070920 final paper
Post on 23-Nov-2014
186 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Mga Nilalaman
Pahina
Kabanata 1: Ang Mindanao At
Ang Moro National Liberation Front
2
Kabanata 2: Kasunduang Tripoli 12
Kabanata 3: Kataksilan sa Patikul 18
Kabanata 4: Mga Epekto ng Masaker 20
Mga Batis 21
Mga Karagdagang Larawan 22
Kabanata 1: Ang Mindanao atAng Moro National Liberation Front
1 | P a h i n a
Ang mga labanan sa Mindanao ay resulta ng iilang daang taong hindi pagkakaintindihan
na mauugat sa pagkuha ng mga banyaga sa Pilipinas. Makikita sa kasaysayan ng mga Muslim sa
Mindanao na talagang nilabanan nila ang mga Amerikano at Kastila. Pagkatapos ng mga
pamahalaang kolonyal, ang mababang prayoridad ng pag-unlad ng Mindanao sa gobyerno ay
nagging dahilan ng poot ng mga Muslim. Sinisi ng mga pinunong Muslim ang administrasyon
para sa mga problema nila sa Mindanao, tulad ng kaguluhan at hindi pag-unlad.
Noong Marso 1968, isang pangyayari sa Maynila ay naging dahilan ng pagkasabog ng
pag-aaway sa Mindanao. May lumitaw na taong umano’y naligtas sa isang masaker ng kabataang
Muslim na nagsasanay sa isla ng Corregidor sa Look ng Maynila, sa ilalim ng sultanato ng Sulu.
Ang taong ito’y napunta sa kamay ni Justiniano Montano, isang kongresistang malupit na
manunuligsa ni Marcos. Ang pangyayaring ito’y ipinalabas sa telebisyon, radio at mga
pahayagan, at napilitan ang kongreso na imbestigahan ito.
Ang Muslim Independence Movement (MIM)
Naging emosyonal ang reaksyon ng dalawang kongresistang Muslim, sina Salipada
Pendatun ng Cotabato at Rashid Lucman ng Lanao. (Castro, 2005) Si Pendatun, na noong
panahon na iyon ay presidente ng Muslim Association of the Philippines, ay maaring gumanap
ng malaking papel sa pagtatag ng Muslim Independence Movement (MIM) noong ika-isa ng
Mayo, taong 1968. Ito’y itinatag ni Udtog Matalam, bayaw ni Pendatun at gobernador ng
Cotabato. Naging malaking problema para sa gobyerno ang pagtiwalag ng mga Muslim noong
ininatag ang MIM.
2 | P a h i n a
Si Lucman naman, kasama ni Macapanton Abbas, Jr., ay nagtatag ng Union of Islamic
Force (UIFO). Ito’y naging dahilan ng pagtitipon ng mga binatang Muslim sa Maynila.
Mabibilang sa mga kabataang nagtipon si Nurullaji “Nur” Misuari. Malaki rin ang naging papel
ni Lucman sa pagpapadala sa ibang bansa ng isang grupong tinawag na “Top 90”.
Ang Top 90
Ang Top 90 ay limang bunton ng mga tao na ipinadala ng mga matatanyag na Pilipinong
Muslim sa Malaysia para sa mga pagsasanay. Ang unang bunton ay may nilalaman na
dalawampung tauhan, karamihan sa kanila mga kabataang estudyante galing Maynila. Kasama
ng grupong ito’y sina Ali Sansaluna, Dimansankay Pundato, Bian Lay Lim, Hudan Abubakar,
Sali Wali, Lamit Hassan, Alimphasa Bandaying at Jamil Lucman. (Castro, 2005) Sila’y dumaan
sa Sitio Karundong sa Sulu, bago pumunta sa Sabah at sunod naman sa Kota Kinabalu. Sa
wakas, noong Enero 1969 ay na punta sa sila sa kanilang paroroonan, sa Pulao Palangkor, isang
isla sa Kanlurang Malaysia.
Ang pangalawang bunton naman ay binuo ng labing-isang katauhan na pinamunuan ni
Uttoh Salahudin. Nakarating sila sa Malaysia noong Pebrero 1969. Sina Abul Kyer Alonto (na
dating nag-aral ng abogasya sa Kolehiyo ng San Beda), Amelil Malagiok, Julhambri Misuari at
Benjamin “Al” Kaluang ay kabilang dito. Ang susunod na bunton ay binuo rin ng labing-isang
kasapi, kasama na roon sina Alawi Mohammad at Indar Tampi, manugang ni Brig. Hen.
Mamarinta Lao. Ang namuno sa grupong ito ay si Nur Misuari. Sila’y nakarating sa
destinasyon noong Marso 1969. Lahat ng kasapi ng ika-apat na bunton ay nakarating din sa
buwan na iyon, habang ang huling grupo’y nakarating noong Mayo pa. Ang mga kasapi ng
huling bunton ay nakalap sa Basilan ni Abdullah Camlian. (Castro, 2005)
3 | P a h i n a
Ang limang grupo’y sabay nagtapos sa mga pagsasanay at magkakasamang bumalik sa
Pilipinas noong Marso 1970. Pagdating nila sa Malabang, Lanao del Sur, sila’y sinalubong ng
mayor ng Malabang na si Amir Balindong, kasama ang mambabatas na si Rashid Lucman,
Gobernador Madki Alonto, tatay ni Abul Khyer Alonto, at si Tahir Ali, na nagtapos sa Cairo
Military Academy. Tinangka nilang kunin ang mga miyembro ng kanilang grupo para sa isa
pang grupo ng rebeldeng Muslim, ang Ansar El Islam. Kaunti lamang ang kumagat sa alok nila,
kahit si Abul Khyer Alonto, na anak ng isa sa mga nag-aalok, ay hindi sumali.
Pagkatapos makarating sa Malabang, ang mga miyembro ng tinaguriang “Top 90” ay
umuwi na sa kani-kanilang mga tahanan at probinsya. Subalit, hindi nagtagal at bumalik din
yung mga taga-Maynila sa Cotabato upang tulungan si Datu Ugtog Matalam sa pagpapalakas ng
MIM. Sa panahon rin na iyon, nakabalik na si Hashim Salamat sa Cotabato. Siya’y nanggaling
sa ibang bansa. Pagbalik niya, siya’y nagtrabaho bilang “Provincial Librarian” sa ilalim ni
Gobernador Simeon Datumanong.
Tila pinagsama sila lahat ng tadhana.
Ang Simula ng MNLF
Mula sa grupo ng mga kabataang ito isinilang ang Moro National Liberation Front, o mas
kilala bilang MNLF. Noong bata pa ang organisasyon, hindi pa ito kilala. Sa totoo nga, kaunti
pa lamang ang may alam tungkol sa organisasyong ito dahil palihim itong itinatag. Sa ibang
mga pinunong Muslim, nakilala sila bilang “Parhimpunan Kabangsahan Anak Islam” o
PARKAI. Dahil karamihan sa “Top 90” ay Maranao (40 sa kanila), ninais ng mga Maranao na
ang kapwa Maranao nilang si Abul Khyer Alonto ang maging chairman nila, ngunit hindi niya
tinanggap ang posisyon. Sa halip, sinabi niyang mas karapatdapat si Nur Misuari para sa
4 | P a h i n a
posisyon. Ang guro ng political science sa Unibersidad ng Pilipinas ay mas akma daw para sa
pinakamahalagang trabaho ng isang Chairman: paghingi ng tulong at suporta sa mga bansang
Muslim. Ang mga unang opisyal ng grupong ito’y makikita sa Pigura 1.1
Mga Unang Opisyal ng MNLF
Chairman Nur Misuari
Vice Chairman Abul Khyer Alonto
Central Committee Nur Misuari
Abul Khyer Alonto
Sali Wali
Uttoh Salahudin
Jamil Lucman
Amelil Malagiok
Lamit Hassan
Provincial Chairmen:
Lupah Sug Bian Lay Lim
Basilan Uttoh Salahudin
Zamboanga Alawi Mohammad
Lanao Abul Khyer Alonto
Cotabato Ali Sansaluna
Pigura 1.1 : Mga Opisyal ng MNLF
Mula 1970 hanggang 1972, ang Mindanao ay naghahanda na para sa armadong labanan,
ngunit ang mga miyembro ng “Top 90” ay maingat na naniguro na walang makatuklas sa
kanilang mga gawain. Sila’y nagkasundo na maghiwalay at magsi-ayos ng mga armadong grupo
sa iba’t ibang lugar. Dahil si Marcos ay abala sa mga kaguluhang ginagawa ng Communist Party
5 | P a h i n a
of the Philippines (CPP) sa Maynila, at ang pagkabuo ng bagong New People’s Army (NPA),
hindi masyadong napansin ang mga bulungan at pagtatago na nagaganap sa Mindanao.
Ang grupo sa Cotabato ay nagtrabaho kasama ng mga kabataan ng MIM at marami silang
nakalap na mga taga-suporta para sa sarili nilang grupo. Sa Lanao naman, kahit malakas ang
impluwensya ng mga pamilyang Alonto at Lucman, hindi masyadong matagumpay ang
kampanya nila dahil sa taliwas ang kanilang mga interes sa interes ng mga lokal na opisyal.
Ngunit, naging matagumpay naman ang pag-aayos ng mga armadong grupo sa Zamboanga,
Basilan at Sulu.
Isang grupo ng mga bagong miyembro ng MNLF, na binansagang “Batch 300” ay
pumunta sa Pulao Bangi, Sabah noong Marso 1972. Subalit, ang kanilang pagsasanay ay naputol
dahil noong Nobyembre ay pinabalik na sila sa Pilipinas. Kailangan daw sila upang dagdagan
ang puwersa ng MNLF. Nagulat kasi ang mga nagtitiwalag na Muslim sa pagdeklara ang Batas
Militar noong ika-21 ng Setymebre ng taong iyon. Sinimulan nila agad ang putukan at labanan
sa Mindanao, bilang protesta sa Batas Militar.
Ang unang mahalagang reaksyon sa Batas Militar ay hindi nanggaling sa MNLF, kundi
kay Sacar Basman, hepe ng pulis sa lungsod ng Marawi. Tinatayang isang libong armadong
lalaki ang pinamunuan niya sa puwersang pagkuha ng Marawi. Nasupil sila ng AFP pagkatapos
ng tatlong araw ng labanan.
Ang atakeng ito’y tinaguriang hudyat para sa mga rebelde sa iba’t ibang lalawigan ng
Mindanao para ipasidhi ang kanilang armadong pakikibaka. Halos 6,000 na rebelde ang
sumalakay sa Cotabato, at ilang libo din ang sumalakay sa Basilan at Zamboanga del Sur, ayon
sa ulat mismo ni Presidente Marcos. Maganda ang oras na iyon para lumaban, dahil inamin rin
naman ng Presidente na sa panahon na iyon, ang Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama
6 | P a h i n a
ang Philippine Constabulary ay hindi handa para sa mga pangyayari sa Mindanao. Kinailangan
pa nilang madaliin ang pagpaparami ng kanilang mga sundalo sa Mindanao. Tumuloy ang
labanan ng mga Muslim at AFP sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Makikita natin na ang problema ng pagrerebelde ay hindi lehitimong dahilan ng
pagdeklara ng Batas Militar. Sa katunayan, ang kabaligtaran ang nangyari. Naging dahilan ng
ang pagdeklara ng Batas Militar upang lalong lumala ang karahasan ng mga armadong rebelde.
Istruktura ng MNLF
Upang maging epektibo ang MNLF, kinailangan nilang ayusin ang kanilang herarkiya.
Kaya’t mapapansin na maunlad ang organisasyon ng MNLF. Ang central committee nila’y
binubuo ng dalawampung miyembro. Mayroong din silang “political bureau, propaganda and
intelligence bureau, provincial/barrio committees and a regular army, [called] the Bangsa Moro
Army (BMA).”(Domingo, 1978) Ang BMA ay mayroong field marshall na hindi nasa ilalim ng
central committee, field marshall sa antas probinsyal at zone commanders sa antas munisipal.
Mayroong ding mga home defense units upang tulungan ang mga yunit ng BMA.
MNLF sa Internasyonal na Komunidad
Maunlad man o hindi ang istruktura ng MNLF, hindi ito mabubuhay na walang suporta
ng mga bansang Muslim. Ang unang nilang malaking taga-suporta ay ang punong ministro ng
Sabah, si Tun Mustapha. Tinangkilik niya ang organisasyon dahil nais niyang tanggalin ang
Sabah sa Malaysia at, kasama ng mga lalawigang Muslim sa Mindanao, bumuo ng makabagong
7 | P a h i n a
Sultanato ng Sulu. Naging malaking tagataguyod rin ang Libya. Sinuportahan ng Libya ang
MNLF dahil sa historikal at relihiyosong layon, na maipapaliwanag sa mga sumusunod na talata.
Ang MNLF ay nakatawag din ng pansin ng mga organisasyong internasyonal, katulad ng
Organization of Islamic Conference o OIC. Una nila itong binanggit noong pangatlong panayam
nila noong Marso 1972, sa Jeddah, Saudi Arabia. Ipinahayag nila ang kanilang pagkabahala sa
sitwasyon ng mga Muslim sa Pilipinas. Pareho rin ang damdamin ng 4th Islamic Conference sa
Benghazi, Libya noong Marso 1973. Pinahayag nila ang kanilang pagkabahala naman sa
maramihang pagpapatay ng mga Muslim sa Timog Pilipinas. Hiniling din nila na tigilin ng
gobyerno ang armadong operasyon nila sa Mindanao. Nagpadala sila ng Quadripartite
Ministerial Commission sa Pilipinas noong Agosto 1973. Ang grupo ay binuo ng mga kinatawan
mula sa Libya, Saudi Arabia, Senegal at Somalia, at ang pinuno nito’y si Dr. Ali Abdusaalam
Treki ng Libya. Nakita nila na taliwas sa katotohanan ang mga ulat na nakukuha nila tungkol sa
Mindanao.
Sa pamamagitan nito, namulat ang pamahalaang Pilipinas sa malakas na paninira tungkol
sa kanila sa Middle East. Upang matugunan ang problemang ito, itinakda si Lininding
Pangandaman na Embahador ng Pilipinas sa Saudi Arabia. Tinulungan niya si Yusop Abubakay,
Embahador ng Pilipinas sa Malaysia, na ipaliwanag ang posisyon ng gobyerno ukol sa MNLF.
Ngunit, walang laban ang dalawang embahador sa pinagsama-samang puwersa ng mga rebelde
sa Middle East. Kasama rito ang mga pinuno ng mga rebelde tulad nina Nur Misuari, Ustadz
Abdulbaki Abubakar, Kagim Jajurie, Abdurasad Asani, Dr. Abdurahaman Amin, Salamat
Hashim, at mga kilalang pulitiko na naging rebelde na rin tulad nina Salipa Pendatun at Rashid
Lucman. Sila’y naglunsad ng seryosong kampanya upang palaganapin ang kanilang posisyon ng
pagtitiwalag mula sa Republika ng Pilipinas. Natulungan pa sila ng pangmadlang midya dahil sa
8 | P a h i n a
kanilang Overseas Directorate of Information, na pinamunuan ni Abdurasad Asani. Ang
himpilan ng departamentong ito ay hindi sa Pilipinas, ito’y nasa Tripoli, Libya.
Ang pagkabigo ng mga embahador sa kanilang kampanya ay kitang-kita sa 5th Islamic
Foreign Ministers Conference na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Hunyo 1974. Sa
ng kanilang Resolution 18, nakasaad na nakikita nila ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno
ng Pilipinas upang ipabuti ang sitwasyon sa Mindanao, ngunit inudyok nila ang gobyerno na
maghanap ng mapayapang solusyon sa problemang ito sa pamamagitan ng paglahok ng mga
peace talks kasama ng mga pinunong Muslim, lalo na yung mga kinatawan ng MNLF. Sa
ganitong paraan daw ay makagagawa sila ng solusyon para sa kondisyon ng mga Muslim sa
Pilipinas at mapapanatilihan ang dakilang kapangyarihan ng pamahalaan at teritoryal na
integridad ng bansa. Ngunit may maliit ding pagkapanalo ang gobyerno rito. Sa resolusyon,
nakasaad rin na nakikita nila na ang problema ay sa loob lamang ng Pilipinas, kaya’t kinailangan
tigilin ng MNLF ang kampanya nila para sa “decolonization.” Sa halip, pinaglabanan na lang
nila ang awtonimiya. Dahil din sa resolusyong ito, tinigil ng Malaysia ang isang malaking kargo
ng armas na dapat ay dadaan sa Sabah papuntang Kanlurang Mindanao.
Ang resolusyon ay personal na inihatid ni Secretary-General Mohammad Hassan Al-
Tohamy kay Presidente Marcos sa Maynila pagkatapos ng panayam. Habang naroon si Tohamy,
nasabi rin niya kay Marcos na gusto ng OIC na si Executive Secretary Melchor ang manguna sa
mga kinatawan ng gobyerno sa peace talks nila kasama ng MNLF. Napansin kasi nila na si
Melchor ay mahusay na diplomatiko.
Alam na ni Marcos na mag-iiba na hiling ng MNLF (galing sa “decolonization”
magiging awtonimiya) sa parating na negosasyon, kaya sinabi niya kay Melchor na sumang-ayon
sa kanilang mga hinihiling habang ito’y hindi makasasama sa dakilang kapangyarihan o teritoryo
9 | P a h i n a
ng Pilipinas. Noong Enero 1875 niya pinadala ang unang grupo ng kinatawan ng gobyerno para
sa peace talks sa Middle East. Ito’y ginawa rin niya upang mapakita sa mga tagasustento ng
MNLF sa Middle East na talagang sinsubukan niyang maghanap ng mapayapang solusyon sa
problema.
Ngunit may tinatagong intensyon ang unang grupong ito. Ang pangunahing tungkulin
nila ay hindi ang pakikilahok sa peace talks, ang pangunahing misyon nila ay ang gawing mas
malapit ang relasyong ekonomikal at pulitikal ng Pilipinas at mga bansa sa Middle East, lalo na
sa Saudi Arabia, Egypt at Algeria. Subalit, pagdating ni Melchor sa Middle East, nalaman niya
na ang pagiging mas malapit ng Pilipinas at mga bansang iyon ay nakasalalay sa pagkaroon ng
kasunduan kasama ng MNLF. Nalaman din niya na ang MNLF ay hindi tinatakbo lamang ng
mga Pilipinong Muslim. Ito’y naiimpluwensyahan din ng mga tagataguyod nito sa OIC, katulad
ng Libya. Ang nais kasi ng Libya ay maging Yasser Arafat ng Pilipinas si Nur Misuari, sa
pamamagitan ni Ali Abdussalam Treki, ang ministro ng panlabas na relasyon. Si Tohamy
naman ay may sariling interes din sa isyung ito. Ninais niyang magkaroon ng malaking
tagumpay ang OIC sa ilalim niya, ayon kay Melchor, kaya’t pinipilit niya ang solusyong Cyprus
sa Pilipinas. Sa ibang salita, nais niyang mahiwalay ang Mindanao sa Pilipinas at maibigay ito
sa mga Muslim.
Sa peace talks, hinain ng ni Misuari ang kanyang nais na mabigyan ng belligerency status
ang MNLF. Ang planong ito’y sinuportahan ng Libya. Ngunit, ayaw pumayag ni Melchor sa
planong ito, at tinawagan niya si Marcos upang malaman niya ang mga pangyayari. Nais rin
sabihin ni Melchor kay Marcos na nagbanta si Tohamy na gawing prenda ang mga kinatawan ng
gobyerno, ngunit natakot siya na baka pinakikinggan ang kanilang usapan. Pinasabi niya sa ka-
grupo niyang Ilokano, si Pacifico Castro, na sabihin ang kanyang mensahe sa Ilonggo para kung
10 | P a h i n a
sakiling pinakikinggan sila’y hindi naman nila maiintindihan ang sinasabi. Ang problema lang
ay hindi alam ni Castro ang Ilonggong salita para sa “hostage”, kaya nasabi niya ang salita sa
Ingles. (Vitug & Gloria, 2000)
Nabahala si Marcos sa balita tungkol sa prenda, ngunit sinabi ni Melchor na maghananap
na lamang siya ng paraan upang magkaroon ng honorable recess ng mga pagpupulong. Swerte
lang siya at sa susunod na araw ay nalaman ni Tohamy na nagkasakit ang kanyang magulang.
Umuwi agad siya sa Cairo. Si Nur Misuari naman ay nagkasakit ng bronchitis. Napilitan tuloy
ang mga lupon na tigilin ang pagpupulong.
Umabot sa isang taon ang peace talks. Sa huli, pinadala na lang ni Marcos ang asawa
niyang si Imelda upang makipagkita sa mga lider ng Middle East, kasama si Moammar Qaddafi,
pinuno ng gobyerno ng Libya. Nagkita sila noong Nobyembre 1976, at nilagdaan nila ang RP-
Libyan Trade Agreement at isang Cultural and Scientific Agreement. Pero ang totoong layunin
ni Gng. Marcos ay hindi ang paglagda ang kasunduang ito, kundi ang paghikayat kay Qaddafi na
puwersahan ang MNLF na lagdaan na ang peace pact. Naging matagumpay naman si Gng.
Marcos dahil ang pagkikita nila ay nagresulta sa paggawa ng Joint Communiqué noong ika-17 ng
Nobyembre ng taong iyon. Ito’y nagtawag para sa muling pagpulong para sa peace talks sa
Tripoli na magsisimula sa ika-15 ng Disyembre 1976. Disyembre 23 natapos ang pagpupulong,
at nagresulta ito sa paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng MNLF at gobyernong Pilipino.
Ang kasunduan na iyon ay makikilala sa Pilipinas at sa buong mundo sa pangalang Tripoli
Agreement o Kasunduang Tripoli.
11 | P a h i n a
Kabanata 2: Kasunduang Tripoli
Nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng MNLF ang Kasunduang Tripoli noong ika-23
ng Disyembre ng taong 1976. Ang mga naglagda ay si Nur Misuari, na kumatawan ng MNLF, si
Carmelo C. Barbero (undersecretary ng depensa at pinuno ng lupong Filipino sa Tripoli) naman
para sa gobyerno, Dr. Ali Abdussalam Treki bilang Chairman ng negosasyon at kinatawan ng
Quadripartite Commission at Dr. Amadou Karim Gaye bilang Secretary General ng OIC.
Kabilang sa lupon ng gobyerno si Barbero, Lininding Pangandaman(embahador),
Pacifico Castro (embahador), Simeon Datumanong (komisyonado ng Rehiyon XII), Karim Sidri
(administrador ng Southern Philippine Development Authority o SPDA) at Col. Eduardo Ermita.
Ayon kay Ermita, na aide-de-camp ni Barbero noong panahong iyon, hindi sumasang-
ayon ang lupong Barbero sa balangkas ng kasunduan. Marami daw kasing mga nakapag-
aalinlangan na kondisyon kung saan nagiging masyadong makapangyarihan ang MNLF.
Halimbawa, nakasaad doon na kailangan magtakda ng mga Muslim sa halos lahat ng
mahahalagang posisyon sa gobyerno at ipairal ang batas shariah sa lahat ng lokal na korte.
Nakasaad din doon na gagawa sila ng malayang sistemang pang-ekonomiya at pulitikal sa
rehiyonal na gobyernong ibubuo nila. Ayon kay Ret. Maj. Gen. Delfin Castro (2005), nilagdaan
lamang ng gobyerno ang Kasunduang Tripoli upang ipakita sa mga Muslim na ginagawa nila ang
lahat ng maaring gawin upang mabigyan ng solusyon ang problema sa Mindanao.
Ang paglagda sa kasunduan ay naging malaking balita sa loob at labas ng bansa. Nagulat
naman ang mga komander ng military sa Mindanao at ang mga sibilyan na sumusuporta sa
kampanyang pangkapayapaan ng ng gobyerno noong narinig nila ang balitang ito. Kasi, noong
panahon na iyon, ang mga puwersa ng MNLF ay nagdedepensa lamang. Karamihan sa kanila ay
12 | P a h i n a
nagtatago at umiiwas sa mga enkwentro. Inakala nila na hihintayin na lang ng gobyerno na
maubusan sila ng pagkain at punglo, at pagkatapos noon ay mapipilitan silang sumuko.
Ceasefire
Isa sa mahalagang puntos ng Kasuduang Tripoli pagdelkara ng ceasefire. Agad na
gumawa ng ceasefire order (General Order No. 58) si Presidente Marcos para sa AFP noong
ika-24 ng Disyembre 1976, isa araw lang matapos lagdaan ang Kasunduang Tripoli. Samantala,
natagalan ang MNLF sa pagkalat ng balita tungkol sa ceasefire dahil kalat-kalat ang kanilang
mga kasapi. Tinupad din nila ang probisyon sa kasunduan tungkol sa pagbuo ng Joint Ceasefire
Commission, na iniatas upang panigurihin ang pagsasakatuparan ng ceasefire. Si Rear Admiral
Romulo Espaldon ang naging pinuno ng lupon ng Pilipinas, si Dr. Thambeyapha Manjoorsa ang
naging pinuno ng lupon ng MNLF at si Lt. Col. Lamine Cisse namang ang naging kinatawan ng
OIC. Nagpulong sila noong Enero 16, 1977, at nagpakasunduan nila na pumunta agad sila sa
Mindanao upang makabuo ng probinsyal na Joint Ceasefire Commitees sa ilang mga
mahahalagang probinsya.
Hindi nagtagal ang ceasefire. Sa mga imbestigasyon lang ng mga Joint Ceasefire
Committee ay nagkaproblema na. May mga pagkakataon na pagkatapos ng kapulungan ng mga
puwersa ng MNLF sa isang bayan (para sa inspeksyon ng Joint Ceasefire Committee), ayaw na
nilang umalis sa bayan.
Nagkaproblema rin sa implementasyon ng iba pang probisyon ng Kasunduang Tripoli.
Noong ika-17 ng Abril 1977, gumawa ng plebisito ang gobyerno sa Mindanao ukol sa isyu ng
awtonomiya ng Mindanao. Binotohan ng mga mamamayan ng Mindanao ang sampung puntos
13 | P a h i n a
ukol sa awtonomiya ng Mindanao, ngunit may tatlong mahalagang puntos lamang. Ang mga
resulta ng tatlong puntos ay makikita sa Pigura 2.1
Pigura 2.1: Resulta ng Plebisito sa Mindanao
Batis: A Mindanao Story ni Ret. Maj. Gen. Delfin Castro
Sa tatlong puntos na ito, makikitang talagang tinaggihan ng mga mamamayan ng
Mindanao ang kahit anong anyo ng kontrol para sa MNLF. Pinagkamalan ng MNLF na nandaya
ang gobyerno dahil sa maanomalyang mga resulta ng plebesito. Ang mga resultang ito ay
nagtawag din sa pansin ng OIC. Pagkatapos na pagkatapos ng ng plebisito, nagkaroon ng
pagpupulong sina OIC Secretary General Amadou Karim Gaye, kasama ng mga kinatawan ng
Quadripartite Committee, at si Presidente Marcos. Pumayag si Marcos na makipagpulong ulit
kasama ng MNLF sa Maynila upang pag-usapan muli ang implementasyon ng Kasunduang
Tripoli.
Ang pagpupulong ay nagsimula noong ika-20 ng Abril 1977. Ayaw bumigay ng lupon
ng MNLF, giniit nila ang kanilang awtonimiya sa mga sumusunod na lalawigan: Basilan, Sulu,
14 | P a h i n a
Tawi-tawi, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, North Cotabato at Palawan. Ayaw rin
naman pumayag ng lupon ng Pilipinas (na pinamunuan ng Foreign Minister na si Carlos P.
Romulo) sa mga kondisyon ng MNLF. Tumigil ang pagpupulong noong ika-30 ng Abril na
walang kasunduang naabutan.
Lingid sa alam ng gobyerno, pagkatapos ng pagpupulong ay gumawa na ng mga utos si
Nur Misuari para sa iba’t ibang lupon ng MNLF/BMA na muling simulan ang maliliit na
paglalaban. Nakasaad sa isa sa mga utos na ito na:
“Following the failure of the talks in Manila in April, the MNLF has been freed from the
fetters of the Tripoli Agreement…”
Noong ika-anim ng Mayo noong taong iyon, opisyal na binuo ang National Army ng
MNLF, ayon sa mga ulat ng AFP. Sumonod naman dito, pumunta ang MNLF sa 8th Islamic
Foreign Ministers Conference sa Libya noong ika-16 hanggang ika-22 ng Mayo, taong 1977.
Dahil walang banyagang tagamasid ng ceasefire na dumalo sa panayam, malayang dumaing ang
MNLF tungkol sa mga umano’y paglabag ng AFP sa ceasefire.
Tila pumanig ang komperensiya sa MNLF. Sa unang araw pa lamang ay sinisi na ng
Presidente Muammar Khaddafi (ng Libya) ang Pilipinas sa pagtigil ng peace talks. Hindi rin
umawat si Nur Misuari, sa sarali niyang talumpati ay hinain niya ang walong umano’y paglabag
ng pamahalaan ng Pilipinas sa batas, at naghiling na mabigyan ang MNLF ng observer status sa
susunod na komperensiya. Pumayag naman ang mga miyembro, kahit na dapat mga kinatawan
lamang ng mga pambansang pamahalaan ang binibigyan ng observer status.
15 | P a h i n a
Nagtagumpay man si Misuari sa internasyonal na larangan, sa Pilipinas naman ay
nagpatong-patong ang problema ng MNLF. Marami nang opisyal ang hindi sang-ayon sa
pamumuno ni Misuari, katulad nina Abul Khyer Alonto, Kamil Lucman, Dimas Pundato,
Comman Farouk, Hadji Salik Nawal at Gerry Salapuddin. Sa kanilang mga mata, nagiging
maka-komunista at Maoist na ang mga layunin ng MNLF. Hindi naman nag-alala si Misuari sa
lumalabas na mga problema. Sa katunayan nga’y itinuri niyang likas sa mga rebolusyonaryong
kilusan ang pagkakasalungat ng mga ideya. Sa kanyang General Instructions na may petsang
Hunyo 18, 1977, nilagay niya na:
“But in the event of a split within the MNLF and our people may occur again as in the
late 1973’s, you must not be overwhelmed and swept off your feet… In a revolution, splits among
leaders and the people are normal…” (Castro, 2005)
Pagkatapos, ipinahayag niya na ang pag-iba ng obhetibo ng MNLF – mula sa
awtonomiya, naging ganap na kalayaan. Inutos niya na bilisan ang palihim na pag-ayos ng
National Army. Noong una ay 3,000 lamang ang hukbo nila, ngunit nagdagdagan pa sila ng
10,000 hanggang 12,000 sa Zamboanga pa lamang. Inutos rin niya ang pag-ipon ng punglo at
gamit sa kanilang mga himpilan.
Ngunit, agad na napansin ng SOUTHCOM at ang pagpapalaki ng MNLF sa Zamboanga.
Agad na nilusob ng 4th Infantry Division ang GS Base ng MNLF sa Tabon. Nahirapan ang mga
sundalo sa paghahanap ng Tabon. Kahit marami nang nasimulang operasyon sa Zamboanga del
Norte at nakahanap pa sila ng mga secret bivouac sites, hindi pa rin nila mahanap ang GS Base.
16 | P a h i n a
Isang pang utos ni Misuari ay naging dahilan ng malaking kaguluhan. Ngayon naman ay
hindi pandigmaang kaguluhan, ngunit pulitikal na kaguluhan. Inutos niya ang pagpapatayo ng
mga “pulitikal at pansundalong eskwelahan,” kaya nagpatayo ang Kutawatu Regional
Committee (KRC), ang lokal na yunit ng MNLF sa Cotabato, ng Political School for National
Unity. Ang mga pinunong panrelihiyon ng Muslim ay nabahala sa eskwelahan at nagmungkahi
na palitan ni Hashim Salamat si Nur Misuari.
Samantala, nabalitaan ng Presidente noong ika-18 ng Agosto 1977 na nilusob ng MNLF
ang Mabila Coast Guard Station sa isla ng Balut, Davao del Sur. Nilipat ng AFP ang kanilang
mga batalyon mula sa South Cotabato papunta sa Davao del Sur. Tumuloy ang labanan
hanggang Setyembre ng taong yun.
17 | P a h i n a
Kabanata 3: Kataksilan sa Patikul
Noong Setyembre din ng taong iyon, si Brig. Gen. Teodulfo Bautista, pinuno ng 1st
Infantry Division, ay dumaan sa Davao del Sur. Kakagaling lang niya sa Maynila, at papunta
siya sa Jolo. Noong nalaman niyang may labanan na nagaganap sa lugar, inalok niya ang
batalyon niya sa pinuno ng Central Mindanao Command (CEMCOM), na bayaw niya rin, si Maj.
Gen Delfin Castro. Baka raw ito makatulong sa mga operasyon nila sa Davao, at mapayapa
naman daw sa Sulu. Maganda rin daw relasyon nila ng pinuno ng MNLF sa Sulu, si Commander
Usman Sali. Binalaan siya ni Castro na huwag masyadong tiwalaan ang MNLF, ngunit hindi
siya nakinig. Hindi alam ng militar noon na inutos ni Misuari sa kanyang mga alagad na kunin
ang lahat ng pagkakataong patayin ang mga may mga matataas na posisyon sa militar, kahit
hindi pa pormal na hininto ang ceasefire. Lingid sa kanyang kaalaman, ito na ang magiging
huling pagkikita nila ng kanyang bayaw. Tumuloy siya sa Jolo na may buong tiwala kay Sali.
Umaga ng Oktubre 10, 1977, maaga nagising si Brig. Gen. Bautista. Marami pa siyang
kailangan gawin; sa umaga’y magkikita sila ni Sali. Pinahiwatig kasi ni Sali dati na siya at 150
ng kanyang mga tauhan ay handa nang sumuko sa gobyerno. Pumunta siya sa tinakdang lugar
ng kanilang pagkikita, isang palengke, kasama ng 34 ng kanyang mga sundalo (lima sa kanila
mga kolonel).
Apatnapu’t siyam na taong gulang pa lamang ang heneral noon.
Nagkita sila ni Sali; ngumiti pa nga siya habang kinamayan ang heneral. Biglang may
isang boses na sumigaw ng “Dapal!” (ibig sabihin ay “dapa”). Dumapa si Sali habang lahat ng
kanyang 150 na tauhan ay biglang lumitaw at pinagbabaril ang mga sundalo. Isa lamang
18 | P a h i n a
sundalo ang nabuhay upang isalaysay ang nangyari noong araw na iyon; si Brig. Gen. Bautista
ay namatay kasama ng kanyang mga tauhan.
19 | P a h i n a
Kabanta 4: Mga Epekto ng Masaker
Pagkatapos ng pangyayaring ito, sinabing lumuwas si Sali sa Sabah. Hanggang ngayon,
hinahabol pa rin siya ng hustisya.
Malaking balita ang pagkapatay ni Brig. Gen. Bautista, hindi lamang sa Pilipinas, ngunit
sa buong mundo. Malinaw na paglabag ito ng ceasefire agreement, kaya’t hindi maaring pormal
na makampihan ng mga bansang Muslim ang MNLF. Namulat hindi lamang ang mga bansang
Muslim, ngunit ang buong mundo sa karahasan ng MNLF, at tuloy naiba ang perspektibo ng
ibang bansa sa rebeldeng grupo.
Iniwan niya ang kanyang asawa at limang anak upang ipakita sa mundo ang katotohanan.
20 | P a h i n a
Mga Batis
Ret. Maj. Gen. Castro, D. (2005). A Mindanao story: Troubled decades in the eye of the storm. Pilipinas: may-akda.
De Guzman, L. (2007, Pebrero 4). Blast from the past: The killings of Gens. Batalla, Bautista. The Philippine Daily Inquirer.
Domingo, L.B. (1978). The Moro National Liberation Front: an annotated bibliography. Lungsod ng Quezon: Unibersidad ng Pilipinas.
First came the handshake, then the massacre. (1977). Time Magazine. Retrieved September 1, 2007, from http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,915685,00.html.
Vitug, M.D. & Gloria, G.M. (2000). Under the crescent moon: Rebellion in Mindanao. Pilipinas: Philippine Center for Investigative Journalism.
21 | P a h i n a
Mga Karagdagang Larawan
Galing sa 1978 Fookien Times Philippines Yearbook
22 | P a h i n a
Galing sa http://www.time.com/time/magazine/article/0,9171,915685,00.html
Ito ang web archive ng Time Magazine ng artikulo nila tungkol sa insidente sa Patikul, pinapatunayan nito na mahalaga ang pangyayaring ito hindi lamang para sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo.
23 | P a h i n a
Galing sa Philippine Star, ika-15 ng Pebrero, taong 2005. Pinapatunayan nito na hanggang ngayon, mahalaga pa rin ang pagkamatay ni Brig. Gen. Bautista sa ating bansa.
24 | P a h i n a
Mga larawan galing sa A Mindanao Story ni Ret. Maj. Gen. Delfin Castro.
Taas: Si Brig. Gen. Bautista kasama ng mga kasapi ng MNLF sa panahon ng ceasefire.
Baba: Nilalagdaan nina Rear Admiral Espaldonat Dr. Manjoorsa ang Ceasefire Agreement.
25 | P a h i n a
top related