3 rd lecture #2

Post on 11-Jul-2015

58 Views

Category:

Documents

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

LECTURE # 2: HINDI GANAP NA KOMPETISYON

Ang hindi ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian: may hadlang sa pagpasok

ng prodyuser sa industriya, may kumokontrol sa presyo, at mabibilang ang dami ng mamimili

at nagbibili.

A. MONOPOLYO

Isang estruktura ng pamilihan na iisa ang nagbibili ng produkto na ang ibig sabihin ay may

isang prodyuser ang kumukontrol ng malaking porsyento ng supply ng produkto sa pamilihan.

1. Kakayahan Hadlangan ang Kakompetensiya

May kakayahang kontrolin ang bilihan ng produkto

Ang monopolista ay maaring magkamit ng sobra sobrang tubo

Ang produkto ng monopoly ay may patent at copyright upang hindigayahin ang paraan ng

paggawa ng mga produkto.

Haimbawa nito ay ang Maynilad, Meralco

Ang mga produktong monopoly ay tiyak na bibilhin dahil walang pamalit sa kanilang produkto

at serbisyo.

2. Iisa ang Prodyuser

Nakokontrol ang presyo at dami ng produkto sa pamilihan

Nakapagtatakda ng presyo ng produkto batay sa pagnanais kung saan siya ay

makakapagkamit ng malaking tubo.

3. Walang Pamalit

Mga produktong walang kauri o kapalit kaya madaling makontrol ang demand ng produkto.

B. MONOPSONYO

Isang estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng monopoly.

Iisa ang konsyumer ng produkto.

Kapangyarihan ng konsyumer na pababain ang itinakdang presyo ng produkto at serbisyo na

nais niyang bilhin.

PAGBUBUOD

top related