barangay villa cuizon - · pdf filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ......
Post on 08-Feb-2018
265 Views
Preview:
TRANSCRIPT
BARANGAY VILLA CUIZON
Rodolfo B. Cabanatan Kagawad
Louie D. Tominez Kagawad
Christian L. de Paz Kagawad
Rolando G. Diamsay Kagawad
Reynaldo N. Lanuza Kagawad
Dionicio B. Ramilo Kagawad
Norberto D. Lanuza Kagawad
Julieta M. Tominez Ingat Yaman
Rowena V. Cabanatan Kalihim
Rolly S. Lanuza SK Chairman
Erlinda L. Jimenez Punong Barangay
BARANGAY VILLA CUIZON
ANG KASAYSAYAN NG BARANGAY VILLA CUIZON
Ang Barangay Villa Cuizon ay matatagpuan sa may gawing silangan ng Lungsod Agham ng
Muñoz, Nueva Ecija. Ito ay may layong humigit kumulang sa apat (4) na kilometro buhat sa
kabayanan. Pang-tatlumpu’t pito (37) sa mga barangay, ang Villa Cuizon ang pinakahuling naging
barangay ng Lungsod Agham ng Muñoz. Sa pamamagitan ng isang Kapasyahang pinagtibay ng
noon ay Sangguniang Bayan ng Muñoz at kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva
Ecija noong Setyembre 6, 1991, ang dating isang sitio lamang ng Barangay Sapang Cauayan ay
naging isa nang ganap na barangay. Ang Barangay Villa Cuizon ay naipahiwalay bilang isang
ganap na barangay sa pamamagitan ng idinaos na plebisito noong Enero 25, 1992.
May kabuuang luwang na 375 hektaryas, humigit kumulang, ito’y naliligid ng gaya ng
sumusunod: sa Timog – Pamantasan ng Central Luzon State University; sa Silangan – Lungsod ng
San Jose; sa Hilaga – Barangay Maragol at Barangay Sapang Cauayan; at sa Kanluran – Barangay
Bantug.
Batay sa talang isinagawa noong Mayo 1991, ang barangay ay mayroong 1,034 na mga
mamamayan, 208 na mga kabahayan.
Sa pamamagitan ng punyaging isinagawa ng noon ay mga opisyales na sina G. Pedro A.
Jimenez, Jr. at G. Nicolas Domingo naisakatuparan ang pagiging ganap na barangay ng Villa Cuizon.
Una dito, samantalang ang Villa Cuizon ay isa pa lamang sitio ng Barangay Sapang Cauayan, ito ay
pinamunuan nina G. Apolonio Castillo – 1950; G. Macario Lanuza – 1950; G. Francisco Orgula –
1965; G. Victoriano Abella – 1967; G. Tiburcio De Leon – 1970; G. Macario Lanuza – 1976.
Magugunita na noong taong 1945 ang Villa Cuizon ang tinatawag na “Sawmill”, sa dahilang
hindi kalayuan dito ay mayroong lagarian ng mga tabla. Tinawag din itong Sapang Bato o
Dibabuyan.
Sa bandang huli, sa dahilang ang lupang sa kasalukuyan ay kinatitirikan ng Mababang
Paaralan ay ipinagkaloob ng mga Pamilya Cuizon, kung kaya’t dito ipinangalan ang nasabing lugar.
Kabilang din sa mga nagmamay-ari ng lupain sa nasasakupan nito ang mga pamilya Nortado,
Castillo, Saranggaya, Garcia, Labagnoy at Domingo.
Kauna-unahang naging guro ng Mababang Paaralan dito ay si Bb. Bernardina S. Magno sa
noon ay iilang mag-aaral pa lamang sa Una at Mababang Baitang.
Sanhi ng lumalaking bilang ng populasyon sa mga karatig-lugar at sa magandang lugar ng
Sitio Villa Cuizon, kung kaya’t sa paglipas ng panahon ay nahikayat ang mga mamamayang
manirahan dito hanggang sa lumaki ng lumaki ang mga naninirahan dito sa kasalukuyan.
Noong una ay lubhang mahirap ang paninirahan dito sa kadahilanang walang maayos na
mga lansangan ang pagpasok at paglabas sa Villa Cuizon. Nanggigilid at nakikiraan lamang sa CLSU
ang mga taga-barangay. Subalit sa pagiging ganap na barangay nito ay unti unting naisaayos ang
nasabing mga pampublikong daanan at lansangan.
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito, bagaman at may iba
pang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, paghahayupan at palisdaan.
Ang Villa Cuizon ay nahahati sa tatlong (3) mga Purok – Purok I, II at III.
Sa kasalukuyan, ang Barangay Villa Cuizon ay pinamumunuan ng mga opisyales, gaya ng
mga sumusunod: Punong Barangay, pitong (7) mga Kagawad ng Sangguniang Barangay, Pangulo
ng Sangguniang Kabataan, Ingat-Yaman at Kalihim.
Nang mapahiwalay bilang ganap na barangay ang Villa Cuizon, ang kauna-unahang naging
Punong Barangay ay si G. Pedro Andus Jimenez, Jr. Sa ilalim ng pamumuno ni G. Jimenez na
tinaguriang tagapagtatag ng Barangay, naipursigi at naipagawa ang mga sumusunod: Gusali ng
Pamahalaang Barangay, Barangay Outpost, 3 Solar Dryers, napabakuran ang paaralan at Barangay
Plaza, at sa paligsahan ng “Clean and Green” na inilunsad ng Pambansang Pamahalaan, ay tatlong
(3) beses na natanghal na kampeon ito, na dahilan din upang si Punong Barangay Pedro A.
Jimenez, Jr., ay mapagkalooban ng parangal bilang “Most Outstanding Barangay Captain”.
Noong halalang pambarangay ng 1997, nahalinhan at napalitan si G. Pedro A. Jimenez, Jr. at
ang humalili ay si G. Rodolfo Cabanatan.
Sa ilalim ng pamumuno ni G. Cabanatan ay naipagpatuloy ang ilang mahahalagang
pagawain gaya ng pagpapailaw sa “Basketball Court”, pagpapaaspalto ng ilang bahagi ng mga
lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay.
Noon halalang pambarangay ng 2002, nahalinhinan at napalitan si G. Rodolfo B. Cabanatan,
at ang humalili ay si Gng. Erlinda Lanuza Jimenez na kung saan sa ilalim ng kanyang pamumuno ay
mapursigi nitong pinangasiwaan ang pagpapagawa ng mga sumusunod. Bagong Barangay Hall,
public toilet, DepEd Office, Barangay Gym, 6-room school building, street lights, tricycle waiting
shed, water pumps, pagpapasemento ng kalsada o Farm-to-Market Road, solar dryers,
pagpapabago ng bakod ng Barangay Plaza, pagpapatayo ng Barangay Chapel, kumpletong
elektripikasyon at pagkakaroon ng barangay service. Kaagibat niya sa patuloy na pagsusulong sa
mga programa at paggawa ay ang kanyang kabiyak na si G. Pedro A. Jimenez, Jr. na siya ring
Pangulo ng Pista Pistejos.
Sa kabuuan, ang Villa Cuizon ay payapa, maliban lamang sa hindi maiiwasang kaganapan ng
mga hindi kanais-nais na mga pangyayari , na bahagi lamang ng pag-unlad ng isang pamayanan.
top related