8 fil lm_m7

45
8 Panitikang Pilipino Filipino Modyul para sa Mag-aaral

Upload: shyne-gonzales

Post on 26-Dec-2015

1.323 views

Category:

Documents


28 download

DESCRIPTION

deped

TRANSCRIPT

Page 1: 8 Fil LM_M7

8

Panitikang PilipinoFilipino

Modyul para sa Mag-aaral

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Page 2: 8 Fil LM_M7

Panitikang Pilipino – Ikawalong BaitangFilipino – Modyul para sa Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: 978-971-9990-85-7

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon

.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCP angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat(DepEd-IMCS)

Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports ComplexMeralco Avenue, Pasig CityPhilippines 1600

Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected]

Page 3: 8 Fil LM_M7

PAUNANG SALITA

“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.”

Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapaymaipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.

Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino.

Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunit na ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.

Page 4: 8 Fil LM_M7

PASASALAMAT

Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlan ng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.

Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa KatutubongTugma at Sukat ng Tulang Tagalog

Lamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-aniVirgilio Almario AgahanEdgar Calabia Samar PanaginipFray Francisco de San Jose Santa CruzGaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong

Panginoon NatinAndres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang LupaEmilio Jacinto PahayagSeverino Reyes Walang SugatGenoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang BataJose Corazon de Jesus atFlorentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisanJose Corazon de Jesus Bayan KoAlejandro G. Abadilla Ako ang DaigdigTeodoro Gener Pag-ibigAlejandro G. Abadilla Erotika 4Jose Corazon de Jesus Pag-ibigNarciso G. Reyes Lupang TinubuanGonzalo K. Flores TahimikDionisio Salazar Sinag sa KarimlanWilliam Rodriguez II Tabloid: Isang PagsusuriCarlo J. Caparas Mga Klase ng KomiksJeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng BituinLualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at DaigdigHowie Severino, Sine Totoo, At GMA Network Papag for Sale

Page 5: 8 Fil LM_M7

Talaan ng Nilalaman

ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO AT PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO.................................................. 139

Ang Radyo at Pananaliksik.................................................................. 143

Kuwentuhang Media mula sa Online Balita......................................... 148

“Kislap ng Bituin” ni Jeystine Ellizbeth L. Francia................................ 156

Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal........................................ 159

Broadcast Media.................................................................................. 163

Page 6: 8 Fil LM_M7

pinanonood o pinakikinggan ang mga programang iyong nabanggit.

Madalas na Pinanonood sa Telebisyon: _________________________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: ___________________________________________________________________________________________________

Madalas na Pinakikinggang Programa sa Radyo:

___________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:

______________________ _________________

ANG BROADCAST MEDIA: MEKANISMO NG PAGBABAGO AT PAG-UNLAD NG KULTURANG PILIPINO

Mga aralin

� Ang Radyo at Pananaliksik � Kuwentuhang Media mula sa Online Balita � Konsepto ng Pananaw � Dokumentaryong Pantelebisyon � “Kislap ng Bituin” ni Jeystine Ellizabeth L. Francia � Dokumentaryang Pantelebisyon � Araling Pangwika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal � Broadcast Media

Panimulang Pagtataya: Paborito Ko!

Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang

palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo

99

Page 7: 8 Fil LM_M7

Motibasyon: Pagkilala sa Media

Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na datos upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel.

1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili. 2. Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang mamamayan

sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid. 3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan, at impormasyon sa bayan man sa

nayon. 4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami. 5. Maaaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o

telebisyon.

T E L E B I S Y O N M V

L M N H I E A Y O A U M

E J O S H I D I E T S U

L I R A B A L I T A I S

E C A C R I S T Y S K A

O M A R I C A R R O A K

D O K U M E N T A R Y O

Gawaing Bahay: Mga Kilalang Boses sa Loob ng Media

Maraming tao ang lumalabas sa telebisyon at radyo. Karamihan sa kanila ay kilala hindi lamang dahil sa kalidad ng kanilang mga pag-uulat kung hindi pati na rin sa paraan ng kanilang pananalita. Bumuo ng isang grupo at pumili ng isang kilalang programa sa radyo o telebisyon, subukang pagaralan ang paraan ng kanilang pananalita at pagbabalita. Iprisenta ang paraan ng pagbabalita ng mga nasaliksik sa klase.

Mula sa mga gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago ang

100

Page 8: 8 Fil LM_M7

pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

naghahatid ng mga talakayan / pulso ng

bay ƒ �

nagpapalabas ng variety

nagpapalabas ng teledrama

naghahatid ng musika

naghahatid ng napapanahong

balita

nagpapalabas ng pelikula

nagbibigay ng

opinyon kaugnay ng isang paksa

nagpapahatid ng mga panawagan

nakikinig ng mga awit

nagpapakilala ng isang produkto

ating kultura at panitikan? Paano ito naipakilala ang ilang bagay na dapat talakayin sa ating bansa?

Pagkilala: RADYOrific ang Hatid

Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga

Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.

Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular? Ipaliwanag.

Sa bahaging ito ng aralin, basahin at unawain ang mga komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong

101

Page 9: 8 Fil LM_M7

ginagalawan, ang “Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo.

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!

Macky: Magandang umaga partner!

Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.

Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!

Roel: Sinabi mo pa, partner!

Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?

Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon!

Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.

Macky: Sa isang banda kasi partner maaaring maging threat daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.

Macky: Eh paano yan partner? Ayon kay Quezon Representative Lorenzo Tañada III, “Pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag-Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.” Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:

102

Page 10: 8 Fil LM_M7

at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.

http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Mga Gabay na Tanong

Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo?

Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon na nabasa mo na ang isang uri ng programang panradyo punan mo naman ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito.

Motibasyon: Radyopinyon

Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo

K W H L

Ano ang alam mo na?

Ano ang nais mong malaman?

Paano mo makikita ang nais mong maunawaan?

Ano ang iyong natutuhan/

naunawaan?

Aralin: Ang Radyo at Pananaliksik

Isa sa mga mahahalagang gawain ng mga personalidad sa radyo at telebisyon ay ang pagpili ng paksang tatalakayin sa palabas. Maaaring isipin na tulad din ito ng pagpili sa mga sasabihin sa pagsulat ng isang sanaysay o sa isang proyekto. Ibig sabihin dapat na mahalaga rin ang pagpili ng mga makabuluhang paksa sa mga pag-uusap sa radyo o telebisyon. Sa bahaging ito susuriin natin kung papaano tayo matutulungan ng ilang gawain nila sa ating pananaliksik.

Ilan sa mga paksang madalas na talakayin ay ang sumusunod:

a. Politika b. Mga pangyayari sa isang espisipikong lugar

103

Page 11: 8 Fil LM_M7

c. Mga pagdiriwang sa Pilipinas d. Katayuan ng ekonomiya ng Pilipinas e. Mga interes at makabuluhang bagay para sa mga inaasahang tagapakinig

Hindi mahirap alamin ang interes ng mga tagapakinig dahil sa iba’t ibang pamamaraan ng mga istasyon sa pagkilala sa manonood at tagapakinig. Subalit hindi nila maaaring kunin sa kung saan lang ang kanilang impormasyon. Dahil dito dapat silang manaliksik tungkol sa mga gustong mapakinggan ng kanilang mga tagasubaybay. Ilan sa mga maaari nilang gamitin sa ganitong pananaliksik ay ang survey at panayam.

Survey:

Gumagamit sila ng survey upang malaman ang mga ito tungkol sa kanilang mga programa. Maaari din silang kumuha ng mga panayam tungkol sa kanilang mga programa. Ang sumusunod ang ilan sa mga posibleng lamanin ng isang survey.

1. Multiple Choice – ito ang mas mabilis na paraan ng pagpapasagot sa isang survey. Mas madali itong sagutin kumpara sa iba dahil sa pipili lamang ang tinatanong ng sagot sa iilang titik.

Tingnan nang mabuti ang mga sitwasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang sa tingin mong sasabihin mo?

1. Katatapos lang ng inyong klase. Tinawag ka ng kaibigan mo para kumain ng tanghalian.

a. “Wait lang! May pinapakuha si Ma’am sa may Xerox.”b. “Sandali lang! May pinapakuha si Ma’am sa may Xerox.”c. “Please wait for me! I’ll just get something from the Xerox.”

2. Pumasok ka sa iyong klase nang ika-pito ng umaga ngunit matapos ang ilang minuto, kinansela ang klase dahil sa bagyo.

a. “I hate the rain. I should still be sleeping at this moment!”b. “Kainis naman tong ulan. Dapat tulog pa ako eh!”c. “I hate the rain. Dapat tulog pa ako eh!”

3. Pinakuha mo sa iyong kaklase ang librong pina-photocopy.a. “How much lahat? May barya kayo sa one thousand?”b. “How much? Do you have change for one thousand?”c. “Magkano lahat? May barya kayo sa isang libo?”

4. May pagsusulit kayo at wala kang panulat. Hihiram ka sana sa iyong katabi.a. “May panulat ka pa ba na puwedeng hiramin?b. “May extra kang pen? Puwede borrow?”c. “Do you have an extra pen I can borrow?”

104

Page 12: 8 Fil LM_M7

2. Pagkilala sa mga sinasang-ayunan – Bukod sa simpleng multiple choice maaari ding maglagay ng listahan na nagpapahayag ng kanilang mga sinasang-ayunan at di sinasang-ayunan. Isang halimbawa ang sumusunod.

Punan ng ekis (X) ang SA kung sang-ayon, W kung Walang Sagot, at DS kung Hindi Sang-ayon sa tapat ng mga pahayag na nakasulat sa kaliwa. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Pahayag SA W DS

1. Napalalakas ng wikang gamit ko ang aking loob.

2. Madali akong naiintidinhan sa wikang ginagamit ko.

3. Hindi nakalilito ang wikang ginagamit ko.

4. Ang wikang gamit ko ay mas madaling gamitin sa labas ng klase.

5. Naiintindihan ng lahat ang ginagamit kong pamamaraan ng pagsasalita.

6. Madali kong naipapahayag ang aking mga ideya gamit ang aking wika.

7. Pormal ang wikang ginagamit ko.

3. Likert Scale – Ang Likert scale ay isa sa mga paraan kung papaanong

sinusukat ng isang tao ang sarili niya.

Bilugan ang bilang na tugma sa wikang ginagamit mo. 1 bilang mas malapit sa Ingles at 5 bilang mas malapit sa

Filipino.

Ingles Filipino

1------------------2--------------------3------------------4-----------------5

Ilan lamang ito sa mga maaaring lamanin ng isang survey, maaari

ding ayusin at pahusayin ang paraan ng pagtatanong. Bukod sa mga ito maaari ding gamitin ang pagkuha ng panayam sa mga tagasubaybay.

Panayam

Sa paggawa ng isang panayam kailangang planuhin din ang mga

dapat na gawin at tatanungin. Subalit kasabay nito ang pagiging handa rin sa pagbuo ng mga pagpapalalim na tanong. Totoong may mga gusto tayong malaman subalit minsan ay di natin makukuha ang nais nating sagot.

105

Page 13: 8 Fil LM_M7

Minsan may pangangailangan ng pagdedetalye subalit kailangan pa ring tandaan na dapat ay nasa paksa pa rin ang mga tanong.

Ang mga gawaing ito ang mga pangunahing batis o mapagkukunan ng impormasyon. Maaaring kumunsulta sa mga libro o sa internet subalit mas makatotohanan ang impormasyon na manggaling mismo sa isang mapagkakatiwalaang batis. Ito ang tinatawag na pangunahing batis ng impormasyon.

BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK, BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM

* Magpaalam sa taong gustong kapanayamin * Kilalanin ang taong kakapanayamin * Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm

¾ Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam ¾ Teknik sa Pakikipanayam ¾ Bago Magpanayam

2. PAKIKIPANAYAM

* Maging magalang * Magtanong nang maayos. * Itanong ang lahat ng ibig malaman kaugnay ng paksa. * Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm

¾ Teknik sa Pakikipanayam ¾ Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM * Magpasalamat.

* Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm ¾ Pagkatapos ng Panayam

Pagtatasa: Telehanayan ng Kasagutan

Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina sagutin ang unang apat na

106

Page 14: 8 Fil LM_M7

kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng telebisyon.

Pagpapalalim: Pagbuo ng Sariling Pananaliksik Bumuo ng grupong may tigatlo hanggang tiglimang miyembro at pumili ng isang gustong gawing paraan ng pananaliksik. Mula dito bumuo o humanap ng paksa at bumuo ng isang concept web. Iprisenta ito nang tulad ng isang skit ng talakayan o pag-uusap tao tungkol sa napiling paksa.

Ehersisyo: Radyomentaryo

Bilang bahagi ng iyong gawain puntahan ang alin man sa mga link sa

107

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.

Page 15: 8 Fil LM_M7

loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita.

http://www.tv5.com.ph/ click radyo5 http://www.interaksyon.com/article/42031/te odoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of-foi tunein.com/ radio /Radyo-Patrol-630-s14674/ radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to-923-news-fm-online/

Para sa mga walang internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anumang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.

Tandaan: Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa:

1. Pamagat ng paksang tinalakay, 2. Mga batayan ng mga salaysay, at 3. Mga paksang pinag-uusapan.

Mga Gabay na Tanong:

1. Tungkol saan ang iyong napakinggan? 2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga

komentarista? 3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo?

BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN

1. Magsaliksik ng mga impormasyon2. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye

upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat3. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

KUWENTUHANG MEDIA Posted by Online Balita on June 2nd, 2012

Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng

kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay Tuesday Club sa Pasig City. Magagaling, matatalas, at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal, at ni CJ Renato Corona.

108

Page 16: 8 Fil LM_M7

Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA Vice President for Communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (Chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic Editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa.

Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan,

biruan, at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda, at sariwang opinyon, analisis, at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal.

Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong

binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan?

2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye?

3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?

Pagtatasa: Radyopormasyon

Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel.

109

Page 17: 8 Fil LM_M7

mga bilog. Gawin sa sagutang papel.

Mga nagpapahayag ng impormasyon

Mga pahayag ng mga personalidad

Sariling pananaw

Motibasyon: Radyotik na mga Titik

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na “konsepto ng pananaw.”

Mula sa binasang teksto na Kuwentuhang Media, hanapin ang mga salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa

Ugnay Wika Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw.

1. May mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang

dito ang ayon/ batay/ para/ sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/ pananaw/ akala ko/ ni/ ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi, o pinaniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon.

110

Page 18: 8 Fil LM_M7

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/ palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito.

2. May mga ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.

Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip ka nang husto.

RADYOMENTARYONG MAKABAGO

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.

Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L.

K

W

H

L

Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan.

111

Page 19: 8 Fil LM_M7

Sa huli, gumawa ng isang komentaryong sanaysay na tumatalakay sa isang napapanahong isyu. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan.

1. Dalawang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong

sariling pananaw. 2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw.

Konteksto: Subukang gumawa ng pag-uulat sa susunod na sitwasyon

Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang award winning radio broadcaster/ komentarista na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kaniyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club.

NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG

PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO

PamantayanNapakahusay

4Mahusay 3 Umuunlad 2 Nagsisimula 1

Kabuuang Marka

Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon

Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahong mgaimpormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Masaklaw, makabuluhanat napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok.

Makabuluhanat napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad na higit namakatutulongsa pagtatanghal.

Maymakabuluhanatnapapanahong mgaimpormasyong inilahad sa materyal tungkol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito.

112

Page 20: 8 Fil LM_M7

Masining at maingat na paggamit ng wika

Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraan sa materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapahayag sa nabuong materyal.

Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal.

Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuongmateryal ngunit hindi maingat ang paggamit.

Mahusay na aspektong teknikal

Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpitagpi ng mga elemento nito.

Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal.Naipapamalas ang kahusayan sa teknikal na pagganap.

Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas ang angkop na teknikal na pagganap.

Naipamalas sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpitagpi ng elemento at teknikal na pagganap.

Pagkapraktikal ng rekomendasyon

Ang mgainilahad na rekomendasyon aynagmumungkahi ng kaisipang pangmatagalan sa kamalayan ng madla.

Malinaw at kapakipakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomendasyon.

Makabuluhan ang karamihan sa inilahad na rekomendasyon.

May mga rekomendas-yong inilahad ngunit hindi malinaw ang iminumungkahi ng mga kaisipan.

Kabuuang Marka

Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel.

ǣ

����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

113

Page 21: 8 Fil LM_M7

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita, at mga dokumentaryong pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas

Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina Cheche Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, Kara David, at iba pa.

Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagkatitiwalaang dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?

Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung paanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang - kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan.

Panimulang Pagtataya: Paborito Kong Palabas!

Simulan pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa madalas na panoorin. Ipaliwanag kung

114

Page 22: 8 Fil LM_M7

bakit.

ƒ–”‘ �

� ‰‡ �

ƒ–ƒ� ‰ƒ™‹� � ƒ–”‘ �

ƒ–‡†

ƒ‡–ƒ†‘‰ � � �‹‘›�

™‡‡‡ƒ”–•�

‡‡‡†� � ‡–ƒ™ƒ›

ƒ‰ƒ‰ƒ›� � ƒ†ƒ�

� ������Ǧ

palabas. Ipaliwanag ang pagkakatulad nila.

INVESTIGATIVE

DOCUMENTARIES

REPORTER’S NOTEBOOK

STORYLINE

S. O. C. O.

KRUSADA

REEL TIME

Telembistiga

Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon. Subukang panoorin o saliksikin ang sumusunod na

115

Page 23: 8 Fil LM_M7

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit? 3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa? 4. Paanong maituturing ang telebisyon, bilang salik ng panitikang popular,

upang maging isang malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan at ipaliwanag.

Pagpapalalim: Gulong ng Buhay Telebisyon Magbigay ng mga dahilan kung bakit pinanonood ang programang pantelebisyon. Subuking sagutin ang sumusunod na tanong at ipaliwanag:

Ano ang nakaeengganyong bahagi ng programa? 1. Saan ako interesado sa isang programa? Sa kuwento? Tauhan? Lugar na

pinagkuhanan? 2. Ano kaya ang genre na kinabibilangan ng programang gusto ko?

Panoorin: Teleisipan ng Buhay

Kung mayroon kang kompyuter at koneksiyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=relatedǤ Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Kislap ng Bituin” Jeystine Ellizbeth L. Francia

Panganay ako sa aming magkapatid, at maagang iminulat ni mommy ang aking isipan sa tunay na takbo ng buhay. Tinulungan niya akong buksan ang isip sa mga bagay na nagaganap sa labas ng aming tahanan. Ginagabayan niya ako habang inuunawa ang mga ito. Bukod sa mga panonood ni mommy ng mga palabas nina Howie Severino isa ang dokumentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo sa Dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinatatatag.

Malaki ang iniiukit sa aking puso ng mga kaganapan sa Little Baguio isang lugar kung saan may mga guro at batang hindi alam ang salitang pagsuko sa kabila ng kanilang sitwasyon sa buhay. Bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap, at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.

116

Page 24: 8 Fil LM_M7

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, at sa paggabay ni mommy upang unawain ko ang mga ito, lalo kong pinatatag ang matagal nang pangarap na maging sa hinaharap.

Mula noon hanggang ngayon, pinangarap ko na maging isang tagapaglingkod ng mamamayan. Sumulat at maipakita sa lahat ang tunay na kaganapan sa buhay ng tao. Pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensiyon.

Hawak ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” at ang pagiging guro ni mommy, tutuparin ko ang makapaglingkod sa aking bayan at sa mamamayan.

Susulat ako ng mahahalagang impormasyong kakailanganin upang mamulat ang mundo sa katotohanan ng buhay. Ipasisilip ko ang lente ng camera upang baka sakali ay makita nila ang mga bagay na dapat nilang makita, ang sakit ng lipunang aking ginagalawan ay higit kong madama at maipadama sa buong mundo. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang isusulat ko sa papel ay higit na maunawaan at makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayundin ang mga tao sa kanilang paligid. Hangad kong dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit na nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag, naging isang makislap na bituin na magsisilbing gabay ng mga taong naglalakbay sa gitna ng dilim.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang

dokumentaryo?

2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?

3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito? Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam

kong magagamit mo sa susunod na gawain:

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon, at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan, at pananaw ng isang nilikha ay

117

Page 25: 8 Fil LM_M7

maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?”

Mga Nauna nang Nalaman

Mga Nalaman at Natuklasan

Mga Patunay ng Nalaman atNatuklasan

Katanggaptanggap na mga

KondisyonPaglalahat

Telementaryo

Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para _______________________. 2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain. 3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y _______________. 4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, _________________________________________.

5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa Dilim,” _______________________.

Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinagugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang

118

Page 26: 8 Fil LM_M7

lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/ sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pangugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng

mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, at bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

119

Page 27: 8 Fil LM_M7

```

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon +

bunga) sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon) kung

nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: Kapag/ Sa sandaling/ Basta’t (pu + kondisyon + bunga) nag- aral kang mabuti,

matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon) Kapag/ Sa sandaling/ Basta’t nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling … o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

Pagtataya

120

Page 28: 8 Fil LM_M7

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan

kaisipan kaisipan

Sinematotohanang Kaganapan Gamit ang mga salita o ekspresyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel.

Pagkatapos mong makita ang mga larawan, sagutin mo ang sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang paksa ng mga larawan? 2. Mahusay bang nabubuod ng larawan ang paksa? Ipaliwanag.

3. Ano pa kayang problema sa lipunan ang mahusay na gawing paksa ng ganitong mga paglalarawan?

Motibasyon: DokPantele

121

Page 29: 8 Fil LM_M7

Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan.

Sitwasyon:

Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit ng wika ng kabataan sa kasalukuyan, b) may mga ekspresyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo.

Bumuo ng isang plano kung papaano iprepresenta ang mga ito.

Bumuo ng balangkas ng takbo ng programa.

Pagnilayan at Unawain

Sa bahaging ito, subukang pagnilayan ang sumusunod na gawain upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa

122

Page 30: 8 Fil LM_M7

iba’t ibang kaparaanan sa ating araw -araw na pamumuhay.

. pagbibigay ng impormasyon 1

. 2 pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon 3. pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin 4 . paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin 5. aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin

(serbisyo publiko )

RADYO TELEBISYON

BROADCAST MEDIA

Buuin ang pahayag

Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay sapagkat______________________________________

________________________________________________________.

Pagpapalalim: Pagsasalin

Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak na matagumpay na naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Batid din ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino. Nasa kabilang pahina ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan.

Isa kang mamamahayag o journalist / broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa.

Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon.

123

Page 31: 8 Fil LM_M7

Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES.

Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel.

Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon:

� Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba? � Ang Mundo Ba’y Sadyang sa Pera Umiikot? � Pamahalaan, Lagi Bang Handa sa Panahon ng Kalamidad? � Bagong Teknolohiya Sagot nga Ba sa Pag-unlad?

Katangiang Pang-Multimedia

Gumamit ng mga grapiko, video, tunog, at iba pang multimedia na makatutulong upang higit na maging makabuluhan ang presentasyon. Sumunod sa batas

Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features.

Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon, ngunit may mga pagkakataong nalalayo sa tema. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa

Di-gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon.

124

Page 32: 8 Fil LM_M7

kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features.

paggamit ng multimedia features.

Pagiging Malikhain

Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood, makadaragdag sa pagpapalabas ng layunin at tema ng paksa.

Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Sinubukang gamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Walang ginamit na kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood.

Pagtatanghal

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. Naipakita ang kabuluhan ng paksa at tema nito.

Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita.

May mga ilang pagkakataong kinabahan habang nagsasalita.

Di-napaghandaan ang pagsasalita at pagganap.

Bumuo muna ng concept web upang matulungan sa paghimay ng paksa. Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubrik na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain.

Ipresenta sa klase ang nabuo, sa pamamagitan ng pagtatanghal ng script. Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto:

Rubrik para sa Multimedia Presentation

Pinakamahusay4

Mahusay3

Umuunlad2

Nagsisimula 1

Nilalaman: Layuni n

125

Page 33: 8 Fil LM_M7

Ang presentasyon ay may tiyak na layunin o tema. Ang lahat ng ipinakita rito ay may tiyak na kaugnayan sa layunin at lubhang makabuluhan.

Ang presentasyon ay may tiyak na paksa, at may kaugnayan ang mga ipinakita rito sa paksa.

May tiyak na paksa ang presentasyon ngunit ilang bahagi lamang ang nagpakita ng kaugnayan sa paksa.

Di malinaw na naipakita ang paksa at ang karamihan sa bahagi ay walang malinaw na kaugnayan sa tema.

Nilalaman: Kongkl usyon

Ginamit ko ang aking natutuhan at mga dati ng kaalaman upang mailahad ang aking pag-unawa sa mga datos na nakalap.

Nakapaghinuha ako nang maayos na kongklusyon mula sa mga datos na nakalap.

Sa tulong ng iba, nakapaghinuha ako ng isang magandang kongklusyon.

Di naging madali ang paghinuha ko ng kongklusyon.

Pangwakas na Pagtataya

Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang isinasaad.

1. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo,

__________________________________________________________. 2. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay

__________________________________________________________.

126

Page 34: 8 Fil LM_M7

Pagbuo ng sarili kong palabas:

Bumuo ng grupong may tigatlong miyembro. Siguraduhing may isang mahusay gumuhit, magsulat, at magsalita sa bawat grupo.

Para sa gawaing ito kailangang bumuo ang bawat grupo ng isang konseptong palabas.

Konteksto: Ipalalabas ang pinakaunang episode ng inyong programa sa susunod na linggo. Para dito kailangang makabuo ng sumusunod:

1. Pamagat ng programa

2. Logo para sa programa

3. Script kung saan ipinakikilala ang layunin at punto ng programa.

4. Guhit ng sumusunod a. Talk Show – hitsura ng set b. Palabas tungkol sa krimen – hitsura ng set c. Palabas tungkol sa isyu - guhit ng lugar na bibisitahin

5. Mga elementong kailangan isama ayon sa format ng mapipiling palabas a. Talk Show – mga magsasalita at mga dahilan kung bakit sila

iimbitahan b. Palabas tungkol sa krimen – isang kaso (maaaring inimbento)

c. Palabas tungkol sa isang espisipikong isyu – lugar na bibisitahin at maikling paglalarawan dito. Kailangan ding magbigay ng dahilan kung bakit ito ang napili.

127