3 panunumpa ng pilipinas

19
Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas HLURB-NMR Powered by: www.MABZICLE.com

Upload: richard-maboloc

Post on 06-Apr-2017

392 views

Category:

Government & Nonprofit


63 download

TRANSCRIPT

Page 1: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas

HLURB-NMRPowered by: www.MABZICLE.com

Page 2: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Ako ay Pilipino,Buong katapatang nanunumpasa watawat ng Pilipinas,

Page 3: 3 Panunumpa ng Pilipinas

At sa bansang kanyang sinasagisag, Na may dangal, katarunganat kalayaan,

Page 4: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Na pinakikilos ng sambayanangMaka-Diyos, Maka-kalikasan, Maka tao at Maka bansa.

Page 5: 3 Panunumpa ng Pilipinas

PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO

Page 6: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Ako’y kawani ng gobyernoTungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay dahil dito,

Page 7: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Ako’y papasok ng maaga at magtatrabaho, nangLampas sa takdang oras kung kinakailangan;

Magsisilbi ako ng magalang at mabilis, sa lahatNg nangangailangan;

Page 8: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapanAt iba pang pag-aari ng pamahalaan;

Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko,Sa mga lumalapit sa aming tanggapan;

Page 9: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Magsasalita ako laban sa mga katiwalian at pagsasamantala;

Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan,Sa sarili kong kapakananHindi ako hihingi o tatanggap ng suhol;

Page 10: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Sisikapin kong madagdagan ang aking talino,At kakayahan, upang ang antas ngPaglilingkod sa bayan, ay patuloy na maitaas.

Page 11: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Sapagkat ako’y kawani ng gobyerno,At tungkulin ko ang maglingkod nang tapatAt mahusay sa bayan ko at sa panahong ito;

Page 12: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Ako at ang aking kapwa kawani,Ay kailangan tungo sa isang maunlad,Masagana at mapayapang Pilipinas.Sa harap ninyong lahat, ako’y taos pusong nanunumpa

Page 13: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Panata sa Pagbabago

Page 14: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Pilipino ako.

Namamanata ako na tutulong ako sa aking pamunuan,Sa pagtataguyod ng marangal na pamamahala,

Page 15: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Sa pagpapalakas ng isang lipunang makatarungan,At sa pagpapatingkad ng ating demokrasya,Upang guminhawa ang pinakamamahal nating bayang Pilipinas.

Page 16: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Gagampanan ko ang lahat ng katungkulan ng isang mabuting mamamayanNa kasing-tindi ng paghamon ko sa aking mga pinunoNa sumunod sa landas na matuwid.

Page 17: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Makikipagkapit-bisig ako sa aking kapwa PilipinoSama-sama nating babaguhin ang takbo ng kasaysayanUpang umiral ang kagandahang loob.

Page 18: 3 Panunumpa ng Pilipinas

Ipinangangako ko ito, sa ngalan ng aking mga ninuno at mga apo.

Patnubayan nawa ng Poong Maykapal ang sambayanan.

Page 19: 3 Panunumpa ng Pilipinas

HLURB-NMR ©2017