alokasyon at mga sistemang pang-ekonomiya

20
Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya Aralin 6

Upload: booneil

Post on 21-Apr-2017

2.268 views

Category:

Education


18 download

TRANSCRIPT

Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiya

Alokasyon at mga Sistemang Pang-ekonomiyaAralin 6

Balik Aral !Paano nakatutulong ang ekonomiks sa paglutas sa suliranin ng kakapusan? Pangunahing suliranin ng isang ekonomiya ang kakapusan at walang katapusang pangangailangan ng tao. Layunin ng ekonomiks na malutas ang mga suliraning ito.

Tamang Paggamit ng Pinagkukunang YamanBagaman hindi matutugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman ang lahat ng panganga-ilangan at kagustuhan ng tao, dapat pa ring tiyakin ang lubos na paggamit nito.

Break muna!

Magkano ang nakahanda mong gastusin sa mga sumusunod na pangangailangan?

Meryenda sa tanghaliBagong T-shirtPampagupit o pampaayos ng buhokNotebook

Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng halaga?

ALOKASYON Tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi o distribusyon ng mga Likas na yaman , yamang tao at yamang pisikal sa ibat-ibang paggagamitan upang masagot ang mga suliraning pang-ekonomiya. Pagtatakda takdang dami ng pinagkukunang yaman para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa suliranin ng kakapusan ng mga pinagkukunang yaman.

Ang Pamilihan ay itinuturing na pangunahing mekanismo ng alokasyon dahil ito ang nagpapakita kung paano nagagawang ibahagi ang mga Pinagkukunang yaman ng bansa sa paglikha ng maraming produkto.

Nagsilbing sagot sa kakapusan ang alokasyon.

Pagpapalawak ng Pinagkukunang Yaman May mga pamamarang ginagamit sa pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman upang sagutin ang mga problemang Pang-ekonomiya. May tatlong mahalagang pamamaraan upang mapalawak ang mga pinagkukunang yaman.1. Mabisa , Wasto at Matalinong paggamit ng mga ito.2. Pamumuhunan 3. Paggamit ng makabagong Teknolohiya.

Sistemang Pang-EkonomiyaParaan na isinasagawa ng mga bansa sa daigdig upang sagutin ang problemang pangkabuhayan ay ang pagpapatupad ng Ibat-ibang sistemang pang-ekonomya.

Sumasaklaw sa mga istruktura, institusyon at mekanismo na batayan sa pagsasagawa ng mga gawaing pamproduksyon upang sagutin ang mga pangunahing katanungang pang-ekonomiya.

Ang bawat sistema ay maaaring baguhin ayon sa pangangailangan ng ekonomiya kaya sinasabing walang perpektng sistema na angkop sa isang bansa sa bawat pagdaan ng panahon.

Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito.

Uri ng Sistemang Pang-ekonomiyaFeudalismoIsang sistemang pangkabuhayan na ang batayan ng kapangyarihan ng tao ay ang pagmamay-ari ng malawak na lupain.Panginoong Feudal- taong nagmamay-ari ng malawak na lupain.Basalyo(Vassals)- mga Tao na naglilingkod sa mga Panginoong Feudal Fief kapirasong lupa na ipinagkakaloob sa tapat na naglilingkod sa Panginoong Pyudal.

Merkantilismo naniniwalang nasa dami ng Ginto at Pilak ang batayan ng kapangyarihan ng Bansa.

Pasismo- ang pagmamay-ari ng yaman at industriya ng bansa ay kinokontrol at hinahawakan ng isang diktator.Benito Mussolini nagpasimula ng Pasismo sa Italy.Adolf Hitler - GermanyIpinagbawal ang pag-angkat ng produkto sa ibangbansa , welga at unyon ng manggagawa. Ang produksyon ay nakatuon sa mga bagay na kailangan ng Bansa.

Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa tatlong katanungan pang-ekonomiya.

Kabilang dito ang pagpili ng mga sa mga bagay na dapat likhain at kung anu-ano ang maaring gawing alternatibo para dito.Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami ito?

Kabilang dito kung sinu-sino ang lilikha ng mga kalakal at serbisyo at ang mga paraan, teknolohiya at presyo ng mga bagay na kailangan sa paglikha nito.Paano lilikhain ang mga kalakal at serbiyong ito?

Kabilang dito kung sino-sino ang makikinabang sa mga malilikhang kalakal at serbisyo at kung paano maisasagawa ang maayos na distribusyon nito.Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo?

Alokasyon sa Ibat-ibang Sistemang Pang-ekonomiya

TraditionalUmiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan.

Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala ng lipunan.

Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan.Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa kanyang pansariling interest.

Market Economy

Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan.Ang pamahalaan ay may ganap na kapangyarihan na gamitin ng husto ang lupa, paggawa at kapital upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.

Command Economy

Pinaghalong sistema ng Market at Command ekonomiya.Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaring manghimasok ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng mamimili.

Mixed Economy

Neil Galang

Thank You ! Muah !