anim na pamantayan

Post on 16-Jan-2015

5.618 Views

Category:

Documents

4 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Anim na Pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin

Presented by:Arnel O. Rivera

Balik-aral:

•Ano ang pangarap? ▫Ito ay binubuo ng mga mithiin sa buhay.

•Bakit mahalaga ang magkaroon ng pangarap?▫Ang mga pangarap ay batayan tungo sa makabuluhan at maligayang buhay.

Ano ang mithiin?

•Ang mithiin (goal) ay ang pinakapayak ng iyong nais na makamit sa hinaharap.

•Ito ang nais mong mangyari sa iyong buhay na magpapaligaya sa iyo.

Bakit mahalaga ang mithiin?

•Ito ang nagbibigay ng direksyon at saysay sa iyong buhay.

•Ang pagiging responsable sa pagpili ng mga mithiin ay pangunahing mong konsiderasyon sa iyong pamumuhay.

Ano ang kaugnayan ng mithiin sa pangarap?•Ang pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya upang matupad ang mga pangarap.

Mga Pamantayan sa Pagtatatag ng mga Mithiin

−(specific) partikular ang pokus

−(measurable) madaling sukatin

−(attainable) abot ng tao

−(realistic) batay sa katotohanan

−(time-bound) may takdang panahon

−(action-oriented) aksyon ang kailangan

SMARTA

Specific (Tiyak)

•Alam mo kung ano ang gusto mong gawin at sigurado ka sa mga hakbang na gagawin para rito.

Halimbawa:

•Mabuti: Magkaroon ng sariling bahay.

•Mas Mabuti: Magkaroon ng sariling bungalow.

•Pinakamabuti: Magkaroon ng sariling bungalow sa Bacoor, Cavite.

Measurable(Madaling Sukatin)

•Nasusukat ang iyong pag-unlad sa pagdaan ng panahon. Dapat masukat mo kung magtutuloy ka at kung gaano nakakalapit sa iyong pangarap.

Halimbawa:

•Mabuti: Mag-iipon ako ng limang daang piso.

•Mas Mabuti: Mag-iipon ako ng limang daang piso bago matapos ang taon.

•Pinakamabuti: Mas-iipon ako ng limaang daang piso bago magbakasyon sa Pasko.

Attainable (Abot-kaya)

•Dapat mong siguruhin na ito ay praktikal at nakabatay sa katotohanan.

•Ang pangarap ay ginawa upang matupad at hindi upang magbigay ng kabiguan.

Halimbawa:

•Mabuti: Magpapagawa ako ng bahay pagkatapos ng kolehiyo.

•Mas Mabuti: Magpapagawa ako ng bahay sampung taon pagkatapos ng kolehiyo.

•Pinakamabuti: Magpapagawa ako ng bahay matapos makapag-ipon makalipas ang sampung taon ng pagtratrabaho.

Realistic (Makatotohanan)

•Ang mabuting layunin ay isang posibilidad at hindi pantasya. Kailangan mong tanggapin ang katotohanan na ang ibang mga pangarap ay hindi mo kayang abutin anuman ang iyong pagsisikap.

Halimbawa:

•Mabuti: Maging milyonaryo bago mag-18 taong gulang.

•Mas Mabuti: Maging milyonaryo pagkatapos ng kolehiyo.

•Pinakamabuti: Maging milyonaryo matapos ang 20 taong pagtratrabaho.

Time-bound (Takdang Panahon)•Bawat layunin ay dapat mayroong sinusunod na tinakdang panahon upang tuparin. Dapat mayroon itong “deadline” upang magpursige ka na gawin ito.

Halimbawa:

•Mabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo.

•Mas Mabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo bago mag-retiro ang aking mga magulang.

•Pinakamabuti: Magtatapos ako ng kolehiyo sa loob ng apat na taon.

Action-Oriented (Aksyon ang kailangan)•Sa pagsasaad ng iyong mga layunin,

gumamit ng mga aktibong pandiwa (hal. magkakaroon, magpapagawa, mag-iipon). Ang mga ito ay nagpapakita na talagang may gagawin ka. Iwasan ang mga layunin na nagpapahiwatig na gusto mo lamang.

Halimbawa:

•Hindi Mabuti: Nagbabalak ako na kumuha ng kursong engineering.

•Mabuti: Magtatapos ako ng kursong engineering.

Tandaan:

•Ang mga pamantayan sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay nakakatulong sa pagkamit nito.

To download this file, go to:

http://www.slideshare.net/ArnelSSI

Film Viewing: GOAL

•Sino si Santy (Santiago Nunez)? Ano ang kanyang pangarap sa buhay.

•Anong mga problema ang kanyang kinaharap sa pagtupad sa kanyang pangarap.

•Anong mga virtues ang ipinakita ni Santy na naging dahilan upang makamit ang kanyang pangarap?

•Anong aral ang natutunan mo sa pinanuod na pelikula?

top related