56786191 silabus 1st grad fil iii

8
Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Pampangasiwaang Rehiyon ng Caraga Sangay ng Lungsod ng Surigao CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL San Juan, Lungsod ng Surigao Silabus sa Filipino III Taung Panuruan 2011-2012 40 minuto/araw I. Paglalarawan sa Kurso Ang Filipino III ay nakapokus sa pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikang nakasalin sa Filipino partikular na ang sa lokal, rehyunal, nasyunal at Asyanong akda. Inihanda ang silabus na ito upang malinang at mahasa ang kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng mga akda ayon sa pamantayan,teorya at simulaing nakapaloob nito. Ang silabus ding ito ay magsisilbing gabay sa guro ng Filipino III ng Paaralang Pansekundaryang Pang-agham ng Rehiyong Caraga. Kinapalolooban din ito ng paglinang sa pagsulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyor sa iba’t ibang uri ng komposisyon at malikahaing pagsulat na pagtutuunan ng isang linggong sesyon sa bawat markahan. Bibigyan pansin sa taong ito ang Noli Me Tangere na nilalaanan ng dalawang linggong sesyon sa bawat markahan. Mithiin din nito ang paunlararin at pagyamanin ang kalinangan at makatutulong sa pansarili at sa pambansang kaunlaran. II. Panlahat na Layunin (Unang Markahan): Pagkatapos ng Unang Markahan, ang Sekundaryang Filipino ay naglalayong matugunan ng mga hinihinging pangangailangan sa mga paksa, kaya ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Pagsusuring Panlinggwistika a. Nasusuri ang mga elementong ponemiko sa akda bilang sangkap sa mabisang pagkakabuo 2. Pagsusuring Nilalaman a. Nasusuri ang akda batay sa mga nais sabihin nito. b. Nabibigyang-reaksyon ang pagkakabuo ng akda batay sa mga kaisipan/ideya c. Nakapag-uugnay ng mga tiyak na karanasan sa akda d. Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda 3. Pagsusuring Pampanitikan a. Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng panitikan sa pagsusuri sa akda b. Nasusuri ang kabisaan ng akda batay c. Nailalapat ang iba’t ibang pananaw alinsunod sa tiyak na teoryang pampanitikan III. Nilalaman ng Kurso Unang Markahan Mga Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Akdang Pampanitikan 1. Elemento – Tula 2. Paraan ng Paglalahad – Sanaysay 3. Kombensyon – Dula 4. Istruktura – Nobela 5. Uri – Maikling Kwento 6. Tungkulin – Iskrip ng Dulang Pampelikula 7. Kalikasan – Maikling Kwento B. Noli Me Tangere 8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela 9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela C. Aralin sa Pagsulat 10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon - Liham-Paanyaya sa Isang Panauhing Tagapanayam Ikalawang Markahan A. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan 1. Batay sa Teoryang Imahismo – Tula 2. Batay sa Teoryang Klasisismo – Dula 3. Batay sa Teoryang Klasisismo – Buod ng Nobela 4. Batay sa Teoryang Romantesismo – Tula

Upload: chel101

Post on 19-Jan-2016

192 views

Category:

Documents


10 download

DESCRIPTION

silabus

TRANSCRIPT

Page 1: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

Republika ng PilipinasKagawaran ng Edukasyon

Pampangasiwaang Rehiyon ng CaragaSangay ng Lungsod ng Surigao

CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLSan Juan, Lungsod ng Surigao

Silabus sa Filipino IIITaung Panuruan 2011-2012

40 minuto/araw

I. Paglalarawan sa Kurso

Ang Filipino III ay nakapokus sa pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikang nakasalin sa Filipino partikular na ang sa lokal, rehyunal, nasyunal at Asyanong akda. Inihanda ang silabus na ito upang malinang at mahasa ang kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng mga akda ayon sa pamantayan,teorya at simulaing nakapaloob nito.

Ang silabus ding ito ay magsisilbing gabay sa guro ng Filipino III ng Paaralang Pansekundaryang Pang-agham ng Rehiyong Caraga. Kinapalolooban din ito ng paglinang sa pagsulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyor sa iba’t ibang uri ng komposisyon at malikahaing pagsulat na pagtutuunan ng isang linggong sesyon sa bawat markahan. Bibigyan pansin sa taong ito ang Noli Me Tangere na nilalaanan ng dalawang linggong sesyon sa bawat markahan.

Mithiin din nito ang paunlararin at pagyamanin ang kalinangan at makatutulong sa pansarili at sa pambansang kaunlaran.

II. Panlahat na Layunin (Unang Markahan):

Pagkatapos ng Unang Markahan, ang Sekundaryang Filipino ay naglalayong matugunan ng mga hinihinging pangangailangan sa mga paksa, kaya ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Pagsusuring Panlinggwistika

a. Nasusuri ang mga elementong ponemiko sa akda bilang sangkap sa mabisang pagkakabuo

2. Pagsusuring Nilalamana. Nasusuri ang akda batay sa mga nais sabihin nito.b. Nabibigyang-reaksyon ang pagkakabuo ng akda batay sa mga

kaisipan/ideyac. Nakapag-uugnay ng mga tiyak na karanasan sa akdad. Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda

3. Pagsusuring Pampanitikana. Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng panitikan

sa pagsusuri sa akdab. Nasusuri ang kabisaan ng akda batayc. Nailalapat ang iba’t ibang pananaw alinsunod sa tiyak na teoryang

pampanitikan

III. Nilalaman ng KursoUnang Markahan Mga Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Akdang Pampanitikan

1. Elemento – Tula2. Paraan ng Paglalahad – Sanaysay3. Kombensyon – Dula4. Istruktura – Nobela5. Uri – Maikling Kwento6. Tungkulin – Iskrip ng Dulang Pampelikula7. Kalikasan – Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan nito Bilang Isang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon

- Liham-Paanyaya sa Isang Panauhing Tagapanayam

Ikalawang MarkahanA. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan

1. Batay sa Teoryang Imahismo – Tula2. Batay sa Teoryang Klasisismo – Dula3. Batay sa Teoryang Klasisismo – Buod ng Nobela4. Batay sa Teoryang Romantesismo – Tula

Page 2: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

5. Batay sa Teoryang Romantesismo – Maikling Kwento6. Batay sa Teoryang Humanismo – Sanaysay7. Batay sa Teoryang Esksistensyalismo – Maikling KwentoNoli Me Tangere8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

B. Aralin sa Pagsulat10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon

- Pagbubuo ng Bibliyograpi

Ikatlong MarkahanA. Pagbasa at Pagpapahalagang Pampanitikan

1. Batay sa Teoryang Humanismo – Tula2. Batay sa Teoryang Formalismo – Tula3. Batay sa Teoryang Formalismo – Maikling Kwento4. Batay sa Teoryang Eksistensyalismo - Buod ng Nobela5. Batay sa Teoryang Eksistensyalismo – Dula6. Batay sa Teoryang Naturalismo – Maikling Kwento7. Batay sa Teoryang Dekonstruksyon – Maikling Kwento

B. Noli Me Tangere8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela

C. Aralin sa Pagsulat10. Malikhaing Pagsulat ng Isang Komposisyon

- Pagsulat ng Buod ng Isang Binasa

Ikaapat na MarkahanPagbasa at Pagpapahalaga sa Akdang Pampantikan1. Batay sa mga Arketayp – Buod ng Nobela2. Batay sa Bayograpikal na Basa – Tula3. Batay sa Sosyolohikal na Pananaw – Dula4. Batay sa Pagka-Feminismo – Maikling Kwento5. Batay sa saykolohikal na Basa – Iskrip ng Pelikula6. Batay sa Pagdedekonstrak – Sanaysay7. Batay sa Pagka-markismo – Maiklign KwentoNoli Me Tangere8. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang Nobela9. Pagsusuri sa Pagkapanitikan Bilang NobelaAralin sa Pagsulat10. Malikhaing Pagsulat ng Komposisyon

- Pagsulat ng Isang Rebyu

IV. SanggunianA. Batayang Aklat

Sandigan IIIVillafuere, et.al. Sigay III, Vibal Publishing House, Inc. 2000Noli Me Tangere

B. Ibang AklatTimbulan IIIWika at Panitikan III

C. Web sitehttp://mamsha.tripod.com/id45.htmlhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikanhttp://www.joserizal.ph/no03.html

V. Batayan sa Pagmamarka/RubrikA. Markahan

MarkahangPagsusulit..……… 25%Interaksyong Pangklase …… 25%Pagtataya sa mga Nagawa….. 25%

(Pagsasatao,Panggagagad, Pagkikipagtalo, Pangangatwiran, Dagliang Pagtatalumpati, Pag-uulat, Pangkatang talakayan)

Pagsulat ng Komposisyon..… 10%

- Nilalaman - Pamamaraan

Lingguhang Awtput na Pasulat. 15%

100%

Page 3: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

B. Lingguhang AwtputPagsulat ng Komposisyon http://xuhsfilipino.multiply.com/journal/item/10

C. Pangkatang AwtputPanunuring Pampelikula http://xuhsfilipino.multiply.com/journal/item/9Pag-uulat sa Kabanata ng Noli http://xuhsfilipino.multiply.com/journal/item/11

VI. Inaasahang Awtput/Proyekto*Flip Top (Calendar Style) Isang Awtor kada pangkat na nilalahad ang mga akdang naisulat. Isang halimbawa kada genre kung meron at susuriin ayon sa elemento, sangkap, istruktura at iba pa.

VII. Inaasahang Gawain Pagsulat ng Komposisyon (isang awtput kada linggo)Pag-uulat sa bawat kabanataMaikling Dula

Page 4: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

Republika ng PilipinasKagawaran ng Edukasyon

Pampangasiwaang Rehiyon ng CaragaSangay ng Lungsod ng Surigao

CARAGA REGIONAL SCIENCE HIGH SCHOOLSan Juan, Lungsod ng Surigao

Modyul ng Pagkatuto sa Filipino IIITaung Panuruan 2011-2012

40 minuto/araw

I. Balangkas ng Nilalaman

Paksa Nilalaman Akda Gawain Bilang ng Araw

Oryentasyon Mga Dapat Talakayin at mga Kakailanganin sa Filipino III

Proyektong mabubuo matapos ang unang markahan.

2 Araw

Pagmamahal sa Wika

Elemento ng Tula

http://filipino-tula.blogspot.com/2010/06/elemento-ng-tula.htmlhttp://teksbok.blogspot.com/2010/09/mga-elemento-ng-tula.html

Sa Aking mga Kabata ni Jose P. Rizal

Pangkatan: Imagery & Recitation Word Network Walk About Interpretation: *Pagguhit *Tableau *Jingle *Compare & Contrast *T-ChartIsahan: 3 saknong tula Pagmamahal at Wika

4 Araw

Paggalang sa Damdamin ng iba

Paraan ng Paglalahad

http://mamsha.tripod.com/id45.html

Ang Pag-ibig (Sanaysay)Ni Emilio Jacinto

Pangkatan: Interpretation(symbol) Akrostik Dugtungang Awit Venn Diagram(Compare) Pagbuo ng Islogan/ Kasabihan/salawikaanIsahan: 3 talatang sanaysay *Ang Tunay na Pag-ibig

4 Araw

Mabuting Pagpapahayag

Kombensyon ng Dula

http://www.scribd.com/doc/42456353/Dula-PPT

Moses, Moses ni Rogelio Sikat

Pangkatan: Dugtungang Monolog Dulang Panradyo Story Grammar Read, Re-enact, ReactIsahan: 3 talatang komposisyon Pagsulat ng Monolog/ Aside/ Soliloque

4 Araw

Mapanuring Paghuhusga

Istruktura ng Nobela

http://teksbok.blogspot.com/search/label/Ang%20Nobela

Luha ng BuwayaNi Amado Hernandez

Pangkatan: Pagbubuod Story Ladder Paghahambing *Pagsasatao *Talahanayan *PagguhitIsahan: 3 talatang Pagsusuri (Pagkapareho ng dalawang akda)

4 Araw

Pagbibigay-katwiran

Banghay ng Kuwento

http://teksbok.blogspot.com/2010/08/bahagi-ng-maikling-kwento.html

Walang Panginoon ni Deogracias Rosario

Pangkatan: Symbol Meaning Tech. Eye Witness Balita Story Map Linear Chart Concept Organizer

4 Araw

Page 5: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

Tree Map GridIsahan: Pagwawakas ng Kuwento

Tungkulin ng Panitikan

Dulang Pampelikula

http://www.slideshare.net/vangiea/mga-sangkap-ng-pelikula

Jaguar Pangkatan: Madulang pagbabasa Panonood ng pelikula Pagsusuri ng pelikula

4 Araw

Pagiging Magalang

Malikhaing Pagsulat Liham Paanyaya sa Isang Tagapanayam

Pangkatan: Paghuhula Talakayan Pagsusulat ng LihamIsahan: Liham-Paanyaya

4 Araw

Noli Me Tangere

http://www.joserizal.ph/no03.html

Kabanata 1-10 Pangkatan: KWL Chart Diskasyon Maikling Dula sa bawat kabanata

10 Araw

Pagbuo ng proyekto

Isang Manunulat kada pangkat

2 Araw

Pagpasa ng proyekto

Bago ang Pagsusulit

II. Mga Pamantayan sa Pagmamarka / Rubrik

Pagsulat ng komposisyon:

Page 6: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

Panunuring Pampelikula

DIMENSYON MAHUSAY8-10 puntos

KATAMTAMAN5-7 puntos

MAHINA1-4 puntos

Puntos

PAGKASULAT Walang maling pang-gramatika at mahusay

at malikhain ang paggamit ng mga salita.

Walang maling panggramatika

Hindi nakikitaan ng kalinawan sa

pagpapahayag ng kaisipan.

NILALAMANNakikitaan ng mahusay

na pagka-unawa sa pelikulang napanood batay sa panunuring

ginawa na nakapupukaw ng

interes ng mambabasa.

Kompleto ang mga impormasyong

ipinahayag.

Iilan lamang ang mga impormasyong ibinigay.

Katergorya Pinaka-mahusay4 puntos

mahusay3 puntos

Maayos2 puntos

Pasimula1 punto

Iskor

Panimula Ang panimulang talata

ay nakatatawag pansin at angkop sa mga mambabasa. Maaaring gumamit ng mahusay na kasabihan, anekdota, katanungan o isang nakatatawag pansin na pahayag.

Ang panimulang talata ay gumamit ng kasabihan/anekdota /katanungan o pahayag ngunit hindi nakatatawag pansin.

Sinubukanng bigyan ng may-akda ng mahusay na panimula ngunit walang koneksyon sa paksang tinalakay

Hindi maganda ang panimula at walang kaugnayan sa paksang tinalakay.

Pagkasunud-sunod ng Kaisipang inilahad

Malinaw ang pagkasunud-sunod ng punto at paliwanag na madaling maunawan at nakaaaliw basahin.

Hindi gaanong malinaw ang pagkasunud-sunod ng punto.

Hindi maayos ang pagkasunud-sunod ng mga punto na halos hindi na mauunawaan ang puntong ipinababatid.

Nakalilito at walang kaayusan sa pagkasunud-sunod ng mga puntong inilahad.

Kaangkupan ng paliwanag sa paksa

Lahat ng paliwanag ay angkop, mahalaga at mahusay na nailahad na sumusuporta sa paksang tinatalakay .

Karamihan sa mga paliwanag at halimbawang ibinigay ay angkop at mahalaga sa paksang tinalakay.

May isang paliwanag na sumusuporta sa posisyon ng manunulat sa paksang tinalakay.

Lahat ng paliwanag ay hindi angkop sa paksang tinalakay.

Pagkabuo ng pangungusap, baybay, grammar, gamit ng malaking titik at bantas

Lahat ng pangungusap ay mahusay na nabuo gamit ang iba’t ibang anyo at uri ng pangungusap.

Karamihan sa mga pangungusap ay maayos na nabuo.

Maraming pangungusap na hindi mahusay o maayos ang pagkabuo.May mga mali sa grammar at baybay.

Lahat ng pangungusap ay hindi maayos ang pagkabuo. May maraming mali sa baybay, bantas etc.

Wakas Ang panwakas na

talata ay nakatatawag pansin at angkop sa mga mambabasa. Maaaring gumamit ng mahusay na kasabihan, anekdota, katanungan o isang nakatatawag pansin na pahayag.

gumamit ng kasabihan/anekdota /katanungan o pahayag ngunit hindi nakatatawag pansin.

Sinubukanng bigyan ng may-akda ng mahusay na wakas walang koneksyon sa paksang tinalakay.

Hindi maganda ang wakas at walang kaugnayan sa paksang tinalakay.

Kabuuan

Page 7: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III

ORGANISASYONMahusay at mabisa ang pagkasunud-sunod ng

mga detalyeng inalahad sa panunuri.

Maayos na nasunud-sunod ang mga

pangyayari.

Hindi malinaw at walang kaugnayan ang mga detalyeng inilahad sa

panunuri.

PAG-UNAWA SA TEORYANG REALISMO

Mahusay at malinaw na naisa-isa ang mga

bahagi ng pelikula na nagpapakita ng

paggamit ng teoryang realismo

Naipaliwanag ang paggamit ng teoryang

realismo sa malawakang (broad) panunuri.

Hindi malinaw ang pagka-unawa.

KALINISAN Mahusay at malinis ang pagkasulat ng panunuri.

Malinis ang pagkasulat ng panunuri.

Marumi at nakikitaan ng pagmamadali sa

ginawang panunuri.

KABUUAN

Pag-uulat ng Kabanata sa Noli Me Tangere

Dimensyon Pinakamahusay4 puntos

Mahusay3 puntos

Katamtaman2 pts

Nangangailangan ng Pagpapabuti

1 puntos

Talasalitaan Malinaw na malinaw, napakahusay at malikhain ang

paghahawan ng sagabal.

May isa o dalawang salita na hindi malinaw ang

pagpapaka-hulugan.

May tatlo o apat na mga salitang hindi malinaw ang pagpapakahulugan at may

kunting kakulangan sa pagkamalikhain.

Hindi malinaw, hindi maayos ang ginawang

aktibiti/Gawain.

Nilalaman at Paggamit ng

Graphic Organizers

Napakahusay ng napili at paggamit ng

mga graphic organizers sa

paglalahad ng buod, simbolismo o

kaisipan at mga aral ng bawat kabanata.

Mahusay ang paggamit ngunit

may isa o dalawang kahinaan sa paggamit nito.

May tatlo o apat na kahinaan sa paggamit ng

graphic organizers

Hindi angkop at hindi nakatulong ang

ginamit na graphic organizers.

Paglalahad Mabisa, maayos at malinaw ang

pagkalahad ng impormasyon.

Maayos ang pagkalahad ng impormasyon.

Nakikitaan ng tatlo o apat na hindi

magkakaugnay/maayos na paglalahad ng

impormasyon.

Hindi malinaw at walang kaugnayan

ang mga inilalahad sa paksang tinatalakay.

Pagkamalikhain Napakahusay, nakahihikayat,

malinis at malinaw ang mga ginamit na kagamitan o visual

aids.

Mahusay ang visual aid na

ginamit ngunit may isa o dalawa na hindi angkop.

Hindi gaanong malinis at maayos ang pagkakasulat

at pagkagawa ng visual aids.

Walang ginamit na visual aid.

Kabuuan Iskor

Page 8: 56786191 Silabus 1st Grad Fil III