3rd grading character education vi

63
3 rd Grading CHARACTER EDUCATION VI Date: _________________ I. LAYUNIN: Naipapakita ang paggalang sa mga Maykapangyarihan. II. PAKSANG-ARALIN: Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan B.P. : Pananagutang Panlipunan K.P. : Paggalang E.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 16 III. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Anu-ano ang mga aral ng simbahan na dapat nating naisasagawa? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak a. Sinu-sino ang mga nagpapairal ng batas sa ating barangay? Sa bansa? b. Magpapakita ng mga larawan ng mga pulis, barangay tanod at mga naglilingkod sa pamahalaan. 2. Paglalahad: May gulo na nangyari sa inyong lugar. May mga pulis na dumating at isa ka sa napagtanungan tungkol sa gulong nangyari. Paano mo sasagutin ang mga pulis? a. Pagpangkat sa klase Hatiin ang mga bata sa apat na pangkat. b. Pagbalangkas Ipaliwanag sa mga bata ang dapat nilang gawin upang kanilang maipapakita kung paano iginagalang ang maykapangyarihan. (drawing o role playing). c. Pakitang-Gawa Ipapakita ng mga bata ang kanilang ginawa, maaaring “pagguhit o role playing”. C. Pagtalakay: a. Paano sinagot ng mga bata ang pulis na nagtatanong? b. Paano ipinakikita sa larawan ang paggalang sa mga maykapangyarihan?

Upload: jedith-evangelista

Post on 25-Jul-2015

253 views

Category:

Documents


17 download

TRANSCRIPT

Page 1: 3rd grading character education vi

3rd Grading CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipapakita ang paggalang sa mga Maykapangyarihan.

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 16

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralAnu-ano ang mga aral ng simbahan na dapat nating naisasagawa?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

a. Sinu-sino ang mga nagpapairal ng batas sa ating barangay? Sa bansa?b. Magpapakita ng mga larawan ng mga pulis, barangay tanod at mga naglilingkod sa

pamahalaan.

2. Paglalahad: May gulo na nangyari sa inyong lugar. May mga pulis na dumating at isa ka sa

napagtanungan tungkol sa gulong nangyari. Paano mo sasagutin ang mga pulis?a. Pagpangkat sa klase

Hatiin ang mga bata sa apat na pangkat.b. Pagbalangkas

Ipaliwanag sa mga bata ang dapat nilang gawin upang kanilang maipapakita kung paano iginagalang ang maykapangyarihan. (drawing o role playing).

c. Pakitang-GawaIpapakita ng mga bata ang kanilang ginawa, maaaring “pagguhit o role playing”.

C. Pagtalakay: a. Paano sinagot ng mga bata ang pulis na nagtatanong? b. Paano ipinakikita sa larawan ang paggalang sa mga maykapangyarihan? c. Kung kayo ang napagtanungan, ano ang gagawin mo?

D. Paglalapat:Tinanong ka ng pulis kung kilala mo ang mga nasa larawan. Kilala mo ang taong nasa

larawan. Paano mo sasagutin ang pulis?

IV. PAGTATAYA:Sagutin ang mga tanong

1. Bakit dapat igalang ang maykapangyarihan? 2. Anu-ano ang naitutulong sa ating pamayanan ng mga may kapangyarihan? 3. Paano natin sila dapat kausapin?

V. KASUNDUAN:Mula ngayon iiwasan ko ang pagsagot nang hindi maayos sa mga maykapangyarihan.

Page 2: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nakakasunod sa mga tuntunin at patakaran na pinaiiral ng batas

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aralBakit mahalaga na igalang ang mga maykapangyarihan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Bakit mahalaga na igalang ang mga maykapangyarihan?

2. Paglalahad: Nagpalabas ng batas ang barangay tungkol sa "Curfew Hour" para sa mga kabataang may

edad sampu hanggang dalawampu't isa na bawal maglalagi sa kalsada mula 9:00 ng gabi. a. Pagpangkat sa mga bata

Pangkatin ang mga bata sa apat na pangkat. b. Pagbalangkas

Ibigay ang sitwasyon sa mga bata at hayaan silang gumawa ng slogan tungkol sa curfew hour.

c. Pakitang-Gawa lsa-isang ipapakita at ipaliliwanag ng bawat pangkat ang kanilang gawa.

3. Pagtatalakay:a. Ano ang ginawa ng bawat pangkat? b. Paano nila ipinakita ang kahalagahan ng "curfew hour"?

C. Pagtalakay: Kung kayo ba ito, susundin din ba ninyo ang sinasaad ng "curfew hour" Bakit?

D. Paglalapat:Bakit kailangan sundin ang mga pinaiiral na batas?

IV. PAGTATAYA:Lagyan ng tsek () kung sinusunod ang batas at ekis ( x ) kung hindi sinusunod.

BATAS Sinusunod Hindi-Sinusunod1. Bawal magtapon ng basura kahit saan. 2. Bawal magpagabi sa labas.3. Sumunod sa traffic light.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ipagpapatuloy ko ang pagsunod sa mga batas na pinaiiral ng barangay at ng bayan.

Page 3: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nakatutulong sa pagpapatupad ng mga tuntunin at batas.

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:a. Anu-ano ang mga batas na pinaiiral sa inyong barangay? b. Bakit kailangan sundin ang mga batas na iyon?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

a. Anu-ano ang mga batas at tuntunin na kailangan ipatupad sa mga mamamayan?

2. Paglalahad: Malapit na ang eleksyon kaya magkakaroon ng pagpaparehistro sa mga bagong botante

mula sa labing-walong taong gulang pataas. lpinaalam ng mga guro sa mga mag-aaral ang petsa ng pagpaparehistro. Pagdating sa bahay, kaagad-agad na ibinalita ni Imelda ang sinabi ng guro tungkol sa takdang araw ng pagpaparehistro. Hindi lamang sa kanyang mga magulang pati na rin sa kanyang mga tiyuhin at mga pinsan.

3. Pagtatalakay:a. Ano ang ibinabalita ni Imelda sa kanyang mga magulang at kamag-anak? b. Tama ba ang kanyang ginawa?

C. Paglalahad: Kung kayo si Imelda, ibabalita nyo rin ba ang bilin ng guro sa inyong mga magulang at

kamag-anak?

D. Paglalapat:Nakita mong nakapaskil sa Health Center ang tungkol sa pagbabakuna sa tigdas. Lahat ng

bata mula sa isang buwan hanggang sa sampung taon ay kailangan magpabakuna upang makaiwas sa sakit na tigdas. Ano ang gagawin mo?

IV. PAGTATAYA:1. Anu-ano ang mga batas at tuntunin na dapat ipatupad sa mga mamamayan? 2. Paana ka makatutulong sa pagpapatupad sa mga batas na ito? 3. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita sa pagtupad ng mga tuntunin at batas?

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ipagpapatuloy kong tuparin ang mga tuntunin at batas sa pamamagitan ng

pagbabalita nito sa mga mamamayan.

Page 4: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naibabalita sa mga magulanglmag-anak ang mga takdang araw ng pagpaparehistro ng eleksyon.

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan: Isang awit

B. Panlinang na Gawain1. Mungkahing Kalagayan:

Paglalahad ng isang usapan tungkol sa pagrerehistro.

2. Pagtatalakay:a. Paano nalaman ng anak artg petsa ng pagpaparehistro? b. Tama bang maging mulat ang mga batang tulad mo sa mga gawaing may kinalaman sa

pagboto? Bakit?

C. Paglalahad: Paano makatutulong ang batang katulad mo sa mga gawaing panlipunang katulad ng eleksyon?

D. Paglalapat:Ano ang iyong gagawin kung ang isa sa iyong kamag-anak ay di enteresadong rnagpatala

para sa darating na eleksyon?

IV. Ebalwasyon:Papaano ka makatutulong sa pamahalaan sa paghihikayat sa mga mamamayan na makilahok

sa mga pambansang gawain katulad ng pagpaparehistro bago maghalalan?

V. KASUNDUAN:Makiisa sa mga gawaing panlipunan

Page 5: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nakakasali sa mga kampanya tungkol sa iba’t ibang batas.

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 20Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan: Balitang Napakinggan

B. Panlinang na Gawain1. Mungkahing Kalagayan:

Isang katulong ang ibig na tumigil sa pagtatrabaho sa kanyang amo ngunit ayaw siyang payagang makaalis.

2. Talakayan:a. Alam n'yo ba ang inyong mga karapatang naaayon sa batas? b. Ano ang dapat na ginagawa ng mga batang katulad n'yo?

C. Paglalahat: Paano ka makatutulong sa pagpapalaganap ng mga batas na pinaiiral sa bansa?

D. Paglalapat:Ano ang magagawa ng isang batang tulad mo sa pagpapalaganap ng mga batas na pinaiiral sa

bansa?

IV. PAGTATAYA:Ipaliwanag ang iyong gagawin sa ganitong sitwasyon.

1. Nalaman mo ang kahalagahan ng pagbabayad ng tamang buwis. Narinig mo ang iyong ama at ina na nag-uusap at sinabing dadayain nile ang buwis na kanilang babayaran. Ano ang gagawin mo?

2. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa Iog at kanal. Nakita mo ang iyong kapitbahay na patuloy na nagkakalat at nagtatapon ng basura sa ilog. Ano ang gagawin mo?

3. Ang pamahalaan ay patuloy sa pangngampanya laban sa "dynamite fishing." Napag-alaman mo na ang iyong ama ay isa pala sa gumagamit nito. Ano ang gagawin mo?

V. KASUNDUAN:Tumutulong sa pagpapalaganap ng mga pinaiiral na batas.

Page 6: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagagamit ang Kalayaan ng may pananagutan

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 19

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Paano natin napapatupad ang mga tuntunin at batas na pinaiiral sa pamahalaan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak

Anu-ano ang mga kagamitang ibinibigay ng parnahalaan sa ating paaralan?

2. Paglalahad: Maraming kagamitan ang dumating sa inyong paaralan. Kaagad ipinarnamahagi ng

punong-guro ang mga desks at cabinets para sa Klase na nangangailangan. Isa sa inyong klase na nabigyan ng mga kagamitang iyon. a. Pagpangkat sa klase

Hatiin ang klase sa apat na pangkat. b. Pagbalangkas

Ipaliwanag sa mga bata ang nararapat gawin para sa mga kagarnitang kanilang natanggap.

Wastong paggamit at pag-iingat sa mga kagamitang pampubliko. c. Pakitang Gawa

Pagpapakita ng mga gawain ng bawat pangkat . Du!a-dulaan o pagguhit.

3. Pagtatalakay:a. Anu-ano ang mga kagarnitang pampubliko ang pinadala ng pamahalaan? b. Paano ipinakita ng mga pangkat ang paggamit ng mga kagami ang pampubliko?

C. Paglalahad: Kung bago ba ito, paano mo gagamitin ang mga kagamitang pampubliko?

D. Paglalapat:Bukod sa paggamit ng mga kagamitang pampubliko nang maingat. anu-ano pa ang ibang

bagay na malaya nating nagagamit ng may pananagutan?

IV. PAGTATAYA:1. Bakit kailangan nating pag-ingatan ang mga kagamitang pampubliko? 2. Ano ang mangyayari kung hindi tayo matapat sa pagpili ng mga taong maglilingkod sa ating

bayan?

V. KASUNDUAN:Anu-ano ang kalayaang tinatamasa ng isang batang tulad mo? Papaano mo ito ginagamit?

Page 7: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nasasabi ng Malaya ang isinasaloob ng di-nakalalabag sa batas

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 21

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan: Isang awit

B. Panlinang na Gawain1. Paano mo dapat ipahayag ang iyong saloobin?

2. Mungkahing Kalagayan:Paglalahad ng isang usapan tungkol sa pagwewelga.

3. Talakayan:a. Ano ang gagawin ng mga dayuhan upang maiparating ang kanilang saloobin? b. Bakit di nile pupwedeng piliiin ang mga ayaw makiisa? c. Tama ba ang sinabi nina Mang Tinoy at Mang Isko?

C. Paglalahad: Paano mo maipararating ang iyong saloobin ng di-lumalabag sa batas?

D. Paglalapat:Kasali ka sa mga nagwewelga sa isang pabrika dahil sa maling pamamalakad ng namumuno

dito. Nakita mo na ang isa mong kasamahan ay nagsusulat sa pader ng pabrika. Ano ang iyong gagawin? Bakit?

IV. PAGTATAYA:

Sabihin kung tams o mali ang isinasaad ng sumusunod na sitwasyon.1. Sulatan ang mga gusali upang maiparating sa kinauukulan ang iyong saloobin. 2. Magwelga ng payapa at maayos. 3. Pwersahang isama sa welga ang mga mamarnayang ayaw makilahok. 4. Makipag-away at makipagpukulan kung ayaw pakinggan ang iyong saloobin.5. Magsagawa ng isang pamayapang welga upang ipaabot ang pagbabago.

V. KASUNDUAN:Iparating ang anumang saloobin ng di gumagawa ng karahanasan at di lumalabag sa batas.

Page 8: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Napipili ang sariling kandidato ng buong katapatan.

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 20

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahagian: Isang awit

B. Panlinang na Gawain1. Mungkahing Kalagayan:

Paglalahad ng isang usapan tungkol sa pagpili ng kandidatong ibobot sa eleksyon.

2. Pagtalakay: a. Tama ba ang ginawang batayan ng nanay ni Rodel sa pagpili ng kandidatong iboboto? b. Anu-ano, ayon kay Rodel ang mga katangian ng pipiliing kandidato?

C. Paglalahat: Paano ninyo dapat piliin ang kandidatong dapat ihalal?

D. Paglalapat:Binigyan ka ng pagkakataong burnoto, anu-ano ang magiging batayan mo sa pagpili ng

kandidatong iyong iboboto?

IV. PAGTATAYA:Basahin ang kalagayan at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Panahon ng halalan at nabatid mo kung sinu-sino at ano ang pagkatao ng bawat kandidato. Ano ang dapat mong gawin? a. Hihikayatin ang magulang na iboto ang taong may malinis na pagkakataon? b. Pababayaang pumili ang mga magulang ng kandidatong pinakapopular. c. Sasabihin sa mga magulang na iboto ang kandidatong namimigay ng pera.

2. Ang punung-guro ay nagpahayag na magkakaroon ng halalan ng Barangayette sa paaralan. Nais ng iyong kaibigan na lumaban bilang pangulo. Batid mo sa loob mo na hindi siya karapat-dapat. Ano ang gagawin mo? a. iboboto pa rin ang kaibigan b. pipiliin ang karapat-dapat na walang kinikilingan c. hindi na lamang boboto

V. KASUNDUAN:Sinu-sino ang mga lingkod-bayan na paborito mo? Bakit?

Page 9: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagagamit ang kagamitang pampubliko ng maingat.

II. PAKSANG-ARALIN:Paggalang sa Batas, Maykapangyarihan at Kalayaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : PaggalangE.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 21Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan: Isang Awit

B. Panlinang na Gawain1. Mungkahing Kalagayan:

Kabubukas pa lamang ng eskuwela ng magbigay ng aklat ang guro sa ika-anim na baitang. Dahil sa may kalumaan na ang mga libro, ang iba rito ay may punit-punit na pahina.

2. Talakayan: a. Anu-ano ang mga alam ninyong kagamitang pampubliko? b. Ano ang dapat natiog gawin sa mga ito? c. Bakit daw kailangang pangalagaan ang mga aklat at iba pang kagamitang pampubliko?

C. Paglalahat: Bakit kailaogang gamitin ng maayos ang mga pampublikong kagamitan?

D. Paglalapat:Nakita mo ang isang mag-aaral na nagsusuiat sa bakuran ng paaralan. Ano ang dapat mong

gawin?

IV. PAGTATAYA:Ano ang iyong ginagawa sa mga kagamitang pampublikong ipinagagamit sa inyo?Bakit dapat pangalagaan ang mga pampublikong kagamitan?

V. KASUNDUAN:Maging maingat sa paggamit ng mga kagamitang pampubliko.

Page 10: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagbibigay/Nanghihingi ng tulong para sa nangangailangang pangkat etniko, biktima ng labanan

at nakatira sa lugar ng mga dukha.

II. PAKSANG-ARALIN:Malasakit sa mga Nangangailangan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng NakararamiE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 22

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:a. Anu-ano ang mga kalayaan ng mga may pananagutan? b. Bakit kailangang pag-ingatan ang mga kagarnitang pampubliko?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Saan lugar dito sa ating bansa ang palaging nasasalanta ng baha?

2. Paglalahad: Panahon ng tag-ulan at maraming lugar ang binabaha. Isa na rito ang Barangay

Masagana. Halos taun-taon ay binabaha ang lugar na ito lala na at malapit sa ilog. Isa ang mag-anak ni Mang Berta na nasalanta ng baha. Nawala ang kanilang bahay at walang gamit na naisalba. Tumira sila sa relocation site. Maraming NGO's ang nagbigay ng tulong sa kanila a. Pangkatin ang klase

Hatiin ang klase sa apat na pangkat b. Pagbalangkas

Ipaliwanag sa mga bata ang mga gawain 1. Unang pangkat - pinasasaya ang ma dalita at kapuspalad 2. Pangalawang pangkat - lumalahak sa mga programa 3. Pangatlo at pang-apat na pangkat – ibinabahagi ang tirahan damit o laruan.

3. Pagtatalakay:a. Anu-anang paksa ang iginuhit ng bawat pangkat?b. Paanoa ipinakikita ang bawat pagtulong sa mga nangangailangan?

C. Pakitang-Gawa: Pag-uulat ng bawat pangkat

D. Paglalahat: Kung kayo ba ito, gagawin rin ba ang nasa larawan? Bakit?

E. Paglalapat:a. Ano ang nararapat na gawin kapag rnayroong nangangailangan ng tulong sa ibang lugar? b. Nagbibigay din ba kayo sa mga taong nangangailangan ng tulong?

Page 11: 3rd grading character education vi

IV. PAGTATAYA: MGA GAWAIN Ginagawa Hindi-Ginagawa1. Nagbibigay ng mga laruan sa mga dalita.2. Ayaw makibahagi ng mga pagkain at mga lumang

damit 3. Ayaw tumulong sa mga nawawalan ng tirahan. 4. Nag-aalok ng mga kagamitan para sa mga nawawalan ng

bahay at mga gamit sa pamamahay.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon uugaliin ko na ang pagtulong sa aking kapwa lalo na sa mga biktima ng labanan,

baha at bagyo at sa mga kapus, palad.

Page 12: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naibabahagi ang tirahan (share a home) o laruan sa mga nangangailangan

II. PAKSANG-ARALIN:Malasakit sa mga Nangangailangan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng NakararamiE.L.C.1.1.1 : EKAWP 6, pp. 22Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan:Pagsusuri ng kalinisan - mga kuko sa mga paa.

2. Balik-aral: Ano ang tinatawag na kalayaan? Sa paanong paraan dapat nating gamitin ang ating kalayaan? Paano natin maipapakita ang paggamit ng kalayaan nang may pananatugan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga ginagawa natin kapag bumabaha sa ating lugar? Saan tayo pumupunta?

2. Paglalahad: Maraming pamilya sa ilang barangay sa isang pook sa Maynila ang binaha dala ng

bagyong nagdaan. Ilan sa pamilyang ito ang nawalan ng tahanan, mga kagamitan at namatayan.

Pinulong ng prinsipal ang lahat ng mga mag-aaral at hinihikayat na ang lahat ay tumulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.

Sumunod na araw, nagbigay ng mga damit, kumot at mga pagkaing delata at noodles si Mark. Naipakita ni Mark ang kanyang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.

3. Pagtatalakayan:Sinu-sino ang mga taong nangangailangan ng ating tulong? Dapat ba natin silang

tulungan? Bakit?

C. Paglalapat: Naglunsad ang inyong paaralan ng proyektong Tulong Sa Mga Biktima ng Bagyong Edeng.

Ano ang dapat rnong gawin?

D. Pagbuo ng Pangako:Simula ngayon ay magbibigay/hihingi ako ng tulong para sa aking kapwang

nangangailangan ng aking tulong.

IV. PAGTATAYA:Lagyan ng tsek () kung tama at ( x ) kung mali.

Page 13: 3rd grading character education vi

_____ 1. Ibinabahagi nina G. at Gng. Torres ang kanilang tahanan sa mga biktima ng baha. _____ 2. Ibinigay ni Rodel ang ilan sa kanyang mga laruan sa mga batang ulila. _____ 3. Nakikibahagi si Pepe sa mga proyektong naglalayong makalikom ng pondo para sa

parigkat-etniko. _____ 4. Nanghihingi ng tulong sina Tony at Rico para sa mga biktima ng sunog. _____ 5. Nagsasawalang kibo na lamang si Carlo sa balita tungkol sa mga biktima ng bagyo.

V. KASUNDUAN:Magtala ng mga paraang maaaring gawin para makatulong sa mga pangkat etniko, biktima ng

karahasan at nakatira sa mga lugar ng mga dukha.

Page 14: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nakakatulong sa pag-aliw sa mga kapuspalad, bilanggo at naulila.

II. PAKSANG-ARALIN:Malasakit sa mga Nangangailangan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng NakararamiE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 22

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-anong tulong ang rnaaari nating maibibigay sa mga nasasalanta ng bagyo o baha?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Nasubukan n'yo na bang turnulong sa mga ulila?

2. Paglalahad ng Sitwasyon:Panahon ng kapaskuhan at ang lahat ay abala. Isa na rito ay si Marilyn. Abala siya sa

pagsasanay para sa isang palatuntunan. Pupunta sila sa Caritas upang magbigay aliw sa mga ulila at sa mga matatanda na nakatira doon. Masayang-masaya siya.

3. Pagtalakay:a. Bakit abalang-abala si Marilyn? b. Saan sila pupunta? c. Masaya ba siya sa ginagawa niya? Bakit? d. Kung kayo si Marilyn, gagawin nyo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

C. Paglalahat: Anu-ano ang mga paraan sa pagtulong sa mga kapus-palad, bilanggo at naulila?

D. Pangwakas na Gawain:1. Paglalapat:

Anong pagpapahalaga ang ipinakikita ni Marilyn sa kanyang ginagawa?

IV. PAGTATAYA:Lagyan ng tsek () kung ang mga sumusunod ay nakatutulong sa pag-aliw sa mga kapus-palad,

bilanggo at naulila. _____ 1. Nagbibigay ng mga p2fjkain tuwing sasapit ang mga mahalagang-araw. _____ 2. Nagkakaroon ng palatuntunan tuwing pasko. _____ 3. Binibisita ang mga bahay ampunan. _____ 4. Walang pakialam sa damdamin ng mga kapus-palad. _____ 5. Nagsasalita laban sa mga bilanggo at kapus-palad

V. KASUNDUAN:Magtala ng mga paraan na nagdudulot ng aliw sa mga kapus-palad, bilanggo at naulila.

Page 15: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nakalalahok sa mga programa para sa mga kapus-palad. bilanggo at naulila.

II. PAKSANG-ARALIN:Malasakit sa mga Nangangailangan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng NakararamiE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 22Kagamitan : Larawan ng bahay ampunan/kulungan o bilibid

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan:Pagsusuri ng kalinisan - sapatos at medias

2. Balik-aral: Sinu-sino ang mga taong nangangailangan ng ating tulong? Dapat ba natin silang tulungan? Bakit? Paano tayo makatutulong sa kanila?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Nakapunta na ba kayo sa isang bilangguan? Bahay-ampunan? Anu-ano ang inyong nakita?

Ano ang inyong naramdaman?

2. Paglalahad: Pagkukuwento ng guro. Nagplano ang klase na pumunta sa isang bilangguan at bahay-ampunan. Nag-isip sila ng

gawaing makatutulong sa mga bilanggo at mga naulila sa mga magulang. Si Ric, ay nagmungkahing magkaroon ng palatuntunan upang maaliw ang mga bilanggo at mga naulila.

3. Pagtatalakayan:Paano tayo makatutulong sa pag-aliw sa rnga kapus-palad/sa mga bilanggo? Naulila?

C. Paglalapat: Naglunsad ang inyong paaralan ng isang programang naglalayong makatulong sa mga kapus palad/sa bilanggo at naulila. Anu-ano ang inyong maitutulong o maibabahagi?

D. Pagbuo ng Pangako:Simula ngayon ay tutulong na ako sa pag-aliw sa mga kapus-palad, sa mga bilanggo at

naulila. Ibabahagi ko ang aking sariling talino at kakayahan sa mga nangangailangan.

IV. PAGTATAYA:1. Magtala ng mga gawaing makatutulong sa pag-aliw sa mga kapuspalad, sa bilanggo at naulila. 2. Magtala ng mga hanap-buhay na kung saan ay maaaring maibahagi ang sariling talino o

kakayahan sa mga nangangailangan

Page 16: 3rd grading character education vi

V. KASUNDUAN:Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga paraang maaaring gawin ng ibang taong may dalisay na

pagmamalasakit sa mga nangangailangan. Pamagatan itong "Alay sa Kapwa."

Page 17: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naibabahagi ang sariling talino/kakayahan sa mga nangangailangan.

II. PAKSANG-ARALIN:Malasakit sa mga Nangangailangan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng NakararamiE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 23

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Paano natin naaaliw ang mga naulila at mahihirap?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Naranasan n'yo na bang ibahagi ang inyong kakayahan sa iyong mga kaibigan?

2. Paglalahad ng sitwasyon:Nagpakalat ng anunsiyo ang paaralan tungkol sa pagbubukas ng Non-Formal Class.

interesado ka hindi dahil gusto mong matuto kung di makatutulong ka sa mga interesadong matuto. Lumapit ka sa punongguro at sinabi mong may kakayahan ka sa hair culturing tulad ng paggugupit, pagkukulot at pagtitina. Tuwang-tuwa ang punong-guro at kaagad pinasimulan na ang klase sa Non-Formal Education tatlong beses sa isang linggo.

3. Pagtatalakay:a. Anong kakayahan ang gusto mong ibahagi sa mga mag-aaral sa Non-Formal Education? b. Kung kayo ito, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

C. Paglalahat: Anu-anong mga kakayahan ang maaari nating ibahagi sa ating mga kasamahan sa barangay?

D. Paglalapat:a. Anong pagpapahalaga ang ipinakikita sa sitwasyong ating inilahad?

IV. PAGTATAYA:Bakit kailangan nating ibahagi ang ating kakayahan sa mga nangangailangan?

V. KASUNDUAN:Itala ang mga talino/kakayahan na maaari nating ibahagi sa ating kapwa.

Page 18: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naituturo ang kakayahan sa paghahanap-buhay upang madagdagan ang kita gaya ng pagbuburda

paggagantsilyo, pagluiuto, at iba pa.

II. PAKSANG-ARALIN:Malasakit sa mga Nangangailangan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : Pagmamalasakit/Kabutihan ng NakararamiE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 23

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan:Pagsusuri ng kalinisan – uniporme

2. Balik-aral:Paano ka maaaring makatulong sa mga bilanggo o sa mga nasa bahay-ampunan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang iyong angking kakayahan? Naibabahagi mo ba ito sa iba?

2. Paglalahad: Pagkukuwento ng guro. May isang pangkat ng kabataan na may kanya-kanyang kakayahan na bumuo sa isang

samahan. Si Myrna ay mahusay magluto ng mga ulam minatamis at mga kending maaaring ibenta. Sina Rey at Roy ay mahusay mag-computer at magkumpuni ng mga gamit sa bahay. Ibinahagi nila at itinuro ang mga nalalaman ni!a sa kapwa nila kabataan lalo na sa mga

out of school-youth.

3. Pagtatalakayan:Mainam bang ibahagi sa kapwa ang iyong talino o kakayahan? Bakit?

C. Paglalahat: Maraming kabataan sa lugar ninyo na nakaistambay lamang sa kalye at mahusay kang

magbasketball, magvolleyball.

D. Pagbuo ng Pangako:Simula ngayon ay ibabahagi ko na sa kapwa ko ang aking talino at kasanayan.

IV. PAGTATAYA:Gumupit ng mga larawan tungkol sa mga taong nagpapakita sa kanyang kabutihan at bigyan ng

paliwanag ito.

Page 19: 3rd grading character education vi

V. KASUNDUAN:Gumawa ng tsart na nagsasaad ng iyong kakayahan. Sino ang pagbabahaginan at pamamaraang

iyong gagawin. Kakayahan Pangkat Pagbabahagianan Pamamaraang Gagamitin

1.2.3.4.5.

1.2.3.4.5.

1.2.3.4.5.

Page 20: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Makikilala ang mga dahilan ng pagkakaroan ng sigalot o di-pagkakaunawaan

II. PAKSANG-ARALIN:Pakilala sa mga Dahilan ng Sigalot o Di-pagkakaunawaan

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 24

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan:Pagsusuri ng kalinisan – damit

2. Balik-aral:Paano taya makikiibahagi ng ating sariling talino/kakayahan sa mga nangangailan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Nagkaroon ka na ba at ng iyong kamag-aral o matalik na kaibigan ng sigalot o di-pagkakaunawaan?

2. Paglalahad: Pagkuwento ng guro.

Nagbigay ng gawaing bahay si Gng. Reyes. Upang maging malawak ang pagtatalakay sa ibinigay na paksa. Kinakailangan ang karagdagang "reference materials." Nang matapos na si Tommy sa kanyang gawaing bahay. Hiniram ni Sam ang mga "reference materials" nito at nangakong iingatan ang mga ito.

Subalit, nang isauli na ni Sam ang mga hiniram, nakita niya na may mga punit at nawawalang pahina ito. Kinausap ni Sam si Tommy ngunit di sila nagkaunawaan.

3. Pagtatalakay:Ano ang tinatawag na sigalot o di pagkakaunawaan? Anu-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng sigalot o di pagkakaunawaan? Anu-ano ang dapat gawin ng bawat panig upang maiwasan ang pagkakaroon nito?

C. Paglalahat: lsa si Mark sa mga manunulat ng kanilang school paper. Silang editor-in-chief, si Ted ay

nagbigay ng takdang araw ng pasahan ng mga artikulo. Sinikap ni Mark na gawin ang kanyang gawain subalit hindi niya naipasa ang artikulo sa

takdang araw. Ano ang dapat gawin mi Mark upang maiwasan ang sigalot o dipagkakaunawaan?

D. Pagbuo ng Pangako:Simula ngayon ay gagawin ko na ang lahat upang maiwasan ang pagkakaroon ng sigalot

o di-pagkakaunawaan sa pagitan ng kapwa, tulad ng paggalang sa kanyang karapatan, pag-unawa sa kanyang kahinaan at iba pa.

Page 21: 3rd grading character education vi

IV. PAGTATAYA:Magtala ng 5 bagay na dapat gawin ng bawat panig (A at B) kapag may usapin upang maiwasan

ang sigalot o di pagkakaunawaan.

V. KASUNDUAN:Magsulat ng maikling usapan o dayalogong nagpapakita kung paano malulutas o maiiwasan ang

sigalot o di pagkakaunawaan. (3-5) tauhan lamang)

Page 22: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng nakararami sa paggamit ng teknolohiya.

II. PAKSANG-ARALIN:Pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng nakakarami sa paggamit ng teknolohiya

B.P. : Pananagutang PanlipunanK.P. : KapayapaanE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 24

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Bahaginan:Pagsusuri ng mga ngipin

2. Balik-aral:Ano ang tinatawag na sigalot o di-pagkakaunawaan?" Anu-ano ang dahilan ng pagkakaroon ng sigalot o di-pagkakaunawaan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga pisikal na pagbabago sa inyong pamayanan o bayan?

2. Paglalahad: Mayaman si G. Tuazon. Bumili siya ng malaking ektarya ng lupa sa isang nayong may

karamihan ang nakatira at pawang magsasaka ang hanapbuhay. Ito ay tatayuan niya ng pagawaan ng gulong. Nang malaman ito ng mga naninirahan sa nayon, kinausap nila si G. Tuazon at ipinahayag nila ang masamang epekto ng chemical wastes sa paggawa ng gulong sa kanilang kalusugan at sa kalikasan.

3. Pagtatalakay:Ano ang teknolohiya? Ano ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng teknolohiya?

C. Paglalahat: Bumili si G. Robles ng malawak na industrial lot para sa itatayo niyang pabrika ng pintura. Ito ay katabi ng mga subdivisions at mga private schools. Hindi lingid sa kanya ang chemical waste at usok na dulot sa proseso ng paggawa ng pintura. Dapat nga bang ituloy ito? Bakit?

D. Pagbuo ng Pangako:Simula ngayon ay isasa-alang-alang ko ang kalusugan at kaligtasan ng nakararami at

kaligtasan ng kalikasan sa paggamit ng teknolohiya.

IV. PAGTATAYA:Magkalap ng impormasyon tungkol sa 5 produktong isinasagawa sa prosesong naglalagay

sa kaligtasan ng nakararami at kaligtasan ng kalikasan sa panganib.

V. KASUNDUAN:Talakayin sa isang maikling" (2-3 talata) ang paksang "Kaiigtasan at Kapakanan ng

Page 23: 3rd grading character education vi

Nakararami sa Paggamit ng T eknolohiya."

Page 24: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipakikita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman, sa

pamamagitan ng pagpapasiya kung anu-ano ang mga pangunahing nararapat paggamitan ng mga pinagkukunang-yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga produktong pang-industriyang pantahanan na ating napag-aralan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Paano ang wastong pagtitipid natin sa paggamit ng tubig?

2. Paglalahad: Madalas na mahina ang daloy na tubig kina Arlene. Minsan ay nawawala pa ang tubig

sa matagal na panahon. May isang gripo silang sira at kahit puno na ang kanilang lalagyan ay hinahayaang tumulo ito ng tumulo.

3. Pagtatalakay:1. Bakit kaya madalas mawalan ng tubig sa lugar nila Arlene? 2. Ano ang dapat gawin kung mayroong gripong sira? 3. Dapat bang magtipid sa tubig? Bakit?

C. Paglalahat: Ang tubig ay isa sa ating pinagkukunang-yaman, paano natin ito pangangalagaan?

D. Paglalapat:Ano ang dapat mong gawin sa mga sumusunod na kalagayan? Maghuhugas ka ng isang baso,

gaanong tubig ang iyong gagamitin. Maliligo ka. Alin ang mas makatitipid? Ang paggamit ng shower o ang paggamit ng timba at tabo.

IV. PAGTATAYA: TUBIG AY TIPIRIN

Tubig ay tipirin, maayos itong gamitin Ito'y ating ingatan huwag aksayahin Krisis sa enerhiya dapat nating isipin Upang pagdating ng araw ay mayroon pang gamitin.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay kailangan tayo ay magtipid sa tubig. Gamitin itoa sa wastong paraan upang hindi tayo mahirapan pagdating ng tagtuyot.

Page 25: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pinagkukunang yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan sa Pagpapaplano at Pangangasiwa ng Pinagkukunang-Yaman

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:a. Paano mo naisaalang-alang angkaligtasan at kapakanan ng nakararami sa paggamit ng

teknolohiya? b. Nakabubuti ba ang patuloy na paggamit ng teknolohiya?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Pagmamasid sa mga larawang nagpapakita sa iba’t ibang pinagkukunang-yaman.

2. Paglalahad: Pagbasa ng sitwasyon.

Si G. Felix ang nagmamay-ari ng pagawaan ng furniture. Para matiyak na nagagamit niya ang makabuluhan ang kanyang oras, siya ay gumawa ng schedule of activities. Ito ang sinusunod niya araw-araw upang tiyak niyang walang nasasayang na oras at nagagawa niya ang lahat niyang dapat gawin.

C. Pagsusuri: 1. Tama ba ang ginawa ni Felix? 2. Anu-ano ang ating mga pinagkukunang-yaman3. Anu-ano ang dapat nating gawin sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga pinagkukunang-

yaman.

D. Paglalapat:Mayroon kang P3,00.00 para sa buwanan mong gastusin. Kung ang P1 ,000.00 ay para sa upa

sa tinitirhan mo, paano mo paplanuhin ang paggastos mo sa natitirang pera?

IV. PAGTATAYA:Paano mo maipakita ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng mga sumusunod na

pinagkukunang-yaman? 1. panahon 4. enerhiya 2. pera 5. kasangkapan 3. pagkain

V. KASUNDUAN:Talakayin sa isang sanaysay ang paksang "PAGPAPLANO AT PANG,ANGASIWA NG

PINAGKUKUNANG-YAMAN."

Page 26: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng materyales at kasangkapan.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan sa Pagpapalano at Pangangasiwa ng Materyales at Kasangkapan

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang-YamanE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Paano mo mapangangalagaan ang mga pinagkukunang yaman ng ating bansa?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Tumututong ka ba sa mga gawaing-bahay tutad ng pagliligpit ng mga kasangkapan?

2. Paglalahad: Pagbasa ng sitwasyon.

Si Mang Juan ay isang magsasaka. Upang magamit nang matagal ang mga gamit na kanyang pinagsumikapang ipundar ay tinitiyak niya na malinis at maayos niyang itinatabi ang mga ito sa tuwing matapos iyang gamitin sa bukid.

C. Pagsusuri: a. Tama ba ang ginawa ni Mang Juan? b. Anu-ano pa ang ibang paraan upang mapangalagaan ang mga kasangkapan?

D. Paglalapat:Paano mo maitatago nang maayos ang mga kasangkapan sa inyong tahanan?

IV. PAGTATAYA:Magdula-dulaan tungkol sa wastong pangangasiwa sa materyales at kasangkapan.

V. KASUNDUAN:1amin ang wastong pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.

Page 27: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang kakayahan sa pagpaplano at pangangasiwa ng pagkain at enerhiya.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan sa Pagpaplano at Pangangasiwa ng Pagkain at Enerhiya

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 26Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Mahilig ka bang magluto sa bahay?

B. Panlinang na Gawain1. Pagbasa ng Sitwasyon:

Sa tuwing magluluto si Aling Aning ay tinitiyak niyang walang masasayang na sahog, kung kaya't bago siya pumunta sa palengke ay inililista niya ang mga kailangan gamit. Bago naman siya magluto ay tinitiyak niyang hiwa na ang lahat ng sahog bago niya buksan ang kalan, kung kaya't maayos siyang nakapagluluto.

C. Pagsusuri: 1. Tama ba ang ginagawa ni Aling Aning? 2. Bakit kailangang magplano ng mabuti bago magsagawa ng isang bagay? 3. Paano pa maipaplano nang maayos ang wastong paggamit ng pinagkukunang-yaman tulad ng

pagkain?

D. Paglalapat:Ikaw ay isang kusinera. Paano mo paplanuhin ang pagluluto sa mga natirang sahog?

IV. Ebalwasyon:Pagsulat ng mga wastong paraan ng pagpaplano at pangangasiwa sa pagkain at enerhiya.

V. KASUNDUAN:Magsulat ng dayalog o usapan tungkol sa pagpapakita ng wastong paraan ng pagpaplano at

pangangasiwa sa pagkain at enerhiya. (3-5 tahanan).

Page 28: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagtatakda ng layunin sa paggamit at pangangasiwa ng pinagkukunang-yaman.

II. PAKSANG-ARALIN:Pagpaplano sa Pangangasiwa ng Pinagkukunang Yaman

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 27

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Paano ka kinawiwiliilan ng iyang mga kaibigan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga produktong nakukuha natin sa punong niyog?

2. Paglalahad: Ang niyog ay tinatawag nating puno ng buhay. Natutunan ni Celso sa paaralan na

rnagmula sa puna hanggang sa dahan ng niyag ay napapakinabangan. Malaking salapi ang iniaakyat ng niyog mula sa kopra at langis na nakukuha dito. Nararapat lamang na ito'y ating pangalagaan. Huwag puputulin at gagawing ubod .ang mga batang puno o kaya ay palitan agad ng panibagong puno ang bawat maputol na matandang puno.

3. Pagtatalakay:1. Anu-ano ang nakukuha natin sa punang niyog? 2. Ano ang dapat nating gawin upang hindi maubos ang mga punong ito?3. May alam pa ba kayong paraan ng pangangalaga sa punong ito?

C. Paglalahat: 1. Ano ang dapat gawin kung nagbuwal ng matatandang punoa? 3. Bakit dapat na pangalagaan ang ating kapaligiran?

D. Paglalapat: Bukod sa puno ng niyog, anu-ano pa ang mga pinagkukunang-yaman natin? Ano ang dapat

nating gawin sa mga pinagkukunang-yamang ito.

IV. Ebalwasyon:Punan ang tsart ng tamang sagot:

Pinagkukunang Yaman Pangangalagang Gagawin1.2.3.4.5.

1.2.3.4.5.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon uugaliin ko na ang pagtatanim para may anihin sa panahong darating.

Page 29: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nasasabi ng dapat gawin batay sa layuning itinakda

II. PAKSANG-ARALIN:Pagsasabi ng Dapat Gawin Batay sa Layuning Itinakda

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagtitipid/Matalinong Paggamit ng Pinagkukunang YamanE.L.C.1.2.1 : EKAWP 6, pp. 27Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Bakit kailangang gamitin ng matalino o maayos ang pinagkukunangyaman ng bansa tulad

ng pagkain at enerhiya?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Pagmamasid sa mga larawang nagpapakita sa iba't ibang pinagkukunang-yarnan. Pag-usapan ito.

2. Paglalahad: Pagbasa ng sitwasyon: Si Marita ay isang mag-aaral sa ika-anim na baitang. Masipag at matalino ang batang ito,

kung kaya't madalas siyang bigyan ng takda o gawain ng kanyang guro. Nagagawa naman ito ng maayos ni Marita sapagkat maayos niyang pinaplano ang mga bagay na dapat gawin sa mga itinakdang layunin ng kanyang guro.

C. Pagsusuri: 1. Tama ba ang ginawa ni Marita? 2. Bakit kailangang pagplanuhang mabuti ang mga dapat gawin batay sa layuning itinakda?

D. Paglalapat:May takdang ibinigay ang iyong guro. Paano mo magagawa nang mabuti at maayos ang

layuning itinakda sa iyo?

IV. Ebalwasyon:Ano ang iyong gagawin batay sa mga sumusunod na sitwasyon?

1. Sinabi ng guro ninyo na maghanda ng isang dayalog o usapan batay sa pagtitipid. 2. Inaatasan ka ng iyong guro upang masaliksik tungkol sa isang pamilya sa inyong lugar. 3. Naatasan ka bilang lider na maghanda ng isang ulat tungkol sa mga batang may kapansanan. 4. Nagbigay ng proyekto ang inyong guro tungkol sa wastong paggamit ng enerhiya. 5. Pinagagawa ka ng iyong guro ng isang ulat tungkol sa mga batang hindi nakapag-aaral.

V. KASUNDUAN:Itala sa kuwaderno ang mga dapat gawin batay sa layuning itinakda.

Page 30: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipakikita ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan ng mga Taong Matagumpay

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Saloobin sa PaggawaE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 28Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Sinu-sino ang mga taong kilala ninyo na nagtagumpay na?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Kayo ba ay maraming kaibigan? Paano kayo nagk-akaroon ng maraming kaibigan?

2. Paglalahad: Si Gng. Amelita Ming Ramos ay ulirang Unang Ginang ng ating ban sa. Marami siyang

proyektong pangkababaihan na itinuturo niya sa pamamagitan ng telebisyon. Sa kaniyang programa ang mga babae ay maaaring kumita ng pera kahit na sila ay nasa bahay lamang. Pinalalaganap naman niya ngayon ang pagtatanim ng mga puno at gulay upang mapagkunan ng libreng pagkaing pangkalusugan.

3. Pagtatalakay:a. Anu-ano ang mga gawaing inilunsad ng dating Unang Ginang para sa mga kababaihan? b. Ano ang pangunahing iayunin ng mga proyektong ito ng dating Unang Ginang? c. Sa papaanong paraan nal<atulong ang mga proyektong ita sa mga kababaihan?

C. Paglalahat: Anu-anong katangian ang maaaring makatulong upang magtagumpay.

D. Paglalapat:Paano mo maibabahagi sa iba ang iyong katangian o kaalaman para makatulong sa

ikapagtatagumpay ng isang proyekto?

IV. PAGTATAYA:1. Ano ang iyong dapat gawin kung may nalalaman kang kapaki-pakinabang na proyekto na batid

mong makaaangat hindi lamang sa iyong sarili kundi pati na sa iyong mga kapuwa? 2. Anu-anong katangian arlg dapat mong taglayin upang magtagumpay sa iyong proyekto?

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay sisil<apin ko na magkaroon ng malawak na pang-unawa at alamin ang mga

kapaki-pakinabang na gawain tungo sa pag-unlad hindi lamang sa aking sarili kundi pati na sa mga kapuwa ko.

Page 31: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Natutularan ang mga katangian ng matagumpay na nangangasiwa sa industriya.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan ng mga Taong Matagumpay

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Saloobin sa PaggawaE.L.C.1.2 : EKAWP 6, pp. 28Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga katangiang nakatutulong sa pagtatagumpay?

2. Paglalahad: Ang mag-anak na Rosales ay may maliit na negosyo. Ito ay ang paggawa ng sapatos.

Ang mga trabahador dito ay pawang mga kapitbahay nila. Sa kanilang pagtitiyaga, pagiging masipag, maagap at pagtutulungan ay napalago ang maliit na negosyong ito at ngayon ay isa nang malaki at maunlad na pagawaan ng sapatos. Sila ay nagpapadala na ng yaring produkto sa iba't-ibang bansa. Kinikilala na ang kanilang produktong matibay, maganda at pulido ang pagkakagawa. Masasabi natin na sila ay asenso na sa kanilang negosyo.

3. Pagtatalakay:1. Ano ang produkto ng mag-anak na Rosales? 2. Anu-ano ang mga katangian ang ipinakita ng mga manggagawa kung kaya't ito ay naging

isang maunlad na negosyo?

C. Paglalahat: Anu-anong katangian ang dapat taglayin ng mga tagapangasiwa at manggagawa sa isang

industriya upang maging matagumpay?

D. Paglalapat:Bilang isang manggagawa sa industriya ng bag, anu-anong katangian ang dapat taglayin

upang ikaw at ang may··ari ay parehong magtagumpay?

IV. PAGTATAYA:Isulat sa hanay A ang mga kanais-nais na katagiang dapat taglayin ng isang may-ari/manggagawa

sa industriya at sa hanay Bang di-dapat taglayin. 1. Pagkakaroon ng malasakit sa produkto ng industriya. 2. Pagmalupitan ang mga manggagawa kung tatamad-tamad. 3. Ibigay ang nararapat na benepisyo ng manggagawa.

V. KASUNDUAN:Ilahad ang mga katangian ng may-ari na matagumpay ang industriya sa inyong lugar.

Page 32: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Ipinamamalita ang mga katangiang naging puhunan ng matagumpay na mga tao.

II. PAKSANG-ARALIN:Kakayahan ng mga Taong Matagumpay

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Saloobin sa PaggawaE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 28Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-ano ang mga katangian na dapat nating taglayin upang ang ating mga nagsimulang

proyekto ay umunlad?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Ikaw ba ay mahilig umawit? Anu-ano ba ang mga katangian ng isang mahusay na mang-aawit?

2. Paglalahad: May nag-uusap na dalawang bata. Pakinggan natin ang kanilang pinag-uusapan. Sino pa sa ating mga kabataan ang nakakatulad ni Lea Salongga?

3. Pagtatalakay:1. Pag-iisa-isa ng mga sikat na Pilipino sa iba't ibang larangan at ang mga katangiang

kanilang taglay sa pagiging matagumpay o pagiging sikat. 2. Bakit natin dapat ipagmamalaki ang mga nagawa nila?

C. Paglalahat: Anu-ano ang mga katangian na naging puhunan ng mga taong umunlad naging matagumpay?

D. Paglalapat:1. Sino sa mga tanyag na Pilipino ang gusto mong maging? Bakit? 2. Paano mo siya matutularan?

IV. PAGTATAYA:Lagyan ng tsek () ang tamang gawain at ekis (x) ang maling gawain.

___ 1. Matuwa sa tagumpay ng kapwa. ___ 2. Ipagmalaki ang mga karangalang natamo ng kapwa Pil!pino sa buong mundo. ___ 3. Pamarisan ang katangian ng mga Pilipinong umunlad. ___ 4. Ibahagi sa iba ang kaalamang natutuhan upang maging daan ng kanila ring tagumpay. ___ 5. Hayaang mainggit ang kapwa sa tagumpay na nakamit.

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay pag-aaralan ko at pagsisikapan na matularan ang kanilang mga katangian

upang ako ay maging matagurnpay rin na katulad nila.

Page 33: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naisasagawa ang pagpapalaganap ng konsepto na ang mag-anak ay makapagsisimula ng kapaki-

pakinabang na proyekto ng pantahanan at pangkabuhayan.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagpakitang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Magbigay ng mga kilalang tao na naging matagumpay.

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga produkto.na maaari nating pagkakitaan?

2. Paglalahad: Si Mrs. Ramona Singson ay isang ulirang maybahay. Minsan ay naisipan niyang manahi

ng mga pot holder na may iba't-ibang disenyo. Nakita itoa ng kaniyang kapitbahay at nasabi sa kaniya na ito ay magandang pagkakitaan at pupuwedeng pang-export. Makaraan ang ilang buwan ay nagkaroon nga ng maraming order buhat sa ibang bansa at ng lumaon ay naging malaki ang kaniyang patahian ng pot holder. Umasenso ang kanilang negosyo at ngayon ay isang maunlad na exporter ang pamilya ni Mrs. Singson.

3. Pagtatalakay:1. Ano ang masasabi mo kay Mrs. Singson? 2. Kayo ba ay maaari ring makatulad kina Mrs. Singson? 3. Bakit dapat nating tularan ang pamilyang ito?

C. Paglalahat: Sa papaanong paraan nagtagumpay ang mag-anak ni Mrs. Singson.

IV. PAGTATAYA:Sumulat ng mga proyektong maaaring itaguyod sa inyong lugar upang mapaunlad ang

kabuhayan ng mag-anak sa inyong lugar.

V. KASUNDUAN:Ugaliin natin na maitaguyod ang mga produktong yari dito sa ating bansa upang lalo tayong

umasenso at urnunlad.

Page 34: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipahahayag ang kaalaman na maaaring lumaki ang puhunan kung makikipagsapalaran sa mga

mapagkakakitaang proyekto.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Anu-anong mga kapaki-pakinabang na proyekto ang maaaring simulan ng mag-anak

para sa buhay at sa tahanan?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Anu-ano ang mga gawaing pinagkakakitaan sa inyong pamayanan? Gaano ito kaunlad? Paano sila nagsimula?

2. Paglalahad: “Ipinagmamalaki Kita, Anak"

Hindi lingia sa ating kaalaman na marami sa ating mga Pilipino ang naghihikahos sa buhay. Sa kabila ng lahat ng ito likas din sa ating mga Pilipino ang ambisyong makatapos ng pag-aaral upang umangat sa buhay. Kabilang sa mga ita ang mag-anak na Dayao. Si Aling Rona ay simpleng maybahay lamang, siya ang nag-aasikaso sa kanilang tahanan. Si Mang Jose naman ay paekstra-ekstra lamang ng trabaho. Tatlo ang kanilang anak si Eva, si Minda at si Jun, lahat sila ay nagaaral sa pampublikong paaralan…..pah.189

C. Pagsusuri: 1. Ano ang masasabi mo sa mag-anak na Dayao? 2. Paano sila nagsimula sa kanilang negosyo? 3. Anu-ano ang dahi!an at nagtagumpay ang kanilang negosyoo?

D. Paglalapat:Paano mo masasabi na ang kahirapan ay hindi sagabal sa pag-unlad ng isang taa? Naipakita

ba ito sa ating kwento? Patunayan.

IV. PAGTATAYA:1. Anu-ano ang kailangan upang makapagsimu!a ng isang proyektong kapaki-pakinabang ang mag-

anak? 2. Anu-anong magagandang halimbawa ng pagiging produktibo ang ipinahayag ng kuwento? 3. Paano nakatulong sa mag-anak ang naisip nilang rnapagkakakitaang proyekto/negosyo?

V. KASUNDUAN:Ipaliwanag: "Kung nais, nakakagawa ng paraan, Kapag ayaw, makakaisip ng dahilan." Ano ang

kaugnayan nito sa pagiging produktibo? Ipaliwanag?

Page 35: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Napalalaganap ang konsepto na ang mag-anak ay maaaring magtayo ng maliit na negosyo.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.1 : EKAWP 6, pp. 30

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ng ilang mga taong nagtagumpay sa kanilang sarili?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

1. Ang iyo bang magulang ay namamasukan, o empleyado sa isang opisina? 2. Ang inyo bang pamilya ay may sariling negosyo?

2. Paglalahad: Nakaipon ng halagang P500.00 si Aling Flor mula sa kanyang paglalabada. Sinubukan

niyang magtinda ng lutong pansit mula sa perang ita. Matiyaga niyang inilalagay sa sisidlang plastic ang pansit at inihuhulog niya ita sa kalapit na paaralan. Madali itong nauubos at kinakapos pang lagi. Gustong-gusto ng mga mag-aaral ang kaniyang luto. Wala pa isang taon ay nakaipon siya ng malaki-Iaking halaga at ita ay ipinagpatayo niya ng isang maliit na tindahan. Dito'y nagtitinda pa rin siya ng mga lutong pagkain gaya ng lugaw, puto, at iba pa. Ngayon ay may mga katulong na siya sa pagluluto at pagtitinda ng mga kakaning pagkain.

3. Pagtatalakay:a. Ano ang ginawa ni Aling Flor sa perang naipon? b. Bakit naisipan ni Aling Flor na magtinda ng kakanin o lutong pagkain? c. Ano naman ang inyong magagawa kung kayo ang nasa katayuan niya?

C. Paglalahat: Ang bawat mag-anak ay maaaring makapagtayo ng sariling negosyo upang mapaunlad ang

kabuhayan.

D. Paglalapat:Paano mo mapagkakakitaan ang mga sumusunod: - mga hinog na saba sa inyong likod bahay. - mga lumang diyaryo, bakal at basyong lote sa inyong bahay - may pinagkalakihang laruan at mga damit

IV. PAGTATAYA:Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ibig ni Aling Senya na magkaroon ng isang maliit na negosyo 0 tindahan nguhit kapos siya ng puhunan. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang magkaroon ng puhunan? a. mangutang sa kapitbahay

Page 36: 3rd grading character education vi

b. magtinda ng lugaw at pansit dahil marami ang tao sa lugar ninyo at mag-ipon ng tutubuin upang magkaroon ng malaki-Iaking puhunan

c. maghintay sa kung sino ang mag-bigay ng puhunan o kapital 2. Kung may puhunan lamang ang ina ni Mario ay malaki sana ang tutubuin nito sa paglalako ng

isda na inaangkat lamang nila. Paano matutulungan ni Mario ang ina sa pag-iipon ng puhunan. a. tutulungan ang ina sa pangungutang sa kapitbahay b. maghihintay lamang sila sa awa ng kapwa c. magtitinda siya ng diyaryo upang makaipon ng pandagdag na pera sa puhunan

V. KASUNDUAN:Mula ngayon ay sisikapin ko na makatulong sa pamilya upang makapagsimula ng kapaki-

pakinabang na proyekto para sa aming pamilya.

Page 37: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipakikita ang maaaring pagkunan ng puhunan tulad ng pagbili ng mga yaring produkto upang

may magamit sa pagpapalakad ng mapagkakakitaang proyekto.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.3 : EKAWP 6, pp. 31Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ni Aling Flor sa kaniyang naipong pera, sa paglalabada?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Gusto ba ninyong magkaroon ng magandang pagkakakitaan?

2. Paglalahad: Namamasyal sa isang mala king mall ang mag-anak na Alejandro. Napatigil ita sa isang

eskaparate. Nag-iisip ang kaniyang may-bahay. Tinanong niya ito. May naisip na magandang ideya at sinabi niya ito sa kaniyang asawa na gusto niyang bilhin ang bag na nakadisplay sa iskaparate. Sinabi rin niya na bibilhin niya ita at kaniyang pag-aaralan kung paano ito ginawa o niyari. Balak niya kasing magkaroon ng maliit na negosyo at iyon ay ang paggawa ng mga bag. Ipinaliwanag niya iyon sa kaniyang asawa na kaniyang tatastasin nang isa-isa ang mga bahagi ng bag at titingnan niya ang pagkakagawa….pah. 194

3. Pagtatalakay:a. Ano ang ginawa ng mag-anak na Alejandro? b. Bakit kava binili ni Gng. Alejandro ang bag na nakadisplay? c. Paano niya natularan ang paggawa ng bag?

C. Paglalahat: Sa inyong palagay mapagaganda kaya ni Gng. Alejandro ang kanyang paggawa ng bag kung

basta na lamang siya gumawa at hindi kumuha ng modelo? Bakit?

D. Paglalapat:Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng proyektong mapagkakitaan para sa inyong

pamilya at pamayanan.

IV. PAGTATAYA:Magbigay ng halimbawa ng maaaring pagkunan ng puhunan upang magamit sa pagpapalakad ng

mapagkakakitaang proyekto.

V. KASUNDUAN:Umisip ng mga paraan na magagamit sa pagpapalakad ng mapagkakakitaang proyekto.

Page 38: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Nagsasaliksik muna bago magsimula ng proyekto upang malaman kung ita ay

mapakikinabangan.

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.4 : EKAWP 6, pp. 31Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ng mag-anak na Alejandro ng minsan sila ay mamasyal sa isang

malaking mall?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Ikaw ba ay may magandang pangarap sa iyong sarili?

2. Paglalahad: Si Ernesto ay isang estudyante na nahinto sa kaniyang pag-aral dala ng kakapusan ng

kanilang pamilya. Ngunit siya ay may pangarap na nais mara ing paglaki niya. Bagamat hindi siya matapos ng pag-aaral ay nag-iisip siya kung paano niya mapagaganda ang takbo ng kaniyang buhay. Nagtanong-tanong siya sa kaniyang mga kakilalang malapit sa kaniya. Napag-alaman niya na meyroon palang paaralan na n~gtuturo ng mga kaalaman sa pangkabuhayan. Ito ay libre at paaral ng kanilang pamahalaan para sa mga kapus-palad. Nagpunta siya rito at siya ay nakapag-aral ng maayos sa paaralang ito. Kumuha siya ng tungkol sa e!ektrisidad. Masigasig siyang nag-aaral at pinagsikapan niya na matutuhang lahat ang mga dapat rnatutuhan tungkol sa bagay na ito…….

3. Pagtatalakay:1. Sino ang bata sa ating kwento? 2. Bakit siya nahinto sa pag-aaral? 3. Ano ang ginawa niya upang gumanda ang buhay?

C. Paglalahat: Ano ang iyong dapat gawin kung may binabalak kang gawin at hindi mo pa alam ang mga

bagay na dapat gawin?

D. Paglalapat:Kailangan mo bang mag-isip at magsaliksik muna bago gawin ang isang gawain na hindi mo

pa alam?

IV. PAGTATAYA:Gusto mong magtayo ng bakery sa inyong lugar. Anu-ano ang dapat mong gawin upang

mapagtagumpayan ang proyektong ito? Isulat ang iyong gagawin ayon sa pagkakasunod-sunod?

Page 39: 3rd grading character education vi

V. KASUNDUAN:Itala ang mga negosyong maaaring itayo sa inyong pamayanan at magsaliksik ukol sa

pagpapaunlad nito.

Page 40: 3rd grading character education vi

CHARACTER EDUCATION VI

Date: _________________

I. LAYUNIN:Naipagmamalaki ang naitayong negosyo

II. PAKSANG-ARALIN:Mapagkakakitaang Gawain:

B.P. : PangkabuhayanK.P. : Pagiging ProduktiboE.L.C.1.5 : EKAWP 6, pp. 31Kagamitan : Larawan

III. PAMAMARAAN:A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral:Ano ang ginawa ni Aling Flor sa kanyang naipong pera sa paglalabada?

B. Panlinang na Gawain1. Pagganyak:

Nais ba ninyong umangat ang inyong pamumuhay? Sa paanong paraan kaya natin maisasagawa ito?

2. Paglalahad: Mula sa kita ng maliit na tindahan ay nakaipong muli ng malaking halaga si Aling Flor.

Nagpatayo siya ng malaking barberya at modernong parlor shop sa tabi ng kanyang tindahan. Kumuha siya ng magagaling na beautician at barbero. Naging suki siya ng mga nagpapagupit at nagpapakulot hindi lamang sa kanilang lugar. Dinarayo ito ng mga karatig na baryo at bayan. Lumakas din ang kanilang tindahan sapagkat nagmemeryenda muna ang mga tao bago o matapos magpakulot o magpagupit kaya't naging doble ang kita nito.

3. Pagtalakay 1. Ano ang unang pinagkakakitaan ni Aling Flor? 2. Ano naman ang sumunod niyang pinagkakitaan? 3. Ano sa palagay ninyo ang magiging katayuan ng pamilya ni Aling Flor?

C. Paglalahat:Anu-anong katangian ang taglay ni Aling Flor kung kaya't siya ay nagtagumpay?

D. Paglalapat:Magbigay kayo ng halimbawa ng kakilala ninyong pamilya na umangat ang buhay o pamumuhay

dahil sa pagsisikap sa kanilang negosyo?

IV. PAGTATAYA:Ipaliwanag: Negosyo'y pagsikapan upang kaunlaran ay makamtan.

V. KASUNDUAN:Gumawa ng dula-dulaan na may temang "Negosyo natin Dapat Paunlarin.