ang pagmamatuwid at

Post on 15-Oct-2014

1.644 Views

Category:

Documents

2 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang Pagmamatuwid

at Ang Pagtatalo

Ang Pagmamatuwid ay isang anyo ng diskors na may layuning makahikayat ng iba sa pamamagitan ng pangangatwiran upang paniwalaan o gawin ng mga tgapakinig o mambabasa ang nais niyang paniwalaan o gawin nila.

Ang pagtatalo ay binubuo ng pagbibigay matuwid ng dalawang magkasalungat na panig tungkol sa isang pinagtatalunan.

Ayon kay Arrogante (2000:229) ang pagtatalo ay isang sining gantihang katwiran o makatuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa.

Ang pagtatalo ay itinumbas natin sa salitang ingles na pagdidebate (debate).

Samantalang ang pakikipagtalo naman ay katumbas ng salitang ingles na argumentation.

Ag pakikipagtalo ay isang pang-araw-araw na gawain ng tao sa pakikisalamuha niya sa kapwa.

Ang mag isyung tinatalakay sa pakikipagtalo ay iba-iba mula sa pinakamainit na isyu at di- gaanong mahalaga.

Pagtatalo Vs. Pakikipagtalo

Ang pakikipagtalo ay impormal na isinasagawa at ang puno at dulo ay madalas na hindi namamalayan ang pagtatalo o debate nama’y pagtatalong normal.

Binubuo ito ng dalawang panig: ang panig ng sang-ayon at ang di- sang-ayon.

Karaniwan na ang bawat panig ay binubuo naman ng dalawa o tatlong kasapi.

Bawat kasapi ay may takdang oras ng pagsasalita o pagtatalumpati na naglalaman ng mga katibayan at patunay hinggil sa paksang kanyang binibigyang katwiran.

1. Pumili ng napapanahong paksa at kawili-wiling pagtatalunan.Maaaring ito’y isyung pambansa o panlipunan. Ito’y kailangang ilahad sa anyong proposisyon. Ang isang proposisyon ay maaaring may layuning magpalaganap o magpatotoo.

Halimbawa: Pasyahang ipatupad ang parusang

kamatayan.

Ilang Bagay na Dapat Tandaan sa Pagdaraos ng Isang Pagtatalo

2. Ang paksang pagtatalunan ay kailangang talakayin sa pamamagitan ng tatlong buod

a. Kabutihan ( Kapakinabangan ) b. Pangangailangan c. Pagsasakatuparan ( Praktikalidad )3. Ang paksa ay kailangang tiyak at malinaw sa

mga kalahok. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pinagkasunduang katuturan ng bawat salita sa proposisyon.Mahalaga rin ang pagbubuo ng mga delimitasyon sa paksa.

Halimbawa: Tungkol sa panahon, sitwasyon at

impormasyong sasaklawin ng pagtatalo.

4. Ang paglikom ng mga kaalaman, impormasyon o materyales sa pagtatalo ay mahalaga. Ito ay maaaring sa pamamagitan ng panayam, pananaliksik at pagbabasa.Dapat magkaroon ng sapat na katibayan ang bawat katwiranng ilalahad at paninindigan.

5. Malaki ang magagawa ng isang talumpating maayos na binuo o isinulat upang ang paglalahad ng mga idea ay may kaisahan.

6. Mahalaga ang wastong pagbigkas sa pagtatalo.Magsanay sa wastong paggamit ng tinig, angkop na ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay,galaw ng katawan,wastong tindig at pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

May tatlong uri ng debate at ito ang debateng Oxford, Oregon,at ang kumbinasyon ng debateng Oxford-Oregon.

Pormal ang lahat ng uring ito.

Mga uri ng Debate

1. Ang Unang Tagapagsalitang Sang-ayon ay maaaring magharap ng panimula para sa buong detalye at saka magpatuloy ng paglalahad, hanggat maaari ng patotoo sa unang isyu.

2. Ang Unang Salungat ay maaaring magbigay ng maikling panimula, kalakip ng pagpapahayag ng mga isyung patutunayan ng panig na salungat ( negative side ).

Ang Debateng Oxford ang may ganitong ayos:

3. Ang Pangalawang Sang-Ayon ay maaaring maglahad ng patotoo para sa pangalawang isyu na kung ang pagtataluna’y nauukol sa patakaran ( policy ).

4. Ang Pangalawang Salungat ay maghaharap marahil ng isang tiligsa sa balak ng panig na sang-ayon.

5. Ang Pangatlong Salungat ay maghaharap marahil ng isang talimpati ng ganting matuwid ( rebuttal ).

6. Ang Pangatlong Sang-ayon ay gagawa ng isang pagsusuri ng mga pangunahing puntos na ipinagkakaibang-kuro ng dalawang panig.

Ang paraang Oxford ay napakapormal kaya naisipang singitan ng kaunting pagbabago sa layuning lubos na mawili ang mga tagapakinig.

Ito ang tinatawag na debateng Oregon.Ang tagumpay ng pamamaraang Oregon ay

nasasalalay ng malaki sa pagtatanong ng kabilang panig ( cross examination ).

1. Ang ibibigay na tanong ay yaong masasagot sa ilang pananalita lamang. Huwag bigyan ng pagkakataong makapagtalumpati ang kalaban o kaya’y siyang makapagtanong.

2. Sa panimula’y isipin na agad ang mga maaaring isagot sa maga itatanong upang mapaghandaan ang mga iyon.

3. Sa pagtatanong sikaping maipakilala ang kawalan ng awtoridad at ang karupukan ng matuwid o ang pagkakasalungatan ng mga matuwid ng kalaban.

Kailangan ng mga Pangalawang Tagapagsalita ang mga Paalalang ss.

4. Magsimula sa tiyak payungong masaklaw. Alalaing baga’y itungo ang pagtatanong sa isang masaklaw na simulaing makasisira sa katunayan ng kalaban.

5.Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walang kaugnayan o wala gaanong halaga.

6. Huwag gulatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit na siya’y sumagot ng “oo” o “hindi” lamang.

A. Pagpapakilala sa bawat koponanB. paglalahad ng proposisyonC. Pagbibigay ng katuturanD. Paglilinaw sa mga isyu o buod na

pangangatwiranE. PagtataloF. paghahatol ng lupon

Narito ang mungkahing pagkakasunud-sunod ng pagtatalong

Oregon-oxford(Aguilar, 1988:266):

Sa sandaling ng panunuligsa , tukuyin ang sumusunod:

1.Mga maling katawan 2. walang katotohanang batayan3.Kahinaan ng katibayan4. mga pahayag na labas sa buod na

pinagkasunduan

Paglalahad ng isang Argumento

a. Pagsisimula ng paglalahad “Nais kong/Ibig kong…” “kung hindi ninyo ikagagalit…” “Mayroon akong ilang punto na ibig

ipaliwanag…”“May ilang mahahalagang punto na sa palagay ko

ay…”

Mga gamiting ekspresyon/pahayag sa isang pagtatalo

b. Paglilipat sa ibang pananaw ng nais ilahad

“Nais kong tingan sa ibang anggulo ang problema…”“Ang kasunod na isyu na ibig kong bigyang-pansin ay

ito…”“Maiba naman ako..”“Kung iyo sanang mamarapatin…”“Ibaling naman natin sa…”

c. Pagdaragdag ng ibang punto“Bukod pa riyan…”“Bilang karagdagan…”“Higit pa riyan…”“Hindi lamang ganoon…”

d. Pagbibigay ng Halimbawa“Hayaan ninyong bumanggit ako ng ilang patunay…”

“Ibig kong magbigay ng halimbawa…”

“Kung inyong mamarapatin…”

e. Pagsalungat sa isang punto“Kung sabagay,maaaring…”

“Sa kabila ng patotoong…”

“Pero kung tutuusin ay…”

“Sa kabilang banda, ganito ang dapat…”

f. Paglalahat“Bilang paglalahat…”

“Sa maikling sabi…”

“Bilang pagbubuod…”

g. Pagsasabi ng nais/gusto kaysa iba

“ Mas pinanaligan ko ito kaysa…”“Nanaisin kong ganito…kaysa…”“Sinasang-ayunan ko… ngunit tutolako sa….”“Mas kinikilingan ko ito..kaysa..”

h. Pagtatapos sa ibig sabihin“Bilang pagwawakas,nais kong…”“Ibig kong wakasan ng ganito…”“Pahintulutan ninyong tapusin ko nang

ganito…”

PAGLALAHAD NG OPINYONA. Sa pagtatanong ng opinyon“Nais kong hingin ang iyong opinyon/palagay sa…”“Ano ang iyong opinyon sa…”“Mangyaring ilahad ang sariling opinyon sa…”“Ibig kong marinig ang opinyon mo sa…”

B. Pagkuha ng reaksyon ng iba“Alin ang pinapanigan mo sa…”“Maaari bang makuha ang iyong reaksyon…”“Saan ka talaga lulugar kaugnay sa isyung…”“Mangyaring ilahad mo ang iyong panig…”

c. Pagbibigay ng neutral na opinyon“Sa ganang akin…”“Kung ako ang tatanungin…”“Sa tingin ko….”“Sa aking palagay…”“Kung hindi ako nagkakamali…”

D. Pagbibigay ng matatag na opinyon“Lubos kong pinapanigan…”“Buong giting kong sinusuportahan ang…”“Labis akong naniniwala…”“Kumbinsido ako…”

e. Pagbibigay ng opinyon ng kausap“Ibig kong marinig ang iyong opinyon tungkol sa…”“Ano naman ang masasabi mo sa…”“Tila si….ang higit na may alam niyan…”

PAGLALAHAD NG PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT

A. Pagsang-ayon nang lubusan“Lubos akong nananalig…”“Sang-ayon ako sa…”“Kaisa mo ako sa bahaging iyan…”“Maaasahan mo ako riyan…”“Bilib ako sa iyong sinabi na….”

b. Pagsang-ayon na may pasubali“Sinasang-ayunan kita, subalit…”“Medyo pinabilib mo ako riyan, pero…”“Ganoon nga iyon, pero…”“May puntos rin ang sinabi mo ngunit…”

c. Pagsalungat nang lubusan“Hindi ako naniniwala riyan…”“Diyan tayo hindi magkakasundo…”“Maling-mali talaga ang iyong….”“Sumasalungat ako sa…”“Hindi ko matatanggap ang iyong

pagpapatotoo…”

d. Pagsalungat nang magalang“Hanga ako sa iyong opinyon, pero…”

“Ginagalang ko ang iyong sinabi, pero…”

“Maaaring tama ka, subalit…”“Ikinalulungkot kong sumalungat sa iyo…”

“hindi ko yata matatanggap ang pananaw mo….”

top related