29 - kababaihan sa panahon ng komonwelt (2)

7
7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2) http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 1/7  HKS 5 M-29  Pagmasdan mo ang larawan. Ano ang inihahayag nito? Kailan nagaganap ang  ganitong pangyayari? Sa nakaraang modyul natutuhan mo ang ilang pagbabago sa pamumuhay ng mga kababaihan. Sa aralin natin ngayon, aalamin natin ang tampok na pangyayari sa buhay ng kababaihan sa panahon ng Komonwelt. Handa ka na ba? ALAMIN MO GRADE V PROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG KOMONWELT 

Upload: judy-de-la-cruz

Post on 18-Feb-2018

648 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 1/7

 

HKS 5 M-29

 Pagmasdan mo ang larawan. Ano ang inihahayag nito? Kailan nagaganap ang

 ganitong pangyayari?

Sa nakaraang modyul natutuhan mo ang ilang pagbabago sa pamumuhay ng mga

kababaihan. Sa aralin natin ngayon, aalamin natin ang tampok na pangyayari sa buhay

ng kababaihan sa panahon ng Komonwelt.

Handa ka na ba?

ALAMIN MO

GRADE V

PROYEKTO: KABABAIHAN SA PANAHON NG KOMONWELT 

Page 2: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 2/7

 

HKS 5 M-29

2

Anong mga pagbabago sa pamumuhay ang naganap sa kababaihan sa panahon ng

Amerikano? Lagyan mo ng () o ( X ) ang iyong sagot

Mga Pangyayari   X

1. Kapag may pupuntahang okasyon ay

kailangang may kasama.

2. Nakapaghahanapbuhay nang marangal.

3. Nakapipili ng kurso na nais pag-aralan.

4. Nakalalahok sa mga isports.

5. Malayang nakapagpapahayag ng

opinyon o kuro-kuro.

PAGBALIK-ARALAN MO

Page 3: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 3/7

 

HKS 5 M-29

3

Basahin mo ang usapan ng mag-ina na sina Lulu at Aling Nena.

Lulu : Inay, isa pala sa mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt

ay ang pagbibigay sa mga babae ng karapatang makaboto atmaiboto.

Aling Nena : Oo anak at ang unang babaeng nanguna sa kampanya upang

makamit ang karapatang ito ay si Dr. Maria Paz MendozaGuanzon. Siya ang kumakatawan sa liga sa pagdinig sa batasan

tungkol sa panukalang batas sa karapatan ng babae sa pagboto.

 Nagsikap siya hanggang sa maging batas ito noong 1933.

Lulu : Ang galing niya Inay. Anu-ano pa ang nangyari upang matamo ng

kababaihan ang karapatang ito?

Aling Nena : Nagkaroon ng plebisito noong Abril 30, 1937 upang malaman ang

saloobin ng mga babae tungkol sa karapatang bumoto. Ayon sa

inaasahan, malaking bilang ng kababaihan ang sumang-ayon kaya

simula noon nakaboto na ang mga babae sa lahat ng eleksyon.

Lulu : Sinu-sino naman po ang naihalal sa panahong ito?

Aling Nena : Noong eleksyon ng 1937, nahalal si Corazon Planas. Siya ang

unang babaing konsehal ng Maynila. Noon namang eleksyong

 pambansa ng 1941, nahalal si Gng. Elisa Ochoa ng Agusan. Siya

ang unang babaing mambabatas sa ating kongreso.

Lulu : Mabuti naman po at itinadhana rin sa Saligang-Batas 1935 ang

 pagkakaloob ng karapatan sa mga babae na bumoto at maiboto.

Aling Nena : Oo anak, kaya ang karapatang bumoto ay isa ring tungkulin. Dapat

marunong din tayong pumili ng karapat-dapat na pinuno ng ating

 pamahalaan.

PAG-ARALAN MO

Page 4: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 4/7

 

HKS 5 M-29

4

Sagutin mo:

1. Ano ang pagkaunawa mo sa salitang karapatan?

2. Bakit masasabing isa ito sa mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt?

Punan ng wastong sagot ang bawat puwang. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

1. Ang pagkakaloob ng karapatan sa pagboto ng mga kababaihan ay itinadhana

sa ______________.

2. Ang unang babaeng konsehal ng Maynila ay si _____________.

3. Ang pagpapasya sa isang pambayang isyu sa pamamagitan ng pagboto ng

mga mamamayan kung sila’y sang-ayon o di sang-ayon ay tinatawag na

 ______________.

4. Ang unang babaeng mambabatas sa ating kongreso ay si _____________.

5. Ang nanguna sa kampanya upang makamit ng kababaihan ang karapatan sa pagboto ay si _______________.

PAGSANAYAN MO

eleksyon

PlebesitoElisa R. Ochoa

Corazon Planas

Saligang Batas 1935

Dr. Maria Paz Mendoza Guanzon

Page 5: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 5/7

 

HKS 5 M-29

5

   Ang mahalagang nagawa ng pamahalaang Komonwelt para sa kababaihanay ang pagkakaloob ng karapatang bumoto at maiboto.

   Ang karapatan sa pagboto ay itinakda ng Saligang Batas 1935.

 Narito ang isang ballot box. Isulat mo rito ang mga dapat gawin ng isang

matalinong botante.

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

Page 6: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 6/7

 

HKS 5 M-29

6

Humanap sa diyaryo o magasin ng mga larawan ng babaeng bumoboto. Sumulat

ng ilang pangungusap tungkol dito.

Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. Unang babaeng mambabatas

2. Unang babaeng konsehal ng Maynila

3. Nanguna sa kampanya para makuha

ang karapatan sa pagboto

4. Nagkaroon ng plebisito

5. Nagdaos ng pambansang halalan

A. Elisa Ochoa

B. Corazon Planas

C. Nobyembre 11, 1941

D. Nobyembre 15, 1935

E. Ma. Paz Mendoza Guanzon

GAWIN MO

PAGTATAYA

Page 7: 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

7/23/2019 29 - Kababaihan Sa Panahon Ng Komonwelt (2)

http://slidepdf.com/reader/full/29-kababaihan-sa-panahon-ng-komonwelt-2 7/7

 

HKS 5 M-29

7

Sumulat ng islogan tungkol sa matalinong pagboto.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na

modyul.