22. paano manalanging tulad ni jesus?

Download 22. Paano Manalanging Tulad ni Jesus?

If you can't read please download the document

Upload: jun-tabac

Post on 21-Nov-2014

393 views

Category:

Documents


7 download

DESCRIPTION

Ang kakayahan ni Jesus na gumawa ay nanggaling sa Ama (Juan 5:19). Dahil dito, tama lamang na itanong ng mga alagad sa Kaniya kung paano manalangin (Lucas 11:1).

TRANSCRIPT

22.

Paano Manalanging Tulad ni Jesus?

Nais mo bang matutong manalangin? Kung gayon, tulad ng sa mga naunang alagad ang pagnanasa mo: 1 Minsan, nananalangin si Jesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kaniyang mga alagad, Panginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad. 2Sinabi ni Jesus, Kung kayoy mananalangin, ganito ang sabihin ninyo: AAMA, sambahin nawa ang pangalan MO. Magsimula na sana ang iyong paghahari. 3Bigyan mo kami ng aming B MAKAKAIN sa araw-araw. 4At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok. 5 Sinabi pa rin niya sa kanila, 9Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayoy bibigyan; humanap kayo at kayoy makasusumpong; kumatok kayo, at ang pintoy bubuksan para sa inyo. 10Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at nabubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. 11Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng C ISDA? 12Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siyay humingi ng D ITLOG? 13Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng E MABUBUTING BAGAY sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang F ESPIRITU SANTO sa mga humihingi sa kanya! (Lucas 11). Punahin na iba ang kalagayan nang unang itinuro ni Jesus ang panalanging ito: 5:1Nang makita ni Jesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagka-upo niyay lumapit ang kanyang mga alagad, 2at silay tinuruan niya ng ganito: 6:5At kapag nanalangin kayo, huwag kayong tumulad sa mga mapagpaimbabaw. Mahilig silang manalangin nang patayo sa mga sinagoga at sa mga panukalang-daan, upang makita ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo: tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6Ngunit kapag nananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto. Saka ka manalangin sa iyong Amang hindi mo nakikita, at gagantimpalaan ka ng iyong Amang nakakikita ng kabutihang ginawa mo nang lihim. 7 Sa pananalangin ninyoy huwag kayong gagamit ng napakaraming salita, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nilay pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. 8Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya. 9Ganito kayo manalangin: AAMA naming nasa langit, sambahing nawa ang pangalan MO. 10Ikaw nawa ang maghari sa amin, sundin nawa ang iyong G KALOOBAN dito sa lupa tulad ng sa langit. 11Bigyan mo kami ng H PAGKAING kailangan namin sa araw na ito; 12at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkasala sa amin. 13At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok, kundi ilayo mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang I KAHARIAN at ang J KAPANGYARIHAN at ang K KAPURIHAN, magpakailanman! Amen.] 14 Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. 15Ngunit kung hindi

ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama. (Mateo 5:1; 6:1-13). 1. Sino ang kakausapin mo kung ikaw ay mananalangin (Lucas 11:2; Mateo 6:9)? Ang A______ na nasa langit. Tiyak ka na ba na anak ka ng Diyos? ... Tinanggap mo na ba si Jesus sa buhay mo (Juan 1:12)? 2. Kaninong pangalan ang dapat mong sambahin (Lucas 11:2; Mateo 6:9)? Ang sa A ______. Bakit (6:13)? Sapagkat sa kanya ang I ____________, J _________________________, at K _________________. Maglaan ng ilang sandali upang purihin ang Diyos sa alam nating mga katangian o ginawa Niya. Halimbawa, Ama, ikaw ang hari. Nasa Iyo ang kapangyarihan. Opo,ang ganda nga ng bulaklak na iyon na ginawa Mo!... 3. Ano ang dapat mong sundin upang maghari ang Ama sa lupa (6:10)? Ang G ________________ niya. Manalangin ka nang tahimik, Ama namin sa langit, ano po ba ang gusto mong ipagawa sa akin? (Gawa 9:6). Pagkatapos, tumahimik ng ilang minuto upang makinig sa sasabihin ng Diyos Kapag may dumating sa isip mo na mapupuri ang Diyos, sabihing, Amen. Kapag nagsabi na ng 'Amen' ang lahat, ibahagi sa grupo ang dumating sa isip mo. Hayaang suriin nila kung iyo'y galing sa Diyos. Isagawa ang anumang ipagagawa ng Diyos 4. Bilang anak, ano ang maaari mong hingin sa kanya (11:13)? Ang E ___________________ bagay. Ano ang ilang halimbawa nito (sa 11:3; 6:11)? H_________________ , tulad ng ISDA at ITLOG (11:11,12). (Sa 6:14)? Kapatawaran. (Sa 11:13)? F ______________ __________. Hingin mo sa kanya ang ano mang mabuting bagay na kailangan ninyo nang walang kasalanan (Awit 66:18) tulad ng di pagpapatawad (Marcos 11:25), pagdududa (Santiago 1:6-7), maling motibo (4:3) o relasyon (1Pedro 3:7) at pag-uulit-ulit (Mateo 6:7), Ama, bigyan po ninyo kami ng ________________. Salamat po (Filipos 4:6,7). Upang magalak ka sa mga kasagutan ng Diyos sa panalangin mo, pwede mong isulat sa isang daily planner ang mga kahilingan mo sa Diyos. Isulat mo rin ang araw na gusto mong alamin kung nasagot na iyon. Halimbawa: 21 September, Tuesday091499 Makabuluhan ang pagkikita namin ni Boy - Oo! (672) 092199 x Makikita ko ang crush ko - Hindi

Gamitin ang p.62. Basahin ang Filipos. Kabisahin ang 1Juan 3:22.