ang alamat ng sando

Post on 12-Jun-2015

2.328 Views

Category:

Education

5 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang Alamat

ng Sando

Noong unang panahon ay may mag-asawa na nagngangalang Casae at Andrew Cipag.

Si Casae ay magsasaka at si Andrew ay mangingisda naman ang hanapbuhay. Silang magasawa ay laging nagtutulungan.

Sila ay mabait, maalaga, maunawain, matulungin, masipag, mapagmahal at higit sa lahat nagpapahalaga sa ating kalikasan. In short, si Casae at Andrew ay may mabuting loob.

Sa tuwa ng Bathala sa mag-asawa ay biniyayaan niya ito ng supling na lalaki at kanilang pinangalanang Zandro.Laking tuwa din nang mag-asawa ng dumating si Zandro sa kanilang buhay.

At lalo pa dahil napakabibo nitong si Zandro noong bata pa siya ngunit, lumilipas ang panahon at naging matigas ang ulo niya.Ang mag-asawa ay hindi pa din tumitigil sa ginagawa nila para sa kanilang ikabubuhay.

Samantala ang anak ay walang ginawa kundi ang maglaro hinayaan lang ito ng mga magulang kung kaya naman si Zandro ay naspoiled na.Lahat ng naisin ni Zandro ay nakukuha niya. Mahal na mahal kasi siya ng mga magulang.

Lahat ng gusto niyang ipabili ay binibili ng magulang dahil sa labis nilang pagmamahal ay hindi na nila nadisiplina ng maayos ang anak. Tuwing pupunta sa mega mall ay binibilan ito ng bagong damit sa Wade, Jag, Bench at Lee.

Ngunit tuwing ito ay isusuot ni Zandro ay lagi siyang naiinitan lalo pa’t tag-araw noon.Kaya si Zandro ang ginagawa niya ay pinuputol ang mga manggas nito upang kanyang maisuot sa pangaraw-araw. Isang araw ang Bathala ay nagpakita kay Zandro at sinabihan ito na “malaki ka na dapat tumutulong ka na sa iyong mga magulang at sila’y iyong gayahin na may mabubuting kalooban”.

Ngunit hindi naman sinunod ni Zandro ang winika ng Bathala sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagiging tamad niya na walang ginawa kundi maglaro ng maglaro.

Isang gabi muling nagpakita ang Bathala kay Zandro at sinabi nitong bibigyan niya ito ng matinding unos at matinding tag-tuyot dahil hindi pa din ito natuto tumulong sa magulang. At noon di’y nangatuyo ang mga lupa kinaumagahan ng araw na iyon.

Nang mangatuyo ang kalupaan ay wala nang halaman nabuhay pa pati ang tubig doon ay sumobra ang init kung kaya naman ang mga isdang nakatira doon ay nangamatay na kaya ang mag-asawa at mga tao naninirahan doon ay wala ng hanapbuhay.

Ilang buwan din ang lumipas, ang Bathala ay muling nagpakita kay Zandro kaya’t mabilis niyang sinabi na “ibalik na sa dati ang hanapbuhay nila doon at siya ay gagaya na sa magulang na may magandang asal at tutulong na din siya sa gawain.”Agad namang ibinalik ng Bathala sa ayos ang lahat.

Si Zandro ay tumutulong na sa kanyang mga magulang. Ang kanyang mga sinusuot ay ang mga damit na naipon noon na kanya nasira dahil tinanggalan niya ng mga manggas ang mga ito kaya kahit siya ay nasa gitna ng initan iyon pa din ang kanyang isinusuot. Sa paglipas ng panahon ay nag-iisa na lamang si Zandro pero naging masaya siya dahil natuto siya sa mga gawaing naiwan sakanya ng magulang.

Ngunit ng siya ay tumanda na,hinayaan na lamang niya sa mga trabahador niya ang gawain. Ang naging gawi niya sa kasuotan ay nakuha na din ng mga tao doon lalo na ng kanyang mga trabahador sa bukid at palaisdaan na tuwing pagkatapos magtrabaho ay magsuot ng damit na walang manggas na nagbibigay ginhawa sa kanilang katawan. Dahil masyado mahaba ang tawag sa damit na walang manggas ay tinawag na lang nila itong “zandro” na isinunod nila sa pangalang ni Zandro.Nang sa kalauna’y tinawag itong “sando”.

Ang Bathala ay naging instrumento sa pagbabago ni Zandro.

Si Zandro ang dahilan kung bakit nagkaroon ng alamat ng sando.

Sa alamat na ito makikita ang pangunahing pangkabuhayan nating mga Pilipino pati na rin ang mga ugali na ating tinataglay.

Kathang isip ni:

Clarideth Matic Santiago

top related