2 basic literacy learning material · pag-aari ng kawanihan ng alternatibong sistema sa pagkatuto,...

24
B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N 2 Basic Literacy Learning Material

Upload: others

Post on 06-Sep-2020

12 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

B u r e a u o f A l t e r n a t i v e L e a r n i n g S y s t e m

D E P A R T M E N T O F E D U C A T I O N

2Basic Literacy Learning Material

Page 2: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

Karapatan ng Bata, Dapat Alagaan

Karapatang-Ari 2013

Bureau of Alternative Learning System

DEPARTMENT OF EDUCATION

Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang

bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anyo nang walang nakasulat na pahintulot mula sa

organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Bureau of Alternative Learning System

Department of Education

3/F Mabini Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines

Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189

Page 3: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

Karapatan ng Bata, Dapat Alagaan

Page 4: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

i

Tungkol saan ang modyul na ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa Karapatan ng mga Bata na dapat nilang tinatamasa

sa araw-araw upang lumaking malusog at ipinagmamalaki ng ating lipunan. Ang kaalaman

at pagkilala sa karapatan ng mga bata ay napakahalaga sapagkat sinasabi nga na “Ang

Kabataan ang Pag-asa ng Bayan”.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Aralin 1 - Ang Karapatan at Tungkulin ng mga Bata

Aralin 2 - Karapatan Ko . . . Ipaglaban Mo

Aralin 3 - Ang Pangangalaga sa Karapatan ng mga Bata

Page 5: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

ii

Ano-ano ang matutuhan mo sa modyul na ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo na

ang sumusunod:

• nasasabi ang mga karapatan ng isang bata

• naipaliliwanag ang mga tungkulin ng Batang Pilipino

• naiisa-isa ang mga paglabag sa karapatan ng mga bata at ang mga paraanpara mabawasan o mahinto ang mga ito

• natutukoy ang institusyong nangangalaga sa karapatan ng mga bata.

Page 6: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

iii

Ano-ano na ang alam mo?

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tsek (üüüüü) kung ang sumusunod na pahayag ay

karapatan ng bata at ekis ( ûûûûû ) kung hindi.

______ 1. Maipanganak nang maaga

______ 2. Mabigyan ng edukasyon

______ 3. Makapaglaro at makapaglibang

______ 4. Magtrabaho sa minahan

______ 5. Magtinda ng sampaguita araw-araw

______ 6. Ipasok na kasambahay sa Maynila

______ 7. Mabigyan ng kalinga ang mga may kapansanan

______ 8. Magtrabaho sa labas ng bahay kung gabi

______ 9. Dagliang pagtugon sa oras ng kalamidad

______ 10. Ipaampon sa CARITAS Foundation

Page 7: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

1

Aralin 1

Karapatan at Tungkulin ng BataAng bata ay may karapatang:

maipanganak

nang maayos

alagaan

ng isang

pamilya

mahalin

ng mga

magulang

manirahan sa

kapaligirang

nagtataguyod

ng mabuting

pakikipag-

kapwa

tao

mapamahalaan nang epektibo at

mapagkakatiwalaang gobyerno

makatanggap ng pagkalinga, proteksiyon,

at tulong mula sa pamahalaan mabuhay

na may kalayaan at responsibilidad

mabuhay sa

mapayapang

lipunan1

makapag-

ukol ng

panahon sa

paglilibang

makapag-aral

maging

malusog

maging ligtas sa lahat

ng uri ng pang-aabuso

Page 8: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

2

Pag-usapan Natin

1. Sa kabuuan, ano ang nais ipahayag ng bawat larawan?

2. May kaalaman ka ba sa mga nabanggit na karapatan ng bata?

3. Alin sa mga nabanggit na mga karapatan ang natamo mo? Alin ang hindi?

Bakit?

4. Kung ikaw ay isang magulang, kaya mo bang ipagkaloob sa lahat sa anak

mo ang mga karapatang nabanggit? Paano?

5. Ano ang dapat isukli ng isang bata sa pagtatamasa ng kaniyang mga

karapatan?

6. Ano kaya ang maaaring mangyari kung di natatamo ng mga bata ang

kanilang mga karapatan?

Page 9: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

3

Alamin Natin

Bata Karapatan Mo’y May

Katumbas na Tungkulin

I

May katumbas na tungkulin

Bawat isang karapatan

Kahit na siya’y bata pa lang

Nararapat niyang gampanan.

Kapag bata’y namulat

Sa pagsunod na matapat

Asahan mo’t pag lumaki

Disiplinado’t matatag.

II

Isa sa karapatan niya

Magkaroon ng pangalan

Ngunit tungkulin ng bata

Pangala’y pangalagaan.

III

Karapatang mag-aral

Itinakda na rin ng batas

Na dapat na tamasahin

Mayaman man o mahirap.

Kaalamang makakamit

Tungkulin niyang gamitin

Sa paraang ang pamilya

at bayan, panalo na rin.

Page 10: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

4

Basahin Natin

Panalangin ng Nanay at ng Bata

Mahal na Dakilang Lumikha, sana

po maisilang ko nang maayos ang

aking anak. Mabigyan po namin

siya ng malinis na pangalan. Sana

po’y mapanatili naming payapa

ang aming tahanan. Mabigyan

namin siya ng sapat na pagkain at

edukasyon. Maibigay po sana

namin sa kaniya ang

maginhawang pamumuhay

upang lumaki siyang masunuring

anak at mabuting mamamayan.

Sana po’y mapatnubayan namin

siya upang lagi niyang tahakin

ang tamang landas ng buhay,

Amen.

Nais ko pong maisilang

Magkaroon ng pangalan at nasyonalidad,

Manirahan sa payapang tahanan sa piling

ng aking pamilya, may sapat na pagkain,

malusog at aktibong katawan.

Mabigyan sana ako ng sapat na edukasyon

at mapaunlad ang aking kakayahan

Mabigyan din ng pagkakataong

makapaglaro, makapaglibang at

makapagpahayag ng sariling pananaw.

Higit po sa lahat, mabigyan ng proteksiyon

laban sa pang-aabuso, panganib at

karahasan, matulunga’t maipagtanggol

ng pamahalaan.Salamat po, Panginoon!

Page 11: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

5

Subukin Natin

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita upang mabuo ang

pangungusap. Isulat sa sagutang papel.

pangalan pagkain tahanan edukasyon tungkulin

makapaglaro maglibang proteksiyon mapakinggan

1. Karapatan ng bata na ________________ ang saloobin at pananaw.

2. Magkaroon ng sapat na_______________ upang maging malakas at malusog.

3. Magkaroon ng ________________ at nasyonalidad.

4. Manirahan sa payapang _________________ sa piling ng mga magulang.

5. Magkaroon ng _________________ upang umunlad ang kaalaman.

6. Mabigyan ng ___________________ laban sa pang-aabuso.

7. Magkaroon ng pagkakataong _________________ at maglibang.

8. Kung may karapatan, may _______________ din ang mga bata.

Page 12: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

6

Aralin 2

Karapatan Ko . . . Ipaglaban Mo!

Basahin ItoNAHINTO SA PAG-AARAL KAUNTING SUWELDO . . .

MABIGAT NA TRABAHO

NAMAMALIMOS SOBRANG TRABAHO

Page 13: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

7

GAWAING MAPANGANIB SA KALUSUGAN PAMAMASUKAN BILANG KATULONG

PANLALAIT PAGMAMALIIT SA KAKAYAHAN

Page 14: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

8

Pag-usapan Natin

1. Ano-ano ang mga paglabag sa karapatan ng bata ayon sa binasa?

2. Bakit kaya itinuturing na paglabag sa karapatan ng bata ang nasa larawan?

3. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi naipagkaloob ang mga karapatan ng

bata?

4. Ano ang dapat gawin ng isang magulang kapag hindi makapag-aral ang

kaniyang anak dahil sa kahirapan?

Gawin Natin

1. Nakapagbenta si Rene ng Php105.00 na halaga ng sampaguita at Php65.00

na halaga ng diyaryo. Magkano ang kinita ni Rene kung Php75.00 ang

puhunan?

2. Kumita si Rene ng Php160.00 sa pag-iigib ng tubig. Magkano ang natira kung

ibinigay niya sa kaniyang ina ang halagang Php80.00?

3. Php 768.00 4. Php 884.00 5. Php 726.00

– 254.00 – 546.00 – 487.00

Page 15: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

9

Tandaan Natin

Ang bata ay di dapat . . .

• huminto sa pag-aaral.

• magtrabaho sa murang edad, lalong-lalo na sa mapanganib

na gawain.

• isali sa mga paligsahang maglalagay sa kaniya sa panganib.

• laitin at saktan.

• maliitin ang kakayahan.

• gamitin sa paghahanapbuhay.

Page 16: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

10

Subukin Natin

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang dapat gawin at hindi

dapat gawin at isulat sa wastong hanay sa sagutang papel.

1. sigawan ang anak 4. bayaang mamasukan sa murang

edad

2. laitin ang anak 5. bayaang mamalimos ang anak

3. pag-aralin ang anak 6. isumbong ang nakitang

paglabag sa karapatan ng bata

Dapat Gawin Hindi Dapat Gawin

1. ______________________________ 1. ______________________________

2. ______________________________ 2. ______________________________

3. ______________________________ 3. ______________________________

4. ______________________________ 4. ______________________________

5. ______________________________ 5. ______________________________

Page 17: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

11

Aralin 3

Pangangalaga sa Karapatan ng Bata

Pag-aralan Natin

Ipagbigay-alam sa mga awtoridad.

Saan . . . ?

Anong oras?

Napapabalitang

marami raw ang

ipinag-bibiling

mga bata?

kanino?

Ah, oo. Sa

mga tinatawag na

pedopilya.

Wala kang

karapatang

magpahinga!

Aray kup . . . o

Masakit . . . Itay ko

Hu... Hu... Hu...!

Page 18: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

12

Wala po

kaming tirahan.

Ihatid sa home-shelter Patnubayan ang anak

Page 19: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

13

Pag-usapan Natin

1. Ano ang maaaring gawin kapag may nabalitaan o nakitang paglabag sa

karapatan ng bata?

2. Ano-anong mga ahensiya ng pamahalaan ang nangangalaga sa karapatan

ng bata?

3. Tama bang pinapalo ang bata? Bakit?

4. Saan dapat ihatid ang mga batang lansangan?

5. Kanino dapat magsumbong kung may pang-aabuso sa mga bata?

Page 20: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

14

Tandaan Natin

Mga institusyon o ahensiyang nangangalaga sa karapatan ng bata:

1. Pamilya - tungkuling mabigyan ang mga bata ng pagmamahal, pag-

unawa, pagpapayo, at mabuting halimbawa ng kanyang

pamilya.

2. Department of Education (DepEd) - tungkuling magbigay ng sapat na

silid-aralang may palaruan, pasilidad para sa paglilibang at

espesyal na kalinga, at pasilidad para sa mga batang may

kapansanan.

3. Department of Social Welfare and Development (DSWD) - ahensiya ng

pamahalaan na naatasang pangalagaan at tiyakin ang

kapakanan ng kabataan, kababaihan, at katandaan.

4. Mga Pribadong Institusyon - institusyong ang layunin ay kumupkop sa may

kapansanan at kumalinga sa mga batang walang tahanan

tulad ng Caritas Home at Tahanang Walang Hagdan.

5. Punong Barangay - Maaaring pagsabihan ng mga suliraning nararanasan

ng mga bata.

Page 21: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

15

40 Kapitan Sendo St.

Barangka, Marikina

Abril 11, 2010

Kagalang-galang na Kapitan:

Ipinagbibigay-alam ko po sa inyo na sa Barangay Tago ay may isang

nagngangalang Lenlen. Labis siyang sinasaktan ng kaniyang Tatay. Marami

na po siyang pasa sa katawan. Sobra po siyang inabuso ng kaniyang ina.

Nasa pangangalaga na po siya ng kaniyang Lolo Mario at Lola Mercedes.

Hindi na po siya nag-aaral sa kasalukuyan.

May ahensiya po bang makatutulong sa kaniya?

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Mga Naninirahan sa Barangay Tago

Lauro Reyes Ricardo Magno

Salvador dela Cruz Pablo Santos

Halimbawa ng sulat ng punong barangay.

Page 22: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

16

Subukin Natin

Panuto: Isulat sa patlang ang dapat mong gawin sa sitwasyong ipinapakita sa larawan:

Page 23: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

17

Ano-ano ang mga natutuhanmo?

1. Magbigay ng 5 karapatang dapat na natatamo o tinatamasa ng mga bata.

a. ____________________________________________________________________

b. ____________________________________________________________________

c. ____________________________________________________________________

d. ____________________________________________________________________

e. ____________________________________________________________________

2. Isulat ang tsek (√√√√√) sa sagutang papel kung ang pahayag kung karapatan at ekis

(ûûûûû) kung paglabag sa karapatan ng bata.

_____1. Dagliang lunas sa panahon ng kagipitan at sakuna

_____2. Tamang kalinga sa mga may kapansanan

_____3. Igalang at mahalin ang mga magulang.

_____4. Maliitin ang kakayahan.

_____5. Hayaang mamalimos sa kalsada

Page 24: 2 Basic Literacy Learning Material · Pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon ang modyul na ito. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring

18

3. Isulat sa sagutang papel ang karapatan kung ito ay karapatan at tungkulin

kung ito ay tungkulin ng bata.

____________ 1. Gumalang sa matatanda

____________ 2. Maisilang at magkaroon ng pangalan

____________ 3. Magmahal sa mga kapatid

____________ 4. Magkaroon ng edukasyon

____________ 5. Tumulong sa magulang sa magagaang gawain

____________ 6. Maglaro at maglibang

____________ 7. Mag-aral nang mabuti

____________ 8. Masabi ang saloobin o pananaw

____________ 9. Pag-iwas sa masamang barkada at bisyo

____________ 10. Magkaroon ng sapat na pagkain