edukasyon sa pagpapakataobnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp10mp-if-4...sa katapusan ng...
Post on 08-Mar-2021
9 Views
Preview:
TRANSCRIPT
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4.1(Week 7):
Dignidad
10
ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4.1 (Week 7) : Dignidad Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax : (032) 255-6405
E-mail Address : cebu.province@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Merly A. Cabrera
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.
Tagaguhit: Merly A. Cabrera
Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin
Management Team
Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico
Dr. Ester A. Futalan
Dr. Leah B. Apao
Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores
EPS in LRMS Mr. Isaiash Wagas
EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea
iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa
Pagpapakatao ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Dignidad.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
iv
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dignidad.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
v
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
vi
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
vii
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ka
bilang mag-aaral. Ito ay para tulungan kang maintindihang-lubos
ang konsepto ng isip at kilos-loob. Ang saklaw ng modyul na ito ay
nagbibigay-daan upang magamit sa iba’t ibang kalagayan ng
pagkatuto.
Ang wikang ginagamit ay kinikilala ang magkakaibang antas ng
bokabularyo ng bawat mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos
upang sundin ang karaniwang pamantayan ng kurso. Ngunit ang
pagkakasunud-sunod kung saan mo basahin ang mga ito ay
maaaring mabago upang magkatugma sa aklat na ginagamit mo
ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:
Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.
Subukin
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang pinaka-angkop na kahulugan ng salitang, “Dignidad”?
a. Ito ay ang kalagayan o posisyon mo sa lipunan.
b. Ito ay ang kulay ng iyong katawan.
c. Ito ay ang antas ng iyong edukasyon o sa iyong relihiyon.
d. Ito ay ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga
paggalang mula sa kanyang kapwa.
2. Ang tao ay nilikha ng Diyos na bukod-tangi sa lahat ng nilalang dahil
______________.
a. Ang tao ay matalino at maganda.
b. Ang tao ay binigyan ng isip, kilos loob at kalayaan.
c. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos.
d. Ang tao ay may kakayahang mag-abstrak at magmahal.
3. Ang paggalang sa karapatan at dignidad ng tao ay maaaring maging
batayan ng kaayusan ng buhay ng tao. Sa makatuwid, ano ang ibig sabihin
ng Gintong Aral?
a. “Kapwa ko, mahal ko.”
b. “Dignidad mo, i-angat mo.”
c. “Madaling maging Tao, mahirap Magpakatao.”
d. “Gawin mo sa kapwa ang ibig mong gawin nila sa iyo.”
4. Ang mga sumusunod ay ang paglalarawan ng “Golden Rule” o Gintong
Aral, maliban sa:
a. “Kung ano ang hindi mo gusto ay huwag mong gawin sa iba.”
b. “Makipag-ugnayan ng may pagmamahal.”
c. “Pakisamahan at pahalagahan ang tao bilang tao.”
d. “Gawin mong batayan ang pakikitungo ng kapwa sa iyo”
5. Saan nakabatay ang mabuting pakikipagkapwa?
a. Sa kalayan ng iba.
b. Sa karapatan ng iba.
c. Sa karangalan ng iba.
d. Sa karangyaan ng iba.
6. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan.
b. Sa pagmamahal ng pamilya.
c. Sa pagdating ng huling yugto ng buhay sa daigdig.
d. Sa dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
7. Ang sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kaniyang dignidad
maliban sa:
a. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Pakikitungo sa kapwa ayon sa gusto mong gawin nilang pakikitungo
sayo.
d. Pagiging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao at sa lahat ng
pagkakataon.
8. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang
tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang Tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang parte ng sarili sa kapwa kahit hindi pa siya kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa at pakikitungo sa kapwa.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa mga taong malalapit
ang pagmamahal at pagpapahalaga.
9. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masama.
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kaniyang pagkatao.
d. Kapag hindi siya tumulong sa pangangailangan ng kapwa.
10. Ano ang pinakamahalagang maitutulong sa tao sa pagkakaroon ng
dignidad?
a. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
b. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng walang alinlangan
ang kanyang nais.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang
hindi makasasakit o makasasama sa iba.
Aralin
1 Dignidad
Ayon sa mga kataga ni Hesukristo,” Gawin mo sa kapwa ang ibig mong gawin
nila sa iyo.” Anuman ang kalagayan mo sa buhay – kalagayang panlipunan,
kulay, lahi, edukasyon, kalagayang pangpinansyal, pagkakakilanlan sa sarili
at kasarian, at sa relihiyon, bawat nilalang ay may dignidad.
Natutunan mo rin sa mga nakaraang baitang na ang paggalang sa dignidad
ng tao ay nagmumula sa pagkakapantay-pantay bilang tao. Inalam mo na
ba kung bakit? Inaalam mo na ba, bakit kailangan mong igalang ang kapwa?
Masasabi mo ba sa iyong sarili na mahal mo ang iyong kapwa?
Balikan
Sa nakaraang aralin ay naipaliwanag na sa iyo na ang tao ay may taglay na
kalayaan mula pa sa kanyang kapanganakan. Bilang pagbabalik-tanaw,
ating sariwain ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
Gumawa nga sanaysay sa iyong kwaderno at bumuo ng kahulugan ng
Kalayaan. Para sa iyo, ano ang tunay na kalayaan?
Gamitin ang rubriks na nasa ibaba:
Tuklasin
Gawain : Basahin ang talata ukol sa Programang 4P’s. Sagutin ang mga
gabay na tanong at isulat ang iyong mga sagot sa patlang.
Mga Tanong:
1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit ginawa ito na
programa ng pamahalaan
2. Ano-ano ang tungkulin ng pamahalaan para sa mga mamamayan?
3. Ano-ano ang mga Karapatang pantao ang natutugunan ng
programang ito?
4. Bakit ang pagpapatupad ng batas na ito ay nakakatulong sa
pagpapaunlad ng dignidad ng tao?
Gamitin ang rubriks na nasa ibaba:
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng
pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang
pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na
tulong-pinansiyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang
pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang
may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang matupad ng
mga pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay
sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional
Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na
naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong mundo.
Suriin
Ayon sa Etimolohiya, ang dignidad ay galing sa salitang Latin na “dignitas”,
mula sa “dignus”, na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ang dignidad ay
nagangahulugang pagiging karapat-dapat na tao sa pagpapahalaga at
paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, ano man ang kanyang
gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad. Ang
paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay panghabambuhay.
Habang ang tao ay nabubuhay kailangang pahalagahan at igalang ang
pansariling dignidad at dignidad ng kapwa.
Ayon sa Ancient Stoic Tradition, taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang
maunawaan ang santinakpan at ayusin ang sarili. Ito ang nagbibigay sa tao
ng dignidad na katulad ng hindi masusukat na pagpapahalaga.
Ayon naman sa Western Philosophy, ang dignidad ay tumutukoy sa
obhetibong pagpapahalaga na ang indibidwal ay nagtataglay ng ilang mga
katangian ng pagkilos na may kaugnayan sa kaniyang dignidad tulad ng
kahinahunan, katahimikan, marangal na pamamaraan at pagkilos. Ito rin ay
nababatay sa kaniyang ginawa sa buhay. Ang dignidad din ng tao bilang
pansariling pagpapahalaga ay naaayon sa damdamin.
Samantala, ang Relihiyon ay nagsasabi na nag-uugat ang dignidad ng tao
ayon sa pagkakalikha sa kaniya, kalarawan at kawangis ng Diyos. Ang banal
na imahe ng Diyos ay nasasalamin sa bawat tao. Ayon kay Michael Pennock,
isang theologian, tayo ay nilikhang espiritwal. Hindi tayo simpleng bagay kundi
tao na may kakayahang umalam at ibigay ang sarili sa pakikipag-ugnayan sa
Diyos at sa kapwa-tao. Tayo ay nilikha ng Diyos dahil sa pagmamahal, kung
kaya’t may kakayahan tayong umibig at magmahal na makapagpapanatili
ng dignidad ng tao.
Ang Apat na Uri ng Dignidad:
1. Dignity of Merit - Ito ay nauugnay sa pormal at di pormal na estado ng tao
sa lipunan. Ito ay maaaring tukuyin bilang isang taong may mataas na
katungkulan sa lipunan tulad ng Obispo. Ang dignidad na ito ay tinutukoy na
dignidad ng merito o Dignity of merits. Samantala, sa ilang lugar naman ay
may mga ipinanganak na tinitingala o may mataas na pagkilala o
pagpapahalaga tulad ng mga aristocrat at monarkiya.
2. Dignity as Moral Stature - Nakatali ito patungkol sa pagrespeto sa sarili at
nakadepende sa pag-uugali ng bawat isa. Ito’y batay o resulta ng moral na
kilos ng isang tao kung kaya’t ito ay maaaring madagdagan, mabawasan o
mawala sa pamamagitan o depende sa kilos o gawain ng tao dahil ang
dignidaad na ito ay nakabatay sa kaniyang nagawa.
3. Dignity of Identity – Ito ay nakatali sa pagkakakilanlan ng tao na posibleng
magbago sa pamamagitan ng ibang tao at panlabas na mga kaganapan.
Nakabatay rin ito sa integridad ng isang tao at nakadepende sa kaniyang self-
image.
4. Dignity of Menschenwurde – Isa itong Aleman (German) na salita na ang
ibig sabihin ay pagkakaroon ng likas na dangal na tanggap ng tao. Pang
unibersal na dignidad ito na patungkol sa lahat ng uri ng tao at nananatili
habang siya ay nabubuhay. Dahil tao ka, ito ay taglay mo at hindi mawawala.
May Limang Prinsipyo ang Dignidad:
1. Prinsipyo ng paggalang - Ang bawat pagkilos ng tao ay dapat may
paggalang at lubos na pagpapahalaga sa kapakanan ng ibang tao.
Mahalagang igalang ang sarili upang makapagbigay din ng paggalang sa
iba dahil ang kagalang-galang na tao ay nabubuhay sa dignidad at
paggalang sa sarili. Huwag kaliligtaan na ang mga salitang “pakisuyo”,
“salamat”, “paumanhin”, at “pasensiya na” ay kailangan kung nais nating
patuloy na magtaglay ng pansariling dignidad at dignidad ng kapwa. Ang
pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng tao sa ngalan ng relihiyon, kultura, lahi at
anumang antas ng tao sa lipunan ay isa sa mahahalagang aspeto sa
paghubog ng dignidad ng isang tao.
2. Prinsipyo ng mabuting kalooban - Ang tunguhin ng paggawa ay tungo sa
kabutihan. Ito ay karaniwang naisasagawa sa pamamagitan ng pagtaguyod
sa mga gawaing nagpapatingkad ng integridad at tahasang pag-iwas sa
mga bagay na magbibigay batik at makasisira sa iyong pagkatao. Ang tao
ay may malayang kalooban (will), dalawa lamang ang iyong pagpipilian:
gumawa ng mabuti o gumawa ng masama. Alin man ang gawin mo, ito ay
may kaakibat na responsibilidad.
3. Prinsipyo ng Katapatan - Ang katapatan ay maaaring maipakita sa kahit
anong pagkakataon. Ang pagkilala sa katapatan at integridad ng tao bilang
aspekto ng kabutihang loob ay isang mahalagang susi tungo sa kaayusan at
magandang samahan.
4. Prinsipyo ng katarungan ang pagbibigay sa tao kung ano ang nararapat
para sa kanila dahil ang katarungan ay nakabatay sa karapatan ng tao.
Anumang paglabag sa karapatan ay nawawala ang katarungan. Lahat ng
tao ano man ang antas, uri at kalagayan sa lipunan ay dapat na mabigyan
ng pantay na pagkakataon, marinig ang kanilang boses at hinaing,
magkaroon ng pantay na serbisyo, karapatan sa edukasyon at trato ng
lipunan nang sa gayon, walang naapi at naiiwan.
5. Prinsipyo ng kabutihang panlahat kung ang paggawa ng kabutihan ay
para sa lahat. Ang lipunan nay binuo upang matulungan ang lahat para
matamo ang kanilang kaganapan bilang isang tao. Sa tulong ng
pamahalaan, nagkakaroon ng istruktura at sistema. Nararapat na naibibigay
sa tao ang pangunahing pangangailangan, ang mapayapa, maayos at
mainam na pamumuhay sa pamamgitan ng iba’t ibang serbisyong sosyal.
Karapatan sa libreng edukasyon, abot kayang serbisyong panggagamot,
pagkakaroon ng iba’t ibang mapapasukang trabaho, atbp.
Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa
paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
paggalang at respeto sa kapwa tao o kahit kanino.
Pagyamanin
Panuto : Sa iyong buong long bondpaper, gumawa ka ng hugot o kasabihan
tungkol sa nakasaad sa bawat bilang.
1. Kaisipang natutuhan mo sa modyul na ito.
2. Natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa dignidad.
Gamitin ang rubriks sa ibaba:
Isaisip
Panuto: Piliin ang tamang salita sa kahon na kukumpleto sa talata. Kopyahin
ang buong talata sa iyong kwaderno at isulat ang napiling sagot sa patlang.
Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan, ay may (1)____________________. Kaya pahalagahan mo ang tao
bilang (2)____________________. “Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa
Kaniyang (3)____________________.” At wika Niya “Mahalin mo ang iyong
kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong (4)____________________.”
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin (5.)____________________”
sapagkat ang dignidad ng tao ay nagmumula sa (6)____________________,
kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan, ito ay
(7)____________________, ibig sabihin, taglay ng lahat ng tao.
Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa
pagpapahalaga at (8)____________________ mula sa kaniyang kapwa. Dahil sa
dignidad, lahat ay nagkakaroon ng (9)____________________ na umunlad sa
paraang hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
(10)____________________ at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
(11)____________________ ang lahat. Ang paggalang at pagpapahalaga sa
dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay (12)____________________.
wangis tao dignidad ng iba sa iyo
sarili pantay-pantay pangkalahatan nabubuhay
Diyos paggalang oportunidad pagmamahal
Isagawa
Pagnilayan Mo: Pagnilayan at isulat sa iyong kwaderno and sagutan sa
tanong sa ibaba.
Anu-ano ang aking mga ginagawa upang mapahalagahan ang aking
dignidad? Sino ako?
Gamitin ang rubriks sa ibaba:
Tayahin
Pillin ang pinakaangkop na titik at isulat sa iyong kwaderno ang mga sagot sa
panghuling tayahin.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may dignidad?
a. Isang pulitiko na may pag alinlangan na sundin ang batas
b. Isang pulis na tumatanggap ng suhol
c. Isang mayaman na ipinagyabang ang kaniyang donasyon
d. Isang taong tinulungan paupuin ang isang matanda sa jeep
2. Ang pagka bukod-tangi ng tao ay dahil sa kadahilanang, siya ay
___________.
a. Ginawa ng Diyos na kawangis Niya
b. ginawa ng kanyang mga magulang na gwapo/maganda
c. Ginawa ng lipunan na karapat-dapat
d. Ginawa ng tao para sa kapuwa-tao
3. Paano mo isasabuhay ang “Gintong Aral”?
a. Ipagyabang ang iyong katayuan sa buhay
b. Pipiliin mo ang taong kakaibiganin o pakikisamahan
c. Palagiing magbigay ng tulong sa kapuwa
d. Huwag manira ng kapwa ng walang basehan
4. Saan nagmumula ang dignidad ng tao?
a. Sa Diyos
b. Sa batas
c. Sa relihiyon
d. Sa tao
5. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maiangat ang iyong dignidad,
maliban sa isa:
a. Maging maawain at magkaroon ng respeto sa sarili
b. Maging kontento lang sa kung anong binibigay ng kapuwa
c. Maging kalmado at mahinahon sa mga di inaasahang pangyayari
d. Maging masipag at matapat sa lahat ng pagkakataon
Karagdagang Gawain
Malayang Sanaysay
Panuto : Alamin ang solusyon sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa
dalawang sitwasyon na may kinalaman sa paggalang sa dignidad ng tao.
Isulat ang sa iyong kwaderno at gumawa ng sarling pamagat bawat
sanaysay.
1. Dahil sa CoViD-19 Pandemic marami ang nawalan ng trabaho, paano ito
nakakaapekto sa dignidad ng tao?
2. Dahil sa dami ng cases of CoViD-19 sa mga ospital, sino kaya ang uunahing
gagamutin ng mga doktor?
Gamitin ang rubriks sa ibaba:
Susi sa Pagwawasto
Paunang
Pagtataya
1. D
2. B
3. D
4. D
5. B
6. D
7. C
8. C
9. B
10. D
Isaisip
1.dignidad
2. tao
3. wangis
4. sarili
5.ng iba sa iyo
6. Diyos
7.pangkalahatan
8. pamamahal
9. oportonidad
10. paggalang
11. pantay - pantay
12. nabubuhay
Tayahin
1.D
2.A
3.C
4.D
5.C
Sanggunian
Arnedo, P.J., Brizuela, M.J., et.al. (2015). Modyul sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. P.21-41: FEP Printing Corporation, Pasig City.
Mula sa Internet:
https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-
pilipino-program/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province
Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
Email Address: cebu.province@deped.gov.ph
top related