ang kabihasnang mesopotamia sa kanlurang asya

Post on 12-Aug-2015

832 Views

Category:

Education

28 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang

Asya

SUMERIAN (3500-2340 B.C.E.)

•Nabuo ang 12 lungsod estado(hal: Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur na pinamunuan ng isang hari

•Ziggurat-ang strukturang nagsilbing tahanan at templo ng mga patron o diyos na makikita sa bawat lungsod.

•Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic(o may katangian at pag-uugaling tao)

•Cuneiform(hugis-sinsel)- ang paraan ng pagsulat na ginamitan ng stylus at clay o luwad na lapida.

•Nag-alaga sila ng mga tupa, baka, kambing at baboy.

•Hindi nakabuo ng matatag na Sumerian dahil sa awayan sa lupa at tubig.

• akkad

•Sinakop ni Sargon I (2334-2279 B.C.E.) ang mga lungsod-estado at itinatag ang kauna-unahang imperyo ng daigdig

•Si Sargon I ay galing sa hilaga ng Mesopotamia sa lungsod-estado ng Akkad o Agade.

• Isa sa huling mahusay na pinuno ng Akkadia si Naram-sin (2254-2218 B.C.E.)

•Nabuo ang 12 lungsod estado(hal: Eridu, Kish, Lagash, Uruk, at Ur na pinamunuan ng isang hari

•Noong 2100 B.C.E. panandaliang nabawi ang lungsod ng Ur at pinamunuan ang Sumer at Akkad.

•Bumagsak ang Ur dahil sa pagsalakay ng Amorite at Hurrian sa Mesopotamia. Sa loob ng sumunod na tatlong siglo ang mga lungsod-estado sa katimugan, partikular ang Isin at Larsa, ay natunggalian upang makontrol ang rehiyon.

BABYLONIAN (1792-1595 B.C.E.)

•Sinakop ni Hammurabi, pinuno ng lungsod ng Babylon ang Mesopotamia

•Babylon, nagin kabisera ng imperyong Babylonia.

•Nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kaharian Ashur.

•Nagkawatak-watak ang Babylon sa pagkamatay ni Hammurabi.

•Noong 1595 B.C.E. sinalakay ng mga Hittite Anatolia ang Babylon, sapagkat patuloy pa rin ang kanilang pamumugay sa ilalim ng mga pinunong dayuhan

•Hittite- orihinal na nagmula sa hilagang silangang bahagi ng Black Sea. Lumisan at nanirahan sa Asia Minor(Turkey)

• assyrian

•Noong 1120 B.C.E nasupil ni tiglath-Pileser I(1114-1076) ang mga hittite at naabot ang puwersa ang baybayin ng Mediterranean at itinatag ang imperyong Assyrian.

•Noong 9 na siglo B.C.E nagpadala sila ng ekspidisyon militar pakanluran upang makuha ang rutang pangkalakalan at makakuha ng tributo

• Isa si Ashurbanipal(circa 668-627 B.C.E._ sa mga haring may maayos na pamamahala sa kaniyang panahon.

•Pinabagsak ng Chaldean ang Assyria sa isang pag-aalsa

•Nabopolassar(612-605)- nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos pangunahan ang pag-aalsa.

•Nebuchadnezzar II(605-562B.C.E.)-anak ni Nabopolassar. Tinapos ang natitirang hukbo ng Assyria noong 609 B.C.E.

•Nebuchadnezzar II-nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kaniyang asawa. Ito’I kabilang sa Seven Wonders of The world ayon sa Greek.

•Noong 539 B.C.E. ang Babylon ay nilusob ng Cyrus the Great ng Persia hanggang tuluyang naging bahagi ng mas malawak na imperyo ng mga Persian ang Mesopotamia

PERSIAN(539-330 B.C.E.)

•Nagtatag ng malawak na imperyo na tinawag na Achaemenid. Nasa Persia(Iran) ang sentro ng imperyong ito.

•Cyrus The Great(559-530 B.C.E.)- sa ilalim niya nagsimulang manakop ang Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor(Turkey).

•Darius The Great(521-486 B.C.E.)- umabot ang sakop hanggang India.

•Epiktibo ang pamumuno ng mga lider ng Persian sa kanilang imperyo. Hinati ito sa mga lalawigan(satrapy at pinamumunuan ng gobyernador(satrap)..

•Nagpagawa din dito ng Royal Road na tinatayang may habang 1677 milya o 2699 na kilo metro mula Sardis hanggang Susa

•Naging tanyag ang Persian sa pagsulong ng relihiyong Zoroastrianism na itinatag ni Zoroaster.

top related