batayang kaalaman sa wika

Post on 21-Jan-2018

920 Views

Category:

Education

20 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

MGA BATAYANG KAALAMAN

SA WIKA

WIKA

midyum ng

komunikasyon

kaugnay ng

kultura

simbolo o

sagisag

binibigkas

na tunog

nagpapakita

ng identidad

patuloy na

nagbabago

• Gumuhit ng masayang mukha ()

kung tama ang sinasabi ng

pangungusap.

• Gumuhit naman ng malungkot na

mukha () kung mali ang

pahayag.

1. Walang malinaw na

konseptong nag uugnay

sa wika at kultura.

2. TAGALOG ang unang

pambansang wika ng

Pilipinas.

3. May masistemang

balangkas ang wika.

4. Unique o natatangi ang

bawat wika.

5. May mga wikang mas

makapangyarihan kaysa

iba pang wika.

6. Ang opisyal na wika ng

bansa ang dapat na

maging pambansang

wika.

7. Namamatay ang wika

kapag namatay ang taong

gumagamit o nagsasalita

nito.

8. Filipino ang tawag sa

kasalukuyang

pambansang wika ng

Pilipinas.

9. Ginagamit natin ang

wika upang makamit natin

ang ating mga

kagustuhan.

10. Binubuo ng mga tunog

at sagisag ang wika.

11. Napagkakasunduang

gamitin ng mga tao ang

wika.

12. Kailangang manatiling

puro ang wika at hindi

dapat tumanggap ng mga

pagbabago.

13. Dinamiko ang wika.

14. Walang mga tuntuning

sinusunod sa paggamit ng

wika.

15. May pasulat at

pasalitang anyo ang wika.

KWENTUHAN TAYO

• Mayroon tayong iba’t ibang

karanasan sa paggamit ng wika,

Ingles man ito o Filipino. May mga

gumagamit ng Filipino para masabing

makabayan sila. Ang iba naman,

gumagamit ng Ingles para

magpasikat sa kausap nila. Ano ang

karanasang hindi mo malilimutan sa

paggamit ng wika?

KAHULUGAN NG WIKA

• Henry Gleason

•Ang wika ay masistemang balangkas

ng sinasalitang tunog na pinipili at

isinasaayos sa paraang arbitraryo

upang magamit ng mga taong

kabilang sa isang kultura.

• Bernales et al.

•Ang wika ay proseso ng

pagpapadala at pagtanggap ng

mensahe sa pamamagitan ng

simbolikong cues na maaaring

berbal o di-berbal.

• Mangahis et al.

•Ang wika ay midyum na

ginagamit sa maayos na

paghahatid at pagtanggap ng

mensahe na susi ng

pagkakaunawaan.

• Pamela C. Constantino at

Galileo S. Zafra

•Ang wika ay kalipunan ng mga

salita at ang pamamaraan ng

pagsasama-sama ng mga ito para

magkaunawaan o makapag usap

ang isang grupo ng mga tao.

• Bienvenido Lumbera

•Parang hininga ang wika

•Gumagamit tayo ng wika upang

kamtin ang bawat

pangangailangan natin.

• Alfonso O. Santiago

•Wika ang sumasalamin sa mga

mithiin, lunggati, pangarap,

damdamin, kaisipan o saloobin,

pilosopiya, kaalaman at

karunungan, moralidad,

paniniwala at mga kaugalian ng

tao sa lipunan.

•Diksyonaryo

•Ang wika ay sistema ng

komunikasyon ng mga tao

sa pamamagitan ng pasulat

o pasalitang simbolo.

•UP Diksyonaryong Filipino

•Ang wika ay lawas ng mga

salita at sistema ng paggamit

sa mga ito na laganap sa

isang sambayanan na may

iisang tradisyong pangkultura

at pook na tinatahanan.

KAHALAGAHAN NG WIKA• Instrumento sa komunikasyon

• Nagpapanatili, nagpapayabong, at

nagpapalaganap ng kultura ng bawat

grupo ng tao

• Tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng

mga karunungan at kaalaman

• Nagsisilbing lingua franca

KALIKASAN NG WIKA

1. Ang wika ay may masistemang

balangkas

2. Ang wika ay arbitraryo

3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga

taong kabilang sa isang kultura

BILINGGUWALISMO

Tumutukoy sa dalawang wika

Paggamit ng Ingles at Filipino bilang

panturo sa iba’t ibang magkakahiwalay na

subject: Ingles sa matematika at siyensya,

Filipino sa agham panlipunan at iba pang

kaugnay na larangan

MULTILINGGUWALISMO

Mothertounge-based multilinggual

education o MTB-MLE

• UNANG WIKA – inang wika

- unang wikang natutuhan ng

isang bata

• IKALAWANG WIKA – iba pang mga

wikang matututuhan ng isang tao

pagkaraang matutuhan ang kanyang

unang wika

top related