anunsyo at babala

Post on 21-Jan-2015

13.625 Views

Category:

Documents

63 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

•nasasabi ang kahalagahan ng babala o patalastas at anunsyo •nabibigyang-pansin ang kahalagahan ng babala o patalastas at anunsyo.

Pagkatapos niyang makita ang anunsiyo at ang halaga ng premyong ipagkakaloob sa mananalo sa patimpalak na iyon, dali-dali siyang umuwi’t sinimulang ihagod ang kanyang bolpen sa papel. Magdamag siyang gising sa mundo ng mga katha. Tiyak na makukuha niya ang ginto sa patimpalak na iyon.

Kinabukasan, dala ang susi sa kanyang tagumpay, nakita niyang inaalis ng isang lalaki ang anunsiyong nagbigay buhay sa kanya.

“Boss, bakit mo inaalis iyan? Tiyak, marami pang interesado diyan!” aniya .

“Eh, sir, walong buwan na po itong nakapaskil.” Inagaw niya ang anunsiyo sa lalaki. Nanlumo siya

sa nakita. Sana’y nabasa niya ang petsang nasa ibaba ng anunsiyo.

- Maiikling pahayag na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang bagay.-maaari itong nanghihikayat, nagbibigay ng panuto o nagbibigay ng babala .

Suriin ang mga sumusunod na larawan.

BABALA o PATALASTAS- may pagkakapareho sa anunsiyo

na nagsasaad ng impormasyon ngunit ito ay nagsasaad ng mga dapat at di dapat gawin sa isang

lugar lalo na sa mga pampublikong lugar

- ginagamitan ito ng mga simpleng simbolo ngunit ang ilan ay pasalita.

top related