2nd grading a.p. bicol

Click here to load reader

Post on 05-Dec-2015

1.632 views

Category:

Documents

35 download

Embed Size (px)

DESCRIPTION

reference book in grade 3

TRANSCRIPT

Aralin 1.1.1 Pinagmulan ng Lalawigan at ng mga Lungsodnito Ayon sa Batas

Ang Region V o Bicol ay binubuo ng pitong (7) lungsod . Ito ay ang Naga at Iriga sa Camarines Sur, Legazpi, Tabaco at Ligao, sa Albay, Sorsogon sa Sorsogon at Masbate sa Masbate. Ang bawat lungsod ay binuo sa pamamagitan ng mga batas kaakibat ang mga pamantayan upang lumago ito para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Kasaysayan ng Lungsod ng NagaBago pa dumatingang mga mananakop na Kastila, ang Naga ay isa nang ganap na bayan na malapit sa Ilog Naga. Ang mga tao dito aymaysarilingng kultura.Nang sakupinito ng mga Kastila ng ilang daang taon, ang Naga ang naging sentro ngkalakalan,edukasyon,kulturaat pamahalaan.Noong 1573, sa pangalawang paglakbay sa rehiyon, ng konkistador na siJuan de Salcedonakarating siya ditoat tinawag niya itong "Naga" dahil sa laganap na mga puno ng Naga ("Naga" sa Bikol)sa lugar. Noong 1576, nakita ni Kapitan Pedro de Chvez, ang pinuno ng garison na iniwan ni Salcedona may kalakalan na sa lugar na ito, kaya pinangalanan niya itong laCiudad de Cceres,salitang Kastilabilang pag-alaala kayFrancisco de Sande, anggobenardor- heneralat katutubo ng lungsod ng Cceres sa Espanya.Lumipas ang panahon, ang lungsod ng Kastila at ang bayan ng mga katutubo ay nagsama bilang isang malaking pamayanan at naging kilala bilang, Nueva Cceres. Mayroon itong pamahalaang panglunsod ayon sa mga sinabi ng batas ng Kastila, at may sariling ayuntamiento at cabildo. Sa simula ng ika-17dantaon, mayroon lamang lima pang ibang ciudades sa Pilipinas. Ang Nueva Cceres ay nanatiling kabisera ng lalawigan ngAmbos Camarinesat naging kabisera naman ngCamarines Sur, hanggang sa pormal na buuin itong isang malayang lungsod sa ilalim ng Republika ng Pilipinas.Nang dumating ang mga Hapones noong 1945, binomba ang Lungsod ng Nagana naging dahilan ng pagkasunog ng palengke at ibang istruktura. Maraming sibilyan ang nasugatan sa pambobombang ito.Nagiitong isang bayan noong panahon ng mga Amerikano. Taong 1919, ng tuluyang nawala ang Kastilang pangalan nito at tinawag na Naga. Nakuha nito ang pagiging chartered city noong 1948 at pinasinayanan ang Pamahalaang Panglungsod noong Disyembre 15, 1948 sa bisa ng Republic Act No. 305. Si Rep. Juan Q. Miranda ang nagpanukala ng batas na ito kung saan napabilang ang lungsod sa ilan lamang na kinilala bilang independent component cities sa bansa.Noong panahon ng Hapon, namugad ang mga hapones sa Ateneo De Naga at ginawa nila itong isang garison.Mataposmakalaya angNaga sa kamay ng mga Hapones , nagsimula itong magbagong-tatag. Madali itong nakabangon matapos ang digmaan. Naging ganap na lungsod ito noong Hunyo 18, 1948.AngLungsod ng Naga(Bikol: Ciudad nin Naga) ay isang primera klasenglungsodsalalawiganngCamarines Sur. Ayon sa sensus noong2000, mayroong ang lungsod na 137,810 katao sa 26,317 mga sambahayan. Ang Naga ay tinatawag din na "The Heart of Bicol" at "The Queen City of Bicol".

Source: http://wikipedia.org.wiki_lungsod ng NagaKasaysayan ng Lungsod ng IrigaAng Iriga, mula sa isang parirala sa lokal na salita na "I raga" na nangangahulugan na may lupa, mula sa pamahayan sa tabi ng Ilog Bikol, tinawag na Bua (Nabua), ng mga tao na naghahanap ng mas mataas na kapaligiran dahil sa matagalan at mapaminsalang pagbaha sa bayan sa panahon ng tag-ulan.Ang Bua ay isang mababang latiang kalupaan na madaling lumubog sa tubig sa panahon ng tag-ulan. Dahil dito ang mga tao at ilang magsasaka, ay pinayuhan ng paring si Felix de Huertas, na noon ay kura paroko ng Nabua, nalumipat sa I-raga na kung saan sila ay maaaring magtanim ng kanilang mga pananim nang walang pangambang malubog sa tubig.Ang mga tao ng Bua ay sa isang mas mataas na lupa na matatagpuan sa paa ng Sumagang, isang bundok sa silangan ng Bua. Ang paanan ng bundok ay may malawak na kalupaan na magagamit para sa paglinang at paninirahan na di-katulad ng Bua; ito ay hindi malubhang binabaha sa panahon ng masidhing tag-ulan. Ang pamayanan ay tinawag na Iraga, na ang ibig sabihin ay "may lupa" sa lokal na wika.Nakita ng mga prayleng Pransiskano na yumapak sa Bikol peninsula na ang mga pamayanan doon ay mahusay na lugar upang ipakalat ang ebanghelyo. Habang lumalaganap ang ebanghelyo sa lugar, ang Iraga ay umunlad sa yaman at lawak ng nasasakupan. Sa lalong madaling panahon sa gayon, ang pundasyon ay nailatag upang hirangin itong isang visita ng Nabua. Parami ng paraming mga tao ang dumating mula sa Nabua at sa Iraga nanirahan.Habang lumalaki ang populasyon at lumalaganap ang ebanghelyo, ang mga pamayanan sa paa ng Bundok ng Sumagang lumaki at lumago, dahan-dahan naitutulak ang mga katutubong Agta pataas sa mga gubat ng kabundukan. Noong taong 1578 isang simbahan na gawa sa kahoy ang itinayo. Si San Antonio de Padua ang patron ng parokya at sina Padre Pedro de Jesus at Padre Bartolome Ruiz ang naggsilbi bilang mga Kura Paroko. Noong 1583, limang taon matapos itayo ang simbahan, sinunog ng mga mandirigmang Agta ang simbahan. Isa pang simbahan ang itinayo ngunit ito rin ay nagiba ng isang malakas na bagyo at muling nasunog.Noong 4 Enero 1641, pumutok ang bulkang Sumagang na lumikha ng kanal sa bayan ng Buhi at ng isang matarik na bangin na dating bunganga ng bulkan. Ayon sa kuwento, ang Nuestra Senora de Angustia ay lumitaw sa Inorogan at himalang nailigtas ang mga Irigueo sa isang kahila-hilakbot na pangyayari.Noong 1682, nang ang populasyon ng I-raga ay 8,909, ito ay ginawang Pueblo de la Provincia de Ambos Camarines. At sa paglaon ay binago ang pangalan nito. Mula sa I-raga ito ay ginawang Iriga. Noong 1710 binalangkas ni Don Bonifacio de los Angeles ang unang apat na baryo ng Iriga -ang San Agustin, San Isidro, San Nicolas at San Antonio Abad.Noong 1901, bilang bahagi ng propaganda ng mga Amerikanong kolonyalista na magpatahimik at maakit ang mga Pilipino, ang unang pampublikong paaralan sa Iriga, ang Paaralang Sentral ng Iriga, ay itinatag. Ang pag-unlad ng bayan lalong sumigla noong itinatag ni Albert B. Ammen, isang dating sundalong amerikano, ang A.L. Ammen Transport Co., Inc.(ALATCO) noong Hulyo 1914. Ang ALATCO, na noong una ay mayroon lamang isangGrawbosky Truckna may makinang dalawa ang piston, ang unang kumpanya ng bus sa Pilipinas.Ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay panandaliang natapos nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1942. Ang Hukbo ng Imperyalistang Hapon ay nagtatag ng isang garrison sa Burol ng Kalbaryo kung saan tanaw ang buong lungsod. AngIriga Central Schoolay naging isang kampo ng mga bihag sa digmaan; ang mga bihag na wala nang lugar doon ay dinala sa Ateneo de Naga.Tulad sa maraming iba pang mga lugar, nagsulputan sa Iriga ang mga bikolanong tropang gerilya matapos ang pormal na paglaban ng mga Amerikano at Pilipinong sa mga mananakop na Hapones. Ang bundok ng Iriga ang naging himpilan ng paglaban na umakit sa iba pa na sumapi hindi lamang mula sa Iriga kundi maging sa Albay. Sa tulong ng Agta na pamilyar sa bawat sulok ng bundok ay hindi nakapasok ang mga Hapon sa kalooblooban ng bundok.Sa pagtatapos ng pananakop ng Hapon noong 15 Mayo 1945, ang pwersa ng mga Hapon ay sumuko sa mga tropa ng Philippine Commonwealth at Bicolanong gerilya sa Iriga. AngIriga Central Schoolay muling binuksan. Noong 1948, ang unang kolehiyo sa Lungsod ng Iriga, angMabini Memorial College(ngayon ayUniversity of Northeastern Philippineso UNEP) ay itinatag ni Atty. Felix O. Alfelor. Makalipas ang isang taon, itinatag din Dr.Santiago G. Ortega ang Saint Anthony College (ngayon ayUniversity of Saint Anthonyo USANT).Ang pagtatatag ng mga paaralang ito para sa mas mataas na pag-aaral, kasama angLa Consolacion Academyay nakatulong sa paglago at pag-unlad ng bayan dahil na rin sa mga mag-aaral na dumayo dito mula sa lahat ng dako ng rehiyon.Noong 1960s, Ang Iriga ay dumanas ng pag-unlad sa ekonomiya at lipunan. At noong Huly0 8, 1968, ang bayanay ginawang isang lungsod sa pamamagitan ngRepublic Act5261. Gayunman, noon lamang Setyembre 3ng pareho ding taon na ang lungsod ay pormal na itinatag bilang ikatlong lungsod ng Rehiyon ng Bikol ni Pangulong Ferdinand Marcos.Source: http://wikipedia.org.wiki.lungsod _ng iriga

Kasaysayan ng Lungsod ng Tabaco

AngLungsod ng Tabakoay itinatag sa bisa ng (R.A. 09020)bilang ika-apat na klasenglungsodsalalawiganngAlbay. Ang lungsod ay naghahangganan sa mga bayan ngMalinaosa hilaga,PolanguiatOassa kanluran,Lungsod ng Ligaosa timog kanluran, angBulkang Mayonsa timog,Malilipotsa timog silangan, at angGolpo ng Lagonoysa silangan.Ayon sa senso noong2000, ito ay may populasyon na 107,166 katao sa 19,599 na kabahayan. Si dating alkade Krisel Lagman-Luistro, ang ika- 177na alkade ng lugar ang naagpanukala ng House Bill No. 7851, upang maging component cityng Albay ang bayan ng Tabaco. Sina SenadorSergio Osmea III and Franklin Drilonang nag isponsor ng Senate Bill No. 2244 upang maging lungsod ito.Ang Republic Act No. 9020ang nagpatibay na ang lungsod ng Tabaco ay magingcomponent cityng lalawigan ng Albay. Linagdaan ito bilang batas ng dating PanguloGloria Macapagal-Arroyonoong Pebrero 5, 2001. Matapos ang plebisito noong March 4, 2001, nagi itong ganap na lungsod.Source: http://wikipedia.org.wiki.lungsod _ng tabacoKasaysayan ng Lungsod ng LigaoAngLungsod ng Ligaoay isa sa mgalungsodnglalawiganngAlbay. Hinango ang pangalan ng Ligao sa "tikaw" (ticau), na isang uri ng nakalalasong punongkahoy na kalimitang makikita sa lungsod na ito. Sinasabi ng mga katutubo ng Ligao na hango ang pangalan ng kanilang lungsod sa "likaw" (licau), na ang ibig sabihin ay umikot, magpasikot-sikot, o magtungo sa higit na malayong lugar.AngLungsod ng Ligaoay nabuo sa pamamagitan ng (R.A. 09008)bilang ika-apat na klasenglungsodsalalawiganngAlbay. Ayon sa senso noong 2000, may kabuuang populasyon itong 90,603. Dati itong barangay ng Polangui noong 1606, naging bahagi nga Oas noong 1665, at naging isang bayan noong 1666. Naging ganap na lungsod noong March 24, 2001, matapos ang plebisito na may Yes vote na