2015 cfc clp talk 8

Post on 06-Aug-2015

161 Views

Category:

Documents

7 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Sister Wife ko po.. Sis. Susie Sinamban..Kalagu na po ne!

Magkaroon ng pananampalatayang umaasa at nananabik na magkaroon ng bagong buhay na kapiling ang Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo

Makilala ang kamangha-manghang personahe at dinamikong ministeryo ng Banal na Espiritu sa bawat mananampalataya

1. Karamihan sa mga Kristiyano sa kasalukuyan ay walang sigla, kulang sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at pagka epektibo sa buhay Kristiyano ngunit hindi ganito sa pagsimula ng Kristitanidad.

a) The early Christiansb) The Holy Spirit

2. Nais ng Diyos na ang lahat ay magkaroon nitong bagong buhay sa Espiritu Santo.

3. Dapat nating malaman na ang tunay na pamumuhay Kristiyano ay hindi lamang lakas-pantao, kundi isang bagong puso, isang bagong buhay na galing sa Diyos.

Juan 16:7

“Subalit dapat ninyong malaman ang katotohanan. Ang pag-alis ko'y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kung wala na ako, isusugo ko siya sa inyo”.

B. PAGTANGGAP SA BANAL NA ESPIRITU

1. Napakahalaga nitong buhay sa Espiritu Santo dahil ito ang uri ng buhay na ibig ng Diyos para sa atin.

Kapag tinanggap natin ang Banal na Espiritu, magkakaroon tayo ng:

a) Pakikiisa sa Diyos, isang bagong pakikipag-ugnayan sa Diyos bilang ating Ama na may malalim at personal na relasyon sa Kanya.

Efeso 2:18

“Dahil kay Cristo, tayo'y kapwa nakakalapit sa presensya ng Ama sa pamamagitan ng iisang Espiritu.

b) Isang bagong kalikasan. Mayroon na tayo ngayon ng lakas ng Espiritu para isabuhay ang buhay-Kristiyano.

2 Corinto 5:17“Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.”

 Gawa 1:8

“Nguni’t bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

c) Lakas para magsilbing tagapamahayag

o saksi ni Jesus.

2. Ang mga alagad ni Kristo ay tumanggap at dumanas ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.

a. Ipinangako ni Jesus ang Espiritu Santo

Lukas 24:49

Tandaan ninyo, isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng aking Ama, kaya't huwag kayong aalis sa Jerusalem hangga't hindi kayo napagkakalooban ng kapangyarihang mula sa langit."

b) Ang araw ng Pentecost (isang kapistahang Judio)

Gawa 1:8 “Nguni’t bibigyan kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.”

3. Ang iba pang mga kristiyano ay tumanggap din ng Banal na Espiritua) Mga Gawa 8:14-19 (Samaria).

Mga Gawa 10:44-46 (Cornelius). Mga Gawa 19:1-6 (Ephesus).b) Yaong mga tumanggap sa

Espiritu Santo ay lalo pang nakilala ang Panginoon sa paraang personal at marami pang mgakaranasan.

C. Ano ang ibig sabihin sa atin ngayon nang pagtanggap sa Espiritu Santo? (o pagbinyag sa Espiritu).

1. Paano natin maaaring matanggap ang Banal na Espiritu?

a) Ipinangako sa atin ng Diyos ang Banal na Espiritu.

Lucas 11:9-13Kaya't sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'pagbubuksan.  Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makaka-tagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 

 Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung ito'y humihingi ng isda?  Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siya'y humihingi ng itlog?  Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!" 

b) Para sa atin na mga Kristiyano, hindi ito ang unang pagtanggap sa Espiritu Santo. Natanggap na natin ang Espiritu sa mga sakramento ng Bautismo at sa Kumpil (Katoliko). Sa halip, ang mararanasan natin ay isang ganap na pag-puspos ng Espiritu Santo sa ating buhay.

 

2. Sa susunod na sesyon, maaaring matanggap at maranasan ang kapangyarihan at kaloob ng Banal na Espiritu gaya ng nangyar I sa mga alagad ng Panginoong HesuKristo.

Mga kaloob ng Banal na Espiritu:1 Corinto 12: 1, 4-

11Teaching gifts: Knowledge and WisdomSign gifts: Faith, Healing, and MiraclesRevelational gifts: Prophecy, Discernment, Tongues, and Interpretation of Tongues

1 Corinto 12: 4-11

4 Iba't iba ang mga espiritwal na kaloob, ngunit iisa lamang ang Espiritung nagkakaloob ng mga ito. 5 Iba't iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang Panginoong pinaglilingkuran. 6 Iba't iba ang mga gawaing iniatas, ngunit iisa

lamang ang Diyos na kumikilos sa mga taong gumagawa ng mga iyon.

7 Para sa ikabubuti ng lahat, ang bawat isa'y binigyan ng kaloob na nagpapakitang nasa kanya ang Espiritu. 8 Ang ilan sa atin napagkalooban ng kakayahang magsalita ng mensahe ng karunungan. Ang iba naman ay pinagkalooban ng katalinuhan. Subalit iisang Espiritu ang nagkakaloob nito.

9 Ang Espiritu ring iyon ang nagkakaloob sa iba ng pananampalataya sa Diyos, at sa iba'y ang kapangyarihang magpagaling sa mga maysakit.

10 May pinagkalooban ng kapangyarihang gumawa ng mga himala; may pinagkalooban din ng kakayahang magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at may pinagkalooban naman ng kakayahang malaman kung aling kaloob ang mula sa Espiritu at kung alin ang hindi. May pinagkalooban ng kakayahang magsalita sa iba't ibang mga wika, at sa iba naman ay ang magpaliwanag ng mga wikang iyon. 11 Ngunit isang Espiritu lamang ang gumagawa ng lahat ng ito at namamahagi ng iba't ibang kaloob sa bawat isa, ayon sa kanyang ipinasya.

a. Ang pagsasalita sa ibang wika ay karaniwan nang pangyayari sa bautismo sa Espiritu. Kagaya nang sa aklat ng Mga Gawa.

b. Ito’y isang kaloob na galing sa Diyos. Kaya’t ito ay mahalaga.

c. Ang pagsasalita sa ibang wika ay may dakilang kahihinatnan sa ating buhay-espiritwal, lalo na sa pagdarasal at pagsamba.d. Ito ay isang napakahalagang unang hakbang, at kadalasan ito ang nagsisilbing pintuan tungo sa puspos na buhay sa Espiritu.

Ang Espiritu Santo at ang Likas ng TaoGalacia 5:16-26

16 Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo

magiging alipin ng hilig ng laman. 17 Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging

naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawa ang nais ninyong gawin. 18 Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

19 Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi, 21 pagkainggit, paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.

22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24 At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito. 25 Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay. 26 Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating

galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag- inggitan.

Kailangang iwasan sa pagtanggap ng mga kaloob ng Diyos.

  a) Isang hindi nagsisising-asal. b) Pakiramdam na hindi karapat-dapat sa mga kaloob c) Takot - Kung ano ang iisipin ng iba. Magmumukhang katawa-tawa.

d) Pagdududa.e) Pagmamalaki (Pride) – asal na hindi na kailangan ang mga kaloob ng Diyos. f) Pagiging mapili kung ano ang gusto nating kaloob na galing sa Diyos.

D. ANO ANG GAGAWIN NATIN PARA SA SUSUNOD NA SESYON?

Pakikipagtipan ng inyong mga group leader o facilitator bago dumating ang sesyon ng pagdarasal natin sa susunod na sesyon.

“Commitment to Christ”.

Tayo’y magdarasal.  

E. TALIWAKAS  1. Dahil sa inyong pagtugon sa tawag ng Diyos, ang kaaway (Satanas) ay gagawa at gagawa ng mga paraan upang kayo ay malinlang at pigilan sa inyong pagsisikap na sundin ang kalooban ng Diyos.

Daddy Susie, palagay mo babalik sila sa susunod na sesyon? Ganda ‘ko no!

Sure, Mommy Chat. hi hi! Ang guapo ko rin no!

To God be the Glory!

Congratulations!Palakpakan!

top related