abante tonite 11-2-12

33
February 11, 2012 Animal V-Day --- Nagdiwang ng Animal Valentine’s Day sa Malabon Zoo ang mga mag-aaral ng Potrero Elementary School kasama ang mga hayop tulad ng tigreng nasa larawan upang ipakitang kahit mga hayop ay may puso din. (Art Son) IMPEACHMENT COURT GINAGAWANG INUTIL NG SC Nina Bernard Taguinod at Dindo Matining inutil ang Impeachment Court o ang Senado kapag hindi nila ipinaglaban ang kanilang kapangyarihan na litisin at parusahan ang mga tiwaling impeachable officials. Ito ang babala ng 188 Movement kasunod ng Temporary Restraining Order (TRO) na pumigil sa pagbubukas sa mga dollar account ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na direktang pakikialam umano sa trabaho ng Impeachment Court. “Dapat gumawa ng hakbag ang Impeachment Court na i-assert ang kanyang kapangyarihan bilang Impeachment Court. Otherwise, baka maging inutil ang Impeachment Court,” pahayag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, isa sa mga convenor ng 188 Movement. Maging ang kapangyarihan, aniya, ng Kamara na mag-impeach ng mga tiwaling opisyal ay magiging inutil din kapag nagkataon dahil puwede silang pakialaman ng SC sa tuwing mayroon silang ipapa-impeach na corrupt o abusadong halal at mga appointed officials na natatanggal lamang sa pamamagitan ng impeachment. Sa kabilang dako, sinabi naman ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus na mali ang mensahe ng TRO dahil hinadlangan ng mga ito ang pagbubukas ng katotohanan. Ayon kay De Jesus, imbes na tumulong aniya ang SC para malaman ang katotohanan ay naging kasangkapan pa ang mga mahistrado para itago ito sa publiko.

Upload: kingvulturetm

Post on 18-Apr-2015

149 views

Category:

Documents


24 download

TRANSCRIPT

Page 1: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Animal V-Day --- Nagdiwang ng Animal Valentine’s Day sa Malabon Zoo ang mga mag-aaral ng Potrero Elementary School

kasama ang mga hayop tulad ng tigreng nasa larawan upang ipakitang kahit mga hayop ay may puso din. (Art Son)

IMPEACHMENT COURT GINAGAWANG INUTIL NG SC

Nina Bernard Taguinod at Dindo Matining

inutil ang Impeachment Court o ang Senado kapag hindi nila ipinaglaban ang kanilang kapangyarihan na litisin at parusahan ang mga tiwaling impeachable officials.

Ito ang babala ng 188 Movement kasunod ng Temporary Restraining Order (TRO) na pumigil sa pagbubukas sa mga dollar account ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na direktang pakikialam umano sa trabaho ng Impeachment Court.

“Dapat gumawa ng hakbag ang Impeachment Court na i-assert ang kanyang kapangyarihan bilang Impeachment Court. Otherwise, baka maging inutil ang Impeachment Court,” pahayag ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, isa sa mga convenor ng 188 Movement.

Maging ang kapangyarihan, aniya, ng Kamara na mag-impeach ng mga tiwaling opisyal ay magiging inutil din kapag nagkataon dahil puwede silang pakialaman ng SC sa tuwing mayroon silang ipapa-impeach na corrupt o abusadong halal at mga appointed officials na natatanggal lamang sa pamamagitan ng impeachment.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Gabriela partylist Rep. Emmi de Jesus na mali ang mensahe ng TRO dahil hinadlangan ng mga ito ang pagbubukas ng katotohanan.

Ayon kay De Jesus, imbes na tumulong aniya ang SC para malaman ang katotohanan ay naging kasangkapan pa ang mga mahistrado para itago ito sa publiko.

Page 2: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Dahil dito, umapela ang mamabatas sa SC na baliktarin ang kanilang desisyon dahil tuluyang guguho umano ang tiwala ng taumbayan sa kanilang institusyon.

“The Supreme Court must reverse its ruling on the TRO to allow the Impeachment Court to perform its constitutional duty on behalf of the Filipino people,” anang mambabatas.

Sa panig ni Corona, nanatili pa rin ang pagmamatigas ng Punong Mahistrado sa panawagan sa kanyang magbitiw sa puwesto.

Ito ang inihayag ni Atty. Ramon Esguerra, isa sa mga miyembro ng defense panel, kasabay ng pagsasabing wala daw sa plano ni Corona na sumuko o magbitiw sa kanyang posisyon.

“Hanggang kamatayan na ito Mon (Esguerra), sabi niya, kung gusto nila akong patayin, they can kill my body but not my soul,” pahayag daw ni Corona kay Esguerra.

“‘Yun ang malimit niyang binabanggit sa amin eh: (sabi niya) ‘pamilya ko sumuporta sa akin, kayong mga kaibigan ko, sumuporta sa akin, maraming sumusuporta sa akin, ngayon ko pa ba iiwanan ang laban na ito?’,” dagdag na pahayag pa umano ni Corona, ayon sa abogado.

Disaster insurance para sa gov’t infrastructures (Dindo Matining)

Dapat daw ipa-insured ang mga government infrastructures para matiyak na may magagamit agad na pondo para sa agarang rehabilitasyon nito sa oras na masira ang mga ito panahon ng disaster o kalamidad.

Ito ang mungkahi ni Senador Francis Escudero dahil nahihirapan daw maghagilap ng pondo ang mga local government units para sa pagsasaayos ng mga imprastraktura kapag tinamaan ito ng kalamidad.

“This is a costly undertaking for most LGUs that operate on scarce resources. Relief and rehabilitation costs always surpass the stand-by disaster mitigation fund,” sabi ni Escudero.

Inihayag ni Escudero ang panukala dahil sa nangyaring mga kalamidad sa bansa tulad ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro City noong Disyembre at ang lindol sa Negros Oriental noong nagdaang linggo.

Nauna nang hiniling ni Escudero sa Government Service Insurance System (GSIS) na bumuo ng “insurance scheme” para sa mga school buildings partikular sa mga lugar na madalas tamaan ng bagyo.

Nais ni Escudero na palawakin pa ang pagpapa-insured sa mga tulay, kalsada, dams at iba pang mga gusali ng pamahalaan.

SC ‘di natatakot sa bantang impeachment vs 8 justices (Tina Mendoza/Bernard Taguinod)

Hindi kami natatakot.

Page 3: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Ito ang buong tapang na sagot ni Supreme Court (SC) Spokesperson Atty. Midas Marquez matapos hingan ng reaksyon sa bantang impeachment sa walong mahistrado na pumabor sa paglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) upang mapigilan ang pagkalkal sa dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Marquez, nagmimistula nang regular na pananakot sa mga mahistrado ang impeachment lalo kung may mga desisyon na hindi nagugustuhan.

Aniya, dapat maintindihan ng mga kritiko ng SC na ang mga desisyon sa iba’t ibang kaso na isinasampa sa SC ay dinedesisyunan ng iba’t ibang mahistrado na independent na nagdedesisyon batay sa merito ng kaso.

Hinamon pa ni Marquez ang mga kritiko nito na magsampa na lamang ng impeachment complaint at hindi na idaan ang banta sa media. Aniya, anumang kaso na isasampa sa kahit na sinong mahistrado ay handa nilang sagutin at handa ding panagutan ang mga desisyon.

“Hindi naman sila natatakot, dahil walang dapat na ikatakot. Sa ngayon regular at tuloy pa rin ang trabaho sa SC at hindi alintana ang mga pagbabatikos na natatanggap nito lalo at ang mga desisyon sa SC ay ayon sa facts lamang at hindi kung sino ang dapat na panigan,” dagdag pa ni Marquez.

Matatandaan na una nang sinabi ni Rep. Rodolfo Fariñas na pangungunahan nito ang pagsasampa ng impeachment laban sa 8 mahistrado ng SC na pumabor sa paglalabas ng naturang TRO.

Subalit mismong si House Speaker Feliciano Belmonte ay hindi sang-ayon sa ideya ni Fariñas at naniniwala ito na “frustrated” lamang ang Ilocos solon dahil sa inilabas na TRO ng SC.

“He’s (Fariñas) just feeling frustrated. I would not support it myself,” ani Belmonte sa mga mamamahayag kahapon.

Tila agad namang lumambot si Fariñas sa kanyang plano. “If the House leadership refuses to pursue this, then I cannot do anything,” ayon sa text message ni Fariñas subalit masama pa rin umano ang loob nito sa TRO ng SC dahil panghihimasok sa kapangyarihan ng Impeachment Court.

‘Small lady’ wala sa CCTV ng Senado (Boyet Jadulco/Dindo Matining)

Nagsisinungaling ba si House prosecutor at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali sa Senate Impeachment Court nang kanyang sabihin na sa loob ng Senado ibinigay ng “small lady” ang brown envelope na naglalaman ng bank documents ni Chief Justice Renato Corona?

Sa impormasyong nakuha ni Sen. Gregorio Honasan, hindi sa loob ng Senado nagkaroon ng bigayan ng dokumento sa bank account ni Corona kundi maaaring sa ibang lugar.

Sinabi ito ni Honasan dahil sa report ng Office of the Senate Sgt. At Arms (OSAA) na wala silang nakita sa CCTV na isang “small lady” na nag-abot ng dokumento kay Umali noong Pebrero 2 ng hapon. “Mukhang ‘yung envelope na ‘yun na sinabi ni Congressman Umali, hindi ipinasa dito sa Senado,” paglalahad ng senador.

Page 4: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Wala namang inihahandang kaparusahan ang Senado laban kay Umali bilang pagkilala na rin sa “co-equal branch” at inter-parliamentary courtesy o respetuhan ng mga senador sa kongresista at vice-versa.

“Nag-iingat din tayo dahil mga congressman din ang mga iyan. ayaw naman nating insultuhin... baka magkapikunan,” dagdag ni Honasan.

Matatandaan na sa pagtayo ni Umali sa Senate Impeachment Court nitong Pebrero 7, sinabi nitong inabot lang daw sa kanya ang mga nasabing dokumento ng isang maliit na babae sa loob ng Senado noong Huwebes, Pebrero 2, subalit hindi niya matandaan ang eksaktong lugar kung saan ito nangyari.

Sa panig ni Corona, sinabi ni Atty. Karen Jimeno, isa sa mga tagapagsalita ng Punong Mahistrado na “fake” man daw o hindi ang naturang leakage sa bank account, mahaharap pa rin sa criminal liability ang kawani ng Philippine Savings Bank (PSBank) na naglabas ng naturang dokumento.

“Kung fake man o hindi, basta’t lumabas ang information ng kahit sinong depositors, magiging liable siya criminally,” pahayag ni Jimeno.

Trabaho ang prayoridad -- PNoy (Eralyn Prado)

Nananatiling prayoridad ng Aquino administration ang paglikha ng maraming trabaho at pagpapalawak ng oportunidad para sa mas nakakarami.

Sentro ito ng talumpati ng Pangulo nang pangunahan nito kahapon ang paglunsad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Specialista Technopreneurship Program (TSTP).

Ayon pa sa Pangulo, nananatiling prayoridad ng pamahalaan na makalika ng milyong trabaho kada taon. “Simula’t sapul pa lang ng ating panunungkulan, prayoridad na ng ating gobyerno ang paglikha ng mga trabaho at palawakin pa ang mga oportunidad para sa mas nakakarami. Malinaw ang ating naging mandato. Linangin ang kakayahan ng mga Pilipino at tanggalin ang mga hadlang upang matamasa nila ang maayos na pamumuhay. Alam nating magbubunga ng mabuti ang paglilingkod sa mas nangangailangan, dahil ang pagtaas ng antas ng kanilang pamumuhay, ay siya ring pagtaas ng kumpiyansa ng Pilipinas na umusad sa tunay na kaunlaran,” ayon pa sa Pangulo.

Sa ngayon ay puspusan umano ang ginagawang investment ng pamahalaan para maging kuwalipikado ang mga kabataan sa mga trabahong “in demand”.

Partikular dito ang ginagawang ugnayan ng DOLE, TESDA at Department of Education (DepEd) para sa skills matching ng mga applicants.

Bukod dito, dagdag ng Pangulo, naglaan na rin ang pamahalaan ng P500 milyon na gagamitin para sa training ng mga potential applicants sa Business Process Outsourcing (BPO) sector.

Senado masusubukan sa pakikialam ng SC (Noel Abuel)

Page 5: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Sa pakikialam ng Supreme Court (SC) sa isinasagawang impeachment process ng Senado laban kay Chief Justice Renato Corona ay masusubukan ngayon ang Senate impeachment court.

Para kay House majority leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales Jr., maituturing na pagsubok ito sa Senado sa ginawa ng SC na pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) para pigilan ang impeachment court na mailabas ang dollar account ni Corona.

“I think this is really the battle ground,” maikling pahayag ni Gonzales.

Para naman kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, malakas na sampal umano ito sa kalayaan at karapatan ng Senado sa pagsasagawa nito ng impeachment process na naaayon sa Konstitusyon.

Dapat umanong gumawa ng hakbang ang impeachment court para igiit ng mga ito ang kanilang kapangya-rihan sa usapin ng impeachment kung saan sakaling payagan ito ng Senado ay magiging inutil na lamang ang Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Ngunit ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, sang-ayon ito sa naging desisyon ng SC na pigilan ang pagpapalabas ng dollar account ni Corona dahilan sa nasa hurisdiksyon ng mga ito ang pag-i-interpret ng batas.

“I believe that is well within their jurisdiction to do so, and I commend the impeachment court led by the Senate president as presiding officer on exercising prudence in respecting the TRO to avoid a constitutional crisis,” sabi pa ni Tiangco.

LOCAL NEWS 3 NALIBING SA LINDOL NAHUKAY NANG BUHAY!

Ni JB SALARZON

Nabuhayan ng pag-asa ang mga rescuer na naghahanap pa ng mga survivor mula sa naganap na lindol makaraang makatagpo ng tatlong katao mula sa ilalim ng kanilang bahay na natabunan ng lupa nang tumama ang 6.9-magnitude earthquake noong araw ng Lunes sa Negros Oriental.

“Nakarekober ang ating mga rescuers ng tatlong survivors, kasama na dito ang isang bata. Nagkumahog tayo para madala kaagad sa ospital ang tatlo.”

Kinilala ang mga survivors na sina Kelly Ola-a, dalawang taong gulang, ng Barangay Sollongo, La Libertad at Fernando Lisondra, 49, at Gabriela Gregoria, nasa 70-taong gulang, kapwa ng Kauswagan, Guihulngan City.

“Ginawa na nating taxi ang isang Huey (helicopter) ng Air Force,” pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos nang makapanayam ng Abante TONITE sa telepono.

Nahukay umano sila makalipas ang apat na araw mula nang maganap ang lindol.

Page 6: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Aniya, ang dalawa sa tatlong survivors ay nahukay sa Barangay Kauswagan, Guihulngan City dakong ala-1:30 ng hapon.

“Ang pangatlong survivor na bata ay kanina lamang nakuha mula sa ilalim ng guho, medyo madilim na kaya wala nang oras para magtanung-tanong pa tayo sa mga pamilya para sa detalye kasi inuna natin ang pagdadala sa bata sa ospital,” ayon pa kay Ramos.

Nahukay umano ang bata mula sa guho sa bayan ng La Libertad, Negros Oriental.

“`Yung mga survivors ay inilipad ng helicopter sa Dumaguete City para malapatan sila ng lunas kasi hinang-hina sila at kailangan maisalba kaagad ang kanilang buhay,” ani Ramos.

Sinabi pa ni Ramos na nasa 39 bangkay na sa ngayon ang narerekober ng mga rescuer at 66-katao na lamang ang pinaghahanap mula sa landslide.

Samantala, batay sa datos ng NDRRMC, 106 barangay mula sa pitong bayan at dalawang lungsod ang naapektuhan ng lindol.

Umaabot din sa 21, 076 pamilya o 93,397-katao ang naapektuhan kung saan 17,719 pamilya o 88,575-katao ang siniserbisyuhan sa ngayon ng relief goods.

Laro ni Kamatayan (Richard Buenaventura

Tuluyang nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang mister matapos laruin ang baril at aksidenteng pumutok habang itinututok nito sa kanyang ulo kahapon ng umaga sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Nakilala ang biktimang namatay sa Ilocos Training and Regional Medical Center na si Renato Alcantara, 32-anyos at residente ng Barangay Balidbid, Salcedo, Ilocos Sur.

Ayon kay Rowena, misis ng namatay, nasa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi ang kanyang mister na nakainom ng alak nang mapagtripang laruin ang baril nito.

Nilagyan umano ng biktima ng dalawang bala ang baril na kalibre 22 at kinalabit ang gatilyo ng ilang beses ngunit masuwerteng hindi ito pumutok.

Subalit nang ikalawang ulit na pinaikot ng mister ang lalagyan ng bala ng baril ay bigla umano itong pumutok at tinamaan ang ulo nito.

Agad na isinugod sa naturang hospital ang biktima ngunit binawian ito ng buhay kahapon ng umaga.

3 Chinese timbog sa pekeng visa (Aries Cano)

Page 7: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Tatlong Chinese nationals na iligal na papasok sa Canada ang nahuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) matapos umanong gamitin ang Maynila bilang transit point.

Nakilala ang tatlong Chinese sa mga pangalang Yang Xiaomei, Zhu Xinbin at Shen Fengzhou na kasalukuyan nang nakakulong sa detention cell ng BI sa Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David Jr., nadakip ang tatlong Chinese nationals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Pebrero 4 bago makasakay ng Philippine Airlines flight na patungong Vancouver, Canada.

“They were attempting to board a PAL connecting flight to Vancouver, Canada when they were intercepted by our immigration officers,” pahayag pa ni David.

Batay naman sa immigration officers na nakatalaga sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU), peke umano ang mga Canadian visa na nakatatak sa pasaporte ng tatlo.

Ipade-deport sa China ang tatlo at ilalagay sa blacklist ng Pilipinas.

Motorcycle rider umilalim sa truck (Saida Sabiano)

Patay ang isang lalaking sakay ng motorsiklo makaraang masagasaan ng 10-wheeler truck sa Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Rey Medina, hepe ng Quezon City Police District-Traffic Sector 1, ang biktima na si Manuel Monta, residente ng Phase 4, Package 6, Block 14, Lot 2, Bagong Silang, Caloocan City.

Agad na namatay si Monta makaraang masagasaan at pumailalim sa isang Isuzu tractor truck na minamaneho ng isang Leeban Pontino, residente sa Block 48, Lot 16, Maya-maya St., Longos, Malabon.

Ayon kay Medina, nangyari ang insidente pasado alas-tres ng hapon sa Quezon Avenue, partikular sa harapan ng Mazda Corporation.

Base umano sa salaysay ng isang Rex Tecson, motoristang nakasaksi sa insidente, binabagtas ng truck na may plakang UVD 723 ang nasabing lugar nang biglang sumemplang ang motorsiklong Kawasaki ng biktima.

Sa pagtumba ng motorsiklo, humiwalay umano ang katawan ng biktima mula dito at pumailalim sa truck dahilan para ito masagasaan.

“Wala nang paraan para mapigilan ang takbo ng truck kasi biglang pumailalim ang biktima eh, tumatakbo ito, kaya hindi rin napansin ng driver,” sabi pa ni Medina.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng Traffic Sector 1 sa nasabing insidente.

Page 8: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Bahay ng 2 konsehal ni-raid sa mga baril (Jojo de Guzman)

Iba’t ibang klase ng mga baril at bala ang nakumpiska mula umano sa magkakalabang pulitiko sa bayan ng Licab, lalawigan ng Nueva Ecija, kaugnay ng pinaigting na pagpapatupad ng kampanya ng pulisya laban sa mga armas dahil na rin sa pagkamatay sa ambush kay Carranglan Mayor Restituto Abad.

Nabatid ng Abante TONITE mula sa tanggapan ni Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija police director, na ang sinilbihan ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Celso Baguio ng Regional Trial Court Branch 34 noong Pebrero 7, 2012 ay dalawang konsehal sa bayan ng Licab at kilalang lider pulitiko.

Nasamsam sa raid na pinangunahan ni Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng Nueva Ecija Police Intelligence Branch, mula sa tahanan ni Councilor Rafael Co Rivera Jr. sa Barangay San Casimiro ay isang caliber .45, isang magazine para sa caliber .45 na may pitong bala, isang US carbine caliber 30 na may 30 bala, isang magazine para sa caliber 5.56 na may 28 bala, isang magazine para sa caliber .45 at apat na magazine para sa caliber 5.56.

Sa bahay naman ni Councilor Alberto Mendoza Caraang, na pangulo ng Association of Barangay Captains dito at residente ng Purok 4, Barangay San Casimiro ay isang caliber .45 na may 14 na bala, isang magazine para sa caliber 5.56. na may 30 bala, dalawang magazine para sa caliber 9mm na may 10 bala, at sa bahay ni Reynaldo Rafael Co, 50-anyos, na kapitbahay ng mga konsehal, ay isang 12-gauge shotgun na may limang bala.

Nabatid na nakaratay umano si Councilor Rivera mula nang maging biktima ng pananambang noong gabi ng Enero 4, 2012 makaraang dumalo sa isang lamayan.

Samantalang si Caraang ay biktima rin ng pananambang sa Cabanatuan noong Nobyembre 3, 2011, kung saan napatay ang kanyang drayber at nasugatan ang dalawang kasamang barangay tanod.

Snatcher-holdaper timbog (Nonnie Ferriol)

Isang 34-anyos na lalaking umano’y kilabot na snatcher at holdaper ang nasakote sa akto ng isang pulis makaraang pitasin ang gintong kuwintas ng isang American citizen sa Mandaluyong City kamakalawa.

Nanlaban at nagawa pang magpaputok ng baril habang mahinahong pinasusuko ni Inspector Heculano Mago, hepe ng Police Community Precinct 4 ng Mandaluyong City, ang suspek na si Edwin Notaya y Arevalo, may asawa, ng Arayat St., Cubao, Quezon City.

Naaresto si Notaya matapos magreklamo ang biktima na si Jose Gilo y Ramon, 47, American citizen, at nagbabakasyon lang sa bansa.

Sinabi ng biktima kay Inspector Mago na dakong alas-tres ng hapon nangyari ang insidente habang naglalakad siya sa Ortigas malapit sa MRT station sa Mandaluyong City nang biglang ‘pinitas’ ng suspek ang kanyang kuwintas na nagkakahalaga ng $1,400.00 at mabilis na nagtatakbo.

Page 9: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Subalit hindi umano nakaligtas ang nangyaring kaguluhan kay P/Insp. Mago, na naging mabilis sa pagresponde at hinabol ang suspek hanggang sa maabutan.

Nalaman din na bukod sa naturang American citizen, noong Pebrero 7 ay isang turistang Indian national na kinilalang si Anontha Lekmy Venketesh ang nagpa-blotter din sa Police Community Precinct 4 matapos agawan ng kanyang 24K na kuwintas.

Dahil sa pagkakaaresto kay Notaya ay agad na inimbitahan sa pulisya ang biktima na Indian national at positibo nitong itinuro ang suspek na siya umanong humablot sa kanyang kuwintas.

Jueteng buhay sa QC, 6 kubrador, mananaya dinakma (Saida Sabiano)

Inaresto ng pulisya ang anim na kubrador at mananaya ng jueteng matapos na maaktuhang nagsasagawa ng bolahan sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PO3 Edwin Reston ng Quezon City Hall Detachment ang mga inarestong suspek na sina Gregorio Naynes, Ariel Santos, Norberto Dizon, Bonifacio Segovia, Ronald Gonzales at Jeff Santos.

Naaresto ang mga suspek habang nagsasagawa umano ng pagbobola ng jueteng sa C.P. Garcia, UP Diliman, ganap na alas-9:30 ng gabi.

Ayon kay Reston, ang kanilang pagkilos ay bunga na rin ng kautusan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na sugpuin ang iligal na sugal na laganap sa lungsod.

Sinasabing matagal nang minamanmanan ng mga awtoridad ang naturang operasyon ng mga suspek at nang magpositibo ay hindi na sila nagdalawang-isip at ikinasa ang pagsalakay.

Nakuha mula sa mga suspek ang mga paraphernalia na ginagamit sa kanilang iligal na operasyon tulad ng papelitos, lastillas, pera ng mga tumaya, mga ballpen at marker.

Sasampahan ng kasong paglabag sa illegal gambling law ang mga suspek.

ENTERTAINMENT Kris, concerned pa rin kay James

AYON kay James Yap, mas naging maayos sila ngayon ni Kris Aquino bilang magkaibigan magmula nang naibaba ang desisyon ng korte sa kanilang annulment.

Sa exclusive interview ni Kuya Ricky Lo kay James na mapapanood sa Startalk ngayong araw, nai-share ng basketbolista na nagkausap sila ni Kris nang finally, nakumpirma nilang pareho na silang

single.

“Nu’ng lumabas ang resulta, nagkausap kami. Parang mas naging okay kami na magkaibigan ngayon.

Page 10: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

akikipagkuwentuhan siya sa akin.

“Relaxed na kaming dalawa. May konting concern pa siya sa akin. Sabi niya, malas daw ako this year.

Sabi niya, punta raw ako sa Cebu, magpa-bless daw ako sa temple,” natatawang kuwento ng basketbolista.

Iyun lang din ang concern ni Kris na maging magkaibigan sila alang-alang sa kanilang anak.

Wala siyang problema kay Kris kapag gusto niyang hiramin ang kanilang anak.

“Masaya naman ako dahil nakikita ko ang anak ko.

“Medyo nasanay na rin siya (Baby James) ngayon na hiwalay na kami, pero minsan, nagtatanong din siyempre.

“May mga tanong si Baby James na ang hirap sagutin. Kumbaga, bakit ka nandito? Bakit wala ka? So, parang sobrang mahirap. Hindi pa time na to explain sa kanya kung anong nangyayari.

“Masyado pang bata. So, darating ‘yung time na kailangan talagang i-explain,” pahayag ni James.

Gusto na lang daw ni James na mag-concentrate sa paglalaro. Hindi pa raw niya iniisip ang panibagong relasyon dahil tiyak na ang unang magre-react ay ang kanyang anak.

“Kung meron man akong magiging girlfriend, syempre, papakilala ko ‘yung anak ko. Tapos sabi niya, ‘Who’s that, Papa? I don’t like her.’ Patay!” bulalas ni James.

Alam niyang ayaw talaga ni Baby James na magkaroon siya ng bagong girlfriend, at kahit si Kris ay ayaw rin ni Baby James na magkaroon ito ng boyfriend.

***

Sa limang taong pagsasama nina Kris at James, marami siyang ipinagpapasalamat na naging asawa niya ang TV host/actress.

“Wala akong pinagsisihan dahil meron namang time talaga na masaya kaming dalawa, and then siguro, hindi na talaga kami para sa isa’t isa habang buhay, ‘di ba?

“So, ang natutunan ko lang, kasi kailangan talaga, kumbaga, ‘yun kasi, mabilis du’n ‘yung pangyayari, di ba?

“Hindi rin talaga… ang bilis ng mga pangyayari. Sobrang hindi magkakakilala sa isa’t isa. Kung ano talaga ‘yung ugali, ganu’n. So, du’n lang siguro ‘yun… Kaya ang sabi ko nga, na kung magka-girlfriend man ako, kailangang kilalanin ko muna

Page 11: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

kahit papa’no,” pahayag ni James.

***

Magkasunod na isi-celebrate nina Kris at James ang kanilang kaarawan. Sa February 14 si Kris at sa 15 si James.

Ang pagkakaalam ni James, sa ibang bansa si Kris sa kanyang birthday. Wala raw siyang balak pa kung ano ang gagawin niya sa kanyang kaarawan, at hindi pa raw niya naisip kung ano ang ibibigay niyang birthday gift kay Kris.

Nabanggit noon ni Kris na sana, matanggap niya ang pinakaaasam niyang birthday gift, at malamang ito ang annulment.

Kaya pareho sila ni James na masaya sa kanilang kaarawan.

Glaiza, di sineryoso ni Felix

MATAGAL nang walang connection sina Glaiza de Castro at Felix Roco matapos silang magkarelasyon.

Hindi na matandaan ni Glaiza kung kailan sila huling nagkita o nagkausap ni Felix samantalang noon ay palagi silang magkasama.

After ni Felix ay nagkaroon na ba siya ng bagong boyfriend? “Wala, ayoko na muna,” ang mabilis na sagot ni Glaiza.

Maya-maya ay nilinaw niya na hindi sila nagkaroon ng ‘serious commitment’ ni Felix.

Hindi raw gano’n ang namagitan sa kanila dahil hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong relasyon.

“Waley! Ha! Ha! Ha! Ewan ko, hindi yata ako sineseryoso, eh. Feeling nila kasi, petiks-petiks lang ako, eh! Tapos minsan,

dinadaan na lang sa biro,” natatawang bulalas ng Kapuso young actress.

Dagdag niya pa, maging ‘yung sa kanila noon ni Patrick Garcia ay hindi rin niya masasabing serious dahil ang daming complications.

Baka hindi niya sineseryoso ang mga lalaki?

“Sila ang hindi sumeseryoso sa akin! Charooott!! Ha! Ha! Ha!”

Dapat kasi, proud siya. Inaamin niya dapat ‘pag meron siyang boyfriend…

Page 12: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

“Gano’n? Kasi, ayoko ring ibunyag o ibulgar. Ha! Ha! Ha!

“Hindi ako sanay, eh. Siguro, hindi lang din ako nasanay na sinasabi sa maraming tao na ito ‘yung ano… Kasi, siguro hindi pa rin ako sigurado.

“Gusto kong dumating du’n sa point na ‘pag itong taong ito, sobrang pinapasaya ako at sobrang proud ako dito sa taong ito, saka ko pa lang sasabihin.”

24-anyos na si Glaiza, pero wala pa raw siyang natatagpuang gano’n.

May nanligaw sa kanyang non-showbiz guys na feeling niya ay ideal, pero wala ring naganap na commitment. Basta, ayaw na lang niyang isara ang posibilidad sa mga puwede pang dumating.

“Masaya naman ako sa mga nangyayari sa buhay ko. At kung meron mang darating, gusto ko, aalagaan ako, eh!”

So, for the record ay hindi pa siya nagkakaroon ng formal, legal, official, serious boyfriend?

“Hindi pa. Hindi ako sineseryoso, ‘teh! Nalulungkot na nga ako, eh! Ha! Ha! Ha!” pabading na hirit ni Glaiza.

Bakit ‘yung ibang mga young actress na mas bata pa sa kanya, nakakarami na ng naging syota? “‘Yun din ‘yung isa pang pumipigil sa akin, ayokong magpapalit-palit. Ang gusto ko, ‘yun na talaga.

Ayoko kasing saktan ‘yung sarili ko, na bigay ako nang bigay, tapos nasayang lang.

“Tina-try ko naman, pero gusto ko ring magtira para sa sarili ko. Hindi kasi ako ‘yung tipo ng tao na ‘pag nagmahal, all out. Meron pa rin akong inhibitions, eh. Kumbaga, limitado pa, hindi pa ako naloloka sa pag-ibig!”

Ang tipo raw niyang lalaki ay ‘yung walang masyadong arte, pero sweet.

Samantala, drummer/vocalist ng banda na may lihim na pagtingin kay Dennis Trillo ang role ni Glaiza sa primetime drama ng GMA na Biritera.

Hindi siya marunong mag-drums, kaya nag-aral muna siya nito para sa show. Gustong ituloy ni Glaiza ang pagda-drums dahil nasarapan siya rito.

Piolo, pinahiram ng mga damit si Moi

KAHIT kilala na at may career na si Moi Bien, kay Piolo Pascual pa rin siya nakikitira.

Si Moi ay sumali sa Survivor Philippines Celebrity Edition at napasok sa showbiz bilang P.A. ni Piolo.

“Hindi pa naman ako mayaman, kaya para makatipid ako, doon pa rin ako sa place ni PJ umuuwi. Patulung-tulong pa rin ako sa bahay niya.

Page 13: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

“Kung minsan, sinasamahan ko siya sa taping o shooting, pero hindi na niya ako P.A. Tumutulong lang ako.

“Wala na akong suweldo kay PJ dahil kahit paano eh kumikita na ako sa mga raket ko,” sey ni Moi nang makatsikahan ko sa shooting ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme sa Seoul, South Korea.

Aminado si Moi na malaking tulong sa kanya si Piolo.

Nasa poder na siya ni Piolo nang magbuntis at manganak siya.

Anim na taon na ang anak niya at nasa probinsiya ang bata.

Naaapektuhan ba siya sa mga intriga kay Piolo?

“Affected po. Madalas, naaawa ako sa kanya dahil po sa mga intriga. Minsan nga, nasa grocery ako, muntik akong mapaaway. Narinig ko kasi na kung anu-ano ang sinasabi no’ng dalawang namimili tungkol kay PJ, hindi ako nakapagpigil, sumabat na ako.

“Sinabihan ko sila na hindi nila kilala si PJ at hindi sila dapat nagsasalita ng kung anu-ano. “Natural po, masakit sa akin na may sinasabi sila na kung anu-ano tungkol kay PJ dahil napakabait na tao ni PJ,” kuwento pa ni Moi.

Sa bait ni Piolo, karamihan sa mga damit panlamig na suot ni Moi sa shooting ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme sa Korea ay damit ng aktor.

“Ipinahiram sa akin ni PJ ang mga damit niya. Marami kasi siyang damit na panlamig.

“Mabait na tao ‘yon. Ako naman, lalabhan ko muna ang mga damit na ito bago ko isoli sa kanya.

“Ganyan si PJ, hindi maramot. puwede kang manghiram kahit mga damit niya,” sabi ni Moi.

Binilhan naman ni Moi ng coffee mug sa Starbucks sa Korea si Piolo dahil nangongolekta ng mugs ang aktor.

‘Yon ang pasalubong ni Moi kay Piolo.

***

Noong Huwebes ay nagkaroon ng one-on-one interview si Janice de Belen sa Diamond Manager na si Annabelle Rama.

Ipapalabas ito sa Showbiz Inside Report ngayong 2:30-4:00 PM sa ABS-CBN.

Page 14: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Natawa si Janice sa pahayag sa kanya ni Bisaya na dapat ay ang TV host/actress mismo ang nakipagbati sa ex-husband na si John Estrada nang maghiwalay na sila.

Kuwento ni Bisaya kay Janice, hindi lang sila 15 times na naghiwalay ng mister na si Eddie Gutierrez, pero palaging nami-miss niya ang kanyang mister at madalas na kahit ano pa ang away nila ay siya ang unang bumabati kay Tito Eddie.

Grabe ang research ng staff ng Showbiz Inside Report para sa Annabelle Rama feature story nila.

***

Sa Pebrero 22 na ang showing ng Hitman na pinagbibidahan ni Cesar Montano, kaya tamang-tama lang na bumalik na sila kahapon ng misis na si Sunshine Cruz mula sa dalawang linggong pagbabakasyon sa Amerika.

Nagpunta ng New York City at ilang parte ng California sina Buboy at Sunshine.

Ayon kay Sunshine, nanood sila ng Broadway shows sa NYC at may kasamang business na rin ang ipinunta nila roon.

“Bale advance Valentine’s and 12th wedding anniversary treat na rin namin sa isa’t isa ni Buboy ang bakasyon na ‘yon sa Amerika. Nag-enjoy kaming dalawa,” pahayag ni Sunshine.

Sa Pebrero 23 ay twelve years na silang kasal ni Buboy.

Sa mga pananalita ni Sunshine habang kausap ko kahapon ay halatang masayang-masaya sila ng kanyang mister, kaya walang katotohanan na pinag-aawayan nila si Sam Pinto na leading lady ni Buboy sa Hitman.

***

Mukhang malaking tulong sa pagsasama ng mag-asawang Cong. Manny at Jinkee Pacquiao ang madalas nilang pagba-Bible study dahil masaya ang married life nila ngayon.

Wala tayong naririnig na away ng mag-asawa, lalong walang ibang babaeng nali-link kay Manny.

Pati ang ibang staff ng Manny Many Prizes ay iniimbitahan ng TV host/politician/boxer para mag-join sa kanila sa Bible study.

Anyway, isang bagong episode na naman mamaya ng Manny Many Prizes ang mapapanood pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

***

Follow me on Twitter (twitter.com/junlalin).

Page 15: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Fruki-fruti shorts ni Pauleen, binati ni Bossing

MAS masayang panoorin ang Eat Bulaga.

Sa unang linggo ng It’s Showtime sa bago nitong timeslot ay para itong nag-suicide, na sinabayan pa ng schizophrenia o withdrawal from reality into fantasy and delusion, and a sense of mental fragmentation.

This experience is proof that CANNIBALIZATION is not always the solution.

Why not consider, differentiation?

***

Masayang panoorin ang Eat Bulaga. Kasi, totoo, simple at masaya.

Nang minsan sumimangot si Tito Joey (de Leon) dahil walang Henyo Word For The Day, naging tapat siya.

Pero transparency din ng pangungulit niya ang madalas na nagpapasaya sa biruan ng barkada. Maraming beautiful people sa Eat Bulaga, dahil beautiful din ang puso nila.

At damang-dama mo na kunektado ang puso nila sa puso ng masa. Doon nagmumula ang kurot na nagpapakilig, nagpapangiti at nagpapaiyak sa tuwa.

Isa sa masa, ganyan sina Bossing, Bitoy, Allan K., Wally, Jose, Julia, Paolo at Pauleen.

Napaka-refreshing din na makita si Pauleen na kasama si Paolo sa All For Juan segment.

And I love the tension created on-air whenever Bossing addresses Pauleen and relates with her.

Tulad nitong nakaraang Huwebes nang biniro ni Bossing si Paolo na baka gusto rin nitong magsuot ng denim shorts na kasing-ikli at sexy ng kay Pauleen, na tawagin na lang nating fruki-fruti shorts.

At wala namang kiyeme na umayon si Paolo.

But Bossing’s remark also made me realize, he was actually staring at Pauleen’s legs to be able to craft and throw that line.

Ang landi ni Bossing. Di ba?

Ganyan ang gusto natin sa lalaki: tatay, jowa, kuya o barkada. Masayang kasama. Palabiro.

Page 16: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

***

Sinasalamin ng Eat Bulaga ‘yung naturalesa na hanap natin sa relasyon natin sa bawat isa. Pagtanggap nang walang pag-iimbot.

Pagmamahal nang walang pag-aatubili.

Pagharap sa kapwa nang walang pangamba.

Masaya lang.

Kaya lalong mas masarap na panoorin ang Eat Bulaga.

Mas bilib ako sa team ng Eat Bulaga. Sa lahat ng bumubuo, sa harap at likod ng camera hindi ko man kakilala silang lahat. Mula boss hanggang security guard.

Naaawa ako sa team ng It’s Showtime. Kasi, ibinibigay rin nila ang kanilang best sa bawat episode.

Mahal ko rin pa man din sina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kuya Kim, Vice Ganda, Billie Crawford at lalo na si Karylle (sa lalim na ayon din sa ganyang billing).

Sa kapalaran ng It’s Showtime, naaalala ko tuloy si James Ingram, sa awiting Just Once, “I did my best, but I guess my best wasn’t good enough.”

***

Sa mga laban din natin sa buhay ay may matututunan tayo sa collision ng dalawang programa. May pangalan at reputasyon na rin ang It’s Showtime, tulad ng Eat Bulaga.

Pero maraming prinsipyo kung paano mananatiling matagumpay at nabubuhay nang masaya ang matututunan sa tunggalian nila.

***

Alin ang mas gusto mo at bakit? Eat Bulaga o It’s Showtime? Tell me on Twitter, amKokoy.

‘Oka2kat’ kinatakutan ng mga katapat

TAMPOK sina Annabelle Rama at Grace Lee sa Showbiz Inside Report ngayong hapon, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Sino sila sa likod ng kamera? Ano ang humubog sa kanilang pagkatao?

Anu-ano ang mga bagay na pinakamahalaga sa kanila?

Page 17: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

***

Kinilabutan at naaliw ang mga manonood at tila natakot ang mga kalabang programa sa Oka2kat sa ABS-CBN dahil #1 agad ito sa timeslot nito noong Sabado.

Pumalo sa nationwide rating na 13.6% ang pilot episode ng Oka2kat, kumpara sa mga katapat na programang Wish Ko Lang (8.9%) at 24 Oras Weekend (9.8%) at Wil Time Bigtime (10.1%) base sa datos ng Kantar Media.

Mainit ang pagtanggap ng publiko sa tween stars na sina Paul Salas, Makisig Morales, Sue Anna Ramirez, Jane Oineza, at Joshua Colet.

Magsisimula na ang adventures ni Andrew (Paul Salas) sa kanyang paghahanap sa mga nawawalang kagamitan sa kanilang museo.

Makikilala na niya ang mga bagong kaibigan na tutulong sa kanya sa kanyang misyon.

Huwag palalampasin ang saya at katatakutang hatid ng Oka2kat tuwing Sabado, pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.

***

Isisiwalat ni Genelyn Magsaysay ang kanyang mga hinanakit sa The Bottomline with Boy Abunda mamayang 11:30 PM sa ABS-CBN.

Sa pagdadawit ni Janelle Manahan sa kanyang mga anak bilang sangkot sa pagkamatay ng panganay niyang si Ramgen Bautista (aka Ram Revilla), paano niya mapatutunayang inosente sila?

Camille, laging nae-embarrass (ALLAN DIONES)

ENERO 21, 2012 nang magsimulang maging co-host si Camille Villar sa Wil Time Bigtime ng TV5.

Sey ng magandang dalaga nina Senador Manny Villar at dating Congresswoman Cynthia Villar, marami pa siyang dapat matutunan bilang host.

Nag-guest lang siya sa show ni Willie Revillame nu’ng Disyembre, tapos ay nag-enjoy siya dahil ang dami niyang taong na-meet at nakausap.

Nang alukin siya kung gusto niyang maging full-time co-host ng show ay doon niya na-realize na magandang experience ‘yon for her.

Hindi na raw kailangan pa ng negotiation dahil payag agad ang parents niya na very supportive sa kanya.

Sabi ni Camille, gusto lang niyang maging part ng show, hindi naman niya iniisip

Page 18: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

na magiging career niya ito.

May sarili siyang trabaho sa real estate business ng mga Villar. Sa umaga ang work niya at sa hapon ay pumupunta na siya sa TV5 studio sa Novaliches.

Natatawang kuwento ng 27-anyos na senatorial daughter, araw-araw ay may embarrassing experience siya sa Wil Time Bigtime, pero sanay na sa kanya ang mga staff ng show at tinatawanan na lang siya.

Minsan ay hindi niya mabasa ang spiels niya o nababaligtad niya ang mga words.

Gusto namin ang pagiging simple at humble ni Camille. At 27 ay mukha siyang bagets. Parang hindi siya aware na sexy siya at maganda.

Nang pansinin namin na blooming siya ay natawa lang siya at ayaw aminin kung meron siyang boyfriend. Basta, masaya raw siya.

Nilinaw ni Camille na hindi nanliligaw o nagpaparamdam sa kanya si Willie. Friends lang daw sila nito at old issue na ‘yung pagli-link sa kanila.

Kung offer-an siya ng TV5 ng acting project ay hindi raw keri ni Camille dahil hosting muna ang kaya niya. Aminado siyang hindi siya marunong kumanta, sumayaw o umarte.

Wala rin sa isip ng bunso ni Sen. Villar ang pumasok sa pulitika. Tama na raw na ang tatay niya at kapatid na si Las Piñas Congressman Mark Villar ang nasa politics.

Pacquiao, handang maging Bible Ambassador Female TV host, ilusyonada

by THE HECKLER

DAHIL deklaradong void ang kasal nina James Yap at Kris Aquino, considered na illegitimate child si Baby James o Bimby ayon sa batas.

Last Sunday, sinabi ni Kris na plano niyang ampunin si Bimby for purposes of inheritance at para na rin ma-legitimize ang relationship nila bilang mother and son.

A day later, James Yap was quoted to have said na gusto rin niyang ampunin si Bimby kung aampunin ito ni Kris.

Apparently, hindi aware si James na hindi ito posible sa ilalim ng Republic Act 8552 o Domestic Adoption Law.

Hindi rin ito pinapayagan sa Family Code of the Philippines. As a rule, ayon sa batas, ang isang taong sumailalim na sa proseso ng adoption ay hindi na muling maaaring ampunin unless na-revoke ang said adoption.

Bago maaprubahan ang anumang petition for adoption na ihahain ni Kris, kailangang may consent ito ni

Page 19: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

James bilang biological father ni Bimby.

Ang tanong: papayag kaya ang basketbolista na ampunin ng TV host ang kanilang anak kung ito ang magiging hadlang sa plano niyang pag-adopt kay James Jr?

Abangan!

***

Naniniwala na akong seryoso si Manny Pacquiao sa pagbabagong-buhay niya.

Kung may nagdududa pa sa claim ni Pacquiao na regular ang pagbabasa niya ng Bibliya, doubt no more.

Pacman has been dishing out Bible quotes sa kanyang mga panayam. In fairness to him, kabisado niya ang kapitulo at bersikulo ng mga linyang binibitiwan niya.

Daig pa niya ang sinapian nina Brother Mike Velarde at Bro. Eddie Villanueva.

Handa rin niyang tanggapin ang hamon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na maging Bible Ambassador upang maengganyo ang mga Pinoy na magbasa ng Bibliya.

Proud pang sinabi ng People’s Champ, “The old Manny Pacquiao is gone. The new Manny Pacquiao has come.” Amen.

***

Lumabas sa isang broadsheet na lilipat na raw sa ABS-CBN si Carla Abellana.

Na-excite ang ilang Twitter people na identified sa Kapamilya network at ni-retweet ang nasabing balita. But according to another unimpeachable source, walang offer at hindi interesado ang ABS-CBN sa dalaga.

So, saan nanggaling ang balita? Or should we say, gimmick? And who stands to gain?

***

Nananatiling misteryo ang katauhan ng Little Lady na nagbigay sa isang member ng prosecution panel ng kopya ng bank documents ni Chief Justice Renato Corona.

Marami tuloy ang nagtatanong: bank teller na ba si Mahal?

***

ILUSYONADA. Isang female TV host na may segment sa isang palabas ang nag-aambisyong mapasama sa

Page 20: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

LIVE portion ng naturang programa.

Wala pang one year sa nasabing show si female TV host pero matagal na pala niyang inaambisyong maging isa sa major hosts doon.

Unfortunately, alam ng staff ang capabilities niya. Nega rin kasi ang image niya.

“More of a liability than an asset,” ang paglalarawan ng staff kay TV host. Baka maapektuhan lang ang ratings.

Ang nakakatawa, dahil ‘di natupad ang kanyang ilusyon, nagbitiw si female TV host ng linyang, “Feeling ko, may humahadlang.”

Dapat siguro, buhusan ng malamig na tubig si female TV host upang magising siya. Sobrang bilib kasi sa sarili.

Sino si female TV host? Wala nang clue. Salamat na lang. There!

***

Personal: Happy birthday to Ralph, Emie, Gabb & Glenn at sa phone pal ni Mr. Butch Francisco na si Yani Bautista.

Let’s talk about current events, follow me on Twitter: @HecklerForever.

Hayden at Dra. Belo, nagkakalabuan dahil kay Nancy by THE HECKLER

KUNG pagbabatayan ang kanilang mga tweets kahapon, tila may LQ sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr.

Nali-link ngayon si Hayden kay Nancy Castiglione.

From Vicki Belo to Katrina Halili to Nancy Castiglione. Hayden’s women have something in common. Titigan n’yo sila.

***

Kung matutuloy bukas, February 12, lilipad patungong Amerika si Dra. Belo.

Sa orihinal na plano ay kasama niya ang fiance sa pagtungo sa LA.

Kung mamataan n’yong nag-iisa si Dra. Belo bukas sa NAIA, alam n’yo na! ***

Matagal nang inactive sa showbiz si Nancy Castiglione. Kasabay ng pagpapalit

Page 21: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

niya ng anyo ay nagpalit din siya ng pangalan.

As a recording artist, nakilala siya bilang Nancy Jane.

Wait lang, hindi pala siya nakilala. Ngayon ay balik siya sa pagiging Nancy Castiglione.

Nawa’y makatulong ang isyung ito upang ma-resuscitate ang kanyang aandap-andap na showbiz career.

Sayaw ng Pag-ibig

ITUTURO ng mascot na si Potchi kina Julian Trono, Sabrina Man, Miggy Jimenez, Bianca Umali, Liane Valentino at Lenlen Frial ang kahalagahan ng paghihinay-hinay pagdating sa pag-ibig.

Sa programang Tropang Potchi ngayong 9:00 AM sa GMA 7. Samantala, matutuklasan nina Bianca at Julian ang iba’t ibang klase ng sayaw na nagpapahiwatig ng pag-ibig, tulad ng Lyrical Dance, Flamenco, Ballet at Cariñosa.

***

Ipapalabas ang uncut version ng indie movie na Id’nal (Mapusok) ngayon at bukas nang 12:00 NN, 1:30 PM, 3:00 PM, 4:30 PM, 6:00 PM, 7:30 PM at 9:00 PM sa Ecstatic Productions Mini Theater, 211 -Katipunan Av., Loyola Heights, QC.

Nasa tapat ito ng Ateneo de Manila University, sa kaparehong gusali ng David’s Salon. Ang tiket ay P150.

Para sa reservation, makipag-alam kay Julz Julia sa cell# 0917-551-1123.

***

Tuwing Miyerkules nang gabi ang paligsahang Scandal Prince 2012 sa Prince Xanadu, Sct. Borromeo St., QC.

Ang finals nito ay sa Pebrero 29.

EDITORIAL

Palakasin ang umaandap-andap na ilaw Editorial

Nakalulungkot ang balitang inilahad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng bilang ng mga kababaihan na nasasadlak sa ipinagbabawal na gamot. Ayon sa PDEA, may 927 na babae ang nadakip ng ahensiya at nakasuhan dahil sa droga noong 2011 o anim na porsiyentong mas mataas kumpara sa 872 na talaan noong 2010.

Page 22: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Sa paghihimay ng PDEA, lumalabas na 76 porsiyento ng mga babaeng naaresto nila ay umuugnay sa pagtutulak. Ito ay mas mataas sa 72 porsiyento na rumehistro naman noong 2010.

Nito lang Pebrero 6 ng kasalukuyang taon ay tatlong babae ang nahuli sa pagtutulak sa magkahiwalay na buy-bust operations. Isang 27-anyos na buntis sa Valencia City, Bukidnon, at dalawa pa na may mga edad 21 at 25 sa Balauan, General Santos City habang nagtatrabaho bilang vegetable vendor at barbecue stick maker.

Tulad din ng mentalidad ng mga lalakeng nasasangkot sa drug pushing, madali at malaki ang pera sa kalakarang ito. Ito rin ang namamayani sa utak ng mga babaeng ayaw magpawis sa marangal na hanapbuhay at nagpapagamit sa udyok ng mga halimaw.

Kung ganito ang klase ng larawang ipinapakita ng mga babae sa modernong panahon ay wala tayong aasahang mabuting ina na huhubog o aakay sa mga bata sa maliwanag na landas ng buhay.

May isang tanong noon sa isang international beauty pageant na sumikat tungkol sa mga kababaihan.

Ang “what is the essence of being a woman?” na binigyan naman ng sagot na “the essence of being a woman is being a mother”.

Ang ina kasi ang tinagurian sa ating lipunan bilang ilaw ng tahanan. Malaki ang papel nito sa pagpapanday ng isipan ng ating mga kabataan. Ang ina ang katuwang ng ama sa pagtataguyod ng bawat pamilya.

Ang mag-anak naman bilang pangunahing institusyon ay may mahalagang bahagi sa pagsulong ng kabuhayan, kultura at reputasyon ng ating bansa. Kung matino ang mag-anak, magiging matino at kapaki-pakinabang din ang kontribusyon nito sa bayan.

Tulad nang lagi nating sinasabi sa prinsipyo ng krusadang ito, dapat makiisa ang lahat sa pagdurog sa mga galamay ng mapaminsalang droga na hindi tumitigil sa pagsira ng ating istraktura bilang isang bansang nangangarap ng tunay na pagbabago.

Bakit walang nag-aambagan para sa lindol sa Negros?

Bakit kaya walang nagrekomenda sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na mag-ambagan sila ng tig-P1 milyon para sa mga biktima ng lindol sa Negros provinces?

Nagtataka lang kasi ako dahil noong mag-flashflood sa Cagayan de Oro at Iligan sa Mindanao ay agad na nag-ambagan ang mga mambabatas ng tig-P1 milyon para sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala ng bagyong Sendong.

Tingin ko sa laki ng pinsala ng lindol sa Negros provinces, kailangan din ang tulong ng mga pulitiko tulad ng kanilang pagtulong sa mga taga-Cagayan de Oro at Iligan.

Napansin ko rin na walang malalaking pulitiko na nagkumahog na pumunta sa Negros provinces para magdala ng tulong sa mga tao tulad ng ginawa nila noon sa mga biktima ng bagyong Sendong. Ilan nga sa

Page 23: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

kanila ay naglagay pa ng mga tarpaulin para ipangalandakan ang kanilang gagawing pagtulong. Nasaan kayo?

Sa totoo lang, naghihintay ang mga tao sa Kamara kung mayroong mag-suggest naman mula sa Cagayan de Oro at Iligan na mag-ambagan uli ang mga congressman para maibangon agad ang mga lalawigan na sinalanta ng lindol.

Speaking of lindol, may kumakalat na kuwento na hindi puwedeng idetalye dahil puwedeng maging sanhi ng panic. Pero nakakabahala ang kuwento kaya dapat ang mga tao ay maghanda at magdasal na huwag sanang mangyari.

***

Parang telenovela talaga ang impeachment trial laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona dahil makakakita tayo ng sigawan, nakakakita tayo ng katatawanan, nakakakita tayo nang iyakan at kung anu-ano pang eksena na lagi nating nakikita sa mga telebisyon na inaarte ng mga artista.

May mga suspense pang nangyayari, ha, dahil unti-unting lumalabas kung magkano ang perang hindi idineklara ni CJ Corona sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

May sorpresa rin din dahil biglang naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang SC habang pinipilit sa Impeachment Court ang opisyal ng PSBank ukol sa dollar accounts daw ni Corona sa nasabing bangko.

Kahit ang mga prosecutors ay hindi umaasa na maglalabas ang SC ng TRO dahil Impeachment Court ito at hindi kasama sa tatlong sangay ng gobyerno kaya halatang nasorpresa kaya bumagsak ang kanilang balikat nang dumating ang hindi nila inaasahan.

Walang panama talaga ang mga teleserye na kinalolokohan ng mga tao gabi-gabi. Ang kaabang-abang, ano ang magiging ending ng impeachment trial? ([email protected])

Biktima ng inhustisya si Magtanggol Gatdula

Summary dismissal o mabilisang pag-alis sa puwesto nang walang due process ang ginawa ng Department of Justice kay Director Magtanggol Gatdula na dating hepe ng National Bureau of Investigation.

Wala ring basehan ang rekomendasyon ng DOJ na sampahan ng kasong kidnapping si Gatdula dahil mismong ang sinasabing “kidnap victim” na si Noriyo Ohara ay ayaw magdemanda sa dating NBI director dahil batid niyang hindi naman siya dinukot ng mga ahente ng NBI na kumuha sa kanya.

Ayon sa isa sa mga abogado ni Gatdula na si Atty. Nancy Ocampo, hindi puwedeng akusahan ng kidnapping ang isang public official gaya ni Gatdula base na rin sa nilalaman ng batas.

“You cannot accuse a public official of kidnapping. You can only file a kidnapping case against a private individual. Those involved here are public officials. Did the DOJ commit a mistake on that one?” ani Ocampo.

Page 24: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Kung susuriin nga, nilabag ng DOJ investigating panel ang mga karapatan ni Gatdula nang paharapin siya sa panel nang hindi sinasabi ng DOJ na isa pala siya sa mga respondents at hindi simpleng resource person.

Wala ring ibinigay kay Gatdula na kopya ng DOJ memorandum na lumikha sa fact-finding panel at ni hindi pinayagan ang dating NBI director na magdala ng abogado gayung isa pala siya sa mga inaakusahan ng kidnapping.

Ayon sa abogado ni Gatdula na si Atty. Abraham Espejo, ang malaking palpak ng DOJ ay ang pagrekomenda na sampahan ng kasong kidnapping si Gatdula gayung wala namang complainant dahil ayaw ngang magreklamo ng Haponesang si Ohara.

Lumalabas tuloy na determinado na ang DOJ fact-finding panel na ideklarang “guilty” si Gatdula bago pa man isinagawa nito ang pormal na imbestigasyon base sa mga lumabas na ulat sa pahayagan.

Kaya tama lang na ipursige ng kampo ni Gatdula na ipadeklara sa hukuman na “null and void” ang dalawang department orders na pirmado ni Secretary Leila de Lima dahil sa pagiging “unconstitutional” ng mga ito.

Ibig sabihin ay magiging inadmissible sa anumang court proceeding ang lahat ng ebidensiyang nakalap ng DOJ panel dahil nga labag sa Konstitusyon ang pamamaraang ginamit dito.

Mukhang napagtanto na ng DOJ ang malaking kapalpakan nito kung kaya’t pinupuwersa ngayon si Ohara na pirmahan ang complaint-affidavit na inihanda ng investigating panel gaya rin ng ginawa noon sa mga akusado sa Dacer-Corbito murder case na kinabibilangan nina Glenn Dumlao at Cezar Mancao.

Ang problema nga lang ay nasira na ang pangalan ni Gatdula na matagal niyang iningatan mula nang magtapos ito sa Philippine Military Academy noong 1976 hanggang maging opisyal ng defunct Philippine Constabulary at Philippine National Police kung saan siya nagretiro bilang 2-star general.

Nagkataon ding hindi siya malapit kay Pangulong Noynoy Aquino kaya madali para sa DOJ na gibain siya kay PNoy na madali namang umaksyon sa naging rekomendasyon ni Secretary De Lima.

Tama ang posisyon ni Atty. Espejo na dapat magbigay ng public apology ang Malacañang at DOJ sa ginawang inhustisya kay Gatdula na sa ngayon ay ang ipinaglalaban na lamang ay ang kanyang kalayaan.

Buhay pag-ibig

Kung hindi niyo naitatanong, isa akong tagahanga ng pelikulang Filipino. Hindi ko alam kung saan ko namana ang hilig ko sa panonood ng pelikula nina Sharon Cuneta, Vilma Santos, Maricel Soriano, Angelu de Leon, Donna Cruz, Mikee Cojuangco at Regine Velasquez.

Ang alam ko lang, natutuwa ako kapag naabutan ko ang mga pinagbidahan nilang romantic movies. Marahil, sa panonood ng kanilang pelikula ay nabibigyan ang mga kagaya kong “hopeless romantic” gayundin ng mga “closet hopeless romantic” ng pagkakataon na umasang tunay ang “happy ending” at hindi ito drawing.

Kahit na kumplikado at makapagdamdamin ang mga eksena, siguradong darating sa tagpo na mawawala

Page 25: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

ang kalituhan at mangingibabaw ang pagmamahalan. Kahit pa gaano kagulo ang sitwasyon, walang mintis na magkakatuluyan o ‘di kaya naman ay magkakapatawaran at muling magkakabalikan ang dalawang pusong nag-iibigan.

Lahat naman tayo ay gustong maging masaya at mahanap ang taong nakalaan para sa atin. Kaya ang iba, walang tigil sa pakikipagkilala, pakikipag-date, panliligaw at sumubok ng ibang paraan mahanap lang ang “The One”.

Take one! Take two! Take three! Maka-ilang take man sa pag-ibig ay hindi puma-pack-up. Ayon nga sa kantang “Buses and Trains” ng Bachelor Girl, “So I walked under a bus, I got hit by a train. Keep falling in love, which is kinda the same. I’ve sunk out at sea, crashed my car, gone insane. And it felt so good, I want to do it again.”

Ngunit minsan, makabubuting maghinay-hinay gayun rin ang magnilay-nilay upang ating mabatid kung bakit sumasablay ang paghahanap natin ng tunay at pangmatagalan na pag-ibig.

Sa totoong buhay kung saan walang direktor at camera, walang artista at script, hindi makukuha sa isa’t kalahati o dalawang oras ang nais nating “happy ending”. Oo nga at dumarating ang pagkakataon kung saan ang pag-ibig ay tinatanggap at inaalagaan. Gayunpaman, alalahanin natin kung kailan ang tamang panahon na ito’y palayain.

Panalangin ko na nawa’y manatili ang ating pananampalataya sa kabutihan ng pag-ibig -- kahit na minsan ay hindi mailagan ang hatid nitong kabiguan, pait at kawalan ng katiyakan. Sabi nga sa 1 John 4:18, “There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love.”

Lagi nating alalahanin at balikan na sa kabila ng lahat, hindi pa rin matatawaran ang angking kadakilaan ng pag-ibig na magbigay, magparaya, magpatawad at umunawa.

Maligayang Araw ng mga Puso!

Para sa inyong mga komento, mag-text sa 0919-9575444.

HULAAN BLUES

Spokesman ni CJ Corona suwapang sa microphone (Dindo Matining)

Iba pala kapag nawili sa microphone ang isang spokesperson na ito ng defense team ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, halos gawin na itong lollipop.

Kapag nagpapatawag kasi ng press briefing ang tagapagsalita na ito ng Punong Mahistrado, siya ang magsisimula at siya pa rin ang magtatapos. The beginning and the end, ika nga sa English.

Ang siste kasi, todo paliwanag sa media ang spokesperson na ito at bihirang pasingitin ang mga kapwa rin

Page 26: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

niya tagapagsalita.

Dada rito, dada doon, halos mapanis na nga raw ang laway ng mga kasama niya sa kahihintay kung kelan sila makakasingit sa madada na spokesperson na ito ni Chief Justice.

Titigil lang daw ang spokesperson kapag napagod na ito sa katatalak. Pero kapag ang kasama naman niya ang magsasalita, gagawa at gagawa ang spokesperson na ito ng paraan para makasingit.

May pagkakataon pa na sasabihin ng spokesperson na sususugan lang niya ang sinabi ng kapwa niya spokesperson pero hindi na niya ibibigay ang microphone sa kanyang kasama at tuluy-tuloy na ang pagsasalita.

Kaya nga natatawa na lamang ang mga co-spokespersons nito sa sobrang kasuwapangan sa microphone ng tagapasalita na ito ni Corona. Minsan nga eh nahihiya na ang mga kasama niya kaya ito na lang ang pinagsasalita sa media.

Hindi naman nakakahalata ang spokesperson na ito at tuloy lang ang pagdada sa media na akala mo’y isang talk show host.

Clue: Tatlo lang naman ang spokesperson sa defense panel. Mapapansin n’yo naman sa tatlo kung sino ang laging nakatutok ang bibig sa microphone. Kayo na bahalang humula.

SPORTS

BARAKO B-MEG SA OPENER (Ramil Cruz)

Natawagan ng offensive foul si Oklahoma City Thunder guard Russell Westbrook (kaliwa) nang sagasaan si Sacramento Kings

center DeMarcus Cousins sa play na ito. Pinatahimik ng Kings ang Thunder, 106-101. (AP)

Page 27: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Mga laro bukas: (Smart Araneta Coliseum) 5:15 p.m. --- Alaska Milk vs. Rain or Shine 7:30 p.m. --- Petron Blaze vs. Barangay Ginebra Minarkahan ng Barako Bull Energy at B-MEG Derby Ace Llamados ang unang mga panalo sa pagbubukas ng mid-season Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Nagpakawala si Willie Miller ng 25 points, nag-debut sa isinumiteng 19 points at eight rebounds, at tinambakan ng Energy ang Alaska Aces, 98-78, sa first game.

Sa unang laro sa Barako matapos i-trade ng Ginebra, tumapos si Ronald Tubid ng 10 markers. Itinabi muna ng Aces ang dati nilang palabigasan noong panahon ni coach Tim Cone na ‘triangle offense’ at nakipagsabayan sa run-and-gun pero naubusan. Tumapos si Aces import Adam Parada -- naglaro sa Red Bull noong 2008 Fiesta -- ng team-high 16 points.

Naglaho ang naipundar na 15-point lead ng Llamados sa first quarter at naghabol ng 11 sa third pero nakagawa ng paraan ang Llamados para ipagpag ang Meralco Bolts, 96-93, sa main game.

“Denzel was as good as advertised. He just ran out of steam in the second half. Denzel’s got to get some time to adjust,” ani B-MEG coach Cone sa kanyang 22-anyos na 6-foot-10 center-forward import na kagagaling lang sa pagsabak sa Lithuania.

Nagsumite si Denzel Bowles ng 27 points, kumalawit ng 11 rebounds, may 3 assists at 2 blocks sa 36-minute job. Bumakas ng 18 points si James Yap at may 10 each pa sina Joe Devance, PJ Simon at bagong recruit na si JC Intal para sa Llamados.

“(Rafi) Reavis and Roger (Yap) played big. Josh (Urbiztondo) had a big game also. But it was a struggle out there especially when the other team disrupts you. These guys didn’t panic, they recover quickly, we got it under control.”

Isang 2-pointer ni James ang naglagak sa 31-16 edge ng Llamados sa 1:19 ng unang yugto na biggest lead na rin. Pero nakabalikwas ang B-Bolts na tatlong beses ding nag-enjoy ng 11-point advantage, huli sa 3-pointer ni Mark Borboran, 64-53, sa 6:34 ng third bago unti-unting nakabalik ang Derby Ace.

Pirates pinasuko ng Lions (AJ Bolando)

Napanatili ng defending champion San Beda College ang solo liderato matapos gapiin ang guest team Lyceum of the Philippines, 3-1, sa 87th season ng NCAA men’s football tournament sa PhilSports Arena sa Pasig.

Lamang pa ang Pirates sa unang parte ng laro matapos maka-goal si Raffy Cabog sa 15th minute pero naitabla naman agad ito ni Jim Flores ng Red Lions sa 38th minute at nasundan pa agad ni Neil Dorimon bago matapos ang first half upang makuha ang kalamangan, 2-1.

Page 28: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Inalat na ang Lyceum sa second half, habang isinara ni Jay Soberano ang laban nang makabutas siya sa 76th minute upang makuha ng San Beda ang pang-apat na panalo (4-0-0 win-draw-loss record) at natikman naman ng Pirates ang pangatlong talo sa apat na laro (1-0-3).

Binokya ng College of Saint Benilde ang University of Perpetual Help System Dalta, 3-0, upang maiuwi ang pangalawang panalo (2-1-1).

Nakuha naman ng Red Cubs ang pang-anim na panalo sa juniors division nang pulbusin ang Junior Pirates, 9-0, habang winasak ng CSB-LSGH Greenies ang Junior Altas, 7-0, para manatili sa solo third sa 4-0-1.

Crucial matches sa UAAP women’s volley

Mga laro ngayon: (The Arena, San Juan)

9:00 a.m. --- Ateneo vs. UE (m)

10:30 a.m. --- DLSU vs. UP (m) 2:00 p.m. --- FEU vs. UE (w)

3:30 p.m. --- Adamson vs. UST (w)

Pare-parehong must-win ang laro ngayon para sa Far Eastern University, Adamson at University of Santo Tomas sa

papatiklop nang eliminations ng UAAP 74 women’s volleyball sa The Arena sa San Juan. Sa hawak na 7-6 win-loss record, naghahabol ang Lady Tamaraws ng kahit playoff para sa semifinal slot kaya kailangang manalo kontra UE mamayang alas-dos.

Nasa unahan ng FEU ang Adamson at UST, ang pagkakabuhol sa 8-5 ay lalagutin sa match nila ng alas-3:30. Ang mananalo sa pagitan ng Lady Falcons at Tigresses ay magkakaroon agad ng slot sa semis.

Sigurado na sa Final 4 ang De La Salle (13-0) at Ateneo (11-2).

Aangat sa 9-5 ang winner ng AdU-UST at garantisado na sa third place. Ang matatalo ay makikipagbuno sa playoff match kontra FEU, kung hindi masisilat ang Lady Tams sa Lady Warriors.

Sa men’s play, tatangkain ng Green Archers (8-5) na upuan ang fourth and last semis seat sa pakikipagtipan sa UP (6-7) sa alas-10:30. Pambungad na laro sa 9:00 a.m. ang UP-Ateneo na pareho nang laglag.

Sweep pipigilan ng Lady Maroons (AJ Bolando)

Tatangkain ng University of the Philippines na pigilan ang sweep at outright championship ng Adamson University sa UAAP Season 74 softball competitions mamayang alas-11:30 ng umaga sa Rizal Memorial Stadium.

Wala pang tumalo sa Lady Falcons sa siyam na salang, pinakamalapit na kabuntot nila ang Lady Maroons sa 7-2.

Page 29: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Sakaling mawalis ang mga asignatura, iuuwi ng Lady Falcons sa San Marcelino ang pang-11 titulo sa softball.

Dinomina ng AdU ang sport mula 1997-98, tanging sumingit sa title run nila ay ang UP na nakadalawa.

Ang Far Eastern U ang dating namamayagpag sa UAAP softball, nakasalansan sa kanilang cabinet ang 21 titulo.

Sa iba pang softball matches, magkikita ang UE at Ateneo ng 7:30 a.m. kasunod ng La Salle kontra UST sa 9:30.

Magbubuno din ang UST at La Salle-Zobel sa juniors baseball sa alas-tres ng hapon.

PHL Cuppers nakauna (Ramil Cruz)

Kagaya ng dapat asahan, dinemolis nina Jeson Patrombon at Treat Conrad Huey ang mga karibal upang ibigay sa bansa ang 2-0 abante sa Day 1 kagabi ng Philippines-Pacific Oceania Asia-Oceania Davis Cup Group II relegation first round tie sa University of Saint Anthony Tennis Court sa Iriga City.

Diniin ng tubong Iligan City na si Patrombon, 18, na karapat-dapat siyang gawing No. 1 player ni non-playing team captain Cecil Mamiit nang itumba ang unranked na si Cycil Jacobe, 6-3, 6-2, 7-6 (4), para sa maagang momentum ng host country.

Sumunod sa kanya ang 26 na taong Fil-Am na si Huey sa pagpapasadsad kay Michael Leong, 6-0, 6-3, 6-2.

Popormalisahing masakote ng PHL Cuppers ang tie sa pagsabak naman sa doubles nina Ruben Gonzales Jr. at Johnny Arcilla kontra kina Jacobe at Fil-Guamanian Daniel Llarenas.

Kung malulusutan ng bansa ang Pacific Oceans, susulong ito sa playoffs kontra sa mananalo sa Lebanon at Pakistan.

Thunder natahimik sa Sacramento

SACRAMENTO, California (AP) --- Umiskor si Tyreke Evans ng 22 points, nagdagdag si DeMarcus Cousins ng 19 markers at nine rebounds at umahon mula sa eight-point deficit ang Sacramento Kings para patahimikin ang mainit na Oklahoma City Thunder, 106-101.

Nalaglag sa 20-6 ang Thunder, pumapangalawa na lang sa Chicago Bulls sa overall NBA lead.

Napuwersa ang Oklahoma City sa 23 turnovers, anim sa fourth quarter nang ma-outscore, 30-23. Mula sa turnovers ay nangolekta ng 28 points ang Sacramento.

Hindi nakakuha ng field goal ang Kings sa final 2 minutes, pero hindi sila iniwan ng sellout crowd. Ang final nine points ng Sacramento ay pinaghirapan sa free throws.

May 33 points si Russell Westbrook pero may seven turnovers din. Nagdagdag si Kevin Durant ng 27 points

Page 30: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

para sa Western Conference-leading Oklahoma City.

Pinantayan ng 10 blocks ni Thunder forward/center Serge Ibaka ang kanyang career high. Kapos ng isa ang kanyang block total sa Sacramento arena record na 11 ni David Robinson ng San Antonio.

“We had a good lead and in the last five or six minutes we’ve been good all season,” puna ni Thunder coach Scott Brooks. “But the turnovers hit us tonight. We played with good effort, but we didn’t play with a controlled effort.”

May 15 points para sa Sacramento si Marcus Thornton bago na-fouled out, umayuda ng 11 points, 10 rebounds si Jason Thompson.

Nangapa sa unang three quarters, nag-init ang streak-shooting na si Thornton sa fourth at umiskor ng 10 kabilang ang pares ng krusyal na 3-pointers.

PBA TRADE FREEZE MUNA (Ramil Cruz)

Pina-freeze muna ni PBA Commissioner Chito Salud ang trade proposal na maglalagak kay Powerade rookie Marcio Lassiter sa Petron Blaze kapalit nina Noy Baclao at Rey Guevarra, habang hindi pa nalinawan ang tunay na estado ng unang team.

Ipinagpaliban ni PBA Chairman Mert Mondragon ang league board of governors special meeting kahapon sa PBA office dahil kulang sa quorum.

“The papers of the trade involving Marcio Lassiter, Noy Baclao and Rey Guevarra is now at my office. And I am taking this stance, I am not inclined to take action on the trade until official word regarding media reports on the supposed sale is obtained,” pahayag ni Salud, na kadarating lang mula Japan.

Hinirit ni Salud na makikipag-ugnayan din siya sa top executive ng Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. na nagmamay-ari sa Coca-Cola Export Company upang linawin ang katayuan ng prangkisa ng Powerade Tigers.

“We are sending out the notices of the special meeting by today along with my communication to Coca-Cola president and CEO William Schultz for them to state their position on the persistent media reports on the alleged sale of the Coca-Cola franchise,” dagdag ng Commissioner.

Matinding nominasyon Andy Sevilla

Grabe ang tindi ng mga kabayong nakanomina ngayon sa 2011 US Triple Crown Series.

May 397 kabayo ang humabol sa nominasyon, tumaas ng 9.1 percent kumpara sa 364 na kabayong humabol para sa unang yugto ng nominasyon sa mayamang serye ng mga 3-year-olds sa Amerika.

Ang Kentucky Derby ang unang yugto na ginagawa sa Churchill Downs, Kentucky. Ang second leg ay ang Preakness Stakes sa Maryland, at ang pangatlo at huling leg ay ang Belmont Stakes sa New York.

Page 31: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Ang mga nakahabol sa nominasyong ito ay eligible na sa tatlong Triple Crown races kung saan $2-milion ang ipamimigay sa 138th running ng Kentucky Derby sa Mayo 6 at tig-$1-million sa137th running ng Preakness Stakes sa Mayo 20 at sa 144th Belmont Stakes sa Hunyo 10.

“We’re a little surprised and very gratified by the strong increase in nominations to the 2012 Kentucky Derby and Triple Crown. Our hope would be that the increase in nominations is a reflection of the continued allure of the spring classics, but also reflects improvement in the economy of both the racing economy and overall economic conditions,” ang sabi ni John Asher, ang vice president for communications sa Churchill Downs.

Lahat ng tatlong legs ay televised ng NBC Sports, nakakuha ng bagong lisensya para mag-broadcast ng prestihiyosong serye.

Lahat ng nagpa-nominate ay nagbayad ng $600, habang ang late nomination ay nagkakahalaga ng $6,000 at magtatapos sa Marso 24.

Sa bilang na nabanggit, 20 lang ang puwedeng makasali sa Kentucky Derby. Tanging ang mga nakakuha ng matataas na accumulated earnings sa mga graded stakes race ng “Road To The Triple Crown” ang puwedeng makapasok.

Samantala, 14 lang ang puwedeng makasali sa Preakness Stakes at 16 naman ang maximum sa Belmont Stakes.

LEISURE

GREETINGS para sa inyong greetings: i-type TONITE<space>GREET<space>MESSAGE at i-send sa 2299

Happy 82nd Birthday to Mama LEVY O. CALALO. Greetings from you children Lala & Ver, Jun & Brenda, Malyn & Bob, Ariel & Baby, Arlie & Jho, Allan & Cynthia, Annaliza & Shinji at Annabel & Philip, mga kapatid, pinsan, pamangkin at mga apo. *** happy 2nd birthday to my nephew klied andrew t. arellano today, feb. 11. greetings from t2 willy, tita kat, kuya migen and kuya quintin. 9198256761 *** HI TO ALL ABANTE TONITE READERS JAN SA LAS PIÑAS MGA RELATIVES KO SA TANAKA DELGADO FAMILY HI SA INYO. KAY ANCLE WALLY SA MGA PINSAN KO JAN. FROM ERIC NG CAVITE. 09152111588 *** Hi, am odet, sana nman magprm dam ka nmn tgal n kita inaantay. Tnx abante-tonite. From +639235843004 *** Gud day za lht! Hpi m0t2x za bhaby kue! Fr0m aiko ni thin nq cavite! +639476250501 *** Hi sa avid readerz of abante-tonite. en hell0 to oleng villanueva of surigao, claver. itz me r0land. +639087239777 *** GREET Q LNG PO UNG HONEY Q JAN SA DIPOLOG CITY. HAPPY BDAY MORE BDAYS 2 COME, FROM UR HONEY GRACE. +639298239118

Page 32: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

*** Hi mr. jonathan natal and mr. migz morcillo lov n lov q kau. From shYne cebu ng morong, rizal. +639384207799 *** Hello sa family... HISITA... Lalo na sa bf ko, i mz u. From christy. +639476226484 *** Abante-tonite gree8 qlng ang mamang q0h zah catbl0gn, zmar. Fr mz. Jessy. +639475699858 *** Hi sa lahat ng mga text friends ko sa Abante-tonite! From Jojo of Alabang. +639463938918 *** Belated Happy birthday LTJG JAIME U. ALBERCA (res) last Feb. 6. We wish you have more birthdays to come. God bless. Greetings from librokc. @ ALBERCA family. 9234695261 *** Hi 2 my friend JONA, te PANYANG, JULLIUS, KISS, ARNOLD, Dra. my sis LAGRING, my best friend NEG. God bless and mor power. HAV A WONDERFUL DAY. From 9068828866 *** Advance HAPPY BIRTHDAY to KISS and ARNOLD, ws u hav mOr birthdays 2 cum. And belated HAPPY BIRTHDAY JAVEN CORPUZ love u sweetie. (Dnt publis my # pls) *** Belated happy birthday to my son, JAVEN CORPUZ. Hop u have mor birthdays 2 cum and hav a good health always. Love u so much son. God bless u always. FROM MOMMY. 9068828866 *** Hi sa tita ko sa baguio, sina francisca antoni at sa mga pnsan ko, mOre power tonite. From jake antoni. 639498539686

Paborito ng bakla para sa inyong greetings: i-type TONITE<space>GREET<space>MESSAGE at i-send sa

MABUTI pa ang lamok, dugo ang sinisipsip sa ‘yo. Samantalang ako… laway lang, ipinagdadamot. [Ahong, 0946-227-5032] Huwag po ninyong seryosohin ang mga KABULASTUGAN sa pitak na ito. Jokes lang po (0908-137-0113), walang personalan. ***

“It flash to my nose tree times for they buy dead by too…” Equals 14. [Glynna, 0946-563-8718]

*** Ano ba ito?! Litung-lito na ako! Magkapatid ba sina Gary V at Michael V? Nanay kaya nila si Ate V? Nakita ko kasi silang kumakain sa Jolli V! [0926-449-8489] *** T: Ano ang pagkakaiba ng chicken at chick? S: Ang chicken, may pakpak. Ang chick, may pekpek. [Dani, 0917-954-7277] ***

T: Ano ang pinakamasarap na pansit? S: Canto’t bihon. T: Ano ang paboritong pasta ng mga bakla? S: Tsupagetti. [Rex, 0946-584-4559] ***

Page 33: Abante Tonite 11-2-12

February 11, 2012

Sarap na sarap ka sa pagkain ng pandesal na may palaman. Kaya lang, may nalasahan kang kakaiba. Pagtingin mo, may ipis sa pandesal. T: Ano ang mas masahol pa rito? S: Kapag nakita mo, kalahati na lang ang ipis. [King, 0912-887-3264] *** TINAPA ka ba? Amoy usok ka kasi, eh! [Ms. Exhausted] *** GIN ka ba? Kasi, ang tapang ng dating mo sa akin! [0933-464-1007] *** Marami na akong naranasang paghihirap sa lovelife… sa school… sa family… Pero mas mahirap palang kausapin sina Vice Ganda at Boy Pick-up. Mababasag ang IQ at common sense mo! [GM, 0929-770-2606] *** Para kang TRUMPO. Itinali mo na ang puso ko, pinaikot mo pa ang mundo ko! [Prince Flip ng Blumentritt, 0948-588-8104] *** Nadulas si SATANAS at sabi niya… “Oh my GOD!” [Jeydie ng QC, 0946-250-0366] *** Ang SUWERTE ay parang kulangot. It’s complicated, hard to get and sometimes, impossible to find. [King, 0912-887-3264] *** Ang stars, ginawa para makapag-wish. Ang angels, ginawa para tagabantay. Eh ako… bakit ako ginawa? WALA LANG. Trip lang nina Mama at Papa. Enjoy raw, eh! Tsalap-tsalap! [0939-399-9291] *** INTERVIEWER: What can you contribute to our company? JOB APPLICANT: Ha?! May ambagan pala dito?! [Gerpacks, 0947-150-1951] *** Kung ayaw mong masaktan, huwag kang pumatol sa expert sa kalokohan. [0946-270-6090] *** TISSUE ka ba? Ikaw kasi ang hanap ko sa bawat pagluha ko. [Joker]