alaala ni laura
TRANSCRIPT
Alaala ni
Laura
26
“Kung siya Mong ibig na ako’y
magdusa,
langit na mataas, aking mababata;
Isagi Mo lamang sa puso ni Laura,
ako’y minsan-minsang mapag-alaala.
27
“At dito laot ng dusa’t hinagpis,
malawak na lubhang aking
tinatawid,
gunita ni Laura sa naabang ibig,
siya ko na lamang ligaya sa
dibdib.
28
“Munting gunamgunam ng sinta ko’t
mutya
nang dahil sa aki’y dakila kong tuwa,
higit sa malaking hirap at dalita
Parusa ng taong lilo’t walang awa
29
“Sa pagkagapos ko’y kung gunigunihin
malamig nang bangkay akong
nahihimbing
at tinatangisan ng sula ko’t giliw,
ang pagkabuhay ko’y walang hangga
mandin”
30
“Kung apuhapin ko ang sariling isip,
ang suyuan amin ng pili kong ibig,
ang pagluha niya kung ako’y may
hapis,
nagiging ligaya yaring madalang sakit
31
“Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran!
ano pang halaga ng gayong suyuan,
kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan?
32
“Sa sinapupunan ng Konde Adolfo
aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya’y nahan ang dating bangis
mo
nang di ko damdamin ang hirap na
ito?
33
Dito hinimatay sa paghihinagpis,
sumuko ang puso sa dahas ng sakit,
ulo’y nalungayngay,luha’y
bumalisbis,
kinagagapusang kahoy ay nadilig.
34
Magmula sa yapak hanggang sa ulunan,
nalimbag ang bangis ng kapighatian,
at ang panibugho’y gumamit ng asal
ng lalong marahas,lilong kamatayan
35
Ang kahima’t sinong hindi maramdamin,
kung ito’y makita’y magmamahabagin;
matipid na luha ay paaagusin,
ang nagparusa ma’y pilit hahapisin
36
Sukat na ang tingnan ang lugaming
anyo
nitong sa dalita’y di makakibo,
aakaying biglang umiyak ang puso,
kung wala nang luhang sa mata’y itulo.
37
Gaano ang awing bubugso sa dibdib
ng may karamdamang maanyong
tumititig,
kung ang panambita’t daing ay marinig,
nang mahimasmasan ang tipon ng sakit?
38
Halos buong gubat ay nasasabugan
ng dinaing-daing na lubhang
malumbay,
na inuulit pa at isinisigaw,
sagot sa malayo niyang alingawngaw.
39
“Ay Laurang poo’y bakit isinuyo
sa iba ang sinirang sa aki’y pangako
at pinagliluhan ang tapat na puso,
pinanggugulan mo ng luhang tumulo?
40
“Di sinumpaan mo sa harap ng Langit
na di maglililo sa aking pag-ibig?
ipinalagay ko naman yaring dibdib,
wala sa gunita itong masasapit!
41
“Katiwala’t ako’t ang iyong
kariktan,
kapilas ng angit anaki’y matibay,
tapat ang puso mo’t di
nagunamgunam
na ang paglilo’y nasa kagandahan.
42
“Di ko akalaing iyong sasayangin
maraming luha mong ginugol sa akin,
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko ang lunas sa madlang
hilahil.
43
“Di kung poo’y utusang manggubat
ng hari mong ama sa alinmang
s’yudad,
kung ginagawa mo ang aking
asagisag,
dalawa mong mata’y nanalo mong
perlas?
44
“Ang aking plumahe kung itinatahi
ng parang kolares ng iyong daliri,
buntinghininga mong nakikiugali
sa kilos ng gintong ipinananahi.
45
“Makailan,Laurang sa aki’y iabot,
basa pa ng luha bandang isusuot,
ibinibigay mo ay naghihimutok,
takot masugatan sa pakikihamok!
46
“Baluti’t koleto’y di mo papayagang
madampi’t malapat sa aking katawan
kung tingnan muna’t baka may kalawang
ay nanganganib kang damit ko’y
marumihan.
47
“Sinisiyasat mo ang tibay at kintab,
na kung sayaran man ng taga’y
dumulas,
ay kung malayo na’y iyong minamalas,
sa gitna ng hukbo’y makilala agad.
48
“Pahihiyasan mo ang aking turbante
ng perlas,topasyo’t maningning na rubi,
bukod ang magalaw na batong d’yamante,
puno ng ngalan mong isang letrang L.
49
“Hangga’t ako’y wala’t nakikipaghamok,
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob,
manalo man ako’y kung bagong nanasok;
nakikita mo na’y may dala pang takot.
50
“Buong panganib mo’y baka magkasugat.
di maniniwala kung di masiyasat,
at kung magkagurlis ng munti sa balat,
hinuhugasan mo ng luhang nanatak.
51
“Kung ako’y mayroong hahapisang munti,
tatanungin mo na kung ano ang sanhi,
hanggang di malining ay idinarampi
sa mga mukha ko ang rubi mong labi.
52
“Hindi ka tutugot kundi matalastas,
kakapitan mo nang mabigyan ng lunas,
dadalhin sa hardi’t doon ihahanap
ng ikaaaliw sa mga bulaklak
53
“Iyong pipitasin ang lalong marikit,
dini sa liig ko’y kusang isasabit,
tuhog na bulaklak sadyang salit-salit,
pag-uupandin mong lumbay ko’y
mapaknit.
54
“At kung ang hapis ko’y hindi masawata,
sa pilik-mata mo’y dadaloy ang luha;
napasaan ngayon ang gayong aruga,
sa dala kong sakit ay di iapula?
55
“Halina,Laura’t aking kailangan
ngayon ang lingap mo ng naunang
araw,
ngayong hinihingi ang iyong pagdamay
ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.
56
“At ngayong malaki ang aking dalita
ay di humanahanap ng maraming
luha,
sukat ang makapatak ng makaapula
kung sa may pagsintang puso mo’y
magmula.
57
“Katawan ko ngayo’y siyasatin,ibig,
tingni ang sugat kong di gawa ng
kalis,
hugasan ang dugong nanalong sa
gitgit
ng kamay ko,paa’t natataling liig.
58
“Halin irog ko’t ang damit koy tingnan,
ang hindi ibig dapyuhang kalawang,
kalagin ang lubid at iyong bihisan,
matinding dusa ko’y nang gumaan-
gaan.
59
“Ang mga mat mo’y kung iyong ititig
dini sa anyo kong sukdulan ng sakit,
upang di mapigil ang takbong mabilis
niring habang buhay sa ikapapatid.
60
Wala na,Laura,ikaw na nga lamang
ang makalulunas niring kahirapan;
damhin ang kamay mo ang aking katawan
at bangkay man ako’y muling mabubuhay.
61
“Ngunit sa aba ko! Ay sa laking hirap!
wala si Laura’y aking tinatawag!
napalayo-layo’t di na lumiliyag,
ipinagkanulo ang sinta kong tapat.
62
“Sa ibang kandunga’y ipinaubaya
ang pusong akin na,at ako’y dinaya,
buong pag-ibig ko’y ipinanganyaya,
nilimot ang sinta’t sinayang ang luha.
63
“Alin pa ang hirap na di nasa akin?
May kamatayan pang di ko
daramdamin?
Ulila sa ama’t sa inang nag-angkin,
Walang kaibiga’t nilimot ng giliw.
64
“Dusa sa puri kong kusang siniphayo,
palasong may lasong natirik sa puso;
habag sa ama ko’y tunod na tumimo,
ako’y sinusunog niring panibugho.
65
Ito’y siyang una sa lahat ng hirap,
pagdaya ni Laura ang kumakamandag;
dini sa buhay ko’y siyang nasasadlak
sa libingang laan ng masamang palad.
66
“O,Konde Adolfo’y inilapat mo man
sa akin ang hirap ng sansinukuban,
ang kabangisan mo’y pasasalamatan,
ang puso ni Laura kung hindi inagaw!”
67
Dito naghimutok nang kasindak-sindak
na umaalingawngaw sa loob ng gubat,
Ttnatangay ang diwa’t karamdamang
hawak
ng buntonghininga’t luhang lumagaslas.
68
Sa puno ng kahoy ay napayukayok
ang lilig ay supil ng lubid na gapos
bangkay na mistula’t ang kulay na burok
ng kanyang mukha’y naging putting
lubos.
TalasalitaanLilo ApuhapinHapis
HumihiligSinapupunanBumalisbis
NalimbagKapighatianPanibugho
LingapDapyuhang
LumiliyagIpinagkanuloSiniphayo
Panambita’tPinagliluhan
KariktanPakikihamok
Baluti’tSinisiyasatTurbante
Mag-aapuhap
Bubugso
Magkagurlis
Malining
Tutugot
Matalastas
Mapaknit
Aruga
Iapula
Sansinukuban
Napayukayok
PROYEKTO SA FILIPINO
IPINASA NINA:REYMART CORDOVATRISTAN YNICK C.PALMA8-SHAKESPEARE
IPINASA KAY:BB.MARY ROSE
GURO SA FILIPINO