1lesson plan - edukasyon sa pagpapakatao k-12a

71
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika Unang Markahan Unang Linggo (Unang Araw) I. Layunin: Nasusuri ang sariling kakayahan. - mga gawaing hilig gawin - talentong taglay II. Paksang Aralin Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2 Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13 Teaching Guide ph. 4 ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 2-4 Kagamitan: larawan ng bata, tsart III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Anong bagay ang makakatulong sa iyo para makita ang sarili mo? Natutuwa ka ba kapag nakikita ang sarili mo? 2. Pagganyak: Itanong: Ano ang pangalan mo? Bigyan ng panahon ang mga bata na magkakilala at magkamustahan. Ipaawit: Kamusta Ka B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Iparinig ang kwento tungkol kay Aya at Buboy. 2. Pagtalakay 1. Anu-ano ang hilig ni Aya? 2. Ano ang paboritong gawin ni Buboy? 3. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat: Kagaya din ba kayo ni Aya at Buboy? Anu-anong mga gawain ang hilig ninyo? 2. Paglalapat Kulayan ang mga larawan ng mga gawaing hilig mo. Nagbabasketbol Naggigitara Nagbabasa Nagsasayaw Kumakanta Tumutugtog ng Piyano/Organo/Lira/Tambol IV. Pagtataya: Magkaroon ng kunwa-kunwariang Talent Search ng mga mag- aaral. Hayaang magpagalingan ang mga bata sa pagpapakita ng kanilang mga talento. V. Takdang-aralin Gumupit ng larawan na kaya mong gawin at idikit ito sa iyong kwaderno.

Upload: anthony-fabon

Post on 13-Dec-2015

347 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

epp

TRANSCRIPT

Page 1: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Musika

Unang MarkahanUnang Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:Nasusuri ang sariling kakayahan.- mga gawaing hilig gawin

- talentong taglayII. Paksang Aralin Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 2-4Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Anong bagay ang makakatulong sa iyo para makita ang sarili mo?Natutuwa ka ba kapag nakikita ang sarili mo?2. Pagganyak:Itanong: Ano ang pangalan mo?Bigyan ng panahon ang mga bata na magkakilala at magkamustahan.Ipaawit: Kamusta Ka

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad Iparinig ang kwento tungkol kay Aya at Buboy.2. Pagtalakay

1. Anu-ano ang hilig ni Aya?2. Ano ang paboritong gawin ni Buboy?3. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat: Kagaya din ba kayo ni Aya at Buboy? Anu-anong mga gawain ang hilig ninyo?

2. Paglalapat

Kulayan ang mga larawan ng mga gawaing hilig mo.

NagbabasketbolNaggigitaraNagbabasaNagsasayawKumakantaTumutugtog ng Piyano/Organo/Lira/Tambol

IV. Pagtataya:

Magkaroon ng kunwa-kunwariang Talent Search ng mga mag-aaral. Hayaang magpagalingan ang mga bata sa pagpapakita ng kanilang mga talento.

V. Takdang-aralinGumupit ng larawan na kaya mong gawin at

idikit ito sa iyong kwaderno.Magpatulong sa magulang sa paggupit.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 2: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanUnang Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:Nasusuri ang sariling kahinaan.- mga gawaing hindi kayang gawinII. Paksang Aralin Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 5-6Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aralAnu-ano ang mga gawaing kaya ninyong gawin?2. Pagganyak:Gusto ninyo bang makapanood ng isang papet show?B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIpakilala ang papet gamit ang medyas at kamay.magkwento tungkol dito.Ito Piolo. Isinali siya sa isang paligsahan sa pagtula. Habang papunta si Piolo sa harap ng klase, nakaramdam siya ng kaba at takot, Parang ibig na niyang bumalik sa kanyang upuan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kahihiyan.Subalit ganun pa man pinilit pa rin niyang makatula sa harap ng kanyang mga kamag-aaral.2. Pagtalakay1. Sino ang nakasali sa paligsahan?2. Ano ang nadama niya habang papunta sa

harap ng klase?3. Bakit kaya takot ang nadama ni Piolo?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Lahat ba ng bata ay may kahinaan?Ano kaya ang mabuting gawin upang maging kakayahan din ito?

2. PaglalapatIguhit ang mukha ni Piolo habang siya ay papunta sa harap ng klase.

IV. Pagtataya:PasalitaA. May pinaguguhit sa inyong larawan ang

inyong guro ngunit hindi mo ito kaya, ano ang gagawin mo?

B. Nahihirapan ka sa takdang-aralin na ibinigay ng inyong guro, Ano ang gagawin mo?

V. Takdang-aralinMagtala ng mga bagay na kayang-kaya

mong gawin at mga gawaing nahihirapan kang gawin sa iyong kwaderno.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 3: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanUnang Linggo

(Ikatlong Araw)I. Layunin:Nasusuri ang sariling damdamin/emosyon.

Natutuwa, nagagalit, nalulungkot, natatakotII. Paksang Aralin Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 7-9Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aralAng sabi natin, kapag hindi mo alam, matutulungan ka ng iba. Alin sa mga sumusunod ang makakatulong sa iyo upang mapahusay ang iyong nalalaman?

- Nagtatanong sa nanay kapag hindi alam.

- Nagtatago sa kwarto kapag nagkakamali.

- Nagpapatulong sa ate o kuya kung nahihirapan sa gawain2. Pagganyak:Naranasan ninyo na bang mamasyal kasama ang inyong pamilya?B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang kwento tungkol sa mag-anak. Ang Masayang Mag-anakIsang araw ng Linggo, pagkatapos magsimba ng mag-anak ni Mang Caloy at Aling Mila, sila ay nagtungo sa SM Mall. Namili sila ng mga damit at gamit sa bahay. Kumain din sila sa Jollibee. Tuwang-tuwa ang bunsong si Bobet dahil binilhan pa siya ng bagong laruan ng nanay.

2. Pagtalakay

1. Saan nagtungo ang mag-anak?2. Ano ang ginawa nila sa mall?3. Ano ang naramdaman ni Bobet ng

bilhan siya ng bagong laruan?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anu-ano ang iba’t ibang damdamin ng tao?

2. PaglalapatIpagawa ang Gawain 3 (pah.9 Pupil’s Activity Sheets)Ano kaya ang madarama mo sa mga sitwasyong ito? Iguhit mo ang iyong mukha sa loob ng bilog.

1. Sumali ka sa paligsahan at nanalo ka.2. Malapit ka ng tawagin upang tumula.3. Hindi ka nanalo sa pag-awit.4. Dumating ang iyong pinsan, pinilit ng iyong

nanay na sumayaw ka.5. Namatay ang alaga mong aso.

IV. Pagtataya:Iguhit ang O O O O O upang ipakita ang iyong damdamin sa mga sumusunod na mga sitwasyon.

____Pupunta kayo sa Star City.____Nasira ang bago mong laruan.____Nawala ka habang namamasyal kayo.____Nahiwa ka habang nagbabalat ng sibuyas.____Mataas ang nakuha mong marka.

V. Takdang-aralinGamit ang lumang paper plate. Gumawa ng

mukha na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 4: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanUnang Linggo

(Ika-apat na Araw)I. Layunin:Napahahalagahan ang kasiyahang naidudulot ng pagpapamalas ng kakayahan.

II. Paksang Aralin Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 7-9Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Ipakita ang masayang mukha kung kakayahanat malungkot na mukha kung kahinaan.----pag-iyak kung hindi magawa ang gawain__pagtugtog ng gitara nang buong husay

2. Pagganyak:Ano ang kailangang gawin upang mas mapahusay pa ang iyong kakayahan?B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Magkaroon ng maikling palatuntunan.Hayaang maipakita ng mga bata ang kanilang kakayahan sa pag-awit, pagtula, pagsayaw atbp.

2. PagtalakayAno ang nadama mo habang ipinakikita mo ang iyong talento?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong damdamin ang dapat mong taglayin habang ipinakikita ang iyong kakayahan?

2. PaglalapatMaglaro Tayo Gawain 2 sa pah. 8 ng Pupils’ Activity SheetsIV. Pagtataya:

Sagutin: Tama o Mali1. Umiyak kung makita ang maraming taong manonood.2. Gawin nang buong husay ang iniatas na gawain.3. Ipasa sa iba ang gawaing para sa iyo ay may kahirapan.4. Magtago para makaiwas sa pagpapakita ng galing.5. Maniwala sa sariling kakayahan.

V. Takdang-aralin

Isaulo.

Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 5: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanUnang Linggo

(Ikalimang Araw)I. Layunin:Nagagawa ang mga bagay na kinakailangan upang mapaunlad pa ang mga kakayahan at maiwasto ang mga kakulangan o kahinaan.II. Paksang Aralin Aralin: Ako ay Natatangi pah. 2Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 10-13Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Gamit ang plaskard ng mga ibat-ibang damdamin, ipakita ang mukha na nagsasaad ng ipinahihiwatig na damdamin.Kaarawan moNapagalitan ka ng nanay mo

2. Pagganyak:Awit: Himig: The farmer in the DellAno ang Kaya Mo? (pah. 7 EsP Teaching Guide)

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadNgayon ay alam mo na. Ikaw ay isang natatanging bata. Tuklasin mo kung ano ang kaya mong gawin. Pahusayin mo pa ang iyong nalalaman. Kung mayroon ka naming gustong gawin na parang hindi mo kaya, magtanong ka,magpatulong ka,Sa ganito, matututo ka.

2. PagtalakayAnong uri ng bata ka?Ano ang dapat mong tuklasin sa iyong sarili?Ano ang dapat mong gawin sa mga bagay na nahihirapan kang gawin?

C. Pangwakas na Gawain3. Paglalahat:

Paano mo mapapahusay ang iyong kakayahan?Paano mo magagawa ang mga bagay na nahihirapan kang gawin?

4. PaglalapatIpagawa ang Isabuhay sa pah. 12 ng Pupils’ Activity Sheets

IV. Pagtataya:Ano ang gagawin mo kung ikaw ang batang tinutukoy?Bilugan ang letra ng kilos na iyong gagawin.1. Mahilig kang umawit. Nais mong iparinig ito sa iyong lolo at lola. A. Hindi ako kakanta. Nahihiya ako. B. Aawitan ko sila.2. Maliksi ka sa larong takbuhan. Pero minsan, nadapa ka sa pagtakbo.A. Iiyak ako at uuwi na lang.B. Pipilitin kong tumayo. Kung may sugat ako, hihingi ako ng tulong.3. Gusto mong gumawa ng saranggola. Pero hindi mo alam kung paano.A. Magpapaturo ako.B. Hindi na lang ako gagawa ng guryon.

V. Takdang-aralinIsaulo.

Ako ay natatangi. Ang bawat batang katulad ko ay may kakayahan. Pauunlarin ko ang aking sarili.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 6: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkalawang Linggo

(Unang Araw)I. Layunin:Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan- Naliligo araw-araw

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Ano ang dapat gawin sa ating mga kahinaan?

Paano mo mapagyayaman ang iyong talento?

2. PagganyakIparinig ang Tugma: KalinisanBatang malinis sa katawanAraw-araw pinaliliguanMalinis, magaan ang pakiramdamMalayo sa sakit at karamdaman.Ano ang pakiramdam ng batang bagong paligo?

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadMagpakita ng larawan ng dalawang bata.(Isang malusog at isang sakitin)Sino sa palagay ninyo ang mas magiging mahusay? Bakit kaya? Iparinig ang awit: Tayo nang maligo, para laging presko,Pakiramdam ko, pakiramdam ko,Mabango ako.2. Pagtalakay

Ano ang dapat natin gawing araw-araw?Bakit dapat tayong maligo?Ano ang pakiramdam ng bagong paligo?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano mo mapangangalagaan ang iyong sarili?Kailan ka dapat maligo?

2. PaglalapatLagyan ng / ang mga gamit mo sa iyong paliligo___aklat___sabon___bimpo___lapis___tubig

IV. Pagtataya: Sagutin: Tama o mali1. Mabango ang pakiramdam ng bagong paligo.2. Nakakatamad maligo lalot malamig.3. Lilinis ka kapag ikaw ay naligo.4. Minsan isang linggo lamang tayo dapat maligo.5. Gumagamit ng sabon at shampoo sa paliligo.

V. Takdang-aralin Iguhit ang mga bagay na ginagamit mo sa iyong paliligo.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 7: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkalawang Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan- Nagpapalit ng kasuotang panloob II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Kailan ka dapat maligo?2. Pagganyak

Magpakita ng mga larawan ng kasuotang panloob. Ipatukoy ang ngalan ng bawat isa.

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang kwento sa pahina 5 ng Sulo ng Buhay2. Pagtalakay

Sinu-sino ang mga magkakapatid?Ano ang nakaugaliang gawin ng magkakapatid?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Dapat bang palitan ang mga kasuotang panloob?Kailan?Tandaan: Magpalit ng kasuotang panloob nang madalas at kung kinakailangan.

2. PaglalapatKulayan ang mga kasuotang panloob.SandoPaldaPoloBriefPanty, kamison, bestida

IV. Pagtataya: Sagutin: Tama o mali1. Magpalit ng sando pagkatapos maligo2. Babae lamang ang dapat na magpalit ng kasuotang panloob.3. Ugaliing lagging malinis ang isusuot na kasuotang panloob.4. Magpalit ng kasuotang panloob tuwing makalawang araw.5. Hindi na kailangang magpalit araw-araw ng kasuotang panloob dahil hindi ito nakikita. V. Takdang-aralin Lutasin: Napaihi ang batang lalaki sa kanyang pantalon. Ano ang dapat niyang gawin.A. Umiyak B. MagsisigawC. Magpalit agad ng damit-panloob.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 8: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkalawang Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan

Gumagamit ng kagamitang pansarili II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Kailan ka dapa magpalit ng damit-panloob?2. Pagganyak

Awit: This is the (Brush My Teeth)B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang kwento sa pahina 9 ng Sulo ng Buhay2. Pagtalakay

Sino ang nagsasalita sa kwento?Anu-ano ang mga kagamitang pansarili na nabanggit?Mayroon ka din ban g mga gamit na iyon?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anu-ano ang mga pansariling gamit?Bakit hindi natin ito maaring ipahiram kahit sa kaibigan o kaanak man?Tandaan: Dapat ingatan ang pansariling gamit at hindi ito maaring ipahiram.

2. PaglalapatA. Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 10 ng

Sulo ng BuhayB. Gawain 2Lagyan ng / kung mayroon kang gamit na

katulad ng nasa ibaba.SabonPanyo

SipilyoTuwalyasuklay

IV. Pagtataya: Ikahon ang mga pansariling gamit na iyong ginagamit sa paglilinis sa iyong katawan.1. suklay2. sepilyo3. aklat4. panyo5. tuwalya V. Takdang-aralin Iguhit sa iyong kwaderno ang mga pansariling gamit.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 9: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkalawang Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan

Pagiging malinis at maayos sa Gawain sa pamamagitan ng paggamit ng pambura kung kinakailangan.

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Pumalakpak kung ang babanggiting gamit ng guro ay pansarili. Huwag kumibo kung hindi.--aklat suklay- sepilyo lapis2. Pagganyak:

Magpakita ng isang malinis at maayos na gawa ng bata sa Art.

Ano ang masasabi ninyo sa gawa na ito?

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang kwento sa pahina 12 ng Sulo ng Buhay2. Pagtalakay

Ano mayroon sa klase ni Bb Rosas?Ilang bata ang nagkamali?Ano ang ginamit ng isang bata para burahin ang gawa niya?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano natin mapapanatili na malinis ang ating gawing sulatin?

Ano ang dapat nating gamitin sa pagbubura?Tandaan: Magdala lagi ng pambura. Iwasang gamitin ang daliri sa pagbubura.

2. Paglalapat Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 13 ng Sulo ng Buhay

IV. Pagtataya: Ipagawa ang Gawain 2 sa pah. 14 ng Sulo ng Buhay.

V. Takdang-aralinUgaliing gumamit ng pambura kung may pagkakamaling nagawa sa mga sulatin.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 10: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkalawang Linggo(Ika-limang Araw)

I. Layunin:Nagagawa nang mahusay ang mga gawaing nakapagdudulot ng kalinisan at kalusugan

Naiiwasang malukot o marumihan ang gawain

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Ano ang dapat mong gamitin kung ikaw ay nagkamali sa iyong gawain?2. Pagganyak

Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang kwento sa pahina 15 ng Sulo ng Buhay2. Pagtalakay

Ano ang ipinagawa ng guro sa mga bata?Para kanino ang Valentine’s Card?Bakit masaya si Carla?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano natin mapapanatili na malinis ang ating gawing sulatin?Tandaan: Paano mo maiiwasang malukot o marumihan ang iyong gawain?

2. Paglalapat Ipagawa ang Gawain 1 sa pah. 16 ng Sulo ng BuhayIV. Pagtataya:Gumuhit ng isang pusong malaki at kulayan ng pula.

V. Takdang-aralin

Gawin ang Gawain2 sa pah. 17.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 11: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkatlong Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:Natutukoy ang mga pagkaing mainam sa kalusugan.

- Pagkain ng tamang uri at dami

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aralMuling talakayin ang mga paraan ng pagiging malinis sa katawan at anumang gawainAno ang dapat gawin kung narumihan ang isinusulat?Ilan beses dapat magpalit ng damit-panloob?2. Pagganyak

Kumain ba kayo bago pumasok sa paaralan? Isa-isang tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang kinain.

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang kwento sa pahina 18 ng Sulo ng Buhay2. Pagtalakay

Anu-anong pagkain ang nakapagpapalusog sa atin?Alin sa dalawang bata ang kumakain ng tamang uri at dami?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano natin mapapanatili namalusog ang ating katawan?Tandaan: Dapat tayong kumain ng tamang uri at dami ng pagkain.

2. PaglalapatBilugan ang mga pagkaing kailangan natin. (Gumamit ng mga larawan ng pagkain) Isda gatas kendi chiz curl pisbol

IV. Pagtataya:Sagutin: Tama o mali1. Ubusin ang pagkain hangga’t mayroon.2. Kumuha lamang ng tamang dami ng pagkain na kayang ubusin.3. Kumain sa tamang oras.4. Kailangan natin ng wastong pagkain5. Kumain ng gulay araw-araw.

V. Takdang-aralinKung papipiliin ka ng pagkain, anong pagkain ang gusto mo? Iguhit ito.Tama ba ang napili mong pagkain? Bakit?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 12: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkatlong Linggo

(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- Nakikilatis ang mga gawaing maaring

makasama sa kalusugan.

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralSagutin: Tama o MaliKumain kung gusto lang ang ulam.Puro karne lang dapat ang iulam.Masama ang sopdrink sa kalusugan.2. Pagganyak

Tugma: Ulan, ulan pantay kawayanBagyo, bagyo pantay kabayo. Nakaranas na ba kayong maglaro sa ulan?

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadSabihin: May mga gawaing mabuti para sa ating katawan. Mayroon din naming masama para sa ating kalusugan. Isa-isa itong talakayin sa klase.2. Pagtalakay

Pag-usapan ang mga pagkaing mainam para sa katawan. Sumunod pag-usapan ang mga gawaing nakasasama sa kalusugan. Hal. Pagpapaulan, pagtatampisawsa baha, paglalaro sa init, pag-akyat sa puno , atbp.

C. Pangwakas na Gawain3. Paglalahat:

Anu-ano ang mga gawaing makasasama sa ating kalusugan?Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.

4. Paglalapat

Ipagawa ang Gawain 3 sa pah. 24 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya: Isulat ang T kung mabuti para sa ating kalusugan At M kung mali. 1. Kumain ng gulay. 2. Magsepilyo ng ngipin matapos kumain. 3. Maglaro sa gitna ng matinding init ng araw. 4. Mag-ehersisyo palagi. 5. Maglaro sa buong maghapon. 6. Matulog nang maaga. 7. Maglaro sa tubig-baha. 8. Ugaliin ang palaging paghuhugas ng kamay. 9. Uminom ng kape sa umaga. 10. Magpalit ng damit kapag napawisan.

V. Kasunduan:Buuin ang tugma. Ang kalinisan ay daan sa ( kagandahan, kalinisan) Kumain ng gulay upang humaba ang (kamay, buhay)Ang kalusugan ay ___ n gating kakayahan.(nakapagpapaunlad, nakakasira)

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 13: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkatlong Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- Nakikilatis ang mga gawaing maaring makabuti

sa kalusugan.

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralMagbigay ng mga gawaing maaring makasama sa ating kalusugan..2. Pagganyak Awit: Mag-exercise tayoAno ang inyong pakiramdam pagkatapos ninyong mag-ehersisyo?

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadSabihin: May mga gawaing mabuti para sa ating katawan.. Isa-isa itong talakayin sa klase.2. Pagtalakay

Pag-usapan ang mga gawaing mainam para sa katawan. Pag-eehersisyoPagtulog nang maaga.Pag-inom ng 8 o higit pang baso ng tubigPagkain sa takdang oras.

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anu-ano ang mga gawaing mabuti sa ating kalusugan?Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.

2. PaglalapatIpagawa ang Gawain 3 sa pah. 24 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang mga gawing mabuti sa kalusugan. Lagyan ng X ang hindi. 1. Pagpupuyat gabi-gabi. 2. Paglalaro ng basketbol 3. Pagtulog maghapon 4. Pagkain ng prutas at gulay 5. Pagkain kung masarap lang ang ulam. .

V. Kasunduan:Buuin ang tugma. Ang kalusugan ay ___________.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 14: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIkatlong Linggo

(Ika-apat na Araw)I. Layunin:- Napahahalagahan ang ugnayan ng wastong

pangangalaga sa sarili sa paglinang ng mga kakayahan.

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralMagbigay ng mga gawaing mabuti para sa ating kalusugan.Magbigay ng mga gawaing masama sa ating kalusugan.2. Pagganyak

Magpakita ng isang papet show sa mga bata. Pagsalitain ang mga gulay na hindi kinakain o madalang kainin ng mga bata.Hal. Ampalaya: Hu hu hu Kalabasa: Ampalaya bakit ka umiiyak? Ampalaya: Nalulungkot ako. Hindi kasi ako kinakain ng mga bata.

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang isang maikling kwento.Ito si Ana.Mahilig siyang kumain ng gulay at prutas.Malinis palagi ang kanyang katawan kaya naman madalang siyang magkasakit.Sa paaralan, isa siya sa ipinagmamalaking mag-aaral.2. Pagtalakay

Sino ang batang malinis?Bakit kaya isa siya sa ipinagmamalaking mag-aaral sa paaralan?

C. Pangwakas na Gawain3. Paglalahat:

Paano nakatutulong ang wastong pangangalagasa sarili sa pagpapaunl;ad ng kakayahan?

Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis. Kumain ng tama.Huwag magpabaya.

4. PaglalapatIpagawa ang Isabuhay sa pah. 27 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya:Bilugan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.1. Ano ang buting dulot ng pagiging malinis?

Ako ay magiging (payat, malusog)2. Ano ang buting dulot ng pagiging malusog?

Ako ay magiging (masigla, mahina)3. Ano ang mangyayari kung ikaw ay laging masigla?

Ako ay makapag-aaral nang (mabuti, hindi mabuti)

4. Ako ay (magkakasakit, hindi magkakasakit)5. Ako ay (makapaglalaro, hindi makapaglalaro)

V. Kasunduan:Buuin ang tugma. Ang kalinisan ay daan sa ( kagandahan, kalinisan) Kumain ng gulay upang humaba ang (kamay, buhay)Ang kalusugan ay ___ ng ating kakayahan.(nakapagpapaunlad, nakakasira)

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 15: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtUnang MarkahanIkatlong Linggo

(Ika-limang Araw)

I. Layunin:- Nalilinang ang wastong pag-uugali hinggil sa

pangangalaga sa sariling kalusugan.

II. Paksang Aralin Aralin: Inaalagaan ko ang Aking Sarili pah. 14-16Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 13Teaching Guide ph. 4ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 9-15Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAno ang mabuting naidudulot ng pagiging malinis?2. Pagganyak

Awit: Sampung mga Daliri Lagi bang malinis ang inyong mga kamay?

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIpakita ang iba’t ibang mga kagamitan sa paglilinis ng sarili. Ipasabi ang bahagi ng katawan na nililinis nito.2. Pagtalakay

Ano ang maaring mangyari kung hindi natin lilinisin ang mga bahagi ng ating katawan tulad ng ilong/ tenga?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?Tandaan: Dapat Alagaan ang sarili. Maging malinis.Kumain ng tama.Huwag magpabaya.

2. PaglalapatIpagawa ang Subukin sa pah. 28 Pupils’ Activity Sheet

IV. Pagtataya: Sagutin : Tama o Mali 1. Ang taong tamad ay malinis din. 2. Dapat maging maingat sa pagpili ng mga

kinakain . 3. Mabuti na ang maging matakaw para laging busog. 4. Di na kailangan maligo kung maginaw. 5. Manghiram na lamang ng pansariling gamit upang makatipid.

V. Kasunduan:Buuin ang tugma. Para makamit ang malusog na katawan, _____sa sarili ang kailangan.(disiplina)

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 16: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtUnang Markahan

Ika-apat na Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon..

II. Paksang Aralin: Dula-dulaan Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan Pag-iwas sa Pagsali sa UsapanSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aralBuuin ang tugma:Kumain ng gulay upang humaba ang _____.2. Pagganyak

Nais ninyo bang makapanood ng isang dula- dulaan? (Ipaliwanag na ito ay parang maikling palabas sa telebisyon.( Gumamit ang guro ng iba’t ibang boses para sa mga tauhan). Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig ang dula-dulaan : Sa salas ng bahay, nakaupo sa mahabang sopa ang magkapatid na Belen at Mila. Samantalang naglalaro sa kanilang harapan si Bobet.Mila: Belen, mamamasyal kami sa Luneta Park sa Linggo. Maghapong maglalaro sa parke ang mga bata. Gusto mo bang sumama?(Biglang sumali sa usapan si Bobet)Bobet: Sige poi nay, sumama po tayo sa kanila.Belen: Bobet, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag kang sasali sa usapan ng matatanda.Bobet: Inay, pasensiya nap o kayo. Gusto ko lang po talagang sumama sa palaruan.Belen: Kahit na. Hindi tamang sumasali ang bata sa usapan dahil hindi naman ikaw ang tinatanong.Bobet: Hindi na po ako uulit inay.

2. PagtalakaySino ang nakaupo sa salas?Ano ang ping-uusapan ba?

B. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?Ano ang dapat mong tandaan kung may nag-uusap na matatanda?Tandaan: Hindi dapat sumali ang bata sa usapan ng matatanda. maliban kung siya ay hinihingan ng paliwanag o kasagutan.

2. PaglalapatPumili ng ilang bata at ipasakilos ang dula-dulaan.

IV. Pagtataya: Lutasin: Narinig mong nagkukuwentuhan ang nanay at kumare niya. napanood mo din ang pinag-uusapan nilang palabas sa telebisyon kaya ______.A. Bigla kang sasagot at ikukuwento ang palabasB. Makikinig lamang sa nag-uusap.C. Sasabihing mali ang kwentuhan nila.

V. Kasunduan:Isaulo: Hindi dapat sumasali ang bata sa usapan ng matatanda.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 17: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang MarkahanIka-apat na Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon..

II. Paksang Aralin: Huwag Maingay Aralin: Mga Tuntunin sa Tahanan Paglakad Nang Marahan Kung May NagpapahingaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Bakit napagsabihan si Bobet ng nanay niya? Tama ba ang ginawa niya?2. Pagganyak

Ipakita ang larawan ng lolo na nasa kama. Itanong: Ano ang ginagawa ng lolo? Bakit kaya siya nakahiga sa kama? B. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig; Dumating si Lito kasama ang kanyang mga kalaro. Naabutan niyang nakahiga sa kama at natutulog ang kanyang lolo.Kaya maingat siyang lumakad para kuhanin ang kanyang bola malapit sa tinutulugan ng kanyang lolo. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at sumama sa mga kalaro matapos makuha ang kanyang laruan.2. Pagtalakay

Sino ang nakahiga sa kama?Ano ang ginawa ni Lito sa silid ng lolo?Paano siya lumakad at kinuha ang bola?

B. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?Ano ang dapat mong tandaan kung may natutulog o nagpapahinga sa inyong tahanan?

Tandaan: Kung may nagpapahinga sa ating tahanan. Iwasang mag-ingay lumakad nang marahan.

2. Paglalapat Ipasakilos ng pangkatan ang sitwasyon. A. Tulog ang nanay ng dumating ka galing sa paaralan at nais mong humingi ng meryenda. B. Gusto mong manood ng TV kaya lang tulog ang beybi mong kapatid.IV. Pagtataya:Lutasin: Nagpapahinga ang lola mong maysakit. Biglang nagsigawan ang mga kalaro mo sa labas ng bahay.Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan: Isaulo:Kung may nagpapahinga sa ating tahanan. Iwasang mag-ingay lumakad nang marahan.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 18: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtUnang Markahan

Ika-apat na Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon..

II. Paksang Aralin: Disiplina Aralin: Mga Tuntunin sa TahananSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Ano ang dapat gawin kung may nagpapahinga sa ating tahanan?2. Pagganyak

Anong oras kayo pumapasok sa paaralan?Naranasan na ninyong nahuli sa pagpasok? Bakit? B. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig ang tugma sa mga bata:Ang batang maagang natutulogDi nahuhuli sa pagpasok.

Ang batang nagpupuyat sa TVSa pagpasok laging nahuhuli.

Ang batang may oras sa pag-aaralSa klase ay laging ikinararangal.

Sa paglalaro ako’y makikitaKung gawaing bahay ay natapos ko na.

2. PagtalakayAno ang kabutihan ng maagang pagtulog?

Ano ang mangyayari kung tayo ay magpupuyat sa panonood ng TV.Paano tayo laging makakasagot sa klase?Kailan lamang kayo maglalaro?

B. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?Tandaan: Dapat bang magkaroon ng disiplina sa lahat ng gawain? Bakit?

2. Paglalapat Lutasin: Gustong-gusto mo ang palabas sa TV, kaya lang di mo pa nagagawa ang iyong assignments.Ano ang gagawin mo?IV. Pagtataya:Lutasin: Walang pasok sa paaralan. Ibig mong maglaro ngunit may gawain ka pa sa bahay na dapat tapusin.Ano ang iyong gagawin?A. Tatakas para makapaglaro.B. Tatapusin muna ang gawain saka maglalaro.C. Iuutos sa iba ang gawain para makapaglaro.

V. Kasunduan: Buuin:Gawain ay may takdang-panahon.May oras na ditto ay iniuukol._______ay dapat pairalin.Upang umunlad ang buhay natin.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 19: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtUnang Markahan

Ika-apat na Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon..

II. Paksang Aralin: Ulirang Bata Aralin: Mga Tuntunin sa TahananSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.26-38Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Tama o MaliMaglaro muna bago gawin ang mga takdang aralin.Matulog ng maaga para hindi mahuli sa klase.2. Pagganyak

Sino sa inyo ang laging nauutusan sa bahay? Sumusunod ka ba kaagad? B. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig ang kwento: Ulirang BataSina Renato at Rogelio ay naglalaro sa bakuran. Maya-maya nakarinig si Renato ng boses. “Renato! Renato! ang tawag ng ina.“Po” ang sagot kaagad ni Renato at mabilis na pumasok ng bahay. Naiwan ang kalarong si Rogelio. “Bakit po, Inay?” ang tanong ni Renato. “Kumuha ka muna ng kahoy at wala na akong panggatong.” “Opo, Inay,” sagot ni Renato. Noon din ay kumuha si Renato ng kahoy na panggatong at dinala sa kanyang ina sa kusina

2. Pagtalakay Sumagot ba agad si Renato sa tawag ng ina? Sumunod baa gad siya sa utos ng ina? Anong uri ng bata si Renato?

B. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?Tandaan: Kapag ikaw ay inuutusan Ipakita ang paggalang Sumusunod kaagad Sa utos ng nanay. Iwasang magdabog O kaya’y sumusimangot Madaling pagsunod Sagot sa inuutos.

2. Paglalapat Lutasin: Maganda ang binabasa mong aklat pero tinatawag ka ng nanay para utusan. Ano ang iyong gagawin?IV. Pagtataya: Lutasin: Maganda ang palabas na kartun sa TV. Paborito mo ito. maya-maya, tinawag ka ng ate at may ipinakukuha sa iyo. Ano ang gagawin mo?A. Aawayin ang ateB. Hindi mo siya papansininC. Susunod kaagad at saka na lang itutuloy ang pinanonood na palabas.

V. Kasunduan: Isaulo at isapuso. Kapag ikaw ay inuutusan Ipakita ang paggalang Sumusunod kaagad Sa utos ng nanay. Iwasang magdabog O kaya’y sumusimangot Madaling pagsunod Sagot sa inuutos.Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 20: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtUnang Markahan

Ika-apat na Linggo(Ika-limang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon..

II. Paksang Aralin: Ang Munting Ibon Aralin: Mga Tuntunin sa TahananSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 14Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.26-38Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Wasto o di-wasto.___Humingi ng bayad bago sumunod sa utos.___Magreklamo kapag madalas mautusan.___Sumunod s utos ng nakangiti.2. Pagganyak

Awit: “ Ang Pipit” B. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig ang kwento: Ang Munting IbonMay isang munting ibon sa pugad. Ibig na niyang lumipad. “Hindi pa muna, anak” ang sabi ng inang Ibon. Mahina pa ang iyong mga pakpak. Baka ikaw ay bumagsak.”Nagpilit din sa paglipad ang munting ibon.Mabilis ang kanyang pag-alis sa pugad. Biglang-bigla. Ngunit talagang mahina pa ang kanayang pakpak. kaya siya ay bumagsak sa lupa.

2. Pagtalakay Ano ang nais gawin ng munting ibon? Bakit ayaw pumayag ng inang ibon? Sinunod ba niya ang bilin ng inang ibon?Anong aral ang nakuha mo sa kwento?

B. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Dapat bang magkaroon ng disiplina sa sarili?

Tandaan: Tayo’y makinig sa nanay na bilin Upang kapahamakan, di natin sapitin.

2. Paglalapat: Tama o Mali1. Naglalaro ang mga bata ng apoy sa siga. Sinaway sila ni Aling Marta pero hindi pa rin sila tumigil.2. May binabasang aklat si Ana. Tinawag siya ng nanay. Pero hindi siya sumunod.

IV. Pagtataya: Lagyan ng / kung wasto ang gawain at X kung hindi.1. Tinatawag ka ng nanay para maligo na. Antok na antok ka pa kaya nagdabog ka.2. Mahirap sumalok ng tubig kaya lang ng marinig mo ang utos ng nanay nakangiti kang sumunod.3. Sinasaway ka ng ate mo sa paglalaro ng tubig. Bigla kang nag-iiyak.4. Tinatawag ka ng lolo para ipaabot ang salamin niya, nagbingi-bingihan ka.5. May inuutos sa iyo ang kuya sa tindahan. Naghingi ka pa ng pera bago ka sumunod.

V. Kasunduan: Sagutan ang tseklis sa bahay.A Palagi B- Madalas C- Paminsan-minsan1. Sumasagot ba ako kaagad kapag tinatawag?2. Sumusunod ba ako kaagad sa anumang ipinag-uutos.3. Sumusunod ba ako nang maulwag sa kalooban?4. Itinatabi ko muna ang anumang gawain kapag inuutusan.5. Iniiwasan kong gawin ang mga ipinagbabawal sa akin.Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Unang Markahan

Page 21: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Ikalimang Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng

mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.

- pag-alaalala sa mga kasambahay

- (lolo at Lola) II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.121Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Muling pag-usapan ang mahahalagang pangyayari sa kwentong , “Ang Munting Ibon”

Bakit napahamak ang munting ibon?2. Pagganyak

Sinu-sino ang iba pang kasapi ng mag-anak?Sino sa inyo ang kasama ang lola sa kanilang

bahay? (Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang karanasan) B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang kwento:Ang Lola ni Rico

Masipag ang lola ni Rico. Kahit matanda na at malabo ang mata, nananahi pa rin ang lola. Sinusulsihan ng Lola ang mga sirang damit at medias nina Rico. Si Rico ang tagasuot ng sinulid sa karayom ng Lola.

2. Pagtalakay Anong ugali ang ipinakita ni Rico? Mahal kaya niya ang kanyang Lola?May malasakit kaya siya sa kanyang Lola?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong Lola? Lolo?Tandaan: Lolo at Lola’y mahalin

Lagi silang alalahaninIwasang saktan kanilang damdaminSapagkat sila’y may pusong maramdamin.

2. Paglalapat: Lutasin: Matanda na ang Lola ni Bea kaya paulit-ulit na lang ang sinasabi nito. Paano kaya siya dapat itatrato ng pamilya?A. Sigawan kung kakausapin siya.B. Huwag na lang kausapin ang lola.C. Magpakita ng giliw sa pakikipag-usap sa kanya para malibang.

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa lola/lolo. X kung hindi.__1. Halikan at yakapin ang lolo at lola.__2. Huwag isabay sa pagkain ang lola dahil mabagal nang kumain.__3. Sigawan kung may nasisirang kagamitan.__4. Kwentuhan ng mga masasayang kaganapan sa paaralan.__5. Tulungan sa pagtayo at paglakad kung nang hihina.V. Kasunduan: Lutasin:

Kasama ni Liza ang kanyang Lola. Ibig ni Liza na manood sila ng sine. Gusto naman ng Lola niya na umuwi na ng bahay para makapagpahinga.

Ano ang dapat gawin ni Liza? A. Pauwiing mag-isa ang lola.B. Sisihin ang lola dahil sumama-sama pa siya.C. Pagbigyan ang matanda at manood na lang sa ibang pagkakataon.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 22: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtUnang MarkahanIkalimang Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng

mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.

- pag-alaalala sa mga kasambahay (nanay at tatay)

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya

Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Gamit ang Tama o Mali plaskard hayaang ipakita ang mga bata ang kanilang damdamin sa mga sumusunod na sitwasyon..1. Pinagbabalat ng prutas ang lolong maysakit.2. Hindi pinapansin ang lolang nanghihingi ng

pagkain.3. Inaalalayan sa paglakad ang matanda.4. Sinisigawan kung mahina ang pandinig.5. Malambing na kinakausap.

2. Pagganyak Tula: Mahal ko si Ama

Mahal ko si InaGayundin si AteAt saka si KuyaSa aming pamilyaKami’y maligayaDahil sama-samaSa tuwi-tuwina.

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad:

Iparinig ang kwento:Galing sa paaralan si Lena at Toni.

Pagdating sa bahay naabutan ng magkapatid na abala ang nanay sa mga gawaing bahay. Agad tinulungan ng magkapatid ang ina para ito ay makapagpahinga. Maya-maya, dumating ang tatay. Nagmano ang magkapatid at sinalubong ang ama.

Agad iniabot ni Toni ang tsinelas ng ama. Pinaupo naman ito ni Lena at ipinagtimpla ng kape. Tuwang-tuwa ang nanay at tatay sa kanilang mga anak.2. Pagtalakay

Sinu-sino ang mga bata sa kwento?Saan galing ang magkapatid?Paano nila ipinakita ang malasakit sa mga magulang nila?Kaya ninyo ba silang gayahin?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong nanay at tatay?Tandaan: Tumulong, magmalasakitSa mga magulangKung tunay na sila’yAting minamahal.

2. Paglalapat: Lutasin: Naglalaba ang nanay. Pawis na pawis ito pero hindi makatayo dahil sa dami ng mga damit na nilalabhan. Paano mo maipapakita ang malasakit mo sa kanya?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa tatay/nanay. X kung hindi.__1. Sundin ang anumang utos ng magulang.__2. Dumabog kung hindi naibili ng laruan.__3. Mag-aral na mabuti para matuwa angb

magulang.__4. Tulungan sa mga gawaing bahay.__5. Labanan ang magulang kung napapagalitan.

V. Kasunduan: . Sumulat ng 3 paraan kung paano mo ipinakikita na mahal at may malasakit ka sa iyong tatay at nanay.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalimang Linggo

Page 23: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

(Ikatlong Araw)I. Layunin:- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng

mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.

- pag-alaalala sa mga kapwa-bata

- (kalaro/kamag-aaral)

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng PamilyaAralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong nanay? tatay?

2. PagganyakAno ang ginagawa ninyo kung walang pasok?Marami ba kayong kalaro?

B. Panlinang na Gawain1. PaglalahadIparinig ang kwento:

Kadadating pa lamang ng Tatay ni Alvin galing sa Saudi. May mga pasalubong itong mga laruan sa kanya. Isang robot na maganda at malaki.Agad ipinagmalaki niya ito sa mga kalaro niya.

Si Ben na kalaro niya ay nakatingin lang. Wala kasi siyang mga laruan na katulad ng kay Alvin.Ng Makita ni Alvin ang kalaro, inaya niya ito. Ipinahiram din niya ang bago niyang laruan. Natuwa ang tatay ni Ben sa ipinakitang ugali ng anak.

2. PagtalakaySinu-sino ang mga bata sa kwento?Saan galing ang tatay ni Alvin?Ano ang pasalubong niya?Bakit nakatahimik lang ang kalaro niya?Paano napasaya ni Alvin si Ben?Anong ugali ang ipinakita niya?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong kalaro?

Tandaan: Dapat tayong magpakita ng malasakit sa ating

mga kalaro.2. Paglalapat: Lutasin:

Nakita mo na umiiyak ang kaklase mo dahil wala siyang baon pagkain. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kalaro /kamag-aaral. X kung hindi. ___1. Tulungan kung nangangailangan. ___2. Isali sa mga laro at kasayahan. ___3. Iwasan kung mahirap lang. ___4. Pagtaguan ng pagkain. ___5. Tuksuhin kung natatalo sa laro.

V. Kasunduan: Lutasin:

Nakita mo na inaaway ng mga bata ang kaklase mo.

Ano ang gagawin mo?

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 24: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtIkalimang Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng

mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.

- pag-aalaga sa nakababatang kapatid

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119Sulo ng Buhay pah. 128Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong kalaro? kamag-aaral?

2. PagganyakIlang kayong magkakapatid sa inyong pamilya?Sino ang pinakabunso sa inyo?

Awit: Ang Mag-anakB. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang kwento: Nag-aaral ng kanilang leksiyon sina Michael,

Mae at Edward. Sa kusina, abala naman sa pagluluto ang ina.

Narinig nila ang pag-iyak ng kanilang bunsong kapatidna si Eugene sa kanyang kuna. Waring nagugutom na ito. “Kami na po, Mama. Ipagtitimpla naming ng gatas si Eugene at aalagaan namin siya,” ang wika ni Mae. Sumang-ayon si Michael at Edward.

2. PagtalakaySinu-sino ang mga bata na nag-aaral ng kanilang

leksiyon sa kwento?Nasaan ang ina ng mga bata?Bakit umiyak ang batang si Eugene?Nakatulong ba sila sa kanilang nanay?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong nakababatang kapatid?

Tandaan: Dapat tayong magpakita ng malasakit sa ating mga nakababatang kapatid.

2. Paglalapat: Lutasin:Nanonood ka ng paborito mong palabas sa TV. Tulog sa duyan ang kapatid mo. Paano mo matutulungan ang iyong ina na abala sa paglalaba?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang nagpapakita ng kanais-nais na

gawi at X ang hindi. ___1. Pagtimpla ng gatas ang nagugutom na

kapatid.. ___2. Pakikipaglaro sa kapatid. ___3. Hayaang umiyak ang kapatid. ___4. Bantayan ang kapatid para hindi mahulog. ___5. iasa lang ang bata sa yaya.

V. Kasunduan: Lutasin:

Namalengke ang nanay. Wala pa siya nang magising si Bunso. iyak ito nang iyak at hinahanap ang nanay. Ano ang gagawin mo?

A. Papaluin mo siya.B. Makikisabay ka sa pag-iyak niya.C. Lilibangin o lalaruin mo siya para tumigil sa

kakaiyak.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikalimang Linggo(Ika-limang Araw)

Page 25: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

I. Layunin:- naipadarama ang pagmamahal sa mga kasapi ng

mag-anak sa pamamagitan ng paggawa nang mabuti.

- pag-aalaga sa kapamilyang maysakit II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pah.119Sulo ng Buhay pah. 87Kagamitan: larawan ng bata, tsartIII. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain1. Balik-aral Paano mo naipapakita ang pagmamalasakit sa iyong nakababatang kapatid?2. Pagganyak Magpakita ng larawan ng matandang maysakit na nakahiga sa kama.Itanong: Ano sa palagay ninyo ang dinaramdam ng taong ito?Hayaang magbigay ng kanilang kuro-kuro ang mga bata.

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang kwento: Araw ng Sabado. Walang pasok sa paaralan ang magkapatid na Miguel at Miradel. natutulog ang lolo nilang maysakit, kaya iniwsan nila ang paggawa ng ingay o paglalaro na maaring makagising sa kanilang lolo. mahal na mahal nina Miguel at Mirdel ang kanilang lolo. Ayaw nilang magambala ang pagtulog nito. 2. Pagtalakay Bakit walang pasok sina Miguel at Miradel? Sino ang maysakit?Ano ang iniwasan nilang gawin at bakit? Paano nila ipinakita ang pagmamahal at paggalang sa lolo nila?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Paano ninyo maipakikita ang malasakit sa inyong

kasambahay na maysakit ?Tandaan: Iiwasan ko ang paglikha ng ingay kapag may natutulog o maysakit sa bahay.

2. Paglalapat: Lutasin:May lagnat ang ate mo kaya hindi niya magawa ang gawaing bahay na ipinagagawa sa kanya. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya:Iguhit ang O kung tama at O kung mali ang asal na inilalahad kapag mayroong maysakit na kasambahay.1. Lumakad nang marahan.2. Magsalita nang mahina.3. Maghabulan sa bahay.4. Ilapag nang marahan ang mga gamit.5. Lakasan ang radio o telebisyon.

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-anim na Linggo

Page 26: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

(Unang Araw)

I. Layunin:- napahahalagahan ang pagkakaroon ng

masayang pamilya.- pagkukuwento tungkol sa masayang karanasan

o pangyayari sa araw-araw.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya

Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31Sulo ng Buhay pah. 134Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Maysakit ang lola mo. Paano mo maipapakita sa kanya ang iyong pagmamalasakit?2. Pagganyak Awit: Aking Ama at Aking Ina (Tono: Manang Biday) Aking ama at aking ina Sa trabaho ay tulong sila Nagluluto at naglalaba Pumapasok sa opisina. Si kuya at si ate naman Ako ay inaalagaan Pamilya nami’y maliit man Masaya at nagmamahalan. Itanong: Anong uri ng pamilya ang nabanggit sa awit?Masaya rin ba ang inyong pamilya?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Pag-usapan ang mga masasayang karanasan ng mga bata sa kani-kanilang pamilya.

2. Pagtalakay Anu-anong mga pangyayari ang dapat natin pag-usapan upang maging Masaya an gating pamilya?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang pamilya? Bakit?Tandaan: Masaya ang batang kabilang sa masayang pamilya.Mapapasaya natin ang ating mga kaanak sa pamamagitan ng pagkukuwento ng masasayang karanasan sa araw-araw.

2. Paglalapat: Lutasin:Habang kumakain ang mag-anak, nagkwento si Dina tungkol sa pag-aaway nila ng kaklase niya.Tama ba iyon? Bakit?

IV. Pagtataya: Sagutin: Tama o Mali ____1. Masarap ang pakiramdam ng mga kasapi ng masayang mag-anak. ____2. Nag-aaway araw-araw ang tatay at nanay. ____3. Sama-samang namamasyal tuwing Linggo ang pamilya ni Ben._____4. Masyadong abala ang tatay sa barkada kaya nanay na lamang ang magpapasyal sa mga anak. ____5. Sabay-sabay kumakain ang buong mag-anak.

V. Kasunduan: Magdikit ng larawan ng iyong pamilya sa notbuk. Isulat sa ibaba. Ang Aking Masayang Pamilya

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Page 27: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Ika-anim na Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- Nakapag-aambag ng kasiyahan sa pamilya sa

pamamagitan ng pagpapamalas ng kakayahan.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Hep-hep kung tama at Hurrey kung mali.___Masaya ang mag-anak na laging nag-aaway.___Ang mag-anak na masaya ay nakasisiya.___Masaya ang mga anak kung magkahiwalay ang mga magulang.___Ang masayang pamilya ay may panahon para sa isat-isa.2. Pagganyak Sino sa inyo ang may mga lolo at lola sa malayong probinsiya?Dinadalaw ba nila kayo o kayo ang dumadalaw sa kanila? (Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan)

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento :Minsan, dumalaw ang lolo at lola nina Aya at Buboy galing sa probinsiya. Masayang nagkakatipon ang mga mag-anak.Upang lalong mapasaya, naghandog ng isang awit si Aya na natutuhan niya sa paaralan.Tuwang-tuwa ang dalawang matanda sa pag-awit ng apo. Niyakap nila ito.Si Buboy naman ay nagpakitang gilas din sa pagsayaw. Tuwang-tuwa ang mag-anak. Kaysaya nila.

2. Pagtalakay Sinu-sino ang dumating na panauhin? Saan sila galing? Paano napasaya ng magkapatid ang kanilang lolo Lola? Bakit kaya sila mahal ng kanilang pamilya?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang pamilya? Paano ka makapag-aambag ng kasiyahan sa iyong pamilya?Tandaan: Ang pagpapamalas ng kakayahan ay nakapag-aambag ng kasiyahan sa ating pamilya.

2. Paglalapat: Lutasin:Dumating ang mga pinsan mo galing sa ibang bansa. Nahilingan ka ng isang tula. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya: Kaarawan ng lolo mo kaya nagdatingan lahat ang mga pinsan mo. May ginayak na palatuntunan para lalong maging masaya ang pagtitipon. Ano ang gagawin mo para makapag-ambag ka ng iyong kakayahan?Ako ay ___________________________.

V. Kasunduan: Iguhit ang sarili habang ginagawa ang kakayahang nais mong maiambag upang mabigyan ng kasiyahan ang iyong pamilya.

. Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 28: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtIka-anim na Linggo

(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- Nakapag-aambag ng kasiyahan sa pamilya sa

pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Ulirang Mag-aaral pah. 131Kagamitan: larawan ng bata, tsart

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Paano natin mapapasaya ang ating pamilya?2. Pagganyak Tumutulong ka ba sa mga gawain sa bahay?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento :Maraming gawin sa bahay. May mahihirap na gawain at may madali rin naman. Ayon sa ating kakayahan ay inaatasan tayo n gating mga magulang na tumulong ayon sa mga gawain.Masaya ang mag-anak. Lahat ay may ginagawa upang mapagaan ang gawaing-bahay. Madaling natatapos ang mga gawainNagkakaroon sila ng maraming panahon sa pahinga. Nakakapanood sila ng TV. Nakakapamasyal din sila.

2. PagtalakaySino ang gumagawa ng mga gawaing-bahay?Paano nila ginagawa ang mga gawaing ito?Ano pa ang maari nilang gawin bukod sa mga gawaing bahay?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Mahalaga ba ang pagkakaroon ng masayang pamilya? Paano ka makapag-aambag ng kasiyahan sa iyong pamilya?Tandaan: Ang pagtulong sa mga gawaing-bahay ay nakapag-aambag ng kasiyahan sa ating pamilya.

2. Paglalapat: Lutasin:Naglalaro kayo ng mga kapatid ninyo nang bigla kayong bigyan ng nanay ng kanya-kanyang gawain. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang kapamilyang nakapag-aambag ng kasiyahan sa kaanak. X ang hindi.___1. Si ate ay maagang gumigising at nagluluto ng almusal.___2. Si Kuya ay palaging inuutusan pero hindi

naman sumusunod.___3. Si Rona ay nagdadabog habang nagwawalis.___4. Masipag si Alex magpunas ng mesa matapos kumain.____5. Maagang namamalengke si nanay.

V. Kasunduan: Isulat ang mga gawaing naitulong mo sa iyong pamilya sa araw-araw. Simulan ng Linggo hanggang Sabado.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Page 29: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Ika-anim na Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pagkain

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 188Kagamitan: larawan ng mag-anak na kumakain

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Anu-ano ang mga gawain sa tahanan na nagagampanan mo?2. Pagganyak Ipakita ang larawan ng mag-anak sa hapag-kainan.Ano ang ginagawa ng mag-anak?Ang mag-anak ninyo rin ba ay sabay-sabay kung kumain? Bakit?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tula :Pagkain ng Mag-anakAng mag-anak na salu-salo sa pagkainHuwaran ng mabuting pagtinginPaggalang sa isat-isaIpinadarama sa tuwina.

2. PagtalakaySaang silid naroon ang mag-anak?Ano ang kanilang ginagawa bago at matapos kumain?Ano ang ugaling ipinakita ng mag-anak?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?Ano ang dapat gawin bago at matapos kumain?Tandaan:

Iwasang papaghintayinSa mesa ang pagkainSama-sama tayong manalanginBago at matapos kumain.

2. Paglalapat: Lutasin:Gutom na gutom ka na pero magdarasal pa muna bago kumain. Ano ang iyong gagawin?

IV. Pagtataya: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Nais mong kumuha ng kanin pero ito’y malayo sa iyo. Ano ang iyong sasabihin?a. Pahingi ng kanin.b. Pakiabot nga po ng kaninc. Hoy! Kanin nga.2. Tinatawag ka na para kumain, kaya lang hindi pa tapos ang pinapanood mo sa TV. Ano ang gagawin mo?a. Sasabay sa pamilya sa pagkain.b. kakain sa harap ng TV.c. Magdadabog at di na kakain.3. Mainit ang sabaw. Paano mo ito hihigupin? a. Hihigupin nang bigla. b. Hihigupin nang malakas ang tunog. c. Hihigupin nang dahan-dahan.4. Hindi pa dumarating ang tatay pero gabing-gabi na kaya pinauna na kayong kumain. Ano ang dapat ninyong gawin?a. ubusin ng lahat ang pagkain.b. Ipagtabi ng pagkain ang tatay.c. Tirahan ng kaunting pagkain ang tatay.5. Masarap ang inyong ulam. Paano mo ito sasabihin sa nanay?a. Ilakas ang pagnguya.b. Ubusin lahat ang ulam.c. Purihin ang nanay at sabihin na masarap ang niluto niya.

V. Kasunduan: Bilugan ang angkop na salita upang matapos ang tugma.Ang pamilyang sabay-sabay kumain ay palaging___.(pagpapalain, uulanin, walang uulamin)

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 30: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-anim na Linggo(Ikalimang Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pagdarasal

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 181Kagamitan: larawan ng mag-anak na nagdarasal

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAno ang dapat mong gawin bago at matapos kumain?2. Pagganyak Ipakita ang larawan ng mag-anak na nagdarasal?Ano ang ginagawa ng mag-anak?Ang mag-anak ninyo rin ba ay sabay-sabay kung magdasal?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tula :Mag-anak na sama-sama sa pagdarasalPinakikinggan ng MaykapalAng taimtim nilang panalanginNakaabot sa Kanyang paningin.

2. PagtalakaySinu-sino ang mga nasa larawan?Ano ang kanilang ginagawa?Ano ang kanilang ipinagdarasal? Bakit?Ano ang orasyon?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?Bakit mahalaga ang pagdarasal?Tandaan:Ang orasyon ay pagdarasal ng mag-anak tuwing sasapit ang ika-anim ng gabi.Dapat tayong makiisa sa pagdarasal ng ating pamilya.Sumama tayo sa pagpapasalamat sa mga biyayang ibinibigay ng Diyos sa atin.

2. Paglalapat: Lutasin:Tinatawag ka ng lolo mo para makiisa sa pagdarasal ng orasyon kasabay pa naman nito ang paborito mong palabas sa TV. Ano ang iyong gagawin?

IV. Pagtataya: Sagutin ng Tama o Mali. ___1. Tinatawag si Roy para sa pagdarasal ng orasyon. Nagkunwaring tulog na siya. ___2. Ang pagdarasal ay pakikipag-usap sa Diyos. ___3. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa mga Biyayang ibinibigay niya. ___4. Tumigil na sa pagdarasal kapag matagal makuha ang hinihiling sa Diyos. ___5. Magdasal bago matulog at pagkagising sa umaga.

V. Kasunduan:Sumulat ng isang maikling panalangin ng pasasalamat sa Diyos.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 31: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikapitong Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pagsisimba

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 185Kagamitan: larawan ng mag-anak at simbahan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralBuuin ang tugma:Ang mag-anak na sama-samang nagdarasal ay _______ng Maykapal.(pinagpapala)2. Pagganyak Ipakita ang larawan ng mag-anak na papunta sa simbahan.Itanong: Saan patungo ang mag-anak? Sinu-sino sila?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tula :Pagsisimba ng Mag-anakAno’t ibig humiwalay pa?Kung ang patutunguha’y pagsisimba.Hindi ba tunay na magandaKung tayo ay sama-sama?

2. Pagtalakay Sinu-sino ang mga nasa larawan? Saan sila papunta? Anong araw kaya iyon? Bakit sila magsisimba?

Ang pamilya ba ninyo ay sama-sama ring nagsisimba? Bakit?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?

Bakit mahalaga ang sama-samang pagsisimba ng buong pamilya?Tandaan:Ang sama-samng pagsisimba ng buong miyembro ng pamilya ay isang likas na kaugalian na kinikilala sa ating bayan.

2. Paglalapat: Lutasin:a. Ginigising ka ng iyong ina para

magsimba. Pero, antok na antok ka pa. Ano ang iyong gagawin?

b. May nakita kang kaklase mo sa loob ng simbahan, gusto niyang tabihan ka para kayo ay magkwentuhan. Ano ang gagawin mo?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang mabuting kaasalan habang nagsisimba. ___1. Iniiwasang mahuli sa pagsisimba. ____2. Natutulog sa loob ng simbahan. ____3. Linga nang linga sa loob ng simbahan. ____4. Nakikiisa sa pag-awit at pagdarasal. ____5. Kumakain sa loob ng simbahan.

V. Kasunduan:Magtala ng 2 gawain kung paano ka makakatulong sa pagpapanatili na malinis ang inyong simbahan.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 32: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikapitong Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pamamasyal.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 31-32Kagamitan: larawan ng mag-anak na namamasyal

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral Anong araw ang pagsisimba ng mag-anak? Bakit mahalaga ang sama-samang pagsisimba ng pamilya? B. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIpakita ang larawan ng mag-anak na masayang namamasyal.Sabihin: Ito ang pamilya ni Mang Edwin.Namamasyal sila. Ang sasaya ng mga batang sina Aya at Buboy. Pati na rin ang kanilang mga magulang na sina Aling Nene at Mang Edwin. Sa parke, nagbisikleta si Aya. Nagpalipad naman ng saranggola si Buboy.Tuwang-tuwa sila.

2. Pagtalakay Sinu-sino ang mga nasa larawan? Saan sila papunta? Bakit sila masaya? Ano ang ginawa ng mga bata? C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?

Bakit mahalaga ang sama-samang pamamasyal ng buong pamilya?Tandaan:Ang sama-samang pamamasyal ng buong miyembro ng pamilya ay nakakapagpatibay ng kanilang samahan.

2. Paglalapat: Ipasadula nang pangkatan ang pamamasyal ng mag-anak.

IV. Pagtataya:Iguhit ang masayang mukha kung tama at malungkot na mukha kung mali.______1. Pupunta ang mag-anak sa mall kaya masaya silang lahat.______2. Nag-aaway at nag-aagawan sa see-saw ang magkapatid habang sila ay nasa palaruan.______3. Humiwalay sa magulang habang namamasyal.______4. Sundin ang mga babala sa pook-pasyalan na pinupuntahan.______5. Magpabili nang magpabili ng mga nakikitang pagkain kahit busog na habang namamasyal.

V. Kasunduan:Magtala ng 2 gawain kung paano ka makakatulong sa pagpapanatili na malinis ang inyong simbahan.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 33: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikapitong Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pagdalo sa kasayahan

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 191Kagamitan: larawan ng mag-anak

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralTama o MaliMakipagkwentuhan sa loob ng simbahan.Makiisa sa pagdarasal.Magpalinga-linga para makahanap ng kakilala.Kumain sa loob ng simbahan.Magsuot ng maayos na damit kung magsisimba.2. Pagganyak Anu-anong okasyon ang nadaluhan nyo na kasama ang inyong pamilya?Naging Masaya ba kayo? Bakit?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tugma :Pagdalo sa KasayahanSa bertdey, kasal o binyaganNakikiisa ang pamilya sa pagdiriwangLipos ng saya at siglaNakikita sa mukha nila.

2. PagtalakayAnu-anong kasayahan ang dinaluhan ng mag-anak?

(Hayaang magkwento ang mga bata ng kagayang karanasan.) Masaya ba ang mag-anak? Paano mo nasabi?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?Bakit mahalaga ang sama-samang pagdalo ng mag-anak sa mga kasayahan?Tandaan:Kaibiga’y ating kailanganSa hirap at ginhawa ng buhayTayo’y kanilang matutulunganSa oras ng kagipitan.

2. PaglalapatDadalo sa isang kasalan ang iyong Tatay at nanay. Magpupumilit ka bang sumama? Bakit?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang mga kasayahang nadaluhan mo na kasama ang iyong pamilya:_____bertdey_____kasalan____binyagan____pagbabasbas ng bahay____ reyunion ng pamilya

V. Kasunduan:Magdala ng isang larawan na nagpapakita ng iyong pagdalo sa isang kasayahan.Humanda sa pagkukuwento tungkol dito.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 34: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikapitong Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pagdalaw sa kaanak

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 193Kagamitan: larawan ng mag-anak

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAnu-anong mga kasayahan o okasyon ang malimit na dinadaluhan ng buong pamilya?2. PagganyakMayroon ba kayong kamag-anak sa malalayong lugar? Paano ninyo sila nakikita o nakukumusta?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tula:Pagdalaw sa KaanakKaanak sa malalayong lugar.Atin silang dinadalawSila’y di nalilimutanPagkat sila’y minamahal.

Atin silang dinadalhanNg pagkain, sariwang gulayMay prutas, itlog, at gatasUpang sila ay lumakas.

2. PagtalakaySaan nagpunta ang mag-anak?Saan sila naroroon?Anu-ano ang kanilang mga dala?

Para ano/saan ang mga ito?Ano ang ugaling kanilang ipinakita?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?Bakit mahalaga ang sama-samang pagdalaw ng pamilya sa kaanak sa malalayong lugar?Tandaan:Kaanak, kaibiga’y alalahaninLoob nila’y palakasinSakit nila’y gagaling dinHalina, atin silang dalawin.

2. PaglalapatSinabi ng nanay na dadalaw kayo sa pinsan mong maysakit sa lalawigan. Matutuwa ka ba?Bakit?

IV. Pagtataya:Ikahon ang tamang sagot.1. Dumadalaw tayo sa kaanak na maysakit para sila ay ( takutin, pagalitin, damayan).2. Nagdadala tayo ng mga (pagkain, damit, paninda) upang sila ay lumakas.3. Di natin sila kinalilimutan dahil( mahal, kinaiinisan, kinaiinggitan) natin sila.4. (Masaya, Malungkot, Galit) ang mag-anak na sama-samang dumadalaw sa kaanak.5. Ang mag-anak na dumadalaw sa kaanak ay nagpapakita ng ugaling(maalalahanin, pagkamasipag, pagkamatapat).

V. Kasunduan:Nalaman mong maysakit ang lola mo sa probinsiya.Ano ang gagawin mo para maipakita na mahal mo siya?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 35: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikapitong Linggo(Ikalimang Araw)

I. Layunin:- naisasagawa ang mga kilos at gawain na

nagpapasaya sa tahanan gaya ng:- pagsasama-sama sa pakikiramay sa kaanak

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Bawat Miyembro ng Pamilya Aralin: Mahal ko ang Aking PamilyaSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.16ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 195Kagamitan: larawan ng mag-anak

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralSagutin: Oo o HindiNililibang ko ba ang maysakit?Nag-aabot ba ako ng kanilang kailangan?Masaya ba ako sa pakikipag-usap?Masasaya ba ang aking sinasabi?Pinalalakas ko ba ang kanilang loob?2. PagganyakNakasama na ba kayo sa inyong mag-anak sa isang lamayan?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tula: LamayanKung may kaanak na namatayBuong pamilya’y dumadalawNag-aabuloy, naglalamayUgaling Pilipino, ang pagtutulungan.

2. Pagtalakay Saan naroon ang mag-anak? Anu-ano ang nakikita sa lamayan? Anu-ano ang ginagawa sa lamayan?Ano ang abuloy?

Anong ugaling Pilipino ang kanilang ipinakita?C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong gawain ang nakapagpapasaya sa pamilya?Bakit mahalaga ang sama-samang pakikiramay sa kaanak?Tandaan:Sa ating pagsasayaMag-anak ang kasama.Sa ating kasawianSila rin ang karamay.

2. PaglalapatIsinasama ka ng nanay mo sa lalawigan dahil may kaanak kayong namatay. Sasama ka ba?Bakit?

IV. Pagtataya: Sagutin: Tama o Mali_____1. Sama-samang nakikiramay sa kaanak ang pamilya upang makipagsaya sa namatayan._____2. Nakikiisa sa gawain sa lamayan tulad ng pagdarasal._____3. Nanginginain lamang ng mais at butong pakwan._____4. Masayang nakikisali sa pagsusugal._____5. Nagbibigay ng abuloy o tulong na pinansiyal.

V. Kasunduan:Nasa lamayan kayo ng pamilya mo. May nakita kang kaklase mo at inaaya ka niyang maglaro ng habulan.Ano ang gagawin mo?

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 36: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikawalong Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Nakapagsasalita

II. Paksang Aralin: Katotohanan Aralin: Magaling AkoSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35; Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 81Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano natin ipinakikita ang ating pakikiramay sa ating mga kaanak na namamatayan?

2. PagganyakIpatukoy sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng

kanyang ulo.Anu-ano ang iba’t ibang bahagi ng iyong ulo?Ano ang nasa loob ng ating bibig?Bakit kaya tayo mayroong dila?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling tula:Kilala mo ba Ako?Ako ang batang si Jose Rizal.Isinilang ako sa Calamba, Laguna.Mahal ko ang aking bayan.Pilipinas ang aking bayan.

2. PagtalakaySino ang bata sa maikling kwento?Saan siya isinilang?Ano ang kanyang bansa?Anong kakayahan ang ipinakita niya?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?

Tandaan:Ang tao ay nakapagsasalita.Sabihin ang iyong naisIpaliwanag ang iyong panig.Magsalita upang malaman ang katotohanan.

2. PaglalapatAno ang kaibhan ng tao sa hayop?Ano ang kayang gawin ng tao na hindi kayang

gawin ng hayop?

IV. Pagtataya:Ikaw ay nakapagsasalita. Alin-alin ang maari

mong gawin upang magamit ang iyong kakayahan sa pagsasalita. Lagyan ng /. X ang hindi.

___1. Pagtsitsismis___2. Pag-awit___3. Pagmumura sa kapwa___4. Pagtula___5. Pagpuri sa magandang ginawa ng kapwa___6. Paninira sa iba.___7. Panlalait___8. Pang-uuto___9. Pananalangin___10. Pakikipagtalo

V. Kasunduan:Gumuhit ng isang dila. Isulat sa ibaba.

Maliit kong dila, mag-ingat lagi sa pagsasalita.Nang hindi ka makasakit ng kapwa.

Puna:

_____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 37: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikawalong Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- nakasasagot

II. Paksang Aralin: Katotohanan Aralin: Magaling AkoSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 82Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Ano ang kakayahan ng tao na hindi kayang gawin ng mga hayop?

2. PagganyakNaranasan na ninyong magpalipad ng

saranggola?Ano ang inyong naramdaman?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Ngayon ay maririnig ninyo ang isang karanasan

ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad ninyo.

Hawanin muna ang mga balakid:- Tore o simboryo

- nangahasAng Saranggolang Nasabit

“Isang bata ang nakita kong umiiyak dahil nasabit ang kanyang saranggola sa tore o simboryo ng simbahan. Inakyat ko iyon at ibinigay sa kanya.” “Bakit ka nangahas na umakyat sa tore ng simbahan?” ang tanong sa akin ng pari.“Naawa po kasi ako sa batang umiiyak at tinutukso ng mga

kapwa bata dahil hindi makuha ang saranggola,” ang aking sagot.

2. PagtalakaySino ang batang nagsasalaysay sa kwento?Saan siya umakyat?Bakit siya umakyat sa tore?Ano ang sinabi ng pari sa kanya?Ano ang isinagot ng bata? Paano siya sumagot?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?Tandaan:Ang tao ay nakasasagot.Sabihin ang iyong naisIpaliwanag ang iyong panig.Sumagot upang malaman ang katotohanan.

2. PaglalapatLutasin:

Masakit ang iyong ngipin. Binibigyan ka ng kendi ng iyong kalaro. Ano ang iyong sasabihin? Tatanggapin mo ba ang kendi?Bakit?

IV. Pagtataya:Bilugan ang tamang sagot.

1. Tinatanong ka ng lolo kung kumain ka na. Ano ang isasagot mo?a. oo b. kanina pa c. Opo Lolo2. Tinatawag ka ng nanay mo. Paano ka sasagot? a. Bakit ka tawag nang tawag? b. Ano ba gusto mo sa akin? c. Andiyan na po nanay.3. May umutot. Sinabi ng katabi mo na ikaw. Ano ang sasabihin mo? a. Hindi ako. b. Baka ikaw tanga! c. Siguro si __.

V. Kasunduan: Laging gumamit ng po at opo sa pagsagot.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 38: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikawalong Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- nangangatwiran

II. Paksang Aralin: Katotohanan Aralin: Magaling AkoSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 82Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano ka dapat sumagot sa tawag o tanong?2. Pagganyak

Napalo ka na ba ng nanay o tatay mo? Bakit?B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang

karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad ninyo.Katulad ninyo si Jose ay nakaranas din mapalo ng kanyang ina. Alamin natin kung ano ang dahilan.

Hawanin ang balakid: seda, sinamay maginhawa

Ang Barong SinamayIsinuot ni Jose ang damit na seda sa halip na

barong sinamay na pambahay. Pinalo siya ng kanyang ina nang ayaw niyang hubarin ang damit na sedang pansimba.“Bakit ba ayaw mong isuot ang damit na sinamay?” ang tanong ng kanyang ina.

“Makati pos a balat ang damit na sinamay. Ang seda po ay maginhawa,” ang katwiran ni Jose

2. Pagtalakay

Bakit napalo ng kanyang ina si Jose?Bakit ayaw niyang isuot ang sinamay?Paano niya ipinahiwatig ang kanyang pagtutol sa

pagsusuot ng ayaw niyang damit? Maayos ba siyang nangatwiran?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?Tandaan:Ang tao ay nakapangangatwiran.Sabihin ang iyong naisIpaliwanag ang iyong panig.Mangatwiran upang malaman ang katotohanan.

2. PaglalapatLutasin:May nagtapon ng kalat sa sahig. Sabi ng kaklase mo ikaw iyon. Paano ka mangangatwiran sa iyong guro?

IV. Pagtataya:Mangatwiran nang maayos upang ipakita ang

katotohanan sa bawat sitwasyon.

1. May sinat ka. Inuutusan ka ng nanay mo na maligo ka na.____________________________________

2. Busog ka pa pero pinipilit ka ng ate mo na kumain na.____________________________________

3. Pinatutulog ka na ng kuya mo kaya lang hindi ka pa tapos sa paggawa ng mga assignments mo.____________________________________

4. Sabi ng katabi mo sa guro kinopya mo ang sagot niya. Hindi naman totoo.__________________

5. Nanalo ka sa laro pero sabi ng kalaban dinaya mo siya.___________________________________

V. Kasunduan:Mangatwiran nang maayos kung kinakailangan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang

na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 39: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikawalong Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- nakikinig

II. Paksang Aralin: Katotohanan Aralin: Magaling AkoSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 82Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano ka dapat mangatwiran?2. Pagganyak

Aling bahagi ng iyong katawan ang tumutulong sa iyo upang marinig ang mga tunog , ingay, huni sa paligid?

Paano kaya kung wala kang kakayahang makarinig?

Masisiyahan ka kaya sa pakikinig sa mga kwento?

Awit: Little ears be careful what you hear.

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang

karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad ninyo.Katulad ninyo si Jose ay mahilig din makinig sa mga kwento.

Hawanin ang balakid: asotea, yaya

Sa AsoteaSi Jose ay mahilig making ng mga

kwento.Nakinig siya sa mga kwento ng kanyang nanay at yaya.

Sa kanilang asotea, si Jose ay nakinig sa mga kwento tungkol sa aswang, kapre, tiyanak, at mga diwata.

2. Pagtalakay Ano ang hilig gawin ni Jose? Sinu-sino ang nagkwento sa kanya? Saan siya nakinig ng mga kwento? Anu-anong mga kwento ang kanyang

kinahiligan?

C. Pangwakas na Gawain1. Paglalahat:

Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?Tandaan:Ang tao ay may kakayahang makinig.Ang pakikinig ay isang paraan Upang maragdagan ang kaalaman.

2. PaglalapatLutasin:Nagpapaliwanag ang iyong guro tungkol sa bago ninyong aralin. Ano ang dapat mong gawin? Bakit?

IV. Pagtataya: Lagyan ng / ang mga dapat mo lamang na pakinggan. X ang hindi.___1. Bastos na salita___2. Awitin___3. Magagandang kwento___4. Tula ___5. Pagmumura

V. KasunduanIguhit ang iyong dalawang tenga.Isulat sa ibaba

ng iyong drawing. “Little ears be careful what you hear.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 40: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ikawalong Linggo(Ikalimang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Nakababasa at nakasusulat

II. Paksang Aralin: Katotohanan Aralin: Magaling AkoSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 86Kagamitan: larawan ng bata

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain1. Balik-aral

Paano madaragdagan ang iyong kaalaman?Ano ang dapat mong gawin kung may

nagpapaliwanag o nagsasalita?2. Pagganyak

Bakit kayo nag-aaral?Anu-ano ang mga ibig ninyong matutuhan sa

paaralan?B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Ngayon ay maririnig ninyo ang isa pang

karanasan ni Jose Rizal noong siya ay bata pang katulad ninyo.Katulad ninyo si Jose ay mahilig din magbasa at magsulat.

Ang Batang PalabasaSi Jose ay mahilig magbasa. Tatlong taong

gulang pa lamang siya ay marunong na siyang bumasa. Ang kanyang ina ang nagturo sa kanyang bumasa. Ang kanyang ina ang una niyang guro. Nais pa niyang magbasa kaysa maglaro.

Ang ManunulatMaliit pa lamang si Jose ay marunong na siyang

sumulat. Sumulat siya ng mga tula, dula-dulaan, at mga kwento sa wikang Tagalog at Kastila.

2. Pagtalakay:Ano ang hilig ni Jose?Ilan taon siya nang matutong bumasa?Sino ang kanyang unang guro?Anu-ano ang hilig niyang isulat?Anu-anong wika ang gamit niya sa pagsulat?

3. Paglalahat:Anong kakayahan ang kayang gawin ng isang tao?Tandaan:Ang tao ay may kakayahang magbasa at magsulat.Ang pagbabasa at pagsusulat ay mga paraan Upang maragdagan ang kaalaman.

4. PaglalapatLutasin:A. May pinababasa sa inyong babasahin

ang iyong guro. Inaaaya kang maglaro ng kalaro mo. Ano ang gagawin mo?

B. May sulatin kayo. Dinadaldal ka ng katabi mo. Ano ang gagawin mo para matapos ka sa itinakdang oras ng guro?

IV. Pagtataya:Sagutan ang tseklis.Lagyan ng / ang iyong sagot. Palagi Minsan Gagawin 1. Nagbabasa ba ako ng aking aklat?2. Mabilis ba akong sumulat?3. Maayos at malinis ba ang aking pagsulat?4. Nakatatapos ba ako

sa takdang oras?5. Tama ba ang aking mga

gawa?

V. Kasunduan: Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 41: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-siyam Linggo(Unang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Nagmamano o humahalik bilang pagbati

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya Aralin: Pagmamano/Paghalik bilang PagbatiSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 90-91Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAnu-ano ang mga natutuhan ninyo sa paaralan?

2. PagganyakPaano ninyo binabati ang inyong magulang kung dumarating kayo sa bahay?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:“Mano po, Itay, mano po, Inay,” pagbati ni

Mae pagdating niya galing sa paaralan.“Kaawaan ka ng Diyos. Magpapakabait ka

sana,” halos sabay na wika ng kanyang ama at ina.

Pagkaumaga bago siya pumasok sa paaralan ay humahalik naman siya sa kanila habang nagpapaalam.

2. Pagtalakay:Ano ang ginagawa ni Mae pagdating niya

mula sa paaralan?Ano ang sagot sa kanya ng kanyang mga

magulang?Bago siya umalis ng bahay, ano naman ang

ginagawa niya?

Mabuti ba ang kaugaliang ginagawa ni Mae?3. Paglalahat:

Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?Tandaan:

Ang pagmamano o paghalik ay magalang na paraan ng pagbati na dapat nating ugaliin.

4. PaglalapatIpakita sa klase ang iba pang paraan ng

pagbati sa magulang/nakatatanda.

IV. Pagtataya:Lutasin:

A. Dumalaw kayo sa lolo at lola mo sa probinsiya. Sabik na sabik sila na makita kayo. Paano mo sila babatiin upang ipakita na nasasabik din kayo sa kanila.

B. Nasa handaan kayo. Nakita mo doon ang tita mo. Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan:

Isaulo ang tula.

Humanda sa pagtula sa harap ng klase bukas.Mga magulang ay batiin.Sa umaga pagkagising.Ang pagpapaalamAt paghalik sa kamayTanda ng batangTunay na magalang.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 42: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-siyam Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Nagsasabi/humihingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya Aralin: Pagsabi/Paghingi ng Pahintulot Kung Aalis ng BahaySanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 92-93Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralPaano ninyo babatiin ang inyong

magulang/nakatatanda?2. Pagganyak

Nagpapaalam ka ba kung may nais kang puntahan? Bakit?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:“Kring, Kriiing,” ang narinig sa telepono.

“Hello, magandang umaga . Sino ito?Ah, ikaw pala. Ano ba ang maipaglilingkod

ko sa iyo?” sagot ni Mark.“May kaunting salu-salo sa bahay

mamayang hapon pagkatapos ng klase. Inaanyayahan kita,” wika ni Ian. “Salamat sa paanyaya mo.

Hayaan mo’t magpapaalam ako sa inay at itay ko.

Nagpaalam nga si Mark sa kanyang itay at inay. “Mag-iingat ka lamang, Anak. Ihahatid kita at susunduin,” wika ng kanyang itay.

2. Pagtalakay:Sino ang tumawag sa telepono?Ano ang pakay ng tumawag?Ano raw ang mayroon kina Ian?Ano ang nagging sagot ni Mark?Ano ang masasabi mo sa ugali ng dalawang

bata?Ikaw, nagpapaalam ka ba sa tatay at nanay

mo bago ka umalis ng bahay?3. Paglalahat:

Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa iyong magulang?Tandaan:

Magsabi/humingi ng pahintulot kung aalis ng bahay.

4. PaglalapatPangkatang Pagsasadula ng Dayalogo.

IV. Pagtataya:Lutasin:Kinukumbida o inaanyayahan ka ng kaklase

mo sa kanyang kaarawan. May gawain ka pa sa bahay.

Paano ka magsasabi o hihingi ng pahintulot kung aalis ka ng bahay?

V. Kasunduan:

Isulat ang iyong sagot.Pinababalik ka ng iyong guro sa paaralan

upang tumulong sa paglilinis ng silid-aralan. Paano ka magpapaalam sa iyong magulang?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 43: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-siyam Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Tumatayo kapag may panauhin sa silid-aralan

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya Aralin: Pagtayo Kapag May Panauhin sa Silid-AralanSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 94-95Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAno ang dapat mong gawin bago ka umalis

ng bahay? Bakit mahalaga na magpaalam bago umalis?

2. PagganyakMay bumibisita ba sa inyong silid-aralan?Ano ang ginagawa ninyo?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Isang araw, pumasok ang punungguro sa

silid-aralan ng mga batang nasa unang baitang. Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at

magalang na nagsabi, “Magandang umaga po Gng. Salonga.”

“Magandang umaga naman,” nakangiting sagot ng panauhin.

Gayon ang ginagawa ng mga bata kapag may dumadating na magulang, punongbayan at iba pang panauhin na dumadalaw sa kanila.

2. Pagtalakay:Sino ang pumasok sa silid-aralan?

Ano ang ginawa ng mga bata pagkakita sa panauhin?

Natuwa kaya sa kanila ang panauhin? Bakit?Ano ang mabuting kaugalian na ipinakita ng

mga mag-aaral sa unang baitang?3. Paglalahat:

Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa panauhin?Tandaan:

Tumayo bilang paggalang kung may panauhing pumapasok s silid-aralan.

4. PaglalapatPangkatang Pagsasadula .

IV. Pagtataya:Lutasin:

1. Abalang-abala sa pagbabasa ang mga bata nang biglang dumating si Dr. Edna Santos Zerrudo. Ano ang dapat gawin ng mga bata?

2. Pinaupo sila ng panauhin . Ano kaya ang dapat nilang sabihin?

3. Kinamusta sila. “Kumusta kayo mga bata? Ano ang dapat nilang isagot?

V. Kasunduan: Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 44: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-siyam Linggo(Ika-apat na Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Gumagamit ng magagalang na pananalita tulad ng “po” at “Opo”

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya Aralin: Paggamit ng Magagalang na Pananalita Tulad ng Po at OpoSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 96-97Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralPaano mo ipakikita ang paggalang sa

panauhin na dumadalaw sa inyong silid-aralan?

2. PagganyakPaano ka makipag-usap sa matanda sa iyo?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Isang umaga, nagpunta si Aling Cely sa

bahay nina Liza.“Tuloy po kayo, Aling Cely, “ paanyayang

wika ni Liza. “Salamat, Liza. Nariyan ba ang nanay mo?” tanong ni Aling Cely.

“Opo, naroroon po sa kusina at nagluluto.Sandali lamang po at tatawagin ko,” ang

sabi ni Liza.“Inay! Inay! May bisita po kayo. Narito po

si Aling Cely,” ang sabi ni Liza.2. Pagtalakay:

Sino ang pinatuloy ni Liza?Sino ang kailangan niya?Ano ang ginawa ni Liza?

Anu-anong magagalang na salita ang ginamit ni Liza?

Gayon ka rin ba kapag nakikipag-usap? Ano ang iyong nadarama?Ano kaya ang madarama ng iyong kausap?

3. Paglalahat:Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa

nakatatanda sa iyo?Tandaan:

Gumamit ng magagalang na pananalita tulad ng po at opo bilang paggalang.

4. PaglalapatPagbigkas sa Tula.

Ang Po at OpoAng bilin sa akin ng ama’t ina koMaging magalangin mamumupo ako.Kapag kinakausap ng matandang taoSa lahat ng lugar sa lahat ng dako.

Pag ang kausap ko’y matanda sa akin,Na dapat igalang at dapat pupuinNatutuwa ako na bigkas-bigkasinAng po at Opo ng buong paggiliw.

IV. Pagtataya:Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “ Kumain ka na ba Kevin,” ang tanong ng lolo. a. hindi pa bakit? b. Opo c. oo, kakain ko lang2. Sa iyo ba ang payong na ito, Jilliane? a. Akin yan. b. Oo nga c. Opo, akin yan3. May kapatid ka ba, Ben? a. wala b. Meron po. c Bakit mo tinatanong?4. Ikaw ba ang nagtapon ng basura? a. Opo b. Hindi c. Ako nga, bakit?5. Tapos na ba kayong kumopya sa pisara? Tanong ng guro.a. Hindi pa, Ma’am b. Oo, tapos na c. Opo, Ma’am.V. Kasunduan: Isaulo ang tula na “Po at Opo”

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 45: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-siyam Linggo(Ikalimang Araw)

I. Layunin:- Naisasagawa nang may katapatan ang mga kilos

na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa iba’t ibang sitwasyon.

- Sumasagot nang katamtamang ang boses

II. Paksang Aralin: Pagkakabuklod ng Pamilya Aralin: Pagsagot nang Katamtamang ang BosesSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 34-35Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 98Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAnong magagalang na pananalita ang

ginagamit sa pakikipag-usap sa nakatatanda?2. Pagganyak

Paano kang sumasagot kung may tumatawag sa iyo?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Nasa kasarapan ang pakikipaglaro ni Jay sa

kanyang mga kaibigan. Maya-maya’y…Jay! Jay! Nasaan ka? Kailangan kita

rito,”Tumakbo siyang pauwi. Nakita niya ang kanyang inang abalang-abala. Sinabi niya,

“Pasensiya na po, Inay, tutulungan ko na po kayo, “ magalang na sabi ni Jay.

2. Pagtalakay:Ano ang ginagawa ni Jay nang tawagin ng

nanay niya?Bakit siya tinatawag ng nanay?Ano ang ginawa ni Jay?Tama ba ang ginawa ni Jay? Bakit?

3. Paglalahat:Paano mo ipakikita ang iyong paggalang sa

iyong magulang? Paano ka sasagot sa tawag?Tandaan:

Sumagot sa katamtamang boses.4. Paglalapat

Magkunwaring tinatawag sa laruan ang bawat mag-aaral.

Paano kayo sasagot?

IV. Pagtataya:Kung ikaw si Jay, paano mo ssagutin ang iyong

ina? Isagawa.V. Kasunduan:

Isaulo ang tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 46: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtIka-sampung Linggo

(Unang Araw)I. Layunin:- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi ng

mag-anak.II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng DamdaminSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 121; Teaching Guide ph.14; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45; Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I; pah. 144-145; Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177Kagamitan: larawanIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralPaano ka dapat sumagot kung tinatawag ka?

2. PagganyakNaranasan mo na bang magtampo o sumama ang

loob sa kapatid o sa magulang mo?Ano ang ginawa mo?

B. Panlinang na Gawain1. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Tena, Maligo Tayo

Nagluluto sa kusina si Aling Mercy nang marinig niya ang malakas na iyak ni Tepen. Pinuntahan niya ito sa sala upang tingnan kung ano ang nangyari. Ganito ang kanyang nakita at narinig.“Ang baho mo naman, Tepen! Di ka yata naliligo,” ang sabi ng ate. Lalong lumakas ang iyak ni Tepen. “Waa! Waa! Waa!“Halika, maligo tayo nang bumango ka.” Sabi ng ate.“Opo, ate.” Ang sagot ni Tepen.

Pagkatapos maligo, “Ang bango mo na Tepen, maligo ka lagi, ha?” sabi ng ate.“Opo, ate. Salamat ha?” ang sabi naman ni Tepen.Natuwa si Aling Mercy sa narinig.“Ganyan nga, anak. Iwasan mo sana na makasakit ng damdamin ng kapatid mo.”Ang wika ng nanay.“Opo, inay tatandaan kop o lagi.” Sabi ng ate.

2. Pagtalakay:Bakit umiiyak si Tepen?Sino ang nagsabi na mabaho siya?Bakit daw mabaho si Tepen?Ano ang ginawa kay Tepen ng ate niya?Ano ang nangyari pagkatapos paliguan si Tepen?

3. Paglalahat:Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin

ng iyong kaanak?Tandaan:

Ang dila ay hindi tabakSubalit nakakasugatKaya dapat na maingatNg sa damdami’y di maitarak.

Salitang nasabi na natinHindi na pwedeng bawiinLalo at masakit ang dating

Dulot ay problema sa atin.4. Paglalapat

Pagpasiyahan mo:Tama ba na sabihin kay Tepen na mabaho siya?

Bakit?Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Tepen ng

sabihan siya ng ate na mabaho?Ano naman ang naramdaman niya nang sabihan

siya na mabango?Bakit hindi dapat saktan ang damdamin ng isang

kasapi ng pamilya?Paano maiiwasang masaktan ang damdamin ng

kasapi ng pamilya?IV. Pagtataya:

Ano ang dapat gawin upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kasapi ng pamilya? Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Natalo sa paligsahan sa Matematika ang ate mo. a. Pagtatawanan mo siya. b. sisihin mo siya c. sasabihin mong pagbutihin na lang sa susunod.2. Napalo si Ramon ng Tiya Lorie mo. Ano ang sasabihin mo? a. “Beh, buti nga.” b. “Huwag ka na lang uulit ha?” c. “Sumigaw ka at umiyak”3. Pinunit ng kapatid mong maliit ang aklat mo. a. Itapon ang aklat. b. Isusumbong kay nanay. c. Sasabihan na huwag ng ulitin ang kanyang ginawa.4. Sa inyong magkakapatid, ang ate mo ang kayumanggi ang balat. a. sasabihan mo na baluga siya. b. sasabihin mong pinaglihi kasi siya sa uling c. sasabihin mong iyon ang tunay na kulay ng mga Pilipino.5. Ginamit ng kuya mo ang krayola mo sa proyekto niya. Wala ka kaya din a niya naipagpaalam sa iyo. a. Mag-iiyak ka.b. Sasabihin mong “Pakialamero siya”c. okey lang kuya gamitin mo kung kailangan mo. V. Kasunduan: Lutasin:

Nabangga ka ng nagtatakbuhang mga bata.Ano ang gagawin mo? Sisigawan mo ba sila? Bakit?Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 47: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-sampung Linggo(Ikalawang Araw)

I. Layunin:- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng iba

pang kasapi ng mag-anak.

II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng DamdaminSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12; Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145;Teaching Guide ph.14; ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 144-145; Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralSagutin: Tama o Mali1. Nakakuha ng sero sa test ang ate mo kaya

tinukso mo siya.2. Napagalitan ng tatay ang kuya. Dinilaan mo

pa siya.3. Sinabihan mo ng “tanga” ang kapatid mo

nang matapon ang hawak na tinapay.4. Sinabihan mong mabaho ang lola dahil hindi

siya naliligo.5. Iniiwasan mong saktan ang damdamin ng

kasapi ng pamilya mo.2. Pagganyak

Awit: Little Tongue Be Careful What You SayB. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig ang maikling kwento:

Laging magkasabay sa pagpasok si Mara at ang pinsan niyang si Clara. Mahirap lamang si Clara kaya nakatira ito sa kanila. Hindi siya makapagdala ng baon para sa rises. Isang araw, ayaw niyang tanggapin ang ipinipilit ni Mara na hatian siya ng kanyang baon. “Sige na, tanggapin mo na ang tinapay na ito. Talagang dinala ko ito para sa iyo.”

“Salamat sa mga inihahati mong pagkain sa akin. Subalit ngayon ay huwag mo na akong hatian. Busog pa ako,” ang pagtanggi ni Clara.

2. Pagtalakay:Mabait bang bata si Mara? Bakit mo nasabi?Bakit kaya noong araw na yaon ay ayaw

tanggapin ni Clara ang ibinibigay ni Mara?Sino sa dalawa ang dapat mong gayahin o

tularan? Bakit?3. Paglalahat:

Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kaanak?Tandaan:Ang dila ay hindi tabakSubalit nakakasugatKaya dapat na maingatNg sa damdami’y di maitarak.Salitang nasabi na natinHindi na pwedeng bawiinLalo at masakit ang datingDulot ay problema sa atin.

4. PaglalapatIpasadula ang usapan nina Mara at Clara.

IV. Pagtataya:Lagyan ng / kung wastong gawi at X kung hindi.

___1. Laging pinipintasan ni Ben ang mga gawa ng ate niya.

___2. Nag-iingat si Charo sa pagsasalita dahil ayaw niyang masaktan ang damdamin ng sinuman.

___3. Pinagtatawanan ni Loida pag nagkakamali ang pinsan niya.

___4. Laging tinutukso ni Ana ang kapatid na payat at sakitin.

___5. Magagandang salita lamang ang sinasabi ni Beth para hindi siya makasakit ng damdamin

V. Kasunduan: Lutasin:Nakita mo na tinutukso at pinagtatawanan ng

mga kaklase mo ang isang batang pilay. Ano ang gagawin mo?

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

Page 48: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAOPinagsanib na Aralin sa EsP at Art

Ika-sampung Linggo(Ikatlong Araw)

I. Layunin:- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng

kapwa.- Iniiwasang sumagot kung hindi tinatawagII. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng DamdaminSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 144-145Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177Kagamitan: larawanIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralDi sinasadyaIkaw ay nasaktanPaglakad ng kuyaPaa mo’y natapakan.Magagalit ka ba sa kuya mo? Magbibitiw ka ba ng mga masasakit na salita dahil nasaktan ka? Bakit?

2. PagganyakNakaranas ka na bang makasali sa isang

paligsahan tulad ng pabilisan sa pagsagot? Masaya ba ang naging karanasan mo? Bakit?

B. Panlinang na Gawain3. Paglalahad

Iparinig ang maikling kwento:Isang paligsahan ang idinaos ng guro sa unang

baitang.Magkalaban ang pangkat ng mga lalaki at mga babae. Tumawag siya ng dalawang manlalaro sa mula sa dalawang pangkat ng mga mag-aaral.

Bago simulan ang kontes ay mahigpit na ipinaalala ng guro na walang magtuturo o magbibigay ng sagot mula sa mga batang manonood. Nagsimulang magtanong ang guro subalit ng hindi masagot ng kasama ni Kevin sa pangkat ang tanong ng guro, bigla siyang sumigaw at sinabi ang tamang sagot. Nagalit ang guro sa ginawa ni Kevin at itinigil ang laro.

4. Pagtalakay:

Bakit itinigil ng guro ang kanilang laro?Tama ba ang ginawa ni Kevin?Ano ba ang mahigpit na ipinagbilin ng guro na

huwag gagawin ng mga manonoood?Nasaktan kaya ni Kevin ang damdamin ng

kanyang guro? Bakit?Anong ugali ang ipinakita ni Kevin?Gagayahin ninyo ba siya? Bakit?

5. Paglalahat:Paano mo maiiwasan na makasakit ng

damdamin ng iyong kapwa?Sasagot ka ba kung hindi ka naman tinatawag?Tandaan:Iwasan ang sumagot kung hindi tinatawag.

6. PaglalapatIpasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

IV. Pagtataya:Lutasin:

Tinawag ng guro ang katabi mo para sagutin ang tanong niya tungkol sa aralin na itinuro niya kahapon. Hindi makasagot ang katabi mo pero alam mo ang sagot.

Ano ang gagawin mo?

V. Kasunduan: Hintayin muna na tawagin ang iyong pangalan

bago sumagot nang hindi makasakit ng kapwa mo.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 49: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtIka-sampung Linggo

(Ika-apat na Araw)I. Layunin:- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng kasapi

ng pamilya.- Gumagawa nang tahimik upang hindi

makaabala sa iba.II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng DamdaminSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 45Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 144-145Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177Kagamitan: larawanIII. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralPaano mo maiiwasang masaktan ang

damdamin ng kapwa mo?2. Pagganyak

Sino ang tumutulong sa iyo kung mayroong kang mga takdang-aralin?

Nakagagawa ka bang mag-isa? Paano?B. Panlinang na Gawain

2. PaglalahadIparinig ang maikling kwento:

Magkakasama sa silid ang magkakapatid na Liza, Leny at Tina. Gumagawa sila ng kanilang mga takdang-aralin sa paaralan.

Si Tina na pinakabunso sa magkakapatid ay pinilit na tahimik niyang gawin mag-isa ang kanyang mga gawain dahil alam niyang abala sa pag-aaral ang kuya at ate para sa kanilang pagsusulit.

3. Pagtalakay:Sinu-sino ang mga bata sa kwento?Saan sila gumagawa ng kanilang takdang-

aralin?Bakit tahimik na ginawa ni Tina ang kanyang

mga gawain?Tama ba ang ginawa niya? Sa palagay mo ba

nakatulong siya sa mga kapatid niya?4. Paglalahat:

Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kapwa?

Paano ka gagawa upang hindi makaabala sa iba?

Tandaan:Gumawa nang tahimik upang hindi

makaabala sa iba.5. Paglalapat

Ipasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

IV. Pagtataya:Lutasin:

Binigyan kayo ng inyong guro ng pangkatang gawain.

Paano kayo gagawa nang hindi nakaaabala sa ibang kasapi ng ibang pangkat?

V. Kasunduan: Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Page 50: 1Lesson Plan - Edukasyon Sa Pagpapakatao K-12a

Pinagsanib na Aralin sa EsP at ArtIka-sampung Linggo

(Ikalimang Araw)

I. Layunin:- Nakaiiwas sa pananakit ng damdamin ng

kapwa.- Iniiwasang sigawan ang kasambahay o katulong

sa bahay.

II. Paksang Aralin: Pagdama sa Damdamin ng Iba Aralin: Pag-iwas sa Pananakit ng DamdaminSanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12Edukasyon sa Pagpapakatao pah. 144-145Teaching Guide ph.14ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. 46Ulirang Mag-aaral Makadiyos, Makabayan I pah. 144-145Sulo ng Buhay sa Landas ng Kabataan I pah. 175-177Kagamitan: larawan

III. Pamamaraan:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralPaano ka gagawa nang hindi nakakaabala sa

iba?2. Pagganyak

Sino sa inyo ang may yaya?Paano kayo natutulungan ng inyong yaya?Iginagalang ba ninyo ang inyong yaya?

Bakit?B. Panlinang na Gawain

1. PaglalahadIparinig ang maikling kwento:

Mayaman ang pamilya ni Ellen. Malaki ang kanilang bahay. Maganda ang trabaho ng kanyang ama at ina. Mayroon silang kasambahay na si Aling Belen. Matanda na si Aling Belen pero kung utusan at sigawan ito ni Ellen ay akala mo kasing-edad lamang niya ito. Minsan, narinig siya ng kanyang ate at pinagsabihan siya na mali ang kaasalang ipinakikita niya sa kanilang kasambahay.

Nagalit pa si Ellen sa ate niya at sinabi na “katulong lamang naman kasi si Aling Belen”.

2. Pagtalakay:Sinu-sino ang mga bata sa kwento?Paano itrato ni Ellen ang kanilang

kasambahay?

Tama ba ang ginagawa niya sa matanda?Anong ugali ang ipinakita ni Ellen?Gagayahin ba ninyo siya? Bakit?Sa palagay mo ba nasasaktan ni Ellen ang

damdmin ni Aling Belen sa pagsigaw niya dito?3. Paglalahat:

Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong kapwa?

Paano ka mag-uutos sa iyong kasambahay?Tandaan:Iwasang sigawan ang kasambahay o katulong

dahil sila man ay may damdamin ding marunong masaktan.

4. PaglalapatIpasadula ang kwento sa mga mag-aaral.

IV. Pagtataya:Lutasin:

Nanonood ng TV si Lorie. Inutusan niya ang kasambahay na si Chary na ikuha siya ng merienda. Hindi agad nakasunod ang kasambahay dahil abala siya sa ginagawa niya. Biglang sinigawan ni Chary si Lorie. Tama ba ang kanyang ginawa? Bakit?

V. Kasunduan: Isaulo ang Tandaan.

Puna: _____na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang bilang na ____ang nakakuha ng ___na bahagdan ng pagkatuto ng aralin.