alinsunurang awit by mesándel virtusio arguelles

Upload: ust-publishing-house

Post on 07-Apr-2018

230 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

  • 8/6/2019 Alinsunurang Awit by Mesndel Virtusio Arguelles

    1/6

    m e s n d e l v i r t u s i o

    a l i n s u n u r a n g

    a w i t

    a r g u e l l e s

    University of santo tomas PUblishing hoUse

  • 8/6/2019 Alinsunurang Awit by Mesndel Virtusio Arguelles

    2/6

  • 8/6/2019 Alinsunurang Awit by Mesndel Virtusio Arguelles

    3/6

    a l i n s u n u r a n g a w i tmesndelvirtusioarguelles

    UST PUbSg oUS

    Manila, Philippines

    2010

  • 8/6/2019 Alinsunurang Awit by Mesndel Virtusio Arguelles

    4/6

    5

    Sa wakas naipasiya nating pag-

    usapan ang wakas: ang simula

    ng muling pagkabuhay

    ng ating mahabang duwelo

    at gaya ng dati walang bumibitaw

    walang nagbababa ng paningin.

    Iba ngayon ang talim ng mga mata.

    Kay raming ikinukubli sa mga sulok

    gayong kapuwa natin alam

    naghahayag ang di-paghahayag

    sa maraming bagay. Kaunting salita.

    Katahimikan. Sa ating mga sarili:

    paano gagapiin (gagapin) ang isang

    makapangyarihan sa sarili.

    Sa kalooban. Sa huli

    hindi maaari

    ang patas lamang. Kundi tayo, patas na.

    Walang talo ang tumaya sa inari nating pag-ibig.

    aw i t s a w a k a s

  • 8/6/2019 Alinsunurang Awit by Mesndel Virtusio Arguelles

    5/6

    8

    Sa magkabilang dulo ng mesa

    susukatin ng nasa

    hapag ang pagitan natin sa isat isa.

    Ang okasyon matagal kong pinaghandaan.

    Iniluto ang paborito mong putahe.

    Mabuti at nakarating ka.

    Mayat maya nga ang bilin ko

    sa iyong sekretarya. Masaya akong makita

    kitang muli: sa wari ko tumaba ka

    kahit hindi nakapag-ahit.

    Umaawit ang aking puso sa ganang

    iyong ipinakikita: susubo

    bahagyang susulyap sa akin

    habang ngumunguya saka sisimsim ng alak.

    Ninanamnam ko ang lason.

    Heto ang minatamis. Wagas

    ang pag-ibig ko hanggang wakas.

    Humahalo na ang lason sa iyong dugo.

    aw i t s a p a g h i h i g a n t i

  • 8/6/2019 Alinsunurang Awit by Mesndel Virtusio Arguelles

    6/6

    22

    Alaga kong aso ang lumbay.

    Ako ang nagpapakain ang nagpapaligo.

    Masaya ako habang itoy lumalaki.

    Hindi ko napapansin.

    Kala-kalaro at hindi ko alam na ito

    ang alaga kong lumbay. Ito

    ang aking inuuwian. Minsan

    inaakala ko itong mangingibig

    kinakasama. Ngunit hindi kailanman

    lumbay. Dahil kung gayon bakit ako

    magmamahal magpapatali

    sa leeg magpapasikil ng laya.

    Pipiliin ko ang mag-isa

    sa tinutulay na linya ng katiyakan

    at alinlangan. Maingat ni hindi ako

    mag-aalaga ng pusa.

    May siyam na hibla ng lumbay

    ako ang pusa.

    aw i t s a l u m b a y