aralin 78 kahulugan, layunin, at kahalagahan ng kooperatiba epp 6 4th quarter

Post on 13-Apr-2017

691 Views

Category:

Education

46 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Ano ang ibat ibang gawaing pangkabuhayan ang maaaring gawin ng

isang mag-anak?

- magluto

- maghalaman

- mag-alaga ng mga hayop

- manahi

GAWAIN 1:1. Anu-ano ang mga uri ng tindahan mayroon tayo sa ating pamayanan? Uriin at pangalanan ang mga ito.

1._________ 2._________ 3._________

GAWAIN 1:1. Anu-ano ang mga uri ng tindahan mayroon tayo sa ating pamayanan? Uriin at pangalanan ang mga ito.

4.______________ 5.________________

GAWAIN 1:1. Anu-ano ang mga uri ng tindahan mayroon tayo sa ating pamayanan? Uriin at pangalanan ang mga ito.

6._______________7.________________

GAWAIN 1:1. Anu-ano ang mga uri ng tindahan mayroon tayo sa ating pamayanan? Uriin at pangalanan ang mga ito.

8.__________________________

GAWAIN 1:2. Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa sariling pagkakaintindi. - kooperatiba - sapi - tubo - tangkilik - dibidendo - tingian

GAWAIN 1:3. Gamitin sa pangungusap ang mga salita. - kooperatiba - sapi - tubo - tangkilik - dibidendo - tingian

Ang kita ng mag-anak ay halos hindi na mapagkasya sa pang-araw-araw na panga- ngailangan kaya nararapat lamang na mag-isip ang mga tao ng mga paraan kung paano malu- lunasan ang kasalukuyang suliranin. Isang paraan na maaaring gawin ng mag-anak ay sumapi o di kaya’y magtatag ng kooperatiba sa kanilang pamayanan.

Ano nga ba ang kooperatiba?

Paano ito itinatatag?

Ano ang layunin nito?

Kooperatiba: - ay isang samahan kung saan ang nagmamay-ari ay ang mga kasapi nito. - ang pamamahala ay ginagampanan ng lahat ng kasapi. - ang tubo o kita ay hinati-hati ayon sa bilang ng sosyo o sapi (share) at serbis- yong ipinagkakaloob ng bawat kasapi.

Kooperatiba: - ang halaga ng lahat ng nalikom na sosyo (share) ang nagsisilbing puhunan o kapital. - ang puhunan – ang ipinambibili ng mga paninda kung tindahang kooperatiba o ipinahihiram kung credit union ayon sa kooperatibang itinatag.

Tindahang Kooperatiba: - ang pinakakaraniwang itinatatag ng mga mag-anak sa pamayanan ayon sa konsepto ng pagtutulungan.

Layunin:1. Makapaglingkod.2. Makapagbili ng mataas na uri ng

paninda sa mababang halaga.3. Makapagbigay ng hanapbuhay para sa

mga kasapi.4. Makapagbigay ng pagkakataon para sa

maliit na mangangalakal.5. Tumubo at makapagbigay ng

dibidendo para sa mga kasapi.

Ang pagtangkilik ng mga kasapi ng tindahang kooperatiba ang siyang nagpapalago o nagpapalaki ng kita o tubo na siya namang hinahati-hati bilang dibidendo sa katapusan ng taon o sa takdang panahong nakapagkasunduan ng lahat ng kasapi.

TANDAAN:1. Ang tindahang kooperatiba ay

nakatutulong upang madagdagan ang kita ng mag-anak.

2. Itinatatag ang tindahang kooperatiba sa konsepto ng pagtutulungan.

3. Ang pagtangkilik ng mga kasapi ng kooperatiba ay magpapalaki sa kita o tubo ng kooperatiba.

PAGTATAYA: Lagyan ng tsek(/) ang patlang kung wasto ang pangungusap at ekis(X) kung hindi._____1. Ang kooperatiba ay itinatag sa konsepto ng pagtutulungan._____2. Ang pagsapi sa kooperatiba ay sapilitan._____3. Ang pagtatatag ng kooperatiba ay nakadaragdag sa kita ng mag-anak._____4. Ang mga nalikom na sapi/sosyo ay puhunan ng kooperatiba._____5. Iisa ang may-ari ng tindahang kooperatiba.

MGA SAGOT

X

X

TAKDA: Sagutin ang tanong sa kalahating papel. Anu-ano ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatatag ng tindahang kooperatiba.

top related