62734909 periodic test in epp

15
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP V SY: 2015-2016 PANGALAN: _____________________________PETSA: _________________ ISKOR: ________________ PANUTO: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon o tanong. Pilliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa inyong sagutang papel. 1. Kung tayo’y naliligo, kailangang kuskusin ang buong katawan upang maalis ang dumi o libag. Alin sa mga ito ang maaaring gamitin? A. Sabon B. Tuwalya C. bimpo D. bato 2. Upang malinis ng husto ang inyong mga ngipin, kailangang sipilyuhin ang mga ito. Paano ang tamang paghagod ng sipilyo? A. Paikot-ikot C. pakaliwa-pakanan B. Pataas-pababa D. papasok-palabas 3. Ang mga sumusunod ay kasangkapan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili. Alin sa mga ito ang kailangan upang maging malambot, makintab at madulas ang buhok? A. Sabon B. Bimpo C. langis D. shampoo 4. May mga paraan upang tayo’y maging malusog at may maayos na pangangatawan. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin? A. Maligo isang beses isang lingo C. Kumain ng marami hanggang gusto B. Uminom ng softdrinks kapag nauuhaw D. Kumain ng tama araw-araw at mag ehersisyo 5. Alin ang tamang paraan ng paggupit ng kuko? A. Gupitin ng tuwid C. Gupitin ng patatsulok B. Sundin ang hugis ng daliri D. Gupitin ng paliko-liko 6. Si Gng. Villarey ay principal ng bayan, alin kaya sa mga kasuotang ito ang gagamitin niya sa paaralan? A. Kaswal C. t-shirt B. Daster D. uniporme 7. Pagkagaling sa paaralan, nagbihis ng damit si Leo. Saan niya dapat ilagay ang unipormeng hinubad? A. Sa ibabaw ng upuan C. isabit sa hanger B. Sa ibabaw ng kama D.isabit sa pako 8. Napunit ng bahagya ang blusa ni Shaira. Ano ang dapat niyang gawin? A. Lagyan ng aspili ang bahaging napunit C. Ipamigay sa kapitbahay ang blusa B. Itago na muna ang damit n napunit D. Sulsihin ang bahaging napunit 9. Itutupi ko ang laylayan ng aking palda. Ibig kong matiyak na pantay ang aking pagtutupi. Ano ang kailangan kong gawin? A. Iaspili ang lahat ng tupi C. ihihilbana muna ang laylayan B. Lilipan agad ang laylayan D. guguhitan muna ang bahaging lilipan 10. Habang naghahanda sa pagpasok si Cyrus, napansin niya kakaunti na lang ang sinulid na nakakabit sa butones ng paha sa uniporme. Ano ang dapat gawin? A. Itahi na muli ang butones C. ikabit ng aspili ang butones

Upload: secret

Post on 05-Jan-2016

150 views

Category:

Documents


2 download

DESCRIPTION

secret

TRANSCRIPT

Page 1: 62734909 Periodic Test in EPP

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP VSY: 2015-2016

PANGALAN: _____________________________PETSA: _________________ ISKOR: ________________

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon o tanong. Pilliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa inyong sagutang papel.

1. Kung tayo’y naliligo, kailangang kuskusin ang buong katawan upang maalis ang dumi o libag. Alin sa mga ito ang maaaring gamitin?A. Sabon B. Tuwalya C. bimpo D. bato

2. Upang malinis ng husto ang inyong mga ngipin, kailangang sipilyuhin ang mga ito. Paano ang tamang paghagod ng sipilyo?A. Paikot-ikot C. pakaliwa-pakananB. Pataas-pababa D. papasok-palabas

3. Ang mga sumusunod ay kasangkapan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili. Alin sa mga ito ang kailangan upang maging malambot, makintab at madulas ang buhok?A. Sabon B. Bimpo C. langis D. shampoo

4. May mga paraan upang tayo’y maging malusog at may maayos na pangangatawan. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin?A. Maligo isang beses isang lingo C. Kumain ng marami hanggang gustoB. Uminom ng softdrinks kapag nauuhaw D. Kumain ng tama araw-araw at mag ehersisyo

5. Alin ang tamang paraan ng paggupit ng kuko?A. Gupitin ng tuwid C. Gupitin ng patatsulokB. Sundin ang hugis ng daliri D. Gupitin ng paliko-liko

6. Si Gng. Villarey ay principal ng bayan, alin kaya sa mga kasuotang ito ang gagamitin niya sa paaralan?A. Kaswal C. t-shirtB. Daster D. uniporme

7. Pagkagaling sa paaralan, nagbihis ng damit si Leo. Saan niya dapat ilagay ang unipormeng hinubad?A. Sa ibabaw ng upuan C. isabit sa hangerB. Sa ibabaw ng kama D.isabit sa pako

8. Napunit ng bahagya ang blusa ni Shaira. Ano ang dapat niyang gawin?A. Lagyan ng aspili ang bahaging napunit C. Ipamigay sa kapitbahay ang blusaB. Itago na muna ang damit n napunit D. Sulsihin ang bahaging napunit

9. Itutupi ko ang laylayan ng aking palda. Ibig kong matiyak na pantay ang aking pagtutupi. Ano ang kailangan kong gawin?A. Iaspili ang lahat ng tupi C. ihihilbana muna ang laylayanB. Lilipan agad ang laylayan D. guguhitan muna ang bahaging lilipan

10. Habang naghahanda sa pagpasok si Cyrus, napansin niya kakaunti na lang ang sinulid na nakakabit sa butones ng paha sa uniporme. Ano ang dapat gawin?A. Itahi na muli ang butones C. ikabit ng aspili ang butonesB. Alisin na lang ang butones D. ibalik ang uniporme sa pinagbilhan

11. Ang mga damit pangloob ay karaniwang napapawisan at narurumihan. Bakit kailangang malabhan agad ang mga ito?A. Nang hindi magkaroon ng masamang amoy C. upang makabawas sa ibang labahinB. Upang maubos ang saboing panlaba D. Nang hindi ito kainin ng ipis

12. Dapat pagbukod-bukurin ang mga labahin bago uto labhan. Bakit kaya?A. Upang piliin ang mga ibibilad sa araw C. Upang ihiwalay ang mga damit na nangungupasB. Upang Makita ang magkakahawig na kulay D. Upang matandaan ang mga luma at bagong damit

13. Kung magpaplantsa ng mga blusa, aling bahagi nito ang unang paplantsahin?A. Manggas B. balikat C. kwelyo D. katawan

14. Sa pag-aaytos at pagsasalansan ng damit sa cabinet, bakit kailangang pagsamasamahin ang mga magkakatulad na damit?A. Upang maging makulay ang salansan C. Upang gumanda ang cabinetB. Upang madaling tukuyin ang damit D. Upang ipakita sa mga kakilala

15. Alin sa mga ito ang ginagamit upang makuha ang tama o wastong laki, taas at haba ng katawan?A. Alambre B. medida C. lubid D. eskwala

Page 2: 62734909 Periodic Test in EPP

AGRIKULTURA16. Kailangan ng iyong kapatid ang tamang pagkain, alin sa mga ito ang hindi nababagay sa kanya?

A. Gulay at prutas C. suman at kapeB. Karne at isda D. gatas at cereal

17. Kung ikaw ang papipiliin ng pagkain pangmeryenda. Alin sa mga ito ang dapat iwasan?A. Tinapay at lemonade C. coke at ensemadaB. Buko juice at maruya D. kamote cue at tubig

18. Ang madahon at madilaw na gulay at sariwang prutas ay kailangan ng ating katawan upang tayo ay _____.A. Lumaki at tumaba C. tumangkad at gumandaB. Tumaba at bumigat D. magkaroon ng matigas na buto

19. Sa anong gulang ng bata ang maaari na siyang kumain ng dinurog na gulay?A. Isa o dalawang buwan C. lima o anim na buwanB. Tatlo o apat na buwan D. pito o walong buwan

20. Ang gatas ang pangunahing pagkain na kailangan ng lumalaking bata. Ilang basong gatas ang dapat ng bata araw-araw?A. Isa o dalawa C. Lima o animB. Tatlo o apat D. Pito o walo

21. Sa kantina ng paaralan ay maraming pagkain sa meryenda reses. Alin sa mga ito ang sasabihin mo kung may gusto kang bilhin?A. Dalian mo! B. Pabili po nito C. bibili ako nitoD. ibigay mo ito sa akin

22. Ang mga mag-aaral sa elementary ay tinitimbang dalawang beses sa isang taon. Bakit kaya?A. Upang malaman kung ano ang kinakain ng bawat isaB. Upang malaman kung sino ang may tamang timbangC. Upang piliin kung sino ang pinakamabigatD. Upang malaman kung sino ang paaalisin

23. Ang ginataang mais,suman at lugaw ay mayaman sa carbohydrates. Alin sa mga ito ang nagagawa ng carbohydrates?A. Nakapagpapawis ng kamay C. Napapalaki ng kalamnan ng katawanB. Nakatutulomg sa daliang pagtulog D. Nakapagbibigay ng init at lakas ng katawan

24. Ang bitamina Can nakukuha sa mangga, suha at kamatis ay nakatutulong sa paglaban ng katawan sa_________.A. Sipon at impeksyon C. lagnat at kabagB. Kagat ng lamok D. uhaw at gutom

25. Ang tatlong taon gulang na kapatid Liza ay nais nang maligong mag-isa. Ano ang gagawin ni Liza?A. Hayaan siyang maligong mag-isa C. Bigyan siya ng tubig na paglalaruanB. Patnubayan siya habang naliligo D. Pigilan siya na huwag maligong mag-isa

PANG-INDUSTRIYA26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng paghawak ng martilyo?

A. Hawakan ang ulo ng martilyoB. Hawakan ang gitna ng martilyoC. Hawakan ng mahigpitD. Hawakan ang dulong bahagi ng martilyo nang malayo mula sa ulo

27. Ang paglalagari ng kahoy ay nagsisimula sa :A. Iisangdireksyon C. sa gitna papunta sa dulo B. Paiba-ibang direksyon D. sa dulo patungong ibaba

28. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin bago magsimula sa proyekto?A. Pamimili ng lahat ng gagamitin C. Pakikipagtalo sa gagawing proyektoB. Maingat na pagbabalak D. Ihanda muna ang plano

29. Sa isang mag-anak makikita ang tatay ay nagwawalis at si kuya ay nag-aalaga ng nakababatang kapatid. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa sitwasyong nabanggit?A. Ayaw ni tatay na nagtatrabaho sa init ng arawB. Walang hilig si tatay at kuya sa gawaing bukidC. Hindi na nila kaya ang mga gawain sa bukidD. Ang mga gawaing bahay ay maaaring gampanan ng babae at lalaki sa isang pamilya

30. Bakit mahalagang matutunan ninyo ang simpleng pagkukumpuni ng mga bagay o kagamitan sa tahanan? Piliin sa ibaba ang konseptong hindi tama.A. Nakatitipid ito sa gastos C. Nagagamit kaagad ang kasangkapanB. Nahahasa ang sariling kakayahan D. Upang makapagyabang sa kapwa o sa mga kaibigan

Inihanda ni: JERIC Y. CAABAY Guro

Page 3: 62734909 Periodic Test in EPP

Republic of the Philippines

Department of Education

Region (Bicol)

Division of Catanduanes

Bagamanoc South District

BACAK ELEMENTARY SCHOOLBacak, Bagamanoc

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP IV

SY: 2010-2011

PANUTO: Basahin ang bawat sitwasyon o tanong. Piliin ang tasmang sagot at isulat ang TITIK nito sa inyong sagutang papel.

1. May sakit ang iyong kapatid at pansamantala hindi niya kayang gawin ang nakaatang na tungkulin sa bahay. Alin sa mga ito ang gagawin mo?A. Sabihin sa kapatid na gagawin mo ang tungkulin niya ngunut gagawin din niya ang gawain mo

paggaling niyaB. Hintaying gumaling siya at ipagawa ang naiwang tungkulinC. Gawin ang tungkulin ng kapatid ng walang kasunduanD. Sabihin sa kapatid na huwag magkasakit

2. Nais ni Zanjoe na matuto ang inaalagaang kapatid ng mga pang-araw-araw na tungkulin sa sarili kaya’t _______________.A. Pinipilit niyang isagawa ng kapatid ang mga tungkulin sa sariliB. Sinasanay niya ang kapatid nag awing mag-isa ang pang-araw-araw na tungkulin sa sariliC. Kailangang bigyan ng regalo ang kapatid upang gawin ang mga tungkulin sa sariliD. Dapat takutin ang kapatid upang gawin ang pang-araw-araw na tungkulin sa sarili

3. Ang mga sumusunod ay mga konseptong pang mag-anak. Alin sa mga ito ang hindi kasali?A. Ang masayang mag-anak ay tulong-tulong sa paggawaB. Ang pagpaparaya at pagbibigay ng konsiderasyon ay di mahalagaC. Ang mag-anak na sama-samang nagdarasal ay may matibay na pagsasamahanD. Ang di-pagkakaunawaan sa pamamahay ay njilulutas ng pag-uusap na masinsinan

4. Kaarawan ng lola mo. Ibinili mo siya ng regalo. Anong katangian ang ipinakita mo?A. Pagkamagalang C. pagkamaaalahaninB. Pagkamasunurin D. pagmamahal

5. Ang mga halaman sa ating bakuran ay kailangang alagaan ng mabuti. Gaano kadalas ang pagdidilig sa mga ito?A. Araw-araw C. misan tuwing lingoB. Paminsan-minsan D. umaga, tanghali, hapon

Page 4: 62734909 Periodic Test in EPP

6. Aling kaugaliang pangkalusugan ang dapat gawin sa paglilinis at pagpapaganda ng bakuran?A. Magsipilyo ng ngipin pagkatapos kumainB. Maghugas ng kamay pagkatapos maglinis ng bakuranC. Suklayin ang buhok bago maglinis ng bakuranD. Ipunin ang lahat ng kalat na basura sa iisangg lalagyan

7. Suliranin natin ngayon ang basura. Alin sa mga paraang ito ang kaya mong gawin?A. Walisin ang basura tungo sa kalsadaB. Itambak ang basura sa likod-bahayC. Paghiwa-hiwalayin ang basuraD. Sunugin lahat ng basura

8. Ang petsay, dalandan at alugbati ay tinatawag na Glow Foods. Aling pangkat naman ang kinabibilangan ng kamote, ibus, tinapay at kanin?A. Pangkat Go C. Pangkat SlowB. Pangkat Grow D. Pangkat Blow

9. Sa pag-aayos ng hapag kainan, kailangang mailagay ang mga kubyertos sa tamang lugar. Saan dapat ilagay ang kutsilyo?A. Katabi ng tinidor C. sa dulo ng kutsaraB. Sa kanan ng plato D. sa gawing kaliwa ng plato

10. Nasa ibaba ang mga dapat hugasang kagamitan. Alin sa mga ito ang dapat p[inakaunang hugasan?A. Plato o chinaware C. baso o glasswareB. Kubyertos o silverware D. palayok, kaldero atbp.

11. Gagawa ng chicken sandwich si Delia. Paano ihahanda ang manok bago ipalaman sa tinapay?A. Dikdikin ng pino C. tatalupan ang manokB. Hihiwain ng maliliit D. hihimayin ang laman

12. Mahalagang tukuyin ang mga gamit sa paglilinis ng tahanan. Ang mga ito ay may kanya-kanyang paraan. Alin sa mga ito ang sumisipsip ng alikabok sa carpet?A. Floor polisher C. vacuum cleanerB. Walis tambo D. floor mop

13. Ang mga prutas at gulay ay sinasabing fiber foods. Alin sa konseptong ito ang Gawain ng fiber foods?A. Nagpapakinis ng mukhaB. Nililinis nito an gating buhokC. Nadaragdagan ang init ng katawanD. Nililinis nito ang ating bituka’t tiyan

14. Hinuhugasan ng mabuti ang mga gulay bago talupan o hiwain. Upang lumabas ang mga insekto mula sa gulay kailangan lagyan ng _________ang tubig na panhugas.A. Langis B. suka C. asin D. toyo

15. Gaano karaming tubig inumin ang inilalagay sa baso?A. ½ B. 2/4 C. 3/4 D. 1/3

AGRIKULTURA16. Ang mga paghahalaman ay nakatutulong sa ikagaganda ng kapaligiran. Ang mga sumusunod ay ang

magagandang naidudulot ng paghahalaman maliban sa isa. Alin ito?A. Nagbibigay ang halaman ng pagkainB. Nagbibigay ng dagdag kitaC. Nagpapaganda ng kapaligiranD. Dagdag pagod sa mag-anak

17. Ang mga halaman ay maaaring ornamental, herbal, punong prutas, halamang gulay o punong-kahoy. Saan maaaring ibilang ang sabila at sambong?A. Halamang gulay C. halamang punong-kahoyB. Halamang herbal D. halamang prutas

18. May mga halamang gulay na bulaklakin nito ang niluluto o kinakain. Anong bulaklak ito na maaaring gamitin na panglinis ng sahig ang mga dahon at tangkay nito?A. Regadera B. katuray C. cauliflower D. malunggay

19. Nais mong ilipat ang ibang lupa upang pantayin ang isang bahagi ng kamang taniman. Alin sa mga ito ang iyong gagamitin?A. Regadera B. pala C. kartilya D. karton

Page 5: 62734909 Periodic Test in EPP

20. May mga gamit pangkarpintero na ginagamit di sa paghahalaman. Isa na rito ang martilyo na maaaring gamitin sa paggawa maliban sa isang sitwasyon. Alin ito?A. Kailangan ito sa paggawa ng kahoy punlaanB. Kailangan ito sa paggawa ng nursery houseC. Kailangan ito sa pagpukpok ng tulosD. Kailangan ito sa paglipat ng punla

PANG-INDUSTRIYA21. Natanggal ang pakong pinagkabitan ng kulambo. Alin sa mga ito ang gagamitin upang ikabit na muli ang

pako?A. Medida B. malyete C. martilyo D. metrong tiklupin

22. Ang lagari ang karaniwang ginagamit sa pagputol ng kahoy. Alin sa mga ito ang gagamitin kung puputulin ang kahoy na paayon sa hilatsa?A. Back saw B. rip saw C. cross cut saw D. keyhole saw

23. Kung bagong putol ang kahoy magaspang ang mga gilid nito na kailangang linisin. Gagamitin dito ang _______________?A. Katam B. spokeshave C. kikil D. lagari

24. Ginagamit ito upang bigyang hugis ang kahoy. Yari sa kahoy ang hawakan nito at may talim na metal na may iba’t-ibang sukat. Ano ito?A. Plais B. malyete C. gunting D. pait

25. Kailangang pagdikitin ang dalawang pirasong kahoy sa pamamagitan ng glue. Gagamitin ditto ang pang-ipit upang maging mabilis ang pagkakadikit nito. Alin ang gagamitin mo?A. Plais B. gato C. alambre D. pisi

26. Bakit kailangang kumpunihin bago gamitin ang mga kasangkapan at kagamitang may sira?A. Upang masira ang mga ito ng tuloy-tuloyB. Upang mabawasan ang oras ng paggawaC. Upang kumita ang magkukumpuni nitoD. Upang maiwasan ang sakuna

27. May mga yerong luma na maaari pang pakinabangan. Gagawin mong dustpan para sa inyong bahay. Alin sa mga kagamitang ito ang gagamitin?A. Pala, gulok, pisi, salaanB. Kartilya, gato, piko, kalaykayC. Gunting, martilyo, metro, katamD. Martilyo, katam, timbangan, lagari

28. Upang makatiyak tayo na magagamit sa mahabang panahon ang mga kagamitan at mga kasangkapan sa paggawa kailangan ang ibayong pangangalaga maliban sa isa. Alin ito?A. Linisin at patuyuin ang mga kasangkapanB. Itago na lang ang mga ito upang hindi masiraC. Maglaan ng maayos at matibay na sisidlanD. Gamitin ng tama ang bawat kagamitan

29. Bago magsimula sa pagkukumpuni ng kasangkapan, kailangan pag-isipan o planuhin ang gagawin. Nasa ibaba ang mga kahalagahan ng pagpaplano maliban sa isa. Tukuyin ito?A. Walang masasayang na materyalesB. Napapatagal ang sira ng kasangkapan C. Nagagawa ng maayos ang kasangkapanD. Nakukumpuni ang sira sa maikling panahon

30. Kung magkukumpuni ng sirang kaserolang may maluwag na turnilyo, kailangang sundin ang tamang hakbang. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng Gawain.1. Suriin ang turnilyo ng kasangkapan2. Pihitin ang turnilyo hanggang humigpit3. Pumili ng angkop na disturnilyador na gagamitin4. Piliiun ang angkop na turnilyong ipapalit

A. 1-3-2-4 B. 3-2-4-1 C. 2-4-1-3 D. 1-3-4-2

Republic of the Philippines

Page 6: 62734909 Periodic Test in EPP

Department of Education

Region (Bicol)

Division of Catanduanes

Bagamanoc South District

BACAK ELEMENTARY SCHOOLBacak, Bagamanoc

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP IV

SY: 2010-2011

PANUTO: Basahin ang bawat sitwasyon o tanong. Piliin ang tasmang sagot at isulat ang TITIK nito sa inyong sagutang papel.

EDUKASYONG PANTAHANAN

1. Ang mga prutas tulad ng santol, pakwan, langka at gulay na sitaw, okra at talong ay tumutulong sa pagtunaw ng ating kinakain at nililinis ng mga ito an gating bituka at tiyan. Ano ang tawag sa mga pagkaing ito?A. Go foods C. fiber foodsB. Grow foods D. energy foods

2. Kailangang isangag ang tiring pagkain para sa almusal, kaya’t inihanda ni Nena ang mga gagamitin. Alin ang tamang pagkasunod-sunod ng pagsangag ng kanin?A. Bawang, mantika, kanin, asinB. Mantika, bawang, asin, kaninC. Kanin, mantika, bawang, asinD. Mantika, kanin, bawang, asin

3. Sa paglagay ng mga kagamitang ito, tandaan na ang plato ay nakalagay nang may _________ang layo sa pinakagilid ng mesa. A. Isang pulgada C. kalahating pulgadaB. Dalawang pulgada D. tatlong pulgada

4. Sa paglalagay ng tinidor, alin sa mga ito ang tamang ayos ng pantusok nito?A. Nakataob sa mesa C. nakatihaya sa mesaB. Nakatagilid sa mesa D. tatlong pulgada

5. Si Roda ay nagsisikap at hindi umaasa sa tulong ng iba. Anong magandang asal ang ipinakikita niya?A. Tiwala sa sarili C. katapatan at kagitinganB. Kaayusan at kalinisan D. pakikiisa at pakikipagtulungan

6. Bakit kailangan gumawa ng mabilisan sa pag-iimbak ng pagkain?A. Upang makain kaagad ang inimbak B. Upang makagawa ng iba pang gawainC. Upang mapanatiling sariwa ang pagkainD. Upang mapakita ang galing sa pag-iimbak

7. Halos sabay-sabay ang paghinog ng mga saging sa bakuran nina marta at Thomas. Alin sa mga ito ang tamang paraan ng pag-iimbak?A. Pagyeyelo C. pagmamatisB. Pag-aatsara D. pagtutuyo

8. Ito ay ginagamit sa pagluluto na may banayad na pansalo ng pagkain na kung minsan ay may butas ito. Ano ito?A. Kutsara B. kutsarita C. sandok D. siyansi

9. Sa iyong edad ngayon, malaki ang matutulong mo sa gawaing-bahay. Isa na rito ang paghuhugas ng plato. Alin sa mga ito ang dapat tandaan?

Page 7: 62734909 Periodic Test in EPP

A. Unang huhugasan ang pinakamalinis sa mga pinagkainan tulad ng basoB. Unang hugasan ang pinakamaliit na gamit tulad ng kutsaraC. Unang hugasan ang plato dahil ito ang pinakamalakiD. Sabay-sabay na huhugasan sa isang malaking balde

10. Ang kalusugan at kasiyahan ng mag-anak ay nakasalalay sa maayos na pagkalinga at pagtugon sa pangangailangan ng mag-anak. Alin sa mga salik na ito ang tama?A. Higit na masaya ang malaking pamilya kahit hindi sapat ang kitaB. Sapat na ang matugunan ang pangangailangan sa pagkain ng mag-anakC. Palakihin ng magulang ang pamilya ayon sa kanilang pananampalatayaD. Ang maliit na pamilya ay higit na nakatutugon sa mga pangangailangan kaysa malaking pamilya

11. Madali ang paggawa sa mga tungkulin para sa mag-anak kung may sinusunod na__________.A. Pamantayan C. talaan ng mga GawainB. Embentaryo D. mga panuto

12. Para sa malusog na sanggol, alin ang mainam na ipasuso?A. Sariwang gatas ng baka C. gatas na kondensadaB. Pulbos na gatas sa lata D. gatas mula sa ina

13. May kasabihang “huwaran ng mga anak ang kanilang mga magulang”. Dahil ditto ano ang dapat gawin ng mga magulang?A. Gumawa ng tama sa lahat ng orasB. Gawin nila ang anumang gugustuhinC. Gawin ang lahat ng kagustuhan ng mga anakD. Gumawa ng tama kung nakatingin ang mga anak

14. Magsasaka ang ama ni Aira. Masipag siya kaya’t natutustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mag-anak. Alin sa mga kaisipan ang angkop sa sitwasyon?A. Ang hanapbuhay na marangal ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng mag-anakB. Iba’t ibang uri ng hanapbuhay ang matatagpuan sa lungsodC. Ang mga bata ay maaaring tumulong sa hanapbuhayD. Ang mga magulang ang unang guro ng mga anak

15. Si Dina ang nakatakdang maghugas ng pinagkainan. Kaya’t isa-isa niyang dinala sa lababo ang mga huhugasan. Alin sa mga ito ang tamang paraan?A. Isalansan ang lahat na pinagkainan sa malaking palanggana at dalhin sa lababoB. Ilagay sa tray ang mga huhugasan ayon sa uri ng mga kagamitanC. Itulak ang mesang pinagkainan sa may lababoD. Maghugas ng mga ito sa mesang kainan

PANG-AGRIKULTURA16. Kung ang San Francisco ay pinararami sa pamamagitan ng sanga, sa anong paraan naman ang sa langka?

A. Dahon B. ugat C. buto D. bulaklak17. Sa anong pangkat nakahanay ang pagnanarsery?

A. Paghahayupan C. pangangalakalB. Paghahalaman D. pag-iisdaan

18. Dalawang tiklis ng kamatis anng inani nila Raul. Kung ang bawat tiklis ay tatlumpong kilo, ilang kilo lahat ito?A. 30 B. 40 C. 50 D. 60

19. Kailan dapat anihin ang patola?A. Kapag ang balat at buto nito ay malambot naB. Kapag ang balat nito ay magaspang naC. Kapag ang balat nito ay naninilaw naD. Kapag ang balat nito ay kulubot na

20. Sa pag-aani ng petsay upang ipagbili sa palengke, kailangang mapanatili ang pagkasariwa nito. Alin sa mga ito ang mainam na pambalot sa petsay na ilalagay sa tiklis?A. Papel C. dahon ng sagingB. Plastic D. dahon ng niyog

21. Kung dentista ang para sa tao, ano naman ang tawag sa doctor ng mga hayop?A. Psychologist C. vegetarianB. Ophthalmologist D. veterinarian

22. Anong kabutihan ang maaaring maidulot ng paghahayupan sa isang mag-anak?

Page 8: 62734909 Periodic Test in EPP

A. Karagdagang populasyon sa bayanB. Karagdagang kita ng mag-anakC. Karagdagang pagod sa mag-anakD. Karagdagang gastos sa mag-anak

23. Ito ay sakit na dala ng asong ulol na maaaring ikamatay ng taong nakagat nito.A. Herpes B. rabies C. colitis D. bronchitis

24. Alin sa mga hayop na ito ang napagkukunan ng balat upang gawing tsinelas, sinturon, damit atbp. Alin ito?A. White leghorn C. broilerB. Texas D. Hampshire

25. Sa anumang hayop na aalagaan, anong panuntunang pangkalusugan ang dapat sundin?A. Paliguan ang mga hayop araw-arawB. Kailangang bantayan ng beterinaryoC. Buhusan ng alcohol ang kulungan nilaD. Panatilihing malinis ang kulungan at pagkain

PANG-INDUSTRIYA26. Kung nais mong putulin ang sobrang alambre ng sampayan, alin sa mga ito ang gagamitin mo?

A. Gunting B. plais C. gulok D. martilyo27. Ang buri ay mainam gawing sombrero, banig at pamaypay. Anong uri ng tanim ito?

A. Damo B. kahoy C. palma D. baging28. Kailangang kumpunihin ang pumutok na fuse. Alin sa mga ito ang una among gagawin?

A. Ibaba ang main switchB. Sisindihan ang lahat ng ilawC. Aalisin ang switchD. Palitan kaagad ang nasirang fuse

29. Alin sa mga ito ang kasangkapang panukat?A. Plais B. medidang asero C. back saw D. keyhole saw

30. Sa pagputol ng kahoy na paayon ang hilatsa ng kahoy, ginagamit ang _________________.A. Rip saw C. back sawB. Cross cut saw D. keyhole saw

31. May kagamitang nagagamit sa iba’t ibang Gawain. Alin sa mga ito ang maaaring gamiting pamigil, panghigpit, pangbunot ng pako at pamutol ng kawad ng kuryente?A. Clamp B. plais C. barena D. disturnilyador

32. Iba’t ibang materyales ang kailangan sa pagbuo ng proyekto. Kung duyan ang nais mong gawin, alin sa mga ito ang angkop na materyales?A. Nito B. buri C. yantok D. damo

33. May uri ng damo na ang ugat nito ay binabayo at pagkatapos matanggal ang balat nito, ginagamit ito upang lalahin at gawing pamaypay dahil sa bango nito. Ano ito?A. Pandan B. vetiver C. nipa D. makahiya

34. Saan nakasalalay ang maayos at mahusay na pagkakagawa ng isang proyekto?A. Plano B. dibuho C. kagamitan D. materyales

35. Paano natin mapahahalagahan ang mga likas na yamang ginagamit natin sa paggawa ng mga proyekto? Isa sa mga ito ay hindi kasali. Alin ito?A. Ang ating bayan ay sagana sa mga materyalesB. Gamitin ang mga likas na yaman sa mahusay at matipid na paraanC. Kailangang gamitin at ubusin ang mga materyales sa pamayananD. Gawing kapaki-pakinabang ang bawat proyektong gagawin

Page 9: 62734909 Periodic Test in EPP

Republic of the Philippines

Department of Education

Region (Bicol)

Division of Catanduanes

Bagamanoc South District

BACAK ELEMENTARY SCHOOLBacak, Bagamanoc

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP IV

SY: 2010-2011

PANUTO: Basahin ang bawat sitwasyon o tanong. Piliin ang tasmang sagot at isulat ang TITIK nito sa inyong sagutang papel.

EDUKASYONG PANTAHANAN

1. Sa pagsisimula ng maliit na tindahan ay hindi tiyak ang pag-unlad kaya sumubok at __________.A. Makipagsapalaran C. magbantayB. Makipagsuki

2. Sa pagtatayo ng tingiang tindahan tiyaking ito ay _________________.A. Malapit sa paaralan

Page 10: 62734909 Periodic Test in EPP

B. Malapit sa mataong lugarC. Makatutugon sa pangangailangan ng pamayanan

3. Ibig ng mag-anak na mapaunlad ang tingiang tindahan, ano ang dapat nilang gawin?A. MagkukuwentaB. MaghihintayC. Tutulong sa pagbabantay at paglalagay ng presyo

4. Sa pamimili ng paninda tiyaking na laging __________ ang paninda.A. Mataas na uri at kaya ng bibiliB. Mura at magandaC. Malaki ang tubo

5. Aling mag-anak sa pamayanan ang higit na natutugunan ang tingiang tindahan?A. Mayamang mag-anakB. May kayang mag-anakC. Mahirap na mag-anak

6. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng tinitinda ng tingian. Alin ang hindi?A. Alahero C. magtatahoB. Magpuputo

7. Natapos ni Mila ang kanyang ginagawang proyektong panyo. Ano ang kanyang naramdaman?A. Tinamad B. nalungkot C. masayang-masaya

8. Kailangang may palno ang proyekto bago magsimulang gumawa upang _____________.A. Matapos kaagadB. May gabay sa paggawaC. Makapagpahinga kaagad

9. Ano ang dapat gamitin sa pagpapahalaga ng natapos na proyekto?A. Calculator B. test pool C. score card

10. Bakit dapat pagsama-samahin ang mga panindang magkakatulad?A. Upang medaling hanapinB. Upang medaling maabot ng tinderC. Upang maakit ang mga mamimili

AGRIKULTURA11. Isang paraan ng pagpaparami ng halaman tulad ng rosas at santan ay sa pamamagitan ng sanga. Paano mo

ito itatanim?A. Putulin ang isang dulo ng sanga ng pahilisB. Piliin ang sanga na may suloy sa tagiliranC. Itanim sa lupa ng patayo hangga’t kalagitnaan ng sangaD. Lahat na sagot ay tama

12. Nais mong magtanim ng sibuyas at bawang. Alin ang maaari mong itanim?A. Bunga B. buto C. ulo D. sanga

13. Napakainam mag-alaga ng________ dahil ito’y nagdudulot ng karne at itlog. Aling hayop ito?A. Kuneho B. manok C. kambing D. baboy

14. Maging ang dumi ng hayop ay maaaring pakinabangan dahil maaari itong gawing _________.A. Palamuti B. pataba sa lupa C. pang-fill up D. wala

15. Upang makatiyak na ligtas sa sakit ang alagang hayop, kailangang panatilihing malinis ang_____.A. Kulungan B. katawan C. pagkain D. wala

16. Ang alagang manok na may sintomas ng sakit ay dapat _____________.A. Ihiwalay B. katayin C. ibaon ng buhay D. wala

17. Kailangang kumunsulta muna sa isang ________ upang gamutin ang alagang hayop na maysakit.A. Beterinaryo B. hilot C. dentist D. doctor

18. Karaniwang inaalagaan ito upang magsilbing bantay sa ating bahay at bakuran.A. Aso B. baboy C. kambing D. kalabaw

19. Ito ay isang uri ng hayop na inaalagaan dahil sa kanyang karne, gatas at maaaring katulong sa bukid. Ano ito?A. Kabayo B. kambing C. baka D. aso

20. Kung ikaw ay papipiliin ng butong iyong itatanim upang medaling lumaki at sumibol, ano ang pipiliin mo?A. Butong galling sa malusog at magulang na halamanB. Butang galling sa katamtamang gulay

Page 11: 62734909 Periodic Test in EPP

C. Butong maraming haloD. Mura o butong malambot pa

PANG-INDUSTRIYA

21. Ang proyektong gagawin ay kailangang ibatay sa ___________.A. Presyo at gamit nitoB. Pakinabang nitoC. Hilaw na sangkap sa kapaligiran at pakinabang nito

22. Bago makabuo ng anumang proyekto sa gawaing kamay at pangkalahatang industriya, dapat mo munang alamin ang___________________.A. Mga pangunahing kasangkapan at karaniwang ginagamit dittoB. Halaga ng mga kagamitanC. Mapagkukunang sangkap

23. Ang _______ ay isang uri ng martilyong ginagamit sa pamukpok sa pait upang hindi masira ang kahoy na hawakan nito.A. Maso B. claw hammer C. malyete D. wala

24. Upang maiwasan ang sakuna sa paggawa, kailangan _______________.A. Gamitin ang angkop na kasangkapan para sa bawat GawainB. Subukin ang talim ng kasangkapan sa buhokC. Gamitin ang hintuturo sa pamamatnubay sa paglalagari

25. Ilagay ang kasangkapang may talim sa ibabaw ng mesang gawaan na ang talim ay ___________.A. nakaturong palayo sa taong gumagawaB. nakaturo sa sahigC. takpan ng papel ang talim

26. Isang bahagi ng plano ng proyekto na kung saan ito ang magiging kaanyuan ng proyekto.A. Dibuho B. layunin C. talaan ng materyales

27. ____________ay ipinapahid sa proyekto upang magkaroon ng kulay at maging kaakit-akit. Ito’y karaniwang pangwakas na hakbang sa pagbubuo ng proyekto lalo na kung ito’y yari sa kahoy.A. Langis B. pintura C. grasa

28. Upang kumapit sa pintura o barnis bilang panapos kailangang makinis at walang ____________.A. Langis B. alketran C. buhangin

29. Sa pagbabarnis kailangang ito ay _________.A. Mabilis, manipis at pantayB. Paunti-unti at makapalC. Unahin ang labas bago ang loob ng proyekto

30. Alin sa kagamitang ito ang ginagamit upang kuminis o pumantay ang ibabaw ng kahoy?A. Barena B. katam C. pait