3rd quarter issue september 2017 lpmpc marketing-...

4
LPMPC MARKETING- BAHAGI NG SELEBRASYON NI Virgen de Peñafrancia IMPROVING AND STRENGTHENING STAFF/TEAM PERFORMANCE Ang taunang “Feast of Feasts,” ang pinakamalaking Marian feast sa bansa, ay nagsimula sa isang makulay na traslación o ang pag -lipat ng imahe ni Our Lady of Peñafrancia galing sa Basilica Minore patungo sa Metropolitan Cathedral para sa siyam (9) na araw na nobena. Ayon sa talaaan ng Simbahan, ang Katedral ay itinayo para sa mga debotong dumadayo tuwing selebrasyon sa Setyembre. Ang tema ngayong taon ay “ Mary Mother of Church, the Communion of Life, Love and Truth in the Tear of the Parish”. Sa pagdiriwang ng Penafrancia, ang Bicol Travel and Food Expo Ang pamunuan (BOD, commiee) at mga empleyado ay masayang nakilahok sa mga talakayan at akbidad ng Improving and Strengthening Staff/Team Producvity” acvity na ginanap sa Paradiso Verde Resort noong Agosto 18 & 19, 2017. Ang layunin nito ay: upang pahalagahan ang samahan (team), malaman ang iba’t-ibang klase at pag- uugali ng isang samahan sa pagkamit ng kanilang adhikain at upang maunawaan na ang pagpapalakas ng isang samahan ay nakasalalay ng isang namumuno. Ito ay masusing pinaghandaan ni G. Gayosa at kanyang mga kasama. Ilan sa mga akbidades na Bevs Medrano (BITEX) na may temang, “MSME: e Way to Go” ay itinatag ng DA- RFO-5, at naglalayong palawakin ang merkado ng mga magsasakang negosyante. Dumalo ang LPMPC upang ipagmalaki at ipagbili ang ating mga QUEENCH food products: pineapple juice, concentrated juice, jam, jelly at dehydrated pineapple . Ito ay isinagawa noong Setyembre 14-17 sa SM Activity Center. Nakilahok din tayo sa Camarines Norte’s Finest Food and Craſt ng DTI-Camarines Norte sa Robinsons Place Naga City noong Setyembre 12-17, 2017. Mahigit na 90 taon na ang nakakaraan ng masaksihan ng mga deboto ang korornasyon ni Virgen de Peñafrancia, na mas lalong kilala na Queen of Bicolandia at Inang Peñafrancia. Ayon sa mga talaan ng Our Lady of Peñafrancia Shrine, ang nasabing koronasyon ay nangyari noong Setyembere 20, 1924, ng si Monsignor Guglielmo Piani – ang Espanyol ka kinatawan ni Pope Pius XI sa Pilipinas – ang nanguna sa seremonyas sa Naga City. inihanda ay naglalayong mas makilala pa ang bawat isa at mapaganda ang pakikitungo sa kapwa empleyado, tumutok sa iba’t-ibang kakayahan ng namumuno at pinamumunuan, paano mapabubu ang samahan at ang kahalagahan ng komunikasyon upang makamit ang layunin ng bawa’t isa sa samahan. Sa gabi ng Agosto 18 ang mga empleyado ay binigyan ng oras para magrelax, mag swimming at mag videoke kasama ang kanilang pamilya. Sa pangalawang araw, ang mga bagong empleyado ay ipinakilala sa lahat ng dumalo na sinundan ng swimming at pahinga sa lahat. Sa ginawang pagsusuri sa mga dumalo, ang akbidades ay makabuluhan at napatunayan ang kahalagahan ng TEAM WORK. Sila’y nasiyahan , ilan ang nagmungkahi ng outdoor acvies at marami ang nagsabing sana’y maulit muli. 3rd QUARTER ISSUE SEPTEMBER 2017

Upload: vohanh

Post on 29-Aug-2019

218 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

LPMPC MARKETING- BAHAGI NG SELEBRASYONNI Virgen de Peñafrancia

IMPROVING AND STRENGTHENING STAFF/TEAM PERFORMANCE

Ang taunang “Feast of Feasts,” ang pinakamalaking Marian feast sa bansa, ay nagsimula sa isang makulay na traslación o ang pag -lipat ng imahe ni Our Lady of Peñafrancia galing sa Basilica Minore patungo sa Metropolitan Cathedral para sa siyam (9) na araw na nobena. Ayon sa talaaan ng Simbahan, ang Katedral ay itinayo para sa mga debotong dumadayo tuwing selebrasyon sa Setyembre. Ang tema ngayong taon ay “ Mary Mother of Church, the Communion of Life, Love and Truth in the Tear of the Parish”.

Sa pagdiriwang ng Penafrancia, ang Bicol Travel and Food Expo

Ang pamunuan (BOD, committee) at mga empleyado ay masayang nakilahok sa mga talakayan at aktibidad ng “ Improving and Strengthening Staff/Team Productivity” activity na ginanap sa Paradiso Verde Resort noong Agosto 18 & 19, 2017. Ang layunin nito ay: upang pahalagahan ang samahan (team), malaman ang iba’t-ibang klase at pag-uugali ng isang samahan sa pagkamit ng kanilang adhikain at upang maunawaan na ang pagpapalakas ng isang samahan ay nakasalalay ng isang namumuno. Ito ay masusing pinaghandaan ni G. Gayosa at kanyang mga kasama.

Ilan sa mga aktibidades na

Bevs Medrano

(BITEX) na may temang, “MSME: The Way to Go” ay itinatag ng DA-RFO-5, at naglalayong palawakin ang merkado ng mga magsasakang negosyante. Dumalo ang LPMPC upang ipagmalaki at ipagbili ang ating mga QUEENCH food products: pineapple juice, concentrated juice, jam, jelly at dehydrated pineapple . Ito ay isinagawa noong Setyembre 14-17 sa SM Activity Center.

Nakilahok din tayo sa Camarines Norte’s Finest Food and Craft ng DTI-Camarines Norte sa Robinsons Place Naga City noong Setyembre 12-17, 2017.

Mahigit na 90 taon na ang

nakakaraan ng masaksihan ng mga deboto ang korornasyon ni Virgen de Peñafrancia, na mas lalong kilala na Queen of Bicolandia at Inang Peñafrancia. Ayon sa mga talaan ng Our Lady of Peñafrancia Shrine, ang nasabing koronasyon ay nangyari noong Setyembere 20, 1924, ng si Monsignor Guglielmo Piani – ang Espanyol ka kinatawan ni Pope Pius XI sa Pilipinas – ang nanguna sa seremonyas sa Naga City.

inihanda ay naglalayong mas makilala pa ang bawat isa at mapaganda ang pakikitungo sa kapwa empleyado, tumutok sa iba’t-ibang kakayahan ng namumuno at pinamumunuan, paano mapabubuti ang samahan at ang kahalagahan ng komunikasyon upang makamit ang layunin ng bawa’t isa sa samahan.

Sa gabi ng Agosto 18 ang mga empleyado ay binigyan

ng oras para magrelax, mag swimming at mag videoke kasama ang kanilang pamilya. Sa pangalawang araw, ang mga bagong empleyado ay ipinakilala sa lahat ng dumalo na sinundan ng swimming at pahinga sa lahat.

Sa ginawang pagsusuri sa mga dumalo, ang aktibidades ay makabuluhan at napatunayan ang kahalagahan ng TEAM WORK. Sila’y nasiyahan , ilan

ang nagmungkahi ng outdoor activities at marami ang nagsabing sana’y maulit muli.

3rd QUARTER ISSUE SEPTEMBER 2017

2 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

Kwentong Tagumpay ni Jessica Celorico

CENTER HOUSES SA LPAN- BUNGA NG BAYANIHAN

“Ako si Jessica Celorico 47 taong gulang, may- asawa at nakatira sa Purok 6, Barangay Sta. Cruz Jose Panganiban. Lumipat kami sa lupain ng aking asawa at nagtayo ng bahay noong 2000. Dahil hindi kami nakatapos , pagtatanim ng dalanghita, palay at mais ang aming ikinabubuhay. “

“ Naging myembro ako ng LPMPC taong 2012, at nalaman ko na na hindi tama na may pagkain lang sa araw araw. Ginamit ko ang una kong loan na puhunan sa buy and sell ng

Upang mailapit ng LPMPC Panganiban Branch (LPAN) ang iba’t-ibang serbisyo nito katulad ng financial, economic, at social, minabuti ng pamunuan na magtayo ng mga Center Houses sa mga barangay na sakop nito ng sa gayon ay hindi na dumagdag pa ang kanilang gastusin sa pamasahe sa pagpunta sa opisina ng koop dahilan sa malayo ang kanilang lugar. Ikinunsulta ito at madaling

mga gulay. Binibili ko ang mga produktong gulay sa aming lugar at dinadala ko sa bayan upang ibenta sa palengke. Dito nagsimulang gumanda ang aming buhay.”

“Ako ay nagawaran ng Most Active Member ng Jose Panganiban branch simula noong 2015, naging MIGS at nakakuha ng panibagong loan na naging puhunan sa pagtatanim ng pinya, dalanghita, at palay. Nakapag alaga din kami ng inahing baboy, at naipasemento ang aming Bahay”.

“Sa taong ding ito, nang nalugi kami sa aming pananim dahil sa kakulang ng kaalaman sa pagsasaka. Napag tanto ko ang kahalagahan ng pag-aaral at pagsasanay. Simula noon, ako ay dumalo sa mga pag-sasanay na isinagawa ng LPMPC: pagsasanay sa tamang pagtatanim ng pinya at palay, tamang pag rerecord ng mga nagastos at tamang pag-paplano sa pag-tatanim o tinatawag na “farm planning and

budgeting.” Dahil sa mga pagsasanay na ito at sa tulong rin ng aking asawa, unti unting kaming nakabangon ang aming pagkalugi. “

“Naibenta namin ang mga bunga pinya sa halagang Php 50,000 at Php 20,000 sa 10,000 na suhi sa LPMPC noong 2016. Sa kasalukuyan, ang dalawang ektaryang lupa namin ay may 70,000 na suhi ng pinya. Mayroon na rin kaming magandang bahay at maayos na pamumuhay. Salamat sa LPMPC!”

sinang-ayunan ng mga kasaping nakatira sa lugar na malayo sa opisina.

Ilang alituntunin tungkol sa Center Houses ang ginawa na ibinahagi at ikinunsulta sa mga kasapi. Ilan sa mga ito ay:

• malaking bilang ng mga kasapi sa mga barangay sa malayo sa opisina ng LPMPC Panganiban Branch.

• malapit sa pagkukunan ng mga materyales tulad ng kawayan

• may kasapi na magpapahiram ng loteng pagtatayuan ng Center House.

Ang counter-part ng opisina ay ang pawid, pako, at pintura. Ang ibang materyales naman ay pag-aambag-ambagan ng mga miyembrong kasapi sa nasabing grupo.

Ang mga naunang Center Houses ay itinayo noong 2016 sa Brgy. Gumaus, Paracale at Sitio Pinagkaisahan Brgy. Sta Cruz, Jose Panganiban.

Itinayo ang mga Center Houses-bayanihan style - pagtutulungan ng mga kasapi na nagbigay ng kanilang oras, kagamitan (kahoy, pawid, lupa, etc) katuwang ang mga kawani ng LPAN- isang katibayan ng isa sa mga konsepto ng kooperatiba.

Ang Center House ay nagsisilbing sentro ng mga pagpupulong ng mga kasapi, pagsasanay tulad ng kung paano lumago ang kanilang negosyo na ipinagkakaloob ng kooperatiba sa tulong ng Member Relations Enterprise Development Team (MREDT) at pagtatatag ng samahan ng mga kababaihan at kabataan. Ginaganap din dito ang Pre-Membership Education Seminar (PMES) para sa mga gustong maging kasapi ng kooperatiba.

Ang lupa sa Sitio Pinagkaisahan ay pagmamay-ari ni Gng. Marilyn Nares at naitayo noong Abril, 2016. Si Gng. Cynthia Pajarillano ang may-ari ng lupang kinatatayuan ng Center House sa Brgy. Gumaus at naitayo noong Setyembre 2016.

Ang susunod na Center Houses ay itatayo sa Brgy Larap at Brgy. Gumaus- Center 2.

LPMPC PROGRAMS AND SERVICESA- FINANCIAL SERVICES

1. SAVINGS AND TIME DEPOSIT SERVICES2. LOANS• Non -Agri Loans• Agricultural Loans

B. ECONOMIC SERVICES (AGRI-BUSINESS)• Pineapple Production• Pineapple Fruit Processing• Decorticated Pineapple Fiber Production• Handloom Weaving• Organic Fertilizer Production• Virgin Coconut Oil Production• HandMade Paper Production

C. SOCIAL SERVICES• Insurance (Coop Life Mutual

Benefit Services-CLIMBS)• Mutual Fund(Pagtutulungan sa

Panahon ng Pangangailangan) P4• Scholarship Program• Enterprise and Skill Development

Training• Impok Bahayan Program

D. OTHER SERVICES• Alternative Learning System (ALS)• Training Provider (MREDT)• SSS ALKANSYA BOX

3AsensoLabo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

ANG AKING MAG-AARAL SA ALS

ALS CAMARINES NORTE PAGSASANAY SA PAGGAWA NG HIBLA GAMIT ANG MGA KAMAY

Si Obet ay special child at kabilang sa PWD, 21 taong-gulang at nakapagtapos ng elementarya. Sa kabila ng kanyang kakulangan, masayahin siya at magalang at determinadong makapagtapos.

Sa FLT o Functional Literacy Test, itinanong ko kung bakit nais niyang magpatala sa ALS. Ang tugon niya “ Gusto kong malaman ang maraming bagay”. Sa katanungang kailan siya huminto at bakit. ”2012 po, kasi nanganak si Mama, naghahanap-buhay si Papa , ang kapatid

Ang Pamahalaan ay lumikha ng Alternative Learning System (ALS) para sa lahat ng mga Filipino upang makapag-aral at makakuha ng katibayan ng pagtatapos sa elementarya at sekundarya upangma papaunlad ang kanilang pamumuhay.

Ang Camarines Norte na binubuo ng 282 barangays, ay mayroon lamang 29 na permanenteng ALS Implementers na binubuo ng 14 na District ALS Coordinators at 15 na Mobile Teachers sa kasalukuyan. 112 barangay ang may programa ng ALS na may mahigit limang libong (5,000) mag-aaral

Ang LPMPC ay isa sa mga “service providers” na halos sampung taon (10) na sa paglilingkod sa Labo sa pagbibigay ALS .

Ang ALS-Camarines Norte

Nagbigay ang LPMPC ng pagsasanay sa manwal na paggawa ng hibla galing sa dahon ng pinya sa mga Bihug na mag-aaral ng ALS sa Brgy. Tanauan, Capalonga. Ang nasabing hibla ang pangunahing kailangan sa paggawa ng mga iba’t-ibang produkto ng Formosa Manos: alampay.RTW barong, abaniko at novelty items.

Ang ALS Instructional Manager (IM) ng Brgy. Tanauan, Capalonga ay lumapit sa LPMPC para sa nasabing pagsasanay na mapapagkakitaan at maaaring gawin sa kanilang mga bahay pagkatapos ng klase na katuwang ang kanilang mga pamilya.

Ang pagsasanay ay isinagawa nuong Hulyo 8 sa Brgy. Tanuan at nagresulta sa 200 gramo ng hibla sa loob ng apat (4) na araw na agad na binili ng LPMPC.

Judy Z. Pilleja

Blessilda Panotes

ko ay nag-aaral. Bilang panganay ay responsibilidad ko na alagaan ang aking magulang.”

Sa katanungan sang-ayon ba siya sa kasabihan na “ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay ng isang tao” Oo ang sagot niya. “na hindi dapat hadlangan ng anumang pagsubok na darating sa ating buhay.. Kung madapa, maniwala tayo na may pag-asa na darating sa ating buhay.”

Isa lamang si Obet sa aking mga learners: mga dalaga , binata , nanay at

ay aktibong nakikilahok sa mga pambansa man o parehiyon aktibidad at nakakasungkit ng karangalan. Ilan dito ang National Literacy Award na nakuha ng Daet Camarines Norte na nanguna sa Regional level at nakuha ang pangatlong karangalan sa National level.

Sa nakaraang 14th Regional ALS Encampment , ang Camarines Norte ang nakakuha ng ikatlong karangalan sa buong rehiyon 5. Ilan lamang yan sa mga karangalang nakamit ng probinsya ng Camarines Norte.

Kami ay patuloy na pinapalakas at pinpalawak ang programang ALS sa natitirang 170 barangays ng Camarines Norte.

Sa kasalukuyan, patuloy silang nagha-hand scrape sa kanilang libreng oras.

Ang lugar ay may maraming pananim ng pinya (formosa) ay isa sa mahalagang pangangailangan sa pag-pili ng pook ng pagsasanay.

Isa pang pagsasanay ang ginawa sa mga mag-aaral at sa pamunuan ng Brgy. San Jose, San Vicente na marami ring taniman ng pinya.

Sa pamamagitan ng IM at matapos ilahad sa mga mag-aaral at pamunuan, isinagawa ang pagsasanay noong Agosto 5. Ito ay dinaluhan ng 36 na mag-aaral, pamunuan ng ALS at ng Brgy. San Jose.

Dalawang grupo ang nabubuo at masusing ginagabayan ng IM at Handloom Coordinator ang kanilang mga plano.

ang aking mga lola-learners. Sabi nga ni Lola Senyang, isang learner ko na 69 na taong-gulang na, ”Sa tagal kong natigil sa pag-aaral, kahit ang simpleng pagsusulat ng pangalan ko ay napakahirap na para sa akin. Pero dahil sa ALS, nasanay akong muli sa pagsusulat, natutong magbilang at magbasa ng English.”

Nakikita ko ang pag-asa ng mga learners sa pamamagitan ng programa: maiahon ang kanilang mga sarili at mabago ang kasalukuyan nilang estado sa buhay. Masaya ako na ako’y bahagi sa pagbuo ng kanilang mga pangarap sa pammagitan ng ALS.

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

Makabagong Kaalaman sa Likas Kayang Pagsasaka: Enabling Rural Innovation (ERI)Long Season Training Cum Trias-Bicol Partners Learning Visit

Makabagong Kaalaman sa Likas Kayang Pagsasaka: Enabling Rural Innovation (ERI)Long Season Training Cum Trias-Bicol Partners Learning Visit

Ang ikalawang pangkat ng mag-aaral mula sa pangunahing benepisyaryo ng TRIAS, ay muling nagsagawa ng isang aktibidad na pangteknolohiya sa pamamagitan ng isang Lakbay-Aral. Ito isinagawa noong Agosto 17-20, 2017 na dinaluhan ng 18 katao mula sa apat (4) na grupo ng kooperatiba ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (3pax), Bicol Federation of Dairy Cooperative (2pax), Camarines Norte Federation of Cooperatives (2pax), Tao Kalikasan Foundation of the Philippines Inc. (3pax) at Gng. Fely Justiniana ng TRIAS.

Binisita ng grupo ang mga lugar

Ikalawang taon ng paghamon sa ating kakayanan, kaugnay ng produksyon ng hibla mula sa dahon ng pinya ang kinakaharap ngayon ng LPMPC. Sa kasalukuyang taon, nasa 36 na tonelada ng fiber ang kinakailangan ng Ananas Anam ng London, England upang magamit na materyales sa paggawa ng kanilang “ Pinatex Products”.

Sa panulat ni : Pagutpot

Sa panulat ni : Pagutpot

4 Asenso Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative Newsletter

A.M.S. PRESSNAGA-DAET-LEGAZPI

sa lalawigan ng Quezon at Batangas na may proyekto sa pagsasaka na kaugnay ng “ crop diversification”, “integrated farming”, at “perma-culture systems”. Ito ay bahagi ng ikalawang modyul ng “Agricultural Market Research” na may layuning aktwal na pagdidisenyo ng lupang sakahan, pagsasapamilihan ng produkto, kaalamang teknikal batay sa tamang gamit ng lupa at angkop na pananim sa isang lugar, at plano sa pagsasaka o “ farm planning and budgeting”.

Ang mga binisita ay ang: a) Glinoga Farm, pag-aari ni Gng. Ninievah Glinoga sa Pitogo, Quezon sakahan na may “native pigs”, native

chicken, at kamote habang gumagawa ng natural na pakain; b) Villegas Organic and Hobby Farm, ni G. Pablo Villegas at c) Vilelas Farm, ni Maila Vilela Toreja, blue ternate, sa Malvar, Batangas, “coconut-banana farming, free range chicken at Herbs”; paminta at kape.

Kaugnay ng aktibidad na ito, ang bawat benepisyaryo ng Lakbay Pagsasanay ay kinakailangan magkaroon ng “ field experiment” patungkol sa bawat produktong agrikultural na napili ng bawat organisasyon.

Kasunod nito ang “learning session” na isinagawa bilang

pagbabalangkas ng plano noong Agosto 30-31, 2017. Napili ang lupang sakahan ni Gng. Loryn N. Raro, Brgy Iberica, Labo, multi-intercropping (banana,pineapple, rootcrops and other vegetables); Gng. Rosalina Malubay, Brgy. Mabilo I, Labo-“permaculture farming system with coconut and pineapple”; Gng. Ma. Socorro O. Ricafrente, Brgy. San Jose, San Vicente (coconut, pineapple, banana, camote). Ang mga nabanggit na lupang sakahan ay isasailalim sa pag-aaral at pagkalap ng datos na kailangan sa Long Season Training na ito.

Ilan sa mga manggawa-kamay ari ng ating produktong hibla mula sa dahon ng pinya, ng Brgy. Fabrica, San Vicente, Camarines Norte.

Ang mga manggawa ng LPMPC Deco Center.

Binisita rin ang ating kooperatiba nina Bb. Meg Montes, Operations Manager mula sa Ananas Anam, London, England na isa ring Filipina

mula sa lalawigan ng Ilo-ilo, G. Chuck Lazaro, owner Asia Textile Corporation Filipino Investor at Ananas Anam Counterpart partner noong ika-22-23, Agosto, 2017. Nais nilang alamin ang datos na may kinalaman sa operasyon ng hibla mula sa pinya ng ating kooperatiba.

Makikita sa larawan sina Bb. Meg Monte, Annas Anam Operations Manager at LPMPC Staff at GM Mario M. Espeso kasama si Gng. Lisa Sarical TIDS ng DTI-Camarines Norte.

EDITORIAL STAFFEditor in Chief

MERLIN S. ESPESOAsst. Editor in Chief

BEVERLY S. MEDRANOContributors

SANNY A. AQUINOREY ULYSSES L. DIMAANO

RAMIL VILLAFLORESJASLOR B. LAVIÑA

JUDY Z. PILLEJABLESSILDA PANOTES

Layout Artist and DesignsJANICE B. PARDO

Patuloy ang panawagan ng LPMPC sa partisipasyon ng bawat kamay-ari na makilahok sa proyektong ito, maaaring sila ay mula sa mga magsasaka ng

pinya na suplayer ng dahon ng pinya, mga manggagawa ng hibla, decorticator o indibwal na mag-aani ng dahon. Ang bawat kilo ng tuyong hibla ng pinya ay bibilhin ng kooperatiba sa halagang dalawan-daang piso (Php 200.00) bawat kilo.

Kaugnay pa rin nito ang sinumang interesadong indibidwal ay maaaring pahiramin ng makinarya at libreng pagsasanay sa paggawa nito. Mangyari lamang pong makipag-ugnayan sa alin mang sangay ng ating kooperatiba. (Labo Branch, Panganiban, Capalonga at Daet).