g8 modyul 8 ang mapanagutang pamumuno at pagiging tagasunod

Post on 15-Apr-2017

3.047 Views

Category:

Education

66 Downloads

Preview:

Click to see full reader

TRANSCRIPT

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8

Ikatlong Markahan

MODYUL 8: ANG MAPANAGUTANG

PAMUMUNOAT PAGIGING TAGASUNOD

May twitter account ka?

Ilan na ang nasundan mo? Ilan na ang followers mo?

Kadalasan, ang mga sikat at hina-hangaang artista at mang-aawit ang maraming followers o tagasunod.

Ano kaya ang katangiang mayroon sila at sila ay sinusundan?

Ikaw, masasabi mo bang lider ka o tagasunod?

Bakit mahalaga na maunawaan at gampanan ang aking tungkulin bilang lider at tagasunod?

Ano ang maaari kong maibahagi sa lipunan bilang mapanagutang lider at tagasunod?

MAHALAGANG TANONG

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:a. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging

mapanagutang lider at tagasunodb. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang

lider at tagasunod na nakasama, namasid, o napanood

c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin

d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod

Paunang Pagtataya(7 MINS)

Ikalawang Bahagi: Paunang Pagtataya sa Kasalukuyang

Kakayahan sa Pamumuno o Pagiging Lider at sa Pagiging Mapanagutang Tagasunod

Panuto: Sagutin nang may katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan kung ang mga pahayag ay ginagawa mo Palagi, Madalas, Paminsan-minsan, o Hindi kailanman. Lagyan ng tsek () ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng iyong kakayahan sa pamumuno at pagsunod.

B. Pagtuklas ng Dating KaalamanGawain 1

Panuto:1. Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa salitang LIDER at TAGASUNOD. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

Hal. Huwaran

LIDER

Hal. Mapagkakatiwalaan

TAGASUNOD

2. Sumangguni sa dalawang kamag-aral. Pag-usapan ang mga isinulat na salita o grupo ng salita tungkol sa lider at tagasunod. Itala ang mga salita o grupo ng mga salita sa angkop na kahon: kung Lider o Tagasunod. TAGASUNO

DLIDER

Gawain 2Panuto:1. Itala ang mga pagkakataon na naging kasapi ka ng mga samahan o pangkat, maaaring sa loob ng paaralan (hal. pangkatang gawain sa klase, Peace Club) o sa labas ng paaralan (hal. Sangguniang Kabataan, basketball team).

2. Ilagay kung ano ang iyong naging katungkulan o kasalukuyang katungkulan. Maaari mong dagdagan ang talaan.

Mga Samahan o Pangkat na Aking

Sinalihan

Aking Katungkulan

Halimbawa: 1. Group 2 – pangkatang gawain sa EsP2. Supreme Student Government3. Dance Troupe (elementarya)Ikaw naman: 1. 2. 3. 4. 5.

Lider

Kalihim Kasapi

a. Suriin ang mga tungkuling ginagampanan mo asa mga samahang iyong kinabibilangan. Ano ang mas marami, ang iyong pagiging lider o ang pagiging tagasunod?

b. Alin sa mga kinabibilangan mong samahan ang labis mong pinahahalagahan? Bakit?

c. Ano ang iyong tungkulin sa nabanggit na samahan? Paano mo tatayahin ang antas ng iyong pagganap sa iyong tungkulin? (Mula 1 hanggang 10; iskor na 1 kung pinakamababa at 10 kung pinakamataas). Ipaliwanag ang iskor na ibinigay.

d. Ano sa palagay mo, ang dapat mo pang gawin upang mapaunlad ang pagganap mo sa mga tungkuling kasalukuyang nakaatang sa iyo?

Gabay na tanong:

Para sa Hanay A

Mga Tanong:1. Suriin ang natapos na lotus diagram. Magbigay ng tatlong mahahalagang bagay na iyong natuklasan sa buhay ng pinili mong lider sa Hanay A at sa Hanay B na nakaimpluwensya sa kanila bilang lider.

2. Paghambingin ang kanilang katangian (ika-7 kahon sa lotus diagram). Ano ang pagkakatulad? Ano ang pagkakaiba?

3. Kung isasaalang-alang mo ang bunga ng kanilang pagpapasiya (ika-8 kahon sa lotus diagram), sino ang nais mong tularan bilang lider? Pangatwiranan.

D. PAGPAPALALIM

Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod

Lider ka ba o tagasunod?

Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider.

Minsan,mayroon na ngang lider atmay tagasunod, hindi pa rinmagkasundo at nagkakaroonng suliranin sa pakikipagugnayanang pangkat.

Alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa ay isa sa mga paraan upang malinang ang iba’t ibang aspeto ng iyong pagkatao tungo sa iyong pagiging ganap.

Kung ikaw ay magiging mapanagutang lider at tagasunod, ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan?

Kahalagahan ng Pamumuno at ng Lider

Maaaring maisulong ng isang lider ang katuparan ng isang layuning makatarungan o ang pagsira sa dignidad ng kaniyang kapwa, matupad lang ang mga layuning makasarili.

top related