2nd defense presentaion fil angel.cuaresma

58

Upload: jhon-kennhy-rogon-magsino

Post on 12-Sep-2015

250 views

Category:

Documents


11 download

DESCRIPTION

Research paper : Filipino

TRANSCRIPT

PowerPoint Presentation

K + 12NG BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC) SA PAGPAPATUPAD NG PROGRAMANGDAMDAMIN AT SALOOBIN NG MGA MAG-AARALSA PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG LODLODNA NASA IKA-APAT NA TAON NA NASA ILALIM

Sa pag-inog ng mundo may mga pangyayaring nagaganap sa loob ng ating bansa. Isa na dito ay ang pagkakaroon ng mga bagong pulitiko na naluklok sa kanilang hinangad na pwesto sa pamamagitan ng pagboto ng mga tao. Sa pagpapalit ng bagong Pangulo ng ating bansa, nagkaroon ng pagbabago sa Edukasyon. Sa pagkaluklok ng ating bagong Pangulo na si Benigno Aquino III, ay nagkaroon ng balak na baguhin ang kurikulum ng ating bansa at ang kurikulum na ito ay tinatawag na K+12, na kung saan noong termino ni Pangulong Arroyo ang ginagamit na Sistema na Edukasyon ay Basic Education Curriculum (BEC) pa lamang.

Introduksyon

Ang layunin ng K+12 ay ihanda ang bawat bata sa mundo ng pagtatrabaho, na kung saan ibig iparating na hindi na kailangang mag-aral sa kolehiyo upang ang bawat pangarap na propesyon nila sa buhay ay makamit. Ang mga batang papasok ay kinakailangang may angkin kaalaman sa Pagbasa. Sa Kindergarten tinuturuan na ang mga bata na maging handa sa pagdating nila sa Elementarya. Gaya pa ng dati, ang Elementarya ay binubuo ng anim na taon. Sa Sekundarya, ang unang apat na taon mula antas pito hanggang antas sampu ay tinatawag na Junior High School, at ang karagdagang dalawang taon o ang antas labing-isa at labing-dalawa ay tinatawag na Senior High School.

Sa pagkakaroon ng , magiging handa at mamumulat ang kabataan sa mundo ng pagtatrabaho. Sa pamamagitan nito, uunlad ang ekonomiya ng ating bansa at makatutulong ito sa pagmulat ng bawat isa sa hinaharap.

K+12

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa Damdamin at Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod na nasa Ika-apat na taon na nasa Ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC) sa pagpapatupad ng Programang K+12 at naglalayong matugunan ang sumusunod na tanong:

Layunin ng Pag-aaral

Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyanteng nasa ika-apat na taon ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod hinggil sa Kurikulum na K+12?

Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyanteng nasa ika-apat na taon ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod hinggil sa Kurikulum na K+12? Anu-ano ang kanilang damdamin at saloobin sa Programang ito?

Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyanteng nasa ika-apat na taon ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod hinggil sa Kurikulum na K+12? Anu-ano ang kanilang damdamin at saloobin sa Programang ito? Sapat na ba ang Kaalaman ng mga Estudyante upang lubusang maunawaan ang programang ito?

Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyanteng nasa ika-apat na taon ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod hinggil sa Kurikulum na K+12? Anu-ano ang kanilang damdamin at saloobin sa Programang ito? Sapat na ba ang Kaalaman ng mga Estudyante upang lubusang maunawaan ang programang ito? Ninanais ba nilang maranasan ang programang ito, bilang mga estudyante na nasa ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC)?

Ano ang antas ng kaalaman ng mga estudyanteng nasa ika-apat na taon ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod hinggil sa Kurikulum na K+12? Anu-ano ang kanilang damdamin at saloobin sa Programang ito? Sapat na ba ang Kaalaman ng mga Estudyante upang lubusang maunawaan ang programang ito? Ninanais ba nilang maranasan ang programang ito, bilang mga estudyante na nasa ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC)?

Maraming mga mag-aaral ang naniniwalang napakahalaga ng pag-aaral naito.Maaari itong maging pangunahing kaalaman ng mga estudyante lalo ng mga kabataan dahil ang impormasyong ito ay maaring mai-aplay sa isang sitwasyong tulad na lamang ng pakamulat sa mundo ng pagtatrabaho at makatulong sa kanilang sarili.

Layunin ng Pag-aaral

Mahalaga ang impormasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maiaambag sa kasalukuyang mag-aaral kundi maging sa mga mambabasa na maaaring naghahanap ng karagdagang impormasyon o kaalaman sa Kurikulum na K+12.Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman ang mga kakulangan ng mga estudyante at nang isang kaugnay na pag-aaral na kinakailangan pang paunlarin sa paaralan lalo na sa mga kabataan na hindi naranasan ang programang K+12. Bukod pa dito, maaanalisa ng mag-aaral ang mga dapat pa nilang linangin upang mapagtuunan ng atensyon.

Sa kabuuan, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito inaasahan ang mga guro na magkaroon din ng sapat na kaalaman ukol dito. Magkaroon ng matibay na pundasyon sa pagtuturo upang sa pagharap sa Kurikulum na K+12 ay maturuan ang bawat mag-aaral na hindi lang sapat na kaalaman kundi higit pa.

Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa ika-apat na taon lamang ng Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod.Naniniwala ang mga mananaliksik na sa kasalukuyang panahon ang pinakamainam na pagkakaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang lumalawak na impormasyon ukol sa Kurikulum na K+12. Mga impormasyong hindi lamang mula sa mga respondente, kundi maging sa mga mamamayan ng ating bansa.Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralDepinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito: Ang (BEC) ay akronim na tumutukoy sa BASIC EDUCATION CURRICULUM na siyang dating ginagamit na kurikulum ng DepEd. Ang curriculum ay tumutukoy sa basehan o batayan ng edukasyon. Ang kindergarten ay isa sa mga label o antas ng pag-aaral sa pampublikong paaralan, sa antas na ito rin nagsisimula ang bawat indibidwal sa pag-aaral. Ang K+12 ay tumutukoy sa KINDERGARTEN + 12 na siyang bagong ginagamit na kurikulum ng DEPED sa kasalukuyan, ito ay karagdagang taon sa pag-aaral ng elementarya at hayskul. Ang DepEd ay akronim na tumutukoy sa Department of Education na siyang nagbibigay gabay sa bawat paaralan sa larangan ng Edukasyon. Ang Junior High School ay nagsisimula mula sa baitang pito hanggang baitang sampu. Ang Senior High School ay nagsisimula sa baitang labing-isa hanggang baitang labing-dalawa.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Inilabas nang Kagawaran ng Edukasyon ang detalye ng kanilang planong pagdaragdag ng taon ng pag-aaral sa primarya at sa sekundarya o K+12. Ito ay bahagi ng President Benigno Noynoy Aquino IIIs Education Reform Program. Ang administrasyong Aquino ay naniniwala na ang pagdaragdag ng mas maraming taon sa pangunahing edukasyon sa Pilipinas ay maaaring makatulong upang malutas ang problema sa pagkawala ng trabaho, panatilihing mataas sa mga global na pamantayan, at tulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas maraming oras upang piliin ang mga karera na pinakamahusay at nababagay sa kanilang kasanayan.

Sinasabing ang K+12 ay ang pagdaragdag ng isang taon sa primarya at dalawang taon sa sekundarya (Kindergarten plus anim na taon sa primarya plus apat na taon plus dalawang taon sa sekundarya). Nahahati rito ang mga opinion at reaksyon ng publiko, ang ilan ay sa pabor at ang ilan ay sa hindi.Kabilang sa mga pangunahing isyu na may kaugnay sa programang K+12 ay ang mga pinansyal na kapasidad ng mga magulang, ang bilang ng mga paaralan, ang bilang ng mga guro, at kahit na ang pagkakaroon ng mga libro at iba pang kagamitang pang-eskwela.

Upang ipatupad ang programa, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay may trabaho sa kongreso na baguhin ang umiiral na batas. Ang Batas Pambansa 232 o ang Edukasyon Act of 1982 na nagsasabing ang pangunahing pormal na edukasyon ay sampung taong programa. Pinangunahan ng kagawaran ang pagsasagawa ng konsultasyon. Pagkatapos ng konsultasyon, ang batas ay maaaring maipasa sa taong 2013, bago ang susunod na halalan. Ayon kay Sekretarya Luistro, ang pagtugon ng pamahalaan sa programang K+12 ay makatutulong upang itoy maging posible.

Ang modelong K+12 ay tumutukoy sa isang taon sa Kindergarten at labindalawang taon sa pangunahing edukasyon. Ang bagong programa ay magdaragdag ng dalawang taon sa kasalukuyang modelo ng edukasyon sa Pilipinas, ang tanging bansa sa Timog Silangang Asya na nagpapatupad na sampung taong modelo ng edukasyon. Pinili ng mga mananaliksik bilang respondente ang mga mag-aaral na nasa Ika-apat na taon sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod dahil sila ang makatutulong sa pangangailangan sa Pamanahong-papel na ito.

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang Damdamin at Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod na nasa Ika-apat na taon na nasa Ilalim ng Basic Education Curriculum sa Pagpapatupad ng Programang K + 12.

Mga Respondente Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral na nasa ika-apat na baitang sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod sa taong panuruan 2014-2015. Sa kasalukuyan, ay may limang pangkat ng mga estudyante sa nasabing paaralan. Apatnapung katao sa bawat pangkat dahil sa kalakihang bilang ng mga estudyante ay kalahati lamang ng kabuuan ang ginamit, samakatuwid ay kumuha ng tig-dalawampung respondente sa bawat pangkat sa pamamagitan ng random sampling. Upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat pangkat, sa kabuuan may isandaang respondente ang limang pangkat. Pansinin ang sunod na talahanayan.

Instrumentong Pampananaliksik

Ang pag-aaral na isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos, upang masuri ang Damdamin at Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pambansang Paaralang Sakundarya ng Lodlod na nasa Ika-apat na taon na nasa Ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC) sa Pagpapatupad ng Programang K + 12.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa ibat-ibang mga hanguan sa libro at internet. Bukod sa mga nabanggit, nag-interbyu ang mga mananaliksik ng isang mag-aaral patungkol sa Damdamin at Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod na nasa Ika-apat na taon na nasa Ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC) sa Pagpapatupad ng Programang K+12 upang makakuha ng mahalagang impormasyon at makatotohanang datos sa inaasam na kalidad ng edukasyon.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pagaaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kumpleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng aytem sa kwestyoneyr ang inialam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang kinailangang gawin ng mga mananaliksik dahil isandaan (100) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ng awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang Damdamin at Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pambansang Paaralang Sekundarya ng Lodlod na nasa Ika-apat na taon na nasa Ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC) sa Pagpapatupad ng Programang K+12.Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdesenyo ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente, dalawampung (20) katao sa bawat pangkat na nasa Ika-apat na taon.

Lagom

Batay sa mga inilahad na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon.

Maraming estudyante ang sumasang-ayon hinggil sa programang K+12.

Kongklusyon

Batay sa mga inilahad na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon.

Maraming estudyante ang sumasang-ayon hinggil sa programang K+12.

Karamihan sa mga respondente ay nagsasabing maganda ang maidudulot ng Programang ito.

Kongklusyon

Nasisiyahan ang karamihan sa mga respondente hinggil sa programang K+12.

Nasisiyahan ang karamihan sa mga respondente hinggil sa programang K+12.Base sa mga respondente na nasa ilalim ng Basic Education Curriculum hindi sila nanghihinayang na hindi nila nararanasan ang bagong programa.

Nasisiyahan ang karamihan sa mga respondente hinggil sa programang K+12.Base sa mga respondente na nasa ilalim ng Basic Education Curriculum hindi sila nanghihinayang na hindi nila nararanasan ang bagong programa. Hindi ninanais ng karamihan sa mga respondente na maabutan ng programang ito.

Marami sa mga estudyante ang nagsasabing dapat nilang maranasan ang programang ito, ngunit marami rin ang hindi sigurado kung dapat ba o hindi nila maranasan ang programang ito.

Marami sa mga estudyante ang nagsasabing dapat nilang maranasan ang programang ito, ngunit marami rin ang hindi sigurado kung dapat ba o hindi nila maranasan ang programang ito. Karamihan sa mga estudyante ay nagsasabing ang mga estudyanteng aabutin ng programang ito ay mas lamang ang kaalaman sa mga kasalukuyang nasa ilalim ng Basic Education Curriculum (BEC).

Maraming mag-aaral na nasa ika-apat na baitang ang nagsasabing malaki ang pagkakaiba ng paraan ng pagtuturo sa ilalim nang Basic Education Curriculum (BEC) kaysa sa K+12.

Maraming mag-aaral na nasa ika-apat na baitang ang nagsasabing malaki ang pagkakaiba ng paraan ng pagtuturo sa ilalim nang Basic Education Curriculum (BEC) kaysa sa K+12.Ayon sa mga respondente, dapat nilang pag-ukulan ng pansin ang makabagong programa kahit hindi sila abot nito.

Maraming mag-aaral na nasa ika-apat na baitang ang nagsasabing malaki ang pagkakaiba ng paraan ng pagtuturo sa ilalim nang Basic Education Curriculum (BEC) kaysa sa K+12.Ayon sa mga respondente, dapat nilang pag-ukulan ng pansin ang makabagong programa kahit hindi sila abot nito. Naniniwala ang karamihan sa mga respondente na mas aangat ang kalidad ng edukasyon sa pagpapatupad ng programang ito.

Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga manananaliksik ang mga sumusunod:

RekomendasyonPara sa mga magulang, patuloy nilang suportahan ang prgramang K+12 upang ito ay masigla pang umunlad. Para sa mga respondente, sumali sa mga seminar ukol sa K+12 upang mas mapalawak ang kaalaman dito. Para sa pamahalaan, pag-igtingin pa ang mga impormasyon hinggil sa K+12 upang maturuan ang mga mag-aaral na payabungin pa ang kanilang kaalaman.

Para sa mga guro, naway maging instrumento sila sa pagpapalaganap ng mga impormasyon kaugnay sa epekto ng programang K+12.

Para sa mga mag-aaral, palawakin pa nito ang inyong mga kaalaman sa programang K+12 upang maging mas epektibong guro sa pagdating ng hinaharap.

Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ninyo ang pag-aaral na ito tungo sa pagtuklas ng marami at higit pang aplikabol na mga datos o impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa programang K+12.

Para sa mga tagapangasiwa ng paaralan, magsagawa ng mga seminar na dadaluhan ng kanilang mga empleyado at bigyan ng higit na pansin ang kanilang kasanayan at kaalaman hinggil sa programang ito. Para sa mga mambabasa, mas palawakin pa ang pagkuha ng sanggunian upang makakalap ng mga impormasyong magpapatatag sa pagkakaintindi sa pinupunto ng mananaliksik.

Para sa mga mamamayan, makakabuti kung hihingin ang panig ng mga taong parte ng inilunsad na programang ito.Para sa lahat, at lalo na sa mga lubos na hindi pa naiintindihan ang programang ito, mabuting lumapit sa mga taong mas nakakaalam.

K + 12 DAMDAMIN AT SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL SA PAMBANSANG PAARALANG SEKUNDARYA NG LODLOD NA NASA IKA-APAT NA TAON NA NASA ILALIM NG BASIC EDUCATION CURRICULUM (BEC) SA PAGPAPATUPAD NG PROGRAMANG