ang mga katayuan ng mamamayan noon

Post on 17-Jun-2015

13.285 Views

Category:

Education

1 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

ANG MGA KATAYUAN NG MAMAMAYAN

1.ANGKAN NG DATU

2.MAHARLIKA

3.ALIPIN

ANGKAN NG DATU O MATAAS NA TAO

ANGKAN NG DATU O MATAAS NA TAO

• Mataas-na-tao ang turing sa mga kabilang sa pangunahin at pinakamataas na antas ng katayuan sa lipunan, kabilang dito ang angkan ng mga datu. Mayayaman, makapangyarihan, at iginagalang sila sa buong barangay

• Bilang tanda ng paggalang sa datu, sila ay tinatawag na Gat o Lakan at ang mga babae naman ay Dayang o Dayang-dayang. Tinatawag na panginoon ang isang kasapi ng kanilang angkan kung siya ay nagmamay-ari ng maraming bahay, Bangka, at alipin. Poon ang tawag sa kanilang pinakaninuno.

MAHARLIKAMAHARLIKA

• Ang ikalawa at panggitnang antas ng katayuan sa lipunan ay kinabibilangan ng mga karaniwang tao na bumubuo sa barangay. Sila ang tinatawag na maharlika(mahadlika sa mga pamayanang Tagalog). Timawa o timagua ang tawag sa kanila sa ibat ibang bahagi ng bansa,tulad ng mga Bisaya at Ilokano.

• Ipinanganak na Malaya.• Kabilang sa mga tagapagtanggol ng

datu o sultan at mangangalakal.• Hindi nagbabayad ng buwis.• May karapatang mamili ng sariling

hanapbuhay.• Nakapag-aari ng Lupa.• May karapatang mamili ng datu na

kanyang sasamahan o paglilingkuran.

• May tungkuling samahan ng datu sa pakikidigma, sa paglalakbay ,paggawa ng bahay, Pagsasaka pagsasagwan ng mga Bangka, at sa mga gawaing pampamayanan.

ALIPINALIPIN

• Kabilang sa pinakamababang pangkat sa lipunan ang mga kasama o alaga na tinawag na alipin. Ang kahulugan ng ng salitang Alipin noon ay “alaga”. Sa pagdaan ng maraming panahon, ang salitang alipin ay nagkaroon ng ibang kahulugan at naging alila. Sa mga Tagalog, dalawa ang uri ng alipin.

1.ANG ALIPING NAMAMAHAY

2.ANG ALIPING SAGUIGUILID

ALIPING NAMAMAHAY ALIPING NAMAMAHAY• Nakatataaas ang aliping namamahay sa

aliping saguiguilid. Siya ay:

1.May karapatang pumili ng kanyang mapapangasawa.

2.Hindi maaaring ipagbili.

3.Maaari ring manirahan sa sariling bahay .

4.Maaaring magkaroon ng ari-arian, maliban sa lupang kinatitirikan ng kanyang bahay.

5.Binabayaran sa kanyang paglilingkod.

ALIPING SAGUIGUILIDALIPING SAGUIGUILID• Ang aliping saguiguilid ang

pinakamababang antas . Siya ay:

1.Hindi Malaya

2.Walang sariling tirahan.

3.Walang pag-aari

4.Maaring ipagbili ng kanyang amo

5.Nakatira sa tahanan ng kanyang amo.

6.Naglilingkod nang walang bayad.

7.Hindi maaaring mag-asawa nang walang pahintulot ng kanyang amo.

Nagiging alipin ang isang mamamayan kapag siya ay:Nagiging alipin ang isang mamamayan kapag siya ay:

• Ipinanganak sa mga magulang na alipin.

• Nabihag sa digmaan• Ipinambayad sa utang• Nabili at naparusahan sa nagawang

kasalanan

Ang pagiging alipin ay hindi panghabambuhay. Maaaring maging Malaya ang isang alipin kung siya ay:

Ang pagiging alipin ay hindi panghabambuhay. Maaaring maging Malaya ang isang alipin kung siya ay:• Palalayain ng kanyang amo.• Makapagbabayad ng karampatang

halaga sa kanyang panginoon.• Makapag-aasawa ng isang kabilang

sa mas mataas na antas sa lipunan.• Makapagpapakita ng kabayanihan sa

digmaan..

Kraytirya Kraytirya

• Presentasyon -40 %• Nilalaman – 25%• Pagkamalikhain- 15%• Kooperasyon – 10%• Oras – 10%

Total= 100%

PANUTO: kilalanin kung anong uri ng mamamayan ang tinutukoy. Isulat ang titik ng iyong sagot sa bawat patlang.

PANUTO: kilalanin kung anong uri ng mamamayan ang tinutukoy. Isulat ang titik ng iyong sagot sa bawat patlang.

• D- Datu o ang kanyang angkan• M-maharlika • AM- aliping namamahay• AS- aliping saguiguilid

___1.kinilala bilang mataas-na-tao.

___2.nakatira sa bahay ng kanyang pinagtatrabahuhan.

___3. Tanging kasa-kasama ng mataas-na-tao.

___4. Naipagbibili.

___5. Binabayaran kung nagtatrabaho

II. Panuto: Isulat sa papel ang letrang T kung tama ang isinasaad ng pahayag, at M kung mali.

1. Ang aliping saguiguilid ay hindi maaaring mag-asawa ng walang pahintulot ng kanyang amo.

2. Ipinanganak nga hindi malaya ang maharlika.

3. Tinatawag na Gat o Lakan ang Datu.

4. Ang aliping namamahay ay maaari ring manirahan sa sariling bahay.

5. Ang buhay ng aliping saguiguilid ay Malaya.

Tamang sagot:Tamang sagot:

1. D 6. T

2. AS 7. M

3. M 8. T

4. AS 9. T

5. AM 10. M

Takdang aralin:Takdang aralin:

• Basahin ang Aralin 6, Ang pamumuhay at kultura, pahina 82-88 at sagutan ang pahina 89 ilagay ito sa malinis na papel.

SALAMAT !!!!!

top related