistang pananalasa at kalupitanng mga armadong tropa nito.

Nagkukunwari ang AFP na inaa-sahan nitong “makikipagtulungan”ang rebolusyonaryong kilusan sa ba-gong oplan para diumano matamoang kapayapaan. Inaakala ng AFP namabubuyo nito ang Partido na pala-wigin pa ang tigil-putukan kahit wa-

lang-lubay ang mga opensibongoperasyon at pagyurak nito sa kara-patang-tao sa mga sona at basenggerilya at kahit wala pang makabu-luhang natatamo ang bayan sa usa-pang pangkapayapaan.

Hindi pa man inilalabas ang mgadetalye ng bagong oplan na ito, ma-linaw nang ito'y nakatuon sa pagsu-pil sa masang api at sa kanilang mgapakikibaka. Idineklara ng AFP na sailalim ng bago nitong oplan, hindiiaatras ang mga armadong yunit nitosa mahigit 500 baryong kasaluku-yang sinasakop nito. Ipagpapatuloysa ilalim ng bagong oplan na ito angtriad o tatluhang operasyong say-war, intelidyens at kombat.

Isang malaking kasinungalinganang pinalalabas ng AFP na ang pre-sensya ng mga armadong tropa nitosa gitna ng mga baryo ay tugon nilasa "kahilingan" ng mga upisyal ng

. . . sundan sa pahina 3

Ikatlo sa serye

ng peace talks,

nagsimula na

NAGSIMULA NA NITONG Enero19 sa Rome, Italy, ang ikatlonground sa serye ng peace talks sapagitan ng NDFP at GRP namagtatapos sa Enero 25.Layunnn ng usapan ang pagta-lakay sa sustantibong adyendang sosyo-ekonomikong mga re-porma. Dito’y magpapalitan atmagkakaisa ang dalawang panigsa inihanda na nilang mga bo-rador para sa ComprehensiveAgreement on Socio-economicReforms (CASER).

Sa pagbubukas sa negosa-syon, sinabi ni Prof. Jose MariaSison, pinunong pampulitikangtagapagayo ng NDFP panel, namaaaring patuloy na mag-usapsa mabuting paraan ang dala-wang panel hangga't tumutugonang usapan sa ugat ng arma-dong tunggalian at pagsisikapna mapunuan ang mga kahingi-an ng mamamayan para sa ba-tayang panlipunan, pang-eko-nomya at pampulitikang mgareporma. Ito’y upang mailatagang pundasyon ng makataru-ngan at pangmatagalang kapa-yapaan at itatag ang isang Pili-pinas na tunay na nagsasarili,demokratiko, makatarungan,masagana at maunlad.

Inilinaw ng NDFP na handarin itong makipag-alyansa saGRP at gubyernong Duterte sapagtatag ng Pederal na Repub-lika ng Pilipinas na magbubuo ngbagong konstitusyon para sapambansang kasarinlan, de-mokrasya, kaunlarang pang-

Page 2: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

Enero 21 , 2017 ANG BAYAN2

ang pagbawi rito, kahit pa bukas itosa pagpapatuloy ng mga negosasyon.

Tulad ng lahat ng nagdaang op-lan ng AFP, ang bagong oplan ay pi-nagtibay sa direksyon ng US at hi-nalaw sa doktrina nito ng "coun-terinsurgency." Ang AFP ay sinasa-nay, pinopondohan at inaarmasan ngimperyalismong US upang gamitin sapaggapi sa pakikibaka ng mamama-yang Pilipino para sa pambansa atpanlipunang paglaya.

Dapat puspusang ilantad angpanloloko sa likod ng Oplan Kapaya-paan. Gagamitin ito ng AFP satangkang pagtakpan ang mabangis nagera sa paglalarawan dito bilangisang plano para sa "suportangpangkaunlaran at seguridad." Wa-lang ihahatid na "pag-unlad" ang AFPkundi yaong nagsisilbi sa interes ngmalalaking kumpanya sa pagmimina,malalaking plantasyon, malalakingasendero at iba pang mandarambongat mangangamkam ng lupa.

Dapat ibasura ng sambayanangPilipino ang Oplan Kapayapaan. Da-pat kundenahin ang AFP sa patuloyna paglulunsad ng mabangis na dig-ma laban sa masang magsasaka at sapagpapatindi nito ng kampanya ngpanlilinlang. Kasabay nito, dapatring pukawin ang mamamayang Mo-ro na paigtingin ang kanilang arma-do at di armadong paglaban sa pa-nanalasang militar sa kanilang lupainat mga pamayanan.

Dapat paigtingin ang anti-pasis-tang mga pakikibaka laluna sa kana-yunan. Dapat batikusin ang mgapaglabag sa mga karapatang-tao. Saharap ng militarisasyon at panunu-pil, dapat isabay ang pakikibakanganti-pasista sa mga pakikibakangantipyudal at anti-imperyalista ngmasang magsasaka.

Katulad ng lahat ng naunangoplan ng AFP, mabibigo rin angOplan Kapayapaan sa layunin na ga-piin ang demokratikong paglaban atarmadong pakikibaka ng bayan. Ha-bang pinatitindi ng AFP ang gerangpanunupil nito, sa harap ng tumitin-ding pang-aapi at pagsasamantala,tiyak na lalo pang sisiklab at lala-gablab ang apoy ng digmang bayansa buong bansa.

Editoryal:Ibasura ang Oplan Kapayapaan 1

Ika-3 round ng peace talks, nagsimula na 1

Programang CLIP, pinalawak 3

Pagsasanay sa NEMR 4

Engkwentro sa ComVal 5

Social media para sa rebolusyon 6

Kampanyang propaganda sa Panay 7

Ulos-TK, inilabas na 8

Mga sakada, tumakas sa H.Luisita 8

Dole Order 168, kinundena 9

Paligsahang Miss Universe, binatikos 10

Mga protesta, tuluy-tuloy sa 2017 10

Tomo XLVI I I Blg. 2 | Enero 21, 2017

NilalamanANG

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loko,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

instagram.com/prwc.info

youtube.com/PhilippineRevolutionWebCentral

@prwc_info

fb.com/PhilippineRevolutionWebCentral

[email protected]

barangay.Hindi "kapayapaan" ang dala ng

mga armadong sundalo ng AFP samga baryo sa ilalim ng tinatawag na"Peace and Development OutreachProgram" na ngayo'y tinagurian na-mang "Community Support Prog-ram." Matinding ligalig at perwisyoang hatid ng mga pasistang sundalosa tuwing sila'y nasa mga baryo.Ang pagmamatigas ng AFP na pana-tilihin ang mapanupil na presensyang mga armadong tropa nito sa git-na ng mga baryo ang lalong nagtu-tulak sa masang magsasaka na paig-tingin ang kanilang armado at diarmadong paglaban.

Sa ilalim ng bagong oplan, susu-porta diumano ang AFP sa tinaguri-ang "gera kontra-droga," isang ge-rang nakatuon pangunahin laban samahihirap na biktima ng droga. Ang"gera" na ito ay nagmistulang lisen-sya para patayin ang sinumang naisnilang patahimikin, sa simpleng pag-akusang sangkot o gumon ito sa dro-ga. Asahang gagamitin ito ng AFP salalo pang paghahasik ng karahasan attakot sa mamamayan sa kanayunanman o kalunsuran at pagtarget sa

mga aktibista at lider ng masa.Ibayong pananalasa at karaha-

san din ang ihahatid ng bagong op-lan sa mamamayang Moro. Inia-nunsyo kamakailan ng AFP na 51batalyon ang ipapakat nito sa lugarng Bangsamoro upang ilunsad angsustenidong mga operasyon sa da-rating na anim na buwan laban satinaguriang mga grupong "dayuhanat lokal na terorista."

Tulad sa nakaraang malalakingoperasyong anti-Moro, tiyak namagdudulot ito ng laganap na kara-hasan at pwersahang pagpapalikassa ilampung libong mamamayangMoro. Anumang oras ay madali ringibaling ang ganito kalaking pwersalaban sa rebolusyonaryong kilusansa Mindanao.

Matamang inaantabayanan ngPartido ang magiging resulta ngikatlo sa serye ng mga usapangpangkapayapaan. Kung walang isa-sakatuparang pagpapalaya sa lahatng bilanggong pulitikal, at patuloyang armadong operasyon ng AFP samga sona at baseng gerilya, walangibang kahihinatnan ang deklarasyonng tigil-putukan ng Partido kundi

Page 3: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

ANG BAYAN Enero 21 , 2017 3

Programang CLIP,

pinalawak

NITONG ENERO, ipinagmalaking Department of Interior andLocal Government (DILG) nanakapagbigay umano ang de-partamento ng P101.67 milyonbilang "ayuda" sa 1,573 “datingrebelde” sa nakaraang dala-wang taon. Ang pondong ito aynakapailalim sa programangComprehensive Local Integrati-on Program (CLIP) na nakaba-langkas sa Oplan Bayanihan ngAFP.

Ayon mismo sa DILG, layu-nin ng CLIP ang "reintegra-syon" ng mga dating Pulangmandirigma para maabot ang"permanenteng pagtatapos" ngarmadong pakikipaglaban ngBagong Hukbong Bayan. Nag-kakahugis ito sa "maramihangpagsurender" ng kadalasa’ymga sibilyan sa mga komunidadna pinalalabas na dating kasaping BHB.

Sa maraming kaso, ginaga-mit ng mga lokal na upisyal mi-litar ang pondo nito bilang pa-labigasan, lalupa't madali la-mang mag-imbento ng mga pe-keng surenderi mula sa malala-yong baryo at bayan. Kungmayroon mang totoong nagsu-render, hindi rin ibinibigay ngbuo ang pinansyal na ayudakundi ibinubulsa ng mga upisyalna nasa kapangyarihang mag-desisyon kung aaprubahan angbawat kaso.

Isinasabay ang CLIP sa mgaoperasyong triad ng AFP atpagbitag sa PKP at NDFP sawalang taning na tigil-putukansa tangkang gawing pasibo ang

ekonomya, panlipu-nang hustisya, pag-unlad ng kultura,nagsasariling pataka-rang panlabas, atpakikiisa sa mgamamamayan nglahat ng bayanpara sa kapaya-paan at kaunla-ran. Walang par-tikular na super-yoridad ang pederal na sistemangpang-estado sa unitaryong siste-ma, lalo na kung dala nito ang datinang mga sakit ng dating sistemaat walang mga konstitusyunal napananggalang sa oligarkiya at pag-papakatuta, korapsyon at warlor-dismo.

Inaasahang magpipirmahan saComprehensive Agreement on Po-litical and Constitutional Reforms(CAPCR) matapos ang susunod naisa o dalawang round. Magbibigayito sa GRP ng apat na taon upangipatupad ang CASER at CAPCR atmaglalatag ng batayan para saComprehensive Agreement on theEnd of Hostilities and Dispositionof Forces at mutwal na pangkala-hatang amnestiya sa mga upisyalat sundalo.

Mga reklamong paglabagsa CARHRIHL

Bago pa man magbukas ang ne-gosasyon, inilahad na ng NDFP angmga seryosong usapin na nakikitanitong sagka sa pagpapatuloy ngunilateral na tigil-putukan at nag-papalabo sa pagkakasundo para saisang bilateral na kasunduan pararito. Ayon sa NDFP, pormal nangisinumite ang mga usaping itokaugnay ng patuloy na paglabag ngGRP sa Comprehensive Agreementon Respect for Human Rights andInternational Humanitarian Law atng Joint Agreement on Safety andImmunity Guarantees.

Kabilang sa mga usaping itoang seryosong pagtataksil nangimungkahi ng gubyernong Dutertena iatras nina NDFP consultant

Eduardo Sarmiento, EmeterioAntalan at Leopoldo Caloza angkanilang apela sa husgado laban samga gawa-gawang kaso para kun-wa'y magawaran sila ng pardon ngpresidente. Dahil hindi ibinigay angpardon o amnestiya, naging pinalang kanilang mga sentensya.

Inireklamo rin ang isinasaga-wang sarbeylans at harasment samga konsultant, sa pamamagitanng mga taong nakasakay sa mo-torsiklo. Inihain rin ang reklamo sakawalang-aksyon ng gubyerno sapagkakawala ng mga konsultant naprotektado sana ng JASIG tuladnina Leo Velasco, Prudencio Calu-bid, at asawa’t kamag-anak; Ro-gelio Calubad at anak; NestorEntice at asawa; Leopoldo Anche-ta; at Philip Limjoco; gayundin angpagpatay kay Sotero Llamas, nanaganap lahat sa panahon ni Pre-sident Gloria Macapagal-Arroyo.

Isinampa rin sa JMC ang rek-lamo tungkol sa patuloy na opera-syon ng militar at pulis, kabilangang pag-okupa sa mga komunidadat pasilidad pampubliko, iligal napanghahalughog at interogasyonpara takutin ang mga tao sa 146munisipalidad sa mahigit 43 pro-binsya. Isinama rin ang mga kasong pamamaslang sa mga inosentengmamamayan dahil sa brutal at wa-lang-pakundangang paraang gamitng mga pulis sa gera kontra droga,ang patuloy na pagbilanggo sa ha-los 400 bilanggong pulitikal, at angpatuloy na hindi pagbigay ng ba-yad-pinsala sa mga biktima ng dik-tadurang Marcos at pagbabaluktotng kasaysayan sa pagpapalibingkay Marcos bilang bayani.

" Ikatlo sa serye. . . , " mula pahina 1

Page 4: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

Enero 21 , 2017 ANG BAYAN4

Pamalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng

Armed Forces of the Philippines sa kanayunan na nagsasapanganib sa buhayat kabuhayan ng mamamayan.

Upang gampanan ang tungku-ling ito, at gayundin para paghan-daan ang mga armadong sagupaansa AFP dulot ng pagdadalawang-mukha ni Duterte, naglunsad angBHB-Northeastern Mindanao Re-gion (NEMR) ng Batayang KursongPulitiko-Militar (BKPM) noong hu-ling kwarto ng 2016.

Laking-batalyon na mga Pulangkumander at mandirigma ang nag-tapos sa dalawang magkasunod naBKPM na ginanap sa isang lara-ngang gerilya sa rehiyon. Mahigit60 Pulang kumander at mandirigmaang lumahok sa unang bats. Ilangaraw matapos ang unang bats aysinimulan ang ikalawa na nilahukannaman ng mahigit 90.

Nagmumula sa magkakahiwalayna platun ang mga kalahok at nag-sanay sa pagkilos bilang kumpanyapara sa mga kakailanganing opera-syon ng BHB. Makabuluhan ang bi-lang ng mga kabataang treyni, sa-mantalang mayroon ding mga nag-sanay na mga kumander mula sahanay ng kababaihan at Lumad.

Ayon kay Ka Bill, panrehiyongkumander ng BHB sa NEMR, bahagiang mga BKPM sa tugon ng BHB sapanawagan ng pambansang pamu-nuan ng Partido na magkonsolidasa panahon ng magkatugong unila-

teral na deklarasyon ng tigil-putu-kan ng NDFP at GRP. Maliban saBKPM, dalawang bats din ng Bata-yang Kurso ng Partido ang inilun-sad para sa hukbo at sangay sabaryo bago ang pulitiko-militar napagsasanay.

Sinimulan ang bawat araw ngBKPM ng ehersisyo ng katawan atpagsasanay sa pagmartsa, bilangbahagi ng pagpapaunlad ng pagki-los bilang iisang kabuuan. Ayon pakay Ka Bill, kung mapanghahawa-kan ng mga kasama ang mataas naantas ng disiplinang militar, parana rin umanong napakikilos angisang kumpanyang hukbong bayanbilang iisang tao sa iisang direk-syon.

Naging bahagi rin ng pagsasa-nay ang pagpapagana ng chain ofcommand mula sa kumander ngkumpanya patungo sa mga platunat iskwad. Binigyang-halaga angpagpapakilos ng mga kumander sakanilang mga tauhan sa pamama-gitan ng mga kumand. Kung maymga pagkakamali man, inihahapagito sa nagsasanay na kumander sapanahon ng ebalwasyon. Mataposang mga praktikal na pagsasanay,isinusunod naman ang mga lektura.Ganito rin ang iskedyul tuwing ha-pon. Isasara ang isang araw na

rebolusyonaryong kilusan. Sailalim nito, maramihang tinitiponang mga residente, pinapipirmasa mga blankong papel, dinadalasa mga sentrong bayan paramagrali laban sa PartdoKomunista ng Pilipinas, BHB atNDFP at saka ipiniprisinta samidya bilang mga sumurender naPulang mandirigma.

Isang halimbawa ang ginawang Civil Military Operations ng401st IBde at lokal na pampru-binsyang pamahalaan sa Jabo-nga, Agusan del Norte noong2016. Matapos ang may tatlongbuwang panggigipit, anim na si-bilyan ang iniharap sa guberna-dor ng prubinsya noong Oktubre21, 2016 bilang mga surenderi.Matapos ang seremonya, binawing mga upisyal ng lokal na pa-mahalaan at 401st IBde ang"ayuda" sa kanila. Kailangandiumano ang pondo para sa mgaproyekto ng DSWD at para sa 26na iba pang sibilyang "napasu-render" ng mga sundalo.

Katuwang ng DILG angOffice of the Presidential Advi-ser on the Peace Process(OPAPP) sa pagpapatupad ngCLIP. Para sa 2017, humingi angahensya ng kabuuang P8 bilyongbadyet (mula sa mahigit P700Mnoong 2016) para umano sa mgaproyekto ng Payapa at Masaga-nang Pamayanan (PAMANA), nasiya ring nagpopondo ng uma-no'y ayudang medikal at mgasafehouse ng mga “nagbalik-lo-ob na rebelde” sa ilalim ng CLIP.

Pinasimulan ang CLIP sailalim ng Oplan Bayanihan atipinagpapatuloy ng kasaluku-yang rehimen. Bago nito, datinang nagpatupad ng kahalintu-lad na mga programa ang reak-syunaryong gubyerno, tulad ngNational Reconciliation andDevelopment Program noong1986, Balik-Baril Program ngrehimeng US-Ramos, Balik-loobProgram noong 2000, at angSocial Integration Program sapanahon ni Macapagal-Arroyo.

Laking-batalyong hukbo,nagsanay sa NE Mindanao

Page 5: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

ANG BAYAN Enero 21 , 2017 5

treyning sa pamamagitan ng pagtitipon ng buong kum-panya, pagsusuma ng buong araw at paghahanda parasa susunod na mga iskedyul. Matapos nito'y magpupu-long-pulong na ang bawat platun.

Malaki rin ang kabuluhan ng pagsanay sa pamumunong mga myembro ng Partido sa loob ng hukbong bayan.Ayon pa kay Ka Bill, mahalagang mapanghawakan ngmga pampulitikang upisyal kung paano nakasasabay sapagkilos sa loob ng hukbo at pagpupropaganda sa mgamandirigma upang higit silang mahikayat sa proseso ngBKPM.

Tinukoy ni Ka Bill ang pagsigaw ng mga upisyal sapulitika ng mga chant upang i-ahita ang mga treyni.Halimbawa nito'y ang mga sigaw-ahitasyong "Anghukbong wa'y pagbansay, lupigon sa iyang kaaway!" (Anghukbong walang pagsasanay, dadaigin ng kanyangkaaway!) o kaya'y "Ang hukbo na disiplinado, mao'ytinuod na sundalo!" (Disiplinadong hukbo, tunay nahukbo!) kapag panahon ng jogging o kapag nagbabarasang mga treyni. Para kay Ka Bill, isang pagpapakitalamang ito ng pangunguna ng upisyal sa Partido atpakikipagtulungan niya sa kumander upang hindi lamangkatawan ng mga Pulang mandirigma ang inihahanda salabanan, kundi pinapanday din ang kanilang diwangmapanlaban. Bilang sentro ng pamunuan sa loob nghukbo, aniya, ang pagtutulungan ng dalawang upisyal angsusi sa organisadong pagtalima ng mga mandirigma samga atas.

Maliban dito, habang umuusad ang BKPM, unti-untina ring kinakabisa ang obstacle course at nagiging baha-gi na ng praktikal na pagsasanay. Sa ilang bahagi ngpagtalunton sa obstacle course ay sinasanay ang mgatreyni sa panaka-nakang putok ng baril. Mayroon ringbagong idinadagdag sa obstacle course, na ayon kay KaBill, ay nakaangkop sa iba’t ibang tipo ng taktikal naopensibang planong ilunsad ng BHB.

Sa simula ay kinaharap nila ang problema ng pagtu-pad sa disiplinang paggising nang alas-tres ng umaga nasusundan ng paliligo at ehersisyo. Napangibabawan itosa pamamagitan ng pagpaunawa ng kahalagahan ngpaghawak sa disiplinang militar, at kung paano pinag-uugnay ang mga teoretikal sa mga praktikal na pagsasa-nay. Ang mga paglabag ay hinaharap ng pampulitikangmga aral at karaniwang mga aksyong pisikal tulad ngpag-push up, at hindi idinadaan sa burges na pagmama-lupit o pagpapahiya.

Sa seremonya ng paggradweyt ng unang bats, nag-martsa sa harap ng mga kasama at inimbitang mgaresidente sa kalapit na mga baryo ang mga nagtapos.Tumanggap sila ng pagkilala mula sa mga instruktor atpamunuan ng BHB sa rehiyon. Nakaunipormeng kulayluntian na sweatshirt at itim na pantalon ang unangkumpanyang nagtapos, na pinatingkad ng puting mgagwantes. Taimtim silang nakinig sa mga talumpati mulasa mga kasama at kapwa kalahok.

Habang ginaganap ang unang bats ng BKPM, angisang kumpanya ay gumagampan ng gawaing masa samga barangay na nakapalibot sa pinaglulunsaran ngpagsasanay. Sa mga lugar na ito rin nakapagpakilos ngmga taumbaryo upang tumulong sa mga pangangaila-ngan ng ginaganap na pagsasanay. Sa ikalawang bats,yaong mga nagtapos na ang siya namang nagtaguyod samga pangangailangan, habang mayroon pa ring nanati-ling mga yunit sa hanay ng masa.

Inaasahan ng pamunuan ng BHB sa rehiyon na angregular na mga pagsasanay na ito ay magkukumpleto sailang taon nang inilulunsad na mga crash course, na si-yang naging pangingibabaw ng hukbo sa gitna ng matin-ding atake ng kaaway sa rehiyon mula 2012. Gayundin,ang bilang ng mga kalahok ay nagluluwal ng pagkakata-ong magsanay ang hukbong bayan sa pagkilos bilang mgapormasyong kumpanya.

Paramilitar sa ComVal, naengkwentro ng BHBIPINATUTUPAD NOONG Disyembre30, 2016 ng BHB-Comval DavaoEast Coast Sub-Regional Opera-tions Command ang kautusan sapagdisarma sa grupong paramilitarna Mandaya Ancestral DefenseUnit (MANADU) nang makasagupanila ang grupo sa Sityo Calatagan,Brgy. Poblacion, Caraga, Davao Ori-ental.

Sumiklab ang labanan nang na-mutok ang mga pwersang paramili-tar. Napatay sa labanan si Cuperti-no Banugan, kilalang warlord at li-der ng MANADU, kapatid nitong siRamon at kamag-anak na si Dodo

Banugan. Nakumpiska ng BHB angdalawang matataas na kalibrengbaril. Apat na Pulang mandirigmaang sugatan sa engkwentro.

Kasabwat ang Armed Forces ofthe Philippines, naghahasik ng lagimsa mga magsasaka at Lumad sa Ca-raga ang MANADU mula pa noongpanahon ni Arroyo sa ilalim ng ge-rang panunupil na Oplan BantayLaya.

Ginamit ni Cupertino ang kan-yang pagiging datu upang kamkaminang mahigit 14,000 ektaryang lu-pang pagmamay-ari ng pamilyangIligan, Bayon, Silat, Tibay at Panin

sa Caraga. Sapilitan din niyang pi-nagbabayad ng upa sa lupa ang ma-hihirap na magsasakang Mandaya.Aabot sa P2 milyon ang kanyangnakukolekta taun-taon mula sa pa-ngingikil.

Responsable rin ang mga Banu-gan sa pagpaslang kay Romeo Ma-pando, Modesto Lagungan at MaleLagungan. Pinagtangkaan namannilang patayin sina Julieto Bayon atBitoy Usto. Karamihan ng biktima ngmagkapamilyang Banugan ay mgaresidente sa Caraga na inagawan nglupa at tumututol sa kanilang pag-hahari.

Page 6: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

Enero 21 , 2017 ANG BAYAN6

Paggamit ng social media para sa rebolusyon

Sa paglulunsad ng koordinadong mga peace forum noong Disyembre 26 sabuong bansa, naging tampok ang paggamit sa social media bilang paraan

ng mabilis na pagpapabatid sa mamamayan ng mahahalagang impormasyonmula mismo sa rebolusyonaryong base ng Bagong Hukbong Bayan.

Mula Paquibato, Davao City, di-rektang nasaksihan sa buong bansaat sa buong daigdig, ang “live-feed”sa Facebook at Twitter ng PhilippineRevolution Web Central (PRWC) naipinu-post (inilalagay) ng mga rebo-lusyonaryong koresponsal mula salugar mismo ng malaking ralingpangkapayapaan. Nai-upload rinang iba’t ibang bidyo kabilang angpagmamartsa ng mga platun ng Ba-gong Hukbong Bayan papasok sa lu-gar ng pagtitipon. Sa loob ng ilangaraw, umabot sa halos 80,000 angnakapanood nito.

Ang social media ay ang ugna-yan ng mga gumagamit sa internetsa pamamagitan ng malalaking ko-mersyal na website katulad ng Face-book (FB), Twitter, Youtube,Instagram, mga blog, gayundin sapamamagitan ng email. Laganap angpaggamit sa Pilipinas ng social me-dia laluna ng kabataan at ng mgamigranteng manggagawa.

Tuluy-tuloy na lumalawak angpaggamit ng rebolusyonaryong kilu-san sa social media bilang paraan ngmabilis na pagpapabatid sa publikoat palitan ng impormasyon. Sa Pa-nay, lahat ng kumand ng BHB sa islaay may FB account at regular nanagpu-post o nagbabahagi (share)ng mga bagong mensahe, tula, atlarawan. Ito ay sinuhayan ng mara-ming mga FB account ng iba pangmga aktibista at mga kaalyadong"friend" (kaugnayan) upang masmapalawak ang maabot sa pamama-gitan ng tagging at share. Sinupor-tahan ng Panay ang hashtag na#WakasanOplanBayanihan; #End-OplanBayanihan; #LayasMilitar;#CPP48; #NationalPeaceAssembly;#JoinNPA; at #CherishNPA.

May FB account din sina Jaime“Ka Diego” Padilla at Cleo del Mun-do ng Southern Tagalog; si MariaRoja Banua at Armando Catapia

Command; at ng rebolusyonaryongpahayagang Silyab at Tilamsik ngBicol. Mayroong kani-kanyang blogang lahat ng mga kumand na naka-pailalim sa BHB-Bicol. Nitong huli,nagbukas na ng FB account angNDF-Northeastern Mindanao.

Samantala, may mga Twitteraccount ang dati nang nakatayongmga website tulad ng NDFP(@ndfp_info) at Philippine Revolu-tion Web Central (@prwc_info).Dito mabilis na ipinababatid ngdalawang website ang mga bagongbalita at impormasyon. Mayroonding mga account ang konsultant ngNDFP tulad nina Luis Ja-landoni at Jose Ma. Sison.

Marapat na mata-linong gamitinng mga rebo-lusyonaryongpwersa angsocial mediabilang paraanng pag-abotsa malawakna mamama-yan. Angpaggamit sasocial media,lalo na sa kabataan, ay lumalaganapna hanggang sa kanayunan. Nagi-ging madali para sa kabataan napumasok dito dahil may mga librengserbisyo ang FB. Sa ganitong para-an, maaari nang mabilis at maagapna maipalaganap ang mga balita atpahayag ng Partido at ng BagongHukbong Bayan sa pwersa at masa,ang Ang Bayan at mga bidyo nito,kasabay ng mga rebolusyonaryo atprogresibong awit, at gawing kara-niwang laman ng mga selpon ng ka-bataan. Gayundin, maaari itong ga-mitin ng mga yunit ng BHB paramabilis na makapagpaabot ng mgaulat ng mga tagumpay, tulad ng mgataktikal na opensiba o ng mga ma-

sang organisasyon sa anumang an-tas ng mga detalye ng paninibasibng mga pwersa ng AFP sa kani-ka-nilang lugar. Pinakaepektibo itokung nalalakipan ng larawan at/obidyo.

Gayunpaman, dapat mulat angrebolusyonaryong kilusan sa mga li-mitasyon ng ganitong paraan. Hindiito dapat ituring na kapalit ng masepektibong tuwirang pagpopropa-ganda at pag-oorganisa sa masangPilipino. Tungkulin pa rin ng mgaaktibista at organisador na abutinang malawak na masa habang gina-gamit na epektibong suplemento angsocial media.

Ikalawa, dapat maging matalasat mapanuri ang mga kabataangmahilig sa Facebook upang mahalawang tama at totoo, at maiwaksi ang

mga sadyang panlilinlang.Malaki ang makinarya ngreaksyunaryong militar nasadyang gumagawa ng ma-

panlinlang na mgaaccount upang li-

tuhin ang ma-mamayan. Ma-laki ang badyetnito upang lu-mikha ng iba’tibang troll(pekeng) ac-count at mga

bayarang “friends." Kamakailan,naglabas ng pekeng bidyo ang militarkung saan "nagkasundo" ang isangyunit ng BHB at mga sundalo sa pa-nahon ng pasko. Sa bidyong ito, mayeksenang nakikipagkamay ang mganagpapanggap na mga Pulang man-dirigma sa mga sundalo habang ipi-nalalaganap ang baluktot na men-saheng “kapayapaan” ng militar.

Ikatlo, tiyak na pag-iinteresanng mga ahente ng militar ang mgaaccount ng mga rebolusyonaryo saFB at iba pang social media outlet.Kaya dapat pag-aralan at gamitinang mga gerilyang paraan ng pag-gamit sa internet para mapa-ngalagaan ang kanilang identidad atlokasyon.

Page 7: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

ANG BAYAN Enero 21 , 2017 7

Kampanyang pangkapayapaan at kontra-Oplan Bayanihan sa Panay

DALAWANG MAGKARUGTONG na kampanya ang matagumpay na nailunsadng mga rebolusyonaryong pwersa at masa sa Panay noong nakaraang Nob-yembre at Disyembre 2016.

Ito ang ambag ng Panay sapambansang pagsisikap na ilantadang mga paglabag ng AFP sa sari-ling deklarasyon ng tigil-putukan atpagyurak sa pantaong karapatan atCARHRIHL; at pangalawa, angpagpakita ng galit ng mamamayansa isla sa hindi pagtupad ni Pres.Duterte sa kanyang mga pangakona palayain ang mga bilanggongpulitikal. Naglunsad ang mga rebo-lusyonaryong pwersa at mamama-yan ng mga raling pangkapayapaansa pagsuporta sa usapang pangka-payapaan.

Rumurok ang mga kampanyangito noong huling linggo ng Disyem-bre sa paglunsad ng serye ng mgakilos masa sa kanayunan kasamaang mga Pulang mandirigma parasa kapayapaan at sa pagdiwang ngika-48 anibersaryo ng Partido.

Sa kabuuan, mahigit 2,000 angdumalo sa mga serye ng pagdiri-wang sa anibersaryo ng Partido atpambaryo at interbaryong mga ra-ling pangkapayapaan sa mga so-nang gerilya. Naglunsad din ng pi-ket sa Kalibo, Aklan at candlelighting sa Jaro, Iloilo City.

Sa Timog Panay, halos 900 ma-mamayan ang dumalo sa pambaryoat interbaryong mga raling pang-kapayapaan at pagdiriwang ng ani-

bersaryo ng Partido. Sa CentralPanay, 600 ang dumalo sa dala-wang magkahiwalay na pagtitipon.Mayroon namang nagtipon sa Sila-ngang Panay.

Sa nasabing magkakahiwalayna mga pagtitipon, iniladlad angmga istrimer, plakard at islogan, atapat na bagong myural. Namigayng mga kopya ng Daba-daba, AngBayan, at praymer sa usapangpangkapayapaan. Nagpalabas ngmga bidyo ukol sa usapang pang-kapayapaan at tinalakay ang pa-hayag ng Komite Sentral ng PKP atng Komiteng Rehiyon ng Panay, atiba pang isyu. Sa isang pagdiri-wang, pormal na pinasumpa sa BHBang mga bagong kasapi nito. Nag-bigay ito ng inspirasyon sa mgadumalo mula kalunsuran upangbumalik sa sonang gerilya para saintegrasyon at tumulong sa pagpa-sampa ng mga Pulang mandirigmasa hukbo.

Bago pa man ang pagdiriwangsa anibersaryo ng Partido at seryeng mga peace rally noong Disye-mbre, aktibong ikinampanya angpaglalantad sa mga paglabag ngAFP sa kanilang tigil-putukan.Umabot sa 49 barangay sa Panayang apektado ng mga operasyon sailalim ng Oplan Bayanihan. Nag-

lunsad ang mamamayan mula sakanayunan ng mga aksyong protestakasama ng iba’t-ibang mga sektor sakalunsuran noong Nobyembre 8,Nobyembre 25, at Disyembre 10 samga sentrong syudad upang ilantadat labanan ang militarisasyon, bati-kusin si Duterte sa pagpapatuloy ngOplan Bayanihan, hindi pagtupad ngpangakong pagpapalaya sa mga bi-langgong pulitikal, at pagbibigay ngpambayaning libing kay Marcos.

Naglunsad ng isang raling-kidlatang Kabataang Makabayan (KM)-Panay noong Nobyembre 29, kasa-bay ang "operasyon pinta" at pag-ladlad ng istrimer, at nanawagan ngpagsapi sa Bagong Hukbong Bayan.Nagpiket din sa harap ng CampDelgado sa Iloilo noong Disyembre 7ang 200-kataong delegasyon ng Pa-nay bago tumulak para sa Manilak-bayan.

Buong Disyembre ay nagpala-ganap ang BHB at KM ng libonggreeting card sa mga kaibigan at al-yado.

ULOS-TIMOG KATAGALUGAN

SA TARANGKAHAN ng Maynilayumayabong ang rebolusyonar-yong kultura. Ito ang temang tu-matahi sa mga sanaysay, tula,awit, dagli at iba pang anyo nglikhang-sining mula sa rehiyon ngTimog Katagalugan na siyangtampok sa pinakahuling isyu ngUlos. Inilalarawan sa mga likhang-sining ang napakahirap ngunitmagiting na pakikibaka sa lugar nanasa tarangkahan ng sentronglunsod ng reaksyunaryong gub-yerno, at ang mahigpit na tulu-ngan ng kilusang masa sa kalun-suran at ng armadong pakikibakasa kanayunan.

Ang Ulos ang pangkulturangdyornal ng pambansa-demokrati-kong kilusan sa pangangasiwa ngArtista at Manunulat ng Samba-yanan (ARMAS) at pinapatnuba-yan ng Partido Komunista ng Pili-pinas (MLM).

Page 8: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

Enero 21 , 2017 ANG BAYAN8

Mahigit 50 sakada, tumakas sa Hacienda Luisita

Noong Enero 7, dumating sa Cagayan de Oro City ang mahigit 50 sakada(pana-panahong manggagawa sa tubuhan) na nakaligtas mula sa mala-

impyernong kundisyon sa paggawa at mala-aliping sistema ng pasahod saBrgy. Mapalacsiao, Tarlac na sakop ng Hacienda Luisita.

Karamihan sa kanila ay nanga-has tumakas mula sa asyendanoong Disyembre 28 at nagpasagipsa upisina ng Department of Agra-rian Reform (DAR) sa Quezon City.Apat sa mga tumakas ay menor-de-edad habang kalahati ay mula satribong Manobo. Noong Enero 5, si-yam pa ang tumakas at sumama samga naunang sakada. Sa tulong ngDAR, Unyon ng mga Manggagawasa Agrikultura (UMA) at Organisa-syon sa Yanong Obrerong Nagka-hiusa (OGYON), nagsampa sila ngmga kaso ng paglabag sa mga batassa paggawa at iba pang kriminal nakaso tulad ng human trafficking la-ban sa Hacienda Luisita at ahensyasa paggawa na nagrekrut sa kanila.

Ilan lamang ang mga nakaligtassa tinatayang 800-1,000 mga saka-da na kinontrata ng Hacienda Luisi-ta para sa kabyawan (anihan ng tu-bo) na nagsimula noong Nobyembre.Karamihan sa kanila ay mula sa Bu-kidnon, pero mayroon ding ilan mulasa Cotabato, Davao, Lanao del Nor-te at Misamis Oriental. NoongAgosto pa sila nirek-rut ng GreenhandLabor Service Coo-perative, isangahensya sa paggawana pagmamay-ari ngpamilyang Lorenzo at ki-nontrata ng Agrikulto Inc. napagmamay-ari naman ng pamil-yang Cojuangco-Aquino para saCentral Azucarera de Tarlac (CAT).Ang CAT ay magkasanib na pagma-may-ari at pinatatakbo nina Fer-nando Cojuangco at Martin Lo-renzo. Sangkot ngayon ang pamil-yang Lorenzo sa madugong pagsupilsa lumalabang mga manggagawa sasagingan ng Lapanday Foods Cor-poration sa isa sa mga plantasyonnito sa Tagum City.

Nadala ang mga sakada sa ipi-nangako sa kanila na "TarlacPackage" (Paketeng Tarlac) ngGreenhand. Kabilang dito ang lib-reng pagkain, transportasyon, ser-bisyong medikal, tirahang hotel satabi ng isang ospital at mga bene-pisyo sa SSS, Philhealth at Pag-ibig.Pinangakuan din sila ng hanggangP450/araw na sahod. Naengganyosila lalupa't kagagaling lamang samahabang tagtuyot ang rehiyon athindi pa nakababawi sa mahabangtiempo muerto ang mga tubuhan saBukidnon.

Ayon sa mga tumakas, mala-impyernong paghihirap ang inabotnila sa Hacienda Luisita. Imbes nahotel, isiniksik sila sa mabaho atmainit na baraks kasama ng daan-daang mga sakadang nauna sa ka-nila. Pinagtatrabaho sila bagomagliwanag hanggang magdilimnang halos walang pahinga.

Imbes na arawang sahod, ipi-nailalim sila sa sistemang pakyawankung saan naghahati sa lingguhangkita ang 13 sakada. Pinakamataas

na sa sistemang ito

ang P180 kada linggo. Sa isang nai-sapublikong payroll ng kumpanya,lumabas na sumasahod lamang angmga sakada ng P66.21/linggo oP9.46/araw matapos kaltasin angkanilang pagkain sa araw-araw.Kahit ang ipinangakong cashadvance na P2,500 ay hindi nilabuong natanggap dahil ikinaltas ditoang gastos sa gamit-kusina, kub-yertos, gamit pantrabaho at ibapang pangangailangan. Dahil sa ba-ba ng kanilang kinikita, na kinakal-tasan pa ng kung anu-anong gastos,wala na silang naipadadala sa kani-kanilang mga pamilya.

Sa tindi ng hirap, marami sakanila ang nagkasakit. Isa rito siBrixio Bagnaran Sr, na nagkaroonng impeksyon sa baga pero hindiangkop na ginamot nang halos isangbuwan. Pinauwi siya sa Bukidnonnang lumala ang kanyang kalagayannang walang suportang medikal opinansyal. Namatay siya noongEnero 4. Isa ang kanyang kapatid samga tumakas, habang naiwan pa saasyenda at naghihintay na masagipang kanyang anak na si Brixio Jr.

Kasama niyang naghihintaymasagip ang 16-anyos na si AlmanArsenio na hinahanap na ng kan-yang ina sa Pangantucan, Bukidnon.

Pang-aalipin sa mga sakadaIsang matigas at matagal nang

gawi sa Hacienda Luisita at iba pangmalalawak na tubuhan ang pag-

kuha ng mga sakada mula saibang prubinsya. Paraan ito ngmga panginoong maylupa paratiyakin ang pinakamurang la-kas-paggawa sa panahon ngkabyaw. Sa buong bansa, pi-

nakamaba-ba ang sa-

hod ng mgamanggagawangbukid sa mgatubuhan. Ang

dati nang mababangsahod ng mga manggagawang agri-kultural ay lalupang hinihila pababa

Page 9: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

ANG BAYAN Enero 21 , 2017 9

Dole Order 168, kinundena

“BIGO ANG KALIHIM ng DOLE na si Sec. Silvestre Bello III at si PangulongDuterte na pakinggan ang aming panawagan na wakasan ang kontraktwali-sasyon,” ani Elmer Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU).

Sa unang anim na buwan nggubyernong Duterte, nagpasa angKMU ng listahan ng mga kongkre-tong mungkahi para tuluyan nangwakasan ang kontraktwalisasyon.Anila, madali lamang sana itongipinatupad noong una niyang 100araw.

Subalit hanggang sa simula ngtaong 2017, wala pa ring pagbaba-go para sa mga manggagawa at ka-nilang kalagayan sa paggawa.

Sa kanilang kilos protestanoong Enero 11 sa harap ng punongtanggapan ng Department of Laborand Employment sa Intramuros,Maynila, kinundena ng mga mang-gagawa ang Department Order 168ng DOLE. Matapos nito, nagmartsaang grupo tungong Mendiola saLunsod ng Maynila upang ipanawa-gan kay Duterte na gu-mawa ng kongkretongaksyon at tuparin naang kanyang panga-kong tapusin angkontraktwalisasyon.

Anila, walangpagkakaiba ang DO-168 sa DO 18-A.Sakaling ipatupad ito ni Sec.Bello, patitindihin lamangnito ang mapagsamantalangkontraktwal na sistema ngpag-eempleyo sa bansa.

Ang DO 168 ay ang "DO 30" otinaguriang “win-win solution” osolusyong panalo lahat ng panig.Nilikha ito ng Employers’ Confede-ration of the Philippines (ECOP) atPhilippine Association of LocalService Contractors (PALSCON) sapakikipagsabwatan sa Departmentof Trade and Industry. Layon ni-tong gawing ligal ang kontraktwali-sasyon at paramihin pa ang mga la-bor contracting agency.

Ayon sa ulat ng midya, kabilangsa binago mula sa lumang pataka-ran ang pagpapataas ng panimu-lang kapital ng mga agency mula P3

milyon tungong P5 milyon, pagpa-pataw ng multa sa mga ahensyanglumalabag sa DO, pagregularisa samga manggagawa subalit walangdirektang pananagutan ang mgakapitalista.

“Kung papayagan nilang mag-unyon ang mga kontraktwal, kaninosila hihingi ng pagtaas ng sahod atbenepisyo? Maaasahan ba ang mgamanpower agency na haharap sainteres ng mga manggagawa?” ta-nong ni Doods Gerodias ng Allianceof Democratic Labor Organizations,pederasyon na myembro ng KMU.

Dagdag pa ng KMU, kung ipa-tutupad ni Pangulong Duterte angbagong patakaran sa kontraktwali-sasyon, malinaw na hindi seryosoang kanyang administrasyon sapagtupad sa kanyang mga pangako

sa mga mangga-gawa.

Kung ganitoang mangyayari,

haharapin ni-ya ang papa-tinding galitng mgamanggagawaat mga pro-testa. Nana-wagan rin anggrupo namagkaisa ang

mga manggagawa at iparinig angkanilang tinig hanggang tuluyangibasura ang kontra-manggagawangkautusan.

“Habang tumatagal, lalong pa-parami ang mga manggagawangnagiging biktima ng kontraktwali-sasyon na siyang lumalabag sa ka-rapatan ng maraming manggaga-wa,” dagdag pa ni Labog.

Bago ang protesta sa harap ngDOLE, daan-daang manggagawa rinang lumahok sa inilunsad ng KMUna mga protesta tuwing breaktimelaban sa kontraktwalisasyon noongEnero 6 .

ng sistemang pakyaw sa mga tu-buhan.

Ayon sa datos ng UMA, maymga tubuhan sa Isabela kungsaan umaabot lamang sa P13/a-raw ang sinasahod ng mga dayongsakada habang nasa P16/arawnaman ang inaabot sa mga tubu-han ng Negros, Batangas at Min-danao. Malayong-malayo ito samababa nang sahod na itinakdang reaksyunaryong gubyerno(P235-P334 para sa mga mang-gagawang bukid sa tubuhan atP262-P364 sa mga asukarera).

Dagdag dito, kumukuha pa ng“parte” ang mga ahensya sapaggawa, mga kabo at kapatas sasahod ng mga sakada. Sa kaso ngmga tumakas sa Hacienda Luisita,sa bawat limang trak nanapupuno ng tubo, ang kita sadalawa lamang ang mapupunta sakanila. Ang mas malaki (tatlongtrak) ay kinukuha ng ahensya,bilang kabayaran sa pagrekrut sakanila sa tubuhan.

Katulad ng mga sakada mulasa Bukidnon, dumadanas din silang masasahol na kundisyon sapaggawa. Naiulat noon sa Isabelaang kaawa-awang kalagayan ngmga sakadang dumayo mula saTarlac, Negros at Mindanao, nawala man lamang disentengsilungan. May isang kaso rito nanasagasaan ang mga natutulog nasakada dahil natulog sila sa ilalimng trak.

Ayon pa rin sa UMA, hindi la-mang laganap, kundi nakainstitu-syunalisa ang sistemang pakyawsa mga tubuhan. Sa Negros atBatangas, kinikilala ito ng De-partment of Labor and Employ-ment bilang lehitimong sistema ngpasahod. Dito, kumikita lamang ngP1,000-P1,500 ang mga mangga-gawang bukid para sa 15 araw ngpaggawa tuwing pagkabyaw.

Tuwing tiempo muerto, pina-pasahod lamang sila ng P200-P500 kada 15 araw para sa "di-produktibong" mga trabaho tuladng pagroronda at pagpuputol ngdamo.

Page 10: 0 ) ' '! I · amalagiang tungkulin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagpapala-kas sa sarili, laluna sa harap ng nagpapatuloy na mga operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa

Enero 21 , 2017 ANG BAYAN10

Paligsahang Miss Universe, binatikos ng GabrielaBINATIKOS NG Gabriela ang paligsahang Miss Universe na ginaganap nga-yon sa bansa. Sa isang pahayag noong Enero 11, tinuligsa ng Gabriela angMiss Universe at iba pang paligsahang nagsasamantala sa kababaihan atnagtuturing sa kanila bilang mga kalakal.

Anang Gabriela, sa pagigingpunong-abala ng ika-65 paligsa-hang Miss Universe, ibinebenta angPilipinas bilang destinasyong pan-turismo kung saan mura at mada-ling mapagsamantalahan ang kaba-baihan. Ikinalulungkot ng Gabrielana nagagamit ang mga nanganga-rap na kababaihan para maglako ngmga kalakal sa ngalan ng "pagbibi-gay-kapangyarihan sa kababai-han."

Pagkadating na pagkadating palamang ng mga kandidata, pinag-dadampot na ng lokal na gubyernoang mga batang lansangan bilangbahagi ng “pagpapaganda” ng lu-gar para sa mga turistang mahaha-tak ng paligsahan.

Hindi ito malayo sa ginawa ni

Marcos na paggamit ng MissUniverse pageant upang linisin angimahe ng batas militar noong 1973.Kasabay ng paggamit sa nagga-gandahang kababaihan upang ma-kaakit ng atensyon, pinademolis ngdiktadurang US-Marcos ang mgamaralitang komunidad sa tabi ngmga haywey dahil pangit ito samata ng nagdaraang mga turista.Sa harap ng matinding panunupilng batas militar, nagsagawa angmga aktibista ng iba't ibang pormang pagtutol tulad ng lihim na pa-mumudmod ng mga polyeto.

Ang pagtutol sa Miss Universeat katulad na mga paligsahangpangkagandahan ay marka ng kilu-sang kababaihan sa Pilipinas. Angpiket ng kababaihan sa pamumuno

ni Lorena Barros laban sa Binibi-ning Pilipinas noong 1970 ang na-ging pasiuna sa pagbubuo ngMAKIBAKA, ang pambansa-de-mokratikong organisasyon ng ka-babaihan.

Naglunsad din ng piket laban samagarbong fashion show ng Mani-la's Best Dressed sa gitna ng ma-lawakang kagutuman ng mga ma-ralita ng Maynila. Dalawang datingbeauty queen, sina Maita Gomez atNelia Sancho, ay naging mga akti-bista noong 1972. Isiniwalat nilaang kabulukan at paggamit sa ka-babaihan upang kumita ang mgakumpanyang nag-iisponsor sa pa-ligsahan.

Sa matagal na panahon, angprankisang Miss Universe ay pag-mamay-ari ni Donald Trump, na-halal na presidente ng US noongNobyembre 2016, na kilala sa pa-giging kontra-kababaihan.

Mga protesta sa Maynila, tuluy-tuloy

TULUY-TULOY NA PROTESTA ang inilunsad ng mgapambansa-demokratikong organisasyon sa Maynila sapagbubukas ng 2017.

Noong Enero 18, nagtungo sa Mendiola ang mgapamilya at tagapagtaguyod ng karapatang-tao paramuling ipanawagan ang pagpapalaya sa lahat ng mgabilanggong pulitikal. Binasa dito ang isang pahayag napinirmahan ng 34 na detenidong pulitikal sa Camp Ba-gong Diwa.

Sa sumunod na araw, Enero 20, nagmartsa mula saDepartment of Agrarian Reform patungo sa bahay ngpamilyang Aquino sa Times St. sa Quezon City ang mgamagsasaka bilang maagangpaggunita sa ika-30 anibersayong masaker sa Mendiola na na-ganap sa ilalim ng rehimengUS-Aquino.

Ang dalawang magkasu-nod protesta ay itinaon sapagbubukas ng ikatlonground ng peace talks sa pa-gitan ng NDFP at GRP sa Rome,Italy. Sa panig ng mga magsa-saka, nais nilang dalhin sa nego-tiating table ng usapang pangkapayapaan ang isyu ngkawalang-hustisya sa mga biktima ng masaker at ang

nagpapatuloy na usapin ng kawalang-lupa ng mgamagsasaka. Nais naman ng mga kamag-anak ng mgabilanggong pulitikal na mabuo ang kasunduan para sakanilang pagpapalaya.

Bandang hapon, tumungo ang mga magsasaka, ka-sama ang iba pang organisasyon sa pamumuno ng Ba-yan, sa US embassy para tuligsain ang paupong presi-dente ng US na si Donald Trump. Mariin nilang binati-kos ang mga kontra-imigranteng balakin ni Trump, natiyak na aapekto sa milyun-milyong mga migrantengmanggagawa sa US, kabilang sa mga Pilipino roon. Ipi-nanawagan din nila ang kagyat na pagbabasura sa mga

di-pantay na tratadong militar sa pagitanng US at Pilipinas. Nakatakdang ma-numpa bilang bagong presidente siTrump sa umaga ng Enero 20 (Enero 21sa Pilipinas).

Samantala, lumahok rin sa mgaprotestang kontra-Trump ang mga mig-ranteng Pilipino sa US, at nanawagan sa

mga kapwa Pilipino roon na mag-organisaat kumilos. Ayon sa Bayan-USA, lalala angkalagayan ng mga migranteng Pilipino sa USsa pamumuno ng isang presidenteng tinata-wag ang mga Pilipino na mga “animal” nanagmula sa isang “teroristang bansa.”