ano ang gagawin para maligtas

Post on 21-Aug-2015

62 Views

Category:

Spiritual

9 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ano ano

paragagawin

maligtas?

Pagpapahirap sa Sarili sa Ngalan ng Kaligtasan

Ano ba ang kalagayan ng lahat ng mga nilalang?

Rom 3:23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;

Ano ang kabayaran ng kasanaman lanan?

Rom 6:23 Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

KamatayanAt

libingan

Papaano maliligtas ang tao?

Juan 3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, naIbinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, Upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Ano ang itinatanong ng mga taong gustong maligtas?

Gawa 2:37 Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin?

Pagkatapos manampalataya, ano pa ang dapat gawin ng tao?

Gawa 2:38 At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

May halaga ba ang pananampalataya na walang gawa?

 Sant. 2:14 Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?

15 Kung ang isang kapatid na lalake o babae ay hubad at walang kakanin araw-araw,

16 At ang isa sa inyo ay magsabi sa kanila, Magsiyaon kayong payapa, kayo'y mangagpainit at mangagpakabusog; at gayon ma'y hindi ninyo ibinibigay sa kanila ang mga bagay na kinakailangan ng katawan; anong mapapakinabang dito?

17 Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili.

18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya.

Ano ang ginawa ng Ama ng Pananampalataya na si Abraham?

Gen 26:5 Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.

Ano ang itinanong ni Cristo sa tao tungkol sa kaligtasan?

Mat 16:26 Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?

May maibibigay ba ang tao na katumbas ng kaniyang buhay?

Mic 6:6 Ano ang aking ilalapit sa harap ng Panginoon, at iyuyukod sa harap ng mataas na Dios? paroroon baga ako sa harap niya na may mga handog na susunugin, na may guyang isang taon ang gulang?

7 Kalulugdan baga ng Panginoon ang mga libolibong tupa, o ang mga sangpu-sangpung libong ilog na langis? ibibigay ko baga ang aking panganay dahil sa aking pagsalangsang, ang bunga ng aking katawan dahil sa kasalanan ng aking kaluluwa?

JESUS

SAVES

May magagawa ba ang mga santo at santa para tayo ay maligtas?

Eze 14:14 Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios. 15 Kung aking paraanin ang mga mabangis na hayop sa lupain, at kanilang sirain, at ito'y magiba na anopa't walang taong makadaan dahil sa mga hayop;

16 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; sila lamang ang maliligtas, nguni't ang lupain ay masisira.

17 O kung ako'y magpasapit ng tabak sa lupaing yaon, at aking sabihin, Tabak, dumaan ka sa lupain; na anopa't aking ihiwalay roon ang tao at hayop;

18 Bagaman ang tatlong lalaking ito ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, sila'y hindi mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man, kundi sila lamang ang maliligtas.

19 O kung ako'y magsugo ng salot sa lupaing yaon, at aking ibugso ang aking kapusukan sa kaniya na may kabagsikan, upang ihiwalay ang tao't hayop;

20 Bagaman si Noe, si Daniel, at si Job, ay nangandoon, buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi sila mangagliligtas ng mga anak na lalake o babae man; ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang katuwiran.

 Sino ang nag-iisang persona sa buong sansinukob na makapagliligtas?

Gawa 4:12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.

Isa 43:11 Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas.

  Ano ang pinaka mahalagang tanong na itinanong ng tao?

Mat 19:16 At narito, lumapit sa kaniyaang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan?

Ano ang lunas ni Cristo kung papaano magkakaroon ng buhay na walang hanggan?

Mat 19:17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa't kung ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos.

18 Sinabi niya sa kaniya, Alin-alin? At sinabi ni Jesus, Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya,Huwag kang magnanakaw, Huwag sasaksi sa di katotohanan,

19 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina; at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.

Ano ang damdamin ng taong gustong-gustong maligtas?

Mat 19:20 Sinabi sa kaniya ng binata, Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko: ano pa ang kulang sa akin?

Gaano kasaklap kapag nasumpungang kulang sa mga requirements para maligtas ang ating buhay?

Dan 5:22 At ikaw na kaniyang anak, Oh Belsasar, hindi mo pinapagpakumbaba ang iyong puso, bagaman iyong nalalaman ang lahat na ito,

23 Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati.

24 Nang magkagayo'y ang bahagi nga ng kamay ay sinugo mula sa harap niya, at ang sulat na ito'y nalagda

25 At ito ang sulat na nalagda, MENE, MENE, TEKEL, UPHARSIN.

25 Ito ang kahulugan ng bagay: MENE;binilang ng Dios ang iyong kaharian, at niwakasan.

27 TEKEL; ikaw ay tinimbang sa timbangan, at ikaw ay nasumpungang kulang.

28 PERES; ang iyong kaharian ay hinati at ibinigay sa mga taga Media at taga Persia.

Luc 12:16 At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:

17 At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga?

18 At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay Ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari.

Tingnan po natin kung saan tayo mayaman.

19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.

20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling,hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?

21 Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios.

Ano-ano pang mabababaw na dahilan ang ikapapahamak ng maraming tao?  Luk 14:15 At nang marinig ito ng isa sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay sinabi sa kaniya, Mapalad ang kakain ng tinapay sa kaharian ng Dios.

16 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, May isang naghanda ng isang malaking hapunan; at marami siyang inanyayahan:

17 At sa panahon ng paghapon ay sinugo niya ang kaniyang alipin, upang sabihin sa mga inanyayahan, Magsiparito kayo; sapagka't ang lahat ng mga bagay ay nahahanda na.

18 At silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan. Sa kaniya'y sinabi ng una, Bumili ako ng isang bukid, at kailangan akong umalis at tingnan; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.

19 At sinabi ng iba, Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalake, at paroroon ako upang sila'y subukin; ipinamamanhik ko sa iyo na pagpaumanhinan mo ako.

20 At sinabi ng iba, Bago akong kasal, at kaya nga hindi ako makaparoroon.

21 At dumating ang alipin, at isinaysay ang mga bagay na ito sa kaniyang panginoon. Nang magkagayon, sa galit ng puno ng sangbahayan ay sinabi sa kaniyang alipin, Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mgadaang makikipot ng bayan, at dalhin mo rito ang mga dukha, at ang mgapingkaw, at ang mga bulag, at ang mga pilay.

22 At sinabi ng alipin, panginoon, nagawa na ang ipinagutos mo, at gayon ma'y maluwag pa.

23 At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay.

24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo na alin man sa mga taong inanyayahan ay hindi makatitikim ng aking hapunan.

Ano ang pinababayaan ng maraming tao?

Heb. 2:3 Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa ng mga nakarinig;

Ano ang ginawa ni Pablo makamtan lamang ang kaligtasan?

Fil. 3:7 Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang, ay inari kong kalugihan, alangalang kay Cristo.

8 Oo nga, at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko: na alangalang sa kaniya'y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo,

Ano naman ang tinanggihan ni Moises makamtan lamang ang buhay? Heb 11:24 Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon;

25 Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;

26 Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo, kay sa mga kayamanan ng Egipto: sapagka't ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran.

27 Sa pananampalataya'y iniwan niya ang Egipto, na hindi natakot sa poot ng hari: sapagka't nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita.

HUWAG PABAYAAN ANG KALIGTASAN Alfred M. Vitto

Puro hirap puro sakit itong buhay sa daigdigSaklap dusa at panganib ang s'yang laging kapanalig

Kahit bundok aakyatin maging dagat sisisirinLamig init titiisin sa paghanap ng pagkain

Ilang taon lamang tayong sa mundo ay mabubuhayParang singaw at aninong ang tao ay di tatagalKahit anong ating gawin ay uuwi rin sa hukay

Alaalay anong iksi at kay dali na maparam

Kaibigan ang payo ko'y tiyakin ang kaligtasanLagi itong uunahi't hindi dapat pabayaan

Mas maganda na makamtan ang buhay na walang hangganTamasahin ang ginhawa sa araw na walang bilang

Ang anyaya ko sa inyo gabi-gabi ay makinigMga paksang maririnig, programs sa TV ay daigHindi baga mahalaga ang sa Panginoong tinig

Santong sulat babasahin, may kasama pang awitin

Ngayon pa man dalangin ko'y lalo kayong pagpalainKaibiga't kapitbahay bukas ay inyong yayain

Sakit ninyo't karamdaman lahat nawa ay gumalingLalo itong kaligtasan ipangakong uunahin.

top related