118386466 mga estratehiya sa pagtuturo ng araling panlipunan
TRANSCRIPT
Ang mga stratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ay mga
paraan na ginagamit sa paglilipat ng konsepto, ideya,
katotohanan, kasanayan, at salobin sa pag-iisip at mga
gawain ng mga mag-aaral. Natatamo ang layuning ito
sa mahusay at walang sawang paggabay ng guro.
FRETZIE P. ALCANTARA Ipil National High School Division of Marinduque Region IV – MIMAROPA
I. Isahang Pagkatuto (Individualized
Instruction)
Learning Contract
Activity Card Kard ng mga Pangunahing
Ideya
Learning Center
Learning Activity Package
II. Pangkatang Pagkatuto (Group
Instruction)
Team Accelerated
Instruction (TAI)
Learning Together (LT)
Students Teams-Achievement
Division (STAD)
Jigsaw Mock Meeting
Brainstorming Think-Pair-
Share Inside-Outside
Classroom Debate
Joint Storytelling
Unfinished Story o
Reaction Story
Paglalakbay-isip o Imaginary Travelogue
Pag-aaral ng kaso o Case
Analysis Storyline
In the News Balitaan sa Kasaysayan
Viewpoint
Di-inihandang Talumpati o
Impromptu Speech Imaginary History Inquiry Teaching
Fishbowl KWL Technique Pandulang
Pagtatanghal
Plus,Minus,Interesting (PMI)
Paggamit ng mga Laro
I. ISAHANG PAKATUTO
(INDIVIDUALIZED INSTRUCTION)
• Ito ay isang stretehiya na tumutugon sa mga pangangailangan, interes at kakayahan ng bawat mag-aral. )
• Kailangang tugunan ng guro ang mga pangangailangang ito ng bawat mag-aaral.
• Isang paraan ng pagsasagawa nito ay ang pagpili ng mga kagamitan na angkop sa kakayahan ng mga mag-aaral.
• May ilang learning modality na dapat isa-alang-alang – visual (nakikita), auditory (naririnig), tactile (nahihipo) at kinesthetic (nasasakilos o naiisagawa). Tungkuling ng guro na tuklasin ang mga salik na magpapataas ng kakayahan sa pagkakatuto ng bawat mag-aaral.
1. Learning Contract
• Ito ay isang kasunduan ng nilagdaan
ng guro at isang mag-aaral. Nakatuon
ang kasunduan sa isang partikular na
mag-aaral batay sa kanyang interes
at kakayahan. Nakasaad dito ang
pagsang-ayon ng mag-aaral sa mga
gawain na kailangan niyang
matutuhan.
Dalawang Uri ng Learning Contract
• Open Learning Contract – may
kalayaang pumili ang mag-aaral ng
pagksang pag-aaralan, mga gawain,
takdang-aralin at paraan ng pagtataya.
• Closed Learning Contract – ang guro
ang gumagawa ng mga layunin, gawain,
takdang-aralin at paraan ng pagtataya sa
mga gawain ng mag-aaral.
2. Activity Card
• Ang activity card na inihanda ng guro ay
nakatuon sa mga layunin
• May mga mungkahing gawain ito kung paano
matatamo ang mga layunin.
• Maaring bigyan ng isang activity card ang
isang mag-aaral ayon sa kanyang interes o
natatanging pangangailangan.
• Maari ding hayaang pumili ang mag-aaral ng
isang activity card tungkol sa paksang aralin
3. Kard ng mga Pangunahing Ideya
• Isusulat ng mag-aaral sa index card o
ibang card ang kanyang reaksyon sa
isang paksa, pangyayari o bagay na
tinalakay sa klase.
• Malalaman sa stratehiyang ito ang
kakayahan ng mga mag-aaral na
ipabatid ang kanyang ideya, opiniyon
at saloobin tungkol sa isang bagay sa
pamamagitan ng pagsulat.
4. Learning Center
• Ito ay isang lugar sa silid-aralan na may
mga kagamitan sa pag-aaral at mga
panuto sa mga gagawin ng mag-aaral.
• Mayroon itong mga gabay sa pag-aaral
na may mga tanong na kailangang
sagutin ng mga mag-aaral at
paglalarawan ng mga gawain na dapat
nilang makompleto.
5. Learning Activity Package (LAP)
• Ito ay isang paraan nag pag-ayos ng pagtuturong indibidwal. Binubuo ito ng pre-test, mga layunin, at post-test.
• Ito ay kagamitan sa pagtuturo na inihanda at isinasaayos ng guro para sa mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan. Malaking tulong ito sa paggabay sa mga mag-aaral sa mga proyekto na kailangan ng pagsasaliksik.
• May mga tuntunin ito kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral.
• Maingat na pagsubaybay ng guro sa gawain ng mga mag-aaral upang matukoy at malutas ang suliraning maaring makaharap ng mga mag-aaral.
II. PANGKATANG PAGKATUTO
(GROUP INSTRUCTION)
• Cooperative Learning - Pinapangkat
ng mga mag-aaral sa maliliit na grupo
na magkakaiba ang kakayahan,
etnisidad at kasarian.
Kagandahan:
1. Natutuhan ng mga mag-aaral ang
pagiging responsable sa sarili at sa mga
kapangkat.
2. Naghihikayat ng interaksyon sa pagitan
ng guro at mag-aaral.
3. Naghihikayat ng aktibong interaksyon ng
mga mag-aaral na makakapaglinang ng
kanilang mga kasanayan, at pagtitiwala
sa pakikipagtrabaho sa ibang tao.
Gampanin ng Guro
• Tagalunsad ng aralin
• Tagapagpasya
• Tagapagmasid ng gawain
• Tagapagsuring-halaga ng mga
gawain ng mga mag-aaral
Papel na gagampanan ng mag-aaral
bilang kasapi ng pangkat
• Tagabuod – lalagom ng lahat ng ginawa ng
pangkat na kinabibilangan
• Tagatsek – tagatingin kung tama o may mali sa
mga gawain ng pangkat
• Tagapagsaliksik – may karanasan sa
pagmamasid, magsulat ng mga namasid na
pangyayari, at kasanayan sa paggamit ng
aklatan
• Tagapagtala – tagasulat ng lahat ng naganap
sa pangkat
1. Teams Accelerated Instruction (TAI)
• Hahatiin ang klase sa maliliit na pangkata na binubuo ng 4
hanggang 6 na mga kasapi.
• Bibigyan sila ng kanya-kanyang kagamitan at mga tanong.
• Isusulat ng mga mag-aaral sa sagutang papel ang kanilang
mga sagot na ibibigay ng guro.
• Magpapalitan ng papel ang mga magkakapangkat at itsetsek
ang kanilang sagot.
• Ang score ng pangkat at batay sa kabuuang bilang ng yunit na
nabuo sa bawat linggo at ang kawastuhan ng mga sagot ay
batay sa kabuaang resulta sa mga sagutang papel.
2. Learning Together (LT)
• Pinapangkat ang mga mag-aaral na iba-iba ang antas ng kakayahan.
• Ang bawat pangkat ay binibigyan ng gawain at bawat kasapi ay inilalagay sa isang bahagi ng proyekto na angkop sa kanyang interes at kakayahan.
• Tungkulin ng bawat pangkat na magtipon ng impormasyon at mga kagamitan na kailangan sa kanilang gawain.
3. Students Teams-Achievement
Division (STAD)
• Binubuo ito ng may 4 na kasapi.
• Ilalahad ng guro ang aralain at pagkatpos mapag-
aaralan ang aralin sa kanya-kanyang pangkat.
• Bibigyan ang bawat mag-aaral ng maikling
pagsusulit. Ang score ng mag-aaral ay batay sa
kanilang nagawa.
• Ang kabuuang score ng bawat mag-aaral ang
magiging score ng pangkat.
• Tatanggap ng sertipiko o ibang gantimpala ang
pangkat na makakatugon sa criteria na ibinigay ng
guro.
4. Jigsaw
• Binubuo ng anim na miyembro na bibigyan ng
academic material o paksa ng guro. Ang bawat
academic material ay hahatiin sa 6 na seksyon at ang
bawat myembro ng pangkat ay magtatrabaho sa isang
seksyon. Ang mga myembro ng ibat-ibang pangkat na
itinalaga sa magkakatulad na seksyon ay
magsasama-sama. Ito ang tinatawag na expert
group. Tatalakaying mabuti ng bawat expert group
ang kanilang seksyon. Pagkatapos, babalik ang
miyembro ng expert group sa orihinal nilang pangkat
at tatalakayin ang buong academic material na
ibinigay sa pangkat.
5. Mock Meeting
• Magkaaroon ng kunwang pagpupulong tulad ng pagpupulong ng konseho ng lungsod o pagpupulong ng mga organisasyong pambansa, panrehiyon o pandaigdig.
6. Brainstorming
• Layunin nito na tulungan ang mga
mag-aaral na makakagawa ng
orihinal na solusyon sa mga
suliranin. Hinihikayat nito ang
mga mag-aaral na magbigay ng
maraming sagot sa suliraning
binibigyang-tuon.
Tuntunin na dapat sundin sa
brainstorming
1. Pagbibigay ng isang suliranin ng mga mag-aaral na kanilang bibigyang-tuon.
2. Mabilis na pagbibigay ng mag-aaral ng mga ideya. Kailangang gawin ito ng mabilis, tulad ng isang bagyo o storm of the brain.
3. Huwag magbigay ng mga puna maging ito ay positibo o negatibo man sa mga binibigay na mga ideya. Lahat ng ideya ay tatanggapin.
4. Itala ang lahat ng mga ideya.
5. Isulat ang lahat ng mga ideyang ibinigay.
6. Itigil na ang pagbibigay ng mga ideya kapag humina na ang pagbibigay nito.
7. Magkaroon ng pangkalahatang talakayan ng mga ideya.
7. Think-Pair-Share
• Pinapangkat sa dalawahan ang mga mag-aaral.
• Binibigyan sila ng isang tanong o suliranin.
• May ilang sandali silang mag-iisip tungkol sa tanong o suliranin.
• Sa hudyat ng guro, ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa kani-kanilang pangkat.
• Pagkaraan ng kanilang talakayan sa pangkat, ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang mga sagot sa klase.
Sa ganitong stratehiya, mauunawaan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng kanilang mga ideya at pagkakasundo.
8. Inside - Outside
• Pangkatin ang klase sa dalawa o tatlo.
• Gumawa ng bilog sa gitna ng klase. May isang pangkat na nasa loob at isang pangkat sa loob ng klase.
• Tungkulin ng bawat kasapi ng pangkat na nasa labas na pagmasdan ang mga kasapi na nasa loob. Ang pangkat na nasa loob ay ang magtatalakay ng paksa.
• Pagkatapos gampanan ng bawat pangkat ang kanilang tungkulin, magpapalita ng tungkulin ang bawat pangkat.
Higit na nagiging produktibo ang mga mag-aral na nabibigyan ng pagkakataon na lumahok sa ganitong gawain at napapalakas ang kanilang kasanayan sa pangkatang gawain.
9. Classroom debate
• Binubuo ito ng dalawang pangkat na kumakatawan sa magkabilang panig ng iisang isyu. Ang isang pangkat ay sa panig na sang-ayon (pro) at ang isa pang pangkat ay sa panig na (salungat). Isang mag-aaral ang magsisilbing kritiko.
• Ang paksa ng debate ay isang isyung maaring pagtalunan. Isa itong panukala na nangangailangan ng pagsagot.
Mga hakbang sa pagasasagawa ng
classroom debate
• Ang bawat kasapi ng panig na sangayon at salungat ay magsasalisi sa pagsasalita ng tig-tatlong minuto.
• Ang mga kasapi ng panig na sang-ayon ay magsusulit-tanong (cross-examine) ng kabuuang aim na minuto. Gayundin ang sumusunod na gagawin ng pagsalungat.
• Magbibigay ang mga kasapi ng bawat panig ng kanilang huling pangungusap sa loob ng tatlong minuto.
• Ang kritiko ay magbibigay ng mga masusing pagtatanong sa mga kasapi ng pangkat sang-ayon at salungat sa loob ng walong minuto. Tungkulin ng kritiko na ipakita ang kahinan ng pagtatalo.
• Ang buong klase ay magbobotohan kung sino ang nanalo. Gagawin ito sa loon ng dalawang munuto.
10. Joint Storytelling
• Kailangan dito na nabasa na ng mag-aaral ang
aralin.
• Magpangkatang dalawan ang mga mag-aaral. Ang
isa ay ang Partner A at ang isa ay ang Partner B.
• Magtulungan ang dalawang pangkat sa pagkuwento
ng aralin.
• Sundan ito ng tanungan, sagutan at talakayan
tungkol sa kanilang kuwento.
11. Unfinished Story o Reaction Story
• Ginagamit ito bilang pampasigla sa pagganap sa
isang sitwasyon.
• Ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin
kung sakaling kasangkot sila sa isang pangyayari.
• Ikukuwento ng isa o dalawang mag-aaral ang
tungkol sa isang suliranin.
• Pagkatapos mapakinggan ang kuwento, isasadula
ng mga mag-aaral ang solusyon.
• Susundan ito ng pagkuha ng reaksyon/ebalwasyon
ng mga mag-aral sa isinadula.
12. Paglalakbay-isip o Imaginary
Travelogue
• Isa itong likhang-isip o imahinasyon ng
isang turista.
• Isasalaysay ng turista o ng tour guide ang
mahahalaga at makasaysayang pook o
kunwang nakikita o pinapasyalan.
• Susundan ito ng malayang talakayan at
mga puna ng mga mag-aaral kung wasto
o ayos ang pagsasalaysay
13. Pag-aaral ng Kaso
• Pagsusuri ito sa suliranin, pasya o aksyon.
• Mga Paraan:
1. mga aklat na nagpapaliwanag ng kadahilanan
2. dokumento na nagpapakita ng pinagmulan ng
isang lugar, bagay o institusyon
3. mga kuwento na maaring totoo o hindi
4. datos mula sa pananaliksik na ginamit na patunay
5. Vignettes na nagpapakita ng isang karanasan
6. Interpretative essay na ginagamit upang makabuo
ng konklusyon tungkol sa usapin.
Mga hakbang na maaring isagawa sa
pag-aaral ng kaso
1. Ipabasa ang kaso at isulat sa pisara ang mga
mungkahing solusyon na suliraning tinalakay sa
kaso
2. Magtalakayan sa pamaagitan ng pagbasa sa mga
ginawang solusyon ng mga mag-aaral
3. Tiyakin na nauunawaan ng lahat ang bawat isyu na
maririnig at ang lahat ng paniniwala, isyu at ang
mga solsuyong iniharap ay makatwiran.
4. Ipabuod ang bawat isyu. Magpasya ang klase kung
aling solusyon ang pinakamabuti.
14. Story Line
• Isa itong pagdulog na ginagamit ang natutuhan at karanasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng aktibo at makabuluhang usapan at dayalogo. Mahalaga ang pakikilahok ng mga mag-aaral.
Mga hakbang sa paggawa ng story line
• Simulan ito sa pagsasabi sa klase na sama-sama
silang bubuo ng isang kuwento.
• Ibigay ang pinangyarihan at panahon kung kailan
naganap ang kuwento na naaayon sa mga layunin ng
aralin. Magkaroon ng talakayan ang mga mag-aaral
tungkol dito at magpasya.
• Bumuo ng mga tauhan sa kuwento na pag-uusapan at
pagpapasyahan ng mga mag-aaral.
• Magbigay ng mga pangyayari na naayon sa layunin
ng aralin na siyang batayan sa pagbubuo ng kwento.
• Magkaroon ng talakayan tungkol sa nabuong kwento.
15. Panayam
• Ang pakikipanayam ay isang paraan ng
pagtitipon ng mga datos na kailangansa aralin
mula sa mayamang kaalaman ng isang
dalubhasa ukol sa isang paksa o kanyang
karanasan sa isang pangyayari. Mabisang
paraan ito sa pagpapayaman ng aralain
• Sa mock interview na gaagwin sa klase,
sundan ang pakikipanayam ng pagbibigay puna
sa mga tanong at sagot na naganap. Suriin ito
na ayon sa layunin at paksa ng panayam.
Mga mungkahing hakbang sa
isasagawang panayam
• Linawin ang paksa, paksang pag-uusapan
• Gumawa ng talaan ng mga tanong at iayos ayon
sa pagkakasunod-sunod
• Isulat ang mga sagot o gumamit ng tape
recorder.
• Humingi ng pahintulot sa kinapanayam sa
pamamagitan ng imbestigasyong na nakasulat o
oral at linawin ang paksa, petsa, oras at pook.
• Maging magalang sa pagtatanong at iwasan ang
personal na bagay.
16. In the News
• Isa itong peer teaching approach na magbibigay
ng karagdagang materyal at impormasyon na
maiibahagai sa mga mag-aaral.
• Magpadala sa mga mag-aaral ng mga artikulo,
news items, editoryal at mga cartoon na
maiiugnay sa aralin.
• Pangkatin ang klase at ibahagi ang dalang
artikulo at aytem sa kanilang kamag-arla at
pumili ng dalawa o tatlo rito na kanilang
nagustuhan.
• Magtipon muli ang buong klase at ibahagi sa
bawat pangkat ang kanilang napiling aytem.
• Makinig sa mahahalagang puntos na iniulat ng
pangkat.
• Gawin itong impormasyon upang pasimulan ang
talakayan sa klase.
17. Storyboard
• Layunin:
Iugnay at pagsunod-sunurin ang mga
pangyayari at linangin ang pang-unawa ng mga
mag-aaral sa mga bahagi ng kwento.
Pamamaraan:
Magbrainstorm ng mga ideya tulad ng mga
konsepto o pangyayari sa kasaysayan
Ipasulat ang mga ideya ng mga mag-aaral sa
mga index card
Ipadikit ang mga index card sa mga poster board at pagsunud-
sunorin ito.
Isabit ang mga poster board sa paligid ng silid-
aralan at hayaaang tingnan ito ng mga
maga-aral
Simulan ang talakayan tungkol sa ginawa ng
mga mag-aaral
18. Balitaan sa Kasaysayan
Bawat pangkat sa klase ay bigyan ng paksa o balita
sa pahayagan na may kaugnayan sa klase
Ipasulat sa papel sa bawat pangkat ang paksa at ang limang salitang pananong
tulad ng:
Ipapasa ng mga mag-aaral sa kanilang kapangkat ang papel at sa bawat ikot nito, magdadagdag sila ng mahalagang impormasyon na sasagot sa salitang pananong.
Kapag nasagot na ang mga ito, isusulat ng bawat pangkat ang
kanilang artikulo batay sa impormasyong kanilang nabuo.
Ipabasa ang artikulo ng bawat pangkat at iproseso.
Paksa
Sino? ______________
Ano?_______________
Kailan?_______________
Saan?_______________
Bakit?__________________
19. Viewpoint
• Magpasulat ng thesis sentence sa isang opisyal o
personalidad sa kasaysayan ukol sa kanyang opinyon sa
isang isyu at pasuportahan ito ng mga katibayan
• Halimbawa:
Si Mohandas Ghandi ay laban sa pamamahala ng mga
ingles at nakita ito sa kanyang sinimulang kilusang
passive resistance sa kanyang pananalita.
• Gagamitin ang sipi ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
sanaysay tungkol sa opinion ng napiling personalidad.
20. Di-inihandang talumpati or
Impromptu Speaking
• Layunin: Tayahin ang natutuhan sa paksang-
aralin at linangin ang kasanayan ng mag-aaral
sa komunikasyon at ipahayag ang kanilang
saloobin tungkol sa isang paksa
• Binibigyan ng paksa ang mag-aaral sa klase at
doon din ay magtatalumpati.
• Hindi siya binibigyan ng panahong magsulat ng
talumpati o magbasa ng mga babasahin upang
madagdagan ang kanyang kaalaman tungkol sa
paksa
21. Imaginary History
• Pumili ng isang kaganapan sa kasaysayan at
lumikha ng sariling imaginary history na kakaiba
sa tunay na pangyayari.
• Itanong: Ano ang maaring nangyari kung sakali?
• Ipasulat ang tanong sa isang papel at kasunod
nito, itala ang mga pangyayari na sa palagay ng
mga mag-aaral na nabago ng binagong
pangyayari.
• Ibahagi ang tala upang malaman kung ang
nilikhang imaginative history ay kapani-paniwala
22. Inquiry Teaching
• Itinuturo ang mga konsepto sa pamamaraang inductive (
magbibigay ang guro ng ilang tiyak na halimbawa, pag-
aaralan ito at pagkatapos ay bubuo ng konklusyon batay
sa mga katangian ng ibinigay na halimbawa)
• Mga hakbang:
1. Ilarawan ang mga pangunahing katangian ng suliranin
o sitwasyon
2. Magbigay ng mga solusyon o paliwanag
3. Magtipon ng mga katibayan na magagamoit sa
pagtataya ng kawastuhan ng mga solusyon o
paliwanag
4. Tayahin ang mga sulosyon o paliwanag batay
sa mga katibayan.
5. Bumuo ng konklusyon na sinusuportahan ng
mga matibay na ebidensya.
23. Fishbowl
• Nililinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-
uusap liban sa kaalaman niya sa paksang tintalakay.
• Mga Pamamaran:
1. Ayusin ang mga silya sa dalawang concentric circles na
nakaharap sa loob.
2. Bigyang laya ang mga mag-aaral na pumili kung saan
sila uupo – sa inner or outer circle.
3. Ang mga mag-aaral sa inner circle ay may kalayaang
magsalita subalit ang mga nasa outer circle ay dapat
manatiling tahimik.
4. Kapag ang mag-aaral na nasa outer circle ay nais
Magbigay ng puna, palitan ang paksa o kung nais niyang
umupo sa inner circle, kailangan niyang tumayo at
tapikin ang balikat ng isang kasapi ng inner circle at
magpalitan ng upuan.
5. Ang kasapi naman ng inner circle ay hindi maaring
umalis hanggat hindi siya pinipili ng mga mieymbro ng
outer circle.
Walang ibibigay na gantimpala o parusa sa hindi lumahok
sa talakayan. Malaya nilang gawin ang kanilang nais
subalit kailangang sumunod sa mga tuntunin.
24. K-W-L Technique
• Isa itong paraan bago simulan ang bagong
aralin na inaalam kung may alam na ang mag-
aaral tungkol dito.
• Pagkatapos inaalam naman ang nais
matutuhan ng mga mag-aaral sa bagong
aralin
• Pagkatapos mapag-aralan ang bagong aralin,
itatanong kung ano ang natutunan tungkol
dito.
K-now W-ant L-earn
Ano ang alam? Ano ang gustong mapag-aralan?
Ano ang natutuhan?
25. Pandulang Pagtatanghal
• Nagbibigay ito ng pagkakataon sa
maayos na pagtataya sa natutuhan ng
mga mag-aaral.
• Natataya ng guro ang pang-unawa ng
mga mag-aaral sa mga konsepto, ang
pagpapahayag ng kanilang saloobin at
pagpapakita ng kanilang pagkamalikhain.
Dramatization Dramatic play Pageant
Pantomime Reader’s Theater
26. Plus,Minus, Interesting (PMI)
• Sinusuri ang paksa sa
pamamagitan ng plus point, mga
minus point at mga interesting
point sa paksang tinatalakay
27. Paggamit ng mga laro
Team Charade
Perfect Match Game
Crossword Puzzle