115003186-pamphlet

2
P P P A A A N NI I M MMU UL L L A A A Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang na naman natin ang Kapaskuhan at siguradong abala na naman ang mga ina ng tahanan sa paghahanda ng iba't-ibang putaheng ihahain pagsapit ng Noche Buena at maging sa mga inaanak sa araw mismo ng Pasko. Maaari kasing tama at masustansiya ang pagkain ngunit kung hindi naman malinis ang paghahanda nito ay maaari ring magdulot ng karamdaman sa atin gaya ng food poisoning, hepatitis A at B at cholera. Ayon sa World Health Organization, para mapanatiling ligtas ang pagkain ay dapat magsimula ito sa kalinisan ng gagamiting tubig at sangkap sa pagluluto hanggang sa kalinisan ng kapaligiran lalo na kung saan inihahanda ang pagkain. Siyempre kasama rito ang mga kasangkapan at ang magluluto at mga tagapaghanda. M MMG GG A A A  A A A L LLI II T T T U UUN NNT T T U UUN NNI IIN NN U UUP P PA A AN NNG G G  M MA A A I I W WA A AS S S A A A N N A A A N NG G G P P P A A A G GK K K A A AK KK A A A S SS A A A K KKI I T T T  D DDU UL LLO OOT T T  N NG GG M MA A A R RRU UM MI IIN NG G G  P P P A A A G GGK K K A A AI IIN N  Laging tingnan ang expiration date ng mga binibiling pagkain lalo na kung mura nang ibinebenta ang mga ito.  Ihuli ang frozen at perishable items sa pamimili.  Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng pagkain.  Para maiwasan ang cross- contamination, ihiwalay ang sariwang karne, manok at isda para hindi malagyan ng katas ng mga ito ang ibang sangkap sa pagluluto. Pagkatapos hiwain ang mga ito ay hugasang mabuti ng hot soapy water ang sangkalan, countertop, kutsilyo at iba pang kasangkapang ginamit.  Mas mainam na magkaroon ng hiwalay na sangkalan para sa karne, at sa gulay at prutas para maiwasan ang cross contamination.  Ihiwalay din ang hilaw sa lutong pagkain. Lutuing mabuti ang pagkain upang mamatay ang anumang mikrobyo (gaya ng salmonella) sa hilaw na karne.  Siguruhing natunaw na nang husto ang yelo (thawed) ang frozen foods para maluto nang mabuti hanggang sa loob ng karne.  Panatilihin din sa tamang temperatura ang mga lutong pagkain para hindi agad mapanis. Ang mga putaheng may tomato sauce gaya ng spaghetti o menudo ay hindi pwedeng iwan sa room temperature dahil madaling masira. Keep hot foods hot and cold foods cold.  Gumamit ng serving plate na katamtaman ang laki at mag-refill na lamang kung kinakailangan. Huwag hayaang nasa room temperature ang nakahaing pagkain ng mahigit sa dalawang oras para maisawan ang food borne illnesses.

Upload: arlene-salceda

Post on 18-Oct-2015

16 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

CHN

TRANSCRIPT

PANIMULA

Sa susunod na buwan ay ipagdiriwang na naman natin ang Kapaskuhan at siguradong abala na naman ang mga ina ng tahanan sa paghahanda ng iba't-ibang putaheng ihahain pagsapit ng Noche Buena at maging sa mga inaanak sa araw mismo ng Pasko.Maaari kasing tama at masustansiya ang pagkain ngunit kung hindi naman malinis ang paghahanda nito ay maaari ring magdulot ng karamdaman sa atin gaya ng food poisoning, hepatitis A at B at cholera.Ayon sa World Health Organization, para mapanatiling ligtas ang pagkain ay dapat magsimula ito sa kalinisan ng gagamiting tubig at sangkap sa pagluluto hanggang sa kalinisan ng kapaligiran lalo na kung saan inihahanda ang pagkain. Siyempre kasama rito ang mga kasangkapan at ang magluluto at mga tagapaghanda.MGA ALITUNTUNIN UPANG MAIWASAN ANG PAGKAKASAKIT DULOT NG MARUMING PAGKAIN Laging tingnan ang expiration date ng mga binibiling pagkain lalo na kung mura nang ibinebenta ang mga ito.

Ihuli ang frozen at perishable items sa pamimili. Ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos humawak ng pagkain.

Para maiwasan ang cross-contamination, ihiwalay ang sariwang karne, manok at isda para hindi malagyan ng katas ng mga ito ang ibang sangkap sa pagluluto. Pagkatapos hiwain ang mga ito ay hugasang mabuti ng hot soapy water ang sangkalan, countertop, kutsilyo at iba pang kasangkapang ginamit.

Mas mainam na magkaroon ng hiwalay na sangkalan para sa karne, at sa gulay at prutas para maiwasan ang cross contamination. Ihiwalay din ang hilaw sa lutong pagkain. Lutuing mabuti ang pagkain upang mamatay ang anumang mikrobyo (gaya ng salmonella) sa hilaw na karne.

Siguruhing natunaw na nang husto ang yelo (thawed) ang frozen foods para maluto nang mabuti hanggang sa loob ng karne.

Panatilihin din sa tamang temperatura ang mga lutong pagkain para hindi agad mapanis. Ang mga putaheng may tomato sauce gaya ng spaghetti o menudo ay hindi pwedeng iwan sa room temperature dahil madaling masira. Keep hot foods hot and cold foods cold.

Gumamit ng serving plate na katamtaman ang laki at mag-refill na lamang kung kinakailangan. Huwag hayaang nasa room temperature ang nakahaing pagkain ng mahigit sa dalawang oras para maisawan ang food borne illnesses.

Kung may matirang pagkain, agad na ilagay sa refrigerator. Kung wala naman, maari na rin ang mga lalagyan na mayroong takip.

Huwag kalimutan hugasan ang mga kamay, gumamit ng apron at hairnet, alisin ang mga alahas at iwasan ang salita ng salita para hindi kasama ang laway mo sa sangkap na iyong iluluto.

Wastong Nutrisyon palaganapin, sa pagsunod sa sa mga mahahalagang alituntunin

Inihanda ni:Maglupay, Venus C.BSN 4-2Cavite State UniversityCollege of Nursing

Mga Wastong Alituntunin sa Paghahanda ng Pagkain