diyos na may dakilang layunin

Post on 11-Jul-2016

62 Views

Category:

Documents

0 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

DIYOS NA MAY DAKILANG LAYUNIN

ANG PAGSUBOK AY MAY IBA’T-IBANG ANYO:1. Para ikaw ay patatagin2. Para ikaw ay turuan3. Para ikaw ay paluin at ituwid4. Gusto niyang magpakilala5. Gusto niyang mapalapit ka sa Kanya6. Para bigyan ka ng pagpapala at

marami pa Siyang mga dahilan

PAANO HINARAP NI JOB ANG PAGSUBOK NA PINAHINTULOT NG DIYOS?I. Siya’y nagpuri sa DiyosJob 1:20 Tumindig si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya sa lupa at nagpuri sa Diyos.

PAANO HINARAP NI JOB ANG PAGSUBOK NA PINAHINTULOT NG DIYOS?II. Walang negatibong salita na namutawi sa kanyang labiJob 2:10 Ang sagot ni Job, “Hindi mo nalalaman ang iyong sinasabi. Kaginhawahan lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos at hindi pati kahirapan?” Sa kabila ng nangyari sa kanya, hindi rin nagkasala si Job, kahit sa salita.

PAANO HINARAP NI JOB ANG PAGSUBOK NA PINAHINTULOT NG DIYOS?III. Siya’y lubusang nagpasakop at nagtiwala sa DiyosJob 42:1 Ang sagot naman ni Job kay Yahweh: Job 42:2 “Alam kong magagawa mo ang lahat ng bagay, Anumang balakin mo’y walang makahahadlang. Job 42:3 ‘Sinong nagsasalita nang walang nalalaman?’ Kaya ako ay humatol nang walang katuturan, Na hindi ko alam ang lahat ng mga bagay.

Job 42:5 Nakilala kita sa balita lamang, Ngunit ngayo’y akin nang namasdan. Job 42:6 Kaya ako’y nagsisisi nang buong taimtim, At ang sarili ko’y aking itinatakwil.”

Job 1:13 Isang araw, ang mga anak ni Job ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng pinakamatanda sa magkakapatid.

Job 1:14 Di kaginsa-ginsa, humahangos na dumating kay Job ang isa niyang tauhan. Sinabi nito, “Kasalukuyan po naming ipinag-aararo ang mga baka at nanginginain naman ang mga asno,

Job 1:15 nang may dumating na mga Sabeo. Kinuha po nila ang mga baka at asno. Pinatay pa po ang aking mga kasama. Ako lamang po ang nakatakas.”

Job 1:16 Hindi pa ito nakatatapos sa pagbabalita nang may dumating pang isa. Sinabi naman nito kay Job, “Ang mga tupa at mga pastol ay tinamaan po ng kidlat at namatay na lahat; ako lamang po ang nakaligtas.”

Job 1:17 Umuugong pa halos ang salita nito’y may dumating na naman. Ang sabi, “Sinalakay po kami ng tatlong pangkat ng mga Caldeo. Kinuha nila ang lahat ng kamelyo at pinatay ang mga pastol. Ako lamang po ang nakatakas.”

Job 1:18 Hindi pa siya halos nakatatapos magsalita, may dumating pang isa at ang sabi, “Habang ang mga anak ninyo ay nagkakainan at nag-iinuman sa bahay ng pinakamatanda nilang kapatid,

Job 1:19 hinampas ng napakalakas na hangin ang bahay at bumagsak. Nabagsakan po silang lahat at namatay. Ako lamang po ang natirang buhay.”

Job 1:20 Tumindig si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya sa lupa at nagpuri sa Diyos.

Job 1:21 Ang sabi niya: “Hubad akong lumabas sa tiyan ng aking ina, hubad din akong babalik sa alabok. Si Yahweh ang nagbibigay, siya rin ang kukuha. Purihin si Yahweh!”

Job 1:22 Sa kabila ng mga pangyayaring ito, hindi nagkasala si Job; hindi niya sinisi si Yahweh.

Job 2:7 Umalis si Satanas sa harapan ni Yahweh. Pinuntahan niya si Job at pinagsugat niya ang buong katawan nito mula ulo hanggang talampakan. Job 2:8 Nang magkagayon, si Job ay naupo sa tabi ng basurahan at kinukuskos niya ng bibinga ng palayok ang kanyang mga sugat.

Job 7:5 Itong buo kong katawan ay tadtad ng mga sugat, Inuuod, kumikirot, ang nana ay di maampat. Job 7:6 Mga araw ng buhay ko’y mabilis na nalalagas, Pag-asa ko’y lumalabo, at matuling tumatakas.

Job 7:14 Ngunit maging sa pagtulog ako’y iyong tinatakot, Masasamang panaginip, kung minsan pa ay bangungot. Job 7:15 Kaya, nais ko pang ako ay sakalin at mamatay, Kaysa patuloy na mabuhay sa ganitong kalagayan. Job 7:16 Ako’y hirap na hirap na, ayaw ko nang mabuhay; Iwan mo na ako, wala rin lang kabuluhan.

Job 2:4 Sumagot si Satanas, “Anumang bagay ay ibibigay ng tao, huwag lamang siyang mamatay.

Job 2:10 Ang sagot ni Job, “Hindi mo nalalaman ang iyong sinasabi. Kaginhawahan lang ba ang tatanggapin mo sa Diyos at hindi pati kahirapan?” Sa kabila ng nangyari sa kanya, hindi rin nagkasala si Job, kahit sa salita.

Job 2:12 Malayo pa sila’y nakita na nila si Job ngunit hindi nila ito nakilala. Nang makilala nila ito, buong pagkahabag silang napaiyak. Pinunit nila ang kanilang kasuutan at nagbuhos ng abo sa ulo.

Job 1:11 Subukin mong huwag siyang pagpalain, bagkus ay sirain ang lahat niyang tinatangkilik kung di ka niya sumpain.” Job 1:12 Sinabi ni Yahweh kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mo sa kanyang mga ari-arian, huwag mo lamang siyang sasaktan.” At si Satanas ay umalis sa harapan ni Yahweh.

top related