alala
TRANSCRIPT
Orihinal
PAG-UWI
Habang pabalik sa tunay kong pinanggalingan,Ay kanina pa ako kinukulit ng ulirat
Sa kahahalungkat ng mga larawangDi ko naman nakikita ngunit nakikita ng mga mata ko.
Paulit-ulit ang mga himig na pinapatugtog ng aking malayAt dumadaloy papasok sa aking tainga.
Nabuo ang kanina at lipas na mga imahen.Di kailangan ng camera sa malikot ang guni-guni.
May bumubulong sa akin na mga tinig at awit.Di kailangan ng iPod sa malikot ang guni-guni.
Paulit-ulit akong kinukulit ng ulirat,Habang pabalik sa tunay kong pinanggalingan.
Rebisyon
ALALA
Iginuguhit silaNg aking guni-guniHabang nakadungaw ako sa bintana.