8-excellence ikalawang digmaang pandaigdig

32

Click here to load reader

Upload: jay-panlilio

Post on 19-Feb-2017

758 views

Category:

Education


59 download

TRANSCRIPT

Page 1: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

JanelleSteffRhenzAlejandro

Page 2: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Kasunduan sa

Versailles

Great Depressio

n

Hangaring maging

makapangya-rihang bansa ng Germany

Naging salik sa

Nagdulot ng

Pagtatatag ng United Nations

Paghahati ng Germany

Pagbabago ng

pamahalaan sa Japan at Germany

Pagtatatag ng USSR ng mga komunistang pamahalaan

Page 3: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Page 4: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PANANDALIANG KAPAYAPAAN• Tensiyon Dulot ng Kasunduan• Great depression• Pasismo at Militarismo

Page 5: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

TENSIYON DULOT NG KASUNDUAN

Germany - nagkaroon ng matinding galit dahil sa natanggap nitong parusaJapan at Italy - bigong makakuha ng mas malawak na teritoryo na layunin nito sa pagsabak sa digmaanMga bansa sa Asya at Africa - umasang makakamit nila ang kalayaan matapos ang digmaan subalit sa halip ay ipinasailalaim sa mandate system.

Naging malaking kawalan naman para sa League of Nations ang pagtanggi ng makapangyarihan noong US na sumapi rito. Para sa US, ang hindi pagsapi sa liga ay paraan upang makaiwas ito sa mga kaguluhan sa Europe.

Page 6: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

GREAT DEPRESSIONMatapos ang digmaan, maraming bansang sadlak sa kahirapan

ang sumandig sa US.Subalit noong 1929, kasabay sa hiyawan ng mga stock broker sa

Wall Street, ay ang pagbagsak ng ekonomiya ng US --- gayundin ng ekonomiya ng maraming bansa sa Europe. Ang kaganapang ito ang tinaguriang Great Depression.

Bunsod ng Great Depression, marami ang nawalan ng hanapbuhay at tirahan. Nagsara ang mga bangko at nalugi ang mga negosyo. Maraming tao ang nagutom at marami rin ang kumitil ng sariling buhay.

Ang matatag na demokrasya ng US, Great Britain, at France ay nakabangon sa krisis noong dekada 1930. Subalit may ilang demokrasyang bgong matugunan ang naturang krisis ekonomiko.

Page 7: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PASISMO AT MILITARISMO

Dahil sa pagkadismaya sa kawalan ng kakayahan ng demokratikong pamahalaan na tugunan ang mga hamon ng Great Despression, umiral ang pasismo sa ilang bansa sa Europe.

Ang pasismo ay ang ideolohiya kung saan itinuring na higit na mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa sa mamamayan sa pamahalaan at sa bansa. Ito ang tinukoy na paraan upang makaahon ang bansa mula sa kahirapan.

Totalitaryanismo ang umiral na pamahalaan sa mga bansang naniwala sa pasismo. Ang totalitaryanismo ay isang sistema kung saan nagkaroon ng ganap na kapangyarihan ang pamahalan sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan.Tatlong diktador ang nakilala sa panahong ito. Ito ay sina Adolf Hitler ng Germany, Benito Mussolini ng Italy, at Joseph Stalin ng USSR.

Page 8: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Page 9: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

• Adolf Hitler – pinamunuan nya ang Nazi party at nilayong muling iangat ang karangalan ng Germany sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo

• Holocaust – naganap sa ilalim ng pamumuno ni Hitler. Ito ang pinakamalagim na kaganapan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. May tinatayang 6 milyong Jews ang pinatay ng grupo ni Hitler.

• Kinamuhian ni Hitler ang mga Jew dahil itinuturing niya itong pinakamababang uri ng tao at tinuturong dahilan ng mga suliranin sa Germany. Kung kayat nilipon ng mga German ang lahat ng mga Jew.

• Iba’t iba ang paraan kung paano sila pinatay. Mayroong ipinatapon sa Ghetto, dinala sa concentration camps, at dinala sa execution camps.

SI HITLER AT ANG HOLOCAUST

Page 10: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Page 11: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Militarismo sa Japan• Umabot hanggang Asya ang epekto ng Great

Depression. Sa Japan, maraming mamamayan ang nawalan ng hanapbuhay at naghirap. Upang lutasin ang pagkakalugmok ng ekonomiya ng Japan, iminungkahi ng mga pinunong military nito ang pananakop ng mga teritoryo sa Asya. Nilayon nilang magtatag ng imperyo sa Asya sa ilalim ng pamumuno ng kanilang emperador na si Hiroshito. Sa ganitong paraan nila ipinamalas ang nasyonalismo.

Page 12: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Page 13: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

MITSA NG DIGMAAN

Taong 1931 nang sinakop ng hukbong sandatahan ng Japan ang Manchuria. Ipinagwalang-bahala nito ang protesta ng League of Nations at sa halip ay tumiwalag mula sa liga. Ito ang unang banta sa bagong-kamit na kalayaan at ang una ring pagkakataon na hinamon ng isang bansa ang kapangyarihan ng League of Nations.Dulot ng kawalang-aksiyon ng League of Nations sa agresyon ng Japan ay nasundan pa ito ng iba pang paglabag ng kasunduan. Tunghayan ang mga ito sa Pigura 20.2

Page 14: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Setyembre 1931

Oktubre 1935

Marso 1936

Hulyo 1937

Setyembre 1938

sinakop ng Japan ang Manchuria

sinakop ng Italy ang Ethiopia

Sinakop ng Germany ang Rhineland, na buffer zone sa pagitan ng France at Germany

sinakop ng Japan ang Beijing at ibang hilagang lungsod at Nanjing sa China

sinakop ng Germany ang Sudetenland

Marso 1939 sinakop ng Germany ang Czechoslovakia

Page 15: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Samantala, ipinatupad naman ng Great Britain at France ang patakaran ng appeasement, o ang pagpapanatili ng kapayapaan, sa harap ng mga paglabag ng Germany sa Kasunduan sa Versailles.

Alinsunod din sa patakarang appeasement ang pagganap ng Kumperensiya sa Munich sa pagitan ng Germany, Great Britain, France, at Italy noong ika-29 ng Setyembre 1938, napagkasunduang mananatili sa Germany ang Sudetenland sa kondisyong ititigil na nito ang pananakop ng mga bagong teritoryo.

Samantala, upang patatagin ang puwersa laban sa Germany, nakipagkasundo ang France at Great Britain kay Joseph Stalin ng USSR. Lingid sa kaalaman ng dalawa, lihim na lumagda ang USSR at Germany ng non-aggression pact noong ika-23 ng Agosto 1939. Hindi ikinatuwa ni Stalin ang hindi pagsali rito sa kumperensiya sa Munich. Pinangakuan din ng Germany ang USSR ng teritoryo.

Page 16: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PAGSIKLAB NG DIGMAAN

Page 17: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PAGSIKLAB NG DIGMAAN

• Hindi tumupad ang Germany sa Kasunduan sa Munich. Noong ika-isa ng Setyembre 1939, sinalakay ng Germany ang Poland gamit ang estratehiyang blitzkrieg, o “lightning war.” Mabilis at biglaang sinalakay ng Germany ang Poland.

• Sa pagkakataong ito, hindi na pinalagpas ng Great Britain at France ang Germany. Noong ikatlo ng Setyembre, nagdeklara sila ng digmaan sa Germany. Ito ang naghudyat sa pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

• Tunghayan sa Pigura 20.3 ang mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe

Page 18: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Abril 1940

Mayo 1940

Hunyo 1940

1941

• naglunsad ng blitzkrieg ang Germany laban sa Denmark at Norway

• Nagapi ang Denmark matapos lamang ang apat na oras.

• napasakamay ng Germany ang Netherlalnds, Luxembourg, at Belgium.

• pumanig ang Italy sa Germany. Nagdeklara ng digmaan ang Italy laban sa France at Great Britain.

• Pagsuko ng France sa Germany.• Inilunsad ng Germany ang Operation Sea Lion laban sa Great

Britain.

• sa banta ng pananakop ng Germany, sumapi ang Bulgaria, Romania, at Hungary sa Axis Powers.

• Sinakop ng Germany ang Yugoslavia at Greece, mga bansang kaalyado ng Great Britain.

Page 19: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

10 Mayo 1941

22 Hunyo 1941

• sa harap ng matatag na puwersa ng mga British, inabandona ni Hitler ang planong pananakop sa Great Britain.

• inilunsad ni Hitler ang Operation Barbarossa upang sakupin ang dating kaalyadong USSR.

Page 20: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

DIGMAAN SA ASYA-PACIFIC

• Sa Asya-Pacific, ipinagpatuloy ng Japan ang pagpapalawak nito ng imperyo sa ilalim ng propagandang The Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Diumano ay layunin ng Japan ang sama-samang pag-unlad ng mga bansa sa Asya sa ilalim ng pamumuno nito. Iginiit din nito na ang “Asya ay para sa mga Asyano.” Noong 1937 ay pormal na umanib ang Japan sa Axis Powers.

• Dahil sa banta ng US sa ambisyon ng Japan sa Asia-Pacific sinalakay ng hukbong Hapones ang basing Amerikano sa Hawaii. Ikapito ng Disyembre 1941 nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor. Bunsod nito, nagdeklara ng digmaan ang US sa Japan noong ikawalo ng Disyembre.

Page 21: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

PAGWAWAKAS NG KARAHASAN

• Sa pakikilahok ng US sa digmaan,, higit na lumakas ang Allied Forces. Unti-unti ring pumanig sa kanila ang tagumpay. Noong ika-22 ng Disyembre 1941, nagpulong sina Winston Churchill ng Great Britain, Franklin D. Roosevelt ng US, at Joseph Stalin ng USSR upang bumuo ng estratehiya laban sa Germany.

• Tunghayan sa Pigura 20.4 ang mga pangyayari tungo sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.

Page 22: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Hunyo 1941

Hunyo 1941

Pebrero 1943

Setyembre 1943

• sa South Africa nagapi ng Allied Forces ang kaalyadong Africa Korps ng Germany.

• Sa Russia, bigong salakayin ng hukbong German ang Moscow dahil sa taglamig doon. Nagyelo ang mga kagamitang pandigma ng mga German at mula sa kanilang hukbo ay nasawi ang may 500, 000 sundalo.

• sumuko ang mga German sa Stalingrad.

• sumuko ang Italy sa Allied Powers bagama’t nagpatuloy ang pakikidigma ng mga Italian hanggang sa pagsuko ng Germany noong 1945.

Page 23: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Hunyo 1944

Disyembre 1944

Abril 1945

• sa tinaguriang D-Day, nagapi ng pinagsamang puwersa ng British, Amerikano, French, at Canadian ang mga German sa Normandy. Tagumpay ng mga itong palayain ang France, Belgium, Luxembourg, at malaking bahagi ng Netherlands.

• natalo ng Allied Forces ang Germany sa Battle of the Bulge.

• nagpakamatay si Hitler at asawang si Eva Braun.

Page 24: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

• Tinanggap ng Allied Forces ang walong kondisyong pagsuko mula sa hukbong military ng Germany noong ikapito ng Mayo 1945. Ikawalo ng Mayo nang opisyal na nilagdaan ang pagsuko sa Berlin. Dito nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europe.

• Samantala, napipinto na rin ang pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific sa mga panahong iyon. Tunghayan ang mga pangyayari dito sa Pigura 20.5.

Page 25: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Abril 1942

Hunyo 1942

Pebrero 1943

Oktubre 1944

Agosto 1945

Sumuko ang Allied Forces sa Pilipinas sa hukbong HaponesNaganap ang Bataan Death March

Nagapi ng Allied Forces ang puwersa ng Japan sa Battle of Midway

Nagapi ng Allied Forces ang mga Hapones sa Battle of Guadalcanal

Nagapi ng Allied Forces ang Japan sa Battle of Leyte Gulf.Muling nabawi ng US ang Pilipinas mula sa Japan.

Sa pasya ni Pangulong Harry Truman ng US, pinasabugan ng atomic bomb ang mga

lungsod ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan.

Page 26: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

• Matapos ang pagpapasabog sa Hiroshima at Nagasaki noong ikalawa ng Setyembre 1945 ay pormal na sumuko ang Japan. Naganap ang seremonya sa barkong Missouri sa pangunguna ni Heneral Douglas MacArthur. Dito nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Asya-Pacific at sa daigdig.

Page 27: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Page 28: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

EPEKTO NG DIGMAAN

• Bago ang opisyal na pagwawakas ng digmaan ay ginanap ang dalawang kumperensiyang nilayong talakayin ang kapalaran ng Europe matapos ang digmaan ang Kumperensiya sa Yalta noong Pebrero 1945 at ang Kumperensiya sa Potsdam noong Hulyo 1945.\ang unang kumperensiya ay dinaluhan nina Stalin, Churchill, at Roosevelt. At ang ikalawa naman nina Stalin, Churchill at ng humalili sa yumaong si Roosevelt na si Harry Truman. Sa ilalim ng dalawang kumperensiya, napagpasyahan ang:

• Demilitarisasyon ng Germany;• Paghahati ng Germany – sa

kanlurang Germany sa ilalim ng US at silangang Germany sa ilalim ng USSR.

• Pagpapabayad ng Germany ng bayad-pinsala at;

• Pagbibigay ng mga nasakop na teritoryo ng Japan – kabilang ang Sakhalin Island, Kurile Islands, at Port Arthur – sa USSR.

Page 29: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

EPEKTO NG DIGMAAN

Pinsala sa Buhay at Ari-arian

Pagkamit ng Katarungan

Pagbabago sa

Pamahalaan

Pagtatatag ng United Nations

Page 30: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Pinsala sa Buhay at Ari-arian. May 40 milyong Europeo ang nasawi sa digmaan. May 2/3 ito ng kabuoang bilang ng mga nasawi noong digmaan. Maraming lungsod ang nawasak tulad ng London, Warsaw, Berlin, Hiroshima, Nagasaki, at Maynila.Pagkamit ng Katarungan. Nilitis sa Nuremberg Trials ang mga paglabag sa karapatang pantao noong Holocaust sa Germany. Labindalawa sa 22 nasakdal na opisyal ng Nazi ang pinatawan ng parusang kamatayan. Pinagbayad ang Germany ng $20 bilyon sa bayad-pinsala. Nagbigay rin ng bayad-pinsala ang Italy sa mga naging biktima ng digmaan.Sa Japan, pinarusahan ng kamatayan ang pitong opisyal na Hapones na sangkot sa digmaan, kabilang si Punong Ministro Hideki Tojo.Pagtatatag ng United Nations. Bunga rin ng Kumperensiya sa Yalta, itinatag noong ika-24 ng Oktubre 1945 ang United Nations. Ito ay isang samahang pandaigdig na layuning protektahan ang mga kasapi nito mula sa agresyon at panatilihin ang kapayapaan. Binuo ito ng kasapi sa pagkakatatag nito.Pagbabago sa Pamahalaan. Sandaling napasailalim ang Japan sa US. Sa panahong ito, binago ng US ang konstitusyon ng Japan at itinatag ang isang constitutional monarchy. Pinaamin ang emperador ng Japan, na noon ay itinuring na banal, na hindi siya diyos. Ang emperador ang tumayong monarkong konstitusyonal, isang simbolo ng Japan.Samantala, itinatag ng USSR ang komunistang pamahalaan sa Poland, Czechoslovakia, Hungary, Yugoslavia, Romania, at Bulgaria.

Page 31: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

THE END

Page 32: 8-Excellence Ikalawang Digmaang Pandaigdig

THANK YOU!

Inihanda ng Ikalawang PangkatJanelle RoshanSteffanie BlesRhenz MichaelAlejandro