bakasyon sa bahay ni lola - globalstorybooks.net · masaya sina odongo at apiyo na malapit na nila...

Post on 29-Aug-2019

224 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Bakasyon sa bahay ni LolaBakasyon sa bahay ni Lola

Violet Otieno Catherine Groenewald Arlene Avila tagalog nivå 4

Nakatira si Odongo at Apiyo sa lungsod kasamaang kanilang tatay. Gustong gusto nila angbakasyon hindi lang dahil walang pasok, perodahil dinadalaw nila ang kanilang lola na nakatirasa palaisdaan malapit doon sa malaking lawa.

2

Masaya sina Odongo at Apiyo na malapit na nilamakasama si lola. Sa gabi pa lang, naka-impakena ang mga damit at nakahanda na ang lahatpara sa biyahe. Hindi sila makatulog sa tuwa kayabuong gabi silang nagkuwentuhan.

3

Kinaumagahan, hinatid sila ng kanilang tataypapunta sa lola. Dumaan sila sa mga taniman ngtsaa at mga bundok na may ligaw na hayup.Binilang nila ang mga sasakyang dumaan atnagkantahan din sila.

4

Di nagtagal, napagod ang dalawa at nakatulog ngmahimbing.

5

Ginising sila ng tatay nung makarating sila sanayon. Nakita nila si Lola Nyar-Kanyada nanagpapahinga sa ilalim ng puno. Sa Luo, ang ibigsabihin ng Nyar-Kanyada ay “anak ng mga tiga-Kanyada.” Maganda at matatag na babae ang lolani Odongo at Apiyo.

6

Sumayaw at kumanta sa tuwa si Nyar-Kanyadanang dumating ang mga apo. Nag-uunahan sapagbigay ng pasalubong sina Odongo at Apiyo.“Buksan po ninyo, bilis,” sabi ni Odongo. “Akinmuna unahin ninyo,” sabi ni Apiyo.

7

Pagkatapos mabuksan ang mga pasalubong,pinagmano ni Nyar-Kanyada ang mga apo.

8

Naglaro agad sa labas sina Odongo at Apiyo.Nakipaghabulan sila sa mga paru-paru at mgaibon.

9

Inakyat nila ang mga puno at nagtampisaw salawa.

10

Bumalik lang sila sa bahay ng lola nung malapitna maghapunan. Hindi pa man natataposkumain, nakatulog na sila!

11

Kinaumagahan, bumalik sa lungsod ang tatay atnaiwan sina Odongo at Apiyo kay Nyar-Kanyada.

12

Tumulong sila sa mga gawaing-bahay ng lola.Nag-igib sila ng tubig at nag-hanap ngpanggatong. Inipon nila ang mga itlog samanukan at nanguha ng gulay sa gulayan.

13

Tinuruan din sila ni Nyar-Kanyada kung paanomagluto ng stew. Pinakita pa ng lola kung paanogumawa ng ginataang kanin at inihaw na isda.

14

Isang araw, dinala ni Odongo ang mga baka sabukid ng kapitbahay. Kinain ng mga baka angdamo at nagalit ang may-ari. Nagbanta siyangkukunin ang mga baka bilang kabayaran peronangako si Odongo na hindi na uulit.

15

Isang beses, sumama ang magkapatid sapalengke. May tindahan pala ng gulay, asukal atsabon si lola. Si Apiyo ang tigasabi ng presyo at siOdongo naman ang tigabalot ng mga binili.

16

Nang maubos lahat, uminum silang tatlo ng tsaaat binilang ang perang kinita.

17

Di nagtagal, natapos ang bakasyon. Nag-impakeng gamit ang magkapatid. Binigyan ni Nyar-Kanyada si Odongo ng sombrero at pangginawnaman ang para kay Apiyo. Naghanda rin siya ngmakakain nila sa biyahe.

18

Dumating ang tatay para sunduin sila pero ayawsumama ng magkapatid. Nagmakaawa sila kayNyar-Kanyada na tumira na lang sa lungsod.“Matanda na ako. Hindi ko na kaya ang buhay salungsod. Hihintayin ko na lang kayo sa sunod nabakasyon.”

19

Mahigpit na niyakap ni Odongo at Apiyo ang lola.

20

Kinuwento nina Odongo at Apiyo sa kanilang mgakaibigan ang lahat. Sabi ng iba mas gusto pa rinnila ang buhay sa lungsod. Sabi naman ng iba,mas maganda talaga sa nayon. Pero lahat silasang-ayon na walang hihigit pa kay Lola Nyar-Kanyada!

21

Barnebøker for NorgeBarnebøker for Norgebarneboker.no

Bakasyon sa bahay ni LolaBakasyon sa bahay ni LolaSkrevet av: Violet Otieno

Illustret av: Catherine GroenewaldOversatt av: Arlene Avila

Denne fortellingen kommer fra African Storybook (africanstorybook.org) og ervidereformidlet av Barnebøker for Norge (barneboker.no), som tilbyr barnebøkerpå mange språk som snakkes i Norge.

Dette verket er lisensiert under en Creative Commons Navngivelse 4.0 Internasjonal Lisens.

top related