ang pamahalaang lokal

Post on 22-Jan-2018

3.988 Views

Category:

Education

3 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ang PamahalaangLokal

OAyon sa 1987 Konstitusyon ng

Pilipinas, ang lokal na

pamahalaan ay tumutukoy sa

pagkakahati-hating teritoryal at

pulitikal ng Pilipinas. Binubuo

ito ng mga lalawigan, lungsod,

munisipalidad at mga barangay.

OSa pamamagitan ng

pamahalaang lokal,

madaling naipaparating ng

mga mamamayan ang

kanilang mga naisin,

adhikain at mga karaingan

sa mga kinauukulan.

OAng pamahalaang lokal din

ang nagsisilbing ahensiya

ng pamahalaang pambansa

sa pagpapatupad ng mga

tuntunin at kautusan sa

pamayanan.

OSa ilalim ng

sentralisadong

pamahalaan, ang mga

lokal na pamahalaan ay

nilikha lamang ng

pambansang

pamahalaan o Kongreso.

Ang isang bansang hindi

sentralisado, ang mga lokal na

pamahalaan ay nakararanas ng

higit na kalayaan o awtonomiya.

Ang kanilang kapangyarihan ay

nagmumula sa sa charter ng

Konstitusyon at hindi sa

pambansang pamahalaan o

Kongreso.

Mga Lokal naPamahalaan sa

Pilipinas

OAng pamahalaang lokal ng Pilipinas

ay binubuo ng mga lalawigan,

lungsod, munisipalidad at mga

barangay. Ang tiyak na pagkakahati-

hati ng mga gawain at

kapangyarihan ng bawat isa ay

nakasaad sa mga probisyon ng

Batas Republika Blg. 7160 na kilala

sa tawag na Local Government

Code of 1991. Umiral ito noong

Enero 1, 1992.

Kapangyarihan ng mgaLokal na Pamahalaan

Kapalit ng kapangyarihangmayroon ang lokal napamahalaan, sila ay

inaasahang makakagawa ng mga paraan upang matiyak

ang mga sumusunod:

OMapanatili at mapagyaman ang

kultura ng bansa;

OMapangalagaan ang kalusugan

at kaligtasan ng mga

mamamayan;

OMapangalagaan ang mga

karapatan ng mga tao na

makapanirahan sa isang lugar

na may balanseng ekolohiya;

OMalinang ang kakayahan ng

mga nasasakupan sa larangan

ng agham at teknolohiya;

OPataasin ang moral ng publiko;

OPatatagin ang kabuhayan ng

mga mamamayan;

OTingnan nang may pagkakapantay-

pantay ang lahat;

OLumikha at magkaloob ng matatag

na hanapbuhay; at

OPanatilihin ang katahimikan,

kaayusan at katiwasayan sa

nasasakupan

Ang mga ito ay nasa ilalim ng

tinatawag na General Welfare Clause.

Kapangyarihan ng Pamahalaang Lokal sa

Paglikha ng mgaPagkukunan ng Pondo

OItinatadhana ng mga batas

na ang mga pamahalaang

lokal ay may

kapangyarihang lumikha ng

mga paraan upang

makalikom ng salapi na

ipangtutustos sa lahat ng

mga pangangailangan ng

mga mamamayan.

OItinatagubilin din ng mga

batas na ang mga

pamamaraan ng

pamahalaang lokal sa

paglikom ng badyet ay

dapat naaayon sa mga

tagubilin ng Kongreso.

Ang mga sumusunod naprobisyon ay nangangasiwasa sistema ng pagbubuwis at

ng iba pang paraan naginagawa ng pamahalaang

lokal sa paglikom ng pondo:

OAng pagbubuwis ay

makatarungan at naaayon sa

kakayahan ng mga tao;

OAng mga nakokolektang buwis

ay dapat lang na magamit sa

kapakanan ng mga

mamamayan;

OAng pagbubuwis ay hindi

nagmamalabis ng nakapang-

aapi; at

OAng pagbubuwis ay naaayon

sa batas, sa pampublikong

polisiya, at sa pambansang

pamantayang pang-ekonomiya.

Laang Pondo ng PambansangPamahalaan sa Lokal na Pamahalaan

OLalawigan- dalawampu’t tatlong

bahagdan (23%)

OLungsod- dalawampu’t tatlong

bahagdan (23%)

OMunisipalidad- tatlumpu’t-apat na

bahagdan (34%)

OBarangay- dalawampung bahagdan

(20%)

Isinasaalang-alang din sapagbibigay ng badyet ng

pamahalaang pambansa samga pamahalaang lokal ang

mga sumusunod:

OPopulasyon- limampung bahagdan

(50%)

OSukat na nasasakupan-

dalawampu’t limang bahagdan

(25%)

OPatas na pamamahagi-

dalawampu’t limang bahagdan

(25%)

Mga Pinuno ng PamahalaangLokal

OItinatadhana ng batas na ang

sinumang nagnanais na

manungkulan sa lokal na

pamahalaan ay dapat

magtaglay ng mga sumusunod

na kuwalipikasyon:

OA. Siya ay dapat na lehitimong

mamamayan ng Pilipinas;

ORehistradong botante sa barangay,

munisipalidad, lungsod o lalawigan kung

saan siya nais kumandidato;

OMay isang taon na nakapaninirahan sa

lugar kung saan niya ninanais

kumandidato bag dumating ang araw ng

halalan; at

ONakakabasa at nakasusulat ng Filipino o

sa iba pang wika ng Pilipinas.

OAng mga kandidato s mga

posisyong gobernador, bise-

gobernador, kasapi ng

sangguniang panlalawigan,

alkalde, bise-alkalde at kasapi

ng sangguniang panlungsod ng

mga prominenteng

urbanisadong lungsod ay dapat

na 23 na taong gulang sa araw

ng halalan.

OAng mga kandidato sa pagka-

alkalde, bise-alkalde ng mga

tinatawag na independent

component cities/ muncipalities

ay dapat na 21 taong gulang sa

araw ng halalan.

OAng mga kandidato sa

pagka punong-barangay o

kasapi ng sangguniang

barangay ay dapat na 18

taong gulang sa araw ng

halalan.

OAng termino ng panunungkulan

ng mga halal na opisyal ay

tatlong taon. Walang sinumang

halal na opisyal ang dapat

manungkulan nang higit pa sa

tatlong sunod-sunod na termino

sa parehong tungkulin.

OAng panunungkulan naman

ng mga opisyal ng

barangay at ng mga kasapi

ng sangguniang barnagay

ay tatlong taon at

nagsisimula pagkatapos ng

regular na halalan ng mga

barangay tuwing ikalawang

lunes ng Mayo.

Batasan ng Lokal naPamahalaan

OAng kapangyarihang gumawa ng

batas para sa mga nasasakupan

ay pangunahing tungkulin ng

Sangguniang Panlalawigan para

sa mga lalawigan, ng

Sangguniang Panlungsod para sa

mga lungsod, Sangguniang

Bayan para sa mga

munisipalidad, at ng Sangguniang

Barangay para sa mga barangay.

OAng bise-gobernador ay ang

pinuno ng Sangguniang

Panlalawigan; ang bise-alkalde

naman ay ang pinuno ng

Sangguniang Panlungsod at

Sangguniang Bayan; at ang

punong barangay naman ay

ang pinuno ng Sangguniang

Barangay.

OAng pinuno ay bumoboto

lamang kapag may nagaganap

na tie sa halalang ginaganap sa

sesyon hinggil sa mga

nakahaing isyu o sa

pagpapatibay ng isang

panukalang-batas o ordinansa.

OKung sa mga pagkakataong walang

kakayahan ang bise-gobernador, bise-

alkalde at punong barangay na

pangunahan at pamunuan ang

sanggunian, ang mga kasapi ng

sanggunian ay pinapayagang maghalal

ng bagong pinuno na magmumula sa

kanilang hanay. Dapat nga lamang na

idaos ang pamimili sa pamamaagitan ng

halalan sa isang pulong na quorum.

top related