10 1st generation modules - version...

24
Ilustrador: Carlos B. Quindao Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2.0 __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Upload: others

Post on 23-Jan-2021

55 views

Category:

Documents

1 download

TRANSCRIPT

Page 1: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

Ilustrador: Carlos B. Quindao

Araling Panlipunan

Unang Markahan

Mga Hamong Pangkapaligiran

10

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 2: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan : Mga Hamong Pangkapaligiran Unang edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang

pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.

Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang

bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,

tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay

ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot

sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-

aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga

orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang

paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan

Mga Manunulat : Sharon C. Medida, Tita A. Ceniza, Mary Jane A. Rivera, Mae C. Tangpos,

at Tempora A. Balaba

Editor : Magdalena P. Moniño

Tagasuri : Elma M. Larumbe (Moderator)

: Darwin C. Cuyos (QA)

Tagaguhit-Tagalapat : Carlos B. Quindao

Tagapamahala

Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales

Assist. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao

: Ester A. Futalan

: Cartesa M. Perico

CID Chief : Mary Ann P. Flores

EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas

EPSVR in Araling Panlipunan : Rosemary N. Oliverio

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education- Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax. : (032)255-6405 ; (032) 255- 4401

E-mail Address : [email protected]

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 3: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

I

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Konsepto ng

Kontemporaryong Isyu at Kahalagahan ng Pag-aaral nito

Ang modyul na ito ay pinagtutulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan

at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis

at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-

aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala

ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-

aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konteksto ng Suliraning

Pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang

kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo

ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 4: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

II

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa

iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,

awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang

situwasiyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawain para sa mapatnubay at

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa

huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang

patlang ng pangungusap o talata upang maproseso

kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan

sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang

kompetensi.

Karagdagang

Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong

gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o

kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa

Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 5: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

III

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

pinagkuhanan sa paglikha o paglinang

ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na

papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain

at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 6: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

10

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 1

Ang Konsepto ng Kontemporaryong

Isyu at Kahalagahan ng Pag-aaral

nito

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 7: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

1

Alamin

Panimula

Subukan mong ilarawan ang iyong lipunan. Anu-anong mga suliranin ang

iyong nakikita? Gaano ka kamulat sa mga Kontemporaryong Isyu? Paano ito

nakaaapekto sa iyong pamumuhay? Paano tinutugunan ng inyong

komunidad ang mga nabanggit na isyu at hamon? Ikaw ay bahagi ng

masalimuot na lipunan. Bilang kabahagi nito, maaaring ang mga

nararanasan mo ay may kaugnayan sa malaking kaganapan sa lipunang

iyong ginagalawan.

Sa araling ito ay mauunawaan mo ang mga sanhi at bunga ng mga isyu at

hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang

ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga ito. Hindi lamang

mga namumuno sa pamahalaan at mga pangkat na nagsusulong ng kanilang

adhikain ang may tungkulin sapagkat bahagi ka sa pagkakaroon ng mga isyu

at hamong panlipunan. Samakatuwid, ikaw ay mayroon ding bahagi sa

pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunang ating nararanasan.

Halika’t lakbayin natin ang aralin tungkol sa Kontemporaryong Isyu at ang

kahalagahan ng pag-aaral nito! Makatutulong ang aralin na ito upang lubos

mong maunawaan ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga

Kontemporaryong Isyu at kung paano ka makakaambag sa pagtugon sa iba’t

ibang isyu at hamong panlipunan.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu;

2. nakagagawa ng repleksiyon na naglalahad ng personal na saloobin kung

paano makatutulong sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan; at

3. napahahalagahan ang pagiging mulat sa mga isyu at hamong

panlipunan bilang kabahagi ng lipunan.

Subukin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa sagutang papel ang

titik ng iyong sagot.

1. Ano ang tawag sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit

anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon?

A. Kontemporaryong Isyu C. Kasalukuyang Kaganapan

B. Isyung Personal D. Usapang Kalye

f

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 8: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

2

2. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Kontemporaryong Isyu?

A. Paglabag sa Karapatang Pantao C. Terorismo

B. Child Abuse D. Lahat ng nabanggit

3. Ang sumusunod ay saklaw ng Kontemporaryong Isyu, maliban sa

A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan

B. Isyung Personal D. Isyung Pangkapaligiran

4. Saan makasisipi ng mga Kontemporaryong Isyu?

A. Print Media C. Online Media

B. Visual Media D. Lahat ng nabanggit

5. Ang mga Kontemporaryong Isyu gaya ng Export/Import, Online

Shopping, Free Trade, at Samahang Pandaigdigan ay saklaw ng

A. Isyung Panlipunan C. Isyung Pangkalusugan

B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran

6. Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa isyung personal?

A. Ito ay personal na usapin.

B. Ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

C. Ito ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng isang

lipunan.

D. Ang isyung personal ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap

ng indibiduwal.

7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isyung personal?

A. Pagbagsak sa asignaturang Mathematics

B. Kawalan ng Trabaho sa bansa

C. Polusyon sa Kapaligiran

D. Human Trafficking

8. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng isang Kasalukuyang

Kaganapan?

A. Paghuli sa isang senior citizen na lumabas ng walang dalang

quarantine pass.

B. Ulat tungkol sa bilang ng positibo sa COVID 19 sa Cebu.

C. Pagrarali ng mga estudyante sa isang kilalang unibersidad.

D. Lahat ay tama.

9. Alin sa sumusunod na pahayag ang TAMA?

A. Ang Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong usapin na

nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging

matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao.

B. Ang Kontemporaryong Isyu ay nagdudulot ng suliranin sa tao

ngunit hindi sa lipunan.

C. Ang mga Kontemporaryong Isyu ay may malaking epekto sa

lipunan ngunit hindi sa pamumuhay ng tao.

D. Lahat ng nabanggit ay tama.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 9: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

3

10. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng kahalagahan ng pag-aaral ng

Kontemporaryong Isyu MALIBAN sa_______________

A. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mabuting pasiya

B. Nakapagdudulot ito ng malawakang kapayapaan

C. Naisusulong nito ang pagkamamamayan

D. Nahuhubog nito ang mapanuring pag-iisip

11. Ang mga Pilipino ay kilalang masiyahin sa kabila ng madaming

problemang kinakaharap. Bagaman problemado, alerto sila sa pagtanggap at

muling pagbangon sa mga hamon at nagaganap sa kapaligiran. Alin sa

sumusunod ang iyong nararapat gawin ngayong kinaharap ng ating bansa

ang isang matinding kalaban na hindi nakikita?

A. Makinig sa balita at sumunod sa direktiba ng pamahalaan na

manatili sa bahay hanggang sa maging maayos na ang lahat.

B. Unahin ang sariling kapakanan kaysa tumulong sa kapwa.

C. Huwag mangialam sa mga nangyayari sa paligid bagkus

ipagpatuloy ang buhay.

D. Wala sa nabanggit.

12. Si Agnes bilang isang tipikal na kabataan ay nagnanais na maging

huwaran sa lahat sa pamamagitan ng pag-iisip at pagkilos ng mabuti ng

may katwiran. Siya ay nag-aaral ng mabuti para may sapat na kaalaman

para sa kinabukasan ng ating bayan. Anong katangian ng isang

mamamayan ang ipinakikita ni Agnes?

A. mapanuri, produktibo, mapagmalasakit

B. mayabang, wais, makasarili

C. matalino, mapapel, nagmamagaling

D. maarte, duwag, tuso

13. Ang matinding polusyon sa lupa, hangin at tubig na nagdudulot ng

matinding pagbaha, matinding tagtuyot at pagguho ng lupa ay isang

malaking isyu na kinakaharap ng ating bansa. Alin ang posibleng

maapektuhan ng mga nabanggit na problema?

A. kapayapaan at kabuhayan C. kultura at kabuhayan

B. kalakalan at kabuhayan D. kalikasan at kapayapaan

14. Si Lando ay may disenteng trabaho. Malaki ang sweldo at maraming

benepisyong natatanggap. Dahil dito, nairaraos niya ang pang-araw-araw na

pangangailangan ng pamilya. Hindi man marangya ang buhay nila pero

masaya sila at kontento sa buhay. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari,

dumating ang pandemyang COVID 19 na sumira sa kung ano ang mayroon

ang pamilya ni Lando. Nagsara ang pinagtatrabahuan niya kaya nawalan siya

ng trabaho sa isang iglap. Nangangailangan ba ng agarang pansin ang

problema ni Lando?

A. Oo, upang hindi madagdagan ang dami ng bilang ng mga walang

trabaho.

B. Oo, upang maiwasan na siya ay gumawa ng krimen para

mabuhay ang pamilya.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 10: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

4

C. Oo, upang siya ay magsikap para iahon ang sarili sa problema.

D. Lahat ng nabanggit ay tama.

15. Bilang isang mag-aaaral, magagamit mo ba ang iyong kaalaman sa mga

Kontemporaryong Isyu?

A. Oo,upang hindi mapagsamantalahan ang aking kakulangan sa

kaalaman.

B. Oo, upang manguna ako sa usapin gamit ang aking kaalaman sa

mga Kontemporaryong Isyu

C. Oo, upang makapagbigay ako ng suhestiyon ukol sa mga paraan ng

pagpigil sa kahirapan sa bayan at sisikat ako

D. Lahat ng nabanggit ay tama.

Ang Konsepto ng Kontemporaryong Isyu at

Kahalagahan ng Pag-aaral nito

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 11: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

5

Balikan

Gawain 1: Ano ang ISYU?

PANUTO: Hanapin sa word search puzzle ang Kontemporaryong Isyu na

inilalarawan ng bawat bilang gamit ang mga ibinigay na clue. Maaaring ang

mga salita ay nakasulat nang pababa, pahalang, o pahilig.

H A N T P Y B U R R Y S T

C L I M A T E C H A N G E

A P R E T O V N T C I R R

L E O S N Z O E R I C O R

M O T V S E P L T S E U O

N N L G E X M E N M E P R

E L X N L R L A Y J D S I

S Y Z O B U T L S I N Q S

S F V B U L L Y I N G A M

1. isang gawain na nagsusulong ng radikal o rebolusyong layunin sa

pamamagitan ng marahas na paraan tulad ng hijacking, panununog,

kidnapping at iba pa.

( t _ _ _ o _ _ _ m)

2. tumutukoy sa pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga

greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.

(c _ _ m _ _ _ c _ _ n _ _)

3. pang-aapi ng isang tao sa isang tao dahil sa nakita niyang kapansanan

o hindi kanais-nais sa isang tao

(b _ _ _ _ _ _ g)

4. tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang

halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.

(p _ _ _ _ t _)

5. ang paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal

na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao.

(r _ _ _ _ m)

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 12: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

6

Tuklasin

Gawain 2 : Maki-ISYUso

PANUTO: Suriin ang iba’t ibang isyung kinahaharap ng ilang indibiduwal sa

lipunan. Sagutin ang kasunod na gawain.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Alin sa mga sitwasyon sa itaas ang naranasan mo na?

2. Tukuyin kung alin sa mga sitwasyon ang Suliraning Personal at

Suliraning Panlipunan? Ipaliwanag. Sagutin ito gamit ang talahanayan.

source: http://clipart.library.com/

Ang baba ng marka ko sa pagsusulit sa Araling Panlipunan.

Pataas ng pataas na ang bilang ng mga Pilipinong walang

trabaho .

Naku!Ubos na ang load ko. May tatawagan pa

naman sana ako .

Kaliwa’t kanan ang mga kalamidad.

magugunaw na ba ang mundo?

Makakabangon pa kaya ang mundo sa pinsalang dulot ng

COVID 19?

Nakakatakot naman ang balita u kol s a

mga pang - aabusong nararananasan ng

mga kababaihan sa panahon ngayon.

Ninakaw ang pera ko sa bag ko, tuloy

wala na akong baon .

Pakiramdam ko mag - isa lang ako sa

mundo, walang may paki alam sa akin.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 13: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

7

Suliraning Personal Suliraning Panlipunan

Paliwanag

Paliwanag

3. Kailan maituturing na ang isang suliranin ay isyung panlipunan?

4. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

Suriin

Maraming isyu, hamon at suliraning kinakaharap ang ating bansa sa

kasalukuyan. Ilan sa mga ito ay maituturing na mga kontemporaryong isyu.

Kontemporaryong Isyu

Ang Kontemporaryong Isyu ay nagmula sa salitang com+tempor na

nagngahulugang current o napapanahon.

Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa

kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay

sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao. Ang mga Kontemporaryong

Isyu ay hindi lamang limitado sa mga pangkasalukuyang isyu o usapin.

Kabilang din ang mga napag-usapan na noon subalit buhay pa rin hanggang

ngayon.

Ilan sa Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu :

Paglabag sa Karapatang pantao

Bullying

Diskriminasyon sa Kasarian

Child Labor

Overpopulaton

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 14: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

8

Domestic Violence

Pandemyang COVID 19

Saklaw ng Kontemporaryong Isyu ay :

Kontemporaryong Isyung Panlipunan

Halimbawa: Halalan, Terorismo, Rasismo

Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan

Halimbawa: Sobrang Katabaan, Kanser, HIV/AIDS, Drug Addiction

Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran

Halimbawa: Global Warming, Earthquake, Typhoon, Pollution

Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan

Halimbawa: Export/Import, Online Shopping, Free Trade,

Samahang Pandaigdigan

Saan makakasipi ng mga Kontemporaryong Isyu?

Print Media

Halimbawa: Diyaryo, Magazine, Komiks

Visual Media

Halimbawa: Balita, Documentaries, Pelikula, Drama sa TV

Online Media

Halimbawa: Online vlogs, Website, Facebook

Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

1. Ang mga kaalaman sa kontemporaryong isyu ay makapagmumulat sa

mga mamamayan sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan na

nangangailangan ng solusyon.

2. Nahuhubog ang mga mamamayan upang maging kritikal at mapanuri,

makabansa, makatao at makakalikasan, at maging produktibong

mamamayan ng bansa. Napapalawak rin nito ang pananaw at

pagpapahalaga sa lipunan, bansa at daigdig.

3.Napapahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu

4. Nalilinang ang kahandaan sa hamon at oportunidad

5. Nahuhubog ang aktibo at pananagutang panlipunan

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu?

2. Paano ka makakatulong sa pagtugon sa mga isyu at hamong

panlipunan?

3. Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga isyu at hamong

panlipunan bilang kabahagi ng lipunan?

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 15: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

9

Pagyamanin Gawain 3 : Tick! Talk!

PANUTO : Lagyan ng tick (/) ang kahon sa gilid ng bilang ng bawat pahayag na naglalahad ng kahalagahan ng pag- aaral ng mga Kontemporaryong Isyu.

1. Dahil sa pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu, tayo ay nagiging

bahagi ng nga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong

nararanasan sa lipunan.

2. Kapag nalalaman ng bawat tao ang mga Kontemporaryong Isyu,

nagkakaroon ng mas maraming ideya kung paano mabibigyang lunas

ang mga ito.

3. Kung tayo ay mulat sa nangyayari sa paligid, ito ay nagiging daan

upang mapaghandaan natin ang isang sitwasyon na maaaaring

makaapekto sa buong mundo.

4. Maraming magiging tampulan ng tsismis at walang kabuluhang

usapin.

5. Bilang isang mamamayan, tungkulin natin ang makialam at maging

bahagi sa anumang hamon na kinakaharap ng bansa.

6. Nakaaapekto sa mga pangkaraniwang mamamayan ang mga

Kontemporaryong Isyu kaya napapahalagahan mo ang mga tao,

pangyayari, at mga isyu.

7. Ang mga kaalaman sa kontemporaryong isyu ay makapagmulat sa

mga mamamayan sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan na

nangangailangan ng solusyon.

8. Nahuhubog ang mga mamamayan upang maging kritikal at

mapanuri, makabansa, makatao at makalikasan, at maging

produktibong mamamayan ng bansa.

9. Napapalawak nito ang pananaw at pagpapahalaga sa lipunan, bansa

at daigdig.

10. Napapakalat nito ang iba’t ibang mga fake news na nagdudulot ng

takot at maling impormasyon ng tao ukol sa isang isyu.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 16: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

10

Isaisip Gawain 4: Kontempo-Libro ng Aking Kaalaman

PANUTO: Mula sa iba’t ibang usapin na nasa kahon sa ibaba, piliin kung alin

dito ang mga Kontemporaryong Isyu, Itala sa unang pahina ng libro ang iyong

mga sagot. Pagkatapos, sa ikalawang pahina ng libro naman, ihayag ang

iyong saloobin kung bakit nga ba mahalaga ang pag-aaral sa mga

Kontemporaryong Isyu sa pamamagitan ng pagdugtong sa pahayag.

Paglaganap ng Investment Scam Pag-atake ng Budol-budol Gang

Paglabag sa Karapatang Pantao Utang ng Pilipinas sa World Bank

Pagtatalo sa Teritoryo Child Abuse

Pandemyang COVID

-19

Pagiging maparaan ng mga Pinoy

Mga Kontemporaryong Isyu Personal na saloobin

Sa aking pananaw, mahalaga ang pa g - aaral ng mga Kontemporaryong Isyu dahil

1. _____________________ ______________________________ 2 . _____________________ ________________________________

3 . _____________________ ____________________ ______ ____ 4 . _____________________ ______________________________ 5 . _____________________ ______________________________

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 17: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

11

Isagawa Gawain 5: Ako ay Kabahagi!

PANUTO: Magsisilbi itong pansariling repleksyon sa aralin. Sagutin ang

gawaing ito upang maipakita mo na may bahagi ka sa ilang mga isyu/hamong

panlipunan at bahagi ka rin sa pagtugon sa mga isyu/hamong panlipunang

nararanasan sa kasalukuyan. Mamarkahan ang iyong gawain gamit ang

kasunod na rubric.

Rubric sa pagmamarka sa paggawa ng repleksyon

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang

Puntos

Pag-unawa Malinaw na

naipaliwanag ang

bahagi sa

pagkakaroon at

pagtugon sa mga isyu

at hamong

panlipunan .

8

Organisasyon Kumprehensibo at

malinaw ang daloy ng

ideya.

6

Nilalaman Wasto at

makatotohanan ang

mga ideya na

sinusuportahan ng

mga konkretong

halimbawa.

6

Kabuuan Puntos 20

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 18: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

12

Ang aking bahagi sa pagtugon

ng ganitong isyu/hamong

panlipunan ay

Isyu/Hamong Panlipunan

_________________________

______________________ ______________________

______________________ _________________________

______________________ _________________________

______________________ _________________________

______________________ _________________________

Tayahin PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot.

1. Ano ang Kontemporaryong Isyu?

A. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa

sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang

panahon.

B. Ito ay mga isyung nakakaapekto sa isang tao lamang.

C. Ito ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

D. Wala sa nabanggit.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng Kontemporaryong Isyu?

A. Isyung Personal C. Isyung Pangkapaligiran

B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkalusugan

3. Ang sumusunod ay halimbawa ng Kontemporaryong Isyu, maliban sa

A. Diskriminasyon sa Kasarian

B. Domestic Violence

C. Kakulangan ng ayuda sa Barangay Kapas

D. Paglubo ng Populasyon

4. Ang sumusunod na mga Isyu ay saklaw ng Isyung Pangkalugusan,

maliban sa

A. Sobrang Katabaan C. Polusyon

Ang aking bahagi sa pagkakaroon

ng ganitong isyu/hamong

panlipunan ay

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 19: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

13

B. AIDS D. Drug Addiction

5. Alin sa sumusunod ang midyum upang madali na lang ang pag-alam sa

pinakabagong balita?

A. Print Media C. Online Media

B. Visual Media D. Lahat ng nabanggit

6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng isyung personal at

isyung panlipunan?

A.Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng

lipunan samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa

isang tao lamang.

B.Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa

suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

C.Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan

samantalang ang isyung personal ay pansarili lamang.

D.Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning

kinahaharap ng isang lipunan.

7. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng isyung personal?

A. Migrasyon C. Racial Discrimination

B. Pagbagsak sa klase D. COVID 19

8. Paano naiiba ang Kontemporaryong Isyu sa Kasalukuyang Kaganapan?

A. Nananatili ang Kontemporaryong Isyu hanggang isang dekada o

higit pa samantalang ang Kasalukuyang Kaganapan ay

panandalian lamang.

B. Ang Kontemporaryong Isyu ay nababalita samantalang ang

Kasalukuyang Kaganapan ay tahimik lang.

C. Ang Kontemporaryong Isyu ay isang limitadong paksa lamang

habang ang Kasalukuyang Kaganapan ay isang malawak na

paksa

D. Ang Kontemporaryong Isyu ay pag-uusapan samantalang ang

kasalukuyang Kaganapan ay ipinagwawalang-bahala lang.

9. Kilala ang mga Pilipino sa pagiging masayahin sa kabila ng madaming

problemang kinakaharap. Alerto sa pagtanggap at muling pagbangon sa

mga hamon at nagaganap sa kapaligiran bagaman problemado. Mahalaga

bang maging mulat at handa sa kasalukuyang nangyayari sa ating

kapaligiran bilang bahagi ng lipunan?

A. Oo, sapagkat maaari mo itong maging basehan upang iwasan ang

mga posibleng panganib.

B. Oo, sapagkat marapat lamang na madami kang masabi sa mga

talakayan ninyo sa silid-aralan.

C. Hindi, sapagkat maaga kang mamumulat sa kasamaan ng

madaming tao sa paligid mo.

D. Hindi, sapagkat bilang mag-aaral wala pa ding saysay ang mga

opinyon mo sa mas nakakatanda.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 20: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

14

10. Si Tere ay nag-aaral nang mabuti para may sapat na kaalaman para sa

kinabukasan ng ating bayan. Kung ikaw si Tere, paano mo

gagampanan ang iyong bahagi bilang mamamayan sa pagharap sa

isyu at hamong panlipunan?

A. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at

hamong panlipunan.

B. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong

panlipunan.

C. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga

responsibilidad sa mamamayan.

D. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan

sa sariling komunidad.

11. Alin sa sumusunod ang HINDI nagsasaad ng kahalagahan ng

pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

A. Nalilinang nito ang kahandaan sa hamon at opotunidad

B. Nahuhubog nito ang aktibo at pananagutang panlipunan.

C. Napapahalagahan nito ang mga tauhan, pangyayari at isyu.

D. Nakapagdudulot ito ng kaguluhan at kalituhan dahil sa pagkalat

ng mga maling impormasyon.

12. Bilang isang mag-aaaral, paano mo gagamitin ang iyong kaalaman sa

mga Kontemporaryong Isyu?

A. Gagamitin ko ito upang protektahan ang aking sarili laban sa mga

taong nais samantalahin ang aking kakulangan sa kaalaman.

B. Bubuo ako ng mga programang pang-ekonomiya gamit ang aking

kaalaman sa mga Kontemporaryong Isyu upang mapaunlad ang

bansa.

C. Magmumungkahi ako ng mga paraan upang mapigil ang

kriminalidad sa bayan gamit ang aking kaalaman sa mga

Kontemporaryong Isyu

D. Lahat ng nabanggit

13. Ang sumusunod na pahayag ay TAMA, maliban sa

A. Ang Kontemporaryong Isyu ay mga napapanahong usapin na

nangangailangan ng agarang pagtugon upang maging

matiwasay at maayos ang pamumuhay ng mga tao.

B. Hindi lahat ng Kontemporaryong Isyu ay negatibo at nagiging

suliranin.

C. May mga Kontemporaryong Isyu rin na may positibong epekto at

nagkakaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa

lipunan.

D. Wala sa nabanggit

14. Ang problema sa ilegal na droga ay isang malaking isyu na kinakaharap

ng ating bansa. Sa kabila ng pag-aksiyon at paglaban ng pamahalaan

dito, patuloy pa rin ang paggamit ng mga taong lulong dito. Kaya hindi

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 21: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

15

napipigilan ang pagtaas ng bilang ng mga krimen. Alin ang posibleng

maapektuhan ng nabanggit na problema?

A. kapayapaan at kabuhayan C. kultura at kabuhayan

B. kalakalan at kabuhayan D. kalikasan at kapayapaan

15. Si Juana ay isang tipikal na kabataan na maraming pangarap sa buhay.

Isa na diyan ang pagnanais na iahon sa hirap ang pamilya. Ngunit siya

ay napabarkada na nagiging balakid sa kanyang pagpasok sa klase na

nagiging sanhi sa kawalan niya ng sapat na kakayahan upang matuto

na naaayon sa kanyang baitang. Bakit nararapat na bigyan ito ng

agarang pansin?

A. upang maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga kabataang walang

trabaho sa hinaharap.

B. upang maiwasan na maging modelo siya ng maraming kabataang

mahilig din maglaro ng basketbol

C. upang siya ay muling mahikayat na sipagin pumasok kahit na

may pinagkakaabalahan siya.

D. upang maging inspirasyon nya ang mga pangyayari sa kanyang

buhay at maging inspirasyon sa iba.

Karagdagang Gawain

Gawain 6 : Havey! Waley!

kung wasto o havey ang diwang ipinapahayag ng

kapag mali o waley ang diwa nito.

_____1. Mahalagang pag-aralan ang mga Kontemporaryong Isyu sa loob at

labas ng ating bansa.

_____2. Maraming isyu, hamon at suliraning kinakaharap ang ating bansa sa

kasalukuyan.

_____3. Malaki ang papel ng pamayanan sa pagharap sa isyung nagaganap

sa lipunan.

_____4. Ang bawat isa sa atin ay dapat mulat sa mga nangyayari sa ating

kapaligiran sa tulong ng telebisyon, dyaryo, radio, social media, at iba pang

medium ng komunikasyon o media upang mapalawak natin ang kaalaman

sa mga napapanahong usapin. _____5. Katuwang ng pamahalaan ang

mamamayan sa paghahanap ng mga solusyon sa mga problemang

kinakaharap nito.

PANUTO: Iguhit ang

pangungusap at

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 22: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

16

Susi sa Pagwawasto

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 23: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES

17

Sanggunian

Department of Education (2017). Araling Panlipunan 10 Modyul para sa

Mag-aaral. Department of Education

Department of Education (2017). Araling Panlipunan 10 Gabay sa

Pagtuturo. Department of Education

Antonio, E. et. al. (2017). KAYAMANAN : Mga Kontemporaryong Isyu. Rex

Publishing. Quezon City.

Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong

Isyu. https://www.scribd.com

KontemporaryongIsyu.https://www.academia.edu/28635459/KONTEMPOR

ARYONG_ISYU

Estenor, Alexis. Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

LinkedIn

SlideShare.https://www.slideshare.net/alexesestenor/kahalagahan-ng-

pagaaral-ng-mga-kontemporaryong-isyu

Billones, Alvin. Kontemporaryong Isyu. LinkedIn SlideShare.

https://www.slideshare.net/hanibal258/kontemporaryong-isyu

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Cebu Province Division IPHO Bldg. , Sudlon, Lah ug , Cebu City Telefax: (032) 255 - 6405 Email Address: [email protected]

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 24: 10 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/Final-AP-10...Araling Panlipunan Unang Markahan Mga Hamong Pangkapaligiran 10 1st GENERATION MODULES