2nd grading esp yunit 2 week 1 - week 3

Upload: vangie-g-avila

Post on 09-Jan-2016

571 views

Category:

Documents


20 download

DESCRIPTION

Summative test in ESP

TRANSCRIPT

Edukasyon sa Pagpapakato IVYunit 2 - WEEK 1Edukasyon sa Pagpapakato IVYunit 2 - WEEK 1

Date:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20

Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

UNANG ARAW

Layunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipag-kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang nagpapakita ng ibat ibang emosyon. Integrasyon : Filipino sa pakikipagtalastasan

Pamamaraan

Alamin Natin1. Magpaskil ng mga larawang nagpapakita ng ibat ibang emosyon (masayang mukha, malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaaring gumamit ng laptop o tunay na larawan.

2. Itanong:Kailan ka nagiging masaya?Kailan ka naman nagiging malungkot?Kailan ka rin nagagalit?3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagproseso ng kanilang mga emosyon. Halimbawa: nagiging masaya ang isang tao kapag nakagawa siya ng kabutihan sa kapuwa, nalulungkot o kaya ay nagagalit kapag may nagawang pagkakamali o kaya ay nakasakit ng kapuwa.

4. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang kuwentong Parol ni Carla at talakayin pagkatapos ang mga katanungan. Tanggapin at talakayin ang ibat ibang sagot ng mga mag-aaral.

5. Sikaping makapagpaliwanag ang mga mag-aaral kung bakit tama o mali ang paghingi ng paumanhin kapag nakagagawa ng pagkakamali sa kapuwa. Gamitin ang iyong kaalaman sa Art of Questioningupang makuha ang nais na sagot mula sa mga mag-aaral. Itanong sa mag-aaral kung ano ang nararamdaman nila tuwing nakakakita sila ng mga taong kinukutya o kaya ay pinagtatawanan. Ipaliwanag na kapag nararamdaman nila o nauunawaan ang damdamin ng kapuwa, ang tawag dito ay empathy.

6. Bilang karagdagang gawain sa Alamin Natin, (optional) payuhan ang mga mag-aaral na ipikit ang kanilang mga mata at iparinig ang kantang Bulag, Pipi, at Bingi.

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may maliSa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi

Madilim ang yong paligid, hatinggabing walang hangganAnyo at kulay ng mundo sa yoy pinagkaitan Hwag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan.

ChorusDi nalalayo sa yo ang tunay na mundo Marami sa amiy nabubuhay nang tulad mo Di makita, di madinig, minsay nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal.

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng pusot damdamin wala sa yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, dyan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.

[Repeat Chorus]

Ano sa yo ang musika, sa yo bay mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundoSa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

[Repeat Chorus]

Di makita, di madinig, minsay nauutalPatungo sa hinahanga Matapos pakinggan ang awit ay ipadilat ang kanilang mga mata at sabayan ang awitin. Maaari ding itanong ang sumusunod:

a. Itala ang mga taong binanggit sa awit. Ano ang kanilang mga kapansanan?

b. Ano ang iyong naramdaman para sa kanila habang nakikinig ka sa awit?

c. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng mga taong may kapansanan kapag sila ay nililibak at pinagtatawanan ng mga taong nakapaligid sa kanila?

d. Ano ang maaari mong gawin kapag nakita mong ang isang taong may kapansanan ay sinasaktan ng iba?

e. Kung ikaw naman ang nakagawa ng pagkakamali sa iyong kapuwa, lalo na sa mga may kapansanan, paano mo ito itinutuwid?

7. Magbigay pa ng ibang halimbawa ng mga sitwasyon upang higit na maintindihan na ang pagkakamali ay nangyayari subalit dapat silang maging handa upang harapin at ituwid ang mga ito.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20

Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

IKALAWANG ARAWLayunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipag-kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang nagpapakita ng ibat ibang emosyon. Integrasyon : Filipino sa pakikipagtalastasan

Pamamaraan

Isagawa Natin 1. Iugnay ang Gawain 1 sa Isagawa Natin sa naging talakayan Sa Alamin Natin.

2. Itanong:Sino ang kapuwang nasaktan o nagawan mo ng pagkakamali, sinasadya man o hindi?

Maaaring itoy mga kaibigan, kaklase, kalaro, o kapamilya at iba pa. Ipasulat ito sa unang hanay tulad ng nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Puwede nilang isulat ang pangalan kung nais nila. Sa ikalawang hanay ay ipasulat kung anong kamalian ang nagawa, at sa ikatlong hanay ay ang paraan kung paano nila itutuwid ang pagkakamali.

3. Matapos ang Gawain 1 ay pangkatin sa apat ang mga mag-aaral para sa Gawain 2, upang maiproseso ang kanilang sagot. Gabayan sila sa pagbuod ng mga sagot.

4. Maghanda ng metacards na may apat na kulay upang makilala kung saang grupo galing ang sagot. Ipaliwanag sa mag-aaral ang one card one idea na ang ibig sabihin, isang sagot lang ang isusulat sa bawat metacard. Maghanda rin ng mapagdidikitang kartolina.

5. Itanong:a. Ayon sa inyong mga sagot sa unang hanay, sino ang mas madalas nagagawan ng pagkakamali?b. Alin sa mga ito ang pare-parehong pagkakamali na madalas na nagagawa?c. Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid sa pagkakamali naginawa mula sa mga sagot ng bawat pangkat? Ipaliwanag.

6. Talakayin nang mas malalim ang ikatlong hanay. Gabayan ang mga mag-aaral upang maintindihan nilang may mga paraan upang maituwid ang pagkakamali. Maaari rin magkaroon ng karagdarang talakayan o debate upang higit na maunawaan ang paraan ng pagtutuwid ng pagkakamali.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20

Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

IKATLONG ARAWLayunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipag-kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang nagpapakita ng ibat ibang emosyon. Integrasyon : Filipino sa pakikipagtalastasan

PamamaraanIsapuso Natin

1. Magkaroon ng balik-aral sa mga salitang ginamit sa pagtutuwid ng pagkakamali. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga gawain sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Iproseso ito sa pamamagitan ng pagtawag sa mag-aaral upang basahin sa harap ng klase ang kanilang isinulat.

2. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang pagkakaunawa nila sa kasabihang Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo. Tanggapin ang ibat ibang kasagutan. Mahalagang maiproseso ang kanilang mga sagot.

3. Ipabasa at ipaunawa ang nilalaman ng Tandaan Natin. Dapat maikintal sa isip at puso ng mga mag-aaral ang pagpapahalagang tinalakay dito.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20

Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

IKAAPAT NA ARAWLayunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipag-kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang nagpapakita ng ibat ibang emosyon. Integrasyon : Filipino sa pakikipagtalastasan

Pamamaraan

Isabuhay Natin

1. Sa puntong ito ay mas malalim na ang pagkaunawa ng mga mag- aaral sa mga salitang pagtutuwid ng kamalian. Talakayin sa kanila ang kahulugan ng sorry o patawad. Ipaliwanag na ang salitang ito ay dapat ginagamit nang may katapatan at bukal sa loob (Sincerity).

2. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang card para sa taong nagawan nila ng kamalian. Ipasulat sa card ang mga bagay na naging dahilan ng pagkakamali. Kailangan ding humingi sila ng tawad at paumanhin sa taong pagbibigyan ng card. Itsek muna ang card at siguraduhing maibibigay ang card na ito.

3. Ipaulat sa mga mag-aaral ang naging bunga ng paghingi ng paumanhin.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20

Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko

IKALIMANG ARAWLayunin: Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipag-kapuwa

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy)

Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang nagpapakita ng ibat ibang emosyon. Integrasyon : Filipino sa pakikipagtalastasan

Pamamaraan

Subukin Natin

1. Ipahanda sa mga mag-aaral ang sagutang papel at ipasagot angSubukin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong talakayin. Mahalagang malaman ang dahilan ng kanilang mga sagot.

3. Hingian ang mga mag-aaral ng natutuhan tungkol sa natapos na aralin.

Edukasyon sa Pagpapakato IVYunit 2 - WEEK 2

Date:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko UNANG ARAWLayunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy), pagiging totoo ( sincerity )

Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolina Integrasyon : Art

Pamamaraan

Alamin Natin1. Bilang pagsisimula ng aralin, gabayan ang mag-aaral sa pagtiklop ng papel tulad ng ibinigay na panuto at hakbang sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ipaliwanag na mabuti sa mag-aaral ang mga hakbang na susundin upang makagawa ng PUNAYPAY. Magpatugtog ng musikang mabilis ang tempo upang mas masigla ang pagpapasa ng PUNAYPAY.

2. Ibabalik ito sa may-ari at hayaang basahin niya ang isinulat na mga puna ng kaniyang kaklase.

3. Pagawain sila sa kanilang kuwaderno ng dalawang kahon upang mapagkompara ang ibinigay na mga puna.

4. Matapos ang pagsusulat ng mga mag-aaral, iproseso ang kanilang mga sagot

5. Magdagdag pa ng tanong bukod sa ibinigay sa Kagamitan ng Mag- aaral upang higit na maunawaan ng mag-aaral na dapat nilang tanggapin nang positibo maging ang mga negatibong punaDate:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap KoIKALAWANG ARAWLayunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy), pagiging totoo ( sincerity )

Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolina Integrasyon : Art

PamamaraanIsagawa Natin

1. Ipaunawa sa mga mag-aaral na sa pang-araw-araw na buhay ay maaari silang makatanggap ng positibo at negatibong puna. Magbigay ng sariling halimbawa ayon sa karanasan. Hingan ng opinyon ang mag-aaral.

2. Ibigay na halimbawa ang pagsali ng isang kalahok sa anumang paligsahan. Halimbawa nito ang Birit Bulilit na tinalakay sa Gawain1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Gabayan ang mga mag-aaral upang maunawaan nila na ang bawat tao ay maaaring mabigo o hindi matupad ang labis na inaasahan.

3. Idagdag sa mga katanungan:a. May karanasan ba kayo na tulad ng naranasan ng nasa kuwento? Maaaring sa ibang larangan kayo sumali at hindi natupad ang inyong inaasahan.b. Kapag nangyari ito sa iyo, ano ang iyong gagawin? Magagalit ka ba sa pumuna sa iyo?

4. Mahalagang maunawaan ng mag-aaral na dapat pagbuhusan nila ng pansin ang mungkahi at puna upang mas mapaunlad ang sarili.

5. Ipaunawa din sa kanila na hindi sila dapat masanay na laging negatibong puna ang kanilang matatanggap. Kailangang paunlarin ang kasanayan upang makatanggap ng mga papuri at magagandang puna. Ipaunawa sa mag-aaral na dapat maging competent at competitive upang mas maging maayos ang pagtupad sa mga pangarap sa buhay.

6. Gamit ang kanilang kuwaderno, pasagutan ang Gawain 1.

7. Para sa Gawain 2, pangkatin ang klase sa apat. Gabayan ang bawat pangkat upang makaguhit ng isang huwarang silid-aralan na nakasentro sa Pagpapahalaga o Values. Ang tema ng paligsahan ng mga silid-aralan ay makabuo ng classroom of characters na tinawag nilang Pagpapahalaga sa Class Home Ko. Hindi lamang sa dekorasyon makikita ang Pagpapahalaga kundi sa kilos at pag- uugali ng mga mag-aaral.

8. Pagawain sila ng action plan kung anong Pagpapahalaga (Values) ang bibigyang-diin bawat buwan. Tuwing katapusan ng buwan ay may mananalong silid-aralan. Ang iginuhit na huwarang silid-aralan ay susukatin sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan sa ibaba. Anyayahan ang Guidance Counselor, kinatawan ng Supreme Pupil Government at kinatawan ng Samahan ng Magulang at Guro upang maging hurado

Mga Pamantayan321

Nakapokus ang dekorasyon sa Pagpapahalagang binibigyang-diin.May pokus ang planong ayos ng silid-aralan. Maayos atorganisado ang pagkakalagay ng mgaPagpapahalagang (Values) nais bigyang-diin.Kulang sa pokus ang plano.Hindi nabigyang pansin angnais ipokus na Pagpapahalaga (Values)sa planong pagpapaganda ng silid-aralan.

Tamang saloobin sa pagpapakita ng outputAng bawat kasapi ng pangkat ay nagpakita ng positibong pag- uugali sa pag- uulat ng output. Halimbawa: Magalang sa pag- uulat.Hindi gaanong nagpakita ng kasiglahansa pag-uulat ang mga kasapi ng pangkat.Hindi nakapag- ulat ng output ang pangkat.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap KoIKATLONG ARAWLayunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy), pagiging totoo ( sincerity )

Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolina Integrasyon : Art

PamamaraanIsapuso Natin

1. Ipabasa nang tahimik ang mga sitwasyon sa Isapuso Natin saKagamitan ng Mag-aaral.

2. Gamit ang kuwaderno, ipasulat sa mag-aaral ang kanilang magiging pasiya kung dumating ang katulad ng ibinigay na sitwasyon sa kanila.

3. Iproseso ang sagot ng mag-aaral. Ipabasa nang malakas ang sagot ng bawat isa. (Gawan ng paraan na makapagbasa ang bawat mag- aaral ng isang sagot).

4. Ang mga impormasyon sa Tandaan Natin ay dagdag na kaalaman para sa mag-aaral. Inaasahan na may malawak na pagpapaliwanag ang guro upang mas maramdaman ng mag-aaral ang araling ito.

5. Maaaring magamit sa pagpapaliwanag ang kaalaman tungkol sa Teorya ng Interaktibong Pagkatuto (Interactive Learning Theory) ni Albert Bandura. Sinasabi sa teoryang ito na ang isang tao ay maaaring matuto sa pamamagitan ng pagmamasid at pagkuha ng bagong impormasyon sa kaniyang kapuwa.

6. Iugnay ang teoryang ito sa paraan ng pagtanggap ng mga puna at papuri.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap KoIKAAPAT NA ARAWLayunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy), pagiging totoo ( sincerity )

Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolina Integrasyon : Art

PamamaraanIsabuhay Natin

1. Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng wikang pambansa, atasan ang mag-aaral na magsaliksik ng buhay ni Manuel L. Quezon, ang ama ng Wikang Filipino.

2. Pangkatin ang klase sa apat at bigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras upang makapaghanda ng tatlong minutong pagsasadula ng isang bahagi ng buhay ni Manuel L. Quezon.

3. Gabayan ang bawat pangkat upang makapagbigay ng puna sa presentasyon ng ibang pangkat.

4. Gabayan ang mag-aaral upang maipakita ang mahinahong pagtanggapng negatibo at positibong puna sa kanilang pagtatanghal.

5. Kung may mag-aaral na magpapakita ng pagkapikon sa mga natanggap na puna, muling balikan ang mga paraan ng mahinahong pagtanggap ng mga ito.

Date:____________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 2 Puna at Mungkahi Mo, Tanggap KoIKALIMANG ARAWLayunin: Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapuwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba(Empathy), pagiging totoo ( sincerity )

Mga Kagamitan: kuwaderno, kartolina Integrasyon : Art

Pamamaraan

Subukin Natin

1. Gamit ang kuwaderno ng mga mag-aaral, pasagutan ang SubukinNatin sa Kagamitan ng Mag-aaral.

2. Hingan ng insights ang mga mag-aaral hinggil sa natapos na aralin.

Edukasyon sa Pagpapakato IVYunit 2 - WEEK 3

Date:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko

UNANG ARAWLayunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy) , pagiging totoo (Sincerity)

Mga Kagamitan : video clip ng isang comedy show, larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013 Integrasyon : Araling Panlipunan; R.A. 10627

PamamaraanAlamin Natin(Inaasahang may kaalaman ang guro sa Republic Act 10627 o Anti-BullyingAct of 2013 bago simulan ang araling ito)

1. Simulan ang aralin sa pagpapakita ng isang video clip ng isang comedy show.Itanong Napanood na ba ninyo ang comedy show na ito? Nagustuhan mo ba ang palabas na ito? Bakit? (tanggapin ang ibat iba nilang sagot)

2. Ipakita din ang larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata.Itanong:Naranasan mo na bang mapikon sa isang biro? Ano ang iyong ginawa? (tanggapin ang sagot ng mga mag-aaral)

3. Ang kuwento sa Alamin Natin na nasa Kagamitan ng Mag-aaral ay maaaring isadula ng mga mag-aaral. Pumili ng mag-aaral na magbabasa ng mga pagbibirong nakasaad sa kuwento. Maaari itong ipaulit sa mga mag-aaral hanggang makapili ng pinakamahusay at pinakanakatutuwang magbiro

4. Matapos basahin o isadula ang kuwento, pasagutan ang tanong nang pasalita. Ipaguhit ang isang mukha na nagpapakita ng kanilang damdamin kung sila ang nasa kalagayan ni Ikeng. Itanong sa kanila kung bakit ito ang kanilang nararamdaman. Bigyan sila ng limang minuto upang makaguhit.

5. Laging bigyang-diin ang kanilang mararamdaman kung sila ang nasa kalagayan ng kanilang kapuwa. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral. Hayaan din silang magkuwento ng kanilang karanasan (o karanasan ng kakilala nila) tulad ng nangyari kay Ikeng.

6. Sabihin sa mga mag-aaral na kailangan nilang magsaliksik tungkol sa Anti-Bullying Act of 2013. Maaari silang magtanong sa mga kasapi ng Child Protection and Anti-Bullying Committee ng paaralan.

Date:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko

IKALAWANG ARAWLayunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy) , pagiging totoo (Sincerity)

Mga Kagamitan : video clip ng isang comedy show, larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013 Integrasyon : Araling Panlipunan; R.A. 10627

Pamamaraan

Isagawa NatinGawain 11. Sa puntong ito, ipaliwanang sa mga mag-aaral na ang kanilang ginagamit na mga salita ay maaaring makasakit ng kapuwa.2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa Gawain 1 ng Isagawa Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral.Gawain 21. Pangkatin ang klase sa apat. Ipaliwanag ang gagawin ng bawat pangkat. Maaaring isulat sa unang hanay ang pangalan ng tao o pamagat ng palabas sa telebisyon ng pinanggalingan o nagsabi ng biro.Ipaliwanag sa mag-aaral na ang isusulat nila sa ikalawang hanay ay maaaring nakasasakit o nakapagpapasaya sa damdamin.2. Bigyan ang bawat pangkat ng sampung minuto upang sagutan ang gawain at iulat ang kanilang sagot sa binigay na takdang oras.3. Markahan ang kanilang presentasyon sa pamamagitan ng pamantayan sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang tapat ng iskor na nakuha ng pangkat gamit ito.

MgaPangkat5 puntos4 napuntos3 puntos2 puntos1 puntos

1

2

3

4

5 - Naibigay ang lahat ng hinihinging impormasyon.Ang lahat ng miyembro ay nakiisa sa gawain. Makikita ang pagtutulungan sa pangkat.May kahandaan ang pangkat. Maayos na naiulat ang datos

4- May isang kulang sa mga ebidensiyang hinahanap sa pamantayan

3- May dalawang kulang sa mga ebidensiyang hinihingi sa pamantayan.

2- Walang kahandaan ang pangkat kayat kulang ang naibigay na impormasyon

1 - Hindi angkop ang mga sagot na naibigay.

Pag-usapan ang naging presentasyon ng pangkatang gawain upang mas maunawaan ng mga mag-aaral kung bakit iyon ang nakuha nilang iskorDate:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko

IKATLONG ARAWLayunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy) , pagiging totoo (Sincerity)

Mga Kagamitan : video clip ng isang comedy show, larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013 Integrasyon : Araling Panlipunan; R.A. 10627

Pamamaraan

Isapuso Natin

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang sitwasyon sa Isapuso Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral. Pagkatapos basahin ay gagawa sila ng pagpapasiya kung ano ang nararapat gawin sa sitwasyong ito.

2. Talakayin sa mag-aaral ang tungkol sa Anti-Bullying lalo na ang pang-aabuso sa kapuwa gamit ang masasakit na salita. Muling balikan ang kanilang nararamdaman kapag nakaririnig sila ng mga salitang nakasasakit ng damdamin. Iugnay ang isusulat nila sa speech balloon sa kahalagahan ng paggamit ng mga birong hindi nakasasakit ng damdamin.

3. Gawing seryoso ang pagtalakay sa kahulugan ng Empathy at Sincerity. Ipaunawa sa mag-aaral na hindi lamang sa pangkaraniwang pag-uusap naipakikita ang pagkamahinahon. Maging sa pagbibiro at pagtanggap ng mga biro ay naipadarama ito sa kapuwa.

4. Ang Guidance Counselor ng paaralan ay makatutulong upang maipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pag-unawa sa damdamin ng kapuwa.

5. Talakayin ang Tandaan Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral at itanong ang mga sumusunod:a. Paano maipakikita ang pagiging mahinahon sa pakikipag- usap sa kapuwa?Inaasahang sagot:Ang pagiging mahinahon ay maipakikita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin. Mahalaga din ang tono ng ating pagsasalita. Maging sa pagbibiro, isipin lagi na ang layunin ay magpasaya at hindi makasakit.b. Ano ang epekto ng masasakit na salita sa kapuwa?Inaasahang sagot:Ang emosyon, katawan, at kaisipan ng tao ay naaapektuhan ng masasakit na salitang ginagamit sa kaniya. Bumababa ang pagpapahalaga at tiwala niya sa sarili.c. Ano ang dapat gawin kapag nabu-bully?Inaasahang sagot:Sabihin agad sa guro at mga magulang. Maaari din na magsumbong sa kinauukulan, at mahalagang alamin ang tungkol sa batas na Anti-Bullying.

Ipaliwanag sa mga mag-aaral na hindi sila dapat matakot sa mga nambu-bully subalit lalong hindi sila dapat mam-bully. Magbigay ng paliwanag tungkol sa nilalaman ng batas na ito lalo na ang tungkol sa pang-aabusong berbal. Nakasaad sa paliwanag sa ibaba ang mga datos na makatutulong sa pagpapaliwanag tungkol sa Anti-Bullying Act of 2013.

Ang Anti-Bullying Act of 2013 ay kilala rin bilang Republic Act10627. Ang batas na ito ay pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-12 ng Setyembre, 2013. Naglalayon ang batas na ito na ipagbawal sa mga paaralan sa buong bansa ang bullying. Ang pambu-bully ay mangangahulugan ng kahit anong paraan ng panggigipit na ginagawa ng isa o ng isang grupo sa isa pa - pisikal man, berbal o mental - na nagbubunga ng kawalang gana o takot na pumasok ng isang estudyante sa eskuwelahan. Kasama rin dito ang tinatawag na cyber-bullying.

Sa ilalim ng nasabing batas, ang lahat ng paaralan sa elementarya at sekondarya ay kinakailangang gumawa ng mga alituntunin laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon. Ang kopya ng mga alituntunin ay kailangang ibigay sa mga mag-aaral at magulang nila.

Kabilang sa polisiya ay ang pagbabawal sa bullying sa loob ng mga paaralan at kahit sa mga school-related activities. Ipinagbabawal din ang paggamit ng teknolohiya sa bullying. Ang pananakot gamit ang teknolohiya ay isang napakalaking isyu sapagkat ang mga kabataang tulad mo ang higit na naaapektuhan nito. May mga mungkahi upang maiwasang ma- bully sa internet o cyber bullying:1. Huwag tumugonKung may nananakot sa iyo, tandaan na ang iyong reaksiyonay ang gustong palabasin ng nananakot. Binibigyan siya nito ng kapangyarihang na higit sa iyo. Sino ang may gustong magpalakas sa isang nananakot?2. Huwag gumantiKapag gumanti ka sa nam-bully sa iyo, magiging katulad ka lamang niya. Tumulong na iwasang maulit pa ang pananakot.3. Itabi at ingatan ang ebidensiyaAng tanging magandang balita tungkol sa digital na pananakot ay karaniwang maaaring makuha, maitabi, at maipakita ang mga mensahe ng panggigipit sa isang taong maaaring makatulong. Itabi o likumin ang ebidensiya kahit na maliit na bagay lang ito - kung sakaling lumaki ang problema.4. I-block ang nananakotKung ang panggigipit ay nagmumula sa anyo ng mga instant message, text, o komento sa profile, gawan ng pabor ang sarili. Gamitin ang mga kagustuhan o tool sa privacy upang i-block ang tao. Kung nasa chat ito, umalis sa room. Maaaring hindi nito wakasan ang problema, ngunit hindi kailangang harapin ang panggigipit sa lahat ng oras, at ang walang reaksiyon ay paminsang nagpapawalang- gana sa mga nananakot kaya titigil sila.5. Humingi ng tulongMaaring humingi ng tulong mula sa pakikipag-usap sa isang kaibigan na mapagkakatiwalaan. Karaniwang mabuting isama ang isang magulang ngunit - kung hindi ito magagawa - maaaring makatulong ang tagapayo ng paaralan. Kung talagang ninenerbiyos tungkol sa pagsasabi ng isang bagay, tiyaking may paraan upang iulat ang pangyayari nang hindi nakikilala sa paaralan. Maaari itong magresulta sa pagbibigay ng tulong na kinakailangan sa mga nananakot upang mabago ang kanilang pag-uugali. Inatasan ng RA 10627 ang mga paaralan na magpataw ng parusa sa mga mahuhuling nambu-bully. Kailangan din silang sumailalim sa rehabilitation program na pangangasiwaan ng paaralan.

Nakasaad naman sa batas na kailangang gawing confidential ang pagkakakilanlan sa nasangkot sa bullying. Ang tanging makaaalam lamang nito ay ang school administration, ang gurong direktang responsable sa mga biktimang estudyante, Guidance Counselor ng paaralan, at mga magulang o tagapangalaga ng mga naging biktima ng pambu-bully.

Date:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko

IKAAPAT NA ARAWLayunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy) , pagiging totoo (Sincerity)

Mga Kagamitan : video clip ng isang comedy show, larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013 Integrasyon : Araling Panlipunan; R.A. 10627

Pamamaraan

Isabuhay Natin

1. Sabihin sa mga mag-aaral na magkakaroon ng isang pagtatanghal sa inyong paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ang isang bahagi ng programa ay ang pagkakaroon ng Kuwelang Bulilit upang makapagpasaya sa buong paaralan. Ang mag-aaral na nais makasali ay dapat maghanda ng mga biro o jokes na maaaring sariling gawa o kinuha sa internet.2. Pipiliin ng guro ang mga mag-aaral na magtatanghal sa KuwelangBulilit gamit ang pamantayan na nasa ibaba.

Biro o Joke / Pick up Line #Nakapagpapasaya at hindi nakasasakit ng damdamin(5pts.)Nababagay sa mga nakikinig/ nanonood (3pts.)Nagustuhan ng mga nakikinig/ nanonood(2pts.)

Date:___________________________IV- DEL PILAR 5:50- 6:20 Aralin 3 Mga Biro Ko, Iniingatan Ko

IKAAPAT NA ARAWLayunin: Pagpili ng mga salitang di nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro

Paksa/Pagpapahalaga: Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy) , pagiging totoo (Sincerity)

Mga Kagamitan : video clip ng isang comedy show, larawan ng mga batang binu-bully ng kapuwa bata (na may speech balloon), kopya ng Anti-Bullying Act of 2013 Integrasyon : Araling Panlipunan; R.A. 10627

Pamamaraan

Subukin Natin

1. Pasagutan sa sagutang papel ang mga tanong sa Subukin Natin saKagamitan ng Mag-aaral.

2. Pagawain ang bawat isang mag-aaral ng pick-up line na may temang pagmamahal sa kapuwa.3. Bilang pagwawakas, hingan ang mga mag-aaral ng insights o natutunan sa araling ito.