aralin 2 - ang globo at ang mapa

Post on 20-Nov-2014

485 Views

Category:

Documents

24 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Globo Ito ay isang modelo ng daigdig. Ipinakikita nito ang eksaktong

posisyon ng daigdig na nakahilig sa aksis nito.

Ito ang ginagamit upang higit nating maunawaan ang daigdig.

Mapa Ito ay palapad na representasyon

ng daigdig. Ito ay ginagamit sa pag-aaral ng

tungkol sa daigdig. Makikita dito ang anyo at hugis ng

mga kontinenteng matatagpuan sa daigdig.

Pagkakatulad ng Globo at Mapa:

Ito ay parehong ginagamit sa pagtuturo ng lokasyon ng isang lugar.

Ginagamit pareho upang higit maunawaan ang daigdig.

Parehong ginagamit sa pagtuturo ng lokasyon ng isang lugar sa daigdig.

May mga guhit na matatagpuan dito na makatutulong nang malaki sa pag-aaral tungkol sa daigdig.

Makikita dito pareho ang mga anyo at hugis ng mga kontinenteng matatagpuan sa daigdig.

Pagkakaiba ng Globo at Mapa:

Ang globo ay bilog at ang mapa ay palapad. Naipakikita ng globo ang pag-ikot ng daigdig na

hindi maipakikita ng mapa. Naipakikita ng mapa ang lahat ng lugar sa isang

tinginan lamang samantalang ang globo ay kalahati lamang.

Madaling tiklupin ang mapa at ang globo ay hindi.

Maraming uri ang mapa ngunit ang globo ay iisa lamang.

Mga Iba’t Ibang Uri ng Mapa: Mapang Pisikal – ipinakikita ang likas na

katangian ng bansa. Mapa ng Klima – nagpapakita ng lagay ng

panahon sa loob ng ilang buwan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mapang Pangkabuhayan – ipinakikita ang uri ng mga pangunahing pananim, mga produkto, at industriya ng isang pook.

Mapang Pulitikal – ipinakikita ang lawak ng hangganan na gawa ng tao at mga katangiang kultural.

Mga Bahagi ng Globo: Hilaga at Timog Hemispero – ang globo

ay hinati sa hilaga at timog hemispero ng ekwador upang maging mas madali ang paggamit nito.

Hilagang Hemispero

Timog Hemispero

Ekwador

Mga Bahagi ng Globo: Kanluran at Silangang Hemispero – ang

globo ay hinati sa kanluran at silangang hemispero ng prime meridian at international dateline upang maging mas madali ang paggamit nito.

Kanlurang Hemispero Silangang Hemispero

Mga Guhit sa Globo: Ekwador – ito ang guhit na pahalang

na naghahati sa globo sa hilaga at timog hemispero na nasa 0° na nakakatulong sa pag-aaral ng klima ng daigdig.

Latitud/Parallel Ito ang tawag sa mga guhit na nasa hilaga o timog

ng linya ng ekwador. Ito ay iginuguhit nang paikot sa globo. Ang sukat mula ekwador ay 0° hanggang 90° polong hilaga o 0° hanggang 90° polong timog. Ginagamit ang titik H upang tukuyin kung ang latitud ay nasa Hilaga ng ekwador at titik T kung nasa Timog ng ekwador.

Mga Espesyal na Guhit Latitud:

Klimang Polar

Klimang Temperate

Klimang Tropikal

Klimang Tropikal

Klimang Temperate

Klimang Polar

Prime Meridian Ito ang guhit na nasa sukat na 0° at pinakagitna

ng mga guhit longhitud. Ito ay naglalagos sa tapat ng Greenwich, England. Nakatutulong ito upang masabi kung pasilangan o pakanluran ang kinalalagyan ng isang lugar.

Longhitud/Meridian Ito ang tawag sa mga guhit na nasa kanluran o

silangan ng linya ng prime meridian at international dateline. Ito ay iginuguhit nang paikot sa globo. Ang sukat mula prime meridian ay 0° hanggang 180° international dateline. Ginagamit ang titik K upang tukuyin kung ang longhitud ay nasa Kanluran ng prime meridian at titik S kung nasa Silangan ng prime meridian.

International Dateline Ito ay isang guhit na pahaba na hindi tuwid na

matatagpuan sa sukat na 180° kung saan natatapos ang sukat na pasilangan at pakanluran mula sa prime meridian. Nakakatulong ito upang malaman ang oras at araw sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi ito tuwid upang hindi maapektuhan ang mga matataong lugar o di magbago ang mga oras dito.

top related