5 - ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

Upload: greg-vargas-beloro

Post on 12-Feb-2018

399 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    1/9

    Baitang 5

    IBAT-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/

    PAGSULAT NG BALITA

    May tatlong aspekto ng pandiwa. Alam kong napag-aralan mo na ang mga ito.

    Pag-usapan nating muli bilang paghahanda sa mga susunod na aralin.

    Ang aspektong pangnagdaan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyari o naganapna.

    Hal. Si Ramon ay nagkasakit ng tuberculosis.

    Ang aspektong pangkasalukuyan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyayari onagaganap.

    Hal. Siya ay nagpapagamot sa Ospital ng Maynila.

    Ang aspektong panghinaharap ng pandiwa ay kilos o galaw na hindi panangyayari o nagaganap.

    Hal. Iinom siya ng gamot at kakain ng masusustansyang pagkain upanggumaling sa kanyang karamdaman.

    Subukin natin ang iyong kakayahan sa pagkilala ng mga pandiwa sa ibat ibang aspekto.

    Pagbalik-aralan Mo

    Narito na naman ako upang samahan ka sa iyong pag-aaral upang

    sa katapusan ng modyul na ito ikaw ay inaasahang

    Makagagamit ngpandiwa sa ibat ibang aspekto nitoNakasusulat ng maikling balita tungkol sa pangyayaring

    nagaganap sa paligid

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    2/9

    2

    Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang pandiwa at isulat ang

    aspekto nito.

    1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.

    2. Lumutang sa tubig-baha ang mga plastic at iba pang basura.

    3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig-ulan.

    4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.

    5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi makaabala sa

    lansangan.

    6. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao.

    7. Ang mga taong nalubog sa tubig-baha ang mga tahanan ay isinasakay sa baha.

    8. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na paglilipatan sa mgataong nasalanta ng bagyo.

    9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga biktima ng kalamidad.

    10.Ang ibat ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa

    mga biktima.

    Pandiwa Aspekto

    1. -

    2. -

    3. -

    4. -

    5. -

    6. -

    7. -

    8. -

    9. -

    10. -

    Iwasto mo ang iyong mga sagot.

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    3/9

    3

    Basahin ang kuwento.

    Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral.

    Ngayon ay handa ka na sa ating aralin. Basahin ang usapan.

    Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

    1. Ano ang nabasa ni Mon sa pahayagan?

    2. Ano ang epekto ng malawakang pagputol ng mga puno?

    3.

    Paano maiiwasan ang mga kalamidad na dulot nito?4. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran?

    Hindi lamang malawakang pagputol ng mga punungkahoy ang sanhi ng pagbaha. Paano

    ka makakatulong upang maiwasan ang mga kalamidad na dulot ng kalikasan?

    Pag-aralan Mo

    Pangalagaan ang Kapaligiran

    Julie: Mon, nabalitaan mo ba na pinayagang muli ng DENR ang pagtotroso

    sa ibang lugar ng bansa?Mon: Nabasa ko nga sa isang kolum ng pahayagan. Kaya nga laganap na

    naman daw ang pagtotroso sa mga lugar na iyon.Julie: Libo-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.Mon: Hindi ba nila nauunawaan ang epekto ng pagpuputol ng puno sa

    kabundukan? Wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mga

    kabundukan tuwing uulan. Aagos ang tubig sa mababang lugar attiyak na babaha sa kapatagan.

    Julie: Maaaring mangyari sa atin ang naganap sa Quezon, Aurora at Nueva

    Ecija, di ba?

    Mon: Oo,at hindi lamang tubig ang darating sa atin. Maging putik at batoay dadaloy sa ating pamayanan.

    Julie: Tama ka. Maiiwasan ito kung tayo ay magtutulungan.

    Mon: Sige, tutulong ako. Magtatanim ako ng mga punungkahoy.Julie: Tinutulungan ko si Tatay sa kanyang mga itatanim na puno.

    Dinidiligan ko ang mga ito araw-araw. Babakuran ni kuya ang mga

    ito.

    Mon: Mabuti yan, gagaya na ako sa iyo. Siguro gagaya na rin ang ibanatin kama -aral.

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    4/9

    4

    Basahin mong muli ang mga pangungusap na hango sa usapan.

    Pansinin ang mga pandiwang ginamit at ang aspekto ng mga ito.

    1. Nabalitaan mo ba na ibinalik na ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar sabansa?

    2. Nabasa ko nga sa isang kolum sa pahayagan.

    3. Libu-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.4. Hindi ba nila nauunawaan na kapag ang mga puno sa kabundukan ay naputol,

    wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mga kabundukan tuwing uulan.

    5. Aagos ang tubig sa mababang lugar sa kapatagan at tiyak na babaha.

    Itala sa iyong sagutang papel ang mga pandiwa at isulat ang aspekto ng mga ito.

    Pandiwa Aspekto

    __________________ __________________

    __________________ ____________________________________ __________________

    __________________ __________________

    __________________ ____________________________________ __________________

    Maaari ba nating gamitin sa pagsasalaysay ang ibat ibang aspekto ng pandiwa?

    Wasto bang lahat ang iyong sagot? Alam kong kayang-kaya mo ito. Bukod sapagsasalaysay, magagamit ba natin ang ibat ibang aspekto ng pandiwa sa pagsulat ng

    balita? Oo, maaari rin nating magamit ang mga ito, di ba?

    Magagamit ang ibat ibang aspekto ng pandiwa sa pagsulat ng balita at pagsasalaysay.

    Isaisip Mo

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    5/9

    5

    Pera sa Basura

    Patuloy na namumulot ng basura para may ikabuhay ang ilang residente ang

    Barangay Cyterus, San Jose Del Monte City, Bulacan sa ginawang dumpsite.

    Hindi naman alintana ng mga residente ang nakaambang panganib sa kanilangkalusugan.

    Tingnan mo ngayon kung makabubuo ka ng mga pandiwa sa ibat ibang aspekto.

    Gamitin ang balangkas na inihanda upang magkaroon ng patnubay sa pagsulat.Maaari kang magdagdag ng iba pang kaisipang kaugnay sa paksa.

    Pagsanayan Mo

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    6/9

    6

    itinapon sa lansangan basurang pakikinabangan

    maaaring ipagbili

    karaniwang

    nakikita maganda

    at malinis nataong hindi nagmamalasakit kapaligiran

    mapananatili natin ang kalinisan

    mapapanatili natin ang kagandahan ng paligid

    Isulat mo ang iyong talata sa iyong sagutang papel.

    ________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    ________________________________________________________________

    __________________________________.

    Pera sa Basura

    Bawat isa sa atin ay naghahangad na makapamuhay sa isang maganda at malinis

    na kapaligiran. Makakamit natin ito kung tayo ay magtutulung-tulong magsinopng ating mga basura. Ang mga basurang karaniwang nakikita sa mga lansangan

    ang nagpapapangit sa ating kapaligiran. Alam mo ba na maaaring ipagbili ang

    mga basurang itinapon sa lansangan? Kung puputulin o itatabi ang mga basurangpakikinabangan pa, nakatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating

    paligid. Bukod dito, maaari pang pagkakitaan ang mga basura.

    Basura

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    7/9

    7

    Nakasulat ka ba ng talata tulad ng aking isinulat? Ngayon, handa ka na ba sa

    ating pangwakas sa gawain?

    Tingnan ang larawan. Sumulat ng isang balita tungkol dito.

    Subukin ang sarili

    Dahil sa matinding init ng panahon, hindi na alintana ng mga batang ito ang

    masamang maaaring maidulot sa kanilang kalusugan ng maruming tubig sa

    Navotas.

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    8/9

    8

    Narito ang ilang katanungan na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng balita.

    1. Ano ang kalagayan ng ilog?

    2. Bakit naging marumi ang ilog?3. Ano ang masamang epekto ng maruming tubig sa mga isda at sa kalusugan ng

    mga batang naliligo?

  • 7/23/2019 5 - Ibat-ibang aspekto ng pandiwa pagsulat ng balita1 (1).pdf

    9/9

    9

    Natutuwa ako at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito.

    Inaasahan kong natutuhan mo ang mga kasanayang nakapaloob dito.

    Ipagpatuloy ang pag-aaral sa susunod na modyul