9j: mga estratehiya at technique sa pagpapakain mga ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na...

15
KAB. 9|9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN 365 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ESTRATEHIYA PARA MASUPORTAHAN ANG PAGPAPADEDE SA BOTE, PAGPAPAKAIN GAMIT ANG KUTSARA AT PAG-INOM SA BASO: Stimulation/stroking technique Suporta sa panga at baba Suporta sa labi at pisngi para sa pagsupsop Technique sa pagsara ng labi at baba Technique sa pagtulak pababa ng bote Technique sa Pagdadahan-dahan Mga Technique sa Facial Molding Hugis-L Pagsapo sa baba Technique sa pagtulak pababa Tonic bite spoon/cup removal 1. STIMULATION/STROKING TECHNIQUE SA LABI Nagbibigay ng estimulasyon ang estratehiyang ito sa labi ng sanggol na nagtutulak na sumupsop ang sanggol na dumedede mula sa suso at/o bote. MAINAM PARA SA: Mga sanggol na 0-6 buwang gulang na dumedede mula sa suso at/o bote. KAILAN GAGAMITIN: o Sinumang sanggol na kailangan ng dagdag na paghikayat para sumupsop o Sa sanggol na nahihirapang sumupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado ang pagsupsop o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o naapektuhan ng droga sa sinapupunan at maaaring madaling mapagod o nahihirapang sumupsop PAANO GAGAMITIN: o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees). O iposisyon ang sanggol nang nakaangat sa kutson. o Gamit ang utong ng suso o tsupon ng bote, haplusin ang ibabang labi ng sanggol mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo. Tumigil pagkatapos ng ilang haplos para bigyan sila ng pagkakataong tanggapin ang tsupon.

Upload: others

Post on 01-Aug-2020

29 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T T E C H NI Q U E SA P A GP AP AK AI N

365

9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN

MGA ESTRATEHIYA PARA MASUPORTAHAN ANG PAGPAPADEDE SA BOTE, PAGPAPAKAIN GAMIT ANG KUTSARA AT PAG-INOM SA BASO:

① Stimulation/stroking technique ② Suporta sa panga at baba ③ Suporta sa labi at pisngi para sa pagsupsop ④ Technique sa pagsara ng labi at baba ⑤ Technique sa pagtulak pababa ng bote ⑥ Technique sa Pagdadahan-dahan ⑦ Mga Technique sa Facial Molding ⑧ Hugis-L ⑨ Pagsapo sa baba ⑩ Technique sa pagtulak pababa ⑪ Tonic bite spoon/cup removal

1. STIMULATION/STROKING TECHNIQUE SA LABI Nagbibigay ng estimulasyon ang estratehiyang ito sa labi ng sanggol na nagtutulak na sumupsop ang sanggol na dumedede mula sa suso at/o bote.

MAINAM PARA SA: Mga sanggol na 0-6 buwang gulang na dumedede mula sa suso at/o bote. KAILAN GAGAMITIN:

o Sinumang sanggol na kailangan ng dagdag na paghikayat para sumupsop

o Sa sanggol na nahihirapang sumupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado ang

pagsupsop o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o

naapektuhan ng droga sa sinapupunan at maaaring madaling mapagod o nahihirapang sumupsop

PAANO GAGAMITIN:

o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees). O iposisyon ang sanggol nang nakaangat sa kutson.

o Gamit ang utong ng suso o tsupon ng bote, haplusin ang ibabang labi ng sanggol mula sa isang dulo hanggang sa kabilang dulo. Tumigil pagkatapos ng ilang haplos para bigyan sila ng pagkakataong tanggapin ang tsupon.

Page 2: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

366

o Ulitin hangga’t kailangan. o Puwede ring gumamit ng pacifier sa parehong paraan bago ibigay ang tsupon.

2. SUPORTA SA PANGA AT BABA PARA SA

PAGSUPSOP (PAGDEDE SA BOTE) Nagbibigay ang estratehiya na ito ng suporta sa panga ng sanggol para matulungan sa pagdede mula sa bote.

MAINAM PARA SA: Mga sanggol na 0-6 buwang gulang na dumedede sa bote. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa sanggol na madaling mapagod o Sa sanggol na hirap sumupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado ang

pagsupsop o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o naapektuhan

ng droga sa sinapupunan at maaaring madaling mapagod o nahihirapang sumupsop

PAANO GAGAMITIN:

o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees).

o Ilagay ang isang daliri sa ilalim ng baba ng sanggol at diinan nang mahina habang ibinibigay ang bote.

3. SUPORTA SA LABI AT PISNGI PARA SA

PAGSUPSOP (PAGPAPADEDE SA BOTE) Nagbibigay ang estratehiyang ito ng suporta sa pisngi ng sanggol para matulungan siyang dumede mula sa bote.

MAINAM PARA SA: Mga sanggol na 0-6 buwang gulang na dumedede sa bote. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa sanggol na madaling mapagod o Sa sanggol na hirap sa pagsupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado ang

pagsupsop o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o

naapektuhan ng droga sa sinapupunan at maaaring madaling mapagod o nahihirapang sumupsop

Page 3: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

367

PAANO GAGAMITIN:

o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees). O iposisyon ang sanggol nang nakaangat sa kutson.

o Gamit ang hinlalaki at isang daliri (isa sa bawat pisngi), diinan nang kaunti papunta sa bibig ng bata para matulungan siyang igalaw ang labi sa palibot ng tsupon.

Tandaan: Kung nagreresulta sa pag-ubo o pagkabilaok ang pagbibigay ng suporta sa pisngi at panga, kailangang itigil agad ang ganitong uri ng suporta.

4. TECHNIQUE SA PAGSARA NG LABI AT BABA Nagbibigay ang estratehiyang ito ng suporta sa labi at baba ng bata para matulungan siyang isara ang mga labi sa pagkain.

MAINAM PARA SA: Mga batang 0-6 buwang gulang. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa sanggol na hindi maisara ang labi nang maayos

o Sa sanggol na hirap sa pagsupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado

ang pagsupsop o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o naapektuhan ng droga sa sinapupunan at maaaring

madaling mapagod o nahihirapang sumupsop

PAANO GAGAMITIN:

o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees). O iposisyon ang sanggol nang nakaangat at maayos ang pagkakasuportang posisyon nang nakaupo.

Itsura ng Technique ng Pagsapo sa Baba mula sa gilid habang tinutulungan ang sanggol sa pagdede mula sa bote.

Page 4: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

368

o Gamit ang hinlalaki (sa medyo ilalim ng ibabang labi) at hintuturo (sa baba), suportahan ang ibabang labi ng sanggol at ang mabutong bahagi ng baba. Diinan nang magaan papunta sa bibig ng bata para matulungan siyang igalaw ang labi niya palibot ng tsupon.

5. TECHNIQUE SA PAGTULAK PABABA

(PAGPAPADEDE SA BOTE)

Nagbibigay ang estratehiyang ito ng marahang suporta sa dila ng sanggol para mahikayat at mahimok ang pagsupsop mula sa bote.

MAINAM PARA SA: Mga sanggol na 0-6 buwang gulang na dumedede sa bote. KAILAN GAGAMITIN:

o Sinumang sanggol na kailangan ng dagdag na paghikayat na sumupsop

o Sa sanggol na madaling mapagod o Sa sanggol na hirap sa pagsupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado ang pagsupsop o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o naapektuhan ng droga sa sinapupunan at maaaring

madaling mapagod o nahihirapang sumupsop

PAANO GAGAMITIN:

o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees). O iposisyon ang sanggol nang nakaangat sa kutson.

o Gamit ang tsupon ng bote, diinan nang magaan pababa sa gitna ng dila ng bata nang 1-3 segundo. Hintayin siyang igalaw ang dila niya palibot ng tsupon para supsopin.

o Ulitin hangga’t kailangan.

Page 5: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

369

6. TECHNIQUE SA PAGDADAHAN-DAHAN

Nagbibigay ang estratehiyang ito ng maiigsing pahinga para sa sanggol na dumedede sa bote para gawing dahan-dahan ang proseso ng pagpapakain. Nagagaya rin ng dahan-dahang pagpapakain ang pakiramdam ng sanggol sa pagsuso mula sa ina.

MAINAM PARA SA: Mga sanggol na 0-6 buwang gulang na dumedede sa bote. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa sanggol na madaling mapagod o Sa sanggol na hirap sa pagsupsop o Sa sanggol na mahina o hindi organisado ang pagsupsop o Sa sanggol na nauubo, nabibilaukan o namumuwalan o Sa sanggol na madalas iluwa ang laman ng bibig o Sa sanggol na ipinanganak nang maaga o naapektuhan ng droga sa sinapupunan at maaaring

madaling mapagod o nahihirapang sumupsop

PAANO GAGAMITIN:

o Hawakan ang sanggol sa medyo deretsong posisyon (45-60 degrees). O iposisyon ang sanggol nang nakaangat sa kutson.

o Pahiga dapat ang hawak sa bote para mabawasan ang daloy ng likido. o Hayaang dumede mula sa bote ang sanggol sa loob ng mga 20-30 segundo (o 3-5 lunok).

Pagkatapos, marahang ihilig ang bote pagilid o pababa ng bibig ng bata. Pansamantalang natitigil ng pagilid o pababang kilos na ito ang daloy ng gatas at “dumadahan-dahan” ang pagpapakain. Hindi tinatanggal ang bote sa bibig ng bata.

o Kapag nagsimula nang aktibong sumupsop ang sanggol ulit, ibalik ang bote sa pahigang posisyon para magpatuloy ang pagdede.

o Ulitin ang proseso sa buong oras ng pagkain o hanggang sa kayang magdahan-dahan ang sanggol sa pagdede nang mag-isa.

Page 6: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

370

7. MGA TECHNIQUE SA FACIAL MOLDING 15 Ang mga technique sa facial molding ay mga masahe sa mukha na sumusuporta sa pag-develop ng kakayahang motor ng bibig ng bata para sa pagkain. Derekta itong ginagamit bago ang oras ng pagkain para unatin at “ihanda” ang mga masel ng mukha para sa pagkain at pag-inom.

Kasama sa dalawang technique sa facial molding ang:

① Patapik-tapik na Technique sa Facial Molding (paggamit ng 2-4 daliri)

② Technique sa Paggamit ng Bimpo

MAINAM PARA SA: Medyo mas may edad na mga batang 6 na buwang gulang at pataas na kumakain na ng solidong pagkain. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa batang hindi maayos ang pagkakasara ng bibig (laging bukas ang bibig)

o Sa batang nakaatras ang labi o Sa batang mababa ang tone ng masel ng mukha (bagsak na pisngi) o Sa batang mataas ang tone ng masel ng mukha (tensiyonadong pisngi)

Patapik-tapik na Technique sa Facial

Molding

Page 7: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

371

PAANO GAGAMITIN:

o Nakaposisyon ang tagapangalaga sa harap o gilid ng bata.

o Nakaposisyon ang bata sa posisyong nakaupo nang deretso at nasusuportahan nang maayos.

o Ipupuwesto ng tagapangalaga ang 2-4 na daliri mataas sa pisngi ng bata, tatapikin ng 3 beses pababa, papunta sa labi. Panginigin ang mga daliri habang hinahatak ito pababa—mabagal, malalim o mabilis. Uulitin ito ng tagapangalaga ng 3 beses.

o Ilalagay ng tagapangalaga ang 2-4 na daliri sa ibabaw lang ng itaas na labi ang marahang didiinan habang minamasahe nang may pababang kilos nang isang beses. Matutulungan dapat ng kilos na ito na lumapat ang itaas na labi sa ibabang labi. Mas matagal itong gagawin, mas mararamdaman ng bata ang pagsara ng labi.

o Ipupuwesto ng tagapangalaga ang 2-4 na daliri sa ibaba lang ng ibabang labi at marahang didiinan habang minamasahe pataas. Matutulungan dapat ng kilos na ito na lumapat ang ibabang labi sa itaas na labi. Mas matagal itong gagawin, mas mararamdaman ng bata ang pagsara ng labi.

o Ipupuwesto ng tagapangalaga ang 2-4 na daliri sa labi ng bata at marahang didiinan ito sa panghuling pagkakataon.

o Ulitin ang buong proseso hangga’t kailangan, hanggang 8-10 beses. o Sinusundan ng technique na gumagamit ng bimpo ang parehong mga hakbang gamit ang

mamasa-masa at mainit-init na bimpo. Sa halip na pagtapik, punasan ang bawat bahagi ng mukha sa pababang kilos (mula sa malayong bahagi ng pisngi papunta sa ilong at bibig) at sa pataas na kilos mula baba papuntang labi. Tapusin muna ang pagpunas ng magkabilang pisngi bago pumunta sa pagpunas ng baba at labi.

Technique sa Paggamit ng Bimpo

SUBUKING GAMITIN ANG TECHNIQUE NG PAGTAPIK-TAPIK

KASABAY NG KANTA, PARA MAGING MAS MASAYA!

Tap-tap-tapik

Tap-tap-tapik

Tap-tap-tapik

Labi pababa

Baba pataas

Isara sa halik! (Tsup!)

Page 8: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

372

Tandaan: Hindi dapat gamitin ang estratehiyang ito kapag may hamon o pagtanggi ang bata sa paghawak sa mukha niya. Kailangang gawin ang mga technique na ito nang mabagal, nang binabantayan ang kagustuhan at sensitibidad ng bata at pagtigil kapag kailangan.

8. TECHNIQUE NA HUGIS-L Nagbibigay ang estratehiyang ito ng suporta sa panga ng bata para matulungan siya sa pagbukas at pagsara ng bibig para sa pagnguya at paglunok.

MAINAM PARA SA: Medyo mas may edad na mga batang 6 na buwan pataas na kumakain na ng solidong pagkain. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa batang may pagtulak ng panga o Sa batang may tonic bite response o Sa batang may hindi maayos na pagsara ng labi o Sa batang nahihirapan sa pagbukas at pagsara ng panga

PAANO GAGAMITIN:

o Nakapuwesto ang tagapangalaga sa harap ng bata. o Nakaposisyon ang bata sa puwestong nakaupo nang deretso at maayos ang pagkakasuporta. o Nakapuwesto ang hinlalaki ng tagapangalaga sa baba ng bata o sa ibaba lang ng ibabang labi. o Nakapuwesto ang hintuturo ng tagapangalaga sa temporomandibular joint (gilid ng mukha sa

harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalato ng tagapangalaga sa ilalim ng panga sa likod ng baba. o Tulungan ang pagkontrol ng panga sa marahang paggabay dito sa paitaas-paibabang kilos

habang kumakain at umiinom ang bata. o Unti-unting bawasan ang suportang pisikal at kontrol na ibinibigay sa bata habang

nagpapamalas sila ng mas mahusay na pagkontrol ng panga.

Tandaan: Hindi dapat gamitin ang estratehiyang ito kapag may hamon o pagtanggi ang bata sa paghawak sa mukha niya o kung may napakalakas silang pagtulak ng dila o panga.

Page 9: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

373

9. TECHNIQUE SA PAGSAPO NG BABA Nabibigay ng estratehiyang ito ang suporta sa panga ng bata para matulungan sa pagbukas at pagsara ng bibig para sa pagnguya at paglunok.

MAINAM PARA SA: Mas may edad na mga batang 6 na buwang gulang pataas na kumakain na ng solidong pagkain. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa batang may pagtulak ng panga o Sa batang may tonic bite response o Sa batang may hindi maayos na pagsara ng labi o Sa batang nahihirapan sa pagbukas at pagsara ng

panga

PAANO GAGAMITIN:

o Nakapuwesto ang tagapangalaga sa likod o sa gilid ng bata. o Nakaposisyon ang bata nang nakaupo nang deretso at nasusuportahan nang mabuti. o Nakapuwesto ang hinlalaki ng tagapangalaga sa temporomandibular joint (gilid ng mukha sa

harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hintuturo ng tagapangalaga sa baba ng bata o sa ibaba lang ng ibabang labi. o Nakapuwesto ang hinlalato ng tagapangalaga sa ilalim ng panga sa likod ng baba. o Tulungan ang pagkontrol ng panga sa marahang paggabay dito sa paitaas-paibabang kilos

habang kumakain at umiinom ang bata. o Unti-unting bawasan ang suportang pisikal at kontrol na ibinibigay sa bata habang

nagpapamalas sila ng mas mahusay na pagkontrol ng panga.

Itsura ng Technique sa Pagsabo ng Baba mula sa gilid habang tinutulungan ang bata sa pag-inom sa baso gamit ang basong may cut-out.

Page 10: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

374

10. TECHNIQUE SA PAGTULAK PABABA

(PAGPAPAKAIN SA KUTSARA AT PAG-INOM MULA SA BASO)

Nagbibigay ang estratehiya na ito ng suporta sa dila at panga ng bata para matulungan siya sa pagbawas ng pagtulak ng dila. Nagiging mas madali ang pagkain, pag-inom at paglunok.

MAINAM PARA SA: Mas may edad na mga bata 6 na buwang gulang pataas na kumakain na ng solidong pagkain at natututong uminom mula sa baso. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa batang may pagtulak ng dila

PAANO GAGAMITIN:

o Nakaposisyon ang tagapangalaga sa harap ng bata tapat sa mata—hindi mas mataas sa kaniya.

o Nakaposisyon ang bata nang nakaupo nang deretso at nasusuportahan nang maayos.

o Pagpapakain sa Kutsara: Ipuwesto ang lapat na kutsara sa gitna ng dila at diinan ito nang pirmi pababa habang nagbibigay rin ng pirming diin sa ilalim ng baba gamit ang daliri. Tanggalin ang kutsara at ulitin hangga’t kailangan.

o Pag-inom mula sa Baso: Maglagay ng baso sa ibabang labi sa ilalim ng dila habang dinidiinan nang pirmi ang ilalim ng baba (papuntang dila). Alisin ang baso at ulitin hangga’t kailangan.

Page 11: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

375

11. TONIC BITE SPOON/CUP REMOVAL TECHNIQUE Nagbibigay ang estratehiyang ito ng suporta sa panga ng bata para matulungan sa pagbukas ng bibig at pagbitaw sa kutsara o baso mula sa mahigpit na pagkakakagat.

MAINAM PARA SA: Mga batang 6 na buwang gulang pataas. KAILAN GAGAMITIN:

o Sa batang may hypertonicity o Sa batang may hyperreactivity o Sa batang nahihirapan sa pagbukas at

pagsara ng panga at may tendensiyang mag-tiim-bagang

PAANO GAGAMITIN:

o Bawasan ang mga panlabas na estimulasyon habang nagpapakain (padilimin ang ilaw, bawasan ang ingay, limitahan ang mga panggulong biswal, atbp…)

o Tulungan ang batang maging mas kalmado at hindi gaanong tensiyonado. o Kapag kumakagat ang bata, kumalma at diinan nang magaan ang ilalim ng baba niya. o Maghintay na maramdamang bumaba ang panga bago tanggalin ang kutsara o baso mula sa

bibig niya. o Kung hindi ito nakatulog, marahang gabayan ang ulo ng bata pababa (baba papuntang dibdib)

bilang natural na paraan para mabuksan ang bibig at mapabitaw ang kubyertos o baso.

Tandaan: Huwag na huwag subuking tanggalin ang kubyertos o baso sa pamamagitan ng puwersahang paghatak dito. Mas matindi ang paghatak mo sa kubyertos o baso, mas lalakas din ang reflex. Lalong kakagat ang bata nang mas madiin sa kubyertos o baso kaya’t magiging mas mahirap ang pagbitaw at maaaring magdulot ng pinsala sa ngipin at gilagid niya.

Page 12: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

376

MGA TAGAPANGALAGA NA KUMIKILOS

Technique na Hugis-L sa pag-inom sa baso.

Technique sa Pagdiin Pababa sa Pagpapakain gamit ang Kutsara

Page 13: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

377

Technique sa Pagdadahan-dahan sa

Pagpapadede sa Bote Technique sa Pagtapik-tapik

Technique sa Pagsapo sa Baba (medyo ibang posisyon sa braso ng tagapangalaga) sa pag-inom sa baso.

Page 14: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga

K AB . 9 | 9 J : MG A E ST R A TE H I YA A T PA R AA N S A P AG P A P A K A I N

378

Paghawak nang pahalang sa bote para sa Technique sa Pagdadahan-dahan.

Technique sa Lip Stroking Technique sa Pagpapadede sa Bote.

Page 15: 9J: MGA ESTRATEHIYA AT TECHNIQUE SA PAGPAPAKAIN MGA ... · harap ng/malapit sa tainga at itaas na bahagi ng panga). o Nakapuwesto ang hinlalat o ng tagapangalaga sa ilalim ng panga