edukasyon sa pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp10mp-ic2...edukasyon sa...
Post on 15-Mar-2021
21 Views
Preview:
TRANSCRIPT
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO Unang Markahan – Module 2.2(Week 3):
Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral
10
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Module 2.2 (Week 3): Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : cebu.province@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Flora H. Unabia
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.
Tagaguhit: Flora H. Unabia
Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin
Management Team
Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS Mr. Isaiash T. Wagas
EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Pagtukoy ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mataas na
Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
iv
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
v
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
vi
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
vii
Alamin
Kumusta na? Masaya ako na makasama kita dito!
Ang modyul na ito ay espesyal na inihanda lamang
para sa iyo upang matugunan ang mga
pangangailangan lalong lalo na sa mga bagay na
napakahalaga sa atin habang tayo ay naglalakbay at
namumuhay; tulad man lang sa paggawa ng mga angkop na
kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanang maglingkod at magmahal na nabanggit sa
naunang modyul, na tumutugon sa mataas na gamit at tunguhin
ng isip at kilos -loob. Patuloy natin itong tatahakin ang mga
mahahalagang bagay sa buhay sa pamamagitan ng pagtutukoy
ng mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral (EsP10MP-Ic-2.1) tulad
ng naipakita sa K-12 Most Essential Learning Competencies.
Ang kakayahan ng modyul na ito ay nahahati sa sumusunod
na mga aralin, tulad ng:
Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Ang Paggawa ng mga Kilos na Angkop sa mga
Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Pangangalaga sa karaniwang pamantayan ng buhay
gamit ang mga nasabing prinsipyo ng likas na batas
moral
Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan mong makamit
ang sumusunod na mga layunin:
1. Natutukoy ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral;
2. Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginagawa sa araw-araw
batay sa paghusga ng konsiyensiya;
3. Nagagawa ang mga kilos na angkop sa mga prinsipyo ng likas
na batas moral; at
4. Napahahalagahan ang obligasyong alamin kung ano ang
tama at mabuti.
1
SUBUKIN
Pagsusulit I. Direksyon sa Pagsubok: Maglagay ng (P) kung PANIG ka at (L)
kung LABAN ka sa mga kilos na ipinahiwatig sa bawat karatula sa ibaba. Isulat
ang iyong tugon o reaksiyon sa sagutang papel.
1.
2. 3.
4.
6.
5.
7.
8. 9.
10.
Paglapastangan sa
mga magulang at
awtoridad.
Mahalin at igalang ang
pangalan ng Diyos.
Pagkagumon sa masamang
bisyo tulad ng iligal na droga
at “gaming” adiksyon na
nakasisra sa kalusugan
Kawalan ng interes na
sambahin ang Diyos.
Panonood at pagbabasa
ng pornograpiya at
malalaswang babasahin.
Igalang ang ama, ina’t
kapwa.
Huwag magsinungaling,
magnanakaw at sasaksi
nang walang katotohanan.
Tama o mali,
paano ba
pipili?
Itatama ang kamalian ng
may pagpapakumbaba kahit
mahihirapan
2
Pagsusulit II. Direksyon sa Pagsubok: Itiman ang kung alin sa mga
sumusunod na kilos ang magpaunlad sa iyong pagkatao:
_____ 1. Humaharap ng buong katapangan at katatagan harapin ang
kahirapan sa buhay huwag lang madala sa mapanlinlang salapi dulot ng iligal
na gamot.
_____ 2. Nakikisama ako sa mga outreach activity kasama ang mga matalik
kong kaibigan sa isang organisasyon ngunit napabayaan ko ang aking
pamilya at ang kapatid na nangangailangan ng kasama.
_____ 3. Upang makapaglingkod sa aking kapwa, kasama ang mga
kabarkadang frontliners, ako ay nagsinungaling sa pag pasa ng mga
kinakailangan.
_____ 4. Naghahanap ng kaliwanagan kaya palit nang palit ng relihiyon.
_____ 5. Nag-aaral ng mabuti ngunit walang panahon na makikihalubilo at
makikisama sa mga magulang at kapatid sa mga gawaing bahay.
_____ 6. Pantay-pantay kung makisama sa kapitbahay o kaibigan.
_____ 7. Nakapagbibigay ng mga lumang gamit dahil hindi na
mapanginabangan at magagamit.
_____ 8. Nakapaglaan ng oras araw-araw sa pagsimba at pagsali nga mga
prayer rallies dahil kasama ang boyfriend o girlfriend.
_____ 9. Kahit na tawaging “kill joy (KJ)” umiiwas pa rin mabuyo sa
masasamang mga bisyo.
_____ 10. Gumawa ng mga paraan malabanan lang ang mga hamon sa
tinatawag na “NEW NORMAL” lalong lalo na sa panig ng edukasyon at pag-
aaral.
3
Tama ang iyong pagka-alala sa nagdaang modyul na ang tao ay
binigyan ng isip at kilos-loob bilang kamalayan sa sarili upang magnilay at
magmuni-muni. Natututunan mo ring bumuo ng sariling katuturan tungkol sa
mabuti at umiwas sa masama kung saan ang tao ay gumagamit ng
konsensiya. Bilang pag-uugnay mo ng araling ito sa nagdaang modyul na
tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob, ako ay
naniniwalang makagagawa ka ng isa o dalawang saknong o mas higit pa na
magpapakita ng kung ano ang iyong mga natutunan.
Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat ito sa iyong dyurnal. Ang iyong nagawa ay
karagdagang puntos mo sa bahaging pagganap ng iyong mga gawain:
1. Ang _________________ ay itinuturing na gabay sa kilos at asal
a. Batas ng Tao
b. Batas Republika
c. Likas na Batas Moral
d. Natural na Batas
2. Sinasabi na ang tao ay sadyang mabuti at pinasama lamang ng modernisasyon
at pag-unlad. Ito ang naging dahilan kung bakit bumababa ang ________________ng
tao.
a. dignidad
b. moralidad
c. talas ng isip
d. talent
3. Pumapasok ang kasamaan, kamalian, at imoralidad kung ang katwiran at
kalayaan sa pagpili ay hindi naaayon sa naihayag ng _______________
a. Batas Moral
b. Batas Militar
c. Natural na Batas
d. Saligang Batas
BALIKAN
4
4. Ang sumusunod ay mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban
sa :
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan
ang ating buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-
aralin ang mga anak
c. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan,
lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa
pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
5. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng
kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya
maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
b. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
c. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
d. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
5
Ngayon, ihanda ang sarili sa
gawaing pagtuklas sa gagawing
pagpapasiya ng isang sitwasyon.
Kaya, bilang pagpapatuloy siguradong marami kang
matutuklasan habang pinag-aaralan ang bagong aralin. Masaya
ito at “challenging” dahil umaasa ako na gagawin mo itong unang
gawain bilang iyong pagtuklas. Narito ang panuto:
Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na sitwasyon. Kung sakaling ikaw
ay nahaharap sa ganitong sitwasyon, ano ang gagawin mo? Tuklasin mo ang
iyong gagawing pagpapasya batay sa tamang paghuhusga ng konsensiya
sa bawat sitwasyon. Gabay mo ang unang sitwasyon bilang halimbawa. Isulat
sa iyong sagutang papel/reflective dyurnal.
SITWASYON PARAAN O HAKBANG NG PAGKILOS NG
KONSENSIYA
1. Pagkatapos ng klase,
inanyayahan si Janine ng
kaniyang mga kaibigan na
pumunta sa mall at manood ng
sine. Matagal na rin mula ng huli
silang nakalabas bilang isang
grupo. Bago matapos ang
palabas, biglang tumawag ang
kaniyang ina at pilit siyang
pinauuwi. Mahigpit na
ipinagbabawal ng kaniyang
mga magulang ang
pamamalagi sa labas, lalo na
kung gabi na. Ngunit sinabihan si
Janine ng kaniyang mga
kaibigan na kapag sinunod niya
ang kaniyang ina, ititiwalag na
ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
Kailangang sumunod sa payo o utos ng
magulang lalo na kung para ito sa
pansariling kaligtasan.
ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA
KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON:
Likas sa tao na gawin ang mabuti at
iwasan ang masama. Itinuturing na
masamang gawain ang hindi pagsunod
sa magulang.
PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA
AT KILOS:
Kung ako si Janine, susundin ang hatol
ng aking konsensiya na makinig sa utos
ng aking ina at umuwi nang maaga,
kahit ikagalit pa ito ng aking mga
kaibigan.
TUKLASIN
6
siya sa kanilang barkada at hindi
na iimbitahan pa sa alinmang
lakad ng barkada kailanman.
Ano ang dapat
gawin ni Janine?
PAGSUSURI/PAGNINILAY:
Mapatutunayan ko na mabuti ang aking
naging pasiya na sundin ang utos ng
aking ina dahil para ito sa aking
kaligtasan. Bukod dito, kung tunay ang
pagkakaibigan na mayroon kami ng
aking barkada, hindi nila ako
papayuhan nang masama tulad ng
pagsuway sa aking magulang.
1. Nalalapit na ang markahang
pagsusulit sa paaralan nila John
nang kausapin siya ng kaniyang
ama. Ayon kay Mang Jun,
bibilhin niya ang pinakabagong
modelo ng cellphone na
gustung-gusto ng kaniyang
anak, sa kondisyon na
makakuha siya ng mataas na
marka sa lahat ng asignatura.
Magandang motibasyon ito
para kay John kaya’t naghanda
at nag-aral siya nang mabuti.
Nang
dumating ang araw na
pinakahihintay, napansin ni John
na wala sa kaniyang pinag-
aralan ang mga tanong sa
pagsusulit. Kahit kinakabahan,
sinimulan
niyang sagutin ang mga tanong.
Dahil hindi sigurado, makailang
beses siyang natuksong tumingin
sa sagutang papel ng kaniyang
katabi lalo na kapag hindi
nakatingin ang guro. Naisip niya
na ito lamang markahang ito
siya mangongopya at hindi na
niya ito uulitin pa. Bukod dito,
ayaw niyang mawala ang
pagkakataon na mapasaya
ang kaniyang ama at
magkaroon ng bagong
cellphone. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ni John, ano ang
gagawin mo?
ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAR NA
KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA
AT KILOS:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
PAGSUSURI/PAGNINILAY:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
7
________________________________________
________________________________________
________________________________________
2. Nais ni Mark na maging isang
inhinyero balang-araw. Nag-
aaral
siya nang mabuti upang
makapasok sa pinakamahusay
na pamantasan pagdating ng
kolehiyo. Ngunit kahit ginagawa
na niya ang lahat, hindi pa rin
siya makakuha ng matataas na
marka. Isang kaibigan ang nag-
alok ng tulong upang makapasa
siya sa entrance exam ng isang
sikat na pamantasan, kapalit ng
malaking halaga. Walang
hawak na pera si Mark at alam
niyang hindi siya maaaring
humingi sa kaniyang ama para
ibigay sa kaibigan. Isang araw,
binigyan
siya ng pera ng kaniyang ama
upang ibili ng aklat na kailangan
niya sa paaralan. Napag-isipisip
niya na ang halagang iyon ay
sapat na upang makapasok sa
sikat na pamantasan at makuha
ang gusto niyang kurso. Hindi
niya malaman kung bibili siya ng
aklat na pangunahing
kailangan o ibibigay ito sa
kaibigan. Kung ikaw ang nasa
kalagayan ni Mark, ano ang
gagawin mo?
ALAMIN AT NAISIN ANG MABUTI:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
ANG PAGKILATIS SA PARTIKULAT NA
KABUTIHAN SA ISANG SITWASYON:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
PAGHATOL PARA SA MABUTING PASIYA
AT KILOS:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
PAGSUSURI/PAGNINILAY:
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
8
Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensiya
Natutuhan mo sa Baitang 7 na ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa
tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa
pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti
sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o
masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob. Kaya may Likas na Batas
Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. Sa kaniyang
pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang
makabuluhang pakikipagkapuwa. Subalit hindi ito nangangahulugan na ang
Likas na Batas Moral ay pangkat ng mga batas na dapat niyang isaulo upang
sundin araw-araw. Bagkus, kailangan niyang gawin ang mabuti dahil ito ay
nakaukit na sa kaniyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensiya ng tao
kung saan nakalapat na ang Likasna Batas Moral ay ginagamit na personal
na pamantayang moral ng tao. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano
ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Dahil dito,
mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa
pangangailangan ng sitwasyon. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na
hindi natatapos at hindi ito maaaring mabawasan na “Gawin ang masama
at iwasan ang mabuti.” Madali lamang unawain ang prinsipyong ito. Mula sa
pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kaniyang isip, kaya nga kahit hindi
ganap na hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama. Kung
mananatiling matibay na nakakapit ang tao sa unang prinsipyong ito sa
proseso ng paghubog ng kaniyang konsensiya, kailangan na lamang ang
pagiging matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban
sa masama.
Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Mahalaga ring maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na
makukuha sa kalikasan ng tao:
1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong
pangalagaan ang kaniyang buhay. Sino mang tao ay ginagawa ang
lahat upang pangalagaan ang kaniyang buhay. Kaya tayo umiinom
ng gamot kapag tayo ay may sakit, pumupunta sa doktor upang
alamin kung ano ang ating karamdaman, nag-iingat sa ating mga kilos
sa lahat ng pagkakataon, at 14 hindi kinikitil ang ating sariling buhay ay
SURIIN
9
dahil sa likas na pagkiling ng tao para sa pangangalaga sa kaniyang
buhay. Mulat ang lahat ng tao sa prinsipyong ito. Hindi man niya
sinasabi, natural itong dadaloy sa kaniyang mga gawain at kilos. Kung
likas na inaalagaan ng tao ang kaniyang sariling buhay, natural lamang
na likas itong maibahagi sa kaniyang kapuwa. Kung kaya alam ng
taong hindi lamang masamang kitilin ang kaniyang buhay kundi
masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa.
2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas
sa tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng
uri at papag-aralin ang mga anak. Likas sa tao ang naisin na
magkaroon ng anak; nakaukit na rin ito sa kaniyang kalikasan. Ngunit
hindi ito nagtatapos dito, mahalagang bigyang-diin na kaakibat ng
kalikasang ito ay ang tungkulin na bigyan ng edukasyon ang kaniyang
anak. Kung ang isang inang ibon ay hindi napapagod na gabayan ang
kaniyang inakay hangga’t hindi ito ganap na natutong lumipad, mas
lalo’t higit ang tao. Inaasahang ang kabutihang nakatanim sa bawat
magulang batay sa Likas na Batas Moral ang siya niyang gagamitin
upang hubugin ang kaniyang anak. Hindi dapat ganap na iatang sa
balikat ng mga guro sa paaralan ang edukasyon ng kanilang anak.
Binigyang-diin sa Baitang 8 na mas mabigat ang tungkulin ng mga
magulang ang paghubog ng mga anak sa pagpapahalaga. Hindi
nararapat na kalimutan ang tungkuling ito bago magpasiyang
magkaroon ng anak.
3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin
ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. Sa pamamagitan ng
prinsipyong ito, nararapat na maunawaan na kung tunay na hindi
humihinto ang tao sa paghahanap ng katotohanan, hindi rin nararapat
na ipagkait ito sa kaniyang kapuwa. Kung kaya nga maituturing na
masama ang magsinungaling. Dahil sa pamamagitan ng
pagsisinungaling, naipagkakait natin sa ating kapuwa ang
katotohanan, napipigilan nito ang kaniyang paghahanap ng
katotohanan. Ang kahiligan din ng tao ang nagtutulak sa kaniya upang
magkaroon ng kaalaman at iwasan ang kamangmangan. Mahalaga
ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman, mahahanap
ng tao ang katotohanan. Ang lahat ng mga nabanggit ay magiging
posible lamang kung siya ay makikihalubilo sa kaniyang kapuwa sa
lipunan dahil ang kaalaman, karunungan, at katotohanan ay
makakamit sa tulong ng kapuwa. Kasama ng lahat ng may buhay, may
kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
10
Makaka-relate ka dito! Maaring sundin lamang itong panuto:
Batay sa iyong reyalisasyon, pagyamanin ang sarili ayon sa nagawang
pasiya batay sa paghuhusga ng konsensiya na makabuo ng mabuti at
tamang pasiya sa araw-araw. Gawin sa iyong diyurnal o sagutang papel.
1. Magtala ng dalawa o tatlong sitwasyon sa iyong buhay kung saan
nakaranas ka ng isang krisis o kahirapan sa pamimili ng mabuti at tamang
pasiya.
Halimbawa: Nagtanong ang aking mga magulang kung bakit matagal
kang bumangon. Sinabi mo na sumama ang iyong pakiramdam
kinagabihan. Lingid sa kanilang kaalaman, matagal kang natulog dahil
sa paggamit ng cellphone.
2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya batay sa
paghuhusga ng konsensiya.
3. Gawing tiyak, akma at makatotohanan ang iyong pasiya.
4. Isulat sa papel at ilagay sa isang bahagi ng sariling silid sa tahanan upang
magsilbing paalala sa bawat gawain sa araw-araw.
Kayang-kaya diba! Kung kaya inaanyayahan kitang magpatuloy sa iyong
kaalaman sa modyul na ito.
PAGYAMANIN
11
Mahusay ang ipinakita mong tiyaga upang matutunan at maunawaan ang
aralin sa modyul na ito.
Bilang pagsubok sa iyong pagsusuri ng aralin na ating tinalakay, punan
ang mga sumusunod na dayalogo batay sa iyong natutunan. Isulat sa
sagutang papel o diyurnal ang iyong sagot.
Mabuti naman at masigasig ka. Kaya, patuloy nating gawin ito. Mag-isip ng
isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may maling paghuhusga kang
nagawa. Suriin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa paggamit ng
konsensiya. Ipakita at ipabasa ito sa iyong magulang. Anyayahan sila na
magbigay ng komento o payo sa iyong ginawa. Palagyan ito sa kanila ng
lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong ginawa. Isulat sa iyong
dyurnal o sa iyong sagutang papel.
Ang kaugnayan ng konsensiya sa
prinsipyo sa likas na batas moral
ay_________________________.
Anu-ano ang dapat isaalang-
alang sa prinsipyo ng likas na
batas moral?_
_________________
ISAISIP
Paano mapapatibay ng mga Pilipino ang mga
prinsipyo ng likas na batas moral sa kabila ng
makabagong umiiral?
Nalalaman ng konsensiya ang
tama at mali sa pamamagitan
ng_______________________.
Sang-ayon ako sa sinasabi
kadalasan na ang pag-unlad ng
modernisasyon ang dahilan ng
pagbaba ng moralidad ng tao
dahil_______________________.
ISAGAWA
12
O ayan nandito kana sa paggawa ng halos panghuling gawain kung saan
malalaman mo na ganap na ang iyong kaalaman at karunungan sa
pagkakataong ito. Kung kaya ay sundin ang panuto nitong huling bahagi ng
pag-aaral mo ng modyul na ito.
Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ang titik nga tamang sagot sa inyong dyurnal o sa
inyong sagutang papel
1. Anong uri ng batas ng tao ang may kakayahang gawin ang mabuti o
masama.
a. Mataas na batas c. Batas sa pagpapasya
b. Likas na batas moral d. Sobhetong bata
2. Nais ni Jimmy magkaroon ng cellphone kaya nagsisikap siyang magtrabaho
sa libreng oras sa eskwela. Anong prinsipyo ng likas na batas moral ito?
a. Pangangalaga sa sarili
b. Pagiging rasyonal
c. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
d. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
3. Bakit itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos ang likas batas moral?
a. Ito ang pamantayan ng moralidad ng tao
b. Ito ang batayan ng isip
c. Ito ang paghuhusga
d. Ito ang konsensiya ng tao
4. Para masunod ang likas na batas moral mahalagang maunawaan ang
mga prinsipyo nito. Ano ang pahayag na ito?
a. Tama, dahil batayan ito ng mabuti at masama
TAYAHIN
13
b. Tama, dahil isa itong batas
c. Mali, dahil hindi importante ang mga prinsipyo nito
d. Mali, dahil mayroon kaming konsensiya
5. Nilikha ang tao na mabuti, sa kabila nito:
a. Napapagod ang tao sa hamon ng panahon
b. Naimpluwensiyahan sa media
c. Kahit mabuti, pinili parin ang masama
d. Palaging gumagawa ang tao ng desisyon
Para sa bilang 6 -7.
Si Aling Flor ay may nag-iisang anak. Kaya sinisikap niyang maibigay ang
tamang edukasyon at mabuting pangaral sa anak. Isang araw humingi ang
anak ng bagong cellphone ngunit hindi niya ito pinagbigyan dahil hindi
naman ito pangunahing pangangailangan. Sinabi niya sa anak na maghintay
ng tamang panahon sa lahat ng bagay.
6. Ano ang ipinapahayag ng seleksiyon?
a. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
b. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
c. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
d. pagpapahiwatig ng nararamdaman
7. Aling prinsipyo ng likas na batas moral ang sinunod ni Aling Flor?
a. Ang paggawa ng mabuti, lumayo sa masama.
b. Ang lahat na may buhay, kasabay sa pangangalaga niya sa saril.
c. Ang lahat ng mga nilikha sa mundo dahil nasa tao ang pagpaparami
at bigyang ng mabuting edukasyon ang mga anak.
d. Ang pagiging rasyonal ng tao, kaya natural sa tao ang alamin ang
katotohanan at sa lipunang kanyang kinabibilangan.
8. Sa buong mundo hindi inaasahan ang pagkakaroon ng pandemya na
COVID-19. Paano nagagamit ang dikta ng konsensiya sa panahong ito?
a. Umasa sa pamahalaan c. Matakot sa frontliner
14
b. Mag-isip ng mapagkakakitaan d. Mananatili sa bahay
9. Gaano man kabigat ang mga pagsubok ng panahon dapat manatiling
matatag at lagging manalangin sa Panginoon. Sa prinsipyo ng likas batas
moral, ang pahayag ay:
a. Pagiging rasyonal
b. Pangangalaga sa sarili
c. Nilikha na nag-iisip ng pag-aaral
d. Gawin ang mabuti, umiwas sa masama
10. Mali ang kaisipan ng konsensiya, kapag:
a. Sinusunod ang munting budhi
b. madaling maniwala sa balita
c. Nagbagabag at nagnilay
d. Matagal magdasal
15
Malinaw na diba!. Ituloy natin ang pagsagot nito. Bilang karagdagang
gawain sundin lang ang panuto: Suriin ang bawat pahayag kung MABUTI o
MASAMA ang mga pasiyang nagawa batay sa paghusga ng konsensiya.
1. Tinanggap ko ang Social Amelioration Program ng pamahalaan dahil ako
ay kuwalipikado.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
2. Huwag pulutin ang basurang hindi sa akin.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
3. Bilang isang babae kailangan ipagpaalam ako ng aking kasintahan sa mga
magulang ko.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
4. Uminom ng gamot na hindi komonsulta sa doctor.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
5. Sasagutan ko nang buong katapatan ang modyul na ito para matuto ng
wasto.
( ) MABUTI ( ) MASAMA
Madali lang diba? Itong pangalawang gawain ay pagtitibayin ang nito ang
iyong kasanayan sa pamamagitan ng Mga Pokus na Tanong:
a. Paano mo sinuri ang mga pahayag ayon sa pasiyang ginawa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
KARAGDAGANG GAWAIN
16
Tayahin:
1.b
2.c
3.a
4.a
5.c
6.a
7.c
8.d
9.a
10.c
Karagdagang
Gawain:
1.Mabuti
2.Masama
3.Mabuti
4.Masama
5.Mabuti
Pangalawang
Gawain:
Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama
Balikan:
1.c
2.b
3.a
4.d
5.a
Tuklasin:
Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama
Pagyamanin:
Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama
Isaisip:
Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama
Isagawa:
Nasa guro ang
pagpapasya kung
tama
Subukin:
Pagsusulit 1
1.P
2.P
3.P
4.L
5.L
6.P
7.L
8.L
9.L
10.P
Pagsusulit II.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
SUSI SA PAGWAWASTO
17
SANGGUNIAN
Agapay, Ramon B. (1991) Ethics and the Filipino: A manual on Morals for
Students and Educators. Mandaluyong City. National Book Store.
Astorga, Ma. Cristina A. (2009). Living the Faith Option: Christian Morality.
Quezon City: FNB Educational, Inc.
Cabellos, P. (1991) Forming the Conscience. Manila. Sinagtala Publishers, Inc.
Clarke, W.N., S.J. (1997). Conscience and the Person. (Manila) Buddha.
Crisostomo, Rosar. (2004) nagsalin sa Fillipino. Konsensya para sa mga
Katolikong Pilipino. Mandaluyong City. National Book Store.
Donnelly, John and Lyons, Leonards (1973). Conscience. New York: Alba
House.
Esteban, Esther J. (1990).Education in Values: What, Why and for Whom.
Manila: Sinag-tala Publishers, Inc.
Lipio, Felicidad C. (2004) Konsensiya para sa mga Katolikong Pilipino.
Mandaluyong City: National Bookstore.
Quito, Emerita S. (2008) Fundamentals of Ethics. Manila: C & E Publishing Inc.
Reyes, Ramon. (2009). Ground and Norm of Morality. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press.
Kawanihan ng Edukasyon Sekundarya, Kagawaran ng Edukasyon. 2010
Gabay Sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon
Sekundarya (SEC) Pasig City: Awtor
Modyul ng Mag-aaral Gabay sa Pagtuturo sa EsP Baitang 10
18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph
top related