10 - znnhs.zdnorte.nettinanggap ni celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto. c....
TRANSCRIPT
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 8: Mga Angkop na Kilos na
Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan
Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon:
Paaralan:
10
00
1
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang
mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang
kabahagi na sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan.
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman at kakayahan:
a. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal
sa bayan Esp10PB-IIIf-11.4;
b. Nasusuri ang mga halimbawa ng bawat kilos na nagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan sa gitna ng pandemyang kinahaharap ng ating bansa sa pamamagitan ng graphic organizer;
c. Napahahalagahan ang importansiya ng pagmamahal sa bayan sa
pamamagitan nang pagninilay-nilay.
Panuto : Basahin, unawain at piliin nang maigi ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan ang
kanyang natutuhan ay gagamitin upang tulungan ang nangangailangan
at ipadama sa iba na hindi sila nag-iisa sa kanilang paghihirap at pangangailangan ng tulong.
a. Pumila nang maayos b. Mag-aral ng mabuti c. Huwag magpapahuli
ang oras ay mahalaga
2. Paano maipapakita ang paggalang sa ating watawat bilang simbolo ng
ating pagkakakilanlan?
a. Hihinto sa paglalakad kung nagsisimula na ang pagtaas ng watawat habang inaawit ang Lupang Hinirang.
b. Magpatuloy sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang.
c. Hindi kikibo at magsawalang bahala habang inaawit ang Lupang Hinirang.
3. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan
ipagpapatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”.
a. Kung maaari ng bumoto, isagawa ito nang tama.
b. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
c. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura.
4. Ang pagiging Pilipino ba ay isang biyaya?
a. Hindi, dahil hindi naman basehan ang pagkakakilanlan sa pag-unlad.
b. Oo, dahil hindi ito aksidente, ito ay nakaplano ayon sa kagustuhan ng
Diyos bilang isang indibidwal na sumasakatawang diwa.
c. Hindi, dahil ang biyaya ay matatamo lamang kung ikaw ay magsusumikap.
SUBUKIN
ALAMIN
2
5. Anong kilos ng tao ang napapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan iniiwasan ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal,
at labis na pagkaadik sa mga kompyuter games.
a. Kung maaarig ng bumoto, isagawa ito nang tama.
b. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.
c. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.
6. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng hindi pag-aaksaya ng tubig, responsable sa paggamit ng pinagkukunang yaman, at pangangalaga sa
kalikasan.
a. Bumili ng produktong sariling atin, huwag iyong peke o smuggled.
b. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.
c. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura.
7. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit ito ang magiging dahilan ng banta sa iyong buhay?
a. Oo, dahil ito ang siyang nararapat gawin kahit ito ay magdudulot sa
iyo ng kapahamakan.
b. Hindi, dahil ito ay nakasasama sa iyo at piliing huwag nalang
makialam.
c. Hindi, dahil ayaw mong madamay sa krimen.
8. Ito ay uri ng kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung
saan ang isang tao ay marunong bumalanse sa tamang oras, iniiwasan
ang pagkahuli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain.
a. Pumila nang maayos. b. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga.
c. Mag-aral nang mabuti.
9. Basahin ng mabuti ang mga sitwasyon at piliin kung alin dito ang nagpapakita ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip.
a. Tumulong si Ana sa pagtitinda ng gulay sa kanyang kapitbahay nang
walang hinihinging kapalit.
b. Itinanggi ni Ben ang nagawa niyang kasalanan sa harap ng kanyang
guro.
c. Palaging nag-iisip ng masama si Cita sa kanyang kaibigan.
10. Bawat Pilipino ay may karapatang bumoto sa pagsapit ng tamang gulang,
alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang
paggamit ng karapatan sa pagboto.
a. Hindi ipinaalam ni Jane sa kanyang mga magulang na siya ay naka
kuha ng suhol sa magkabilang partido.
b. Tinanggap ni Celso ang suhol ng isang pulitiko ngunit ‘di siya bumoto.
c. Binoto ni Mark ang kandidato na may puso at marunong umintindi sa
mga mahihirap.
3
Sa nagdaang modyul, ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang
sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao
ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan
na tayo ay nabubuhay sa mundo kasama ang ating kapwa.
Gawain 1: Post ko, Comment mo! Panuto : Basahin at suriin nang maigi ang post sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa comment box na nakahanda.
Gawain 2 : Larawan-Suri
Panuto : Tunghayan at suriing mabuti ang pag-uusap ng dalawang bata na sina Mark at Ronel na nasa larawan. Sagutin ang mga pamatnubay na
tanong na nasa ibaba.
Anu-anong mga bagay ang iyong nagawa para masabing
mahal mo ang iyong bayan? Ipaliwanag.
TUKLASIN
BALIKAN
4
Pamatnubay na mga Tanong:
1. Anu-ano ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa larawan?
2. Magkapareho ba ang pananaw ng dalawang bata? Oo o hindi, ipaliwanag.
3. Meron bang mga kilos o gawi na ipanapakita ang dalawang bata tungkol
sa pagmamahal sa bayan?
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon
ang mga problemang kinahaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa mga
tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating
bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaring isabuhay upang makatulong sa bansa, ito ay ayon kay Alex Lacson:
Gawain 3: Basa-Unawa
Panuto: Basahin nang maigi ang teksto at unawain ang mga nilalaman nito.
Pagkatapos, sagutin ang mga nakahandang katunungan sa ibaba.
SURIIN
5
1. Mag-aral nang Mabuti. Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman mag-iisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang natutuhan sa pag-aaral ay gagawin niyang paraan upang mahanapan ng solusyon at tulungan ang bansa sa problemang kinakaharap at haharapin nito. Ang kaniyang natutuhan ay gagamitin upang
tulungan ang nangangailangan, ipakita at ipadama sa iba na hindi nag-iisa sa kanilang pag-iisa at pangangailangan ng tulong.
2. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay hindi makatutulong upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng tamang oras na susundan. May batas o wala, kailangang gamitin ang oras ng tama, kailangang isulong ang kultura nang pagiging maagap (culture of punctuality).
3. Pumila nang maayos. Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na kung minsan, dahilan ng pagtatalo na nuuwi sa aksidente, away, bugbugan hanggang sa patayan. Sabi nga lagi, “Disiplina lang pakiusap.” Mababaw kung tutuusin pero kailangan.
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Kung may simpleng bagay na maaring gawin ang isang mamamayan para sa kaniyang
bayan, ito ay ang igalang ang kaniyang pagkakakilanlan, pangunahin na rito ang pambansang awit. Awitin ito ng buong puso at may paggalang.
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o mangopya. Isa sa pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan ay ang kawalan ng katapatan lalo ang iilang nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na mangangalaga sa karapatan ng mamamayan. Ang katapatan ay unang itinuro sa bahay, at pinauunlad at pinalalawak ito sa paaralan at isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan.
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan. Ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa o ng mundo sa kapaligiran ay nasa kamay ng mamamayan at ito ay ang responsableng paggamit ng pinagkukunang yaman nito, kasama na rito ang pagtitipid sa tubig, kuryente, pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at tamang pagtapon ng basura.
7. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong. Ang kalusugan ng tao ay yaman sa bansa, ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal, at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa kompyuter ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa.
8. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan ito upang lalo pang matulungang mapalago at maingat ang ekonomiya ng bansa, na sa huli ay ang
mamamayan makikinabang nito. Ang produktong masasabing tunay na gawang Pilipino ay likas na matibay, maganda, at maayos ang pagkagawa kaysa sa ibang bansa.
9. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno na kakatawan sa mga bagay na nais mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa kung anong pabor o materyal na bagay.
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo”. Ang pangangalaga sa nakatatanda ay isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi.
11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang kapangyarihang ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa Kaniya, paghinig ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin sa buhay. Sabi nga nila, pakinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat.
6
Tanong:
1. Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong ba ang pagkakaroon ng
tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip?
2. Ang aksiyon ba na kanilang ginawa ay lihis o ‘di ayon sa pagiging
makabayan?
3. Alin sa mga nabanggit ang naisagawa mo na?
4. Paano mo gagawing instrumento ang iyong sarili upang maging kaisa
ang iyong kapuwa kabataan na isabuhay ang mga kilos na ito?
Gawain 4: Tanong mo, Tugon ko!
Panuto: Balikan ang labing-isang halimbawa ng mga angkop na kilos na
nagpamamalas ng pagmamahal sa bayan. Lagyan ng Tsek (√) kung ito ay
Ginawa at Ekis (X) naman kung ito ay Hindi Ginawa o Hindi pa Nagawa.
Pagkatapos, sagutin ang tanong. Ano ba ang layunin mo bakit mo ito ginawa o hindi ginawa. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.
Kilos na nagpapamalas
ng pagmamahal sa Bayan
Tugon
Ginawa Hindi
Ginawa
Bakit mo ito ginawa/hindi
ginawa?
Mag-aral nang mabuti √ Dahil ito ang siyang tama,
at ito ay para sa aking
magandang bukas.
Huwag magpahuli, ang
oras ay mahalaga
Pumila ng maayos
Awitin ang pambansang
awit
Maging totoo at tapat
Magtipid ng tubig
Iwasan ang gawain na
hindi nakatutulong
Bumili ng sariling
produktong sariling atin
Kung puwede ng bumoto,
isagawa ng tama
Alagaan at igalang ang
nakatatanda
Isama sa panalangin ang
bansa at kapuwa
PAGYAMANIN
7
Gawain 5 : Concept Web
Panuto: Magbigay ng mga kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan
na may kinalaman sa paglutas at pag-iwas sa mga masamang dulot ng COVID -19 sa ating bansa.
Ang aking Pagmamamahal sa Bayan sa gitna
ng Pandemya
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao
1. Anu-anong mga bagay ang gusto mong gawin upang ikaw ay makatulong sa gitna ng nararanasang pandemya ng ating
bansa?
2. Ano ang maari mong gawin upang maisasabuhay ang iyong mga
pagkatuto sa modyul na ito?
ISAISIP
8
Gawain 6 : Ang Paggawa ng Tama ay Mabuting Halimbawa!
Panuto: Basahin at unawain ang bawat kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na nasa unang hanay. Isulat sa ikalawang hanay
ang isang konkretong halimbawa sa bawat kilos na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo.
Kilos na nagpapamalas ng
pagmamahal sa Bayan
Halimbawa
Mag-aral nang mabuti Papasok sa paaralan at hindi liliban ng
walang dahilan.
Huwag magpahuli, ang oras
ay mahalaga
Pumila nang maayos
Awitin ang pambansang awit
Maging totoo at tapat
Magtipid ng tubig
Iwasan ang gawain na hindi
nakatutulong
Bumili ng sariling
produktong sariling atin
Kung maaaria ng bumoto,
isagawa nang tama
Alagaan at igalang ang
nakatatanda
Isama sa panalangin ang
bansa at kapwa
Gawain 7 : Pagninilay sa Sanaysay; para Masanay! Panuto : Gumawa ng isang repleksiyon batay sa konseptong natutunan sa modyul na ito. Tatayain ang iyong sagot batay sa rubrik na nakahanda.
Makatutulong ang mga pamatnubay na mga tanong upang makabuo ka ng
isang komprehensibong sanaysay. 1. Ano ang iyong mga natutunan sa modyul na ito?
2. Anu-anong mga mungkahing kilos na nagpapakita ng pagmamahal sa
bayan na nais mong ipahatid sa iba pang mga mag-aaral na katulad mo. 3. Anu-ano ang mga dapat mong taglaying katangian upang maipakita
natin ang ating pagmamalasakit sa bansa? At papaano mo ito
mailalapat.
ISAGAWA
9
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa iyong sagutang papel.
SET : A
1. Sa gitna ng pandemyang nangyayari ngayon, paano mo maipapakita na ikaw
ay tapat at nagmamalasakit sa bayan?
A. Sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng katotohanan na may lagnat sa dahilang nais mong makapasok sa isang mall nang hindi hinaharang.
B. Sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa mga kinauukulan na ikaw ay uuwi sa inyung lugar at handa kang dumaan sa proseso para maka-uwi ng ligtas
at walang dalang panganib.
Rubrik sa Paggawa ng Sanaysay
Pamantayan Krayterya Iskor
Organisasyon ng mga ideya
Naipapakita at nailalahad nang maayos ang ugnayan ng konseptong
ipinapahayag.
5
Kaangkupan
ng mga salitang ginamit
Wasto at angkop ang mga ginamit na
salita at ang mga ito ay nagtataglay ng tamang bantas.
5
Lalim ng pag-
unawa sa paksa
Nagpapahayag ng malalim na pag-
unawa sa paksang tatalakayin.
5
Orihinalidad at
istilo
Nagpapamalas ng orihinalidad sa mga
ideyang gagamitin at nagpapakita ng
kakaibang istilo sa pagsusulat.
5
Kabuuan 20
Dito magsimula:
PAGTATAYA
10
C. Sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng totoo na ikaw ay may malalang ubo dahil gusto mong mamasyal sa pook pasyalan.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan?
A. Pagtatapon ng basura sa may ilog .
B. Pag-aaksaya ng tubig
C. Pagtulong sa pagtatanim ng mga punongkahoy sa mga bakanteng lupa.
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagtangkilik ng mga produktong
sariling atin?
A. Bumili ng mamahaling bag na Chanel si Rhea sa isang mall.
B. Piniling gumamit ng mga rattan at kawayan si MJ para sa kanilang mga upuan.
C. Ipinahiya ng isang babae ang batang nagtitinda ng sampaguita.
4. Paano maipapamalas ng isang tao ang pagiging mabuting botante?
A. Sa pamamagitan ng pagpipili ng karapat-dapat na politiko na siyang may
magandang adhikain para sa ikauunlad ng bayan.
B. Sa pamamagitan ng pagtanggap ng suhol mula sa magkabilang panig at
ni isa sa kanila ay hindi binoto.
C. Sa pamamagitan ng pagsasawalang kibo sa mga pangyayari.
5. Ang pagsusugal, pag-inom, paninigarilyo, at labis na pagkahilig sa kompyuter na laro ay nakatutulong ba sa pag-unlad ng ating bayan?
A. Oo, dahil wala namang kinalaman ang mga bisyo sa pagpapatakbo ng
bansa.
B. Hindi, dahil ito ay nakasasagabal sa mithiin ng pamahalaan at
nakadadagdag ito sa mga suliranin na kinahaharap ng bayan.
C. Oo, dahil kumikita rin naman ang gobyerno sa pamamagitan ng buwis at
taripa ng mga ito.
6. Ito ay uri ng kilos na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan na kung saan ipanapakita ang buong pusong pag-awit sa Lupang Hinirang at paggalang sa watawat?
A. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.
B. Mag-aral nang mabuti.
C. Awitin ang pambansang awit ng may paggalang at dignidad.
7. Bakit kailangan nating isama sa ating mga panalangin ang ating bansa at ang ating kapuwa?
A. Dahil wala naman tayong mapagpipilian kung di ang isama ang iba sa
ating panalangin.
B. Dahil kailangan mo lang ito para makita ng mga tao na ikaw ay maka
Diyos.
C. Dahil pakikingan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang
nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat.
8. Sa trabaho, paano mo maipapakita sa ibang lahi na hindi likas sa mga
Pilipino ang pagiging huli sa oras at iba pang mga bagay?
A. Ipapakita sa trabaho na masinop at marunong magpahalaga sa wastong oras ng pagtatrabaho at hindi nahuhuli sa pagpasok.
B. Magsawalang kibo nalang dahil sa palagay mo ito ay totoong palaging huli at hindi masinop sa oras ang mga Pilipino.
11
C. Magpatuloy sa kung ano ang nakagawian at huwag nalang pansinin ang panlalait ng ibang mga lahi.
9. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan
nagpapakita ng disiplina sa sarili sa tuwing nasa gitna ng lansangan,
namimili ng grocery sa mall, at pagsunod sa mga patakaran ng fast lane,
Senior Citizen, PWD and pregnant lane ng bawat establisyimento.
A. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga
B. Pumila nang maayos
C. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
10. Naglakad-lakad ka upang magpahangin sa tapat ng inyong bahay, nakita
mo ang matalik na kaibigan ng iyong ina na nagsusunog ng napakaraming
plastik na basura. Nagkataon ang nanay mo ang Kapitan ng inyong
Barangay, ano ang gagawin mo?
A. Magsasawalang kibo at ipagpalagay na hindi mo ito nakita.
B. Ipagbigay alam kaagad sa nanay mo ang iyong nakita subalit ibang tao
ang babanggitin mo.
C. Kausapin ang nanay mo tungkol sa iyong nakita kahit na alam mong
matalik niya itong kaibigan.
SET : B
1. Sa gitna ng pandemyang ating nararanasan ngayon, bilang isang Pilipinong may pagmamahal sa bayan, paano ka makatutulong sa pagsugpo sa paglaganap ng virus?
a. Sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng utos at payo ng mga
kinauukulan at ang hindi paglabas ng bahay kung hindi naman
kinakailangan.
b. Sa pamamagitan ng pagsama sa mga rally upang ipahayag sa pamahalaan ang matinding pagsalungat sa mga plano.
c. Piliing manahamik at magkibit-balikat nalang sa mga nangyayari.
2. Ito ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan na kung saan
tinatangkilik ang sariling produkto.
a. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at pangalagaan ang kalikasan
b. Bumili ng sariling atin, huwag ang peke o smuggled.
c. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
3. Nagpapamalas kaya ng pagmamalasakit sa bayan ang mga taong walang
iniisip kung hindi ang mamasyal kahit nasa kasagsagan pa ng pandemya?
a. Hindi, dahil hindi nila iniisip ang maaring mangyari kapag nahawaan sila at sila naman ang makahahawa sa iba, lalong lala ang sitwasyon.
b. Oo, dahil kahit sila ay namamasyal wala naman silang inaagrabyado at pera naman nila ang kanilang ginagasta.
c. Hindi, dahil ito ay magdudulot ng kapahamakan.
4. Ang mga sumusunod ay kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan maliban sa isa:
a. Maging totoo at tapat.
b. Mag-aral nang mabuti.
c. Magliwaliw kasama ang mga barkada.
5. Nakasaksi ka sa nakawang nangyari sa isang tindahan, sasabihin mo ba ang iyong nakita kahit ito ay madudulot ng panganib sa iyong buhay?
12
a. Hindi, dahil mahal ko ang aking buhay at wala naman akong mapapala sa pagsisiyat ng krimen.
b. Oo, dahil kaibigan ko ang may-ari ng tindahan.
c. Oo, dahil kailanman ay hindi tama ang pagnanakaw at nais kung makatulong sa imbestigasyon.
6. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan ang maging tapat at totoo?
a. Dahil ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa iyong pagkatao at mahal ng Diyos ang mga hindi sinungaling.
b. Dahil ito ay itinuturo ng mga magulang at mga guro na dapat sundin para hindi mapagalitan.
c. Dahil napipilitan kang gawin sapagkat iyon ang idinidikta ng mga taong nasa paligid mo.
7. Ang sumusunod na mga pangungusap ay nagpapakita ng pagmamalasakit
sa kalikasan, maliban sa isa:
a. Abala sina Jane at Kris sa paglilinis ng kanilang bakuran samantalang
walang pakundangan sa pagsusunog ng mga plastik si Amy.
b. Maluwag na sumama si Jade sa isang programa ng pagtatanim ng mga
magroove sa bakanteng malapit sa baybayin.
c. Pinaghihiwalay ni Clarisse ang mga nabubulok sa hindi nabubulok na basura.
8. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-
iisip?
a. Dahil ang isang taong may tamang may pag-uugali ay gagawa ng
paraan upang may maitulong sa kapwa at gagawin niya kung ano sa
palagay niya ang makabubuti at pag-aralan kung ano ang sanhi ng
problema.
b. Dahil ang pag-uugali ang basehan kung yayaman ka ba o hindi.
c. Dahil sa pag-uugali makikita kung ano kang klaseng kaibigan,
anak , at katrabaho.
9. Paano mo maipapakita sa loob ng klase ang pagiging isang tapat?
a. Sa pamamagitan ng pagpasa sa guro ng isang sanaysay na ginawa ng
iba at tuluyang pag-angkin nito.
b. Sa pamamagitan ng pagpasa ng iyong papel kahit maraming bilang ang walang sagot kahit na pilit kang pinakopya ng iyong kaibigan.
c. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sagot sa iyong katabi dahil alam mong lumabas saglit ang guro.
10. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita na ikaw ay nag-aaral nang mabuti?
a. Sa pamamagitan ng pagbubulakbol at pamamasyal kasama ang mga
kaibigan.
b. Sa pamamagitan ng pagsusunog ng kilay para makapasa sa unang
pagsusulit.
c. Sa pamamagitan ng pagpasok sa paaralan para lang makakuha ng
baon sa magulang.
13
Panuto : Gumawa ng poster na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino na
nagpapamalas ng mga kilos ng pagmamahal sa bayan. Tatayain ang awtput batay sa rubrik na nakahanda.
Pagmamarka sa paggawa ng Poster
Pamantayan Indikador Puntos
Kaisipang
Inilalahad
Naipapakita nang maayos ang nais
ipahiwatig na kaisipang ipinababatid
ng poster.
5
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa ng
poster
5
Kaangkupan ng
konsepto
Maayos at angkop ang mensahe sa
paglalarawan ng konsepto
5
Pagkamalikhain
(creativity) Gumamit ng tamang kombinasyon ng
mga kulay at nagpapakita ng mayaman na imahinasyon sa nilalaman ng
konsepto.
5
Kabuuang Presentasyon
Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon
5
Kabuuan 25
KARAGDAGANG GAWAIN
14
Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral, pp 201-205
www.Storyboardthat.com /Pietro Maximoff - account
SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN
1.B
2. A 7.A
3.B 8.B
4.B
10.C
6.C
5.B
9.A
SET A
1.B
2. C 7.C
3.B 8.A
4.A
10.C
6.C
5.B
9.B
SET B
1.A
2. B 7.A
3.A 8.A
4.C
10.B
6.A
5.C
9.B
15
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Jun Mark T. Dag-uman, T-I
Pagadian City NHS, Pagadian City Division
Editor/QA: Susan S. Baga, HT-I
Pagadian City National Comprehensive High School
Tagasuri:
Tagaguhit: Jun Mark T. Dag-uman, T-I
Tagapamahala:
Danny B. Cordova, EdD,CESO VI
OIC-Schools Division Superintendent
Ma. Coleen L. Emoricha, EdD, CESE
OIC- Assistant Schools Division Superintendent
Maria Diosa Z. Peralta
CID-CHIEF
Ma. Madelene P. Mituda, EdD
EPS - LRMDS
Jovita S. Dugenia
EPS - EsP
Regi Here the trees and flowers bloom
Here the breezes gently Blow,
Here the birds sing Merrily,
The liberty forever Stays,
Here the Badjaos roam the seas
Here the Samals live in peace Here the Tausogs thrive so free
With the Yakans in unity
on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair
Linger with love and care
Golden beams of sunrise and sunset
Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX
Hardworking people Abound,
Every valleys and Dale
Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
All of them are proud and true
Region IX our Eden Land
Region IX
Our..
Eden...
Land...
My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,
Gladly now I go to give thee this faded life's best,
And were it brighter, fresher, or more blest
Still would I give it thee, nor count the cost.
Let the sun draw the vapors up to the sky,
And heavenward in purity bear my tardy protest
Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And in the still evening a prayer be lifted on high
From thee, 0 my country, that in God I may rest.
On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,
Others have given their lives, without doubt or heed;
The place matters not-cypress or laurel or lily white,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,
T is ever the same, to serve our home and country's need.
Pray for all those that hapless have died,
For all who have suffered the unmeasur'd pain;
For our mothers that bitterly their woes have cried,
For widows and orphans, for captives by torture tried
And then for thyself that redemption thou mayst gain
I die just when I see the dawn break,
Through the gloom of night, to herald the day;
And if color is lacking my blood thou shalt take,
Pour'd out at need for thy dear sake
To dye with its crimson the waking ray.
And when the dark night wraps the graveyard around
With only the dead in their vigil to see
Break not my repose or the mystery profound
And perchance thou mayst hear a sad hymn resound
' T is I, O my country, raising a song unto thee.
My dreams, when life first opened to me,
My dreams, when the hopes of youth beat high,
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea
From gloom and grief, from care and sorrow free;
No blush on thy brow, no tear in thine eye.
And even my grave is remembered no more
Unmark'd by never a cross nor a stone
Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my
ashes may carpet earthly f loor,
Before into nothingness at last they are blown.
Dream of my life, my living and burning desire,
All hail ! cries the soul that is now to take flight;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ;
To die for thy sake, that thou mayst aspire;
And sleep in thy bosom eternity's long night.
Then will oblivion bring to me no care
As over thy vales and plains I sweep;
Throbbing and cleansed in thy space and air
With color and l ight, with song and lament I fare, Ever
repeating the f aith that I keep.
If over my grave some day thou seest grow,
In the grassy sod, a humble flower,
Draw it to thy lips and kiss my soul so,
While I may feel on my brow in the cold tomb below
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.
My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved
Filipinas, hear now my last good -by!
I give thee all: parents and kindred and friends
For I go where no slave before the oppressor bends,
Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!
Let the moon beam over me soft and serene,
Let the dawn shed over me its radiant flashes,
Let the wind with sad lament over me keen ;
And if on my cross a bird should be seen,
Let it trill there its hymn of peace to my ashes.
Farewell to you all, from my soul torn away,
Friends of my childhood in the home dispossessed! Give
thanks that I rest from the wearisome day!
Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved
creatures all, farewell ! In death there is rest!
I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain
future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of
meeting my responsibility to the past, and the task of performing
my obligation to the future.
I sprung from a hardy race, child many generations removed of
ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes
rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in
ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see
them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,
carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance
of new land that was to be their home and their children’s forever.
I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed
that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.
In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to
battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula
in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and
Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.
The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my
manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds
that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand
years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the
insignia of my race, and my generation is but a stage in the
unending search of my people for freedom and happiness.
y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The
East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,
was my mother, and my sire was the West that came thundering
across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of
the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for
liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East
must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has
bound his limbs, and start moving where destiny awaits.
I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give
that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge
that has come ringing down the corridors of the centuries, and it
shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears
when first they saw the contours of this land loom before their eyes,
of the battle cries that have resounded in every field of combat from
Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:
―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom
shall have been added unto my inheritance—for myself and my
children and my children’s children—forever.‖
11