9i: pagiging malikhain sa mga upuan at mga suplay · ⇒ patong-patong na mga magasin (naka-duct...

8
KAB. 9|9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY 357 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY Dahil patuloy ang paglaki at pag-develop ng mga bata, patuloy ring nagbabago ang mga pangangailangan nila. Maaaring masyadong mahal at hindi madaling makuha ng mga tagapangalaga ang mga espesyalisadong upuan at iba pang mga kasangkapan sa pagpapakain. Samakatwid, mahalagang maging madiskarte at malikhain para matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain ng bata sa ligtas at maingat na mga paraan. Narito ang mga halimbawa ng malikhaing mga solusyon sa pagpapakain na makikita sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hindi ito komprehensibong listahan at hindi dapat ituring na mga tanging posibilidad, pero sa halip, simulain para sa pagtuklas ng mga solusyon. PAGPOPOSISYON: Ang pagpoposisyon ang pinakakritikal na aspekto ng karanasan ng bata sa pagkain. Naibibigay ng wasto at ligtas na pagpoposisyon ang higit na ligtas at mas matagumpay na kakayahan ng batang kumain. Narito ang ilang mga karaniwang isyu sa pagpoposisyon at ilang malikhaing mga paraan para matugunan ang mga ito: MASYADONG MALAKI ANG UPUAN PARA SA BATA Kung masyadong malaki ang upuan para sa bata, hindi sila magkakaroon ng matibay na suporta para sa katawan. Mahalagang masegurong may suporta ang bata sa likod at sa parehong gilid ng katawan para matiyak na kaya nilang makuha ang mga susing elemento ng pagpoposisyon. Kaya mong matulungang magkasiya ang bata nang mas maayos sa masyadong malaking upuan sa paggamit ng mga pampuno sa pagitan ng katawan ng bata at ng upuan. Ilan sa mga posibleng pampuno ang mga sumusunod: Mga unan Mga kutson Mga stuffed animal Mga tuwalya Mga kumot Kaliwang Larawan: Gumagamit ang mga tagapangalaga ng mga kumot at mga stuffed animal para matugunan ang pangangailangan sa pagpoposisyon ng maliit na bata sa malaking upuan. Kanang Larawan: Gumagamit ng mga kutson ang mga tagapangalaga sa likod ng bata at sa ilalim ng paa niya para makalikha ng upuan at posisyong mas suportado ang bata.

Upload: others

Post on 17-Jun-2020

1 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

K AB . 9 | 9 I : PA G I GI N G MA L I K H A I N S A MG A UP U A N A T MG A S UP L AY

357

9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY Dahil patuloy ang paglaki at pag-develop ng mga bata, patuloy ring nagbabago ang mga pangangailangan nila. Maaaring masyadong mahal at hindi madaling makuha ng mga tagapangalaga ang mga espesyalisadong upuan at iba pang mga kasangkapan sa pagpapakain. Samakatwid, mahalagang maging madiskarte at malikhain para matugunan ang mga pangangailangan sa pagkain ng bata sa ligtas at maingat na mga paraan.

Narito ang mga halimbawa ng malikhaing mga solusyon sa pagpapakain na makikita sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Hindi ito komprehensibong listahan at hindi dapat ituring na mga tanging posibilidad, pero sa halip, simulain para sa pagtuklas ng mga solusyon.

PAGPOPOSISYON: Ang pagpoposisyon ang pinakakritikal na aspekto ng karanasan ng bata sa pagkain. Naibibigay ng wasto at ligtas na pagpoposisyon ang higit na ligtas at mas matagumpay na kakayahan ng batang kumain. Narito ang ilang mga karaniwang isyu sa pagpoposisyon at ilang malikhaing mga paraan para matugunan ang mga ito:

MASYADONG MALAKI ANG UPUAN PARA SA BATA

Kung masyadong malaki ang upuan para sa bata, hindi sila magkakaroon ng matibay na suporta para sa katawan. Mahalagang masegurong may suporta ang bata sa likod at sa parehong gilid ng katawan para matiyak na kaya nilang makuha ang mga susing elemento ng pagpoposisyon. Kaya mong matulungang magkasiya ang bata nang mas maayos sa masyadong malaking upuan sa paggamit ng mga pampuno sa pagitan ng katawan ng bata at ng upuan. Ilan sa mga posibleng pampuno ang mga sumusunod:

⇒ Mga unan ⇒ Mga kutson ⇒ Mga stuffed animal ⇒ Mga tuwalya ⇒ Mga kumot

Kaliwang Larawan: Gumagamit ang mga tagapangalaga ng mga kumot at mga stuffed animal para matugunan ang pangangailangan sa pagpoposisyon ng maliit na bata sa malaking upuan.

Kanang Larawan: Gumagamit ng mga kutson ang mga tagapangalaga sa likod ng bata at sa ilalim ng paa niya para makalikha ng upuan at posisyong mas suportado ang bata.

Page 2: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

KAB. 9|9I : PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY

358

NAHUHULOG ANG BATA SA UPUAN

Maaaring mahulog ang bata sa magkabilang gilid ng upuan, masyadong yumuko, o dumausdos habang nakaupo. Mahalagang matiyak na kayang mapanatili ng bata ang deretso at suportadong posisyon para maitaguyod ang mas ligtas at matagumpay na oras ng pagkain. Maaari mong matulungang mapanatili ng bata ang deretsong posisyon sa pagkakaupo sa paggamit ng pampuno sa pagitan ng katawan ng bata at ng upuan (tulad ng tinalakay na) at sa pagbalot ng sinturon o tela palibot sa katawan o balakang ng bata at ng upuan. Ang ilang mga puwedeng gamiting sinturon ay:

Sinturong gawa sa:

⇒ Mahabang balabal ⇒ Tuwalya ⇒ Kumot ⇒ Tela ⇒ Panali ⇒ Lubid

Itaas na Larawan: Ginagamit ng mga tagapangalaga ang kapirasong tela na nakatali sa palibot ng batang babaeng ito at sa upuan niya para mapanatili ang balakang niyang

nasa wastong puwesto para sa pag-upo.

Kaliwang Larawan: Gumagamit ng panali mula sa bathrobe ang mga tagapangalaga para ibalot ang bata sa kaniyang upuan para hindi siya madulas habang nakaupo.

Page 3: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

KAB. 9|9I : PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY

359

HINDI UMAABOT ANG PAA NG BATA SA SAHIG O SA IBABA NG UPUAN

Kailangan ng mga bata ng pirming apakan kapag kumakain bilang pundasyon ng suporta at para maramdaman nilang suportado ang katawan nila. Kapag nakalaylay ang mga paa at hindi nakaapak, maaaring hindi komportable at hindi ligtas ang pakiramdam at maaaring kailangan na mas pagsikapan na mapanatili ang pirming posisyon para sa pagkain. Ang ideal na upuan para sa pagkain ay may naigagalaw na apakan para masuportahan ang paa ng bata nang maayos. Gayunpaman, mahirap minsang makahanap ng upuang maaabot ng paa ng bata ang solidong rabaw tulad ng apakan o sahig. Maaari mong matulungan ang bata na makakuha ng angkop na suporta sa paa sa pagbabago ng mga naroong apakan o sa paglikha ng sarili. Narito ang ilan sa mga posibleng maging apakan at suporta:

⇒ Mga bloke o tablang kahoy ⇒ Mga kahon ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam

mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong. o Subuking baguhin ang tangkad ng patong-patong na mga gamit para umangkop sa

bata, at pagkatapos ay i-tape ang mga bagay nang magkasama para sa dagdag na pagkapirmi!

⇒ Mga bangkito ⇒ Mga basurahan ⇒ Mga basket ng labada ⇒ Binti ng tagapangalaga

Idinikit ng mga tagapangalaga ang kahot na puzzle board sa sirang apakan ng wheelchair gamit ang duct tape.

Gumagamit ang mga tagapangalaga ng maliit na mesa at kutson bilang apakan ng batang

nasa high chair.

Page 4: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

KAB. 9|9I : PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY

360

MASYADONG MAGKALAYO O MAGKALAPIT ANG TUHOD NG BATA

Maaaring mapigilan ng pilipit na mga tuhod ang kakayahan ng batang maabot ang mga susing elemento ng pagpoposisyon. Ang ideal na upuan para sa pagkain ay may bolster na maisisingit sa pagitan ng hita ng bata para mapanatili ang posisyong ito. Gayunpaman, minsan mahirap makahanap ng upuang may ganitong katangian. Maaari mong matulungan ang batang magkaroon ng angkop na suporta sa tuhod sa pagbabago ng mga upuang nandiyan na o sa paglikha ng sarili mong mga panghalili na naaalis. Ang ilan sa mga posibilidad ay:

⇒ Pagdagdag ng bolster sa upuan o Magbarena ng butas kung saan dapat nandoon ang bolster at kabitan ito ng maigsing

poste na nakukutsunan. o Ipagawa ito sa mga propesyonal na karpintero.

⇒ Inirolyong tuwalya sa pagitan o sa labas ng mga tuhod ng bata. ⇒ Stuffed animal sa pagitan o sa labas ng mga tuhod ng bata. ⇒ Kutson sa pagitan o sa labas ng mga tuhod ng bata.

o Takpan ng tela o punda ng unan para sa mas madaling paglilinis

Kaliwang Larawan: Nagsingit ng kutson ang mga tagapangalaga sa pagitan ng mga tuhod ng batang ito para maging komportable at maayos ang pagkakaposisyon niya sa oras ng pagkain.

Kanang Larawan: Gumagamit ng mga piraso ng kutson ang mga tagapangalaga na nakasingit sa pagitan ng mga tuhod ng bata.

Page 5: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

KAB. 9|9I : PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY

361

HINDI SUPORTADO ANG ULO NG BATA

Kapag nagpapakain, mahalaga na deretso, nakaharap, at medyo nakatungo ang ulo ng bata. Para sa ilang bata, nangangailangan ito ng dagdag na suporta dahil hindi nila kayang mapanatili ang posisyon na ito nang mag-isa. Ang ideal na mga upuan para sa pagkain ay nabibigyan ng kakayahan ang mga bata na maabot ang posisyong ito. Gayunpaman, mahirap minsang makakita ng upuang may wastong suporta sa ulo para sa bawat bata. Gayundin, posibleng kahit may wastong suporta sa ulo, kailangan ng bata ng dagdag na tulong sa pagpapanatili ng ulo nila sa posisyon sa buong oras ng pagkain. Narito ang ilang posibleng suporta sa ulo:

⇒ Nakarolyong tuwalya o kumot na nakabalot sa leeg ng bata na may maluwag na gomang tali na nagpapanatili sa puwesto nito

⇒ Travel pillow ⇒ Paggamit ng braso ng tagapangalaga para masuportahan ang ulo at leeg ng bata

Itaas na Kaliwang Larawan: Gumagamit ng mga tuwalya at panali sa buhok ang mga tagapangalaga para magkaroon ng suporta sa ulo at leeg ang bata.

Itaas na Kanang Larawan: Gumagamit ng travel pillow ang mga tagapangalaga para masuportahan ang posisyon ng ulo at leeg ng bata.

Ibabang Kaliwang Larawan: Gumagamit ng tuwalya ang mga tagapangalaga para masuportahan ang katawan, ulo at leeg ng bata sa pamamagitan ng pagbalot nito sa itaas na bahagi ng katawan niya.

Page 6: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

KAB. 9|9I : PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY

362

Mga bagay na HINDI gumagana sa pagsuporta ng posisyon ng ulo ng bata at maaaring mas magpalala:

Ø Paghilig ng ulo ng bata palikod Ø Paglagay ng kamay sa noo o mukha ng bata para mapanatili itong deretso Ø Puwersahang paghawak ng ulo ng bata sa posisyon

WALANG UPUANG MAGAGAMIT O ANGKOP SA PANGANGAILANGAN NG BATA

Maaaring mahirap ang paghahanap ng upuang angkop sa pangangailangan ng bawat bata. Dagdag pa, minsan kahit baguhin ang upuan, hindi pa rin ito angkop para sa bata. Maaaring maging mahalaga at mabisang solusyon ang paggawa ng sarili ninyong upuan. Ilang mga posibleng maging upuan ay:

⇒ Paggawa ng mga upuan, mesa, at tray sa tulong ng mga kasama sa komundad tulad ng mga karpintero ng pamayanan

⇒ Paggawa ng mga upuan gamit ang mga timba o basurahan o Tanggalin ang mga bahagi ng gilid at magpasok ng mga kutson para sa dagdag na

suporta at para maging komportable ⇒ Paggawa ng mga upuan, mesa at tray mula sa mga kahon

o Magtanggal ng mga bahagi ng karton na kahon at gumamit ng duct tape para mapatibay ang mga gilid

o Pagdikitin o i-tape ang mga karton ng gatas o iba pang matibay na mga lalagyan

Gumawa ang mga tagapangalaga ng matibay na upuan mula sa mga kahon ng gatas at tape.

Page 7: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong

KAB. 9|9I : PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY

363

PAGPAPAKAIN SA SARILI: Mahalagang hakbang sa pag-develop ng bata ang pagtulong sa kaniyang matutong pakainin ang sarili. Isa rin itong kapaki-pakinabang na kakayahan sa buhay. Nahihikayat nito ang bata na magpahusay pa ng mas maraming kakayahan at magsarili, at nababawasan rin ang mga kailangang gawin ng mga tagapangalaga sa katagalan. Gayunpaman, hindi lahat ng mga bata ay nadadalian sa paggamit ng mga kubyertos at mga baso. However, not all children are able to use utensils and cups easily. Narito ang karaniwang isyu sa pagpapakain sa sarili at ilang malikhaing paraan para matugunan ito:

HINDI KAYANG HAWAKAN NANG MAAYOS NG BATA ANG MGA KUBYERTOS AT BASO O MAY KAHIRAPAN SIYA SA PAGLAPIT NITO SA BIBIG NIYA

Kung may kahirapan ang bata sa paggamit ng kamay at braso nila, maaaring may problema rin sila sa pagkuha, paghawak at paggamit ng kubyertos para kumuha ng pagkain. Dagdag pa, maaaring hirap rin silang hawakan ang mga baso. Maaari mong tulungan ang bata na matutuhan ang paggamit ng mga kubyertos at baso nang mas matagumpay sa pamamagitan ng pag-angkop ng mga kubyertos at baso o sa paggawa ng sarili para matugunan ang espisipiko nilang pangangailangan. Ilan sa mga posibleng paraan ng pag-angkop ay:

⇒ Paggamit ng mga panali sa buhok, gomang tali, o Velcro para maitali ang kubyertos sa kamay ng bata

⇒ Paggamit ng goma ng gulong, kahoy o mga bola ng tennis na ikakabit sa kubyertos para mas madaling kuhanin at hawakan

⇒ Pagbaluktot sa mga hawakan ng kubyertos para maging mas madali ang pagpapakain sa sarili ⇒ Paggupit ng mga plastik na baso para maging cut-out “nosey” na mga baso ⇒ Paggawa ng mga “arm rocker” mula sa kahoy, plastic o kutson ⇒ Pagdagdag ng mga hawakan sa mga baso o mangkok sa tulong ng mga taga-komunidad tulad

ng mga karpintero o magpapalayok

Tingnan ang mga kahirapan sa pagkilos ng bata at ang mga pisikal niyang lakas, at bumuo ng mga paraan para mapabuti ang karanasan nila sa pagkain.

Nakatutulong sa atin ang pagiging malikhain para makahanap ng mga bagong paraan para masuportahan ang kakayahan, pag-develop at pagsasarili ng bawat bata.

Gumagamit ang mga tagapangalaga ng Velcro strap Caregivers use a Velcro strap palibot sa kamay ng bata at ng kutsara. Nakatutulong itong hawakan niya nang Mabuti ang kutsara para mapakain ang sarili.

Page 8: 9I: PAGIGING MALIKHAIN SA MGA UPUAN AT MGA SUPLAY · ⇒ Patong-patong na mga magasin (naka-duct tape nang magkakasama) mga puzzle board, foam mat, o anumang manipis, solido at mapagpapatong-patong