aralin 7 alokasyon at sistemang pang-ekonomiya

Post on 31-Jan-2015

11.215 Views

Category:

Documents

119 Downloads

Preview:

Click to see full reader

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Aralin 7

Alokasyon at Sistemang Pang-ekonomika

Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA

www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Balik-aral:

Pangunahing suliranin ng isang ekonomiya ang kakapusan at walang katapusang pangangailangan ng tao.

Layunin ng ekonomiks na malutas ang mga suliraning ito.

Paano nakatutulong ang ekonomiks sa paglutas sa suliranin ng kakapusan?

Tamang Paggamit ng Pinagkukunang Yaman

Bagaman hindi matutugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman ang lahat ng panganga-ilangan at kagustuhan ng tao, dapat pa ring tiyakin ang lubos na paggamit nito.

Break muna!

Magkano ang nakahanda mong gastusin sa mga sumusunod na pangangailangan?Meryenda sa tanghaliBagong T-shirtPampagupit o pampaayos ng buhokNotebook

Ano ang iyong naging batayan sa pagtatakda ng halaga?

Alokasyon

Pagtatakda takdang dami ng pinagkukunang yaman para matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Ito ang pamamaraan ng pagtugon ng tao ukol sa suliranin ng kakapusan ng mga pinagkukunang yaman.

Pinagkukunang Yaman

Pangangailangan

ALOKASYON

Budget

Ang halagang inilalaan upang tugunan ang isang pangangailangan o kagustuhan.

• Ano ang alokasyon?

• Paano binubuo ang mga impormasyon ukol sa

pagtugon sa mga pangangailangan?

PAGPAPAHALAGA

Sistemang Pang-ekonomiya

Ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan.

Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng mga ito.

Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa tatlong katanungan pang-ekonomiya.

Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami ito?

Paano lilikhain ang mga kalakal at serbiyong ito?

Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo?

Kabilang dito ang pagpili ng mga sa mga bagay na dapat likhain at kung anu-ano ang maaring gawing alternatibo para dito.

Anu-anong mga kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami ito?

Kabilang dito kung sinu-sino ang lilikha ng mga kalakal at serbisyo at ang mga paraan, teknolohiya at presyo ng mga bagay na kailangan sa paglikha nito.

Paano lilikhain ang mga kalakal at serbiyong ito?

Kabilang dito kung sino-sino ang makikinabang sa mga malilikhang kalakal at serbisyo at kung paano maisasagawa ang maayos na distribusyon nito.

Para kanino ang mga lilikhaing kalakal at serbisyo?

Ang pagkakaiba ng sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa kung sino-sino ang gumagawa ng pagpapasya at sa pamamaraan ng pagpapasyang ginagawa.

Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya

Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya

Traditional Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at

paniniwala ng lipunan. Umiikot lamang sa pangunahing

pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan.

Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan.

Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa kanyang pansariling interest.

Market Economy

Ang ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

Ang pamahalaan ay may ganap na kapangyarihan na gamitin ng husto ang lupa, paggawa at kapital upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.

Command Economy

Pinaghalong sistema ng Market at Command ekonomiya.

Hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaring manghimasok ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan ng mamimili.

Mixed Economy

• Bakit mahalaga na magkaroon ng sistemang pang-

ekonomiya ang isang lipunan?

• Para sa iyo, ano ang angkop na sistemang pang-

ekonomiya sa Pilipinas.

PAGPAPAHALAGA

References: Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan

(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,

Applikasyon at Isyu, VPHI Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at

Aplikasyon (2012), VPHI De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at

Pag-unlad, VPHI

top related