ab60 driver’s licenses: mga madalas...

4
1 AB60 DRIVER’S LICENSES: MGA MADALAS ITANONG Ano ang AB 60 driver’s license ? Noong 2013,pinirmahan ni Gobernador Brown ang AB 60 upang maging batas na nag-uutos o nagdidirekta sa Department of Motor Vehicles (DMV) na mag-isyu o magbigay ng orihinal na driver’s license sa sinumang residente ng California na maaari o pwede nang makatanggap ng driver’s license, kahit ano pa ang katayuan o kalagayan ng kanilang istatus sa imigrasyon. Ang sinumang aplikante na walang pruweba na legal siyang naririto ay maaaring makakuha ng AB 60 na lisensya sa pagmamaneho. Ang AB 60 na lisensyang ito ay mayroong mga makikitang katangian at hindi maaaring gamitin para sa mga ilang layuning federal tulad nang pagpasok sa mga may restriksyon na pasilidad ng federal. Kailan pwede nang makakuha ng AB 60 na lisensya? Ang AB 60 driver’s license ay magsisimulang makuha sa Enero 1,2015. Magkano ang halaga ng AB 60 na lisensya? Ang halaga ng AB 60 na lisensya ay katulad din ng iba pang mga driver’s license: $30 para sa Class C/M na bayad sa aplikasyon, ang Class C na lisensya ay nagbibigay pahintulot na makapagmaneho ng 4 na axel na behikulo o sasakyan samantalang ang Class M naman ay para sa mga nagmamaneho ng mga motorsiklo at ilang mga electronic na scooters. Para malaman ang iba pang mga impormasyon hinggil sa mga halaga ng bayarin o fees, maaaring bumisita sa : http://www.dmv.ca.gov/dl/fees/driverlicense_fees.htm. Saan ako pwedeng makakuha ng tulong at impormasyon para makapag-fill out ng AB 60 na aplikasyon o para sa iba pang mga dokumentong kailangan sa pagkuha ng driver’s license na ito? Maaari kayong makakuha ng mga libreng impormasyon sa DMV: bumisita o pumunta sa kanilang website sa http://apps.dmv.ca.gov/ab60/index.html Kung kayo ay may iba pang mga katanungan, maaaring kontakin ang Drive CA/Maneja Coalition, na may mga myembrong organisasyon sa buong California na tumutulong sa mga imigranteng komunidad na may iba’t ibang mga lenggwahe o salita. Para sa iba pang mga impormasyon, kontakin ang Hindi ninyo kailanaang magbayad sa kanino man para sa mga impormasyon o serbisyo. Sa katunayan, labag sa batas para sa sino man ang sumingil ng bayad para lamang mag-fill out ng aplikasyon para sa inyo. Ito ay simpleng form lamang at ikaw, o isang kaibigan o kamag-anak ay maaaring mag-fill out nito. Walang sino man ang maaaring magpabilis ng proseso para sa inyo. Maging maingat sa mga scam o

Upload: others

Post on 17-Sep-2019

12 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: AB60 DRIVER’S LICENSES: MGA MADALAS ITANONGdriveca.presentista.org/assets/uploads/2015/01/Tagalog-AB-60-FAQ.pdf · pagmamaneho (sa likod ng manibela) sa mga sekondaryong paaralan

1

AB60 DRIVER’S LICENSES:

MGA MADALAS ITANONG Ano ang AB 60 driver’s license ?

Noong 2013,pinirmahan ni Gobernador Brown ang AB 60 upang maging batas na nag-uutos o nagdidirekta sa Department of Motor Vehicles (DMV) na mag-isyu o magbigay ng orihinal na driver’s license sa sinumang residente ng California na maaari o pwede nang makatanggap ng driver’s license, kahit ano pa ang katayuan o kalagayan ng kanilang istatus sa imigrasyon. Ang sinumang aplikante na walang pruweba na legal siyang naririto ay maaaring makakuha ng AB 60 na lisensya sa pagmamaneho. Ang AB 60 na lisensyang ito ay mayroong mga makikitang katangian at hindi maaaring gamitin para sa mga ilang layuning federal tulad nang pagpasok sa mga may restriksyon na pasilidad ng federal.

Kailan pwede nang makakuha ng AB 60 na lisensya?

Ang AB 60 driver’s license ay magsisimulang makuha sa Enero 1,2015.

Magkano ang halaga ng AB 60 na lisensya?

Ang halaga ng AB 60 na lisensya ay katulad din ng iba pang mga driver’s license: $30 para sa Class C/M na bayad sa aplikasyon, ang Class C na lisensya ay nagbibigay pahintulot na makapagmaneho ng 4 na axel na behikulo o sasakyan samantalang ang Class M naman ay para sa mga nagmamaneho ng mga motorsiklo at ilang mga electronic na scooters. Para malaman ang iba pang mga impormasyon hinggil sa mga halaga ng bayarin o fees, maaaring bumisita sa : http://www.dmv.ca.gov/dl/fees/driverlicense_fees.htm.

Saan ako pwedeng makakuha ng tulong at impormasyon para makapag-fill out ng AB 60 na aplikasyon o para sa iba pang mga dokumentong kailangan sa pagkuha ng driver’s license na ito?

Maaari kayong makakuha ng mga libreng impormasyon sa DMV: bumisita o pumunta sa kanilang website sa http://apps.dmv.ca.gov/ab60/index.html

Kung kayo ay may iba pang mga katanungan, maaaring kontakin ang Drive CA/Maneja Coalition, na may mga myembrong organisasyon sa buong California na tumutulong sa mga imigranteng komunidad na may iba’t ibang mga lenggwahe o salita. Para sa iba pang mga impormasyon, kontakin ang

Hindi ninyo kailanaang magbayad sa kanino man para sa mga impormasyon o serbisyo. Sa katunayan, labag sa batas para sa sino man ang sumingil ng bayad para lamang mag-fill out ng aplikasyon para sa inyo. Ito ay simpleng form lamang at ikaw, o isang kaibigan o kamag-anak ay maaaring mag-fill out nito. Walang sino man ang maaaring magpabilis ng proseso para sa inyo. Maging maingat sa mga scam o

Page 2: AB60 DRIVER’S LICENSES: MGA MADALAS ITANONGdriveca.presentista.org/assets/uploads/2015/01/Tagalog-AB-60-FAQ.pdf · pagmamaneho (sa likod ng manibela) sa mga sekondaryong paaralan

2

panloloko at magtiwala lamang sa DMV at mga organisasyon sa komunidad na may kredibilidad para sa mga impormasyon at pagtulong sa inyo.

Ang written test o nakasulat na pagsusulit ba ay nasa Ingles lamang?

Hindi, ang written test ay maaaring kunin sa ilang mga iba’t ibang lenggwahe o wika. Dagdag pa rito, ang pagsusulit o test ay maaaring ibigay sa format na audio o napapakinggan , o kaya ay maaaring hilingin ito sa pamamagitan ng isang interbyu ng isang DMV examiner.

Paano ako makakakuha ng tulong sa pagsasanay o pag-praktis para sa driving test?

Matapos kayong makapag-aplay para sa AB 60 na lisensya, bibigyan kayo ng permit o permiso para makapag-praktis kayo na magmaneho sa isang kotse kasama ang isang drayber na may lisensya Hinihikayat namin na kayo ay humingi ng tulong sa inyong mga kaibigan o mga kapamilya na mayroon nang karanasan sa pagmamaneho upang kayo ay makapag-praktis. Ang website ng DMV ay may mga balangkas o outline ng mga maniobra sa pagmamaneho na maaaring kasama sa inyong test o pagsusulit. Maraming mga community colleges at mga organisasyon ang nagbibigay ng mga may bayad na klase sa pagda-drayb o pagmamaneho. Maaari rin kayong kumuha ng mga klase na magsasanay sa inyo sa pagmamaneho (sa likod ng manibela) sa mga sekondaryong paaralan ng California ( high schools, technical schools o adult schools) o kaya ay sa isang state- licensed professional driving school.

Maaari ba akong gumamit ng isang interpreter para sa test sa pagmamaneho sa kalsada?

Hindi, ang mga interpreter ay hindi pinapayagan para sa driving test. Kailangan kayong makasunod sa mga instruksyon sa pagmamaneho sa wikang Ingles, kasama ang pagtuturo sa mga safety features ng inyong sasakyan at paggawa ng mga kinakailangang maniobra sa pagmamaneho. Ang mga DMV examiners ay may mga karanasan sa pagbibigay ng test sa mga aplikanteng may limitasyon sa pagsasalita at pag-unawa sa wikang Ingles , at gumagamit din ng mga signal sa kamay o hand signal at pagkilos na tiyak na ligtas. Gayun pa man, kailangan na kayo ay magsanay na sumunod sa mga instruksyon sa pagmamaneho sa wikang Ingles para makapasa sa test na ito.

Ano ang mangyayari kung ako ay hindi makapasa sa written test o sa road test?

Mayroon kayong tatlong pagkakataon o tsansa para mapasa ang bawat test. Pero kung sakaling hindi kayo pumasa, kailangang gamitin ninyo ang mga resources na available para maghanda sa pagkuhang muli ng test.

Anong uri o klase ng lisensya ang makukuha ko sa pamamagitan ng AB 60? Maaari ba akong makapagmaneho ng trak o motorsiklo sa pamamagitan ng AB 60 ?

Ang AB 60 ay nagpapahintulot sa inyo na makapag-aplay sa mga hindi komersyal na lisensya sa pagmamaneho na ibinibigay ng DMV. Kasama rito ang Class C (halos lahat ng kotse), Class M1/M2 ( motorsiklo), Noncommercial Class A o B ( mga travel trailer, ilang mga RVs)

Page 3: AB60 DRIVER’S LICENSES: MGA MADALAS ITANONGdriveca.presentista.org/assets/uploads/2015/01/Tagalog-AB-60-FAQ.pdf · pagmamaneho (sa likod ng manibela) sa mga sekondaryong paaralan

3

Anong mga dokumento ang kailangan kong ipakita para makakuha ng AB 60 na lisensya?

May mga minumungkahing regulasyon ang DMV na nagsasaad ng mga kinakailangang dolumento para makakuha ng AB 60 na lisensya. Subalit ang mga rekisitong kailangan ay maaaring magbago habang nagpapatuloy pa ang proseso ng regulasyon. Ang pinaka-pinal na mga regulasyon ay ilalabas bago dumating ang Enero 1, 2015. Ang bawat aplikante ay nangangailangan ng mga dokumento para patunayan ang 1) kanyang identidad o pagkatao at 2) residensya o paninirahan sa Estado ng California. Sa ngayon, mabuting ideya na simulan na ang pangangalap ng inyong mga dokumento tulad ng consular ID card o passport, utility bill, o mga lease agreement o kontrata sa pangungupahan. Kung ang inyong mga dokumento ay expired o paso na, kailangang pumunta na kayo sa inyong mga konsulado para i-renew ang mga ito dahil matagal din ang pagpo-proseso nito.

Paano ko magagamit ang aking AB 60 na lisensya?

Maaari ninyong gamitin ang inyong AB 60 na lisensya para makapagmaneho at ipakilala ang inyong sarili sa mga police officers, halimbawa kapag kayo ay pinahinto sa trapik. Ipinagbabawal ng batas na ito na kayo ay makaranas ng diskriminasyon batay sa uri ng inyong lisensya mula sa mga negosyo, landlord, ahensya ng gobyerno o mga opisyal nito, mga programa o aktibidad na tumatanggap ng pondo mula sa Estado . Ang driver’s license na ito ay hindi nagbibigay sa inyo ng karapatan na maka-boto o kaya ay makakuha ng mga benepisyo na hindi kayo eligible o pwede bago ninyo nakuha ang lisensyang ito. Ang driver’s license ay hindi rin magagamit para kayo ay makapagtrabaho bilang isang empleyado. Subalit kung sa hinaharap kayo ay mabigyan ng istatus na magpapahintulot sa inyo na makapagtrabaho, maaari na ninyong magamit ang driver’s license bilang patunay ng inyong identidad kasama ang work authorization na dokumento kung kayo ay nagpi-fill out ng I-9 na form.

Ano ang itsura ng aking lisensya?

Ang harap ng AB 60 na lisensya ay may nakalagay na “FEDERAL LIMITS APPLY” at ito ay nasa itaas ng kanang dulo o korner at nasa itaas din ng Class designation, at parehong kulay at sa harap din ng iba pang mga salita. Ang likod ng kard ay may nakalagay na isang pangungusap na nagsasabi ng “ not valid for official federal purposes”o “ hindi tinatanggap para sa mga layuning opisyal na federal”. . Ang lisensyang ito ay pareho o kamukha ng iba pang kasalukuyang ini-isyu na mga California drivers’ licenses.

Ang AB 60 ba ay may kasamang proteksyon laban sa diskriminasyon?

Ipinagbabawal ng batas na ang mga estado o mga lokal na ahensya ng gobyerno, mga opisyal, o mga programa na tumatanggap ng pondo ng estado ay mag-discriminate laban sa sinuman dahil siya ay mayroon o nagpakita ng kanyang AB 60 na lisensya. Kasama din dito ang mga opisyales ng estado at mga lokal na nagpapatupad ng batas. Dagdag pa rito, ang AB 60 ay nagsasaad din na ito ay isang paglabag sa

Page 4: AB60 DRIVER’S LICENSES: MGA MADALAS ITANONGdriveca.presentista.org/assets/uploads/2015/01/Tagalog-AB-60-FAQ.pdf · pagmamaneho (sa likod ng manibela) sa mga sekondaryong paaralan

4

batas, kasama pero hnidi limited lamang dito, ng Unruh Civil Rights Act, na mag-discriminate ng isang indibidwal na mayroon o nagpakita ng AB 60 driver’s license. Para mabantayan ang potensyal na magkaroon ng diskriminasyon, ayon sa AB 60, kailangang mangalap at mag-sumite ng report ang California Research Bureau sa Lehislatura at sa Gobernador hinggil sa mga insidente ng diskriminasyon na nagaganap sa mga taong mayroong markadong lisensya. Ang Drive CA Coalition ay magbabantay o magmo-monitor din sa buong estado kung may nagaganap at matugunan din ang isyu o problema ng diskriminasyon.

Paano ita-trato ng mga nagpapatupad ng batas ang AB 60 na lisensya?

Ang mga estado at lokal na ahente na nagpapatupad ng batas ay hindi maaaring mag-discriminate laban sa sinuman dahil siya ay mayroon at nagpakita ng AB 60 na lisensya. Ipinagbabawal din sa mga ahente na gamitin ang AB 60 na lisensya para “ itanong ang citizenship ng isang indibidwal o ang istatus ng kanyang imigrasyon bilang batayan para mag-imbestiga, hulihin, bigyan ng citation o ikulong”. Maaari mong magamit ang Ab 60 na lisensya para patunayan ang iyong sarili o identidad sa mga police officer , halimbawa sa isang traffic stop.

Ang ibibigay ko bang impormasyon sa DMV ay confidential?

Ang mga dokumento na ibibigay mo sa DMV para patunayan ang iyong identidad o pagkatao, pangalan, tirahan at edad ay hindi rekord na pampubliko at ang impormasyong ito ay hindi maaaring ibigay ng DMV maliban lamang kung ito ay hilingin ng isang ahensya na nagpapatupad ng batas bilang bahagi ng isang imbestigasyon.

Paano ako makikilahok?

Kayo ay aming iniimbita na sumali sa Drive CA coalition sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected] o pagbisita sa www.driveca.org. Maaari rin kayong makakuha ng mga resources para maunawaan ninyo at ng inyong komunidad ang AB 60 sa pamamagitan nang pagpunta sa DriveCA website at sa DMV.